Saturday, October 12, 2013

Love to Meet at the Right Time

Blooming
(Season 3: Arnold and Liezl)
She’s Liezl. Bubbly, loud, a girl with everyday smile.
He’s Arnold. Quiet, reserved, torpe number one, well kept.

But after three years, the world revolved.
She’s now more serious, focused, and all the smiles she’s wearing three years ago were all hidden underneath her once-warm-became-so cold-heart.
While him became so joyful, outspoken, noisy and showy of what he really feels.
What if they meet again after their high school graduation?
Will there be any chance for them to be together again just like before?











Chapter 1 –

“I like you.” Arnold declared.
“Ha? What? Ako like mo? Paanong nangyari yon?! Bakit ako? Kelan pa? Saan? Hindi nga?” sunod-sunod na tanong ni Shane Liezl Licaros or simply as Liezl sa pinakatahimik at pinakasupladong kaklase.
Hindi na ito muli pang nagsalita.
As usual to her, kinulit kulit niya ito pero sadyang pinaglihi yata ito sa matigas na pader.
“Nakakainis ka naman, Pineda!” she’s already hopeless with this guy. Ito talaga yung tipo  tao na magsasalita lang kung kelan nito gusto.
Arnold.” She corrected her. Ayaw kasi nitong tinatawag siya sa kaniyang apelyido.

Okay, sige ako na ang magbubuko kay Arnold.
Ganito kasi yon. It was during their second year in highschool nang muntik ng mahulog sa hagdan si Liezl mabuti na lamang at nasa unahan niya si Arnold. Sakto pagtili niya ay humarap si Arnold kaya siya nasalo nito.
Katulad ng mga napapanood niya sa mga koreanobela at telenobela pati na rin sa mga pelikula mapa foreign man o local, ay parang tumigil sa pag-ikot ang mundo. Pakiramdam niya ay sila lang dalawa ang nag-eexist sa mundong ibabaw.
Para silang nasa stop dance sa isang Christmas party, tumigil ang music at kailangan rin nilang huminto sa pagsayaw o paggalaw dahil kung hindi ay ma-a-out sila. For her, it feels like heaven. Ganito pala ang pakiramdam ng mga bidang babae sa mga palabas na napapanuod niya. Ang saya lang kahit buwis buhay.
And for him, it was the first time na may makatitigan siyang babae and he finally realized na maganda rin naman pala si Liezl sa kabila ng pagiging makulit at maliit nito. From then on ay naging crush na niya ito. Weird pero yun talaga ang naramdaman niya eh. But he assured that no one will know his little secret except himself.
Ngayon nga ay fourth year na sila at nagseselos siya everytime na may makakakulitan o masayang makakakwentuhan si Liezl na lalaki. Liezl has improved a lot. Mas nagmukha na itong dalaga at gumanda rin ang hubog ng katawan. The height remains the same pero ayos lang dahil nadadala naman nito ang sarili.

“You said you like me pero hindi ka na nagsalita diyan. Gusto ko lang naman malaman kung gaano mo ako ka-like. As in more than crush ba yon, or like lang dahil cute ako or mabait ako or something.” Liezl pouted her lips. “Ngayon ko lang narealize, ang labo mo pala talagang kausap.”
“Basta gusto kita. Yun na yun.” Umalis na ito sa tabi ni Liezl at naglakad na palabas ng P.E. room nila.
Sobrang natuwa siya sa ipinagtapat nito. If only she could shout it out loud sa buong Fort Bonifacio High School! His secret crush also likes her! Sinong mag-aakala na ang snob at sobrang tahimik na si Arnold ay magkakagusto sa kanya? Sabi naman ng nanay niya ay maganda siya so sige maniniwala siya na pwedeng iyon ang dahilan kung bakit siya nagustuhan ni Arnold.
Nagustuhan rin niya si Arnold dahil sa mysterious look nito. Madalang lang itong magsalita at ngumiti. Walang kaibigan sa classroom maliban sa kanya na madalas ay siya pa ang lumalapit para magpapansin dito este samahan ito.
“Huy! Teka lang naman!” habol dito ni Liezl. “Ibig sabihin ba nun, tayo na?”
Muntik ng madapa si Arnold sa sinabi niya. Nagtatakang tumingin ito sa kanya.
Arkong arko ang makapal nitong kilay.
“Gusto mo ako, eh gusto rin kita. Para hindi ka na mahirapang manligaw, edi tayo na! Kasi hindi ka naman masyadong nagsasalita. Baka mahirapan akong pahirapan ka. Yung mga tanong ko pa nga lang ngayon hindi mo na sinasagot, paano pa kaya yung sa iba.” Sa totoo lang, hiyang hiya siya habang sinasabi ang mga iyon. Tatlong sachet yata ng kape ang pinapak  niya kani-kanina lang para makapag-propose sa isang lalaki ng ganun. Tinalo niya pa si Super Kidlat sa bilis. Kaya eto’t habang nagsasalita ay sa lupa siya nakatingin. Oo madaldal siya at medyo malakas ang self confidence pero may hiya pa rin naman siyang tinatago sa katawan. Yun nga lang ay tagong-tago.
“Psssst!”
Napatingin siya dito. “Ano ako, aso? Pagkatapos ng lahat ng sinabi ko, sisitsitan mo lang a-…” hindi na niya naituoy ang mga sasabihin pa dahil for the first time ay nakita niya itong ngumiti sa kanya. Yung tipo ng mga ngiti na para lang talaga sa kanya.
Is this heaven? Bakit niya ba tinatago ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin? Oh God! Pwede na akong mamatay! Ay hindi pa po pala. Sorry. Mag-aasawa pa po ako.
“Ang daldal mo.” Tanging nasabi ni Arnold sa kanya, pagkatapos ay tumalikod na ito ulit at naglakad palabas ng school ground.
Kahit wala na si Arnold sa harapan niya ay nakatulala pa rin siya.
Ibig sabihin ba nun, kami na?! Parang tangang tanong niya sa sarili.
Yes! May boyfriend na ako! Yahoo!  Well, she assumed na sila na nga talaga.
Oh siya, edi sila na!
Don’t worry because the feeling is mutual.
-00-

“Seryoso Zel, kayo na?! Parang hindi naman namin naramdaman na nanligaw sa’yo si Arnold. I bet ikaw ang nanligaw sa kanya noh? Yung mga paghila-hila at paglapit-lapit mo sa kanya, yun yung mga oras na nanliligaw ka.” Lian mouthed her.
“Bibig mo ‘te! Mas maingay ka pa sa akin. Hindi ako sanay.” Sita naman niya rito.
“Hindi nga, Zel? Kayo na talaga?” Tanong rin ni Joann sa kanya.
Pati si Violet, Mary at Kath ay hindi rin makapaniwala.
Paanong ang isang lalaking may zipper sa bibig ay napasagot ni Liezl?
“Oo nga! Paulit-ulit? Kinuwento ko na di ba?” Nakukulitan na siya sa mga kaibigan niya.
Sinabi na nga niya ang buong detalye ng mga nangyari kahapon after ng P.E. class nila ay ayaw pa rin maniwala ng mga ito sa kanya.
Oo madaldal at maingay siya pero hindi naman siya sinungaling.
“Fine. Edi kayo na. Congrats!” Sa tono ni Lian ay hindi pa rin ito naniniwala.
“Ang hirap namang tanungin ni Arnold, as if naman sasagot yun.” Ani Joann.
“Tama!” Mary and Violet seconded.
“Edi subukan niyo.” Kath suggested.
“Hindi na. Asa pa kami.” Itinuon na ni Lian ang atensiyon sa pagrereview.
Arnold! Kayo na ba talaga ni Liezl?” Kung makatanong si Kath ay parang nasa kabilang bundok ito to the point na nasa kabilang row lang naman ito nakaupo, katabi ni Rex at Ramil.
“Wala kayong mapapala diyan. Para lang kayong nakikipag-usap sa hangin.” Komento ni Liezl na hindi lumilingon sa gawi ni Arnold. She’s shy. Ngayon lang. Dati namang makapal ang mukha niya. Ngayon lang siya tinablan ng hiya.
Biglang naghiyawan ang mga kaibigan niya pati na rin ang iba nilang mga kaklase.
“Yun oh!”
“Ang sweet!”
“Sino nanligaw?”
“Kayo ha!”
Iba’t ibang reaksiyon ng mga kaklase niya.
Lumingon na siya sa gawi ni Arnold at pagkatapos ay sa mga kaibigan niya. “Bakit? Umamin?!” Baling nito kay Kath.
“Oo kaya! Ayiiihhh!” duet pa sina Mary at Violet.
“Naks! Ikaw na malakas ang loob!” ani Lian sa kanya.
“Hindi nga? Sumagot siya?” paninigurado niya pa. Malay ba niya kung pinagtitripan lang siya ng mga kaklase.
“Oo! Tumango siya!” Si Joann ang sumagot sa tanong niya.

So it’s official, may boyfriend na nga talaga siya! Ang saya naman niya.
Kinikilig talaga siya, she swears!




