Finding her true love na napakailap sa kanya.
Magaling siyang mag advice sa mga kaibigan pero kapag siya na pinayuhan , matigas ang
ulo niya and she do the opposite way. Malakas mangsermon, pero kapag siya na
ang sinermunan, walk out or tengang kawali ang drama.
Mami meet niya sa Baguio
ang kanyang true love. : ) sino kaya yun?
Chapter
1- Sheldine
Chapter
2-The Guy Bestfriend.
Chapter
3 – Girldfriend’s Night Out
Chapter
4 – (Time line: Feb.2013 - jadey’s bday)Baguio
Escapade
Chapter
5 – Meeting the Prince
Chapter
6 – The Prince and Her
Chapter
7 – Realized
Chapter
8 – Her Choice
Chapter
9 – Signs
Chapter
10 – Fairy tales do come true,.
Chapter 1- Sheldine
“Break na tayo,” deklarasyon ni
Earl sa kasintahang si Sheldine. Katatapos lang nila kumain sa labas at
kahahatid lang niya sa girlfiriend sa bahay nito sa Makati . “Ilang beses ko ng sinabi sa’yo na
magkaibigan lang kami, pero anong ginawa mo? Inaaway mo pa rin siya.”
Tinaasan lang ito ng kilay ni
Sheldine. “Excuse me! Hindi ko siya inaaway. Nagtanong lang ako kung bakit
hawak niya ang cellphone mo? Masama ba yon? At sinong tinakot mo? Okay fine!
Get out of my house and get out of my life!” Inis niya itong iniwan sa sala ng
kanilang bahay at umakyat na patungo sa kanyang kuwarto.
Hindi na niya ginustong marinig pa
ang ibang sasabihin nito. Earl has been her boyfriend since college days at
ilang beses na rin sila nitong nag break. Her friends, Playful Hearts are
already very used to it. Hindi na bago sa kanila kung mabalitaan man nila na
hiwalay na naman ang mga ito. Ilang beses na ring sinabi ni Sheldine sa sarili
niya na hinding hindi na siya makikipagbalikan rito pero nagkakabalikan pa rin
sila. Hindi niya alam kung mahal niya lang ba talaga ito o sadyang matigas lang
ang ulo niya at hindi siya marunong makinig sa mga kaibigan niya.
“Bwisit na lalaki to! Alam ng
stressed ako sa trabaho, dinagdagan pa!” Inis na nasabi na lamang ni Sheldine
sa sarili. She’s been very busy simula ng maturn over sa kanya ang pagiging
supervisor ng department nila. Minsan na lang din sila lumabas ni Earl, and
their date earlier ay ang pambawi sana
niya sa nobyo but then it just turned out to be a nightmare again.
“Enough is enough!” post niya sa
kanyang social network gamit ang kanyang telepono.
“Break na naman,” komento ni
Tulips. Naka online din ito.
“As usual. ; )” komento din ni
Jadey.
“This time, I’ll never go back!”
sagot ni Sheldine sa mga komento ng kaibigan.
“Yeah ryt. I also heard that
before, da ba Tulips?” si Jadey ulit.
“You bitches. Shut up! : )” si
Sheldine ulit.
“Same to you, lola!” si Tulips.
Naiiling nalang na tinitigan ni
Sheldine ang screen ng kanyang telepono. She swears to herself, this time she
will never come back. She’s already tired of Earl, tired of their endless
fights and make-up. There’s no point of turning back again.
Nagulat siya ng makitang naka
online din si Earl pero ang mas ikinagulat niya ay ang pagpapalit nito kaagad
ng status. From in a relationship with her to single.
“Letse ka! Naunahan mo lang ako,”
comment niya dito at binura na niya ito sa kanyang friend’s list.
---------------------------------------------
“Ano na namang drama niyong magjowa
at nagbreak na naman kayo?” e-mail sa kanya ni Jadey.
“Don’t worry, this time ayoko na talaga!
Ang lakas ng loob niya Heart, siya pa ang nakipagbreak sa lola mo!” nanggigil
na sagot ni Sheldine sa kaibigan.
“Bakit? Ano bang nangyari?”
“Inaaway ko daw yung bestfriend na
babae niyang hilaw! Eh nagtatanong lang naman ako kung bakit siya ang sumagot
ng tawag ko. Nakakainis talaga!”
“Relak. Huwag mo ng patulan at sana nga mapanindigan mo
yang sinasabi mo na wala na talagang balikan. I doubt. Hehe!”
“Wait and see for two years.”
Deklarasyon ni Sheldine sa kaibigan.
“Two years o two weeks? Baka naman two
days? : )”
“TWO YEARS.”
“Galit? Kelangan talaga all caps?”
“I’ll stand for that.”
“Okay. Ikaw ng may sabi, btw,
Padi’s tayo on weekend.” Yaya ni Jadey dito. Matagal tagal na rin kasi silang
hindi nagkikita kita na magkakaibigan.
“Sige, ako na mag iinvite kay Niza.
Dadramahan ko nalang para lumuwas. Hehe.”
“Good luck!” Nasa probinsiya kasi
si Niza, ang pinakabestfriend niya sa kanyang college barkada or simply known
as Playful Hearts. They were seven in the group. Siya, si Jadey, Xyrish,
Tulips, Mafeth, Lizen and her bestfriend, Niza.
“Kitakits on weekend! Muahh! Bye!
Work work din! Hehe,.” Nagpaalam na si Jadey sa ka –email.
Simula ng maging supervisor siya ay
naging busy na nga siya sa trabaho, madalas pa ay puro out of town dahil sa mga
seminars at outreach programs na pinangungunahan ng kayang team. Kaya’t
nagiging madalas na rin ang pagtatalo nila ng kanyang boyfriend na si Earl.
Wala na kasi siyang oras para dito. Kung meron man, ay magtatalo lamang sila sa
kung anu-anong mga bagay. She know that she loves Earl, ilang beses na sila
nitong nagbreak ngunit lagi pa rin silang nagkaka ayos at nagkakabalikan.
There was a time pa nga na siya
mismo ang nagloko at nakipag boyfriend sa iba, ngunit pinatawad pa rin siya ni
Earl at muli silang nagkabalikan.
----------------------------------------
She is Sheilla Geraldine, 21 years
old, second to the youngest sa barkadang Playful Hearts. Ewan ko ba kung bakit
big deal sa kanila ang ages nila eh halos magkakalapit lang naman. She’s very
dominant, with the height of 5 flat, mas matangkad pa ang power level niya sa
kaniya. Number one advice giver ng grupo. Pero kapag siya na pinapayuhan
kabaliktaran ang ginagawa. Frustrated writer. Sa tuwing may free time, pag a
update sa blog niya ang ginagawa. At ang mga kaibigan niya ang nagiging mga
kawawa niyang mga characters sa bawat kuwento na nililikha niya. She can
proudly say that she has beauty and brains, kinulang lang ng konte sa height.
Baby face pa nga ang tanyag sa kanya ng mga kaibigan pero lola’s attitude naman.
Hindi mo malalaman ang tunay niyang edad unless tanungin mo siya. There was a
time pa nga na hindi siya pinapasok sa bar dahil minor pa daw siya. Diyos miyo, katatapos lang
ng debut niya non ng maisipan nilang mag comedy bar na magkakaibigan sa Timog Ave.
At that young age, hindi mo
aakalain na nakakota na siya pagdating sa pag boboyfriend. Highschool pa lang,
papalit palit na siya. Then pagdating ng second year in college, kung hindi pa
naging sila ni Earl, hindi pa siya titigil sa pangongolekta. But nice thing
about her, hindi naman siya nagsasabay sabay ng boyfriend. One at a time naman.
At sa bawat heartbreak na pinagdaanan lagi niyang karamay ang playful hearts.
Kaya kung papipiliin mo siya between her boyfriend and her friends. Automatic
ang isasagot niya. Playful Hearts.
Chapter 2- My Guy Best friend
“Bez! Movie date tayo later.
Showing na yung inaabangan mo,” e-mail sa kanya ni Kiel . Taga Accounting department ito at siya
naman ay nasa General Services.
“Okay. Bez, I’m sad. Wala na ulit
kami ni Earl,” pag oopen-up niya sa kaibigan.
“ Ano na namang pinag-awayan niyo?
Don’t tell me, ako na naman ba?”
“Hindi. Yung best friend niyang
hilaw.”
“So ano? Metrowalk after our movie
date?”
“Okay lang.”
---------------------------------------------------
After watching the movie, pumunta
nga sila sa Metro Walk para uminom. Binilhan siya ni Kiel ng isang bucket ng beer.
“Inom na,” utos nito kay Sheldine.
Kinuha naman niya ang isang bote at
isinalin sa baso. “This would be the first time na ikaw ang kasama ngayong
broken hearted ako. Madalas kasi sila Niza ang kasama ko at walang sawang
nakikinig sa mga dilemma ko sa buhay lalo na sa mga lalaki.” Mababakas na sa
mga mata ni Sheldine ang mga luha na kahapon pa niya pinipigilang tumulo. Sa
totoo lang ayaw na niya itong iyakan but deep inside her heart, mahal niya si
Earl. Sa ngayon nga lang ay natatabunan ng galit ang anumang nararamdaman niya.
“Thank you kasi hinayaan mo akong
makasama ka tonight. Anyway, about Earl, sana
nga mapanindigan mo yang sinasabi mo na hindi mo na siya babalikan, pero di ba
dapat inaayos yung problema at hindi pinalalala,” payo nit okay Sheldine.
