Blooming
(Season 1: Lian and
Rex)
Friendzone….
Masyado
ng gasgas ang mga plot o love story na “falling in love with bestfriend o
friend”.
Pero
anong magagawa ni Lian kung nainlove sa kanya ang bestfriend niya na si Rex and
then later on ay ligawan siya nito?
Yun
nga lang kung kelan inlababo na siya sa kanyang bestfriend ay tsaka siya nito
iniwan and the worst nakipagbalikan pa sa malanding ex.
Ang
tanga niya lang ‘di ba?
Super
galing kasi niyang magtago ng tunay na nararamdaman….
Yan
tuloy ang napapala ng isang plastic at taklesang tulad niya.
Chapter 1 –
Lian Grace Cruz and Rex Mercedes.
They were classmates and best of
friends since they were in first year high school. At ngayon nga ay nasa
ikaapat na taon na sila and they remained as best friends.
Yeah, as in best of friends up to
the highest meaning of it, BUT not anything more than it. Malinaw iyon para sa
kanilang dalawa. Pwera na nga lang sa mga taong nakapaligid sa kanila na pilit
silang pinagmamatch.
Everybody thought na sila rin ang
magkakatuluyan in the end but they both knew that it’s not yet time for that
conclusion.
Sabi pa nga ng iba S.O. lang daw
sila as in Secret On. Pero wala naman talaga silang itinatagong relasyon na
hihigit pa sa pagiging magkaibigan.
Isa pa, Rex has been into many
relationships before. Kahit pa na sabihing 16 pa lang ito, kabilaan na ang mga
naging girlfriends nito. Palibhasa guwapo kaya habulin.
Minsan nga, siya pa ang
nililigawan. Na siya namang ayaw ni Lian sa isang lalaki. Ayaw niya sa mga
palikero.
Lian remained as one of the proud
members of the famous federation no
boyfriend since birth.
Priority niya ang studies plus the
fact na sobrang istrikto ng daddy niya.
Busy siya sa pagrereview para sa
kanilang first periodical exam bukas ng may tumakip sa mga mata niya mula sa
likod.
“Rex! Kung ako sa’yo magreview ka
nalang,” sabi niya sa kaniyang best friend. Ito lang naman ang mahilig gumawa
ng ganon sa kanya.
“Ayoko! Andiyan ka naman eh,” sagot
ni Rex.
“Asa ka! Akala mo pakokopyahin
kita? Magreview ka!”
Takip pa rin nito ang mga mata
niya, “Tapos na po. Kagabi pa. Sa bahay kasi dapat ginagawa yan. Ang hilig mo
talaga sa cramming,” sermon nito sa kanya.
Tinanggal ni Lian ang mga kamay
nito na nakatakip pa rin sa mga mata niya. “Wala na akong time kagabi eh. May
quiz kasi si Phillip ngayon kaya nag overtime ako sa pagtututor sa kanya,”
paliwanag niya.
Umupo sa tabi niya si Rex at hinawi
pa nito ang bangs niya na malapit ng tumakip sa kaliwa niyang mata. “Masyado kang
masipag. Natutulog ka pa ba? Laki na ng eyebags mo oh.”
“Tseh! Ewan ko sa’yo,” naggalit
galitan pa siya dito.
Lahat nalang ng pangit sa kanya ito
ang madalas nitong mapansin. Well, sanay naman na siya sa mga panlalait nito.
Payatot, madre, lady bug dahil nga
sa mga eye bags niya, matakaw, mataray at kung anu-ano pa.
May tumapik sa braso ni Rex, “Ehem.
Pwede na ba akong umupo sa upuan ko?” ani Liezl. Ito ang katabi ni Lian. Sa
seat plan ng classroom nila, hiwalay ang mga babae sa lalaki. Girls are on the right
side while the boys are on the left.
Tumayo na si Rex, “Sabi ko nga!
Welcome aboard!” biro nito sa bagong dating.
“Mamaya na kayo maglambingan.
Magrereview lang ako,” umupo na si Liezl sa sarili nitong upuan.
Siniko naman siya ni Lian, “Ang
dami mong alam!”
“Naman! Mana ako sa’yo eh!” sagot
naman nito sa kanya.
“Mukha mo!”
“Maganda. Mana ka sa akin eh!”
Nagkatawanan ang magkaibigan.
00-00
After
class…
“Lian, saglit!” habol sa kanya ni
Rex.
Huminto siya sa paglalakad,
“Bakit?”
“Samahan mo muna ako,”
“Saan?”
“Sa puso ko,”
“Rextor!”
“Joke lang. Sa library. May
hihiramin lang akong libro para sa report ko next week.”
Wala naman siyang magagawa, simple
lang ang pabor nito kaya kahit may trabaho pa siya ay sasamahan pa rin niya
ito. “Sandali lang tayo ha. May tutor pa ako ngayon.”
“Tara …Akin
na yang bag mo,” kinuha ni Rex ang mga gamit ni Lian mula rito at papunta na
sila sa library.
“Sponge, wait ka lang dito ha. Wala
yung libro eh. Ise-search ko nalang sa internet. Sandali lang ako,” paalam nito
sa kanya. Sa bandang dulo ng library nandoon ang mga computers na pwedeng
gamitin ng mga estudyante for their researches or assignments.
“Okay sige.”
Naging tawagan na nila ang Sponge
at Bob dahil na rin sa pareho nilang favorite cartoon character iyon. Siya si
Sponge at ito naman si Bob.
Kung tutuusin para talaga silang
magjowa. Wala nga lang formality. Kaya hindi tuloy nila maiwasan ang laging
maasar ng mga kaklase’t kaibigan nila. Ayaw pa daw nila umamin.
Eh sa wala naman talaga silang
aaminin, anong aaminin niya?
Habang naghihintay sa kaibigan,
ginawa na lamang muna ni Lian ang assignment nila sa Physics.
After thirty minutes, isang print
out ang ipinatong ni Rex sa notebook niya.
Tumingala siya rito, “Ano to, Bob?”
Umupo si Rex sa tapat niya.
“Basahin mo kaya,” utos nito sa kanya.
True love comes in the right time and in at
the right place. -Unknown
Nagtaka siya. Ano namang gagawin
niya sa isang quote na ganun?
“Oh tapos?” tinaasan pa niya ng
kilay ang kaibigan.
“Manhid,” mahina ngunit rinig pa
rin niyang sagot nito sa kanya.
Siya manhid? Paano?
“Ano?”
“Wala. Sabi ko tara
na!” Tumayo na si Rex mula sa kinauupuan nito, kinuha niya ang bag ni Lian at
siya na ang nagbitbit nito palabas ng library.
Dala niya ang notebook sa Physics
at humabol na siya kay Rex, “Teka lang naman!”
Minsan talaga may pagka weirdo
itong si Rex.
Chapter 2 –
After their exam, nagkayayaan ang
mga magkakaibigan na tumambay muna sa katapat na park ng eskwelahan nila since
maaga naman ang uwian nila ngayon.
They were ten in the group. Siya,
Si Rex, Liezl, Arnold ,
Violet, Wendel, Joann, Ramil, Mary at Cath and they call themselves as PorGar.
Short for Fourth year high school, section Garcia.
Busy si Lian sa pagkain ng mais na
hinihimay ni Rex para sa kanya ng sila na naman ang pagtuunan ng pansin ng
barkada.
“Umamin na kasi ang mga dapat
umamin,” si Liezl ang madalas manguna sa pang-aasar sa dalawang ito.
“Eh wala namang aaminin, noh! Bruha
ka talaga. Kami na naman ang napagtripan mo.” sagot ni Lian sa kaibigan.
“Aww, tinamaan. Wala naman akong
sinabing pangalan.”
“Oo nga,” ani Joann na ngumangata
ng Piattos. “Alam mo ‘te guilty ka!”
“Tama!” natatawang sabat ni Violet.
“Syang tunay!” si Mary.
Inulan na naman sila ng asaran.
“Sumagot ka pa kasi eh,” inabot sa
kanya ni Rex ang mga natitirang mais na hinimay nito.
Sinubo naman niya lahat iyon, “Eh
nakakainis eh. Lagi nalang nila tayo inaasar eh wala naman talaga.”
“Wala na kung wala. Wag ka nalang
sumagot, para tigilan na nila tayo.”
Kinibit nalang niya ang mga
balikat.
“Ikaw ba, Bob. Buti hindi ka
napipikon sa mga yan?”
“Sanay na ako. Kaya masanay ka na
rin. First year palang, inaasar na nila tayo. Buti nga ikaw hindi napapagod
sumagot sa kanila.”
“Sanay na rin ako!”
Sabay pa silang natawa.
Tumataginting na, “Ooooooyyyyyy….”
at “Ayiiihhhhh….”na naman ang narinig nila mula sa mga kaibigan.
“I know you for so long; you were a
friend of mine….” Nag-eemote habang kumakanta na asar ni Cath sa kanila. Umikot ikot pa ito
kay Arnold .
Tawanan na naman. Ang iba naman ay
sumabay pa sa pagkanta.
“Kaibigan mo lang…ako! And I felt
so stupid to fell in love with my best friend!” umarte pa si Joann sa harap ni
Ramil.
Tawanan na naman.
