Saturday, October 5, 2013

Rr




Tama ang kasabihang kapag nagmahal ka, kailangan mong magtira para sa sarili mo. Kasi kung gaano mo siya kamahal, ganun din ang sakit na mararamdaman mo kapag nawala siya sa buhay mo.
It was my first love kaya naging sobrang sakit nito sa akin.
Rr and I were best of friends bago naging kami. Laging magkasama sa mga lakad, mag classmate, at matalik na magkaibigan. I never thought na maiinlove ako sa kanya kasi nga magkaibigan lang talaga ang turingan namin. Until one day, napaamin siya ng mga kaibigan namin, na crush pala niya ako. I didn’t expect that hanggang sa pati ako, nagkaroon na rin ng special feelings for him.
Sabay kaming umuuwi from school, at habang naglalakad kami… Isa ito sa mga eksenang hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.
“Mia, gusto kita maging girlfriend,” pagtatapat niya.
“Pero, paano yung friendship natin? Sayang naman kung masisira yon. Paano kapag kunwari nagbreak tayo?” tanong ko sa kanya. Although, may feelings na ako for him that time, nag-aalangan pa rin ako dahil sa magbestfriends nga kami.
“Huwag mo kasing isipin na maghihiwalay tayo,”
Ito lang ang nasabi niya pero ewan ko ba kung bakit sobra akong natouch o napaka gullible ko lang talaga that time. “Sige, pumapayag na ako,” sagot ko sa kanya. Hindi na ako nagpaligaw since magkaibigan naman na kami.
Naging masaya kami during our first weeks. Hindi ko inakala na magiging ganon ako kasaya with him as her girlfriend. Ang sarap pala ng feeling ng mainlove. He was my first boyfriend kaya sobra ko siyang minahal. Kahit tutol ang mga magulang ko since I was only 15 that time, pinaglaban ko pa rin siya. We promised to each other na walang bibitaw at hindi magiging hadlang ang parents ko sa pagmamahalan namin. I assured my parents na hindi maaapektuhan ang studies ko. Mas naging inspired pa nga akong mag-aral because of him. Lagi pa rin akong nasa top 10 ng klase noon and we never escape to our boundaries. You know what I mean, hanggang holding hands at kiss lang kami. Nothing more than that. 
Just like any other couples, nagkaroon din kami ng mga hindi pagkakasundo. Kahit pa na magkaklase kami, lilipas ang mga araw na hindi kami magpapansinan. And every time it happened, sobra akong nasasaktan kapag hindi niya ako pinapansin o dinadaan daanan lang.
One time, we had a small fight. May hindi lang kami napagkasunduan at bigla na lang niya akong hindi pinansin. Lumipas ang dalawang buwan na hindi pa rin kami nag-uusap. Imagine, nasa iisang classroom lang kami pero hindi kami nag-uusap.
Ang sabi sa akin ng mga kaibigan ko, wala na raw balak pang makipag-ayos sa akin si Rr. Kinakausap kasi nila ito para makipagbati na sa akin pero ayaw daw talaga nito. At isa pa sa mga pinakamasakit na narinig ko ay mahal pa din daw nito si Sheryl. That’s the girl na sobra niyang minahal before me. Classmate niya ito last year and then na transfer siya sa section ko. Niligawan niya ito kaya lang hindi siya sinagot dahil may iba itong gusto.  I thought, ako na ang mahal niya dahil yun ang lagi niyang sinasabi sa akin noon, pero nagkamali pala ako!
To confirm this thing, naglakas loob akong kayusapin siya.
“Rr, pwede ba tayong mag-usap sa fire exit?” lumabas na ako ng classroom at  buti naman sumunod siya.
“Bakit?” tanong niya. Grabe! Wala talaga siyang balak kausapin ako. Sa mahigit dalawang buwan na hindi namin pagkikibuan, wala siyang gustong sabihin sa akin.
“Ayoko na! Suko na ako!” Hindi ko na magawang sabihin pa ang mga gusto ko pa sanang sabihin dahil umiiyak na ako. That’s all I have to him said at umalis na ako sa harap niya. Akala ko, hahabulin niya ako but he never did. Hindi na nga niya talaga ako mahal o minahal niya nga ba ako ng higit pa sa bestfriend?
Ang pag-uusap naming iyon ang nagtatak ng aming formal break-up.
After one week, nagtext siya sa akin. For the past two months, never rin siyang nagtext . Hindi siya nagrereply pag nagtetext ako sa kanya.
“Mia, sorry. Narealize ko lang na siya pa rin pala ang mahal ko. Wala lang ako lakas ng loob para sabihin ito sa’yo.” He texted.
“Sobra kitang mahal R! Ipinaglaban kita sa parents ko pero anong ginawa mo? Sinaktan mo lang ako. Sana pala naging magbestfriend nalang tayo.” Kahit hindi ko siya kaharap ay umiiyak ako.
“Baka pwedeng maging magkaibigan nalang ulit tayo. Ibalik natin yung dati,” he said.
Para namang ganun lang kadali yun. Kalimutan nalang namin ang mga nangyari ng basta basta at bumalik bilang maging mag bestfriend. May saltik ba siya sa ulo?
“Asa ka pa! Never! Wala na akong balak makipagkaibigan pa sa iyo. Magsama kayo ng Sheryl mo. I wish, mahalin ka rin niya tulad ng pagmamahal ko sa’yo.” Reply ko with full of bitterness.
“Kami na ni Sheryl,” sagot niya. Parang bombang sumabog ito sa ulo ko! Sila na pala! Kaya pala, hindi na siya nakipag-ayos sa akin. The nerve! To hell with both of you! Magsama kayo! Manloloko!

Dahil sa depression, naging sandalan ko ang chocolates kaya medyo tumaba ako after we broke-up. Naging matakaw rin ako sa rice at sa iba pang sweets. This was my way of moving-on.
Pagkagraduate ng highschool, unti unti na ring nawala ang sobrang sakit na  naramdaman ko. Buti nalang at magkaiba kami ng school na pinasukan pagtuntong ng college kaya tuluyan ko na siyang nakalimutan.

One of the best things I have learned here,  huwag natin ibibigay ang 100% na pagmamahal para hindi tayo masaktan ng sobra. Thanks to my friends and family na lagi kong kasama at nagpapasaya sa akin. And syempre kay Papa God, na naiiyakan ko rin habang kausap Siya.
It’s a fact na si Rr ang first boyfriend ko kaya sobra ko siyang minahal. And also thanks to him dahil naranasan ko kung paano ang magmahal ng wagas at matuto mula sa isang kamalian na gaya nito.


No comments:

Post a Comment