“Yun na nga eh, siya ang
nagpapalala bez, I’m trying to save our relationship pero siya na mismo yung
gumagawa ng dahilan para may mapag-awayan kami,” depensa ni Shedine.
“Oh, teka lang, Huwag ako ang
awayin mo, dinadamayan na nga kita eh.”
“Sorry bez,” sinundan niya ito ng
isang malalim na buntong hininga at inubos na ang laman ng baso niya. Hindi
niya kasi alam ang gagawin. Kung makikipag ayos ba siya kay Earl o hahayaan na
lang niya ito.
“Ano bang magandang gawin?
Makipag-ayos o makipaghiwalay na ng tuluyan?” tanong niya kay Kiel .
“Ikaw nasa iyo yan. In the end,
ikaw naman ang mag ri reap ng mga magiging desisyon mo,”
“Sana ikaw nalang boyfriend ko.” Tila wala sa
sariling nasabi niya sa kaibigan. Hindi pa naman siya ganon kalasing, isang
bote pa lang ang naiinom niya. Hindi niya alam kung bakit yun ang lumabas sa
bibig niya.
“Ano ka ba? Mag bestfriend tayo
remember,” sagot ni Kiel sa kanya.
Ouch!
So it means hindi niya ako kayang mahalin? Despite of all the good things na
ginagawa niya sa akin, talagang hanggang kaibigan lang pala ako.
Nahihibang
ka na Sheldine! Sabi ko naman sa’yo eh, walang mabuting epekto yang alak sa
katawan. Tignan mo tuloy kung ano anon a ang naiisip at sinasabi mo.
“Sorry ulit, bez. Lasing na yata
ako,” tumayo na si Sheldine at nagpasya ng umuwi.
“Teka, saan ka pupunta?” pinigilan
siya ni Kiel .
“Uuwi na.”
“Hatid na kita.”
“Huwag na. Hindi kita boyfriend.”
“Best friend.”
“Hindi hinahatid ng best friend ang
best friend niya.”
“Sorry, rule breaker ako. Tara na.” Nagpara na si Kiel ng taxi at iginiya papasok sa loob si
Sheldine.
Habang nasa daan sila pauwi ay wala
silang kibuan, parehong nagpapakiramdaman. Aaminin na niya sa sarili niya na
unti unti na siyang nahuhulog sa best friend niya. Isa ito sa mga dahilan kaya
ayaw na niyang makipag-ayos kay Earl. Siguro nga nafall-out na talaga siya sa
dating nobyo dahil sa pagdating nito sa buhay niya. Mas umaaktong boyfriend pa
sa kanya itong si Kiel
kumpara kay Earl. But Kiel
just cleared it while ago. Hanggang bestfriends lang sila. Mahal talaga siguro
nito ang girlfriend na nasa abroad.
At siya, isa na namang sawi. Parang
double heartbreak ang nagyari sa mapaglaro niyang puso. Hay, pag-ibig nga
naman.
--------------------------------------------------
“Salamat sa paghatid,” hinalikan
niya sa pisngi ang kaibigan at bumaba na siya ng taxi.
“Mukhang lasing ka na nga. Nanghahalik
ka na eh. Dapat sa lips hindi sa pisngi,” biro ni Kiel sa kanya.
Nagulat na lang si Kiel ng bigla na lang
siyang halikan ni Sheldine sa labi. Natigilan siya.
“Oh ayan. Lasing ako,” nakangiti
nitong gatong sa biro ng kaibigan.
Natawa na lamang si Kiel , “Ikaw ng lasing sa
isang bote ng beer. Tara manong baka pati ikaw
mahalikan,”
“Sira ulo!” sagot nito sa kaibigan
at kumaway pa sa paalis ng taxi.
---------------------------------------
Iyon ang mga eksenang naabutan ni
Earl. Kasalukuyan itong nag aabang sa labas ng bahay nila Sheldine at nakita
nga niya na bumaba mula sa taxi ang kasintahan. Hindi siya nito napansin
sapagka’t natatabunan siya ng isang puno sa katapat na bahay nila Sheldine.
Chapter 3 – Girlfriend’s Night
Out
“Ako na sawi! Cheers muna bago ako
magkuwento,” itinaas ni Sheldine ang basong hawak at nagsisunuran naman ang mga
kaibigan niya. Kasalukuyan silang nasa isang bar sa Seaside Moa.
“Game na! Tagal!” si Lizen. Ang
kaibigan nilang modelo.
“Excited ka talaga Liz, ikaw nalang
kaya magkuwento,” si Tulips.
“Ayoko nga,” Sagot naman nito.
“Hep! Eto na! Magkikuwento na po
ako,” ininom muna niya ang beer na nasa baso, “ I just had two heartbreaks this
week.”
“Dalawa talaga?” singit ni Mafeth.
Tango ang isinagot niya.
“Paanong dalawa? Dalawang beses
kayo nagbreak ni Earl?” tanong ni Jadey.
Iling naman ang isinagot niya.
“Eh ano nga?” si Xyrish.
“Isa kay Earl, isa kay Bez,” sagot
ni Sheldine sa mga kaibigan.
“Bez?” takang tanong ni Mafeth.
“Ah si Bez!”si Tulips, “Sino yun?”
Tawanan ang barkada. Wala pa kasing nakakakilala sa bagong kaibigan ni
Sheldine. Hindi pa ito na mi-meet ng Playful Hearts. Pero madalas na niya itong
ikuwento kina Jadey at Xyrish pag nagpapalitan sila ng emails sa office.
“So hindi na ako ang bez moh?” may
himig ng pagtatampo sa boses ni Niza.
“Ito naman!” binatukan pa ni
Sheldine ang kaibigan, “syempre ikaw pa din ang bestfriend ko. Nadagdagan lang.
Anyway, ano? Hindi na ko magkikuwento? Tanungan nalang?”
“Dali na! Bilisan mo kasi, alam mo
namang maraming bibig ang nakapalibot sa’yo,” natatawang hayag ni Jadey.
“Earl and I broke up because of his
hilaw na girl bestfriend sa office niya. Tinatawagan ko siya at yung bruha na
iyon ang sumagot. Tapos inaaway ko na daw yung girl eh nagtanong lang naman ako
kung bakit siya ang sumagot ng cellphone ni Earl,” esplika niya sa mga kasama.
“Baka naman the way ka nagtanong,
ang dating dun sa girl eh nang-aaway ka na?” tanong ni Jadey dito.
“Siguro kung college pa tayo
nangyari ang ganun, baka nakatikim pa siya sa akin na masasarap na salita, pero
Diyos ko naman, 21 na ako. Siguro naman may karapatan na akong magmature kahit
papaano. Maayos naman ang tanong ko ah. Ang sabi ko lang, bakit siya ang
sumagot at nasaan si Earl. Yun lang,” muli niyang paliwanag.
“Ahh, iniba yung kwento ng girl.
Gusto mo upakan natin Shel?” si Lizen. May pagka war freak din kasi ito.
“Bakit nasa’yo ang espiritu ni
Jadey?” biro ni Xyrish kay Lizen.
“Tseh!” si Lizen. At sinabunutan
naman siya ni Jadey.
“Aray ha!” angal ni Xyrish sa
ginawa ng kaibigan, “Oh, tapos ano yung isang heartbreak mo?”
“Kahapon kasi, lumabas kami ni Bez,
nag movie date tapos nag Metrowalk. He clearly stated to me na bestfriends lang
kami. Nothing more than that. Period,” muli niyang sagot.
“So sa madaling sabi, binasted ka
niya?”si Lizen.
“Ang harsh mo talaga!” saway ni
Tulips dito.
“Eh totoo naman ah. Hindi naman
niya iko-consider na heartbreak yun kung wala siyang feelings para kay Bez eh,
tama ba ako, Heart?”
Nahihiyang tango lang ang isinagot
ni Sheldine. Her friends really knew her well, kahit minsan lang sila
magkita-kita nito, alam ng mga ito ang nararamdaman ng isa’t isa. Parang lukso
ng dugo. Wow ha, may ganun palang connection sa magkakaibigan.
“Cheers!” si Jadey.
“Kampay!” si Xyrish.
“Para sa mga sawi!” sabay pang
nasabi nila Lizen at Tulips. Tawanan na naman ang grupo.
“Kaya hinding hindi ko kayo
ipagpapalit eh!” natutuwang sabi ni Sheldine.
“Naman! Playful Hearts will always
be Playful Hearts!” si Xyrish.
“Oh, picture picture!” yaya ni
Jadey sa mga kasama at tinawag nito ang isang bartender para magpakuha sila ng
litrato.
“Say Happy!” command ni Sheldine.
“Happy!” sunod naman nilang lahat.
“Baguio
tayo next week, for my birthday,” yaya ni Jadey sa mga kaibigan.
“Okay! Pero pwede bang
magsabit?”paalam ni Xyrish.
“Ako din sana ,”
paalam ni Sheldine kay Jadey, “isasama ko si Bez ha, actually niyaya niya nga
ako doon eh, gusto daw niyang mag Baguio
kasi bata pa daw siya nung huli siyang pumunta doon,” inporma ni Sheldine sa
mga kaibigan, “Okay lang ba Jadey?”
“Sige na, isama na ang gustong
isama. Ang importante matuloy tayo,” muling itinaas ni Jade yang baso niyang
may beer, “Cheers ulit!”
“Cheers!” nagsisunuran naman ang
iba.
Sheldine really loves these girls.