Chapter 2 –

“Nakakainis! Hindi ko maramdamang may boyfriend ako! Alam mo yun! Siyempre gusto kong maranasan yung holding hands, date sa park o kahit sa canteen man lang sana. Yung I love you, I love you too. Petty things like that. Grabe. Para akong may boyfriend na multo! Buti pa nga multo marunong magparamdam.” Pagsisintir niya sabay subo ng isang malaking slice ng cake.
“So, yan ang dahilan kaya pinapunta mo kami dito sa bahay mo?” Lian asked her. “Tsk! Sayang ang isang araw ko, alam mo bang may tutor ako dapat ngayon. Bayaran mo ang oras ko ha!”
“Ito naman, parang hindi kaibigan. Sabado naman eh! Bukas ka nalang magtutor. Sakto yun para pagdating ng Lunes, fresh pa sa utak ng alaga mo yung mga itinuro mo sa kanya.” Katwiran naman niya.
“Mukha mo Liezl Licaros!”
“Correction Shane Liezl Macaraeg Licaros!” singit naman ni Joann. “Kung ako sa inyo, ikain niyo nalang yang mga stress niyo.” Turan nito kina Liezl at Lian.
“Ako madaldal, yung boyfriend ko tuod. Saklap lang ng buhay ko.” She feels so helpless.
Hindi niya alam kung tama bang siya ang nagpropose na maging sila kaya eto’t nagdurusa siya. Disappointed siya dahil ang mga imaginations niya having a real sweet boyfriend ay hindi nagkakatotoo.
“Kung ako sa’yo, kausapin mo siya. Wala namang hindi nadadaan sa mabuting usapan eh.” Payo ni Lian sa kanya. “Isa pa, girlfriend ka niya so natural lang at may karapatan ka namang magdemand.”
Tumango tango naman si Violet bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kaibigan. “Siguro kasi hindi niya rin alam ang mga gagawin. First girlfriend ka niya at hindi niya siguro alam kung paano siya kikilos kapag kayo lang dalawa ang magkasama. You know, there’s always a first time to everything.”
“So it means, kailangang si Liezl ang mag first move? Diyahe naman yun, girl.” Komento ni Mary sa takbo ng usapan.
“Oo nga. Siya na nga nanligaw.” Ani Joann.
“Correction, nagpropose bilang maging jowa hindi nanligaw.” Pagtatama niya Hindi siya nanligaw noh. Nagpacute at nagpapansin, Oo.
“Okay, fine. I stand to be corrected.” Bawi naman ni Joann sa unang sinabi. “Siya na nga ang nag-initiate na maging sila, pati ba naman sa mga sweet gestures, siya pa rin? Edi sana, nagpalit nalang sila ng kasarian.”
“Ang point ko lang naman, kausapin siya ni Liezl ng maayos. Sabihin sa kanya lahat ng hinaing ng kaibigan natin. Hindi yung tayo ang naaabala!” depensa ni Violet.
“May point ka diyan, Purple! Dapat talaga, marami akong gagawin ngayong araw na ito eh.” Lian seconded her friend.
“Violet! Hindi Purple.” Pagtatama naman nito sa madalas itawag sa kanya ni Lian.
“Pareho lang yun!” Katwiran ni Lian.
“Magkaiba ng spelling, syllabication, number of letters. Pati na rin ng shade.” Violet insisted.
“Eto na naman tayo.” Singit ni Mary sa bangayan ng dalawa.
“Ang layo na ng narating ng usapan natin mga ate!” Natatawang sita ni Joann sa mga kaibigan.
“Magsi-uwi na nga kayo. Lalo lang gumugulo ang mundo ko eh.” Pagtataboy ni Liezl sa mga kaibigan.
“Hay, salamat!” nauna ng tumayo si Lian mula sa pagkakasalampak sa sahig.
Nagsisunuran naman ang iba pa niyang mga kaibigan patungo sa pinto.
“Salamat sa pakikinig. Ingat silang lahat sa inyo!” biro niya pa sa mga kaibigang nasa labas na ng bahay nila.
Lian: Welcome!
Joann: Ayusin mo yang problema mo!
Violet: Makipagbreak ka na!
Mary: Tama! Bato naman yung jowa mo eh!

“Mga may sapak!” Tangi niyang sabi. Salamat sa mga kaibigan niya at sumaya saya naman siya.
At least may nasasabihan siya ng mga hinaing niya sa buhay. Buhay pag-ibig to be specific.
Hindi niya kayang i-open up kay Ronald ang mga gusto niyang mangyari o maramdaman. Kung kaya’t ibang paraan na lang ang naisip niya. Sana lang mag work-out. Hay, good luck naman sa kanya.
Kung sana ay ganun lang kadali sabihing, hawakan mo naman ang kamay ko! Ilibre mo naman ako! Date naman tayo. Pahingi namang love letter diyan o regalo. Ay, sus! Matagal ko ng ginawa. Nuknukan ka naman kasi ng manhid, Pineda!
Naiinis niyang sabi sa sarili.
-00-

Masyadong mainit ang panahon sa labas ng school pero pakiramdam ni Liezl ay nasa North Pole siya dahil sa kausap na dinaig pa ang isang malaking ice berg.
“It’s not working anymore. Ayokong mag-kaboyfriend ng multo. Mag-break nalang tayo. Tutal parang hindi naman tayo eh.” Sabi niya sa kausap. How she wished na pigilan siya nito sa gusto niyang mangyari. Kung sana lang ay kasing daldal at kasing showy niya ito ay wala sana silang problema.
As expected, hindi ito sumasagot.
“Ano ba Pineda?! Magsalita ka naman.” Asar na siya sa kausap. Konti nalang ay tutulo na ang mga luha niya dala ng pagkainis.
Arnold.” Sagot nito.
“Tseh! Ewan ko sa’yo! Bahala ka! Diyan ka na! Huwag mo akong susundan!”  Subukan mo lang hindi sumunod. Maglason ka na! Nag walk-out na siya sa harap nito. Pero wala yata talaga itong balak na sundan siya.
Lumingon siya for the last time pero nanatiling nakatitig lamang sa kanya si Arnold. She doesn’t know kung tama ba ang nakikita niyang kalungkutan sa mga mata nito o imagination niya lang iyon.
Ah ewan! Sumakay na siya ng jeep bago pa siya maglumpasay sa iyak.





Chapter 3 –

 “Waaahhh! Ang sakit sakit lang! Wala na siyang sinabi, wala pa siyang ginawa!” atungal ni Liezl sa harap ng mga kaibigan.”Ang gusto ko lang naman, habulin niya ako o pigilan na makipagbreak sa kanya tapos magpapakaboyfriend na siya sa akin, pero hindi niya ginawa. Waaaahhhh!” Patuloy siya sa pag-iyak.
Inalo naman siya ni Lian. “Tama na yan. Ubos na yung tissue nila Joann.” Andito sila ngayon sa tahanan nila Joann upang gamutin ang sugatan niyang puso.
Ano ‘to? Clinic?
“Wow, mas concern pa si Lian sa tissue kesa sa’yo Zel. Kaya kung ako sa’yo tumigil ka na.” Kumuha naman si Violet ng juice at inalok itong uminom. “Oh? Gusto mo? Para may pam produce ka pa ng luha.”
Tumanggi naman siya at kumuha ng panibagong tissue sa box. “Ang sakit kaya. Siya ang first love ko. Tapos ganito lang ang ginawa niya sa akin?”
“Sure ka, first love? Eh ano sila Bryan, Joshua at James?” pambubuking ni Mary dito.
Natigilan siya sa pag-iyak. Oo nga pala. Nagkaroon din siya ng malakas na tama sa tatlong lalaking binanggit ni Mary. Yun nga lang, hindi siya naglakas loob na sabihin sa mga ito ang pagsintang irog ng pagmamahal niya.
“Oo na, sige na. First boyfriend nalang!” Bawi niya sa huling sinabi.
“Boyfriend ba ang tawag dun?” ani Kath na busy sa paglantak ng banana que.
“Mga kaibigan ko ba talaga kayo? Bakit ba kumokontra kayo sa pag-eemote ko? Nasaktan na nga ako eh tapos ganyan pa kayo.” Paghihimutok niya.
“Eh kasi naman Zel, wake-up! Hindi ka dapat nagbubuhos ng timba timbang luha para sa lalaking katulad niya. Besides, tama naman sila eh. Para ka naman talagang walang boyfriend so para saan ang pag-eemote mo?” pagpapaliwanag ni Joann sa kanya.
Natauhan naman siya sa sinabi nito. Oo nga naman!
“Di bale, last na ‘to.” She assured her friends at kumuha ulit ng isang tissue at suminga.
“We hope so. At sana next time kung kukuha ka ng jojowain yung marunong magsalita ha. Yung hindi tango, oo at hindi lang ang kayang sabihin.” Sermon pa sa kanya ni Lian.
“Opo, lola.” Sagot niya sa kaibigan. This time nakangiti na siya at medyo maluwag na ang nararamdaman.
She loved Arnold kaya masakit pa rin talaga para sa kanya ang kinahantungan ng in a relationship status kuno nila.
At the end of the day, kapiling niya pa rin ang basang unan.
-00-