Kahit sila Lian at Rex na siyang
inaasar ng mga ito ay nakikitawa na rin sa kalokohan ng mga kaibigan nila.
“Seryoso, Lian. Sagutin mo na kasi
si Rex. Para hindi na nag-gi-girlfriend ng iba yan,” hawak pa ni Wendel ang
sariling tiyan na sumakit dahil sa katatawa.
“Bakit ako sasagot? Wala namang
tanong,” katwiran niya.
Hindi naman o rather never naman
siyang niligawan ni Rex.
“Ayun naman pala, magtanong ka na
kasi Rex!” ani Liezl.
“Sponge, 1 plus 1?” biro nito sa
kaibigan.
“Sira!” sabay pang sagot ni Lian at
Liezl dahilan para magtawanan ulit ang iba pa nilang mga kasamahan.
“Puro ka biro eh, paano ka sasagutin
ni Lian niyan kung ganyan ka,” natatawa pa ring sabi ni Arnold kay Rex.
“Sponge, sagutin mo na nga ako para
matahimik na silang lahat,” bumaling si Rex sa kanyang best friend at kumindat
pa ito.
Tinignan muna ni Lian ng masama ang
kaibigan at medyo nag-isip bago sumagot.
Ano nga ba ang isasagot niya eh
wala naman itong tinatanong sa kanya.
Kung itatanong naman nito na pwede bang maging
sila na as in real couple, ano nga ba ang isasagot niya?
Handa na ba niyang iwan ang Samahan
ng mga NBSB?
Lagot siya sa daddy niya pag
nalaman nitong may boyfriend na siya.
Pati na rin sa mommy niya.
At sa mga kuya niya. Dalawa pa
naman yon.
Higit sa lahat, paano na lang ang
friendship nila ni Rex for almost four years?
Handa ba niyang isakripisyo iyon for the sake
of having a deeper relationship with him?
Paano kung hindi sila mag work out
as couple?
Maibalik pa kaya ang friendship
between them?
And the question for all these questions;
may feelings ba siya rito na hihigit pa sa isang kaibigan?
“Sagot sagot din Lian pag may time!”
panira ni Cath sa pagdaloy ng imaginations niya.
Grabe! Ang layo na ng narating ng
utak niya eh nagbibiruan lang naman sila.
At tsaka, mukhang hindi naman
talaga ito seryoso. Ni minsan nga ay hindi niya naramdaman na gusto siya nito
ng higit pa sa best friend.
“Ayoko. Babaero ka eh.” Sagot niya sa kaibigan
after ten years.
“Aww….” React ni Ramil.
“Yun lang!” si Joann naman ang
sumunod na nag react.
“Babaero ka pala eh!” natatawang
turan ni Liezl kay Rex.
Natatawang naiiling nalang sila
Mary at Kath.
“Kain ka nalang Piattos!” alok ni
Violet dito.
Si Rex naman ang natahimik.
Parang gusto tuloy ma-guilty ni
Lian sa sinagot niya sa kaibigan. Minsan talaga may pagkataklesa siya eh kaya
namimis-interpret tuloy siya ng ibang tao at ang tingin sa kanya ng mga ito ay
mataray oh di kaya naman kapag pinili niyang huwag ng sumagot, suplada naman.
Tao talaga. Di tuloy niya alam kung
saan ilulugar ang sarili.
Siguro dito nalang sa tabi ng mga
tunay niyang kaibigan.
“Huy, Rextor! Joke lang!” alo niya
sa kaibigan. Para kasing napahiya ito sa
sinagot niya dito.
Hindi pa rin ito sumagot.
Hala!
Baka nasaktan ko siya. Nag-aalalang sabi niya sa sarili.
“Huy, sorry na! Joke lang yun!”
“Rex, joke lang pala eh. Meaning
may pag-asa ka pa!” si Ramil ang sumagot.
“Tama na nga yan! Lagi nalang kasi
kami ni Rex ang pinagtitripan niyo eh wala naman kayong mapapala sa amin. Love life
niyo nalang ang asikasuhin niyo,” litanya ni Lian sa mga kaibigan.
“Wala akong lovelife,” sagot ni
Kath sa kanya.
“Ako din,” segunda ni Mary.
“Mas lalo na ako!” si Violet.
“Sigurado kang wala?” ani Wendel
dito, “Anong tingin mo sa akin?”
“Asungot!” muling sagot ni Violet.
Tawanan ulit ang barkada.
Hindi sumagot si Ramil at Joann at
nagkatinginan lang.
“Hindi uso sa akin yon!” sagot
naman ni Liezl.
Ngingiti ngiting tumango lang ang
ever silent type na si Arnold.
“Mukha niyong dalawa! Pag-untugin
ko pa kayo eh!” kontra ni Ramil sa naging sagot ng dalawa.
“Ano ka ba, hindi ako galit,”
baling ni Rex kay Lian. “Tara lets! Uwi na
tayo!” yaya niya sa mga kasama. Tulad ng dati kinuha na naman niya ang bag ni Lian
sa kandungan nito at hinila na niya ang kaibigan papunta sa exit ng park na
iyon..
“Hirap talaga maging torpe….”
Mahinang komento ni Ramil habang nakamasid sa mag best friend.
Lumabas na rin ng park ang buong
barkada.
Chapter 3 –
Sa
jeep habang pauwi
“Bob?”
“Hmmm?”
“Di ka talaga galit?” nag-aalala pa
rin niyang tanong dito.
“Hindi nga,”
“Sorry ha. Siguro nagiging
insensitive na nga ako,”
“Anong tagalog nun?”
“Walang pakialam sa feelings ng ibang
tao.”
“Manhid for short.”
“Hindi ah! Iba yun!” katwiran niya.
Hindi siya manhid! May feelings naman siya noh.
“Ok, sabi mo eh.”
“Hindi ka talaga galit?”
“Gusto mo magalit ako?”
“Ayoko.”
“Edi wag ka na magtanong,”
“Sabi ko nga.”
Siya naman ang nanahimik.
“Sponge?”
“Hmm?”
“Babaero ba talaga tingin mo sa
akin?”
“Medyo.”
“Bakit?”
“Papalit palit ka kasi ng girl friend.
Kabi-break mo lang dun sa isa tapos may bago ka na naman. Para
kang hindi marunong mag move on. Tsaka parang wala ka namang sineseryoso sa
kanilang lahat.”
“Masisisi mo ba ako? Eh sa guwapo
itong best friend mo eh! Meron naman akong sineryoso, niloko nga lang ako.”
“Ayun, tapos ang yabang mo pa!”
“Hahaha! Joke lang!”
Silence….
“Oh ba’t natahimik ka na naman?
Galit ka talaga eh. Pasensiya na kung minsan pati sa’yo gumagana yung pagiging
taklesa ko.”
“Paulit-ulit. Hindi nga ako galit.
Isa pa, magagalit na talaga ako sa’yo.”
“Eh di hindi na.”
“Sponge….”
“Hmmm?”
“Paano kung—pano kung….”
“Paanong?”
“Ang hirap naman nito…” lumingon pa
si Rex sa may bintana ng jeep.
“Humarap ka sa akin. Ano nga yon?”
“Hay…” humugot pa ito ng malalim na
hininga.
“Dali na!”
“Pa-pano kung ligawan talaga kita?”
Pabulong lang itong sinabi ni Rex
pero malinaw na malinaw sa tenga niya ang narinig.
Siya? Liligawan ng best friend
niya? Bakit? Paano?
Ah! Siguro bumabawi lang to kaya
eto’t pinatitripan na naman siya.
Kaya sasakyan na lang niya ang trip
nito. Baka kasi kapag binara na naman niya ito ay tuluyan na tong magtampo sa
kanya. Mahirap na, wala na siyang taga bitbit ng gamit niya. Hehe.
Tumawa muna siya ng malakas, “Ang
sweet mo naman manligaw. Sa jeep pa talaga ah at kung kelan malapit na akong
bumaba. Adik ka talaga.”
Napakamot ng ulo si Rex sa naging
reaction ng kaibigan. “Grabe naman to. Nahihirapan na nga ako, tinawanan mo pa
ako. Edi sa bahay niyo ako manliligaw. Hatid na kita. Manong, para!” bumaba rin
ito ng jeep kasunod si Lian.
“Ano ka ba?!” React niya ng bumaba
nga talaga ng jeep si Rex. Malayo pa kasi dapat ang bababaan nito.
“Tao,” Pilosopong sagot naman nito
sa kanya.
Ayaw niyang magtaray ngayon,
promise. “Hindi mo naman ako kailangang ihatid eh. Ang layo pa ng bahay mo
dapat hindi ka na bumaba.”
“Ihahatid nga kita tsaka sa inyo
ako manliligaw, hindi sa jeep.” Paliwanag naman ni Rex sa kanya. Mukhang
seryoso yata talaga ito sa mga sinasabi. Or rather seryoso talaga ito na pag
tripan siya.
“Hay naku, Rextor! Tumigil ka na sa
trip mo. Hindi na ako natutuwa. Umuwi ka na.” Itinulak pa niya ito patungo sa
sakayan ng jeep.
