(Denchard and Laurish)
“Ako ng torpe, ako ng mahina. But one thing
is for sure, mahal na mahal kita….”
Kasalukuyang
nakatambay sa isang bench at nakikipagkwentuhan si Laurish sa mga kaklase niya
nang bigla siyang tawagin ni Denchard. Nagpapasama itong umakyat sa 4th
floor ng college building nila upang hanapin si Junie. Kaklase rin nila ito na
kagrupo nito.
“Kailangan
talaga, sasamahan pa kita? Hindi mo kaya?” tanong niya rito. Sa totoo lang ayaw
niyang sumama dahil maganda ang pinag-uusapan nilang makakaibigan, tungkol sa
sineng pinanood nila kahapon.
“Sandali lang
naman eh. Sige na please.” Pag mamakaawa nito na nagpa cute pa.
As usual hindi
na naman niya ito matanggihan. Crush niya kasi ito since last year simula ng
lumipat ito sa section nila.
“Nakakainis ka
naman. Wrong timing ka talaga,” wala siyang nagawa, sumama pa rin siya rito.
“Pasensiya ka na
ha. Si Junie kasi, nasa kanya yung output na kailangan na naming ipasa.
Hinahanap na ni Sir Arnold .”
Paakyat na sila sa hagdan ng pigilan ito ni Laurish.
“Teka lang Den!
Ayaw mo maghagdan noh? May elevator kaya.”
“Madaming tao
dun. Siksikan. Maghagdan na tayo.”
“Grabe ha.
Pinagod mo pa ako.”
“Okay lang yan,
para ka namang hindi track and field player.”
“Yun na nga eh.
Sa oval lang ako dapat tumatakbo.”
Hinawakan nito
ang kamay niya. “Tara na. Dami mo pang angal
eh.”
Nabigla siya sa
ginawa nito. Dalawang sem na silang magkaklase pero ngayon lang ito umakto ng
ganun. Ano siya nito? Girlfriend? Teka lang! Hindi nga to nanliligaw o kahit
pahaging man lang. Pormal itong makipag-usap sa kanya at puro subject matters
ang madalas nilang pag-usapan.
Tahimik nilang
binagtas ang 4th floor. Hindi na ito nagsalita. Siya rin naman,
walang masabi.
“Nasaan na si
Junie? Wala naman siya dito eh,” humihingal niyang tanong kay Denchard nang
makarating sila sa 4th floor.
“Sabi niya
nandito siya.”palinga linga pa si Denchard.
“Obvious nga eh.
No signs of him.” Sarkastiko nitong sagot sa kasama.
“Tara . Baba na tayo,” Yaya nito sa kanya.
“Sira ulo ka!”
di niya napigilang singhal dito, “Pinagod pagod mo pa ako. Wala naman pala
tayong dadatnan dito.” Nauna na siyang bumaba ng hagdan. Hindi na niya
naisipang mag elevator pa.
“Uy, Laurish.
Sorry na. Hi-hindi ko naman alam eh.”habol nito sa kanya.
“Whatever!”
sigaw niya rito. Damuhong lalaki ito.
Porke’t crush ko siya, pahihirapan na ako ng husto. Ako naman si tanga, napaka
gullible. Naiinis na sabi na lamang niya sa sarili.
Pagbalik niya sa
tambayan nila ay nandoon si Junie, nakikipag kuwentuhan sa iba pa nilang mga
kaklase.
“Anak ng
tinapay! Andito ka lang pala Junie,” naiinis na baling niya dito.
“Teka anong
kasalanan ko?” pa inosenteng tanong nito.
“Ang sabi mo daw
kay Denchard nasa 4th floor ka. Nakakainis! Nakakapagod kaya!”
“Napagod ka mag
elevator?” sabat ni Nicson sa usapan. Kaklase rin nila ito.
“Yung magaling
niyong leader, pinag hagdan ako!” naiirita pa ring niyang sagot.
“Sinamahan mo
naman,” nangingiting asar dito ni Junie.