It feels a little awkward sa tuwing papasok siya ng classroom. Kung mahuhuli niyang nakatingin sa kanya si Arnold ay bigla namang magbababa ito ng tingin. Hindi niya tuloy alam kung may gusto ba itong sabihin sa kanya o nagpapansin lang. Nagpalit na rin siya ng number para maka move on na mula rito kahit pa na inuuto niya lang ang sarili dahil kabisado naman niya ang cellphone number nito. Wala rin naman siyang mapapala sa pakikipagtext dito dahil kahit sa text ay napakatipid din ng sagot nito.
Dati ay kilig ang nararamdaman niya everytime na magkakadaupang palad sila ni Arnold pero ngayon ay sakit at inis ang nararamdaman niya everytime na magkakatinginan sila.
The hell with your useless mouth! Hmp! Kung nakakapagsalita lang ang mga mata niya ay ito ang mababasa ni Arnold sa tuwing magkakatinginan sila.
-00-

“Bakit ganun si Lian? Hindi na sumasama sa mga gala natin?” tanong ni Liezl sa mga kasama. Monthsary celebration ng friendship nila na PorGar ngayon ngunit hindi sumama si Lian. Mabuti pa si Arnold na kahit break na sila, ay nagagawa pa ring sumama pa sa mga lakad nila.
“Huwag ka ng magtanong kasi yung taong mismong makakasagot niyan ayaw rin magkuwento.” Sagot ni Joann sa tanong niya habang nakatingin ito sa dako ni Rex na nananahimik sa isang sulok.
“Ganun?” tanong niya ulit.
“Oo, ganun. Kaya makiramdam ka nalang. Magsasalita rin sila, in God’s time.” Sagot naman ni Violet.
“Eh ikaw? Kelan ka magsasalita tungkol sa tunay mong nararamdaman?” Ininguso pa ni Mary si Wendel na nakikipagtawanan kina Ramil at Arnold.
“Wendel, luto ka naman pancit canton!” utos ni Violet sa may-ari ng bahay na tinatambayan nila ngayon.
“Sandali lang po, mahal na prinsesa! Magpapabili lang ako kay Franz.” Sagot nito at ang tinutukoy na Franz ay ang sumunod nitong kapatid na lalaki.
“Naks! Mahal na Prinsesa! Bago yun ah! Bakit kayo na?” pang-iintriga ni Kath sa mga ito.
“Tanong mo diyan sa kaibigan mo.” Si Wendel ang sumagot.
Bigla namang natigilan si Violet at namula.
“Oyyy… Namumula.. Kayo na noh?!” pangungulit ni Liezl dito.
“Hi-hindi pa noh! Oi, wag kang assuming lalaki ka ha!” sigaw ulit niya kay Wendel.
“Te, wala sa kabilang bundok si Wendel. Ilang kembot lang ang layo niya sa’yo.” Puna ni Mary sa nahihiya ng si Violet.
Hindi na ulit nagsalita si Violet.

Maya-maya ay luto na rin ang pancit canton na request ni Violet at masaya silang kumain ng sabay-sabay. Masaya na sana ang barkada kung kumpleto lamang sila. Siyam lang sila ngayon dahil hindi sumama si Lian. May aasikasuhin daw kuno pero ang totoo ay may iniiwasan lang.





















Chapter 4 –

Hindi na siya makatiis sa drama ng dalawa niyang kaibigan na sina Lian at Rex. Ang alam ng buong barkada ay nasa ligawan stage na ang mga ito pero last month ay nabalitaan na lamang nila na nakipagbalikan pala itong si Rex sa ex-girlfriend niyang si Sheilla na lantaran naman ang pagkakaroon ng malaking gusto kay Jeff. Habang si Jeff naman ang gusto ay si Lian. Nababaliw na siya sa love square ng mga ito. Concern siya kay Rex dahil madalas ay tahimik lamang ito. Nawala na ang nakasanayan niyang Rex na maingay at makulit ring gaya niya. Ngunit mas concern siya kay Lian. Sa kanilang magbabarkada, dito siya pinakaclose. Kahit pa na sobrang taklesa nito ay napakabuti nitong kaibigan sa kanya. Nawala na rin ang ingay nito at madalas ay puro katarayan na lang ang pinapakita nito sa kanila. Sinusubukan na lamang nilang intindihan ito dahil nga sa ramdam nilang may pinagdadaanan ito yun nga lang ay wala yata itong balak mag-share sa kanila.
Ang daya ng mga yon. Samantalang ako, open book ang lovelife ko. Pero sila, lihim kung lihim?!
“Rex, ano ba talagang problema? Ano ba ang pulo’t dulo ng lahat ng ito?” Pangungulit niya sa kaibigan. Baka sakaling magkuwento na ito. Nasa canteen sila at nilibre niya pa talaga ito para lang ma-corner ito.
“Kumain ka na lang.” Sabay subo ni Rex ng spaghetti na maraming chili sauce.
“Dali na, sagutin mo na. Para naman maintindihan namin kayong dalawa. Barkada niyo kami. Wala naman sigurong masama kung mag-oopen kayo sa amin, di ba?”
“Alam na ni Ram, pati na rin ni Arnold.”
Mahina niya itong hinampas sa braso. “Ang daya niyo!”
Natawa naman si Rex bilang reaksiyon. “At alam na rin namin ang panig ni Arnold sa break-up daw ninyo.”
“Ba-ba’t nasali kami? Ang usapan dito, kayo ni Lian. Hindi kami. Tsaka tapos na yon. Wa-wala na sa akin ‘yon.” She’s not good in lying. Kaya nga medyo nautal siya. Aaminin niyang may feelings pa rin naman siya para kay Arnold pero kailangan na niyang balewalain iyon dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan iyon.
“Ako nalang manliligaw sa’yo. Para maramdamang mong may boyfriend ka talaga!” Kinindatan pa siya ni Rex.
Sasagot pa sana siya ngunit isang textbook sa Araling Panlipunan ang bumagsak sa lamesang kinakainan nila.
“Li-lian…!”
“Yung may bookmark diyan, yan ang bahagi ng i-rereport mo. Pag-aralan mo nalang. May visual aid na yan kaya wala ka ng ibang aalalahanin. You’re welcome! Kaibigan mo ‘ko eh.” Binigyang diin pa nito ang salitang kaibigan. Tuloy-tuloy na itong lumabas ng canteen.
Sinubukan niya itong habulin ngunit pinigilan siya ni Rex.
“Ano ka ba?! Mali naman ng iniisip si Lian sa atin eh! Hindi ka man lang nagsalita tapos pinipigilan mo pa ako!”
“Hindi makikinig ‘yon. Palipasin mo nalang muna ang galit niya.”
-00-
Rex was right, ilang beses niyang sinubukang lumapit kay Lian upang kausapin ito ngunit hindi siya nito binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag. Masyadong sarado ang isip nito.
At mas nakakailang pa dahil seatmates sila. She also tried to write her a letter pero binalik lang ito sa kanya without reading it.
Hanggang sa nagsawa na siya at ang ginawa na lang niya ay iwasan din ito.
“Hays. Ano bang nangyayari sa barkada natin? Ga-graduate nalang tayo lahat lahat, ang dami pang ka-ekekan sa buhay!” reklamo ni Kath.
Monthsarry ng grupo nila ngayong araw ngunit parang wala naman silang balak i-celebrate ito.
“Ganun talaga ang buhay, Kath parang life! Go with the flow nalang tayo.”  Sinubukan na lang idaan sa biro ni Mary ang usapan nilang lima. Siya, si Mary, Liezl, Arnold at Wendel ang magkakasama sa park.
Ang iba ay nagsi-uwian na. Ang iba naman, masyadong busy sa kaniya kaniyang mga org at buhay-buhay.
Si Lian sa Drama Club at pati na rin sa class project nila na siya ring punong-abala.
Si Joann, sa Math Org. May pinaghahandaan itong laban para sa Quiz Bee.
Si Rex, ewan nila. Umuwi na yata.
Nasa library naman si Ramil, hindi para mag-aral kundi para magmukmok.
Hindi rin niya alam ang drama ni Violet kung bakit ito absent ngayon.
“Lalo na siguro kapag grumaduate na tayo. Wala na tayong time para sa isa’t isa.” Malungkot siyang bumuntong hininga.
“Hindi naman siguro.” Komento ni Arnold.
“Hindi ko hinihingi ang opinyon mo!” Bara naman niya dito.
Nanibago siya dahil sumali ito sa usapan nila ngayon na madalas ay tahimik lang naman ito. Ni hindi mo nga alam kung nakikinig ba o nagpapatay lang ng oras at nasa malayo ang utak.
Si Kath ang mas tila nagulat sa pambabarang ginawa ni Liezl. “How rude.” Komento nito.
“Hoy, Nold. San ka pupunta?!” Habol na tanong ni Wendel. Bigla na lamang kasi itong tumayo at pagkatapos ay tinutungo na ang exit ng park. “Teka lang naman! Girls, una na ako ha. Puntahan ko pa si Violet. Arnold, sandali lang! Sabay na tayo!” Patuloy niyang habol sa kaibigan.
“Ayan, nag-walk out tuloy. Tayong tatlo nalang ang natira. Ang asim naman kasi ng isa diyan, parang nasa menopausal stage lang.” Parinig ni Mary.
“Sorry, hindi ako tinatablan.” Sagot naman niya dito.
“Alam mo, Zel. Obvious ka. Bitter ka pa rin!” Nagpakawala pa si Kath ng isang malaking irap para kay Liezl. “Iilan na nga lang tayo, ganyan ka pa. Hindi ka pa din makamove on?!”
“Oy, matagal na noh! Asa ka! Wala na kong feelings para sa kanya. Itaga mo pa yan sa matigas mong panga!” Asar niyang sagot kay Kath. She’s guilty. Alam niya sa sarili niya kung ano ang totoo. And the truth is, mahal pa rin niya si Arnold. At patuloy na umaasa na lalapit ito sa kanya para makipagbalikan.
“Hay naku. Tara na. Magsi-uwi na tayong lahat. Sira na ang araw na ito. Wala ng rason para magcelebrate.” Nag walk out na rin si Mary.
Oh, high school life, bakit ba sadyang kay kulay mo?
-00-
Chapter 5 –