“Ayoko. Hindi ako uuwi hangga’t
hindi ka pumapayag.” Pagtanggi naman ni Rex sa ginawa niyang pagtataboy.
“Sasapakin na talaga kita!” But she
doubt kung kaya nga ba niyang gawin iyon sa matalik na kaibigan.
“Hindi mo kaya…” Bingo!
“Paano pag nagawa ko?” Pagbabanta
niya.
“Ibig sabihin pumapayag ka ng
ligawan kita.”
“Tama na nga yang kalokohan mo!
Please lang, wag na ako ang pagtripan mo.”
“Hindi nga ‘to trip, Sponge.
Seryoso ako. Gusto nga kita. Gusto kitang ligawan. Gusto kitang maging girlfriend.”
“Pero Bob, magkaibigan tayo. Best
friend. Huwag mo naman akong ihanay sa mga babae mo. Iba ako sa kanila. Kasi
ako yung taong hinding hindi ka iiwan at magiging kaibigan mo palagi.”
“Iba ka sa kanila kaya hindi na
kita kailangang ihanay sa kanila. Kaya nga ako nagpapalit palit ng girlfriend
eh dahil sa’yo.”
Nabigla naman siya sa isinagot ng
kaibigan. Siya ba talaga ang dahilan ng pagiging palikero nito? Paanong
nangyari yon? “Ako pa talaga may kasalanan?” How come?
“Hindi kita mahanap sa kanila. Ikaw
talaga yung gusto ko.”Paliwanag ni Rex sa kanya.
“Since when?”Muli niyang tanong.
Ayaw talaga niyang maniwala sa mga pinagsasabi nito ngayon.
“Junior Prom.”
Nanlaki ang mga mata niya. That was
almost six months ago. “Paanong?”
“Akala ko nung una, crush lang. Kaya
lang sa paglipas ng panahon, narealize ko mahal na pala kita. Lalo na nung JS
natin kasi wala kang ibang pinayagan na isayaw ka kundi ako lang.”
“Pe-pero Rex…”
“Sige na. Basta liligawan kita.”
“Pero hindi pa pwede. Alam mo naman
sobrang strict si Daddy.”
“Edi tsaka mo na ako sagutin kapag
nakagraduate na tayo,”
“Five years pa yon!”
“Edi five years akong magtitiis.”
“Naman! Ang kulit mo talaga.”
“Payag ka na ha.”
“Payag sa alin?”
“Na maging tayo.”
“Rextor!”
“Joke lang. Baka lang makalusot.
Hehe. Basta payag ka ng ligawan kita ha?”
“Bahala ka.”
“Yes!”
Good luck naman sa five years
nilang pagliligawan.
Chapter 4 –
“Huwhaaat???!!!!” exaggerated na
reaction ni Liezl sa ikinuwento ni Lian sa kanila.
“Wagas na wagas naman yang reaction
mo. Huwag ka ngang maingay! Baka marinig tayo ni Mrs. Balangue!” kasalukuyan
silang nagluluto para sa T.L.E. subject nila. Sa subject na ito, magkahiwalay
ang boys and girls. Food management at bartending ang sa kanila, Carpentry and
basic electricity naman ang sa mga boys.
“Hay. Buti naman at after four
years, natigil na rin ang katorpehan niya sa’yo,” komento ni Joann. “Sabi ko
nga kay Rex, sasapakin ko na siya kapag hindi pa siya umamin sa’yo.”
“Bayolente lang ‘te?” singit ni
Kath sa usapan. “Pero grabe yan si Rex ha. After six months lang nagkalakas ng
loob na umamin sa’yo. Pero sa ibang girls, ang bilis bilis niya.”
Natigil sa paghahalo ng menudo si Mary,
“Eh kasi nga true love, kaya ayun natorpe ng bonggang bongga. Yung isa naman
diyan, nuknukan ng manhid. Hindi man lang makaramdam na matagal ng may tinatago
sa kanya si best friend niya,” parinig nito kay Lian.
“Ako? Bakit ako?” parang inosente
niyang tanong. All this time, lahat ng sweet gestures na pinapakita sa kanya ni
Rex, akala niya ay dahil lang sa magbest friend sila. Yun pala ay matagal na
itong may gusto sa kanya.
Naïve. Yan yata ang tamang term
para sa kanya.
“Hindi ‘te. Ako! Ako!” ani Liezl. “Tuod
ka lang talaga.”
“Eh malay ko bang higit pala sa
kaibigan ang turing niya sa akin.” Depensa naman niya. Hindi naman kasi talaga
niya nilagyan ng kulay lahat ng mabubuting ginagawa ni Rex para sa kanya.
“Ayun na! So, anong balak mo?
Talagang after five years mo pa siya sasagutin?” tanong ni Violet na abalang
tumitikim ng niluluto nila.
“Oo. Yun din naman ang sabi niya
kay Daddy nung Friday eh. Na maghihintay siya hanggang sa makatapos kami. Tayo.”
“Matagalan niyo kaya yung ganung
set-up? Five years na ligawan lang? Parang ang labo naman- Aray! Ang init!” Ani
Mary. Tinitikman rin kasi nito ang
niluluto nilang menudo.
“Takaw kasi eh!” pinagtawan naman
ito ni Kath.
“Tikim lang, takaw kaagad?” Kontra
ng napasong si Mary.
“Oo!”
Tawanan.
Iba na ang naging topic ng grupo
nila. At nakabuti iyon para kay Lian. Mas mainit pa sa niluluto nilang ulam ang
pagkaka-hot seat niya.
00—00
Pabalik na sila ng classroom ng may
hindi sila inaasahang makasalubong.
“Uy, si first love,” mahina ngunit
rinig nilang lima
na sabi ni Liezl.
Tinignan naman ng masama ni Lian
ang kaibigan, “Shut up…”
“Hi Joann! May meeting tayo this
Friday ha! After class,” bati ni First love este ni Sheilla sa kasama nila.
Magka org ang mga ito sa Math club.
“Oh, hi Sheilla! Okay sige!” bati
naman ni Joann dito.
“Affected?” pang-iintriga ni Liezl kay Lian.
“Titirisin na kita!” muli niyang
pinandilatan ng mata ang kaibigan.
“I love you, too! Don’t worry. Mas
maganda ka sa kanya. Mas maputi lang siya.”
“Ewan ko sa’yo, Liezl!”
Ano nga ba ang dapat niyang
maramdaman? May karapatan na ba siyang magselos o magalit man lang dito?
Ito ang dahilan kung bakit naging
palikero ang best friend niya.
Sige na. Siya na ang first love. Siya
na ang unang minahal ni Rex. So what? Tapos na yon! Matagal na. Lagpas isang
taon na.
Siya na ngayon ang mahal nito.
Keep
that in mind, Lian. Past is past. Be thankful nalang na sinaktan niya si Rex
kaya sa iyo na nabaling ang pagmamahal niya.
Parang ang sama naman niya.
“Parang adik ‘to si Liezl. Ikaw
yata ang naiinsecure sa babaeng iyon eh,” natatawang singit ni Mary.
“Eeeww! Mas maganda ako sa kanya
noh. Nabiyayaan lang siya ng tangkad compare sa akin. Tulog kasi ako nung
nagpasabog si Papa God ng katangkaran. Hahaha!” sagot ni Liezl.
00 - 00
Curiosity kills Lian kaya hindi
niya maiwasang magtanong kay Rex tungkol kay Sheilla.
Bahala na si Batman kung anuman ang
magiging sagot o reaksiyon nito. She has to know everything. Siguro naman may
karapatan siya para doon, “Bob, mahal mo pa ba si Sheilla?” deretsahan niyang
tanong kay Rex. Nasa library sila at tinutulungan niya itong gumawa ng report
para bukas.
“Ano bang klaseng tanungan yan?”
kunot noong balik tanong sa kanya ni Rex.
“Just answer me!” medyo napalakas
ang boses niya. Napatingin tuloy sa gawi nila ang masungit nilang librarian.
Oo, aaminin niya nairita siya.
Oo o hindi lang naman ang dapat nitong isagot
pero bakit parang nahihirapan yata itong sumagot.
Lalo tuloy bumigat ang pakiramdam niya.
Flashback
Hindi naman siya chismosa at mas
lalong hindi niya ugali ang makinig sa usapan ng ibang tao pero hindi niya
napigilan ang sarili na gawin ito at hindi rin naman niya sinasadya.
Nasa loob siya ng cubicle ng c.r.
ng pumasok ang grupo nila Sheilla. Forth year din ito at katabi lamang ng
section nila.
“Girls, alam niyo ba ang balita?
Nililigawan na daw ni Rex yung bestfriend niya,” imporma ng bestfriend ni
Sheilla na si Lisa sa mga kasama.
“So?” boses iyon ni Sheilla.
“Wala lang sa iyo? Akala ko ba,
balak mong makipagbalikan kay Rex?”si Lisa ulit.
“Oo nga. At tsaka di ba magkatext
lang kayo nung isang araw?” tanong naman ng isa pa nilang kasama na si Dianne.
“IDC (short for I don’t care). Sa
akin pa rin naman ang bagsak niya. Magpakasawa muna siya sa ibang babae. Nakakalungkot
lang isipin na pati best friend niya ay pinatos na rin niya.” Saad ni Sheilla.
