Saturday, October 5, 2013

The Adventure of Jane and Friends


“Paano mapapaamin ng isang kakaibang weekend trip ang mga pusong may matagal ng itinatago?”
Jane thought na  totally moved on na siya with Miguel kaya nga’t no big deal na sa kanya ang pagsama sa weekend getaway na ito sampu ng kanilang  mga kabarkada. Pero dahil sa mga hindi nila malilimutang pangyayari sa kabundukang iyon, she knew she was wrong! All this time, naniniwala siya sa kabaliktaran ng isinisigaw ng puso niya…

All rights reserved 2013















Chapter 1- The Trip

“Are we still on earth?”manghang tanong ko sa mga kasama ko. Kanina pa kami naglalakad magmula sa bayan. Nandito kami ngayon sa paanan ng isang bundok sa Tarlac. Pag mamay-ari ito nila Richard. Classmate ko siya nung highschool. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak nito at ito ang napiling trip para sa reunion namin. Yes, reunion nga. Out of 38 students, siyam lang ang sumama. Dami namin noh? Actually kami kami talaga yung magbabarkada noon. Labing dalawa kami, due to some reasons, hindi nakasama yung tatlo. Una si Ken, boyfriend ko. Chef kasi siya sa isang hotel kaya kahit holy week at Araw ng Kagitingan sa Monday, tuloy ang kayod. Para na rin daw pandagdag sa savings namin for our future. Napaka futurisitic na tao, and luckily I am included in all his plans in life.  Yung dalawa, si Martin at Ruth, ayun nasa ibang bansa na, nagpapayaman ng bonggang bongga.
 “ Yes we are, dear!” sagot ni Richard sa tanong ko, “At nandito tayo ngayon sa kaharian ko. Sa mundo ng aking mga ninuno.”
“Wow ha! Super proud of your legacy? Ikaw na!” sabat ni Liza. Best friend ko siya since elementary. Sabi nga nila kambal daw kami ng tadhana. Pero sa totoo lang we’re really different in many ways. Sa aming dalawa, ako daw ang malandi kasi may boyfriend ako at siya wala. Take note, since birth! Paano ba naman kasi, napaka picky. Gusto yatang boyfriend yung ilusyon. Yung walang kapintasan. Hay nako. Good luck talaga sa kanya. Ito ngang si Junie, sobrang tiyaga manligaw. Imagine, two years na silang nagliligawan pero hanggang ngayon nganga pa rin. Bilib din ako sa taong ito, ang tiyaga tiyaga at ang bait bait. Sabi ni Liza, gusto daw niya maputi kasi nga morena na siya pati pa boyfriend niya maitim, edi uling na yung magiging anak nila. Kakaiba rin mag-isip tong kaibigan ko noh. Gusto daw niya ng maputi pero hindi naman binabasted si Junie. Sabi niya may pag-asa daw mabago ang isip niya na ayaw niya sa maiitim because of Junie’s kindness.
Buti na nga lang hindi pa umiinom ng Methatione si Junie para lang pumuti. Napakasimple pa rin tulad ng dati. Walang pabango at gel. Akala mo hindi sumasahod ng above minimum.

Ako, si Liza, Junie, Richard, Mary, Marlon, Vangie, Wendel at Miguel ang kamalas malasang nakasama sa outing na ito. After seven years, ngayon lang ulit kami nagkasama sama. Salamat sa facebook at na reunite kami. Kapag may mga gimik o di kaya birthday ng sinuman sa amin, konti lang ang nakakapunta. Madalas pa nga hindi natutuloy ang mga lakad  namin, paano ba naman ang daming KJ (kill joy) eh. In fairness, ngayon lang kami lumampas sa apat! Totoo. Kami lang lagi nila Ken, Liza at Junie ang lumalabas lately. Double date, sabi nga nila.

“Humanda na kayo. Malayo pa ang lalakarin natin. Aakyat pa tayo ng bundok.” Nanguna na si Richard sa paglalakad. “ Mainit na mamaya kung magtatagal pa tayo dito.” Dagdag pa nito.