Dumaan ang JS Prom, Graduation Ball at ngayon nga ay graduation.

“Lian, wait!”
Natigil ito sa paglalakad nang mabosesan kung sino ang tumawag sa kanya. “Kuya, wait lang. Susunod na ako.” Paalam nito sa kapatid.
“Lian…”
“Zel…”
Nagyakap ang magkaibigan. “I’m sorry. Yung narinig mo nun sa canteen, nagbibiro lang si Rex. Kaibigan mo kami pareho at wala kaming intensiyong saktan ka. Isa pa, hindi kayang palitan ni Rex ang isang taong kasing lamig ng freezer dito sa puso ko.” Liezl confessed.
 Natawa naman si Lian sa huli niyang sinabi. Her friend knows to whom she is referring to. Saksi ito sa mga kagagahan, kabaliwan at walang kuwentang drama niya.  “Alam ko na yan. Sinabi na sa akin ni Rex. Wala lang ako lakas ng loob na unang lumapit sa’yo para makipagbati. Sorry, Zel. Kalimutan na natin yon. Masyado rin akong naging childish. Pasensiya ka na sa akin ha.” Paghingi rin nito ng paumanhin sa kaibigan.

“Naiintindihan naman kita. Alam ko yung pinagdaanan mo. Ang mahalaga okay na tayo ngayon and sana maging magkaibigan ulit tayo tulad dati. Sana kahit hindi na tayo classmates, pwede pa rin kitang takbuhan o lapitan kapag naiiyak ako o gusto ko lang ng kasama.” Aniya sa matalik na kaibigan.
Nakangiting tumango- tango naman si Lian, halatang pinipigilan ang pagtula ng luha. “Oo naman! High school lang ang nagtapos pero hindi ang friendship natin ng PorGar.”
Naiiyak na rin siya, “Congrats ha and I wish you the best. Friends forever?” Nasabi niya sa kabila ng maya mayang pagsigok.
“Oo naman. Ikaw pa rin ang twin sister ko na si Liezl Licaros! Let’s all move on. At congrats din.” Ani Lian sa kanya.
Muli silang nagyakap.
And they parted ways happily. Ang sarap sa pakiramdam.
Hindi pala totally, because she never had the chance to talk to Arnold. Marami siyang gustong sabihin dito pero hindi siya nagkaroon ng sapat na lakas ng loob at kapal ng mukha para lapitan ito.
 Siguro nga ay tapos na ang lahat sa kanila ni Arnold kasabay ng pagtatapos nila sa high school.
-00-

Liezl’s college days have been so hard.
She took up BS Accountancy ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya ito natapos. When she was in second year, namatay mula sa isang aksidente ang kanyang ama. Naiwan sa pamilya niya ang malaking pagkakautang nito sa bangko. She had no choice but to stop studying and to look for work para makatulong sa kanyang ina at sa apat pa niyang mga nakababatang kapatid.

From being bubbly and super talkative girl, malaki ang ipinagbago niya when she reached twenty. Madalas ay nagiging bugnutin siya lalo na  kapag dumarating ang araw ng mga bayarin sa bahay. Tinalo niya pa ang isang old maid sa pagiging masungit.

Iba’t ibang klase na rin ng trabaho ang napasukan niya. Service crew, personal assistant ng isang starlet, catering assistant at ngayon ay event organizer na siya.
Gamit ang pinag sanlaan ng kalahati ng bahay nila, ginawa niya itong investment para sa sariling negosyo. Iyon nga ang maging isang event organizer at party needs business.
Unti-unti ay nakakaahon na sila yun nga lang ay nananatiling nakasanla ang kalahati ng kanilang bahay.
Nagkasakit na rin ang kanyang ina kaya’t hindi na ito makapagtrabaho. Dati itong empleyado sa Comelec.
“Ma, alis na ako. Punta lang ako sa school.” Paalam niya sa kaniyang ina. Isa sa mga kliyente niya ang dati niyang eskwelahan nung highschool. Kapag may mga events dito ay siya ang unang tinatawagan ng kanilang School Admin upang mamahala.
 “Ingat ka.” Ani nito.
-00-

Of all people to see in this place called earth, hindi niya alam kung bakit ito pa ang makakadaupang palad niya sa araw na ito.
“Hi Liezl! Kamusta ka na? Long time, no see ah!” bati nito sa kanya.
Simpleng tango lang ang ginawa niya at nagpatuloy na sa ginagawang pagdedecorate ng buong stadium katulong ng ibang estudyante.
Nagtaka naman ang kausap niya.
She didn’t want to start a conversation with this man although sa isip niya ay ito ang tumatakbo. Buhay ka pa pala! Bakit naman dito pa tayo sa school nagkita, bwist naman na araw to!
“Nakakapanibago ka naman. Bakit hindi ka na nagsasalita?” takang tanong sa kanya ni Arnold.
“Busy ako.” Tangi niyang nasabi at pinagpatuloy na ang pagdedecorate.
“Sorry, Zel ha. Pasensya ka na sa akin nun. Hindi kasi-….”
Tumigil siya sa pag-didikit ng big letters sa wall. “Pwede ba, Arnold. Move on. Paki-ayos nalang yung mga wirings. Make sure na walang mapapatid na bisita, teachers o estudyante.” Utos niya rito. Ayon sa nasagap niyang tsismis sa facebook, kakagraduate lang nito sa three years course na kinuha nito at ngayon nga ay licensed technician na ito. Hindi niya nga lang nasagap na dito pala sa dati nilang school ito magtatrabaho.
“Gusto ko lang naman magkaayos tayo. Hindi kasi ako nakapag sorry sa’yo noon.” Paliwanag nito sa kanya.
“Okay lang ako. Tapos na iyon. Kinalimutan ko na.” Kung alam mo lang bwisit kang lalaki ka kung gaano karaming box ng tissue ang naubos ko at ilang punda ng unan ang nabasa ko. Tapos sorry lang?! Bwisit talaga! Kung bakit naman kasi dito ka pa nagtrabaho! Ang dami namang malalaking private company sa mundo.
“Nakakapanibago.” Komento nito. She knows what she is talking about. Kahit naman siya nanibago sa kadaldalan ng lalaking kausap. Ganun ba ang epekto ng college life dito? Kunsabagay, siya rin naman nagbago.
People really change. And one of the constant things in the world is Change.
“Ako rin. Ang daldal mo na.” Sagot niya dito.
“Dati rin naman ikaw.  Ikaw nga naging idol ko eh. Sa paglabas ko sa sarili kong shell.” Makahulugan nitong sabi sa kanya.
“Ano ka, komang? Dinamay mo pa ako.” Pagtataray niya rito.
Natawa naman ito sa huli niyang sinabi. Muli niyang nasilayan ang mga ngiti nito na sobrang nagpalakas ng heartbeat niya noon.
Shut up, Liezl! Huwag kang kiligin. Sita niya sa sarili. “Nandito ako para magtrabaho hindi para makipagtsismisan.” Sabay walk out.
Pero hindi yata walk out yata ang maitatawag doon dahil nakabuntot pa rin ito sa kanya.
“Ui, Zel. Sorry na.” Habol pa rin nito ang ex girlfriend.
“Pwede ba, tigilan mo nga ako!” Pagtataboy naman niya rito.
“Sabihin mo muna, pinapatawad mo na ako.”
“Hindi ganun kadali yun.”
“Lahat gagawin ko, mapatawad mo lang.”
“Tigilan mo ko.”
“Pwera lang yun.”
Naman! “Wala akong panahon para sa’yo.”
“Ako, madami.”
“Ms. Dennice, yung technician niyo, wala yatang ginagawa.” Sigaw niya sa School Admin na nagmamasid sa on-going decoration ng stadium.
“Ay, Ma’am, madami po.” Sagot naman ni Arnold. “Nagtatanong pa nga po ako kay Liezl kung ano pa ba yung kulang.”
Natatawang naiiling na lang si Ms. Dennice sa drama ng dalawa. Kilala niya ang mga ito noon pa man at alam niya ang love story ng mga ito.

