“Tseh!” sabay
irap at tinalikuran na niya ito, sabay pagtalikod niya ay dibdib ni Denchard
ang bumangga sa mukha niya.
“Sorry.” Bakas
sa mukha nito ang pagkadismaya. Teka. Bakit mukha siyang dismayado? Dahil ba sa
hindi niya nakita si Junie sa 4th floor?
“Laurish! Tara na! May research pa tayo.” Tawag ni Jona sa kanya.
Ang leader naman ng grupo nila sa Thesis.
Akmang susunod
na siya sa kaibigan ngunit nakipag patintero pa sa kanya si Denchard, “Sabi ko
sorry.”
“Sa’yo na yang
sorry mo. Huwag kang humarang diyan. Masyadong malaki ang dibdib mo.” Tinabig
niya ang kaliwa nitong braso dahilan upang maka alis na siya.
“Enk! 1 point!”
narinig niya pang sigaw ni Nicson. Tawanan ang mga ka grupo ni Denchard. Ano kayang problema ng mga iyon?
Nagtatakang tanong ni Laurish sa sarili.
-O-
One text
message received.
“Pcnxa na tlga
Laur,wg ka ng mgalit.” Text ni Denchard sa kanya kinagabihan.
Buburahin na sana niya ang text nito
pero mas pinili niya pa ring mag reply. Nanaig ang puso niya, “K. My mggawa pa
ba q? tpos na un e.”
“Meron.” Nagulat
si Laurish sa reply ng kanyang crush.
“Anong meron?”
nagtatakang tanong niya dito.
“Sma ka sakn
bukas. Sby tau meryenda.”
“At bkt?”
“Pambawi lng.
Bukas ha! Tnx,nyt!”
Hindi pa naman
siya umoo ha. Ayos talaga tong lalaking ito! Napaka dominant. Hay, wala naman
siyang magagawa. Sasama pa rin siya. Kulit ng puso niya eh, ayaw paawat.
-O-
Sa isang burger
stand sila nagmeryenda ni Denchard.
“Oh, bayaran mo
na yung kinain natin.” Utos sa kanya nito. Ayos
talaga tong lalaking ito ah! Ako pa
manlilibre sa kanya. Kunsabagay estudyante pa lang naman kami. Naiiling na
wika na lamang ni Laurish sa sarili. Kumukuha na siya ng pera sa bag niya ng
pigilan siya ni Denchard. “Joke lang. Ito naman. Ako na,” sabay abot nito ng
pera sa kahera.
“Sabi mo bayaran
ko na eh.”
“Sumunod ka
naman. May sweldo naman ako noh.” Tukoy nito sa kumpanyang pinag OOJT han nito.
“Ako din naman
noh.”
“Kahit na. Ako
nagyaya eh. Syempre sagot ko.”
“Nga pala, sama
ka mamaya ha. Birthday ni Nicson.”
“Ayoko.”
“Bakit naman.”
“Baka ma OP lang
ako. Hindi ko naman kayo masyadong ka close eh. Buti sana kung kasama sila Jona.”
“Andun naman ako
eh.Hindi ka ma OOP,” sabay subo nito sa huling piraso ng burger, “Tsaka alam mo
naman na magkaaway si Nicson at Jona. Malamang hindi talaga sasama yon.”
“Eh bakit ako?
Bakit hindi nalang si Jessica isama mo?” tukoy nito sa current rumored
girlfriend nito. Pareho kasi nilang ayaw umamin. Kapareho nila ng course ang
babae, yun nga lang ay sa kabilang section ito. Kung saan dati galing sina
Denchard at Nicson. Kalat sa classroom nila na girlfriend niya ito pero hindi
naman ito sumasagot kapag may nagtatanong kung sila nga ba talaga.
“Wala na kami,
nung isang buwan pa,” pagtatapat nito sa kanya.
Himala at
nagsalita ito. Dati kasi ay iniiba nito ang usapan pag tinatanong niya mismo.
“Showbiz ka rin eh noh? Aamin lang kung kelan break na.” pagbibiro nito.
