Tuesday, August 4, 2015

#Hugot Compilation

“Cielo’s Hugot Lines”





Why I created this blog post?
Wala lang. Para masaya. He-he.


Everytime kasi na magbibitaw ako ng mga ma-da-dramang lines, my friends' initial reactions would be like these:

“Ano na namang hugot yan?!”
“Ayan tayo eh!”
“Ang lalim nun ah!”
“Naiintindihan kita, friend. I know what you’ve been through.”
“Ayan ka na naman eh. Humuhugot ka na naman.”
“Bitter alert, bitter alert!”
“Hindi ka pa nakaka-move on!”

etc. etc. etc.



Well for me, matagal na akong naka-move on mga kaibigan!
Nabibitawan ko na ang mga salitang ito nang wala na itong sakit na kasama. Maybe the memories were still there. Syempre naman, wala akong amnesia. But the pain was already gone. Kaya nga at nagagawa ko nalang biro o punch line ang lahat.
Sa maniwala man kayo o maniwala eh bahala na kayo.

Basta ako, masaya na. :)
I have already learned to forgive and be happy without that person in my life that once broke me.
And acceptance was the basic step.


Anyway,


So here is the compilation in non-particular order of some scenarios or words I’ve been said and done. Ha-ha.


Happy hugot reading!

----------------------------------------------------------------------



Cielo’s Hugot #1: VAN

The Scene: Sa Van. We are on our way to Ilocos. We had a short stop at NLEX.


Driver/Tour Guide: Pwede po kayo mag-C.R. kung gusto niyo.
Cielo: Talaga, Manong? Pwede po? (Kasi ihing ihi na ako.)
Driver: Bilisan niyo lang po.
Friend 1: Okay lang Manong, Iwan na natin yan si Cielo.
Cielo: Oo nga Manong, okay lang. Sanay naman ako na laging iniiwan.
Friend 2,3 and 4: (Nagising at sabay-sabay sila ng reaction) HUGOT!!! Iwan na yan!


-----------------------------------------------------------------------


Cielo’s Hugot #2: OFFICE

The Scene: Sa Office. Kasalukuyang binubully ng mga male friends.


Bully friend 1: Ang ganda mo ngayon, Cielo. Anong meron?
Bully friend 2: Si Cielo maganda?! Saan banda? (binabangga ako sa braso. Ganyan sila maglambing. Medyo karinyo brutal)
Cielo: (bitter smiling) Ganyan kayo eh. Sinaktan na nga ako ng ex ko, pati ba naman kayo.
Bully friend 1 and 2: (Natahimik)
Bully friend 1: Gago yon ah. Anong ginawa?
Cielo: Naghanap ng bago. Hindi kasi ako maganda.
Bully friend 2: Ang guwapo niya ha. Wag siyang papakita sa akin. Lagot sa akin yon.
Cielo: Okay lang ako kuya, sanay naman ako na laging sinasaktan.
Bully friend 1: Iyon pala ang hugot ng pagiging maganda mo.
Bully friend 2: Sige na nga, maganda ka na. Pero ngayon lang ha. Pag naka-move on ka na, pangit ka na ulit.
Bully friend 1 and 2: (Nag-apir at nagtawanan)

Note: Kahit mga bully sila, napapatawa naman nila ako. That would be enough. After all, walang tutumbas sa sakit na ginawa ng ex ko compare sa mga pambubully nila sa akin everyday. Haha.
P.S. – Nasa Note ang hugot. Hahaha!


-----------------------------------------------------------

Cielo’s Hugot #3: XEROX
The Scene: Sa Photocopy Area

Photocopier: Ganda mo talaga lately. Epekto ba yan ng pagiging single?
Cielo: (ngiting wagas) Naman!
Photocopier: *abot ng mga papel na tapos ng i-photo copy*
Cielo: ‘Yet, parang may naiwan. Pa-check nga. May napansin kasi akong lumipad na papel don sa likod ng machine.
Photocopier: (Pumunta sa likod ng machine, tinignan) Wala Ciel.
Cielo: Ah okay. Sige. Thanks. Akala ko kasi may naiwan. Ako lang pala yung naiwan. Di bale sanay na akong naiiwan.
Photocopier, Mga nakapila para magpaxerox: (pare-pareho ng reaction) HUGOT!!!

Hehehe. Makabanat lang.

------------------------------------------------------------
Cielo’s Hugot #4: BIBIMBOP

The Scene: Sa SM North Food Court with a co-writer habang kumakain kami ng bibimbop.