Chapter 6 –

Makulit. Madaldal. Maingay. Stalker.
Those are the best things to describe Arnold now.
Mula ng magkita ulit sila sa pinakamamahal nilang eskwelahan ay hindi na siya tinantanan nito. Salamat sa butihin nilang School Admin kaya nakuha ni Arnold ang number pati na rin ang landline nila sa bahay.
Pati sa mga social networking sites na meron siyang account ay hindi rin pinalampas ni Arnold. Ang hilig nitong maglike, magcomment, mag PM o DM sa kanya.
 Lahat na!
Ang ipinagtataka niya lang, dati pa naman sila sa friends sa facebook pero bakit ngayon lang ito nakipag-usap sa kanya and the worst nangungulit pa. Balak na nga niyang i-block ito pero ayaw ng puso niya.
Ayun na!
Sa kabila ng inis, hindi niya maiwasang maging masaya.
Imagine, ang lalake este ex boyfriend na binabalewala lang siya noon ay sobra naman na kung magpapansin ngayon. Somehow, she felt important now. Yun nga lang parang hindi na ito ang panahon para sa kanilang dalawa.
Wala na nga siyang panahon para sa sariling social life mas lalo naman siguro para sa lovelife. Kailangan niya pang makapag-ipon ipon ng malaki para matubos ang kalahati ng bahay nila.
HI ZEL! MUZTA NA? SANA MAY EVENT NA ULIT SA SKUL! Pm nito sa kanya. Timing na timing na pareho silang online ng araw na iyon.
MUKHA MO!!!!! Gusto sana niyang ireply pero backspace backspace backspace ang nangyari. Mas pinili na lang niyang huwag na itong patulan pa dahil hahaba lang ang usapan.
HUY ZEL! Pangungulit pa rin nito.
Kahit naka appear as offline na siya, sige pa rin ito sa pagpopost sa wall niya.
ZEL, IMY! Post nito sa FB wall niya.
Perfect timing talaga ang araw na iyon dahil ang ilan sa mga kaklase niya, nagkataong online rin.
“Uy, ….muling ibalik!” comment ni Violet.
“Naks, Arnold, ikaw na ba yan?!” comment naman ni Mary.
Si Wendel ang sumunod na nag-comment, “Na-hack ang account ni Arnold!”
“Sira-ulo ka, Wendel! Ako toh!” sagot naman ni Arnold dito.
Hindi na siya nakatiis. “PWEDE BA?! DUN KAYO SA MGA WALL NIYO MAG-USAP USAP, HUWAG DITO!”
Sana talaga hindi nalang siya sumagot.
“Mas masaya dito sa wall mo. May kilig factor.” Comment ulit ni Violet.
“Tammmaaa!” segunda ni Mary.
“Ako nga nadapa eh.”
“Sira-ulo ka talaga, Wendeltot!” react ni Violet.
“Guwapo naman!”
“Mas guwapo kaya ako sa’yo.” Ani Arnold.
Naiiling nalang siya sa sagutan ng mga kaibigan.
Hindi niya magawang mainis sa mga ito bagkus ay parang muling nagkakulay ang buhay niya, specifically her social life. And love life?
Para matapos na ang usapan. Delete post.
Inayos na rin niya ang settings ng profile niya. Hindi na makakapagpost ang kung sino lang ng basta basta sa wall niya.
Siya na KJ.
-00-

“Ate, may bisita ka.” Imporma sa kanya ng kanyang ina.
Hindi na siya nag-abalang lingunin ang ina. Masyado siyang engrossed sa binabasang pocketbook. “Sino?”
Arnold.”
Dun lang siya napatingin sa gawi ng ina na nasa pintuan ng lumiit niyang kuwarto dala ng pagkakasanla ng kalahati ng kanilang bahay. “Weh?! Steer?! Laos na yan, Ma! Wala bang bago?” Madalas kasi siyang biruin ng ina everytime na may bisita siya.
“Seryoso ako, gaga!”
Mukhang totoo. Na-gaga pa siya eh.
What to do now? What to do?
Hala ka! Bakit kaya siya nagpapanic? Anong meron?
Tsaka bakit naman siya dinalaw nito eh wala naman siyang sakit. Unless….
No. No. No. As in NO! Hindi maaari yon. Si Arnold, manliligaw sa kanya?!
Hanep, ligaw agad.
“Ate, try mo kaya munang mag-bra?” payo ng kanyang ina.
“Sige na, sige na. Lumabas ka na. Susunod na ako.” Pagtataboy niya sa ina na halatang pigil ang tawa.
Liezl ang poise! Subukan mo lang bumigay, tapos ang maliligayang araw mo!  Warning niya sa sarili.
“Oh, anong ginagawa mo rito?!” with matching taas ng kilay niyang tanong sa kaniyang bwisita pagkalabas niya ng sariling kuwarto.
“Dinadalaw ka.” Imporma nito.
“Wala akong sakit!” Bulyaw niya rito.
Nakatikim tuloy siya ng malakas na batok mula sa ina. “Respeto sa bisita, ate.” Sita nito sa kanya. “Pasensya ka na kay Shane, Arnold ha. Menopause na kasi.”
Ngiti lang ang isinagot ni Arnold dito.
“Sino kaya sa atin ang biyudang menopause?” Parinig naman niya sa ina.
“At least hindi bitter.” Pasaring naman nito sa kanya. Dumeretso na ito sa kusina.

“Buti pa kayo ng nanay niyo. Ang sweet niyo. Nakakainggit kayo.” Arnold told her. Kahit nakangiti ito ay bakas sa mga mata nito ang lungkot.
“Wala ka bang nanay? Ginawa ka lang ng tatay mo mag-isa?” Parang ruthless na yata siya. “Ibig kong sabihin, ano namang kainggit-inggit dun?”
“Wala kasi akong magulang.” Imporma nito sa kanya.
Oh. She never knew that. Kaya pala tuwing PTA meeting nila noon ay lola nito ang laging pumupunta. May pinaghuhugutan naman pala ang pagiging tahimik nito noon.
“Bakit nagbago ka? Mas madaldal at maingay ka na sa akin ngayon.” Tanong niya rito. Nung magkita ulit sa school last week ay ang katanungang ito na ang gumulo sa isip niya. Ano kayang nangyari dito?
“For the better. Isang importanteng tao kasi ang nawala sa buhay ko non.”
Siya ba ang tinutukoy nito?
Wag kang assuming Liezl! Sita niya sa sarili.
Kasing taas ng Mount Everest na kaliwang kilay ang pinakawalan niya, “Oh tapos?”

“Ayun, narealize ko ang pagiging sobrang tahimik pala….. Nakamamatay.” Birong totoo ni Arnold. When they broke up four years ago ay parang namatay na rin ang puso niya. Pero dahil sa pagiging voluntarily mute niya ay wala siyang magawa upang kausapin ito, humingi ng tawad at sana’y naging isang mas mabuting boyfriend.
Too late….
Kunwari ay wala siyang narinig, “Uwi ka na. Marami pa akong gagawin eh.” Pagtataboy niya sa bisita.
“Huh?” Nagtatakang tanong naman ni Arnold sa kanya.
“Bingi lang? Sabi ko, muwi ka na.” Inabrisiyetehan niya pa ito.

Hindi naman niya pwedeng ipagsiksikan ang sarili sa tahanan ng ibang tao. Pero teka, sayang ang effort niya sa pagpunta dito. Minsan lang siya atakihin ng lakas ng loob sasayangin pa ba niya iyon? “Ayoko pa. Nagugutom ako, di mo man lang ba ako pakakainin?”  Bahala na si Batman. Siya na ang makapal ang mukha.
Ang kapal! “Ewan ko sa’yo, Pineda! Umuwi ka na!” Pagtataboy pa rin niya dito. Pakiramdam niya, kapag nagtagal pa rito si Arnold sa bahay nila ay baka bumigay na ang pader. Pader sa pagitan nila na sinimulan niyang buuin mula ng magkita ulit sila.
Medyo napalakas ang boses niya kaya’t dali-daling lumabas ang kanyang ina mula sa kusina. “Bakit nagpapaalis ka ng bisita? Hindi pa luto yung minatamis na saging. Hindi ka naman ganyan sa mga bisita ah. Anong problema mo?” sermon nito sa kanya.
Malaki ang problema ko, Ma! Malaki! “Edi kayo mag-usap. Marami pa akong gagawin. Magtatrabaho pa ako.”
Papasok na sana siya sa loob ng kuwarto niya ngunit humarang doon ang kanyang ina at tinignan siya ng masama.
And she got it. Baka mag ala-dragonesa na naman ito kapag hindi niya sinunod. Nakakahiya pa man din dahil may bwisita sila. Napilitan siyang bumalik uli sa sala.