Gusto na niyang lumabas ng cubicle
at ngali ngaling sabunutan ito sampu ng mga kaibigan nito.
Bwisit!
Ang yabang ng bruha!
“Pero mas gusto ko pa din si Jeff. Kailangan
muna niyang mapasaakin bago ako makipagbalikan kay Rex. Para
mapatunayan ko sa Lian na yan, na yung lalaking may gusto sa kanya ay kaya kong
makuha.” Dagdag pa nito.
What? Si Jeff? Ang campus heartrob
nila slash Math wizard slash Junior Prom King, may gusto sa kanya?
Ito marahil ang nagpapadala ng mga
computerized love letter sa kanya noon. Oo noon. After ng JS Prom nila ay hindi
na siya muling nakatanggap ng mga sulat.
Naalala rin niya, tinanggihan niya
pala ang alok nito na maging date niya para sa prom dahil nga si Rex na ang
kapartner niya non. And Rex never gave a chance to anyone na maisayaw siya.
Anyway, ayaw rin naman niya. Kay
Rex lang siya komportable kaya ito lang ang pinayagan niyang maisayaw siya.
So it was Jeff, her secret admirer
before.
Maliban nalang kung meron pang iba.
Wow, ang haba naman ng hair niya
masyado.
Gaano ba talaga siya ka manhid para
hindi maramdamdaman na may mga nagkakagusto rin pala sa kaniya and the worst ay
hindi niya marealize kung sinu sino ang mga ito.
“Tara
na. Balik na tayo sa classroom,” yaya ni Sheilla sa mga kaibigan.
Bwisit!
Ang arte lang talaga. Pumunta ng cr para lang magtsismisan! Inis niya pa
ring sabi sa sarili.
End
of flashback.
“Hindi ko na siya mahal,” sinabi
ito ni Rex pero hindi ito makatingin ng deretso sa kanya.
And she doubted his answer.
Chapter 5 –
One
text message received.
“Sponge, gcng kpa?” It came from
Rex.
“Yupp…Y?” Reply naman niya.
“May ttanong ako,”
“Sure. Ano un?”
“Mahal mo b ako?”
Actually, patulog na siya at medyo
inaantok na pero ng mabasa niya ang huling text ng kaibigan para itong naging
instant coffee niya at tuluyang nawala ang pamimigat ng kanyang mga talukap.
For the past two months na
sinimulan nitong manligaw sa kanya ngayon lang ito nagtanong regarding sa
feelings niya.
Mahal nga ba niya ang kaibigan?
In terms of Kaibigan, oo mahal niya
ito. Best friend niya ito eh.
Pero more than that? Ano nga ba?
Masaya siya sa tuwing magkasama
sila.
Sobra siyang nata-touch kapag
pinapakita nito how much she means to him.
Sobrang caring, gentleman, at
protective.
Namimiss niya ito kapag hindi sila
magkasama o nagkikita especially during weekends.
So, ano? Mahal na nga ba niya ang
kaibigan?
Pero hindi pa pwedeng maging sila. Lagot
siya sa pamilya niya. Kailangan muna niyang makatapos ng college.
Kung pwede nga lang i-fast forward
ang oras. Dun sa mga oras na nagmamartsa na sila ni Rex para sa graduation ay
sasagutin na niya ito ng tumataginting at ubod ng tamis na OO!
Yun nga lang hindi pa pwede.
“Mahlga ka sakin, Bob.” Tangi
niyang nasagot. Hindi niya pa pwedeng aminin dito ang totoo niyang
nararamdaman.
“Alm ko nman un. Pro hndi naman yun
yung tanong ko eh,”
“Hndi ko alam… Sori. Hndi pa kta
mssagot tungkol diyan,” And she deeply knows that she’s lying. Alam niya ang
sagot sa tanong nito.
“Okay. Sige.” Naging reply ni Rex.
Hindi niya naiwasan ang ma-guilty. “Galit
ka ba? Sori.”
“Sori din.”
Bakit ito nagsosorry sa kanya? “May
problma kb? Para san ung sori mo? Wla ka nman
kslanan sakin ah.”
“Bsta sori.”
“Bkit nga?”
Hindi na ito muli pang nagreply sa
kanya.
-00-
THE next day has been so different.
Kahit simpleng Hi o Hello o kahit ngiti at tingin ay hindi man lang siya
matapunan ni Rex. And she felt disturbed. May nagawa ba siyang kasalanan rito?
Was it about last night?
Sinubukan niya itong lapitan at
tanungin ngunit hindi man lang siya nito kinibo.
And it felt so awkward. Nasa iisang
classroom lang sila.
Ano
kayang problema niya? Naitanong nalang ni Lian ito sa kanyang sarili.
Ngunit mukhang nasagot ang tanong
niya dahil sa eksenang nakita niya bago mag-uwian.
She thought na sasabayan siya ni
Rex sa pag-uwi gaya
ng dati ngunit iba ang ginawa nito.
Pumunta ito sa kabilang classroom
at hinintay lumabas si Sheilla.
Her heart broke into pieces nang
kunin nito kay Sheilla ang bag nito at magkaholding hands silang naglakad palabas
ng school gate.
Tulad ng ginagawa nila dati.
Yes, she was heartbroken. Muling
naagaw ng babaeng ito ang bestfriend niya.
Naiwan na naman siyang nag-iisa.
00-00
AYAW na niyang magtanong o
magsalita what happened between her and Rex. She remained silent for a long
time. Pareho sila ni Rex na umiiwas sa mga tanong ng mga kaibigan nila. Wala na
ang dating pagsasamahan nila. Wala ng Sponge at Bob. Ang layo layo na ng
distansiya nila, laterally.
They haven’t talk for a long time.
Mabilis na lumipas ang isang buwan mula ng hindi na sila mag-usap magkaibigan.
Friendship has gone.
And she wants formality for that
para hindi na siya umasa pa na magkakaayos sila.
Lumapit siya sa upuan ni Rex at
inabutan ito ng note. “Pwede ba tayong mag-usap mamayang uwian? Saglit lang. Sa
fire exit. For the last time. -Lian”
Nag practice siya sa bahay ng mga
gusto sana
niyang sabihin kay Rex. Gusto niya itong sumbatan, sabihan ng masasakit na salita
para maparamdam niya rito lahat ng sakit na naramdaman niya. Pero ng muli niya
itong makatitigan, nabura lahat ng script na minimemorize niya.
All she has said was, “Ang sakit!
Ayoko na! Ayoko ng masaktan! Huwag mo na ulit akong paaasahin!” and she cried.
“Lian…Sorry.. Gus-” nilapitan siya
ni Rex pero umiwas siya at tuloy tuloy ng lumabas ng school gate habang umiiyak.
Ngayon niya lang naramdaman ang
masaktan ng ganito. Hindi naman sila pero ang sakit sakit ng nangyari between
them. Bigla na lang itong bumitaw sa kanilang dalawa.
She has to admit that she simply
fell in love with her best friend. Matagal na siguro yon ngayon lang niya
totally narealize mula ng mawala ito sa kanya.
Pero bakit siya nito pinaasa?
Pagkatapos ay bigla nalang iniwasan at nilayuan ng wala man lang sinasabing,
“Hey, titigil na ako sa panliligaw sa’yo!”
She let her heart to freely love
someone so special to her and now she’s hurting.
Pati ang friendship nila wala na
rin. Ang hirap ng ibalik sa dati.
She decided not to go home yet. Mas
pinili muna niya ang mapag-isa sa park. Her two palms were on her face while
still crying. She doesn’t care about the people who see her. Ang gusto niya
lang ay umiyak ng umiyak. Baka sakaling maibsan nito ang sakit na nararamdaman
niya.
She suddenly felt na may tumabi sa
kanya.
Inabutan siya nito ng scarf.
“Jeff?” She felt a little
disappointment. Ibang tao kasi ang iniexpect niya na tatabi sa kanya at aaluin
siya.
“Mas maganda ka kapag hindi ka
umiiyak. Pero kung yan ang makakapagpaluwag ng nararmdaman mo ngayon. Sige
lang, umiyak ka lang.”
Kinuha niya mula rito ang scarf at
pinilit ngumiti, “Salamat.”
Nginitian din siya nito.
Pakiramdam ni Lian ay may
nakatingin sa kanya kaya’t napatingin siya sa gawing kanan ngunit wala namang
tao roon.
Imagination niya lang siguro yun.
Chapter 6 -
Their Junior and Senior Prom is
coming. Pero parang hindi siya excited para sa araw na iyon.
Una, busy siya para sa paggawa ng
class project. It’s a book bind compilation of their individual stories, tributes
for their teachers, experiences they shared for the past four years, etc. at
siya ang punong abala para sa project na ito.
Second, there has been a gap
between her and Liezl. Pupunta daw ito ng prom at siya naman ayaw niyang
pumunta dahil ayaw niyang ma spoil ang araw na iyon na dapat ay nagsasaya
silang magkakaibigan.
Madalas rin na hindi na siya
sumasama kapag nagkakayayaan ang grupo.She preferred to be alone o di kaya
naman she go with other set of friends.
Third, Rex will be there too. Ang
balita niya, hiwalay na daw ulit sila ni Sheilla. But she doesn’t feel any
happiness for that matter. Ewan niya kung bakit.