Cielo: Hindi ko na kaya. Busog na ako. Hindi ko na mauubos ‘to.
Co-writer: Ubusin mo nga yan! Huwag kang magsayang ng pagkain.
Cielo: Hindi ko na nga kaya.
Co-writer: Maraming bata ang nagugutom.
Cielo: Kapag inubos ko ba yan, mabubusog sila? (Hehehe)
Co-writer: Kahit na!
Cielo: Hindi ko rin alam kung bakit ganito na ako. Dati naman nauubos ko kahit busog na ako. Pero ngayon, ayaw na talaga tanggapin ng sikmura ko.
Co-writer: Parang pagmamahal mo lang.
Cielo: Huh?
Co-writer: Dati, lahat lahat binibigay mo. Pero ngayon, nagtitira ka na para sa sarili mo.
Cielo: Wow. Talagang ikaw ang humugot para sa akin.

---------------------------------

Cielo’s Hugot #5: L.R.T.

Co-volunteer 1: Umayos ka kaya ng upo.
Cielo: Okay lang, matiisin naman ako.
Co-volunteer 1: Pakilinaw. Kasi iisipin ko, may hugot na naman yang sinasabi mo.
Cielo: Sa ganitong klase ng pag-upo, ikaw naman. (Hehehe)


-------------------------------------------------
Cielo’s Hugot #6: MASARAP?

Co-volunteer 2: Masarap ba ang magmahal?
Cielo: (kalabit kay Co-volunteer 1) Oy, nakatikim ka na daw ba non? Ano bang klaseng pagkain yon?
Co-volunteer 1: Ayan, ayan. Sabi sa’yo dapat di ka kumakain ng ampalaya three times a day.
Cielo: Eh sa hindi ko nga alam kung ano ba yung tinutukoy niya.  Ano ba kasi ‘yon? (inosente mode)

Hehehe.

---------------------------------------------------------
Cielo’s Hugot #7: LOYAL?

Co-volunteer 3: May lalaki pa kayang loyal sa mundo?
Co-volunteer: 1: Meron naman siguro. Rare na nga lang sila.
Cielo: Feeling ko wala na.

#alamnathis hehehe.

-----------------------------------------------------

Cielo’s Hugot #8: ADVICE PARA SA ISANG KAIBIGAN

“Bago mo kasi landiin, alamin mo muna kung may sabit o wala. Tulad niyan, may girlfriend pala iyong lalaki. Huwag na huwag ka magpaka-third party!  Nakakasira ka ng isang relasyon. Konsensya mo ‘yon. Imagine yung isang matagal ng relasyon, matitibag lang dahil sa pagpasok mo sa eksena. Maawa ka naman dun sa girlfriend nung lalaki. Sobrang sakit kaya nun kapag pinagpalit siya nun sa’yo! Mag-move on ka na. Hanap ulit ng ibang lalandiin. Iyong walang jowa!”

#HugoteraSiCielo
p.s. di ko na sasabihin reaction ni Friend. Alam niyo na yon. Hehe.

------------------------------------------------------


Cielo’s Hugot #9: NAKAKAPAGOD
Usapan sa Viber with Co-writer 2

Co-writer 2: Nakakapagod ng magmahal bebe.
Cielo: Hindi pagmamahal ang nakakapagod, kundi ang umasa at masaktan. Ang mag-expect at madisappoint. Ang maniwala, magtiwala and in the end ay lolokohin lang din.
Co-writer 2: -_- Humuhugot ka na naman.

------------------------------------------------

Cielo’s Hugot #10: KANIN

“Ang pagpapakasal ay hindi isang kanin na isusubo at iluluwa kapag napaso. Parang sa pag-ibig lang din. Huwag ka ng sumubo ng pagmamahal na hindi mo naman kayang tumbasan o kahit tapatan man lang. At pagkatapos ang mas masaklap, isusuka mo lang din pala siya sa buhay mo kapag ayaw mo na. Lalo na kapag may nakita kang mas masarap na putahe. Huwag ganon! Huwag kang gago.”


------------------------------------------------

Cielo’s Hugot #11: BALIKAN

Boss: (may kausap sa cell phone) Nasaan ka na? Papunta ka na ba sa CTSD? Hello. Nakausap mo na si ano? Hello. Nag-da-drive ka ba? Sige mamaya nalang. Tawag ka nalang. Balikan mo nalang ako. (End of call.)
Cielo: Boss, minsan may mga bagay na hindi na dapat binabalikan pa.

-----------------------------------------------------

Cielo’s Hugot #12: MAMATAY

This was my post on my tumble account. Share ko lang dito. Hehe.