 “Rich, wala  bang masasakyan?, Kanina pa kaya tayo naglalakad mula sa bayan, ah!”reklamo ni Vangie. Nursing grad pero tambay sa ngayon. Tinatamad pa daw siya magreview. Sus, dahilan niya lang yun! Sa totoo lang, dalawang beses na siyang bumagsak. Boyfriend niya si Martin. Yung classmate din namin na nasa Dubai.
“Oo nga, uwi nalang kaya tayo? O di kaya swimming nalang tayo. May nadaanan tayong resort kanina. Dun nalang tayo Rich.” Gatong ni Wendel sa sinabi ni Vangie. IT grad naman tong si Wendel. Ganun din, kasalukuyang tambay. Ang bumubuhay sa kanya ngayon, yung girlfriend niyang buntis. Tibay niya noh? Asensado si kuya!
“ Vangie, wala naman kasing dadaanan ang sasakyan dito. Nakita mo naman di  ba. Kahit nga chopper, mahihirapan. At ikaw naman Wendel, sige mag swimming ka mag isa! Tara na guys. Huwag ng mag inarte! Hindi bagay sa inyo!” sermon ni Richard sa amin. Si Richard naman college undergraduate pero pinaka asensado sa amin sa ngayon. Sales executive siya sa isang Logistic company. Sabi nga niya, pag-aari daw ng angkan nila yung lugar na pupuntahan namin. 100 hectares daw yun . Tatlong bundok. Sa unang bundok, doon daw nakatira ang lolo niya. Puno daw iyon ng iba’t ibang pananim. Mga prutas at gulay. Yung pangalawa at pangatlong bundok, under develop pa rin. Hinahayaan lang daw ng pamilya niya na ganun. Ang mahalaga, walang nakakapasok doon at hindi nasisira.
“ Rich, gaano pa ba kalayo? Ang layo na kaya ng nilakad natin.” Si Mary. Ang pinaka maliit sa grupo pero siyang pinaka madaldal.Private tutor ito at asawa na niya si Marlon. Si Marlon naman highschool teacher dun sa dati naming iskwelahan. Napamahal na siya dun, dami nilang memories ni Mary dun eh! Sabay silang grumadweyt ng college at nag board. Awa ng Diyos parehong nakapasa. Inspired eh.  After makuha ang license, nagpasiya na silang magpakasal sa civil. At ang mga nakapunta nung kasal nila, si Richard at Miguel lang. Speaking of Miguel. Crush ko yan! Nung highschool. Actually, muntik ng maging kami. He tried to court me, yun nga lang… Ah basta! Ayoko ng isipin yung nakaraan. Ang importante yung ngayon. Natupad niya ang pangarap niyang maging engineer. Licensed civil engineer na siya ngayon. Ako naman, HR specialist sa isang manpower agency. Mag i engineer din sana ako kaya lang.. Ah basta ulit. Past is past. Forget yesterday and move on. Seven years ko ng motto sa buhay yan. Tsaka masaya naman ako sa love life ko ngayon. Ken is very kind. Pasaway nga lang minsan. But at the end of the day, alam ko na mahal na mahal niya ako. At ganun din ako sa kanya. Si Miguel kaya? May love life na? Kapag tinitignan ko ang profile niya single pa din ang nakalagay, eh.
 “Hoy Jane! Baka matunaw na  ako niyan!” shet! Nakatitig na pala ako kay Miguel kanina pa.
“Ha? Ah eh, Sana nga matunaw ka na lang para hindi ka na namin kasama!” bawi ko nalang. Defense mechanism ika nga.
 “ Yabang. Parang aalukin ka lang ng tubig, natulala ka na. Baka mainlove ka na sa akin niyan!,” pang-aasar niya sa akin.
“Asa ka naman! Hindi na. Saya saya ng love life ko, sisirain mo pa. Sa’yo na yang tubig mo!” sagot ko sa kanya.” Inunahan ko na siya sa paglalakad at sumabay nalang ako kay Liza. Kung bakit naman kasi siya ang nasa harapan ko habang naglalakad kami.