Chapter 7 –

“Tumigil ka na sa pangungulit sa akin.” Good luck naman sa kanya kung mapapayag niya ang kausap.
“Ayoko. Basta, liligawan kita.” Arnold insisted.
“Wala kang mapapala.” Tumigil ka na habang maaga pa! Utang na loob!
“Okay lang. At least makabawi man lang ako sa’yo.” May pait sa pinakawalan nitong mga ngiti.
“Alam mo, okay na yung nagbago ka. Yung naging expressive ka na sa tunay mong nararamdaman. Okay na ako dun. Hindi mo na ako kailangang balikan dahil wala ka ng babalikan.” Aniya sa kausap. Wala na nga ba?
“Bakit? May iba ka ng mahal?” tanong ni Arnold sa kanya.
Wala. Ikaw pa rin. Pero ayoko ng masaktan ulit. Gusto niyang isagot dito but she chose not to say anything.
Nang tignan niya si Arnold sa mga mata nito, parang nakita niya ang dating Arnold na parang laging may gustong sabihin ngunit hindi naman magawang magsalita.
“Sige, una na ako. Salamat sa paghatid.” Ani Arnold at sumakay na ito sa jeep na huminto sa harapan nila.
Bumalik na siya ng bahay at muling nagkulong sa sariling kuwarto. Gustuhin man niyang humarap sa computer upang magtrabaho, pakiramdam niya ay wala siyang lakas para mag entertain ng mga client inquiries regarding her services. Maraming salamat sa naging bwisita nila for that day.
Bakit ganun? Parang bumaliktad na ang mga pangyayari. Ako na yung walang masabi sa harapan niya kahit pa na ang dami dami kong gustong sabihin sa kanya. Hay,  naku naman Arnold! Kung bakit naman kasi bumalik balik ka pa sa buhay ko eh! Para siyang tangang kausap ang sarili.
Arnold didn’t disappoint her. Kapag day-off nito ay lagi itong nakabuntot sa kanya. Madalas pa nga ay kasama niya ito sa mga events na inoorganize niya. Tulad ngayong araw, debut ng anak ng isa niyang kliyente at siya ang punong-abala.
Kaysa ipagtabuyan niya ito na madalas niyang gawin at hindi naman siya manalo nalo ay hinayaan na lamang niyang tulungan siya nito.
Kasalukuyan itong busy sa pag-aayos ng electrical wirings.
“Ma’am, ang sipag ng boyfriend niyo noh?” pang-aasar sa kanya ng isa sa mga staff niya.
“Boyfriend ka diyan?! Gusto mong mawalan ng trabaho?” pagtataray niya dito upang mapagtakpan ang kilig na nararamdaman.
“Grabe ka naman, Ma’am. Eh yun po ang sabi niya nung tinanong namin siya last week. Girlfriend ka daw po niya.”
Shut up, Liezl! Bawal kang kiligan. Busy ka, busy ka, busy ka!!!! “Naniwala ka naman eh sinungaling yan.”
“Eh kung hindi niyo po siya jowa, ano niyo po siya? Madalas siyang present kapag may mga event tayo, hindi naman siya staff.” Patuloy na pang-iintriga nito sa kanya.
“Alam mo Mariz, balak ko talagang mag cross cutting ngayon. Baka gusto mong mauna?” Pagbabanta niya rito.
“Joke lang, Ma’am. Eto na nga eh, magtatrabaho na ko.” Umalis na ito sa gilid niya at nagpatuloy na sa ginagawaang pagdedecorate ng mga lamesa’t upuan.
Muli siyang napatitig sa lalaking abalang abala sa pag-aayos ng mga electrical wires.
“Ma’am, huwag niyo titigan, baka malusaw.” Pangungulit ulit ni Mariz sa kanya.
Tinignan niya ito ng masama, “Wala kang sahod mamaya.” Itinuon na niya ang pansin sa pagche-check ng programme para sa magaganap ng debut mamayang gabi.
-00-
“Hindi ka ba napapagod?” Katatapos lang ng debut at nagliligpit na sila sampu ng mga staff niya.
“Hangga’t nakikita kita, hinding hindi.” Sagot naman ni Arnold sa kanya.
“Pero wala ka ng aasahan sa akin eh.” Pagsisinungaling niya.
Natigil si Arnold sa pagliligpit ng mga electrical wires at napatitig sa kanya, “Wala na ba talaga ako diyan sa puso mo?”
Hindi ka naman nawala dito. Marahan siyang tumango. Sinungaling ka Liezl! Sinungaling! Sigaw ng isang bahagi ng puso niya.
Pero kailangan kong gawin ito. Ayoko ng masaktan ulit. Ayoko ng umasa. Isa pa, hindi ko priority ang lovelife ngayon. Tsaka na yan. At kung mahal niya pa rin talaga ako gaya na sinasabi niya, hindi siya susuko. Willing siyang maghintay kung kailan ready na ako. Paliwanag niya sa sarili.
Mapait siyang nginitian ni Arnold. “Pasensiya ka na sa pangungulit ko sa’yo ha. Gusto ko lang talagang bumawi. Pero hindi naman kita pinipilit na mahalin mo ulit ako. Gusto lang kitang makasama at makita. Mas okay kasi yon kesa sa pagtitig ko sa mga pictures mo sa facebook.”
“Ituon mo nalang sa iba ang atensiyon mo.” Pero huwag!
“Pinag-iisipan ko na rin yan.” Inilagay na ni Arnold sa box ang mga natitirang wires. “Una na ako. Hindi na kita maihahatid ngayon. May pupuntahan pa kasi ako eh. Ingat ka pag-uwi. Tsaka salamat sa lahat. Sorry ulit.” Tuluyan na siyang tinalikuran ni Arnold.
Teka lang! Ngali ngaling pigilan niya ito pero wala siyang sapat na lakas para gawin iyon.
Sige Liezl, magsama kayo ng pride mo! Bingo! Sarili niyang kunsensiya ang bumuko sa kanya.
Anong ibig niyang sabihin? Is this really goodbye? Takang tanong niya sa sarili.
Paano mo malalaman kung wala kang gagawin, gaga!
Na-gaga pa tuloy siya ng sariling kunsensiya.

-00-
Hindi na sila friends sa facebook. Bakit? Sinubukan niyang i-search ang pangalan nito pero walang lumalabas. Meaning, block listed siya sa account nito. Why o why?
“Lian, anong balita kay Arnold?” tanong niya sa kaibigan.  Nagkita sila sa isang coffee shop. Birthday ng pamangkin ni Lian at si Liezl ang kinuha nitong event coordinator.
“Nasa Taiwan na siya ah. Last week pa. Hindi mo ba nabalitaan?”
Iling ang isinagot niya.
“Akala ko, okay na ulit kayo. Di ba, lately, madalas kayong magkasama?”
Muli siyang umiling at ngumiti ng mapait.
“Hay. Ano bang problema niyong dalawa?”
“Sabi ko kasi, tumigil na siya.”
“Binasted mo?! Kung kelan showy na yung tao. Ano ka ba naman, Licaros! Kung di lang kita kaibigan inumpog na kita dito sa mesa,” sermon ni Lian sa kanya.
“Kung mahal niya talaga ako, hindi dapat siya sumuko.” Depensa naman niya.
“Paanong hindi susuko eh wala ka namang sinasabi. At kung mahal mo siya, binigyan mo sana siya ng pagkakataon. Edi sana, andito pa siguro siya ngayon.” Ani Lian.
“Ayoko namang maging hadlang sa mga pangarap niya noh.” Katwiran niya. “Isa pa, mukhang hindi naman siya sincere. Tignan mo nga, hindi man lang nagpaalam!” Nakakasama kaya ng loob!
“Alam mo yung utak mo nasa talampakan mo na yata. Hindi ba pwedeng tuparin ng isang tao ang mga pangarap niya kasama ang taong mahal niya? Nasaan na ba yung dating Liezl? Nailibing na ba? Hindi man lang kami nakadalaw.”
“Alam mo ikaw, makasermon ka wagas. Akala mo naman kung sinong masaya ang lovelife. As if I don’t know, may hinihintay siyang bumalik mula Cebu.” Parinig naman niya sa kaibigan. Ang balita niya ay nasa Cebu si Rex at doon nag-aaral.
Namula naman si Lian. Sapul siya ng kaibigan eh. “Hey you, hindi ako ang topic dito. Sakalin kita diyan eh!”
“Pikon!” Natatawang asar ni Liezl sa kaibigan.
“Plastic!”
“Hoping!”
“Panggap!”
“Maganda naman.”
“Lalo na ko!”
Nagkatawanan na lamang sila magkaibigan.
Arnold is gone for good. She felt lonely for that.
And the worst, ni hindi man lang ito ipinaalam sa kanya. Baka sakaling pinigilan niya pa ang pag-alis nito.




