Blog post title: “Mamatay”
Description: Tinanong kita noon kung hanggang kailan mo ako mamahalin. At ang sagot mo ay hanggang sa mamatay ka. And now I am wondering, “Bakit buhay ka pa?”

------------------------------------------------------------

Cielo’s Hugot #13: LOYALTY EXPIRATION

The Scene: Confe call with co-writers

Co-writer 1: Wala na talagang loyal sa panahon ngayon. Lahat nalang ng lalaki, manloloko. Hindi marunong makuntento. (note: brokenhearted po siya that time)
Co-writer 2: Totoo yan. Pero huwag natin lahatin. Karamihan nalang siguro at nata-timing lang na ang ilan sa atin eh nakakilala ng mga ganong klase ng lalaki.
Co-writer 3: *kroo kroo kroo*
Co-writer 4: Ano bang nangyayari? Hindi ako maka-relate sa usapan niyo. (Lagi kasi siyang missing in action o MIA)
Cielo: Feeling ko naman, may mga loyal pa rin na lalaki sa mundo. Iyon nga lang, merong expiration ang loyalty nila. Iyong iba inaabot ng matagal na panahon. Halimbawa ay seven years. Sa loob ng pitong taon, nagawa nilang maging loyal. Na-expired nga lang.

Co-writer 1,2,3 and 4: Hindi pa siya nakaka-move on!
Ang bitter niya!
Hugot na hugot! Wuhoo!
Hahahaha!

Cielo: Grabe kayo. Nagsasabi lang ako ng kuro-kuro dito. Mga judgemental!

---------------------------------------------------------------

Cielo’s Hugot # 14: PEOPLE CHANGE

Special Friend: I won’t leave you and I promise that I will wait.
Cielo: Sinabi na rin yan sa akin dati.
Special Friend: Iba ako, iba siya.
Cielo: Ano ka, alien?
Special Friend: Basta. Hindi kita iiwan.
Cielo: Siguro ngayon, masasabi mo yan pero as time will go by, pwedeng magbago iyang nararamdaman mo para sa akin. Pero ayos lang kung magbago ka man or mawala sa buhay ko. After all, people change. And the only constant in this world is change. Kaya okay lang. Sanay na ako. Been there, done that.
-------------------------------------------------------

Cielo’s Hugot # 15: HAWAK BA NILA ANG PUSO KO?
(An FB Post)
Gaano ba dapat kabilis magmahal ulit? Kailangan ba talagang paabutin muna ng maraming taon para hindi na masabi ng mga tao sa paligid mo na, “Ang bilis mo namang mag-move on!”
Masama bang maging masaya agad after a heartbreak?
Requirement ba na maging miserable for a long period of time?
Then they will judge you again when you found someone new, “Hindi mo mahal yang bago mo!”
Like seriously, hawak ba nilang ang puso ko?!


-------------------------------------------------------

Cielo’s Hugot #16: AN ADVICE
“Ang gamot sa pag-ibig ay pag-ibig din. Bagong pag-ibig.”

-------------------------------------------------------

Cielo’s Hugot # 17: PICTURES
(A GROUP TEXT)

“Bebes, for the last time, tinignan ko yung mga pictures namin. Then finally, ba-bye. Memories will always be memories. But the feelings changed. #deleted.”

-------------------------------------------------------

Cielo’s Hugot #18: STRONGER

(A SONG)

“Cause you’ve made me stronger by breaking my heart. You ended my life and made a better one start. You taught me everything from falling in love to letting go of a lie. Yes you’ve made me stronger baby, by saying goodbye.”

---------------------------------------------------------

Cielo’s Hugot # 19: WALANG GANYAN

“Ang sabi nga ni Vice Ganda ‘di ba? Ang tagalog ng Eternity, walang hanggan at ang tagalog naman ng Forever, walang ganyan!”

------------------------------------------------------



Cielo’s Hugot #20: NAPAPAGOD

Dugong: Wala eh. Ganun talaga ang mga lalaki. Tayong mga babae nalang
talaga ang mag-aadjust para sa kanila.

Pusit: Siguro nga.

Cielo: Pero tayong mga babae, napapagod rin.

Dugong at Pusit: HAHAHAHAHAHAHAHA!

Dugong: Shet Igat, bumabanat ka na naman!


Cielo: (Nakitawa nalang din dahil hindi ko alam kung bakit ko biglang
nabitawan ang mga salitang iyon. Hahahahahaha!)