Gusto niyang ipamukha sa lahat ng
tao na wala siyang pakialam.
Pero nabago ang desisyon niya na
huwag pumunta sa prom dahil sa ginawa ni Jeff….
Wala silang teacher for that
subject kaya sinamantala ni Lian ang oras na iyon para kausapin ang mga
kaklase. Pumunta siya sa harap at ipinaalam rito ang update ng ginagawa nilang
yearbook.
“Classmates, yung mga hindi pa
nagpapasa ng autobiography, baka pwede ng ipasa today? Magpapa final print at magpapabook
bind na kasi kami ni James sa Friday. Yun nalang ang kulang.”
Inisa isa niya ang ang pagtawag sa
mga kaklaseng hindi pa nagpapasa ng hand-outs.
“Jillian, Jocel, Mary, Violet, Princess.
Baka gusto niyo ng magpasa?”
Tinanguan lang siya ng mga ito.
“Roger, Justin, Alex, Ryan,
Melchor, Adonis at Re-Rex. Kayo din. Kelan niyo balak magpasa?”
She felt awkward. They haven’t talk
for a long time.
Tinapik ni Ramil si Rex, “Huy!
Tinatanong ka ni Lian, kelan mo daw balak magpasa?”
“Bukas!” sigaw ni Rex.
Binulungan ni James si Lian, “Puro
na lang bukas yan eh. Hindi na natapos.”
“Kelan matatapos ang bukas mo?”
mataray niyang tanong ulit rito. “Ganun ba kahirap gumawa ng talambuhay at
kelangang tumagal ng sampung taon sa inyo yun? Hindi mo kailangang magcommit ng
araw o petsa kung hindi mo naman kayang tuparin yung mga sinasabi mo!”
Natahimik ang buong klase. They all
knew their story, from best of friends to strangers.
“Aww.. May pinaghuhugutan lang te?”
si Mary ang unang nag react. “Tsaka bakit sa Friday kayo magpapa final print at
magpapabook bind? Hindi ba kayo sasama sa JS?” tanong niya sa President at Vice
President ng klase.
Si James ang sumagot, “Sasama ako
noh. May susuutin na nga ako eh. Si Lian na daw bahala kapag hindi natapos ng
maaga.” Imporma pa nito.
“So, anong ibig sabihin nun? Hindi
ka talaga sasama Lian? KJ lang?” Follow-up question naman ni Violet.
“Bakit hindi ka sasama? Wala kang
date?” Gatong pa ni Joann sa naging tanong ni Violet kahit pa alam naman na
niya ang sagot sa sariling tanong.
Tinitigan sila ng masama ni Lian.
“Excuse me!” Pumasok si Jeff sa
loob ng classroom nila.
Napalingon naman si Lian dito, “Oh,
bakit ka nandito?”
“May bibigay lang.” Iniabot nito sa
kanya ang isang mahabang rose at may kasamang maliit na note.
“Yun oh!” pang-aasar sa kanila ni
Rey.
“Hindi naman sasama yan si Lian!
Ako nalang ka-date mo, Jeff!” sigaw naman ni Princess. May crush din ito sa
lalaking taga kabilang section.
“Ganun? Rejected na naman ba ako?” tanong
ni Jeff kay Lian. Halatang nalungkot ito sa nalaman.
“Ihhhh….Sasama na yan.”
Pangungumbinsi ni Joann sa kaibigan. “Sumama ka na! Kawawa naman si Jeff pag
napahiya for the second time around.”
May point naman si Joann. Ni-reject
na niya ito last year, pati ba naman ngayon? Nahihiyang tinanggap ni Lian ang
rose mula kay Jeff. Gusto na niyang lumubog mula sa kinatatayuan. Grabe naman
kasi itong si Jeff. Mag-iinvite na nga lang sa harap pa ng klase niya.
Nakakahiya naman kung harap- harapan niyang itu-turn down ulit ang offer nito.
They became good friends for the
last two months, although minsan lang sila magkasama dahil sa magkaibang school
activities na sinasalihan nila.
“Sige na. Sasama na ako!” nakangiti
niyang pagtanggap sa alok nito.
Abot tenga rin ang naging ngiti ni Jeff.
“Thank you. Sige, una na ako sa inyo. And Joann, salamat sa pag convince! Kita
nalang mamaya sa Math Headquarters! Bye!”paalam nito sa kanila.
Hati ang reaksiyon ng buong klase.
Marami ang natuwa at kinilig pero ang iba naman ay no reactions.
Isa na dun si Rex.
JS
Prom
Jeff never leaved her side. Bakod
kung bakod ang ginawa nitong pagbabantay sa kanya.
Napansin ito ng committee kung
kaya’t sila ang napili bilang star couple of the night. Hindi man sila ang
itinanghal na Prom King and Queen nang gabing iyon, mas dinaig pa nila ang mga
nanalo sa lakas ng palakpakan na natanggap nila mula sa mga kamag-aral.
They looked like a perfect couple.
Guwapong guwapo si Jeff sa suot nitong tuxedo at siya naman ay simpleng royal
blue tubed gown lang ang suot but her natural beauty and how she carries her
gown stands out the most.
She also never expected na
lalapitan siya ng isang tao upang yayain sumayaw.
“Pare, for the last time can I
dance with her?” Kay Jeff ito nagpaalam.
“Hindi ka naman sa akin dapat
magpaalam, Rex. Hindi naman ako ang isasayaw mo,” birong totoo nito sa kausap.
Bumaling si Rex sa dating kaibigan. “May I?”
Pagbibigyan nga ba niya ito?
Well, sabi naman niya, last na
iyon. And after graduation, they will have parted ways naman na.
Tumayo na siya mula sa kinauupuan. “Okay,
tara !” Nauna na siyang naglakad papunta sa
dance floor.
One of Sheilla’s friends approached
Jeff. “Hi Jeff! Baka naman pwede mong isayaw yung friend namin?”
He knows whom they are referring to,
“I’m sorry ha. Pagod na kasi ako. Nagpapahinga pa ako.” Nakangiti niyang
pagtanggi.
They kept staring each other for a
long time. Until she realized, miss na miss na pala niya ang dating bestfriend.
Kumusta na kaya ito?
Nakamove on na kaya ito from
Sheilla? Ulit.
“Ano? Magtititigan nalang ba tayo?”
taas kilay niyang tanong sa lalaking kaharap.
“Sabi ko nga sasayaw tayo.” He
moved closer to her. Kinuha nito ang dalawa niyang kamay at ipinatong sa sarili
nitong balikat. He put his own hands to her waist.
You
are my first romance
And
I’m willing to take a chance.
From
the very start
Please
be careful with my heart…
Napapiksi siya ng magsalita ulit si
Rex, “Sorry Sponge ha. Sana
maibalik natin yung dati. Miss na miss ko na yung bestfriend ko eh…” full of
sincerity nitong sabi sa kanya.
Sobrang
miss na miss na din kita Bob. Pero masyadong masakit yung ginawa mo sa akin. Hindi
ganun kadali ibalik ang lahat. Ito ang mga gusto niya sanang sabihin. But
she chosed the other set of words. “Talaga?” mapait pa siyang ngumiti. She’s
really good in hiding her true feelings.
“Sorry talaga Sponge. Sana mapatawad mo na ako
sa lahat ng nagawa ko. Hindi ko intensiyong saktan o paasahin ka. Nalilito-”
“Not yet now, Rex.” Putol niya sa
mga sasabihin pa sana
ng kasayaw. “Upo na tayo? Sakit na ng paa ko.Kanina pa kami nakatayo ni Jeff.”
Yaya niya kay Rex.
Wala naman itong magagawa. Malungkot
itong tumango, “Sige.”
Chapter 7 –
The day before graduation ay
sobrang busy niya dahil i-tuturn over niya ang position as the Org. president
ng Drama Club kay Dianne.
“If you have any questions or
problems regarding DC, text mo lang ako ha. Kaya mo yan! Good luck!” full of
support niyang sabi kay Dianne.
“Thanks Ate Lian, idol talaga kita!
Congratz din kasi gagraduate ka na. Top three pa!”
“Haha! Thanks din. Sige una na ako
ha. Uwi na ako.” Paalam niya rito.
Dahil nakatingin pa rin siya kay Dianne
habang naglalakad, hindi sinasadyang may makabanggaan siya.
“Sorry!” sabay pa nilang sabi ni
Sheilla sa isa’t isa.
Pareho din silang nagulat.
Sa lahat ng makakabanggaan dito sa
campus bakit sila pa ang nag clash?
Worst day ever!
Hindi pa rin maiwasang mahigh blood
ni Lian kapag nakikita niya ang babaeng ito.
“Congrats. First honorable mention
ka pala.” Bati nito sa kanya.
“Salamat,” walang ngiti niyang
sagot dito. “Congrats din dahil sa kabila ng kalandian mo eh makakagraduate
ka.”
What? Nasabi ba niya talaga yon?! Oo
taklesa siya, mataray, palaban pero nasa lugar naman. She tried to control her
temper and watch her words pero parang tila kusang nag-isip ang bibig niya.