Somewhere in her heart natuwa siya sa narinig. It means single ito ngayon. Teka
lang, sisiguruhin muna niya. “Ibig sabihin may bago ka na ngayon?”
Hindi ito
sumagot sa tanong niya. Nanatili itong tahimik hangga’t hindi nauubos ang iniinom
nitong C2.
“May klase pa
tayo. Tara na.” yaya nito sa kanya.
“Ang daya mo
talaga!”
Sayang..
-O-
Eto siya ngayon,
nakikisaya sa mga kaibigan ni Denchard. Ayaw man niya, wala siyang magagawa.
Masyadong naghahari ang puso niya. Kaya kahit wala ang mga kaibigan niya nagawa
niyang makisama sa mga ito na hindi naman niya masyadong mga close. Pero
mabilis naman niyang nakagaanan ng loob ang mga ito.Lalo na si Nicson,
napakakulit at kalog sa labas ng classroom. Dito lang din niya nakitang
tumatawa ng malakas si Denchard. Lalo tuloy itong gumwapo sa paningin niya.
Sayang wala ang mga barkada niya. Makukulit at maiingay din kasi sila kapag
lumalabas sila.
“Okay ka
lang?”tanong sa kanya ni Denchard. Bigla kasi siyang nanahimik. Iniisip niya
ang mga kaibigan niya lalo pa’t hindi sang-ayon ang mga ito sa pagsama niya
rito. Baka daw kasi masaktan lang siya dahil nga sa may mahal na itong iba at
yun nga ay si Jessica.
“Oo naman.”
Ngumiti pa siya upang ipakita rito na nag eenjoy siya. “Huwag ka masyadong
uminom ha. May survey pa kayong gagawin bukas.” Paalala nito sa katabi.
“Hindi talaga
ako pwede magpakalasing, ihahatid pa kita eh.”
“Hindi ka naman
obligado.”
“I insist.”
“Mahal mo pa ba
siya?”
“Sino?”
“Si Jessica.”
Hindi ito
sumagot bagkus ay tinungga nalang ang natitirang laman ng beer nito. “Ang daya
mo talaga.” May himig ng pagtatampo sa boses ni Laurish.
“Ayoko kasing
nag oopen up ng nararamdaman ko eh.”
“Hindi ko naman
ipagkakalat.”
“Alam ko pero
hindi lang ako sanay. Sana
maintindihan mo.”
“Paano ka
magagawang mahalin ng taong mahal mo kung hindi ka magsasalita,” makahulugan
nitong tanong sa lalaki.
“Action speaks
louder than words.”
“Andun na ko
pero sana
maisip mo rin na kaming mga girls, kailangan namin ng assurance. Mahirap kasi
mag assume. Baka umaasa lang kami sa wala.”
“Hindi na.”
“Anong hindi
na?”
“Hindi ko na
siya mahal.”
“Bakit? Ano bang
nangyari?”
“Ayoko na
idetalye. Tapos na iyon eh. Ayoko na talagang binabalikan pa ang nakaraan. Isa
pa-.” natigilan ito ng makita ang taong kadarating pa lang.
“Hi Jess! Tagal
ha!” bungad ni Nicson dito.
“Sorry. Ito
kasing si Jake hinintay ko pa mag-out sa trabaho niya. Happy birthday.”
Hinalikan pa nito sa pisngi si Nicson.
“Boyfriend ba
niya yung kasama niya?” pabulong na tanong ni Laurish kay Denchard. Tango lang
ang sinagot nito. Naunawaan na ni Laurish ang mga nangyari kahit hindi na
magkuwento pa si Denchard.
“Uwi na tayo?”
yaya nito sa katabi. Siya na mismo ang nakaramdam ng tensiyon sa paligid.
“Sige.” Tumayo
na si Denchard sa pagkakaupo at hinawakan siya sa kamay upang patayuin na rin.,
“paalam na tayo kay Nicson.”
-O-
“Ingat ka
pag-uwi ha.”
“Salamat.”
“Salamat din sa
paghatid. Sana
maka move-on ka na.”