--------------------------------------------------




Cielo’s Hugot # 21: BIGAY BAWI
(Over the Phone)

Cielo: In fairness, Dugs. Na-miss talaga kita. Tagal nating di
nakapag-usap like this.

Dugong: Asus!

Cielo: Oh sige, binabawi ko na! Hindi na kita namiss! Hahahaha!

Dugong: Biglang bawi. I miss you too.

Cielo: Bigay-bawi eh. Hahahaha!

Dugong: Naman.

Cielo: Parang pag-ibig lang yan Dugs. ‘Pag ayaw na ng taong
pinag-aalayan mo ng pagmamahal eh bawiin mo na ang puso mo at muli
itong ibigay sa mas deserving.

Dugong: nokonoks! Hugutin mo baby…

Cielo: Hahahahaha! Alamoyan! #hugotqueen
-------------------------------------------------



Cielo's Hugot #22 - AMPALAYA NA MAY ITLOG

The Scene- Sa bahay ni Friend 

Cielo: Wow! Ampalaya na may itlog. Favorite ko to! *Kuha ng ampalaya sa bowl, lagay sa sariling plato* 

Reiko: Kaya pala bitter ka kasi paborito mo yan? *tawa* 

Cielo: *killer look* Ayan tayo eh!

 Nasaan ang hugot? Wala naman kaso baka nasa ampalaya. 

----------------------------------------------------------- 



Cielo's Hugot #23 - BUS


The Scene - Naglalakad papunta sa highway, still with Reiko.

 Reiko: Ano sasakyan mong bus?

 Cielo: Siguro yung papuntang Pasay nalang bebe. 

Reiko: Medyo madalang yung Pa-Pasay. 

Cielo: Okay lang yan, bebe. Ang bus parang pag-ibig lang yan. Minsan hintay ka ng hintay, nakaalis na pala at wala ng darating pa. 

Reiko: Huwow. Deep within! *tawa* 


Note: Bakit deep within? Earlier kasi tinanong niya ako kung ano daw ang english ng hugot. Tapos ang sagot ko sa kanya is deep within. Kaya iyon. Haha. 

Kbye. 


-___-' 


------------------------------------------------------------------------------------------------- 



Cielo's Hugot #24 - BUS PART TWO

 (NV) 

Cielo: Ang pag-ibig parang bus. Minsan hintay ka ng hintay, yun pala nakaalis na. Kung may darating man, hindi iyon ang gusto mo pero sasakyan mo nalang dahil wala kang choice. Along the way, marerealize mo na okay naman pala ang nasakyan mo kahit hindi siya ang hinihintay mo. Marami itong mabubuting bagay na taglay kagaya na lang ng free wi-fi. Hehe.


 JB: It's not the bus ride that is important. Not the bus itself. It is your destination. It is where you'll go home. How we'll get there will always vary. It may either delay us or move us forward to the path we seek. But we have to put our trust to the One who makes the journey possible. That the path we are taking isHis will. Like leading me to you. ;) sweetdreams. You are loved. 

Cielo: *seenzone* 


Ako yung binara sa sarili kong hugot.. Hohoho. -_- 


---------------------------------------------------------- 

Cielo's Hugot #25 - Razon's

 The Scene- After mag-church with college friends.

 Cf 1: Saan tayo?

 Cf 2: Oo nga. Saan tayo?


 Cf 1: *tingin sa akin* Dahil Anniversary niyo bukas ni ex, ikaw na ang masunod Cie kung saan tayo.

 Cf 2: Oo nga pala noh. Happy birthday! Hehe. 

Cielo: *nag-iisip* Parang gusto ko ng Halo-halo. Yung sa Razon's. 

Cf 1: Saan tayo maghahanap ng Razon's? *tingin sa paligid* 

Cielo: Tara hanap tayo. Lakad lakad nalang muna tayo. Tiwala lang, along the way, makakahanap rin tayo ng Razon's. Rason para mabuhay. HAHAHAHA! 

Cf 1 and 2: Pagbigyan!!! Hayaan nalang, birthday nya eh.

 -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

2 comments:

  1. Compile pa more, girl! Yung iba naman dito, hindi lang basta makahugot lang ee. Facts. Katotohanan ng buhay. Minsan kasi kailangan mo lang tanggapin ang mga katotohanan ng pag-ibig na nasasabi mo sa pamamagitan ng paghugot lang. Hahaha! See? Nahawa meeeee. Hehehehe

    ReplyDelete
  2. hahaha! salamat sa pagbabasa sa mga kabaliwan ko Ayin. :)

    ReplyDelete