Pinanlakihan siya nito ng mga mata,
“Hindi ko kasalanan na ako pa rin ang mahal ng bestfriend mo. But it doesn’t
mean na malandi ako!” sagot naman nito sa kanya. “Siya itong naghabol sa akin
kaya huwag mong ibunton sa akin ang galit mo kay Rex. And we already broke up,
two months ago. Sa’yong sa’yo na siya!” Halos umusok ang ilong nito sag alit.
Nagpakawala naman siya ng isang
nakakairitang tawa. Yung tawang pang kontrabida. “Hindi ko rin kasalanan na ako
ang gusto ni Jeff at hindi mo siya makuha kuha dahil nasa akin ang lahat ng
atensiyon niya! And I’m so sorry to tell you na kahit ibigay ko pa siya sa’yo
eh ayaw niya talaga sa mga kiring gaya
mo. Asshole bitch!” tinalikuran na niya ito.
Yes! She finally had the chance na soplakin
ito sa mukha. Hindi na niya kailangan pang makita ang naging reaksiyon nito.
She’s already happily contented.
Cheers for her! She has been such a
bad girl. She deserves it naman noh! Proud
niyang sabi sa sarili.
Truly the specie of a female is
deadlier than the male. The Iron Lady was absolutely right!
00-00
AS their graduation ceremony came
to an end, hindi na niya pinigilan pa ang sarili na takbuhin ng yakap ang
kaibigan.
Hindi na siya bitter. At hindi na
rin niya kailangan pang pagtakpan ang totoong nararamdaman, besides graduation
naman na nila. Just forgive and forget.
“Mamimiss kita, Rex. Till we meet
again.” Hindi na rin niya napigilan ang sariling mga luha sa pagtulo.
Mas naging mahigpit ang ginawang
pagyakap sa kanya ni Rex. Parang halos ayaw na siyang bitawan nito. “Pakiramdam
ko kapag pinakawalan kita ngayon, hindi na talaga kita makikita.” Humihikbi na
rin ito. “Sorry talaga, Sponge. Sana
mapatawad mo na ako.”
“Pinapatawad na kita.” She finally
declared. At least ngayon, magaan na ang pakiramdam niya at sa kabila ng lahat
mas nangingibabaw ang pagmamahal niya para sa matalik na kaibigan.
Naging maaliwalas ang mukha ni Rex.
“Talaga? Thank you.”
Pinunasan niya ang luha mula sa mga
mata ng kaibigan, “Hindi bagay sa’yo ang umiiyak. Nababawasan yung kapogian
mo!” biro niya dito.
“Ikaw din. Huwag ka ng iiyak dahil
sa akin.” Pinunasan rin nito ang mga luha niya.
Sabay silang natawa. They both
missed that laugh. Hindi na nila matandaan kung kailan sila huling tumawa na
magkasama.
“I can’t promise you that. Pero
susubukan ko.” Masyadong espesyal si Rex para sa kanya kaya hindi niya ito
maipapangako sa huli. Everything so special to her including her family can
make her easily cry. Kahit pa na sabihing may pagkadragonesa siya, when it
comes to her loveones ay masyadong mababaw ang mga luha niya.
“Mag-iingat ka palagi ha. Sa Cebu
na ako mag-aaral.” Pahayag nito sa kanya.
Nabalitaan na niya iyon through
their friends, wala nga lang confirmation. “So, itutuloy mo pala ang plano mo.”
“Plano ni Mama.” Sa Cebu na kasi nakabased ang
trabaho ng ama nito. Para magkasama sama silang pamilya, ay napagdesisyunan na
ng ina nito na lumipat na sila ng Cebu .
“Ikaw din, ingat ka palagi. Tsaka sana paki bawas bawasan na
yung pagiging playboy mo. Masyado ka ng maraming napaiyak na babae. Isinali mo
pa ako.” Biro niya sa kaibigan.
“Don’t worry, isang babae na lang
ang may hawak ng puso ko.”
“Talaga lang ha…”
“Lian! Tara
na. Hinahanap ka na nila Daddy.” Tawag sa kanya ng Kuya Leo niya.
“Una na ako, Rex. Ingat nalang sa
biyahe. Bon Voyage!” paalam niya rito at sumunod na siya sa kuya niya.
Now she wonders kung totoo kaya ang
huling sinabi ni Rex . And if ever na totoo man iyon, sino kaya ang masuwerteng
babae na nakapagpatino sa kaibigan niya?
“Lian, wait!”
Natigil siya sa paglalakad nang
mabosesan kung sino ang tumawag sa kanya. “Kuya, wait lang. Susunod na ako.”
Paalam niya sa kapatid.
“Lian…”
“Zel…”
Niyakap siya ni Liezl, “I’m sorry.”
Hindi naman bato ang puso niya.
“Sorry din. And congratz! Graduate na tayo.”
Masaya niyang bati dito. “Kalimutan
na natin yon. Masyado rin akong naging childish. Pasensiya ka na sa akin ha.”
Paghingi niya ng paumanhin sa kaibigan. Ni hindi man lang kasi niya ito
binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag noon.
“Naiintindihan naman kita. Alam ko
yung pinagdaanan mo. Ang mahalaga okay na tayo ngayon and sana maging magkaibigan ulit tayo tulad
dati.”
“Oo naman. Ikaw pa rin ang twin
sister ko na si Liezl Licaros! Let’s all move on.” Muli niyang niyakap ang
kaibigan at pagkatapos ay nagpaalam na rin siya dito. May family date pa siya.
Chapter 8 –
After
five years….
Lian is now a Human Resource
Specialist ng isang Fast food restaurant. Trabaho niya ang magdeploy ng mga
Store Managers at Supervisors to their different branches.
She didn’t expect that one of her
applicants would be….
“Mr. Rex Mercedez?” tawag niya sa
aplikanteng naghihintay sa waiting area for the pre-final interview.
Nagulat ito ng makita siya.
Siya rin naman kanina ng makita ang
resume nito na kasama sa mga ibinigay ng assistant niya for evaluation.
“Hi I’m Lian and this is for your
pre-final interview. Follow me. ” With full of formality niyang sabi dito at
dumerecho na sila sa interview room.
She deployed Rex as a supervisor at
one of their branches kung saan din medyo malapit sa tinitirhan nito.
As per Store Manager’s concern ay
qualified naman si Rex bilang Supervisor. He has gone through a panel at naipasa
naman niya iyon.
Tinanggap niya ang invitation nito na
isang dinner for thanksgiving.
“Of all companies bakit naman sa
kumpanya ko pa naisipan mong mag-apply?” tanong niya rito habang kumakain sila
saa isang fine dine in resto somewhere in Libis.
“Hindi ko naman alam na doon ka
pala nagtatrabaho.” Sagot nito sa kanya.
“So kamusta ka naman? Akala ko
natabunan ka na ng Cebu . Sa lahat ng kilala
ko, ikaw lang ang walang facebook! May social life ka ba?”muli niyang tanong
rito.
Sa limang taon na lumipas ay wala
silang naging komunikasyon nito.
“Oo naman. Gumigimik naman ako sa Cebu . Nagha-hiking with college friends. Social network
lang ang wala. Pero may blog ako.”
“Blog about what?”
“All about Cebu ,”
“Wow, proud Cebuano ka na pala ngayon.”
“Wow, proud Cebuano ka na pala ngayon.”
“Medyo. Maganda talaga dun. Try
mong magbakasyon dun minsan, ako pa magiging tour guide mo.”
“As far as I know, Psychology grad
ka tulad ko at hindi Tourism.”
Pareho sila ng kursong kinuha. Plano na talaga nila yun
way back in high school. Hindi niya lang iniexpect na itutuloy pa rin pala nito
ang kursong iyon.
Base na rin sa resume nito,
nagtrabaho ito bilang service crew sa isang restaurant in Cebu
while studying kaya ito na-qualified for the position.
“Kung gusto mo lang naman.”
“Sige. Pag may time.” She wished
she could.
“Kamusta na pala kayo. Ni Jeff?”
pag-iiba nito ng topic.
“Si Jeff? Nasa Australia na.” imporma niya rito.“Bakit
mo naman natanong? Tsaka paanong kami? Eh hindi naman naging kami ah.”
“Akala ko lang.”
“Maraming namamatay sa maling
akala!”
“Oo. Alam ko na yan. At
na-experience pa.”
“May pinaghuhugutan? Namatay
ka na?” birong tanong niya sa kausap.
“Yung puso ko namatay. Five years
ago.”
Wow. Ang lalim talaga ng pinaghuhugutan.
She suddenly felt awkward. Ayaw
niyang isipin na siya ang tinutukoy nito. Baka naman maging assuming lang siya.
Again and again she tried to hide
her feelings. “So ngayon, resurrected ka na?”
“Medyo.”
“Ah ok. Edi ikaw na ang
resurrected. Cheers!” Itinaas ni Lian ang baso niyang may lamang wine at
pagkatapos ay nilagok ito.
Muntik na siyang mabilaukan sa
sumunod na tanong sa kanya ni Rex, “May asawa ka na?”
“Grabe ka naman. Asawa kaagad?
Hindi ba pwedeng boyfriend muna?”
“Edi sige. I-rerevise ko nalang
yung tanong ko. May boyfriend ka na ba?”