Ayoko na ngang maalala yung nakaraan eh. Bata pa ko nun. Talaga yatang mahirap kalimutan ang first love. Hanudaw?! First love na kung first love! Hindi naman first boyfriend eh! Wag ka na mag emote Jane. Tapos na  yun. Hindi ka na teenager.
“Ano, may feelings pa rin ba? Ha?” untag sa akin ni Liza sabay kalawit sa braso ko. Ang siste, may taga buhat ng bag. Na kay Junie. Kawawang Junie, from bank teller to kargador.
“Jusme, bru!(bruha for short) utang na loob. Tagal na nun.” Sagot ko sa kanya. Pero sa totoo lang, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Iimaginin ko pa sana ulit ang nakaraan kaso biglang huminto si Richard sa paglalakad.
 “Guys, aakyat na tayo. Andun ang bahay ni lolo. Sa gitna ng bundok,” tinuro nito ang bundok na aakyatin namin. Tatlo nga yung bundok. Dito sa paanan ng unang bundok, may mangilan ngilan pang mga bahay. Sabi ni Richard, pagdating doon sa pangalawa at pangatlong bundok na pag mamay-ari nila, wala ng nakatira.
 “Sure ka Rich?, Aakyatin natin yan?!,”reklamo ni Mary,”ang yaman yaman niyo,hindi man lang kayo bumili ng kahit anong uri ng sasakyan. O di kaya sana man lang nagpagawa nalang kayo ng patag na daan”
 “Wala ng maarte. Akyat na.” sinundan na ni Miguel si Richard sa paglalakad. Sumunod si Wendel, Vangie, Ako, Liza, at Junie.
 “May choice pa ba ko?”si Mary ulit.
“Meron Hon, mag stay ka dito. Hintayin mo nalang  kami bumaba sa Monday.” Sagot ni Marlon sa asawa. Tawanan ang barkada. Ito namang si Mary, napikon sa asawa. Ayun nanguna sa paglalakad.
 “Tse! Ikaw, maiwan ka diyan.” Nauna na itong maglakad sa asawa. Sumunod siya sa likod ni Richard, “Rich, wait lang. Sabay tayo.”
Yung kaninang maluwag na daan sa baba, panipis na ng panipis. Hanggang sa pan isahang tao nalang ang daan. Patarik na din ng patarik. Nakakapagod na talaga! Sobra! Parang gusto ko nalang umuwi. Magdadalawang oras na kaming naglalakad. Pag tinatanong namin si Richard kung malapit na, oo lang siya ng oo, pero hindi pa din kami nakakarating sa bahay ng lolo niya. Nakakahingal kaya. Lalo pa’t hindi naman kami mga professional mountaineers. Mga panggap lang kumbaga.
“Ayun na yung bahay ni lolo.” Turo ni Richard sa nag iisang bahay dun sa bundok. malapit ito sa bangin. Tanaw na nga namin ang bahay ng lolo niya.
 “Teka lang, pahinga muna tayo.” Sabi ko sa kanila habang humihingal. Huminto kami saglit at pinagmasdan ang paligid. Ang daming puno, iba ibang tanim. Si Marlon, hindi na nakapagpigil, pumitas ng mangga at pinapak. Pati si Wendel, inakyat yung puno ng duhat.
“Oh, aratilis.”sabay abot ni Miguel ng limang  aratilitis sa kamay ko. “Kainin mo na baka kainin pa  ng iba yan.” Kinain ko naman.
 “Salamat.”simpleng tugon ko sa kanya. Ang tatamis! Para akong bumalik sa pagkabata. Doon kasi sa kabilang kalye mula sa dati naming bahay, lagi naming inaakyat ng mga kalaro ko yung puno ng aratilis.
“Welcome. Tara na Rich, akyat na tayo. Di lang tayo nagpahinga, busog pa. “ natatawa nitong sabi at inakay na si Rich paakyat.