Chapter 8 –

Abala ang buo niyang grupo sa pag-aayos ng club house na iyon. Maya-maya lamang ay magaganap na rito ang 7th birthday ng pamangkin ni Lian.
Nahinto siya sa pag-aayos ng mga giveaways nang makita ang mga buhol buhol na kable sa sahig.
Siguro kung nandito si Arnold, hindi niya hahayaang maging ganyan kagulo ang mga yan….
Kamusta na kaya siya?
Masaya kaya siya dun ngayon?
Namimiss kaya niya ako?
O kahit naaalala man lang?
Bwisit na lalaki yon! Hindi man lang nagawang magpaalam sa akin!
“Ahemm. Baka malusaw yung mga cable wires, Ma’am.” Puna sa kanya ng isa sa mga tauhan niya.
Muling nagbalik sa kasalukuyan ang kanyang huwisyo. “Gusto mong masaktan?! Tawagin mo si Danny. Ayusin na niya yung mga wires!”
“As if we know, may naaalala siya…” pang-aasar pa rin nito sa kanya.
“Perlita!” Sita niya rito.
“Sabi ko nga, tatawagin ko na si Danny.” Tatawa tawang tinawag nito ang nasabing staff na siyang nakatoka sa mga wires, “Danny, miss ka na ni Ma’am!”
-00-
Maagang dumating sa venue si Lian kaya’t medyo nakapag kuwentuhan pa sila.
“Zel, Alam mo ba, may hinuhulugan na palang bahay si Arnold sa Cavite. Pinost niya sa facebook yung picture ng bahay. Simple lang pero ang ganda!” Pagbabalita nito sa kanya.
Bwisit na lalaking iyon, bli-nock kaya niya ako sa facebook. “So?” tila walang pake niyang sagot-tanong sa kaibigan.
“Nakakatuwa kaya yung caption,” With matching hand signals, “For my future family.” Kinikilig pa nitong sabi sa kanya.
Tinawanan niya ito. “Para kang tanga. Naiihi ka ba? Andun yung c.r.”
“Bruha!” Turan naman ni Lian sa kanya.
“Ka!” balik niya dito.
Lian rolled her eyes, “Whatever!”
-00-

Para sa kanya kung may kahulugan ang salitang Walking Dead, siya yon.
She works hard everyday but at the end of the day, she knows and she feels that a part of her is missing.
Or rather, she’s missing someone.
Dinala yata ni Arnold ang puso niya sa Taiwan.
Kaya eto’t paminsan minsan kapag sobra niyang namimiss si Arnold ay basang unan pa rin ang kapiling niya.
Tama si Lian, plastic ka Liezl, plastic ka! Sita niya sa sarili.
-00-

Mabilis na lumipas ang dalawang taon.
Konti na lang at matutubos na niya ang lupa nila na nakasanla.
Her hardwork is worth it.
Nagkaroon ng isa pang branch ang Licaros Party Needs and Events na siya rin mismo ang namamahala.

At 21, kahit hindi siya college graduate, at least she know that she’s already a successful business woman.
Marami nga ang bilib sa sipag at determinasyon niya.
Sinong mag-aakala na siya ang may-ari ng isang negosyo na unti- unti ng nakikilala. Marami na siyang suking kliyente at mas dumarami pa from time to time through word of mouth at internet marketing.

“Huy, Zel! Mag-organize ka naman ng event. Mini-reunion natin!”  Minsang PM o Personal Message sa kanya ng dati niyang kaklase na si James. Nagkataong on-line sila pareho nito.

“Pag-iisipan ko.” Tila nagdadalawang isip niyang sagot.
“Dali na! Regalo mo na sa amin ‘to. Ang yaman mo na kaya.” Pamimilit pa rin ni James.
“Sinong mayaman?” Pahumble niyang sagot-tanong dito.
“Ikaw!”
“Ah, oo. Ikaw!”
“Hay naku, Liezl. Dali na! Mag set ka na ha! Tulungan na natin si Rex.”
“Rex? Anong kinalaman ni Rex dito?”
“Natotorpe na naman. Tulungan na natin.” Imporma nito sa kanya.
“Sige! Sige!” Pagpayag niya. “Check ko lang yung schedule ko.”
“Yih! Thanks! Kitakits!” Naka off line na ito.

Sa mga sumunod na araw ay abala na siya para sa pag-aayos ng kanilang mini-reunion.
30 lang naman ang participants kaya hindi siya masyadong mahihirapan. And besides, hindi pa sigurado kung yung 30 na yun ay makakapunta lahat. She doubted. Baka ang isa sa kanila ay kasalukuyang nasa Taiwan pa rin. Ahem.

-00-
“Joann!” tili niya sa kabilang linya.
“Zel?”
 “Yes, it’s me and I have one favor from you. Kailangan ko ng powers ni Tita Brenda para magamit natin ng librea ang clubhouse sa dating subdivision niyo. Sa inyo pa rin naman iyong bahay niyo dun di ba?” Tanong niya sa kaibigan.
“Yup.” Sagot naman nito sa kanya.
“So, pumapayag ka na? And pupunta ka ha! Para ‘to kay Lian. Kailangan tayo ni Rex. Human props kumbaga kaya hindi pwedeng hindi ka pumunta.” Pagbabalita niya rito.
“Bakit? Anong meron?” Hindi na kasi siya masyadong updated sa buhay ng mga kaibigan.
“Magpo-propose na ang loko!” Masayang balita dito ni Liezl.
 “Sige. Pupunta ako. And kakausapin ko si Mommy mamaya pag-uwi ko.”
“Thank you, Jo! You’re such an angel, Muahh! Ciao!” Binaba na niya ang telepono.
Solve na ang problema niya para sa venue ng kanilang mini high school reunion.
Nag ring ang telepono niya, “Hello, Jo?”
“Ahmm.. Pu-pupunta ba siya?”  Tanong nito sa kanya.
“Sino? Si Ram?” Alam naman niya ang sagot sa sariling tanong. “Hindi pa siya nagko confirm. Pero, sige para sa’yo, pipilitin ko siyang papuntahin.” Birong-totoo niya dito.
“Liezl!”
“Hehe. As you see medyo busy po ako. May iba ka pa bang itatanong?”
Wa- wala na.”
“Okay, sige. Babye ulit. See you sa party.”
“Bye.”

-00-











Chapter 9 –

Everything is already set. Salamat sa mga kaklaseng tumulong sa kanya para maisagawa ng maayos ang event para sa araw na iyon.
And now, she’s wondering… Pupunta kaya siya?
Ang balita sa kanya ni Lian, kauuwi lang daw ni Arnold ng bansa dahil katatapos lang ng dalawang taong kontrata nito sa Taiwan.
Ah ewan! Hindi siya kawalan para sa event na ito. Sino ba siya?!
Siya lang naman yung taong mahal mo and at the same time ay miss na miss mo. Sagot ng isang bahagi ng utak niya.
Oh shut up Liezl! Pipi niyang sita sa sariling mental conversation.

Maya maya lang ay nagsidatingan na ang mga dati niyang kaklase.
Itong si Rex ay may balak pang gawin na eksena. Nakiisa naman siya. Besides, this is for her friends’ happiness.

Her hear stumble when a man who is very much familiar to him entered that club house.
She terribly misses that guy.
“Bwisit kang lalaki ka! Lakas mo maka-block sa fb!” Inirapan niya ito at itinuloy kunwari ang pagiging abala sa pag checheck ng attendees list.
Ramdam niyang, palapit ito sa kanya. Halos mabingi siya sa sobrang lakas ng kabog ng sariling dibdib.