“Oo.”
“I see.” Banaag sa mukha ni Rex ang
lungkot.
“Joke lang.” Bawi niya sa unang
sagot. Kumunot ang noo ni Rex dahilan para matawa siya. “Wala. Binibiro lang
kita. Hindi ko pa nga nakukuha ang lisensiya ko mula kay Daddy at sa mga kuya
ko eh kung pwede na ba ako magka boyfriend. Si Mommy pa pala. Pero medyo okay
na sa kanya. Kasi may nirereto siya sa akin. Kaya lang ayoko dun, medyo
mahangin eh.” Kuwento niya sa kaibigan.
Muling lumiwanag ang mukha ni Rex,
“So, may pag-asa ba ako? Lagpas five years na. Baka naman pwede na ko manligaw?
Ulit.”
Oo
Rex! Oo na kaagad! Wala ng ligaw ligaw! Tayo na! Ito ang gusto niya sanang
isagot.
But when she remembered the pain
she has gone through from her first and hopefully the last heartbreak,
nag-alangan siyang sabihin ito dito.
“Ang bilis ah. Parang kidlat lang? Kamimeet
lang ulit natin last two weeks. Malay ko ba kung may itinatago ka ng pamilya at
balak mo lang akong gawing mistress,” Huwag
naman sana .
“Grabe ka! Wala noh. Certified
bachelor tong bestfriend mo.” Feeling proud pa nitong sabi sa kanya.
“That’s exactly my point! Best friend
kita. And- and I want to stay that way. Marami pa tayong bagay na dapat i-catch
up sa isa’t isa. We don’t need to rush things.” Liar.
And she knows that she’s lying
again.
All this time, isang lalaki lang
ang pinangarap niyang makasama habang buhay.
Wala namang nagsabing umasa siya o
maghintay pero yun ang ginawa niya. Kaya
nga’t magkahalong tuwa at kaba ang naramdaman niya nang umapak ito sa
kumpanyang pinagtatrabahuhan niya.
“Pero ibibigay mo ba sa akin ang
pagkakataong iyon?” tanong ni Rex sa kanya.
Huh? “Pagkakataon?” with matching
high note niyang balik tanong rito.
“Na makasama ka ulit. Tulad ng
dati.” Paliwanag naman nito.
She would love that! “Tignan natin.
But I don’t want to feel the hurt again. Tulad ng dati.” Binigyang diin pa nito
ang mga huling sinabi.
Bakit kaya hindi nalang niya
pinursue ang pagiging artista o actress? Ang galing niya kasing magtago ng
totoong nararamdaman. Bagay na bagay talaga siya sa dating Club na
kinabibilangan.
Chapter 9 –
They became regular textmates at
paminsan minsan naman kapag pareho nilang off ay namamasyal sila.
Just like today. They went to Fort
Santiago for a long long yet so nice walk. Masaya silang nagpalitan ng mga kuwento
regarding their college lives. Hindi nila namalayan ang mabilis na paglipas ng
oras.
Maya-maya pa ay bumuhos ang malakas
na ulan. Since malayo ang pinag parkingan nila ng sasakyan ni Rex, nabasa sila
pareho.
“Sabi ko naman kasi sa’yo, sumilong
muna tayo dun sa Resto eh. Basang basa ka na tuloy.” Sermon sa kanya ni Rex.
Kinuha nito ang isang box ng tissue sa may back seat at iniabot sa kanya.
Inabala niya ang sarili sa pagpunas
ng mukha at braso, “Ginabi na tayo. Lagot na ko kay Daddy,” paliwanag niya
rito. Pati ang mukha ni Rex ay pinunasan rin niya.
“Iuuwi naman kita ng buong buo eh,”
biro ni Rex.
Natatawang hinampas niya dito ang
box ng tissue na hawak niya. “Sira!”
Silence suddenly strikes nang
magkatitigan sila.Unti unting lumapit ang mukha ni Rex sa mukha niya.
Huli na ng marealize niya na sakop na pala ng
mga labi nito ang labi niya.
O.M. (As in, oh my!) This is her first kiss. She
didn’t expected na magiging ganun pala katamis iyon.
Despite of the cold weather outside
at pati na rin ng aircon sa loob ng sasakyan, she felt that heat inside hers was
overflowing. Nagliliyab kumbaga.
She doesn’t know how to kiss pero sa
paraan ng paghalik sa kanya ni Rex ay tila mabilis niyang natutunan kung
papaano nga ba ang tamang pagtugon dito.
The kiss went deeper at ang mga
kamay ni Rex ay nasa leeg na niya.
Konti nalang ay malalagutan na siya ng
hininga. OA. But that’s what she feels.
She knows that she’s strong pero
bakit parang bigla siyang nanlambot because of an unexpected kiss?
Bigla niyang naitulak si Rex sa
abot ng lakas na makakaya niya right at that moment. “Sa-sabi mo, iuuwi mo ako
sa amin ng buo?” pakiramdam niya nanghihina siya. Parang kagagaling lang mag
thread mill. Pagod at malakas ang heartbeat na halos ikabingi na niya.
“Oo naman. Pero wag ka pa ding
mag-alala. Kung hindi man kita maiuwi ng buo, handa naman kitang panagutan.” With
matching killer smile pa nitong sabi sa kanya.
Her eyes widened. “Mukha mo,
Rextor!”
Tumawa ito ng malakas at pati siya
ay nahawa.
Habang bumibiyahe sila pauwi, she
fell into deep thinking.
Tama ba na hinayaan niyang
mahalikan siya nito? O mas tama bang hinayaan niyang pumasok ulit ito sa buhay
niya.
Oo masaya siya but how long would
it last? Natatakot na siyang masaktan ulit. Si Rex ang kaligayahan niya but Rex
is the only reason why she was hurt so badly way back then.
Matagal na siyang nakamove on from
her first ever heartbreak pero sumisikip pa rin ang dibdib niya kapag naaalala
niya ang mga araw na pumapasok siyang mugto ang mata. She didn’t try to tell
anyone what she has been going through.
She preferred to share it with
herself alone.
At ngayon ngang bumalik na ulit ito
sa buhay niya, may tendency na masaktan na naman siya. Ng bonggang bongga.
“Huwag mo na ulit gagawin yon.” Ang
dami dami niyang gustong sabihin dito but she chose not to. She’s tryong to
conceal again what she really feels deep inside.
“Ang alin?” painosenteng tanong
nito sa kanya.
Ang
saktan ulit ako. Paasahin. Iwanan sa ere. Pagmukhaing tanga! Ito sana ang
mga gusto niyang sabihin.
“Ang halikan ako. Hindi kita
boyfriend o asawa. Best friend kita. At ang magkaibigan hindi naghahalikan ng
ganon.” Puno ng pait niyang sabi dito. She even doesn’t want to be his friend
with benefit. Hindi siya si Mila Kunis at mas lalong hindi ito si Justin
Timberlake.
“Pero gusto kong maging boyfriend
mo and then later on asawa.” Rex insisted.
“Ayoko.” And now here she goes
again. She’s lying again and again. “We’re better off as friends. Sana maging malinaw sa iyo
‘yon.”
Bigla itong prumeno ng malakas.
“Pero ayoko, Lian. Ayokong maging
kaibigan mo lang. Maha-”
“Ano ba Rextor?! Papatayin mo ba
ako?” Napalakas ang boses niya. Hindi niya sinasadyang masigawan ito. Nabigla
kasi siya sa bigla nitong pagpreno.
“Magiging asawa pa kita noh. Sabay
pa tayong tatanda.”
She was touched pero kinontrol niya
ang sarili at piniling magtapang tapangan o manhid manhidan sa harap nito.
Pinipilit maging pusong bato ang puso niyang mamon naman talaga kung tutuusin.
“Tumigil ka na nga! Kung hindi mo
kayang makuntento bilang kaibigan ko mas mabuti pang huwag na tayo magkita pa
kahit kailan. Okay na ako eh nung mga panahong wala ka. Guguluhin mo pa ba
iyon?” Dali-dali siyang bumaba ng kotse nito at nakapagpara ng taxi kung kaya’t
hindi na siya napigilan pa ni Rex.
Sa loob ng taxi niya pinakawalan
ang mga luha na kanina pa gustong kumawala sa mga mata niya.
“Ma’am, pasensiya na po pero saan
ba ang baba niyo?” tanong sa kanya ng taxi driver.
Pinunasan niya ang mga mata at
hindi na hinayaan pang may tumulo mula rito. “After po ng dalawang kanto, Kuya.”
Napatingin sa kanya ang driver. Sa
loob loob nito ay pwede naman na siyang maglakad pero pinili pa rin niya ang
magtaxi.
Mukhang nabasa naman niya ang
iniisip ni Manong driver. Hindi naman siya manhid. “Manong paki U-turn po. Starbucks nalang po muna tayo.”
“Sige ho, Ma’am.”
Tinext nalang niya ang mga magulang
niya para hindi mag-alala ang mga ito.
At may itinext pa siyang isang tao.
Chapter 10 –
IV-
Garcia Batch 2006 Reunion
Isang malaking tarpaulin ang
bumungad kay Lian pagpasok niya sa isang clubhouse ng executive subdivision na
tinitirahan ni Joann. Dito gaganapin ang reunion nilang magkakaklase.