“Oo nga, Tara na! “ Pati si Liza nauna na rin sa paglalakad.
 “Kita mo tong babaeng to. Palibhasa walang dala eh. Pasalamat ka mahal kita,” si Junie. Magkakasunod na nga kaming umakyat. Nanguna si Liza sa animo’y pila na ginawa namin. Sunod si Rich, Miguel, Mary, Marlon, Vangie, Wendel, ako at si Junie ang huli. “Hoy Liza, baka iligaw mo pa kami.Akala mo alam mo yung daan ha.” Sigaw ni Junie sa nililigawan.
 “Ugok! Andito naman si Rich noh. Syempre ituturo niya yung daan. Ikaw bilisan mo diyan ang bagal mo!”sigaw din nito sa manliligaw.
“Pasensya na ha! Dala ko kasi yung buong bahay mo.”si Junie,.Natatawa nalang ang grupo sa sagutan ng dalawa.
“Nagrereklamo ka? Pwedeng sumuko!” huminto si Liza sa pag akyat at humarap sa amin. “Sagutin mo na kasi!” natatawang sabat ni Wendel sa sigawan ng dalawa.
 “Oo nga. Dalawang taon na oh. Sagutin mo na!”si Mary sumabat na din.
 “ Ang bait bait ni Junie, ayaw pang sagutin!” ginatungan pa ni Marlon ang asawa.
 “Edi sagutin niyo! Kayo nakaisip eh!” tumuloy na ulit si Liza sa pag akyat. Tinignan ko si Junie, natatawa nalang na naiiling ito.
 “Halika na Junie, konting tiyaga pa.” alo ko sa kanya.
 “Kulang pa ba ang dalawang taon, Jane. Ilang taon pa ba ang gusto niya? Pwede naman niyang sabihin kung oo o hindi lang eh. Hindi na ako aasa pa. “paniniyak ni Junie. Naging seryoso na ito.
 “Shunga! Konting tiyaga nalang nasa bahay na tayo ng lolo ni Rich. Dami mong alam. Echusero ka!”iniba ko nalang ang usapan. Baka mag emote nanaman tong si Junie sa akin na palagi niyang ginagawa sa text. Palibhase bestfriend ko si Liza kaya sa akin lagi ito humihingi ng tulong o payo.
“ Ah ganun ba? Hehe. Sorry naman. Nanliligaw lang.” tumawa na ulit si Junie.
 “Jane, bilisan niyo ni Junie.!,” sigaw ni Miguel sa amin. Oo nga medyo malayo na kami sa grupo.
 “Eto na po.”sagot ko. Binilisan ko na nga ang pag akyat kahit na hinihingal na naman ako.
“Jane oh tubig.” Sabay abot ni Junie ng tubig niya sa akin.
“Ha? May sarili akong dala. Aanhin ko yan?”takang tanong ko sa kanya at ipinakita ko pa ang tumbler na hawak ko.
 “Di ba nanghihingi ka. Sabi mo pa nga, “Jun, pengeng tubig.” Hala ka! Di naman ako humingi  sa kanya! May dala kaya akong tubig. Ewan ko kung nantitrip lang tong si Junie, pero effective eh. Matatakutin kaya ako. Kaya yun, lumayo na ko kay Junie. Patakbong nilampasan ko si Wendel, Vangie, Mary at Marlon.
 “Miguel, wait lang!” Nagtatakang napatigil ito sa paglalakad.
 “Bakit? Anong meron?”
“Wala naman. Pasabay lang.” Syempre di ko pwedeng sabihin na natatakot ako. Aasarin na naman nila ako eh. Tinitigan ako ni Miguel. Nailang ako kaya nagbaba ako ng tingin. Baka mapansin niya na natatakot ako.
 “Junie!.” Sigaw niya kay Junie, “Tinakot mo ‘to noh?”turo niya sa akin. Mukhang nahalata niya. Alam niya talaga pag natatakot ako. Noon kasi nung nag camping kami nung high school, nagkwentuhan kami ng nakakatakot. Pinagtawanan pa nga nila ako non sa reaksiyon ko. Para daw akong bangkay sa putla. Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos. “Hindi ako nananakot pre. Totoo yun,” sagot nito  kay Miguel.