Ito ang bumuo sa pagkatao niya since college, magpapalit palit man siya ng
boyfriends pero hindi ng mga tunay na kaibigan. Playful Hearts is big part of her, kung wala ang mga ito,
wala siyang maituturing na mga tunay na kaibigan sa buhay. She was a loner back
in highschool kaya sobra niyang pinahahalagahan ang unang niyang naging
barkada. Noon kasi sila lang ni Niza ang laging magkasama pero nang tumuntung
sila ng college at makilala ang limang ito, mas naging masaya ang college life
niya.
Chapter 4- Baguio
Escapade
First time ni Sheldine sa Baguio kaya’t pagdating na
pagdating palang nila sa hotel ay nagyaya na kaagad ito maggala. Game naman si
Xyrish na pareho niyang first time lang din sa Baguio .
“Bez, tara
na! Bangon na diyan, Gala na tayo!” yaya ni Sheldine sa kaibigang nakasalampak
sa sofa ng hotel na tinutuluyan nila.
“Hindi ka ba napapagod? Palibhasa
hindi ikaw ang nagdrive eh,” Van kasi ng pamilya ni Kiel ang ginamit nila at siya ang naging
driver ng mga ito.
“Okay lang yan. Mamayang gabi ka
nalang magpahinga. Sayang ang araw. Sige na please,” pagmamakaawa ni Sheldine
sa kaibigan.
“Tignan mo nga sila Jadey oh,
nagpapahinga din,” naging kapalitan niya kasi ito sa pagda-drive. Katabi naman
ni Jadey si Lizen sa malaking kama .
“Hoy, mga froglets! Tara na! Birthday girl, gising! Gala na tayo,” hyper na
yaya ni Sheldine sa mga kaibigan.
“Oo nga! Tara
na!” yaya din ni Xyrish sa mga kasama.
“Mga egzayted! Di kayo mauubusan ng
Baguio !
Istorbo,” pagtataray ni Lizen sa mga ito. Tumayo na siya at nag-ayos na ng
sarili.
Sumunod na rin si Jadey, “Mag ko
commute tayo ha! Nakakahiya naman sa amin ni Kiel , may driver kayo,”
“Okay lang! Tara
na! Bez, tayo na diyan!” hinila ni Sheldine patayo ang kaibigan ngunit siya ang
hinila nito palapit sa kanya. Na out of balance siya kaya’t napahiga siya sa
katawan ni Kiel .
“Aay!” Magkalapit ang kanilang mga mukha. Siya ang unang nag-iwas ng tingin, nailang
siya sa naging posisyon nila.
“Ahemm. Aalis na tayo di ba?”
kontra ni Lizen sa moment nila.
“Oo nga, di ba bez?” binigyang diin
pa ni Jadey ang huling sinabi, “Oh teka bakit ang sama ng tingin mo Shel, si
Xyrish ang tinutukoy kong Bez noh. Filing mo naman ikaw lang may Bez dito,”
kinindatan pa nito si Xyrish.
“Whatever, Tara
na kasi, dami pang eksena eh!” Nauna ng lumabas ng pinto si Xyrish kasama si
John.
Hindi maiwasan ni Sheldine ang mag blush,
“Pasensya ka na sa mga kaibigan ko ha,” nakayuko nitong sabi kay Kiel .
“Okay lang yun, I found them nice,”
nakangiti nitong sagot.
Hinampas ito ni Sheldine, “Ikaw
naman kasi, hinila mo ko,nakakahiya tuloy.”
“Ano diyan nalang kayo?” binalikan
sila ni Lizen.
“Nagmamadali? May taxi?” tinarayan
na rin ito ni Sheldine.
“If I know ikaw ang nagmamadali
kanina pa! At oo may taxi na po!”
-----------------------------
Siya, si Kiel , si Xyrish, si Lizen, si John at si Jadey
lang ang mga nakasama sa outing na ito. As usual, may kanya kanyang reason ang
mga kaibigan nila. Si Mafeth hindi nakasama dahil sa trabaho, pati na rin si
Niza na nag aasikaso ng kanilang hasyenda at si Tulips naman, nagkasakit ang
unica hija nito.
They first stop is Right Park .
Nag-enjoy silang lahat sa pangangabayo, lalo na si Sheldine. Huli siyang
nakasakay dito ay nung highschool pa siya kasama ang mommy niya, step dad at
step sister sa Tagaytay. She misses her childhood days. Even though hindi niya
nakilala ang tunay na ama, naging mabait naman sa kanya ang kanyang step dad
that passed away four years ago. Just like her mom and half sister, sobra din
siyang nalungkot ng mga panahon na iyon. Buti nalang playful hearts were always
there on her side. Ang mommy niya ang kasalukuyang nag ma manage ng restaurant
na naiwan nito sa kanila katulong ang kanyang kapatid na magtatapos palang sa
darating na March sa kursong Hotel and Restaurant Management.
Nagkasundo sina Kiel at Jadey dahil pareho silang mahilig sa
photography.
“Bez, pose na sa tabi ng pond!”
utos ni Kiel sa kaibigan.
“Ano ba yan, kanina niyo pa kami
ginagawang model ah,” reklamo ni Sheldine. Kapag may nakikitang magandang view
sina Jadey at Kiel
ay pina po pose nila sila Xyrish, Lizen at Sheldine. Minsan sumasali rin si
Jadey sa mga ito.
“Huwag ka ng magreklamo! Dali na!”
hinila na ni Lizen si Sheldine, palibhasa sanay ito sa mga pictorials.
“Oo nga! Minsan lang to!” dagdag pa
ni Xyrish.
“John, sumama ka na!” yaya ni Jadey
sa kasamang lalaki ni Xyrish.
“Sige, okay lang ako,” sagot dito
ni John. Likas itong mahiyain.
“Oh, kayo namang dalawa ni
Sheldine!” kinuha ni Jade yang kamera sa mga kamay ni Kiel .
“Say happy!” utos ni Jadey sa
kaibigan.
Inakbayan ni Kiel si Sheldine at nagsabi ng Happy.
I
wish I could be happy with you, bez. Nasabi na lamang ito ni Sheldine sa
sarili.
Their next stop is the Mansion at
pagkatapos ay nilakad lang nila papuntang Mines View Park .
“Ang layo naman! Hindi ba tayo
pwedend mag taxi?” reklamo ni Lizen.
“Try to appreciate the view,”
effortless na sagot ni Jadey at tuloy sa pagkuha ng mga litrato.
“Oo nga,” dagdag ni Kiel na kinukuhaan naman
sila habang naglalakad.
After nilang mag picture taking sa Mines View
Park ay nagkanya kanya na
sila ng pagbili ng mga pasalubong. Magkasama sina Kiel at Sheldine, si Lizen at Jadey, si John
at si Xyrish.
Ang usapan nila, magkikita kita
nalang sila sa entrance eksakto 12 noon para sa lunch.
“Bez! Bili tayo tshirt! Ang cute
naman nito! I want this!” turo ni Sheldine sa isang statement tshirt.
“Somebody loves me in Baguio City ,”
naiiling na wika ni Kiel , para ka namang
nakakita ng lovelife dito sa Baguio ,”
komento nito sa napiling damit ng dalaga.
“Pakelam mo ba?!” asik niya rito.
How she wish na sana si Kiel ang magmahal sa kanya ng higit pa sa
matalik na kaibigan.
“Galit? Ate, bayad po para dito sa
shirt,” inabot na ni Kiel
sa nagtitinda ang pera nito.
“Siya rin pala magbabayad,dami pang
sinasabi,” natatawang sabi ni Sheldine sa kaibigan, “Thank you! Love mo talaga
ako!” nilingkis pa ni Sheldine ang kamay sa braso ng kaibigan.
“Ma’am, Sir, bagay po kayo,”
kinikilig na komento ng aleng nagtitinda sa kanila, “Sana po couple’s shirt nalang ang binili
niyo. Ito po oh!”
“Uy si Ate, marketing strategy. Oh
bez, bilhin mo na!” biro ni Kiel sa kasama.
“Tseh! Ate, hindi ko po boyfriend
to. Hindi niya ako mahal eh!” ganting birong totoo ni Sheldine.
“Ikaw talaga,” kinurot ni Kiel ang magkabilang
pisngi ni Sheldine.
“Say happy!” Nagulat ang
magkaibigan sa biglang pag click ng kamera ni Jadey. Kahit na marami na itong
ipinamili ay nakukuha pa rin nitong kumuha ng mga litrato.
“Hanggang dito ba naman, moment pa
rin kayo?” sabay abrisyete ni Lizen, “Konting kahihiyan naman nasa public place
kayo. Buti sana
kung tayo tayo lang” biro nito sa dalawa.
“Dami mong alam Lizen! Tara na! Kain na tayo, nagugutom na ko. Sila Xyrish?”
pag-iiba ni Sheldine sa usapan.
“Ma..”sagot ni Lizen.
“Pa..” sagot naman ni Jadey. At
nagtinginan ang dalawa sabay kindat.
“Tara
na! Una na tayo sa hotel! Malalaki na sila, alam na nila ang ginagawa nila,”
yaya ni Lizen sa mga kasama.
---------------------------------------
Past two pm na ng bumalik sila
Xyrish at John sa hotel.
“Tagal naman ng date niyo. Hindi ba
kayo ginutom?” tanong ni Jadey sa mga bagong dating.
“Kumain na kami sa labas,” ibinaba
na ni John ang mga ipinamili sa mesa at isa isang inayos.