“Lian!” tili ni Joann ng makita ang
dating kaklase. Nagsilapitan rin sila Mary, Violet at Kath sa kanya.
“Ito naman si Joann, makatili
parang hindi tayo nagkita last month.” Natatawang puna niya sa kaibigan. “Kamusta?”
“Kamusta ka diyan?! Kamusta ang
late entrance? VIP lang ang peg!” ani Liezl nang makalapit na rin sa kanila.
Niyakap niya ang mga kaibigan.
“Shocks! Namiss ko ‘to! Ngayon lang ulit tayo nakumpleto na mga girls ng
PorGar!” Masaya siya dahil muli silang nabuo. Well, partially dahil ang ilan sa
mga boys nila ay wala. “Bakit parang hindi ko yata nakita si Arnold at Ramil? Pupunta ba sila?” tanong
niya sa mga kasama.
Tinaasan siya ng kilay ni Joann. “Sus!
Sila ba talaga ang hinahanap mo?”
“Oo nga! Alam naming artistahin ka
pero sorry dahil daig mo pa ang plastic sa pagkatransparent!” nakipag-apir pa
si Liezl kay Violet.
“Oy, hindi ako plastic ha!” depensa
niya.
“Oh siya, ikaw na ang hindi
plastic! Tara upo na tayo. Mag-iistart na ang
prop-” natigil sa pagsasalita si Mary dahil sinabunutan ito ni Kath.
“Ang program!” pagtatama ni Liezl
sa unang sinabi ni Mary.
“Sosyal, may program pa talaga?” Ang
alam niya kasi ay simpleng kainan at inuman lang ang magaganap. Tamang bonding
lang. Picture-picture at mahaba habang kuwentuhan.
“Oo. Kaya umupo na tayo!” yaya ni Joann
sa mga kasama.
Mula sa backstage ay umakyat ng
entablado si Ramil “Good evening, PorGar! I mean, Four Garcia! Lahat naman tayo
nasa iisang barkada na kaya okay lang yun kina Joann di ba?” kinindatan niya pa
ito dahilan para may mag “Oooyyyy…” at
“Ayyyiiiihhh…” sa kanila.
“Muling ibalik!” sigaw pa ni Liezl.
Binatukan ito ni Violet. “Makaramdam
ka nga!” Sabay silang tumingin kay Joann na biglang natahimik at namula.
“May we call on Mr. Rex Mercedez to
start the proposal este the program. Hehe!” Bumaba na ng stage si Ramil at ang
sumunod na umakyat ay si Rex. Hindi naiwasan ni Lian ang kabahan. Anong
proposal ang sinasabi ni Ramil? Parang ito rin ang gustong sabihin ni Mary
kanina. Diyos ko po. Huwag naman sana
magkatotoo ang iniimagine niya.
Weh, di nga? Ayaw nga ba niya
talaga?
“Good evening classmates.” Intro ni Rex.
“Pasensiya na kayo at sumingit pa ako sa reunion nating ito. Pagbigyan niyo na
ako. Promise, last ko na ‘to!”
“Sige lang! Kung san ka masaya, suportahan
taka!” sigaw ni Wendel. Tawanan ang ibang nandodoon. Binatukan naman ito ni
Violet. “Bagay talaga sa’yo ang Violet. Masyado kang violent eh!” sita nito sa
girlfriend.
Napangiti si Lian sa act ng
dalawang ito. Who would have known na sila rin pala ang magkakatuluyan? Ang
balita nga niya ay balak na ng mga ito na magpakasal. Wala pa nga lang exact
date. Buti pa sila. Siya kaya? Sa loob loob niya.
“Lian.” Boses ulit iyon ni Rex.
Dahilan para mapapiksi siya at matigil ang pag di-daydreaming niya. He looked
straight into her eyes, “Alam ko nasaktan kita ng sobra noon. Saksi ang mga
kaklase natin sa katangahang nagawa ko pero sana bigyan mo ulit ako ng pagkakataon na mapatunayan
sa’yo mula pa noon hanggang ngayon ikaw lang talaga ang laman nito.” Turo ni
Rex ang sariling kaliwang dibdib.
“Awwww…..” hindi napigilang masabi
ni Kath.
“Sssshhhhh!!!....” ani Mary dito.
Tumayo si Liezl at lumapit kay Lian.
Hinila nito ang huli papunta sa may stage.
“Teka lang! Ano bang ginagawa mo?
Ayoko!” kontra niya sa gustong mangyari ng kaibigan.
“Dali na! Huwag ka ng maarte!
Nag-usap na tayo last week di ba?! Tama na ang pagpapanggap! ‘Di ba sabi mo, hindi ka plastic pwes panindigan
mo! Girls, help!” Nagsisunuran naman sina Joann, Violet, Mary at Kath. Kulang
nalang ay buhatin nila si Lian para lang makapunta ito sa stage.
“Alam mo, nagsisisi akong ikaw ang
tinext ko! Bruha ka talaga! May utang ka pa sa akin isang kape!” mahina niyang sabi
kay Liezl.
“Fyi, bayad na ako sa’yo. Ako kaya
ang punong abala para sa reunion na ito. Mamaya ka na mag-thank you.” Bumalik
na silang lima
sa kanya kanyang mga upuan.
“Hindi totoong wala akong facebook.
Pati nga friendster meron ako nun eh.” Pag-amin ni Rex. “Fraud account nga lang
ang gamit ko at friends tayo. I’m Lorraine Concepcion.”
Pakilala nito sa kanya. Akala niya
ay simpleng schoolmate niya lang ito kaya’t inaccept niya ang friend request
nito. Si Rex pala yon!
“Sinadya ko ring sa company mo mag-apply para
makita kang muli and finally had the strength para pormal kang ligawan. Kaya
lang, binasted mo ako kaagad eh.” Ang ilan sa mga kaklase nilang nakikinig ay
natatawa pa rin at kinikilig sa nagiging takbo ng usapan.
“Rextor, nakakahiya!” mahina ngunit
mariin niyang sabi sa lalaking pinakamamahal.
Muling lumapit si Liezl sa stage at
pilit isinuot kay Lian ang isang singsing na may diamond. It’s an engagement
ring! “Sinuot ko na sa’yo para wala ka ng kawala. Please lang huwag mo ng
pahirapan ang sarili mo.” Bumaba na ulit ito ng stage.
Lumuhod si Rex sa harapan niya. “Marry me and
I will court you forever. Pangako yan. Let the whole class be my witness and at
the same time guarantor. Payag naman kayo ‘di ba classmates?”
“Oo! Subukan mo lang paiyakin ulit
si Lian, lagot ka sa aming lahat!” sigaw ni James.
Tawanan ang buong klase.
“Ms. Lian Grace Cruz, please naman.
Pakasalan mo na ako.” Pagmamakaawa ni Rex sa babaeng mahal na mahal.
“Bakit mo ako biglang iniwan sa ere
noon at nakipagbalikan ka kay Sheilla?” Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin
malinaw sa kanya kung ano ba ang nangyari noon at bigla na lamang itong nawala
sa piling niya.
“Akala ko kasi, mahal ko pa si
Sheilla non kaya nung nakipagbalikan siya sa akin ay pumayag ako. Isa pa, di ba
ang sabi mo noon five years pa bago ka pwedeng magboyfriend kaya naisip ko,
habang hinihintay ko ang araw na iyon ay maggigirlfriend muna ako ng iba. Hindi
ko na inisip yung mararamdaman mo. Huli na ng marealize ko kung gaano kita
nasaktan at ikaw pala talaga ang mahal ko. Tapos naging close pa kayo ni Jeff.
Sobra akong nagselos ng makita ko kayo sa park na magkasama. Dapat ako yung
nasa tabi mo kasi ako nga yung bestfriend mo. Totoo pala na kung kelan wala na
sa atin ang isang bagay o tao dun lang natin mari-realize kung gaano ito
kahalaga sa atin. Sana- ”
“Sshhhh… Okay na. Sige na!” Inagaw
na ni Lian ang mike mula kay Rex. Masyado ng mahaba ang naging litanya nito.
“Anong okay na?” naguguluhang
tanong ni Rex. “Yung explanation ko o pumapayag ka na?”
With whole of her heart she answered,
“Yung huli. Pero pwede bang mga after two years na yung kasal. Bata pa naman
tayo.”
Niyakap siya ng sobrang higpit ni Rex,
binuhat pa siya nito at inikot ikot. Bakas sa mukha nito ang sobrang kasiyahan.
Palakpakan ang mga kaklase nila.
Finally, she went out of her shell.
“I love you, Rex. Huwag mo sana
akong sasaktan ulit.”
Rex kissed her. “Hindi ako
magpa-promise pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko to fulfill that
promise.”
Sapat na iyon sa kanya.
“Let the party begin!” sigaw ni Lian sa mikroponong
hawak.
Hiyawan ang mga kaklase niya.
Tama si Liezl. She has to take the
risk of falling in love again. Masaktan man siya, ang mahalaga ay masaya siyang
magmamahal. It’s the best feeling she ever had.
-Wakas-
No comments:
Post a Comment