“Tumigil ka na nga. Tara na! Mukhang malapit na tayo.. Rich, yun na ba yun?” Sabat ko. Mauuwi na naman sa asaran to pag hindi ko iniba ang usapan.Tanaw na tanaw na namin  ang bahay nila Rich. Maliit lang siya. Sa bandang itaas pa ay may napansin pa kaming isang kubo.
“ Oo. Yan na yun. Pero doon tayo mag iistay sa isa pang kubo.” Sagot ni Rich sa tanong ko.

Chapter 2- The House

Sinalubong kami ng isang binatilyong lalaki. Malamang hindi siya ang lolo ni Rich.
 “Si lolo?”tanong ni Rich sa binatilyo.
“Wala siya kuya. Bumaba ng bundok. Pumunta ng Dagupan. Kina Lolo Asur.” Sagot ng binatilyo. Siguro mga sixteen lang siya.
“Siya nga pala si Pao pao, pinsan ko. Kasa kasama ni Lolo dito sa bundok.” Pakilala ni Rich sa pinsan. “Bakit parang paalis ka din? Bababa ka rin ba?” tanong ulit ni Rich sa pinsan.
“Oo kuya, pinapasunod ako ni Lolo sa Dagupan eh. Pina harvest sa akin yung mangga, kape, kamote at gabi. At dalhin ko daw sa Dagupan. Sa Lunes na kami babalik. Piyesta kasi doon sa Linggo. Una na po ako sa inyo.” At umalis na nga ito.
“Gosh! Tayo lang ang nandito?” si Vangie. “Hala ka! Walang signal! Tatawag pa man din si Martin mamaya.”
 “Wala ding kuryente dito Rich? Dinala ko pa ‘tong laptop ko. Wala rin palang kwenta.” Dagdag na tanong ni Wendel.
“Obvious ba?” sagot ni Rich. “Malamang wala talagang kuryente at signal dito. May nakita ba kayong kable o cell site. Wala di ba. Tatanda niyo na, wala pa ding common sense.” Tawanan ang lahat. Napakalakas talaga mambara nitong si Rich. “Pasok tayo sa loob.”
Sa una, hindi mo aakalain na magkakasya kaming siyam sa loob ng bahay nila Rich dahil maliit lamang ito. Pero laking gulat ko ng makapasok kami sa loob, biglang lumawak!
 “Rich, bakit parang ang laki dito sa loob?” takang tanong ni Mary.
 “Hala ka! Ang laki sa loob,”si Liza. Sila rin pala nagulat,hindi lang ako.
 “Hindi ko rin alam. Ngayon lang kasi ulit ako nakapunta dito.”sagot ni Rich.
“Kakaiba yung structure. Wala pa kong nakitang ganito. Ang dami ko ng bahay na nadesign pero ito talaga yung pinaka kakaiba.”si Miguel. Bigla ko na naman naalala ang nakaraan. Nag papagalingan kami noon ni Miguel na magdrowing ng bahay. Stop! Stop reminiscing Jane! Para mabura sa isipan ko ang nakaraan, tinignan ko nalang ang kabuuan ng bahay. Maluwang na sala ang bumungad sa amin. May isang mahabang upuan at dalawang maliit na gawa sa kahoy. Parang ginawa lang. Hindi dumaan sa makina. Halata sa mga lampas lampas nitong edges. May maliit na mesa sa gitna. Pabilog ito na parang galing sa pinagputulan ng puno na nilagyan ng tatlong paa upang tumaas. May isang kuwarto na naka lock. At sa tabi non ay ang dining room. Isang mesang pabilog na gawa rin sa kahoy, surrounded by 10 wooden chairs. Oh di ba? Ang laki talaga. Pumunta ako sa kusina. May lutuan. Syempre walang gasul, puro kahoy panggatong ang nasa ilalim ng kalan.