“Bruha ka, may kasalanan ka sa
akin!” bulong sa kanya ni Xyrish at dumerecho na ito sa kuwarto upang magpalit
ng damit.
Bungisngis lang ang isinagot ni
Jadey at nakipag-apiran pa ito kay Lizen.
Chapter 5- Meeting the
Prince
“Ang kj naman ng dalawang iyon!”
komento ni Sheldine. Kasalukuyan silang naglalakad sa Baguio Plaza
at patungo sa rentahan ng mga bike.
“Hayaan na natin, may pinagdadaanan
eh,” sagot dito ni Jadey.
“Ano ba kasi yon? Hindi ako
makarelate sa drama ng dalawang iyon,” si Sheldine ulit.
“Malalaman mo rin!” kinindatan pa
siya ni Jadey.
“Whatever! Gusto ko yung violet!”
tinakbo na ni Sheldine ang isang bike na kulay violet. Lumabas ang pagka
childish niya.
“Hindi ka mauubusan, para kang
bata, relax ka lang!” natatawang sinusundan ito ni Kiel .
“Oo nga! Pasensiya ka na Kiel , minsan talaga para
paring bata yan si Shel. Okay lang yan, lahat tayo magpakabata muna ngayon!”
pumili na rin si Jadey ng bike na masasakyan.
“21 pa lang naman ako ah!
Considered as bata pa rin ako. Palibhasa ikaw, 40 years old ang sumasanib sa’yo
eh 23 ka pa lang naman,” turan ni Sheldine kay Kiel . Napaka stiff kasi nitong tao, gusto
lahat organized, laging kalmado at nag-iisip munang mabuti bago magbitiw ng
salita o gumawa ng mga bagay-bagay.
After nilang mag bike ay sumakay naman sila ng
bangka sa manmade lake na iyon na nasa gitna ng Burnham Park .
“Ma’am, gusto niyo po bang magrent
ng bangka?” alok sa kanila ng isang nakangiting binata. Almost the same as
their age. Hindi maikukubli ng rugged nitong suot na damit ang kaguwapuhang
taglay.
“Sure!” nakangiting pag sang ayon
dito ni Lizen.
“Ang landi mo teh! Single?” bulong
dito ni Jadey.
“Kaya nga hindi ako nagdala ng
sabit eh, huwag ka ng kumontra!” sinundan na nito ang binata. “Ah kuya, hindi
kami marunong mag sagwan, pwede ka bang sumama sa amin?”
“Sige po. Kaya lang may extrang
bayad,” sagot ng binata.
“Ang flirt niya lola!Pagalitan mo
nga!” bulong ni Jadey kay Sheldine.
“Hayaan nalang natin siya,”
natatawang sagot nito.
Naiiling nalang na sinundan ni Jadey ang mga kaibigan.
“Gusto ko i-try magsagwan!” Lumipat
ng puwesto si Sheldine at tumabi sa binatang nagsasagwan para sa kanila.
Luiz daw ang pangalan nito at doon
nakatira sa Baguio
simula pagkabata. Nakilala na rin nito ang mga sakay niya.
“Mabigat po ‘to, baka sumakit yang
braso mo,” warning nito sa dalaga.
“Okay lang yan!” inagaw nito ang sagwan sa binata, “Akin na!”
Click! Galing ito sa kamera ni Kiel , “Bez, bagay kayo!”
komento nito.
“Mukha mo!” Kinuha nito ang sagwan
mula sa mga kamay ni Luiz at inis na inikot ito.
Tawa ng tawa ang mga sakay nila
dahil nagpaikot ikot lang sila at hindi umuusad.
“Akin na Ma’am, hindi po ganyan,”
magalang na wika ni Luiz kay Sheldine.
“Ganito po,” itinuro niya dito ang
tamang pagsagwan.
Click! This time galing naman ito
sa kamera ni Jadey.
“Ang hilig niyo sa stolen!”asik
nito kina Jadey at Kiel .
Nagtawanan lang ang dalawa.
“Luiz, may fb ka ba? I-ta tag ka
nalang namin,” tanong dito ni Lizen.
“Meron po. Luiz Castro,” maikli
nitong tugon.
“Ang common naman ng name mo. Baka
hindi kita, I mean namin masearch,”
“Prince Luiz Castro po,” sagot ulit
nito.
“Oh. Prince, mas bagay sa’yo yon
kesa Luiz,” Komento ni Lizen.
“Mas komportable po ako sa Luiz
eh,”
“But I prefer to call you Prince.
Tsaka huwag ka ng mag “po” mukha namang magkakaedad lang tayo.”
“Oo nga, ilang taon ka na ba?”si
Jadey
“23 po. Ah 23.” Sagot niya.
“Kitam! We’re just the same age!
Kelan birthday mo?” si Lizen
“Ano to interview?” singit ni
Sheldine.
“Shut up, hindi naman ikaw ang
iniinterview,” bara ni Lizen dito.
“May 3,” sagot ulit nito.
“Liz, tama na. Mukhang nahihiya na
sa atin si Luiz,” awat ni Jadey sa kaibigan, “Luiz, paki park na tong bangka.
Nagtext na si Xyrish guys, nasa SM daw sila ni John. At Kiel , dinala niya daw ang van mo. Tamad
talaga mag commute yon.”
“Ok,” maikling tugon ni Kiel .
“Akala ko magkukulong nalang sila
hanggang bukas sa hotel eh,” si Lizen.
Inalalayan ni Luiz ang
magkakaibigan sa pagbaba mula sa bangka. Huling tumayo si Sheldine, inayos pa
kasi nito ang mahabang buhok na nagulo ng malakas na hangin.
She felt shiver ng hawakan ni Luiz
ang mga kamay niya at parang nagkaroon ng short circuit sa pagitan ng mga kamay
nila. Malamig lang ba talaga sa Baguio
at iyon ang naramdaman niya.
Click! Sabay na tunog ng kamera
nila Jadey at Kiel .
“Mga Adik!”
Biglang may tumunog na telepono.
“Hello. Ha?! Oh sige, papunta na
ko!” binaba na ni Luiz ang telepono, “Ma’am,Sir, mauna na po ako sa inyo,”
paalam nito sa mga kaninang sakay na pasahero.
“Nauna ka pa sa amin ah, tumatawag
na ba si misis?” usiserang tanong dito ni Lizen.
Binatukan ni Jadey ang kaibigan
pagkatapos nitong magsalita,“Sige, ingat ka!” pagtaboy nito sa binata, “thank
you ha!”
“Oy Prince, yung bayad namin!”
habol ni Sheldine dito.
Napatigil sa paglalakad si Luiz at
nilingon ang magkakaibigan. Kinuha niya sa mga kamay ni Sheldine ang bayad at
nagpasalamat.
Nagtaka sila ng i abot nito sa
matandang nakaupo sa isang bangko ang ibinayad nila at tuloy tuloy ng tumakbo.
“Boundary?” takang tanong ni Lizen.
“Siguro,” kibit balikat na sagot ni
Jadey, “Tara na sa SM.”
Nabigla sila ng muling bumalik si
Luiz at lumapit kay Sheldine, “Pwede po bang makuha ang number mo?” nahihiya
nitong tanong sa dalaga.
“Ako?” maang na tanong ni Sheldine
sa kausap.
“Hindi! Ako!” si Lizen, “malamang
ikaw! Sino bang kausap niya?”
“Ha? Ah eh,” Hindi alam ni Sheldine
kung ibibigay ba niya o hindi.
“Ako na! Ito oh,” si Jadey na ang
nagbigay kay Luiz ng numero ni Sheldine since kabisado naman niya ito.
“Thanks po, sige po, alis na po
ako,” muli itong umalis at this time hindi na muling bumalik o lumingon man
lang.
“Ang weird..” komento ni Sheldine.
Hindi niya alam kung bakit siya pa ang napansin nitong si Luiz. Magaganda rin
naman ang mga kaibigan niya pero bakit siya ang nilapitan nito at hiningian ng
number. Ganun ba ka obvious na single siya?
“Mo!” sabay pang sabi nina Sheldine
at Lizen.
“Hiningian ka lang ng number,
natulala ka na! Ako yung nagpapacute taz ikaw yung napansin! Unfair!” welga ni
Lizen.
“Landi mo kasi, eh!” natatawang
sagot dito ni Jadey.
“ Sige na, sa’yo na si Mister
Bangkero,” sabi nito kay Sheldine.
“Mister Bangkero talaga? Di ba
pwedeng Prince nalang?” react naman niya.
“K fine, Prince Charming mo!” Nauna ng naglakad si Lizen.
---------------------------------
Kasalukuyan silang kumakain sa
isang restaurant sa loob ng SM ng may mahagip ang mga mata ni Sheldine.
“Si Prince yun ah!” turo nito sa
isang lalaking naka semi-corporate at may kausap na guard.
Nakatalikod ito kaya’t hindi
masigurado nila Lizen, Jadey at Kiel
kung si Prince ba talaga ito.
“Mukhang malabo Heart, ang gara ng suot eh. Hindi siya
yan,” komento ni Jadey.
“Ikaw ha! Namiss mo na kaagad?”
intriga ni Lizen.
“Ui, si Bez, inlove na!” asar sa
kanya ni Kiel .
“Tseh! Siya talaga yan!” paniniyak
ni Sheldine.
“Paano ka nakakasiguro aber?!”
tanong ni Lizen sa kanya.
Paano nga ba? “Nararamdaman ko
lang?” sagot niya.
“Ramdam lang?” tinaasan ito ng
kilay ni Jadey.