“Hi!” masaya nitong bati sa kanya.
Tinignan niya lang ito at pagkatapos ay itinuloy ang kunwari’y pagiging abala.
Hinarap ni Arnold sa mukha niya ang sariling kanang kamay at pinagmukha niyang bibig ng puppet. “Hi din, Arnold! Kamusta ka na? Alam mo, miss na miss na kita!” Pinaliit pa niya ang boses niya na parang bata.
“Ako din, namiss kita, sobra! Sorry ha!” Muli nitong binalik ang dating boses.
Para itong nasisiraan ng bait na kausap ang sarili.
Hindi naman napigilan ni Liezl ang matawa. “Ewan ko sa’yo, Pineda! Ang corny mo.”
Arnold.” Muling pagtatama sa kanya. “Namiss ko yang tawa mo. Ang tagal ko ng di nakita yan.”
“Bwisit ka! Bakit mo ako bli-nock sa facebook?!” Inis niyang tanong rito. “Tapos hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka pala.”
Marahan itong natawa. “Eh baka kasi pigilan mo ako. Ang problema, talagang magpapapigil ako. Ang lakas mo kaya sa akin. Bli-nock kita kasi for sure lalo kitang mamimiss.”
“Ang kapal mo! As if naman, pipigilan kita noh. Pakelam ko ba sa’yo.”
“Ang sweet sweet mo talaga.” Natatawang komento ni Arnold sa kanya. Kinurot pa siya nito sa magkabilang pisngi.
“Tseh!”
Lumapit sa kanila si Rex at Ramil, “Hep! Mamaya na kayo maglambingan. Tulungan niyo muna ako.” Ani Rex sa kanilang dalawa.
Nag-apiran naman ang tatlong lalaki.
“So what’s the plan?” tanong niya sa mga ito.
-0—
What a sweet proposal indeed and she’s so happy to be a part of it. Super kilig at super happy siya para kina Lian at Rex.
“Ang lagay eh, ikaw lang ba ang masaya pareng Rex?” ani Arnold matapos nitong kunin ang nabakanteng mikropono.
“Anu daw?”
“Magpopropose ka din?”
“Kanino?”
“Ayun oh!”
“Inggit!”
“Witwiw!”
“Double wedding itey!”
Iba ibang reaksiyon ng mga kaklase nila.
Siya naman ay hindi makapag react. Ayaw niyang mag-assume at ayaw din naman niyang maging center of attraction gaya nila Lian at Rex.
Kinuha niya ang mikropono mula kay Arnold. “Tama. Kaya let the party begin! Lahat tayo dapat ay magsaya!” Aniya.
“Wooh! KJ!” Sigaw ni Joann.
“Oo nga!” segunda naman ni Violet.
Nilakihan niya ang mga ito ng mata na waring nagsasabing, Shut up, girls!!
“Hmp. Panira ka ng trip. Eto susi.” Tuluyan ng bumaba ng stage si Arnold matapos nitong iabot ang isang susi sa kanya.
Ano namang gagawin ko dito? Nagtatakang tanong niya sa sarili.
 Hindi na siya muling kinausap pa ni Arnold.
“Ano kayang problema nun?!” Tanong niya kay Violet pero mukhang mas tanong niya ito sa sarili niya.
“Susi ng kapalaran yan!” si Lian ang sumagot.
“Tangek, susi yan ng bahay niyo! Ano ka ba Liezl!?” Ani Joann sa kanya. May kasama pang batok.
“Aray ha!” React niya. Sabay hawak sa sariling ulo. “Bahay? May bahay naman kami ah!”
“Tanga tangahan lang?!” Tatawa tawang react ni Violet.
“Eh sa wala nga akong idea! Ano ba kayo?! Magtatanong ba ako kung alam ko.” Pagdadahilan niya sa mga ito.
“Alam mo Zel, hindi sa wala kang alam, manhid ka lang talaga.” Makahulugang sabi ni Lian sa kanya sabay kindat sa iba pa nilang mga kasama.
-00-









Chapter 10 –

Gullible, that’s her.
Imagine, sa isang text lang mula sa kumag niyang ex-boyfriend ay napapunta siya sa lugar na hindi pa niya napupuntahan sa tanang buhay niya.
Kinuha niya ang telepono sa bag at nag-dial. “Hello, Pineda!”
“Arnold,” Sagot ng nasa kabilang linya.
“Bwiset! Nasaan ka na ba?!” Inis niyang tanong rito.
“May susi ka naman di ba? Bakit hindi mo gamitin?”  Sagot naman nito.
“Bakit naman ako papasok sa isang bahay na hindi naman akin? Baka makasuhan pa ako!” Patuloy niyang pagtataray.
“Pumasok ka nalang.” Maikli nitong tugon.
Naiinis pa rin niyang kinuha sa loob ng bag ang susi na ibinigay nito sa kanya last week  at ipinambukas sa isang bagong bahay na nasa harapan niya.  2 floors ito at semi furnished na.

“SURPRISED!!!!”
Bati sa kanya ng mga dating kaklase.
“A-anong ginagawa niyo rito?” Gulat at nagtataka niyang reaksiyon.
“We invited ourselves!” Sagot ni Lian.
“Para saan? Mini-reunion ulit?” muli niyang tanong.
“House blessing to, gaga!” Sagot naman ni Violet.
“House blessing? Nino?” tanong na naman niya. May kutob na siya ngunit ayaw niyang mag-assume. Mabuti na yung sigurado.
“Tanga tangahan lang talaga ha, Licaros?!” sermon naman ni Joann sa kanya.
“Correction, Ate Jo. Future Mrs. Pineda.” Pagtatama naman ni Rex.
“Sabi ko nga.” Sagot naman nito.
“Naguguluhan na ako! Pwede bang pakilinaw sa akin ang lahat?!” Luminga linga siya sa paligid at tila may hinahanap ang mga mata. “Si Pineda?”
“Arnold,” Pagtatama ng lahat ng nasa bagong bahay na iyon.
Pagkatapos ay tawanan.
Mula sa 2nd floor ng bahay ay bumaba ang isang mala prinsipe para sa kanyang paningin.
“Ayan na pala ang may-ari ng bahay.” Pa-intro ni Ramil sa bumabang si Arnold.
Tuloy tuloy ito sa harapan ng babaeng pinakamamahal. “Sana naman, pagbigyan mo na ako ngayong makapagsalita.”
“Pupunta ba ako dito kung hindi?!” Mataray niyang sagot-tanong.
Nakatikim siya ng batok mula sa isa sa mga kaibigan, “Umayos ka nga!” Bulyaw ni Lian sa kanya.
Sinita naman ni Rex ang fiancé, “Ano ka ba?” ani nito kay Lian. “Pasensiya ka na Zel, excited lang yan masyado para sa’yo.”

“Ehem.” Agaw ni Arnold sa kasalukuyang atensyon. “Ako naman.”
“Zel, May tatlong bagay lang naman ako na gustong sabihin sa’yo. Una, Sorry. Pangalawa, Thank you. At pangatlo, Sana….”  
“Yun na yon?” tanong ni Violet. Halatang hindi ito kuntento sa mga sinabi ni Arnold.
Tinakpan naman ni Wendel ang bibig ng kasintahan. “Sige, Nold. Tuloy mo lang.”
“Sorry kasi, hindi ako naging expressive nung highschool tayo. Pero sana maniwala ka nung mga panahong iyon, mahal na talaga kita. First year palang tayo, ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay. Nung naging tayo, hindi ko alam kung papaano kikilos pag kasama ka. Nahihiya kasi ako sa’yo. Sobrang ingay mo samantalang ako sobrang tahimik ko.”
Natawa ang mga tao sa paligid pero wala na siyang pakialam. Ang importante sa kanya ay ang mga sasabihin pa ng lalaking pinakamamahal.
“Sorry dahil kinailangan kong maglihim sa’yo, kinailangan kong lumayo pansamantala at kinailangan kong huwag muna ulit magsalita tungkol sa mga pangarap ko para sa ating dalawa.”
“Thank you kasi sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi ka nagmahal ng iba. Kaya patuloy akong umasa na ako pa rin ang mahal mo. Thank you rin sa mga kaibigan natin na nagpalakas ng loob ko at nagpaniwala sa akin na ako pa rin daw ang mahal mo. Thank you so much, guys. Thank you Zel sa inspirasyon. Dahil sa’yo, may direksiyon ang buhay ko at yun ay ang papunta sa’yo.”
“Sana….. Ako pa rin talaga ang mahal mo. Gaya nung sinabi mo sa akin nung first monthsarry natin. Na ako lang ang mamahalin mo forever kahit pa na ako ang pinakatahimik na tao sa buong mundo and that’s what you like about me the most. Sana…. Pakasalan mo ako at samahang tumira sa bahay na ito…”
Lumuhod ito sa harap ni Liezl at naglabas ng singsing. “Will you marry me, Shane Liezl Licaros?”

Siya naman ang tila nawalan ng sasabihin.
Ganito pala ang naging pakiramdam ni Lian last week. She never expected this proposal. She was totally clueless.
Gusto na niyang maiyak but she’s trying to hold back the tears.
“Sagot sagot din, Liezl!” Untag ni Lian sa kanya.
“Pakakasalan mo ba ako?” Muling tanong ni Arnold sa kanya.
Hindi na niya kaya pang pigilan pa ang mga luha. Her emotions were overflowing. Words are not enough to express what she really feels as of this moment.
Marahan na lamang siyang tumango at nagtuloy tuloy na sa pag-agos ang kanyang mga luha.
Tumayo mula sa pagkakaluhod si Arnold at isinuot sa kanya ang isang diamond ring.
“Thank you,” Pinunasan nito ang luha sa mga pisngi niya at pagkatapos ay masuyo siyang hinalikan.
Palakpakan naman ang mga tao sa paligid.

Great friends.
Stable life.
Worth the wait lovelife.
New house.
She couldn’t ask for more.
All she could ever do now is to thank God for all the challenges that she passed through as well as for the blessings she is receiving today.


 Her dream wedding?
Simple lang. Basta’t kasama si Pineda. Este Arnold Pineda.



END



No comments:

Post a Comment