 “Ang galing Rich, Sino kayang Engineer ang nagdesign ng bahay na ‘to. Imagine, ang liit tignan sa labas pero sa loob ang laki laki.”manghang tanong ko kay Rich.
”Malamang hindi si Miguel ang nagdesign dito.”sabay kindat nito sa akin. Irap naman ang tinugon ko. “Siguro si lolo lang lahat gumawa nito.” Ito siguro ang pinagkaabalahan niya simula ng mamatay si Lola. ” Batid sa mukha ni Rich ang kalungkutan. “Sabi ni Mama, umaasa pa rin daw si Lolo na babalik si Lola kaya ayaw niyang umalis dito kahit anong pilit ang gawin namin.”
 “Ang weird,” Si Liza.
“Oo nga, ” dagdag ni Vangie.
Kinilabutan ako sa huling sinabi ni Rich. Paano kung nandito na ang lola ni Rich? Paano kung pinagmamasdan na pala niya kami. Paano kung?
 “May namumutla na naman!” singit ni Miguel. Nakatitig na naman ito sa akin, malamang nahalata na naman niyang natatakot ako. Kung bakit naman kasi napakalawak ng imaginations ko! Lahat na lang ng bagay na di naman kailangang isipin, naiisip ko pa. “Tse! Tigilan mo ko Miguel. Hindi ako natatakot. Nagtataka lang ako sa kwento ni Rich. Paanong babalik? Kelan? Saan? Paano?” sagot ko.
“Ah , hindi ka nga natatakot.” Nakangiting sabi nito sa akin. Ganon ba talaga ako ka transparent at nahahalata ni Miguel ang mga nararamdaman ko? Siguro naman hindi siya Psyco at pati mga iniisip ko nababasa niya.
 “Engineer ako at hindi Phsyco. Obvious ka naman kasing takot ka kaya wag ka ng magtaka kung bakit ko napapansin.” Anak ng tinapay! Alam din niya kung ano naiisip ko.
 “Miguel, halika dito.” Hinila ko siya palabas ng kubo este mansiyon.
 “Halikan daw oh. Anu yan, muling ibalik? Hahaha!”pang aasar ni Wendel sa amin. “Oy….” Halos chorus na sabi ng iba.
“Tse! Wala si Ken, kaya magluto na kayo ng kakainin natin.” I reminded myself na may boyfriend na ako. Kasi kung hindi malamang kikiligin din ako.
 “Utang na loob naman Miguel! Pwede bang paki zipper yang bibig mo. Ikaw na! Ikaw na unang nakakapansin pag natatakot ako. Pero sana naman huwag mo ng i-broadcast. Kasi dalawa lang ang pwedeng mangyari eh. Una, tatakutin lang nila ko lalo, pangalawa, aasarin na naman nila ako.” Yun kaagad ang birada ko sa kanya pagdating namin sa veranda ng bahay.
 “Parang hindi ko napansin to kanina. May upuan pala dito sa labas.” Ang ganda ng sagot niya noh. Sobrang lapit sa mga sinabi ko. Kunsabagay, may katotohanan ang sinabi niya. Hindi ko rin napansin tong veranda pagpasok namin kanina. Weird talaga. Anyway hindi naman yon ang issue ko kaya  ko siya hinila palabas.
“Anu ba?! “sigaw ko sa kanya. “Hindi ka nakikinig? Ang sabi ko..” 
“Wag i-broadcast pag natatakot ka.” Agaw ni Miguel sa sasabihin ko. “Ikaw naman kasi napakamatatakutin mo, parang yun lang nanginginig ka na. Di ka na nagbago.”  Malamang sa malamang naalala pa rin niya yung nangyari dati sa camping. Kunsabagay siya pa nga ang nag comfort sa akin noon at pinatigil na sila sa pananakot sa akin.
 “Eh ganito na talaga ako simula pagkabata.” Pagdadahilan ko. At five years old, binigyan na ko ng parents ko ng sariling kuwarto and every night I had nightmares. They have no choice but to give me a companion. And it is my cousin, Jenny. Halos sabay na kaming lumaki. Mag ka share sa lahat ng bagay. Pareho din kaming matatakutin, kaya we always preferred not to be alone.
