I’m Romy and this is my
heartbreaking story. Eighteen ako non at nagtatrabaho sa isang fast food restaurant. Galing ako sa isang broken
family, kaya paggraduate ko ng highschool, nagpasya na akong bumukod. Mahirap
kasing kasama ang step mother ko. Pagkaluwas ko ng Maynila, tumira ako sa isang
boarding house malapit sa papasukan kong trabaho. Nahihiya na kasi ako sa tita
ko kaya naghanap nalang ako ng boarding house after kong matanggap ang unang
sahod.
Dito ko nakilala si Lorraine. Nauna
lang ako sa kanya ng isang buwan sa pinagtatrabahuhan namin. Isa siyang working
student. 2nd year college na siya that time sa isang University.
Nagsimula sa biruan hanggang sa
sineryoso ko na ang panliligaw sa kanya dahil single rin naman siya katulad ko.
Ang sabi niya sa akin, kagagaling niya lang sa isang relasyon at nag mumove-on
pa siya. Niloko kasi siya ng boyfriend niya kaya’t hanggang maaari ay ayaw daw
muna niya ang magpaligaw sa iba. Ang sabi ko sa kanya, willing akong maghintay
basta hayaan niya lang ako na ligawan siya at laging makasama ay kuntento na
ako.
“Romy, baka masaktan ka lang at
umasa sa wala. Ayoko pa kasi talagang mag boyfriend eh. Baka pwedeng maging
magkaibigan nalang tayo?” sabi niya sa akin minsang kumakain kami after manood
ng sine.
“Okay lang Lorraine, hindi naman
ako nagmamadali eh. Mahal na kita kaya willing ako maghintay kung kailan ka
ulit handa ng magmahal at sana pag dumating ang time na iyon, ako ang piliin
mo,” seryoso kong sabi sa kanya.
Sa buong buhay ko ngayon lang ako tinamaan
ng ganito. Unang kita ko palang sa kanya nung nag-aaply siya, naagaw na niya
ang atensiyon ko. Simple lang naman tulad ng mga karaniwang babae pero somehow,
may nakita ako sa kanya that made her stand out from the others. The way she
looked at me, para akong nasa alapaap at nakatingin sa isang anghel. Corny na
kung corny, pero ito talaga ang nararamdaman ko. Kapag day-off niya ay miss na
miss ko na kaagad siya. Kapag day-off ko naman, pumupunta pa rin ako sa trabaho
para lang makita siya at maihatid sa bahay nila.
Isa pa sa mga nagawa niya ay
napabago niya ako. Natigil ko ang bisyo ko tulad ng paninigarilyo dahil sa
kanya. Nagkaroon din ako ng plano para sa future ko. Noon kasi, basta
magkatrabaho lang okay na ako. Pero siya, she let me realized na mas maganda pa
rin kapag tapos ka ng kolehiyo, mas malaki ang chance na umasenso ang buhay mo.
Paglipas ng limang buwan ay sinagot
rin niya ako at sobrang saya ko talaga! Talo ko pa ang nanalo sa lotto. Halos
araw araw kaming magkasama at sa kanya lang talaga umikot ang mundo ko. Pagdating
niya ng third year college ay tumigil na siya pagtatrabaho at nagfocus nalang
siya sa pag-aaral. Bumaba daw kasi ang mga grades niya ng magtrabaho siya.
Dahil sa puyat at pagod hindi na siya masyadong nakakapag-aral. Ang balak ko
naman sa susunod na pasukan ay mag-eenrol na rin ako sa Univesity na
pinapasukan niya.
Simula ng hindi na siya nagtatrabaho ay naging
madalang na ang pagkikita namin. Sa tuwing aayain ko siyang lumabas parati
niyang sinasabi na busy siya sa mga school projects, researches o mga
assignments. Lumilipas ang ilang linggo na hindi kami nagkikita kapag may time
ako o di kaya ay rest day ko, sinusubukan ko siyang sunduin sa eskwelahan niya
pero halatang iniiwasan niya ako o ayaw makasama. Bigla na lang siyang sasakay
ng jeep kasama ng mga kaibigan niya at iiwan ako. Umuwi na raw ako. Hindi ko
maiwasan ang magduda.
Hanggang isang araw, tinext ako ng
bestfriend niya. Tigilan ko na daw si Lorraine, may bago na daw itong boyfriend
at nahihiyang sabihin sa kanya kaya pinapasabi nalang niya na break na daw
sila.
Ayokong maniwala sa text ng
bestfriend niya. Kaya matiyaga akong humanap ng pagkakataon na makausap si
Lorraine ng personal. Hinintay ko siya paglabas ng University niya. Dalawa ang gate sa University nila, isa sa
likod at isa sa harap. Kapag sa harap ako nag-aabang, ay sa likod naman siya
dumadaan, hindi ko siya matiyempuhan.
Humingi ako ng tulong sa bestfriend
niya na ipagmeet kami kahit sa huling pagkakataon lang at pumayag naman ito.
“Tayo pa ba?” bungad kong tanong
kay Lorraine.
“Sorry, Romy pero may iba na akong
mahal.” Parang bombang sumabog ito sa mukha ko. Ang babaeng pinakamamahal ko,
may iba ng mahal.
“May nagawa ba akong mali? Na hindi
mo nagustuhan?” umiiyak kong tanong sa kanya.
“Wala kang kasalanan. Ako ang
nagkamali. All this time, niloloko ko lang ang sarili ko, niloloko kita. Hindi
pala kita mahal, sorry Rom.”
Ang sakit ng mga narinig ko.
Tumalikod na ako sa kanya at sumakay ng jeep.
Dapat pala hindi ko binuhos lahat
ng pagmamahal ko sa kanya. At sana rin hindi ako nagtiwala ng husto. Masyado akong nabulag ng pagmamahal ko sa
kanya kaya’t hindi ko nakita na hindi naman pala niya ako mahal.
Lorraine, kung nasaan ka man ngayon
sana ay masaya ka. Nagpapasalamat pa rin ako sa inspirasyon na binigay mo sa
akin. Dahil sa’yo nagkaroon ng direksiyon ang buhay ko. Salamat at mahal na
mahal pa rin kita.
No comments:
Post a Comment