Muling natigilan
si Denchard. Tinitigan ng matagal si Laurish, mukhang may gustong sabihin
ngunit tumango lamang ito.
“Bye.”
“Bye.”
-O-
Napabalikwas sa
pagkakahiga si Laurish ng marinig ang ringing tone ng kanyang cellphone.
Denchard calling…
“Tulog ka na?”
bungad na tanong ni Denchard kay Laurish.
Mahigit isang oras na mula ng ihatid niya ito.
“Patulog na sana . Bakit?” Sa totoo
lang hindi siya makatulog. Mag open up ba naman sa’yo ang taong gusto mo ngunit
nalalabuan ka pa rin sa mga itinatakbo ng mga pangyayari, makatulog ka kaya?
“Thank you.”
“Para san?”
“Kasi naka pag
open-up ako sa’yo. Sa totoo lang hindi ko nature yun eh. I just realized
something.”
“Ano yung na
realize mo?”
“Yung mga sinabi
mo sa akin kanina.”
“Alin dun? Ang
dami kong sinabi eh.”
“Na I should
speak more often for my girl’s assurance.”
Biglang
kinabahan si Laurish sa narinig. “So?”
“ I-I’m sorry if
na torpe ako last time na pinaakyat kita sa 4th floor.”
“What?! Teka
teka! Bakit torpe? You wanted to say something that day na hindi mo nasabi?”
“O-Oo.”
“And what was
it?”
“I want you to
be my girl.”
Katahimikan. She
didn’t expect this. Hindi kaya nakainom lang ito kaya nito nasasabi ang mga
naririnig niya ngayon?
“Laur.”
“So-sorry. I
just don’t know what to say.”
“Ayokong isipin
mo na gagawin kitang panakip butas, right now I’m still moving on. I hope you
can wait for me.”
“Oo naman. Wait.
Are you trying to court me?”
“Eventually yes.
May pag-asa ba?”
“Hindi ka lang
torpe, ang dami mo pang paligoy-ligoy.”
“Pasensya ka na.
I’m not used to it, but I will.”
Bahagyang natawa
si Laurish. Hindi niya ini-expect na pwede niyang mabago ang isang tao.
“Bakit ka
natatawa. Nagmumukha na ba akong tanga?”
“Nagtataka lang
ako, para kang highschool manligaw. I wonder paano naging kayo ni Jessica?”
“Believe it or
not, siya ang nag initiate. Siya rin ang nakipagbreak. Dahil nga kay Jake.”
Marami pa silang
napagkuwentuhan. Hindi nila namalayan, madaling araw na pala.
-O-
Sa paglipas ng
mga araw, naging expressive na nga si Denchard sa tunay na nararamdaman nito.
“Laurish, paano
ba ang gagawin dito,” minsang lumapit ito sa dalaga para magtanong ng
assignment. Hinila niya ito sa isang sulok ng classroom nila at pinakita ang
nakaipit na papel sa text book. “I love
you Laurish Diaz. : )”
“Ang corny mo,
Dela Cuesta.” Natatawang nailing siya dito. Deep inside, kinikilig siya.
“Huwag kang
maingay baka isipin nila hindi tungkol sa Taxation ang pinag-uusapan
natin,”halos pabulong nitong sabi kay Laurish.
Natatawa na
lamang siya sa style na ginagawa ni Denchard.
“Labas tayo
bukas ha.”
Nakangiting
tumango na lamang si Laurish. She’s so happy.
Graduation Day
“ Mag iistart na
ko bukas sa company na pinag OJT han ko.” Kwento ni Denchard kay Laurish.
Palabas na sila ng kanilang Alma Matter.
“Uuwi muna ako
ng province,magpapahinga lang saglit.”
“Sana pagbalik mo, sagutin
mo na ako.”
“12 months ago
ng magtapat ka sa akin. Sige na nga.”
“Anong sige na
nga?” nalilito nitong tanong sa dalaga.
“Yes.”
Tilian ang mga kaibigan nila na nakikinig pala
sa usapan nila.
WAKAS
No comments:
Post a Comment