“Sino ba yun?” hindi makarelate si
Xyrish.
“Si Mister Bangkero,” sagot ni
Lizen dito.
“Si Prince Charming,”pagtatama ni
Jadey.
Chapter 6- The Prince
and Her
It’s one of the best trips that
Sheldine has experienced, although lagi naman siyang lumilibot ng Pilipinas
because of her work, iba pa rin kapag mga kaibigan mo ang kasama mo plus the
fact that it was her first time to go there in Baguio . Ang sarap tuloy magsulat. Tulad
ngayon, free time niya kaya nag-a-update siya ngayon sa kanyang blogsite.
Nagulat siya ng biglang tumunog ang cellphone sa tabi niya.
“Hello? Who’s this?” numero lang
kasi ang rumehistro sa screen.
“Luiz,” nasabi niya ito pagkatapos
pakawalan ang isang mahabang buntong
hininga.
“Hi Prince!” kaswal niyang bati
rito but deep inside ay kinilig siya. Matagal na kasi niyang ineexpect na
tatawagan o itetext man lang siya nito, “Kumusta?”
“Okay naman. Can we, ang ibig kong
sabihin, pwede ka bang mayayang lumabas?” kinakabahan nitong tanong sa kausap.
“Nandito ka ngayon sa Manila ?”
“O-oo. Kung okay lang naman sana sa’yo,”
“Bakit ngayon ka lang nagparamdam?”
tila may himig pagtatampo sa boses ni Sheldine.
“Naging busy kasi ako sa
pagpapatakbo ng maliit na negosyo ng pamilya ko,”
“Ah,ok,”
“Pwede ka ba ngayon?”
“Okay sige.” She felt excited.
------------------------------
They went to Glorietta para mag
dinner at kasalukuyang nagkakape na lamang sa isang coffee shop.
“Anong business niyo?” tanong dito
ni Sheldine.
“Retail lang,” sagot ng binata.
“Retail? As in sari-sari store?”
“Parang ganun na nga.”
“Teka lang! May naalala ako, ikaw
yung nakita namin sa SM non di ba? May kausap ka pa ngang guard ng mall eh.”
Sigurado si Sheldine na ito ang nakita niya.
“Hah? Hindi ako yon,”
“Weh?”
“Hindi talaga ako yon. Tsaka ano
namang gagawin ko sa mall? Dumerecho na ko uwi non, nagka emergency kasi sa
bahay kaya kinailangan kong umuwi kaagad,” paliwanag nito.
“Ok,” hindi pa rin kumbinsido si
Sheldine. Somewhere in her heart nararamdaman niyang parang may itinatago ito.
“By the way, anong ginagawa mo dito sa Manila ?”
“May binisita lang ako na mga
kamag-anak. Tsaka may bahay rin kami dito. Sa Taguig.”
Tango lang ang isinagot ni
Sheldine.
“Okay lang ba kung masundan pa
itong paglabas natin. I want to , gusto kong higit ka pang makilala Sheldine,”
Muntik ng masamid si Sheldine sa
iniinom na kape, “Sigurado ka?”
“Oo. Hindi naman siguro magagalit
si Kiel ? Or may
boyfriend ka ba na magagalit sa akin?”
“Ano ka ba? Bakit naman magagalit
si Kiel ? Best
friend ko yon. At boyfriend, wala ako non.”
“Wala pa o wala na?”
“Wala na. Two months ago.”
“So it means, pwede ulit tayong
lumabas?”
“Oo naman.”
“I like you Shel,” pagtatapat ni
Luiz sa kasama, “At gusto pa kitang makilala ng lubos.”
-------------------------------------------
I
like you Shel at gusto pa kitang makilala ng lubos.
Ito ang paulit ulit na nagpi-play
sa isipan ni Sheldine. How would a stranger like her on their first meet? Ito
ba ang tinatawag na Love at first sight?
Siya kaya? Magagawa niya kayang
mahalin ito? Aaminin niya na na attract din siya tulad ni Lizen dito, dahil
guwapo naman talaga ito.
Well, mukha naman siyang mabait,
masipag check. Guwapo,sobra! Mayaman? Hindi naman issue sa kanya iyon. As long
as masipag sa buhay, okay na siya.
Matapat at loyal? Dito yata siya
magkakadoubt. Mukha ngang kailangan niya pa itong kilalanin ng lubos.
Pero paano na si Earl? Wala na ba
siyang nararamdaman para dito? Si Kiel? Hahayaan na ba niyang mawala ang
nararamdaman para dito?
Ready na ba siyang sumugal para sa
bagong pag-ibig?
Hindi niya rin alam and she need an
expert advice.
“Niza! Busy ka ba? Pwede ka bang
maistorbo ng matagal?” kausap niya ito sa telepono.
“Okay lang. Ano ba yun?” sagot nito
sa kaibigan.
“Anong gagawin ko?” tanong ni
Sheldine sa kausap.
“Yung kabaligtaran ng sasabihin
ko,” kabisado na talaga siya ni Niza. Pati na rin ng iba nilang mga kaibigan.
“Mahal ko pa ba si Earl?”
“Puso mo ang tanungin mo,”
“Pero kasi, ayoko ng makipag-ayos
sa kanya, ayoko na siyang makita o makausap man lang, at ayoko na rin siyang
maalala. So it means na hindi ko na siya mahal?”
“Pwede.”
“Eh si Bez kaya?”
“Baka infatuation lang yun.”
“PBB teens? Infatuation?”
“Malay mo lang naman. Kasi yung mga
hindi nagagawa ni Earl, sa kanya mo naramdaman so malamang napunta sa kanya
yung feelings mo.”
“Pero hindi pwede eh kasi may
girlfriend na siya. At mahal na mahal niya ang girlfriend niya. Ayoko namang
lumabas na mistress.”
“Mistress kaagad? Di ba pwedeng
third party muna? Di pa sila kasal teh!”
“Tapos meron kaming guy na nakilala
sa Baguio ..”
“Yung bangkero? Nakita ko nga sa
fb. Bagay kayo.”
“Makinig ka muna! Lumabas kasi kami
kahapon at nagyaya ulit siyang lumabas ulit kami. And he said that he likes me
and he wants to know me better.”
“Huwag nalang siya. Huwag mo ng
ituloy ang pakikipagdate sa kanya at kalimutan mo nalang siya.”
“Thank you! Iyan talaga ang gusto
kong marinig. Bestfriend talaga kita! Babye!” ibinaba na nito ang telepono.
------------------------------------------------
Nasundan pa ng ilang beses ang
paglabas nila Sheldine at Luiz. She found out na masaya itong kasama.
Napakagentleman at napakalalim kung mag-isip. Napag-alaman din niya na kabatch
rin pala nila itong grumadweyt at kapareho din nila ng kurso. Sa Baguio ito
nagtapos at kasalukuyang pinatatakbo ang negosyo ng pamilya niya.
“Gusto sana kitang ipakilala sa parents ko. Andito
sila ngayon sa Manila .
Sana okay lang
sa’yo.”
“Ha? Hindi ba nakakahiya?” biglang
nailang si Sheldine sa usaping iyon. Hindi naman siya girlfriend nito para
ipakilala kaagad sa pamilya nito.
Mukhang naramdaman ni Luiz ang
iniisip ni Sheldine kung kaya’t bigla na lamang ito lumuhod sa harapan ni
Sheldine at may dinukot sa kanyang bulsa.
“Tumayo ka nga diyan! Nakakahiya
naman, yung mga tao nakatingin na sa atin!” Nasa gitna ang table nila sa isang
restaurant at ang mga taong kumakain at nangingiting nakatingin sa gawi nila.
Bigla ring lumitaw ang isang
lalaking nag ba violin habang tinutugtog ang paboritong kanta ni Sheldine.
“Will you be my girl?”
Tanging tango lang ang isinagot ni
Sheldine. Ngayon lang may naging ganito ka romantic sa kanya. Akala niya ay sa
mga kuwentong isinusulat niya lang pwedeng mangyari ang mga ganitong eksena sa
buhay niya.
Isinuot ni Luiz ang isang diamond
ring sa daliri ng ngayon ay opisyal ng kasintahan.
“I love you Sheilla Geraldine.”
“I love you too my prince.” Niyakap
ni Sheldine ang katipan.
Palakpakan ng mga tao ang umingay
sa buong restaurant na iyon.
Chapter 7 – Realized
Mahal na niya si
Luiz. That’s one thing Sheldine is sure about. Sa maikling panahon na
pinagsamahan nila, she felt that mahal talaga siya nito. Although lahat naman
ng nakakarelasyon niya, she always give her best, and all her love. She already
let go of Earl as well as Kiel .
Last week,
nakipagkita sa kanya si Earl to reconcile pero hindi na niya tinanggap ang
pakikipag –ayos nito. Masaya na siya sa piling ni Luiz.
Papunta sila
ngayon sa tahanan ng pamilya ni Luiz to finally meet his parents. Sinungaling
siya kung sasabihin niyang hindi siya kinakabahan. Nadagdagan pa ito ng tumapat
sila sa isang napakalaking bahay na animo’y malapalasyo sa laki. Putting puti
ito at napapaligiran ng mga ornamental plants sa palibot.
Shit! Sa kanila ba talaga ito? Baka
nagkakamali lang kami ng nahintuang bahay. Bagay sa kanya ang pangalan niya.
Prince. Nasabi na lamang ito ni Sheldine sa sarili. Para
siyang naurungan ng dila at nalulula sa nakikita.
“Andito na tayo,
Shel,” inalalayan na siya ni Luiz pababa ng kotse, “Don’t worry, hindi sila
nangangain ng payat pero magandang katulad mo,” Luiz tried to joke para mawala
ang kaba ng kasintahan. Halata niya kasi sa itsura nito ang magkahalong shock
at kaba.
“Hindi ako
magpapakain ng buhay. Black belter ako,” ganting biro dito ni Sheldine. She doesn’t
want to change her mood. Not right now, maybe later.
--------------------------------------
Hanggang sa
maihatid siya ni Luiz sa sarili niyang bahay ay hindi ito umiimik. Akmang
bababa na siya ng kotse nang pigilan ito ng binata.
“I’m sorry Shel,”
“You lied and you
didn’t tell me everything!” asik ni Sheldine dito.
“Si Mama ang
nagsabi sa akin non, na I shouldn’t tell my true identity para malaman ko kung
mamahalin ba talaga ako ng babaeng mapipili ko in the future,” paliwanag nito
dito.
“Hindi ako
interesado sa pera mo! Tandaan mo yan.” Galit siya dito dahil nagawa nitong
maglihim sa kanya, wherein siya ay halos nakuwento na niya dito ang buong buhay
niya.
“I know that.
Right from the start I met you.”
“My point is. I
want an honest relationship.Ayoko ng ganito. Ang daming sikreto. Hindi ko na
alam kung ano ang paniniwalaan ko sa lahat ng mga sinabi mo.” Naiiyak na siya.
Ilang beses na rin kasi siyang naloko. Sa lahat ng naging mga boyfriends niya,
marami dito ang niloko lang, nagsinungaling o may mga hidden agenda sa kanya.
The worst is, katawan lang niya ang habol. She thought Luiz is different from
all these guys. Yun pala pare-pareho lang silang manloloko! Ang alam niya, mula
lang ito sa isang simpleng pamilya. Nag working student upang makatapos ng
kolehiyo at ngayon nga ay tumutulong sa pagpapalago ng munting negosyo ng
pamilya nito. Yun pala, isa ang pamilya nito sa pinakamayayamang angkan sa
bansa. Marami silang establishments like malls, hotels and restaurants ang
pinauupahan.
At sa naging
pag-uusap nila kanina sa hapag-kainan ay waring gusto siyang ihiga ng mga
magulang nito sa salapi.
Kung siya ang
masusunod, ayaw niya ng ganoon, mas gusto niyang mag-stick sa mga naging plano nila noon ni Earl.
Magpupundar ng sariling mga gamit at ari-arian, mag-iipon para sa future ng mga
magiging anak, in short, simpleng buhay lang ang gusto niya. Katulad ng
pamilyang kinalakihan niya. Her mom and step dad started from scratch. Mula sa
isang maliit na karinderya hanggang sa maging isang restaurant na ngayon nga ay
magkatulong na pinamamahalaan ng kanyang ina at half sister na si Marina .
“Kaya nga , eto
na eh. I’m telling you everything. I want you to know now the whole me. Please
listen,” pagmamakaawa ni Luiz sa nobya.
“I’m sorry, pero
simpleng buhay lang ang pinapangarap ko and I don’t want pretenders in this
damn life!” hindi na siya nagpapigil pa at dumerecho na sa loob ng bahay nila.
--------------------------------------------
“Ang sakit bez!
Akala ko siya na!” tinungga ni Sheldine ang beer na nasa kanyang baso. As
usual, nasa metrowalk na naman siya kasama ang kaibigan at nagpapakalasing para
magamot ang nabasag na puso. Well, pansamantala. It’s been two weeks simula ng
makipagkalas siya sa kasintahan. Ayaw niya sa magarbong buhay, ayaw niya sa
pamilya nito na nasa alta sosyedad, ayaw niya rito na isang sinungaling at
mapagpanggap. Imagine nagpanggap ito na isang gusgusing bangkero yun pala ay
ubod ng yaman. Wala pa yata sa isang guhit ang yaman ng pamilya niya laban sa
pamilya nito. Langgam kumbaga, microscopic pa nga kung tutuusin at sobra siyang
nanliliit.
“Suko ka na?
Hindi mo na ba siya mahal?” tanong ni Kiel sa kanya.
Iling ang isinagot
niya.
Naguluhan si Kiel
sa isinagot ng kaibigan, “Huh? Para saan ang
iling na yon? Sa una kong tanong o pangalawa?”
“Hindi ko alam!”
tuluyan ng pinakawalan ni Sheldine ang masaganang luha na kanina pa nagbabadya
at kanina pa rin niya pinipigilang lumabas. She was deeply hurt of all the
thoughts that are haunting her right now.
Maang na
napatingin si Sheldine, “Ha?” may luha pa rin sa mga mata nito.
“Ako nalang ulit
ang mahalin mo,”
Magulo na ang
isip niya ay lalo pa siyang naguluhan. “Bakit bez? I thought we were just best
friends!” may diin sa huli nitong sinabi.
“I know this
isn’t the right time to tell you, pero sasabihin ko na,” humugot muna ng
malalim na buntong hininga si Kiel
bago itinuloy ang mga nais sabihin, “From the time na hindi na tayo masyadong nagkakasama at si
Luiz na ang madalas mong kasama lumabas, I just realized how much I missed your
company. Lagi kitang hinahanap hanap. Minsan pa nga naramdaman ko nalang, mas
namimiss kita kesa kay Brenda na nasa states and then one day, I woke up,
opened my laptop and breaking up with her dahil ikaw na ang mahal ko. I was a
fool ng huli ko ng maramdaman ito.”
“It’s not true,”
umiiyak pa ring wika ni Sheldine. She couldn’t believe na magagawa rin pala
siyang mahalin ni Kiel .
“Yes, it is,”
bigla na lang siyang hinalikan ni Kiel .
Nabigla siya sa
ginawa nito kaya’t natigilan siya. Later she realized na she’s already
responding to his kiss. Hindi nila alintana ang ibang taong nag-iinuman rin sa
paligid nila. It feels like their both worlds stopped from revolving.
Past midnight na ng ihatid siya ni Kiel sa
kanilang bahay.
-----------------------------------------------------
“Sheilla, may
bisita ka!” tawag ng kanyang mama.
“Pakisabi, wala
ako! Masama ang pakiramdam!” totoo naman ito. Masakit pa ang kanyang ulo dahil
sa mga nainom nila ni Kiel
kagabi. Nakainom man siya ay malinaw pa rin sa kanya ang mga nangyari kagabi
and it hurts more her crazy head.
“Lumabas ka na.
Kung ayaw mong daldalan ko tong bisita mo!” banta sa kanya ng kanyang ina.
Likas kasi itong masayahin at makuwento. Estimadong estimado ang mga bisita nya
sa tuwing natataon na nandodoon ito.
“Ito na lalabas
na. Sino ba yan?”
“Si boyfriend,”
“Prince?” Hindi
na muling sumagot ang kanyang ina. Yari na! Baka kung anu-ano pa ang sabihin
nito sa kanyang bisita.
Dali-dali siyang
nag-ayos ng sarili kahit pa pumipitik ang kanyang sentido. Napasimangot siya ng
pagdungaw niya sa hagdan, “Mama talaga. Ex-boyfriend naman yan eh. Hindi
boyfriend. Teka! Nakipag-break na nga rin pala ako kay Prince so it means ex ko
na rin pala siya. Hayz. Dumadami na talaga sila,” nasabi na lamang ito ni
Sheldine sa sarili.
“Anong masamang
hangin ang nagdala sa’yo rito,” walang energy niyang tanong sa kausap.
“Pwede ba tayong
mag-usap?” balik-tanong ni Earl sa kaharap.
“Pwede bang next
time nalang? Masakit kasi ang ulo ko ngayon,” sagot nito.
“Sandali lang.
May sasabihin lang ako,” pakiusap nito.
“Five minutes.
No. I mean two minutes,” mataray na sagot ni Sheldine.
“Sheilla
Geraldine! Is that a proper way of treating a visitor here in my house?” singit
ng kanyang ina.
“Ma! Pumunta ka
ngang Marildine’s!” irritable nitong sagot sa ina. Ang tinutukoy nito ay ang
restaurant na pag mamay-ari nila.
“Watch your manners.
Sige, iho, alis na ko. Pasensiya ka na sa anak ko,” hinalikan na nito sa pisngi
ang anak at lumabas na ng kanilang bahay.
------------------------------------
Chapter 8 – Her Choice
Mga tatlong oras
na buhat ng umalis si Earl, pero ang mga sinabi nito ang isa sa gumugulo sa
magulo na niyang isip ngayon.
“Promoted ako sa trabaho pero hindi ko
magawang magsaya dahil wala ka na sa buhay ko Sheldine,. Yung mga pangarap
natin nung college, unti unti ko ng natutupad pero wala ring kuwenta dahil
hindi kita kasama sa pagtupad ng mga ito. Sorry for hurting you Sheldine. Mahal
na mahal kita. For the last chance, please come back to me. Let’s start all
over again.” Ito ang mga sinabi ni Earl sa loob ng dalawang minutong
binigay ni Sheldine sa kanya.
Pagkatapos nilang
mag-usap ay nagtext naman sa kanya si Kiel ,
“Bez, sana wala
ka ng hang-over. I suppose tulog ka pa rin. Ikaw kasi eh, dami mong nainom,
pero sana
naalala mo lahat ng nangyari kagabi. I love you bez. This time, I’m pretty
sure, it’s more than a friend. See you sa office. Love lots.”
Si Prince naman
ay kanina pa rin tawag ng tawag ngunit hindi niya sinasagot. Pumunta rin ito sa
bahay nila pagka-alis ni Earl ngunit ipinataboy na lamang niya ito sa kapatid
na si Marina .
Lalong sumakit ang ulo ko! Ano bang gagawin
ko sa inyo?! Can’t you just leave me alone! Hano ba namang buhay to at letseng
puso to! Hindi makapagdecide decide. Hawak ni Sheldine ang kanyang sentido.
Si Earl.
Si Kiel.
Si Prince.
Literal na mahaba
ang buhok niya pero ngayon niya lang yata nararamdaman ang lateral na kahulugan
nito.
-----------------------------------
“Hui! Kanina mo
pa tinitigan yang mangga! Mamaya niyan, magsasalita na yan,” gulat ni Jadey sa
nakatulalang si Sheldine habang hawak ang isang malaking hinog na mangga.
“Haa? Ah..Ehh..”
di niya alam ang isasagot niya. Nasa hasyenda ni Niza silang lahat ngayon.
“I really love
playful hearts!” pagshi-share ni Jadey ng nararamdaman kay Sheldine,
“nakukumpleto lang tayo kapag may mga problema ang sinuman sa atin.”
“Oo nga eh. Akala
ko hindi tayo makukumpleto ngayon para kay Niza.” Komento na rin niya. Sumugod
sila ngayon dito sa Zambales dahil noong isang linggo ay umiiyak na tumawag sa
kanya si Niza. May problema ito, hindi lang sa negosyo kundi pati na rin sa
puso. Katulad niya.
“Hindi lang para
kay Niza. Para din sa’yo lola,” singit ni
Xyrish sa usapan. Hindi nila namalayang nakalapit na rin pala ito sa
tinatambayan nilang lilim ng isang puno katapat ang isang malawak na lagoon.
“Oo nga, nakapag
decide ka na ba?” tanong ni Jadey rito.
“Actually Hearts,
hindi pa rin eh. Hindi ko pa talaga alam ang gagawin ko, ni hindi ko alam kung
nasaan ba talaga sila dito sa puso ko,” muli siyang tumanaw sa malayo, “Sana hindi nalang sila
sabay sabay dumating sa buhay ko.”
“Certified
playful heart ka nga lola. Ang dami mong gustong mahalin eh!” biro dito ni
Jadey.
“Nagsalita ang
loyal,” parinig ni Xyrish dito.
“Talaga loyal
naman ako ah. Loyal na! Kala mo siya hindi playful,” pasaring din ni Jadey kay
Xyrish.
“Hindi talaga!”
balik naman nito.
“Tumigil na
kayong dalawa. Pare-pareho lang tayong playful hearts.” Natatawang awat ni
Sheldine sa mortal na magbestfriend na ito.
Maya-maya ay
lumapit na rin ang ibang playful hearts sa kanila.
“Anong session
ang nagaganap dito? Katatapos lang kagabi ah. Meron na naman ulit?” tanong ni
Tulips paglapit sa kanila.
“Wala naman, may
isang tao lang dito sa paligid ang nahihirapang magdecide,” parinig ni Xyrish
sa kaibigan.
“Ehem…”tumikhim
si Sheldine, “Di mo kelangang magparinig,”
“Aww.. Natamaan
siya!” si Jadey. Tawanan ang barkada.
“Oh, anong plano mo lola heart?”
tanong ni Lizen dito.
Kibit balikat
lang ang isinagot nito.
“Whatever your
choice is, andito lang kaming playful hearts sa tabi mo para suportahan ka,” si
Tulips ulit.
“Oo nga! Tsaka
iwan ka man ng mga walang kwentang lalaki diyan, kami, never!” si Mafeth.
“Bitter ka na sa
mga lalaki ateh?” tanong ni Jadey dito.
“Oo. Palibhasa
ikaw, happy na lovelife mo eh” sagot ni Mafeth dito.
“Hindi naman
porke’t di ka masaya sa lovelife mo, kelangan bitter bitteran na ang peg,”
pagtatangol ni Xyrish kay Jadey.
“Oo nga!” si
Jadey ulit.
“For the first
time, nagkampihan sila!” komento ni Tulips. Madalas kasi talagang magbangayan
itong sina Jadey at Xyrish, yet sila ang magbestfriend sa grupo.
“Kayo na!” si
Mafeth.
“Talaga!” duet pa
ng magkaibigan. Tawanan na naman ang grupo.
“Hasyenda ko to,
pero parang ako pa yata ang na OP, anong kaguluhan ito?” si Niza, kadarating
lang niya dahil may kinausap ito sa bayan, “Sana naman hindi na ako ang pinag-uusapan
niyo.”
“Don’t worry Niz,
hindi ikaw. Si Lola, na problemado din sa lovelife niya. Haba kasi ng hair!”
sagot ni Mafeth dito.
“Sheilla
Geraldine, madali lang ang solusyon diyan! Sagutin mo lahat, sabay sabay!” payo
ni Niza dito.
“Hah? Ganda ng
idea mo!” react ni Tulips dito.
“Ahh. Tama!”
nag-apiran pa sina Jadey at Xyrish.
“Oo, tapos, huwag
ka ng magfocus sa ibang bagay na gusto mong gawin. Sila lang ang karirin mo,”
dagdag ni Lizen dito.
“Tsaka, huwag mo
rin bigyan ng oras at panahon ang sarili mo. Sila na lang ang mahalin mo,” payo
rin dito ni Jadey at kinindatan pa sila.
“Ano ba yang mga
advice niyo! Para kayong mga hindi kaibigan!”
kontra ni Tulips sa mga sinasabi ng kaibigan.
“Slow!” binatukan
ito ni Lizen. Mukhang nakalimutan nito ang ugali ni Sheldine na kabaligtaran ng
mga ipinapayo nila ang sinusunod nito.
Tinaasan ito ng
kilay ni Jadey, “nagkaanak ka lang, nag ka amnesia ka na?”
“Ah-oo nga lola,
lahat sila sagutin mo ha! Sabay-sabay para isang date lang monthsarry mo! Hindi
mo makakalimutan.” Nagets na rin ni Tulips.
Tawanan na naman
ang barkada.
“Thank you
Hearts! The best talaga kayo!” naluluhang sabi ni Sheldine sa mga kaibigan. She
knows now what exactly to do.
These girls
really know when to show-up and show their support on her.
Group hug.
She finally made
a choice.
-------------------------------------------
Chaper 9 – The Signs
She finally made
a choice and that is to stay away from these three guys na gumugulo lang ng
puso’t isipan niya. Pero aaminin niya sa sarili niya na it was very hard.
Patuloy pa rin siyang nilalapitan ng mga ito kahit pa kinausap na niya ang mga
ito na lubayan na siya. She wants to be single, well, as for now na magulo ang
paligid niya. She also wants to focus on her hobby which is writing. Sa sobrang
kulay ng lovelife niya, halos araw-araw na siyang nakakapag update sa kanyang
blog sites at marami na rin siyang follower na nag-aabang ng mga bago niyang
nobela.
She also uses her
blog sites as her personal diary, pero hidden naman ang kanyang true identity.
Only her friends, playful hearts know her. Follower niya rin ang mga ito.
I choose to be single because I don’t want
to hurt anybody. All of them has a very special part here in my heart but I
chose not to be with any of them because I know that somehow, the right man for
me, will come along in the right time and in the right place.
-Ms.PHeart.
Post niya sa
kanyang blogsite.
May isang
follower niya ang nagcomment, “Don’t worry, Ms. PHeart, true love waits.”
Natuwa siya sa
nabasa, “Thank you Regz. Yeah, I hope so,” sagot niya dito.
“Don’t ask for
signs!” komento ni Niza. Naka-online rin pala ito.
“Signs?” tanong
niya rito.
“Ms. Playful
Heart, if you really want to know who the right one for you is, then go! Don’t
ask for signs from above. (wink!)” sagot ulit nito.
Wala namang
masama kung susubukan niya ito di ba? Signs? Ano kayang magandang sign ang
pwedeng hilingin?
Pumunta siya sa
paborito niyang simbahan upang magsimba.
Papa God, Can I ask for three signs?
Tulungan niyo po sana
akong makapagdecide. Pagmulat niya ng kanyang mata ay may nakita siyang
kulay violet na orchid na nakasabit sa gilid ng imahe ni Papa Jesus. Muli
siyang pumikit.
I will ask po for three violet things that I
am very fond of. Love letter, teddy bear and rose. If these signs won’t come at
the end of this month, I’ll be single for two years and will wait for the right
man. Pasensiya na po ha kung demanding ako. Thank you Papa God, I love you.”
It’s her faith
that she can trust right now. After this month, siguro naman magkakaroon na siya
ng peace of mind.
------------------------------------
Regular office
hour, as usual sobra niyang busy bilang supervisor ng kanyang department. She
received an anonymous e-mail.
Juan Dela Cruz
ang pangalan ng sender. Pinoy na pinoy
sa isip niya. It has a PDF attachment at nagulat siya sa naging laman non!
A letter with
violet floral background, na may kasamang violet din na teddy bear sa lower
part. The letter goes on like this:
My Princess, I miss you so much and please
come back to me. I need you in my life because I love you. I will always be
here silently waiting for you and I don’t care if it would takes forever. With all my love, Juan Dela Cruz.
This is the sign
she’s been waiting for almost three weeks now!
Ang daya mo naman Papa God, Pinag-isa mo
yung mga hiningi kong signs. Pero sino to?
“Who are you?”
reply niya sa email niya dito. Paano nito nalaman ang mga signs na hiniling
niya. She swears to herself na wala siyang pinagsabihan kahit sino tungkol
dito. It’s only between her and Papa God.
No response and
now she’s hopeless. Matagal siyang natulala sa monitor ng kanyang laptop.
“Sheldine, come
to my office,” untag sa kanya ni Ms.Joy, superior niya.
“Yes, ma’am,”
sumunod na siya dito.
“On weekend, we
wil have a seminar on Camp John Hay regarding leadership. You will be one of
the speakers. Prepare your staffs,” instruction nito sa kanya.
“Camp John
Hay? Baguio ?”
pagkumpirma niya. There’s only one man that strikes her mind regarding this
place. Prince Luiz.
“Yup. May
problema ba?” sagot at tanong ni Ms. Joy.
“Wa-wala
po. Sige, Ma’am. I’ll talk to my stuffs,” tumayo na ito upang lumabas sa
opisina ng boss.
“By the way,
Shel, medyo tulala ka these days? Any problem you want to share?” offer ng
kanyang boss. Napapansin pala nito ang madalas niyang pagkatulala dahil sa dami
ng iniisip. Trabaho. Pamilya. Blog site. Love life. Signs.
“Okay lang po,
ma’am. Anyway, thanks po sa concern” nakangiti siyang lumabas ng kuwarto nito.
-------------------------------------
She and her staffs have been busy preparing
for their trip in Baguio .
Limang araw ang mabilis na lumipas ng hindi niya namamalayan. And it’s exactly
one month mula ng humingi siya ng signs mula kay Papa God. Binigay naman ang
hiningi niyang signs pero hindi naman niya alam kung sino ang nagbigay non.
Juan Dela Cruz isn’t responding to her e-mails. Kulang nalang ay ipa-check niya
sa taga IT department ang IP address nito para lang malaman niya kung sino ba
talaga ito pero hindi niya ginawa. Kung ayaw niyang magreveal kung sino siya, bahala
siya! She has a life to go on at ngayon nga ay super busy siya para sa kanilang
seminar. She misses her friends na una niyang nakasama sa pagpunta rito sa Baguio .
After their
seminar, she decided na maglakad lakad muna mag-isa. She decided to go to Mines View
Park . For her, this is
the most beautiful place here in Baguio .
Pangarap rin niyang magkaroon ng bahay na may magandang view pag pumunta ka sa
terrace tulad nito.
Muli siyang
tumitig sa kawalan at sinabi sa sarili, “I gi-give up ko na ba ang puso ko?”
Sa mga araw na
lumipas, she slowly realized her feelings for these three guys na minsang
gumulo sa mapaglaro niyang puso.
Si Earl. She
thinks that there is no more another chance for them. She already fell out for
this man. Pero alam niya sa sarili niya na Earl has been a big part of her
life. Ito ang pinakamatagal sa mga naging karelasyon niya but she feels that
they are not meant for each other.
Si Kiel. He will
always remain as her bestfriend. Buti na lang at narealize niya ito bago niya
ito tuluyang mahalin. Naisip niya, sayang ang friendship nila kung hindi
mag-wowork ang relationship nila as lovers.
At si Luiz. Ang
prinsipe ng buhay niya. She knows she love this man pero hindi sila bagay.
Simpleng buhay lang ang gusto niya at hindi ito ang makapagbibigay nun sa
kanya. Maybe, she will try to move on na. Someday, somehow, mawawala rin ang
nararamdaman niya para dito.
Chapter 10- Fairy Tales Do Come True
Nakatanaw pa rin sa
malayo si Sheldine. Mula dito sa Mines
View Park
na kinatatayuan niya ay kitang kita niya ang mga kabundukan ng Benguet. Ang
kalahati ay puro may mga nakatayo ng bahay o gusali at sa kabila naman ay
berdeng berde pa rin. Para rin sa kanya, isa
ito sa pinakamagagandang lugar sa Pilipinas. At dito rin niya nakilala ang isang
prinsipeng bumihag sa puso niya. Muli niyang naalala ang t-shirt na binili rito
kung saan may statement na Somebody Loves
Me in Baguio. Biniro siya ng kapalaran, hindi niya inakala na mapapasakanya
ang nilalaman ng t-shirt na iyon hindi nga lang pangmatagalan.
Naputol ang
pagbabaliktanaw niya sa mga pangyayari sa buhay niya this past few months ng
may isang batang igorot ang lumapit sa kanya at binigyan siya ng kulay violet
na rose.
Iyon ang last
sign na hiningi niya!
“Ka-kanino galing
to?” kinakabahan niyang tanong sa batang lalaki.
Itinuro ng bata
ang isang lalaking naka white long sleeve polo na nakatayo sa dating
pinaglalagyan ng teleskopyo. Nakangiti itong nakatingin sa kanya.
Lumapit ito sa
kinatatayuan niya at lumuhod.
“Shel, mawala na
sa akin ang lahat, wag lang ikaw,” wika nito sa kanya, “I’m willing to give up
everything just for you. Kahit maging isang simpleng bangkero tatanggapin ko
basta’t ikaw ang magiging ina ng mga anak ko.”
“Prince….”
Tanging nasambit ni Sheldine. Parang tumigil ang mundo sa paligid niya. Pati
ang mga ibang turista na busy sa pagkuha ng mga litrato ay napatigil sa kanya
kanyang ginagawa at tila nanood na lamang sa kanila na parang isang eksena sa
pelikula.
“Being a pauper
is not that bad, basta ba ikaw ang magiging reyna na pagsisilbihan ko habang
buhay..”
Naluluha na si
Sheldine sa sobrang tuwang nararamdaman. Hindi niya namamalayan nag-uunahan na
palang tumulo ang mga luha niya sa kanyang pisngi.
Nag-aalalang
tumayo mula sa pagkakaluhod si Luiz at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang
sariling mga kamay.
“Sana naman, tears of joy
yan, I don’t want to see you crying because of pain, parang punyal yal sa puso
ko,” concern nitong sabi sa dalaga.
Iling lang ang
isinagot ng dalaga.
“Please be my
wife Sheilla Geraldine. At please lang huwag ka ng tatakbo mula sa akin,”
kinuha ni Luiz ang singsing na nakaipit sa loob ng bulaklak na hawak ni
Sheldine.
“Please….”
Paki-usap nito sa dalaga.
“I love you Prince…”
umiiyak pa rin nitong wika.
Niyakap siya ni
Prince, “Is that a yes?”
“Oo. Pakakasalan
kita.”
Palakpakan ang
mga tao sa paligid.
Sobrang saya ang
nararamdaman niya, ito talaga ang laman ng puso niya na pilit lamang niyang
binubura dahil sa estado ng kanilang buhay.
She wants to
confirm a thing first, “Prince, may itatanong ako.”
“Hmmm…”
“Ikaw ba si Juan
dela Cruz?”
Nahihiya itong
tumango.
Hinampas ito ni
Sheldine sa balikat, “Ang daya mo! Bakit hindi ka na nagreply?”
“Ewan ko. Hindi
ko rin kasi alam ang sasabihin ko,”
“Bakit ganun ang
pinadala mo sa akin?”
“I just dreamt
about it. Lumapit ka daw sa akin at humihingi ka ng love letter, with flowers
and teddy bear. At gusto mo ay kulay violet lahat. I know it’s weird pero
ginawa ko pa din at pinadala sa’yo through e-mail. Kasi baka hindi mo na naman
tanggapin kapag totoong mga bagay ang ipadala ko sa’yo.” Noon kasi ay nagpadala
ito ng mga bulaklak at kung anu-ano pa kay Sheldine, ngunit lahat ng ito ay
hindi na niya tinanggap mula ng magbreak sila.
“So you mean,
napanaginipan mo lang yon?” amuze pa rin si Sheldine. God is really wonderful!
“Oo nga. Tara sa
house, ipakikilala kita sa iba kong relatives dito sa Baguio .”
“Paano mo pala
nalaman na nandito ako ngayon?”
“Your boss is my
ninang, siya rin ang nagbigay ng email address mo sa akin.” Kinindatan niya ang
fiancé.
Small world. And he’s really my soulmate.
---------------------------------------------
It’s a
simple church wedding. Fairy tale ang theme. Different kind of violet
flowers are all over the place. The
bride wears a princess-inspired gown, while the groom also wears a prince’s
suit. Bagay na bagay rito ang suot niyang damit. He really looks like a real
prince. The whole entourage also wears that kind of gowns and suits. Imbes na
bridal car ang maghahatid sa kanya sa Baguio Cathedral, isang kalesa ang sasakyan
ng bride.
She will slowly walk down the aisle with her
mom, habang naluluhang nakangiti na nahihintay si Prince sa kanya sa altar.
Author’s Note: It is my dream wedding.
Blog updated.
“Ikakasal ka na?!
Yes! After mo, pwede na rin akong ikasal! Hehe,” comment ni Jadey.
“Hindi pa noh!
Paunahin na natin si Niza. Dream ko lang yan. But, it’s not yet now.” Sagot ni
Sheldine sa kaibigan.
“Oo nga pala.
Anyway, congrats Ms. Playful Heart, you finally found your Prince Charming! So
happy for you, also best regards from Arvin. He’s here beside me.”
“Thanks Jadey! :
)”
-WAKAS-
No comments:
Post a Comment