 “Huwag ka ng matakot. Andito naman ako eh. Hindi kita pababayaan habang nandito tayo sa bundok. Pangako yan.” His brown eyes gave me an assurance na tutuparin niya ang pangako niya.
“Talaga?”paninigurado ko, “Huwag mo na rin sana akong tatakutin gaya nila.”
 “Kelan ba kita tinakot?”tanong balik niya sa akin. Oo nga noh, kahit kailan naman hindi niya ako tinakot. May naalala ako!
 “Dati, tinakot mo ko. Sabi mo, hindi ka na mag-aaral kasi binasted kita.” Shocks! Pinaalala ko na naman ang nakaraan. Siya naman ang nagtanong eh. Sinagot ko lang. “Iba naman yun eh! Mga bata pa tayo nun. Immature. Iba na ngayon.” Sagot niya sa akin. Yeah right, immature.
Biglang lumakas ang hangin sa likod ko, parang may mabilis na dumaan. Yung mga maninipis kong balahibo sa likod nagsitayuan lahat. Sobrang lumamig yung buong paligid. Sa takot ko, napayakap ako kay Miguel. “Migz, pasok na tayo sa loob.”yaya ko sa kanya.
“Nanginginig ka na naman. Parang lumakas lang yung hangin eh.” Alo niya sa akin.
 “ Kung hangin lang talaga yon, bakit naman magsisitayuan ang mga balahibo ko? Parang may taong dumaan, Migz,” nakayakap pa rin ako sa kanya.
 “Huwag ka ng matakot. Halika, pasok na tayo sa loob.” Iginiya na niya ako papasok ng bahay.
“Oh ang tagal niyo naman nawala! Tapos na kaming kumain lahat. Lumabas si Wendel kanina para yayain kayo, wala naman kayo.” Bungad ni Liza sa amin ni Miguel.
“ Kayo ha! Kung saan saan kayo nagpupupunta. Madami kayang engkanto dito.Buti hindi kayo naligaw.” Hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi ni Richard o tinatakot lang niya ako.
“Bakit namumutla ka Jane, saan ba kayo galing?” nag aalalang tanong ni Junie sa akin. “Hoy, bez! San mo dinala tong si Jane?” tanong ni Vangie kay Miguel. Nagkatinginan kami ni Miguel. Nagtataka. Ganun ba sila kabilis kumain? O nantitrip lang yata tong mga to eh. Wala pa ngang limang minuto mula ng lumabas kami. Matagal na kaagad. Ganun ba kabilis ang oras dito sa loob ng bahay?
“Teka! Teka!” sagot ko sa kanila. “Andiyan lang kaya kami sa labas ng pinto. Sa may veranda. Hindi kami lumayo. Tsaka wala pa ngang limang minuto kaming nag-usap. Kaya ako namutla kasi humangin ng malakas sa likuran ko.”
 “Anong veranda?” si Mary,“Wala namang veranda diyan ah.”
“Oo nga! Tsaka limang minuto ka diyan? Limang oras kaya kayong nawala! Tignan mo nga mag dadapit hapon na,” dagdag ni Marlon sa sinabi ng asawa. Muli na naman kaming nagkatinginan ni Miguel. Lumabas siya upang tignan kung wala ngang veranda. Wala nga! Tinignan niya na ako na waring sinasabing “Wag kang mag-alala.”
“ Actually, naglakad lakad talaga kami ni Jane. Nagkwentuhan. To catch things up. Hindi namin namalayan ang oras.” Nagtataka ako sa sinabi niya. Lalo tuloy akong naguluhan.
 “ Tagal naman ng kwentuhan niyo. Hindi man lang kayo ginutom?” takang tanong ni Wendel.
“Dami kayang bunga sa labas! Di ba Jane?” baling sa akin ni Miguel. Hindi ko siya sinagot. Dumerecho ako sa kusina. Nanghihinang napaupo sa mesa at uminom ng tubig. Lumapit si Miguel at pinisil ang mga balikat ko.
“Mas magugulo lang pag pinagpilitan natin na hindi talaga tayo nawala. Hayaan nalang natin,” Umupo na rin ito sa mesa, kumuha ng plato, binigyan niya rin ako at kumain na kami.
 “Wow may nag di date!” pang aasar ni Liza.
“Tseh!”  bara ko sa kanya. “Kain ulit guys!” yaya ko sa kanila. Pero sa totoo lang wala talaga akong gana kumain. Sa dami ng nangyari para talagang gusto ko ng umuwi sa amin. 22 years na akong nabubuhay sa mundo, pero ngayon lang nangyari ‘to sa akin. Sa amin.
 “Pilitin mong kumain. Huwag mo ng isipin yun.” Basag ni Miguel sa pananahimik ko. “Migz, ano bang nangyayari? Natatakot na talaga ako. Baba na kaya tayo?” paki usap ko sa kanya. Ayoko na talagang mag stay dito.
“ Everything will be alright, nangako ako sa’yo di ba. Hindi kita pababayaan hanggang sa makababa tayo ng safe. Di na tayo pwedeng bumaba ngayon. Maggagabi na oh. Tsaka baka sabihin nila ang KJ natin.” Mahina niyang sagot sa akin.
“Pero Migz…”tutol ko.
 “Shhhh…” akong bahala sa’yo. Magtiwala ka lang sa akin.” hinawakan niya ang kamay ko. It feels so comforting. Pakiramdam ko, safe na safe ako sa mga kamay niya.
 “Hoy! Ano yan? Bakit may holding hands?” usisa ni Mary. Nakalapit na  pala siya sa amin ni Miguel ng hindi namin namamalayan.
 “May lamok!” sabay hampas ni Miguel sa kamay ko.
 “Aray! Sira ulo ka!” balik hampas ko sa kanya.
“Oy, mag nag momoment na naman dito,”pang aasar ni Mary sa amin.
 “Moment ka diyan? Moment of angers kamo!”sagot ko. Defensive noh. Hehe.
 “Asus! The more you hate, the more you love!” pasigaw na sabat ni Rich. Kasalukuyan silang naglalaro ng baraha. Ang makasaysayang 123 pass. Inagaw ni Mary ang baso ko. “Painom ha!,”
“Nasa’yo na eh. May magagawa pa ba ko?”sagot ko sa kanya.
 “Nga pala, dahil wala kayo kanina, kayo magluluto ng hapunan ha. Ginisang gulay tsaka isda.” Sabi ni Mary na ang tinutukoy ay kaming dalawa ni Miguel. Patay! Di ako marunong magluto.
 “Hala ka! Di ako marunong. Migz, pano yan?” tanong ko  kay Miguel.
“Tulungan mo nalang ako maghiwa. Ako na mag titimpla.” Sagot niya sa akin. Very effortless, kala mo napakagaling magluto. Ken ,ikaw ba yan?
“Marunong ka?”tanong ko ulit.
 “Oo naman. Dalawa lang kami ng kapatid ko sa bahay kaya naghahati kami sa mga gawaing bahay.” Niligpit na niya ang pinagkainan namin at dinala sa lababo upang hugasan. Oo nga pala. Ulila na silang magkapatid, first year highschool palang kami nun ng mamatay sa sunog ang mga magulang niya.Swerteng nakaligtas sila magkapatid. Isa yon sa mga dahilan kung kaya’t pinangarap niyang maging engineer. Para makagawa ng bahay na ligtas sa sunog.
“Tulungan na kita.” Sinundan ko siya papunta sa kusina.
“Huwag na. Simulan mo nalang gayatin yung kalabasa, okra at talong.” Ang sweet! Kausap niya ako habang nakatalikod siya. “ Malamang hindi ka marunong magtanggal ng hasang ng isda?” kausap pa rin niya ako ng nakatalikod.
“Marunong noh. Tinuruan ako ni Ken. Siya nga lang ang nagpiprito kasi takot ako sa mantika,” