Wednesday, April 20, 2016

Ang Nawawalang Ballpen

“Ang Nawawalang Ballpen” 
Isinulat ni: CieloAmethyst
April 19, 2016

Iyong pagkakataon na halos mabaliw ka na kakahanap sa kanya. Iyong pakiramdam na para bang mababasag na ang puso mo at mawawalan ka na ng pag-asa na mahahanap mo pa siya. At iyong haba ng panahon na iginugol mo sa pag-aasam na muli mo siyang makakapiling. 
Ito ang kwento ng nawawala kong ballpen…
Bakit nga ba nagiging ganun na lang ako ka-praning kapag nawawala ang mga pansulat ko? Kahit gaano sila kadami ay ramdam at alam ko kapag may nawawala o kulang. 
Aaminin ko sa inyo na mayroon akong sakit na ako lang ang nakakaalam. At ang sakit na iyon ay ang pagiging adik. Oo, adik ako sa ballpen. May humigit kumulang ako na isandaang ballpen na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ko. Nahahati iyon sa dalawang lalagyan. Ang isang lalagyan ay puno ng iba-iba’t kulay ng mga ballpen habang ang isa naman ay puro kulay kahel. Siyanga pala, maging ang mga lalagyan ko ng ballpen ay kulay kahel rin. Nabili ko lang ng sampung piso ang isa sa Divisoria noong nakaraang  Disyembre bago mag-Pasko.
Bawat isa ay may pangalan ko at bawat isa ay alam ko ang istory ng kanilang pinagmulan. Kabisado ko rin kung saan sila nanggaling. Ganun ko sila kamahal na bawat detalye nila ay alam na alam ko. Ganun naman talaga tayo hindi ba? Kapag nagmamahal tayo ay alam na alam natin ang kwento nito at ang bawat detalye gaano man iyon kalaki o kaliit ay importante sa atin.
Timang na kung timang. Baliw na kung baliw. Pero sobra talaga ang lungkot na naramdaman ko nang mawala sa paningin ko ang isa sa mga ballpen ko. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang mawala. Hindi ko na matandaan kung saan ako nagkamali o nagkulang at nawala ba siya mula sa mga kamay ko, mula sa mahigpit kong pagkakapit. Ganun na ba ako katanga at sobrang manhid para hindi ko malaman kaagad na nawawala na pala siya? Bakit hindi ko namalayan kaagad?! Bakit ko pinabayaan? Bakit huli na ang lahat para makita ko pa siya? 
Ano na ang gagawin ko? Maghihintay nalang ba sa walang hanggan na may magsauli niyon sa akin? Hahayaan ko nalang ba iyon ng ganun ganun na lang? Syempre hindi! May kailangan akong gawin at iyon ay ang hanapin siya at ibalik sa piling ko.
Nagtanong-tanong, binalikan ang mga lugar kung saan ako nanggaling at nagbabaka sakali na baka nandoon lang siya at hinihintay ako sa muli kong pagdating para kunin at isama siya. Pero wala. Naglaho nang talaga.
 Lungkot, pagkabigo, panghihinayang, pagkalugmok, pagsisisi, pagdurusa ang halo-halo kong nararamdaman. Ang tanga-tanga ko! Ang gaga ko!
Wala na, wala na talaga. 
Nakakaiyak. Nabawasan ang pagkatao ko. Nabawasan ang buhay ko.
Paano na nga ba ulit ang bumangon? 
Bibili nalang ba ng panibago? Pero kahit naman bumili ako at makahanap ng panibagong kapalit ay hindi na iyon mapapalitan ng naging lugar sa puso ko.
May mga bagay lang talaga na kailanman ay mananatili sa puso mo, sa ala-ala mo. Muli mo nalang babalikan ang mga sandaling kasama mo pa siya habang hindi mo siya masyadong napahahalagahan.
Wala na, wala na talaga siya at wala ka ng magagawa kung hindi tanggapin nalang ang lahat.
Salamat nalang sa lahat ng nagawa mo para sa akin. At sa kung sinuman na may hawak na sa iyo ngayon, sana ay mas ingatan at pahalagahan ka niya.

Nagmamahal, 
Ang unang may-ari.
   


Tuesday, April 19, 2016

Kapag Wala Na Siya

“Kapag Wala Na Siya”
Isinulat Ni: CieloAmethyst
April 18, 2016

Lagi na nga lang ba nasa huli ang pagsisisi? Kung sabagay, sino ba
namang tanga ang magsisisi muna sa simula? Wala naman, ‘di ba?
Nakakagago lang talaga sa pakiramdam na palagi nalang, na kapag wala
na siya, doon mo lang maiisip kung gaano pala siya kahalaga sa’yo. At
sisisihin mo nalang ang sarili mo dahil pakiramdam mo ay kasalanan mo
naman kung bakit siya nawala sa piling mo. Saan ka nga ba nagkamali?
Saan ka nga ba nagkulang? Kapag ba naisip mo na ang lahat ng sagot sa
tanong mo ay babalik pa siya?
Siguro hindi na rin. Dahil ang wala ay wala na talaga.
Malulungkot ka nalang dahil lagi mong maaalala ang mga sandaling
kasama mo siya. Bakit nga ba lumipas ang lahat ng iyon? Kasalanan mo
ba ang lahat o mayroon din siyang ambag sa nangyari?
At kung iisipin mo talagang mabuti ay mas nasasaktan ka sa mga
ala-alang iniwan niya sa’yo kaysa sa mismong sandali na wala na siya.
Bakit ba lagi nalang ganon?
Sana ba mas pinahalagahan mo nalang ang mga oras na nandiyan pa siya
at mas naging mabuti pa kaysa sa kung ano ka dati para walang dahilan
para mawala siya? O mas sisisihin mo siya dahil nagawa ka niyang iwan,
nagawa niyang lumayo, nagawa niyang umalis sa buhay mo.
Ngayong wala na siya ay nalulunod ka sa kalungkutan at naiisip mo ang
mga panahong magkasama pa kayo. Gusto mo siyang puntahan para makita,
makausap o makasama pero hindi na pwede, pero wala ka ng magawa kung
hindi ang buhayin na lamang siya sa iyong imahinasyon. Nakakapraning
dahil ang tangi mo nalang pagpipiliang gawin ay palipasin ang lahat.
Palipasin ang panahon na nasasaktan ka ngayon at pagbabakasali na sana
bukas makalawa ay mawala na ang sakit, ang pait at ang matinding
kalungkutan. Na sana sa nalalapit na hinaharap ay maging masaya ka na
ulit. Kahit wala na siya…
Wala na siya. Tatlong salitang madaling bigkasin pero unti-unti kang
pinapatay dahil tila ba hindi mo matanggap. Wala na siya. Tapos na ang
lahat sa pagitan ninyo at kailanman ay hindi na maibabalik pa ang
dati.
Sino ka para ibalik pa ang nakaraan? Kaya mo bang iurong paatras ang
oras? Hindi, ‘di ba?
At ang tangi mo nalang magagawa ngayon ay tanggapin ito. Paunti-unti.
Ayos lang kahit mabagal o napakabagal. Minsan hihinto ka at
magsisimulang muli. At minsan hihinto ka ng matagal para
magtanga-tangahan saglit.  Pero ang mahalaga ay  uusad pa rin naman
ulit.
Wala na siya. Tanggapin mo na. At maging masaya nalang.
Kakayanin mo. Kung gugustuhin mong talaga ay magagawa mo ang bagay na iyon.
Oo nga at wala na siya pero nandiyan ka pa. Humihinga, nabubuhay at
may karapatang lumigaya. Wala man sa piling niya pero sa piling ng
lahat ng tao na mahalaga ang rolyo mo. Mahirap talagang tanggapin ang
katotohan na walang patotoo sa salitang walang hanggan dahil ang lahat
ay nagwawakas. Iba-iba man ang panahon at pagkakataon pero ang lahat
ay mawawala. Katulad mo. Wala ka na rin sa piling niya kaya patas
lang.
Maaaring ang mga sakit na nararamdaman mo ay maramdaman din niya.
Iyang panghihinayang na pilit mong kinukubli sa kaloob-looban ng puso
mo ay maaaring naiisip din niya. Hindi man natin alam pero baka nga.
Wala namang kasiguraduhan sa mundong ito. Ang lahat ay bahagi ng baka
sakali lamang. Lahat ng hawak mo ay maaaring mawala sa isang iglap
kagaya ng pag-ibig niya na akala mo ay iyo na habambuhay.
Mahirap ngunit kakayanin.
Kung babalik siya, salamat. Nasa iyo ang pagpapasya kung tatanggapin
mo pa siyang muli. Kung hindi na siya babalik ay salamat pa rin.
Salamat sa lahat ng ala-ala na palagi mong nababalikan, sa mapapait na
mga ngiti na lagi mong nararanasan at sa mga bagay na iyong natutunan
na kailan man ay hindi mo malilimutan.
Ngayong wala na siya, kaligayahan na lamang ang iyong hangarin. At
ngayong wala na siya, isipin mo nalang na mawawala na rin ang sakit.
Mahirap magtiwala, pero sige, tiwala lang.
Sasaya ka ulit. Kapit lang.

Friday, April 15, 2016

Huli - Isang Sanaysay

“Huli”
Isang sanaysay ni: CieloAmethyst
April 15, 2016





Kung kailan handa ka na, tsaka ka naman niya susukuan. Kung kailan
kaya mo ng ibigay ang puso mo tsaka ka niya titigilan. Kung kailan
handa ka na ulit magmahal ay nakahanap na siya ng ibang mamahalin.
Kung kailan nagmamahal ka na ay tsaka naman may iba na pala siyang
mahal.
Lagi nalang ba akong huli sa byahe ng buhay? O sadyang may mga tao
lang talaga na hindi kayang maghintay?

PARA SA UNANG TAO:
Nagmamahalan kayo at umabot iyon nang humigit kumulang na pitong taon.
Ipinaglaban mo siya sa maraming tao dahil ang tingin ng halos lahat sa
kanya ay hindi siya nababagay sa’yo at may mas nararapat na ibang tao
para sa’yo. Pero dahil sa letseng pagmamahal na iyan, ang
pagbubulag-bulagan at paglalaro ng tanga-tangahan ang pinairal mo at
hindi mo siya pinakawalan. Nagpatuloy ka lang sa pagmamahal.
Ilang beses ka niyang niyayang mag-asawa na at magpakasal ngunit lagi
kang tumatanggi at lagi mong sinasabi na hindi ka pa handa, at marami
ka pang gustong gawin bilang indibidwal. At sa tingin mo naman ay bata
ka pa na darating din ang tamang panahon para sa bagay na iyan.
Mag-aaway kayo, magkakaayos at magkakabati. Katulad lamang ng mga
tipikal na magkakarelasyon. Pupunta sa mga lugar na hindi niyo pa
napupuntahan para magbakasyon, pupunta sa mga lugar na kinalakihan
ninyo upang ipakilala sa mga kamag-anak at kapamilya. Hanggang sa ang
turing na nila sa kanya ay miyembro ng pamilya, maging ikaw ang turing
na nilang lahat sa’yo ng mag-anak niya ay kapamilya na rin nila.
Inaral mo ang mabuting pakikisama. Kahit na minsan ay nagmumukha ka ng
tanga sa isang sulok at pekeng ngumingiti. Pilit inilalapit ang loob
sa mga taong inaasahan mong magiging parte ng iyong buhay habambuhay.
Tinanggap mo ang lahat ng pagkakamali at pagkukulang niya dahil mahal
na mahal mo siya habang hinihintay ninyo pareho ang tamang panahon.
Pero letseng tamang panahon na iyan.
Dahil noong akala mo na handa ka na ay tsaka naman siya nanlamig sa’yo
hanggang sa hindi ka na kinausap, at nalaman mo nalang na may iba na
pala siyang pinagiinitan.
Nang komprontahin mo siya ay inamin niyang may iba na nga. Na wala na
daw siyang pag-ibig para sa’yo.
Sinubukan mo siyang bawiin. At sinabi mong handa ka ng magpakasal. Na
magsama na kayo bilang mag-asawa.
Pero huli na ang lahat. Hindi na daw siya masaya. Kaya naman natauhan
ka at hindi na ipinilit pa ang sarili sa kanya.

Nang muli kang makabangon ay muli rin siyang bumalik sa buhay mo upang
sana ay ayusin daw ang nasira niyo ng relasyon. Pero hindi ka na
pumayag pang papasukin siya ulit sa buhay mo dahil ang sabi mo ay huli
na ang lahat. Tapos ka ng maghintay, tapos ka ng umasa.
Huli na siya para ipagpatuloy pa ang naudlot niyo ng pagmamahalan.

Isa pa ay masaya ka na rin ngayon sa bagong dumating sa buhay mo at
lihim mong hinihiling na sana ay siya na ang huli…


IKALAWANG TAO:

Umasa ka na sana ay siya na.
Umasa ka na iba siya.
Umasa ka na kaya niyang hintayin ka.
Umasa ka na mahal na mahal ka niya.
Pero huli na pala dahil hindi ka na niya nahintay.
Yung akala mo na matiyaga siyang naghihintay hanggang sa handa ka na
ulit magmahal iyon pala ay lumalandi na sa iba.
Muntik mo na nga siyang sagutin at bitiwan ang mga katagang, “Mahal
Kita”, mabuti nalang at nakapagpigil ka. Dahil hindi pala niya iyon
dapat matanggap mula sa’yo.
Huwad ang lahat ng ipinangako niya sa’yo. Hindi raw siya aalis at
hinding-hindi magbabago. Pero nagbago ang lahat ng masaya niyong
pagsasamahan dahil may nakiklala siyang bago at siguro malamang ay
doon na siya nagsimulang mangako ng mga panibagong panata.
Nahuli ka na naman. Dahil kung kailan dama mo ng gusto mo na siya ay
tsaka siya naglaho. Hindi ka na niya talaga nahintay. Akala mo noong
una ay napagod lang siya at nagpahinga lang saglit kaya nanlamig, iyon
pala ay iniwan ka na niyang talaga.
Napako ang mga pangakong binitiwan niya sa’yo. Kinain niyang lahat ng
mga sinabi niyang matatamis na salita. Sana lang ay hindi siya
magkasakit ng diabetes dahil karma nalang niya iyon kung nagkataon. Sa
una ay sobra kang nagalit dahil nilihim pa niya ang lahat. Pero ngayon
ay masaya ka na at lubos na nagpapasalamat.
Hindi siya ang tamang tao para sa’yo. Dahil ang tunay na nagmamahal ay
hindi nagsasawang maghintay maging gaano man iyon katagal.
Hindi ka naman talaga nahuli. Hindi lang sila marunong maghintay.
At hindi sila ang itinakda para sa’yo.
Magdiwang ka. 
Maganda ka.

Monday, April 11, 2016

Just A Rant...

Just A Rant…
“An Open Letter for the Man who broke me that I thought He never will”
April 11, 2016
Instead of telling this to my friends, I will just write all the things that I want to say to you. This is my channel so allow me to post it here on my wall.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Maybe I will just let my heart do the talking. Maraming ligoy, maraming satsat, whatever and I don’t know if I can go straight to the point. Sorry though for this long note.
Bye. 
This is the very first thing that I would want to say to you. Na sana ay narinig ko man lang din na nanggaling sa’yo. Pero wala eh. You step out of my life without even telling me a single word. Ang masaklap pa nito, I was looking for the days you promised me na babawi ka sa lahat ng pagkukulang mo. So I am hoping pala for the days that would never ever come. I hate you for that.  Isa kang malaking Paasa at ako naman si isang malaking Tanga na umasa.
Sana dinerecho mo nalang ako. Sinabi mo nalang sa akin na may iba ka na kasi maiintindihan naman kita and I won’t even stop you from leaving if that’s what you really want. But you left me hanging. Lahat ng sinabi mo noon, kinain mong lahat ngayon. Naumay ka ba? Kasi mostly sa mga iyon ay sobrang tatamis. 
You made me believe that you are different, not in an alienatic way, but in way way different from my ex. Pero hindi eh. Pareho lang po kayo. You made false promises. Oo umasa ako. Sobra pa nga eh. Asang-asa ako. Siopado Asado ako kasi masyadong kang Siopao Special Super Bola-bola. 
I gave you my very fragile trust and it was broken once again.
Akala ko, willing kang maghintay hanggang sa maging ready na ako pumasok ulit sa isang relasyon. I want you to be my last kaya nga hesitant pa ako kasi gusto kong patunayan mo that you are worthy of my Yes.
I do like you. But I am afraid that I may get hurt once again. You know my personal issues and I thought that you understand what I am going through. Kasi nga nagtiwala ako sa’yo. Na maghihintay ka.
I even remember your shit, ”What is forever if it is you whom I am waiting for?” But shit that shit. Wala talagang forever. People change and you are not an exemption. You said you’d never leave but you just did. At sa kasamaang palad, ang bastos mo lang kasi hindi ka marunong magpaalam. Hindi naman kita pipigilang umalis sa buhay ko. You are even free to do that. Pero paa-paalam din kapag may time.
Nagmukha kasi akong tanga, although ako lang ang nakakaalam, na akala ko kaya matagal kang hindi nagpaparamdam kasi busy ka sa studies.
But no one is really busy actually wherein fact it’s just a matter of priority. And I am not one of your priorities anymore.  Kaya pala ganun ang nangyari. Yung lumilipas ang isang araw, isang linggo, isang buwan na hindi ka nagpaparamdam. Yun pala, sa iba ka na nagpaparamdam. 
I just thought that I could trust you so I never bother to ask why and what’s happening. Kasi nga sa pagkakaalam ko, naghihintay ka at nagmamahal sa akin nang wagas.
Marami talaga ang nasasaktan sa maling akala.
I thought you were already the one. I even prayed for that. Na sabi ko kay God, dahil matiyaga kang naghihintay, baka nga ikaw na talaga ang bigay Niya para sa akin.
I thought you were just letting me live my life alone and at the end of the day, I would come back running to you.
Pero wala na pala akong tatakbuhan pabalik. Nakuha na ng iba ang home base ko. Kasi yung home base na iyon, nainip sa pagdating ko kaya naghanap siya ng ibang tatakbo sa kanya.

I’m sorry. 
I know that nowadays, I really sucked at expressing my true feelings. Hindi lang naman sa’yo, kahit naman sa iba pang tao sa paligid ko. They thought that I hate them but the true is, they are special and dear to me. Ayoko lang ipakita. Kasi natatakot ako na iiwan din nila ako at makita nila ang kahinaan ko once they leave.
So in this rant, I will do all my bestest best to say what I truly feel na hindi ko magawang sabihin verbally and in actions.  You know I will always be good in writing. Kasi ito ang outlet ko.
Since the day we started talking, I already know that I like you and as days passing by that we are getting to know each other more, I know that I am falling.
Oo takot ako mahulog. Pero ina-acknowledge ko naman yung nararamdaman ko para sa’yo. Iyon nga lang, hindi ko maipadama. I’m trying but most of the time, I really sucked at showing it off. Kasi nga natatakot ako.
Ayokong isipin mo na masasaktan ako kapag iniwan mo ako, ayokong isipin mo na kaya kong paikutin ang mundo ko para sa’yo, ayokong isipin mo na lahat ng adjustments kaya kong gawin para lang sa’yo. Sa totoo lang, mabilis ako magtiwala kahit pa nga aware ako sa idea na lahat ay pwede akong lokohin.
But what can I do? My stupid heart is just like that. Hard in the outside but deep inside, it was very soft and delicate.
I let you enter my life because I was looking forward to be with you with many more days and years to come. But I was wrong. Maaaring totoo naman yung mga sinasabi mo noon na mahal or gusto mo ako, iyon nga lang, people change, so do the feelings. 
Maybe you’ve learned to unlove me because I let you feel that there’s no hope between us. Sorry for making you feel that way. Sabi ko nga, I really sucked of expressing what I truly feel towards you.
Hindi ko masabi na naiinis ako sa tuwing hindi ka nagpaparamdam, na na-ba-bad trip ako kapag hindi natutuloy yung mga lakad natin, na namimiss kita at gusto kitang makasama pero wala akong magawa at hindi ko masabi sa’yo kung ano ang mga tunay kong nararamdaman.  Sorry for telling you na okay lang ako kapag hindi tayo nagkikita or nacacancel yung lakad natin. Pero ang totoo ay sobra akong naiinis kasi nag-aadjust naman ako para sa’yo pero wala pa rin.
Sorry din kasi hindi ko sinasabi na nagagalit ako kapag hindi ka nagpaparamdam at pilit na inuunawa ka kasi nga ang sabi mo, busy ka sa studies mo. Tss. Reasons. Marami tayo nyan. Pag ayaw, maraming dahilan. Pag gusto maraming paraan.
Gusto kong mag-beastmode pero anong karapatan ko? Hindi naman tayo. Walang tayo. Wala kang commitment sa akin. You can freely do whatever you want to do.
Maybe I was and still showing you na sobra akong busy, na marami akong lakad or gala, kasi ayokong isipin mo na kaya kong alisin lahat iyon, para sa’yo. Na willing akong i-cancel lahat para lang matuloy yung lakad natin. I wanted to show that I can live my life without you but deep inside I was really hoping that there’s us being together in every trip that I do.
I even imagined you being my future boyfriend. Yung dadalhin kita sa bahay, ipapakilala sa pamilya, then you will get along with my mom, gagawa tayo ng kanta sa sala namin, magko-computer, etc.
Tapos pupunta rin ako sa inyo, manonood ng movies, magsusulat, magbabasa, doing anything and even nothing, basta magkasama tayo and we would be happy. That even though we are not talking and busy with our stuff; we are near next to each other, feeling each others’ breathe and heart beat. 
Pero wala eh.  Hanggang imagination nalang pala talaga lahat ng iyon.
Thank you to my special investigation slash stalking skills that I have learned from my friends because I have just found out what is the main reason why this happened. Maybe there are more reasons but I don’t know because you haven’t told me what they are. I’m sorry for being insensitive.  
Willing naman sana akong makinig, na baka may pwedeng ayusin. Nag-aaway naman tayo dati when we don’t want things that were happening between us and then later on fixing it. What happened to us? Where did we gone wrong?  
Hindi ka maingat. I often visit your profile, both facebook and instagram account lalo na kapag namimiss kita. Sa tuwing makikita kitang online I was always hoping na icha-chat mo ako. Pero waley, ngangey. Umasa na naman ako sa wala. Maybe you don’t know but I am always checking if you are on line. 
Ang ipinagtataka ko lang sa fb mo, why do you have to hide everything from me? Tapos nakalimutan mo yata na dalawa ang account ko. So I can still see your posts on my other account. You even didn’t know that I can view your IG? Naka-public posts ka po, FYI. 
Hindi ka magaling magtago. Tsk! Pareho lang kayo ng ex ko.
Actually, it is one of my hunches kung bakit madalang ka nalang magparamdam, na may iba ka na nga. And again, I was right.  Yun naman usually ang dahilan ninyo eh. Pare-pareho lang kayo. Tss. Kaya hindi na ako nagulat when I saw some of your pictures. 
Pero aaminin ko pa rin that my heart was shaken. I felt a heartache, yes.
That feeling I experienced over a year ago, naramdaman ko ulit. Thanks to you.
Life is really so ironic. The one who taught you to trust again is the one who will destroy you together with your trust once again.
Ang gara talaga ng buhay. Yung tao na tumulong sa’yo para maging masaya ka ulit, para maging buo ka ulit, para magtiwala ka ulit at eventually ay magmahal, ay siyang taong makakapanakit din sa’yo ng sobra.
Thank you, ha. You just made me realized that.
Ano pa bang sasabihin ko? 
Ay wait. I still owe you some gratefulness though.
Thank you for always telling me that I am great with the things that I do, for supporting my passion and advocacy. Thank you for singing for me, for creating a song for me, for being there for me when I needed someone to listen to all my rants. Thank you also for sharing some of your stories and life events with me. Thank you for the love and care I once felt coming from you. Well-appreciated ang lahat ng iyon. Hindi ko lang talaga maiparamdam. Sorry.Thank you for making me happy. Sa tuwing magkakausap tayo, magtetelebabad, magpupuyat, sa tuwing kinakantahan mo ako, masaya ako. I feel so loved, special and well-cared.
Iyon nga lang ang lahat ng iyon ay hindi nagtagal.
Na aaminin ko namang may ambag rin akong kasalanan kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Sorry ulit for hurting you that maybe I wasn’t aware. Sorry talaga. Sana you let me know.

I wanted to get mad at you because of the emotional damage that you’ve done to me. I was sleepless the night I have found out about it. My heart was trembling. Pakiramdam ko naloko na naman ako, iniwan na naman ako. Ang pinagkaiba nga lang ngayon, walang paalamanan, walang closure. 
I hoped for a false promise of tomorrowwith you. “Gagawa tayo ng forever.” You even once said. Tss. Kalokohan!
 Pero kung tutuusin, anong karapatan kong magalit kasi wala namang tayo di ba? Siguro magagalit nalang ako para sa sarili ko. Kasi umasa ako at naniwala na merong tayo sa future. Na magmamahal ulit ako sa katauhan mo. That I will wait for you until you finally reach your dreams. Na nandito lang ako sa tabi mo, supporting you all the way. And you will just do the same for me.
Pero wala eh. 
At hanggang dito nalang talaga ang lahat.
Maraming, maraming salamat sa lahat.
I wish you well. Please be happy.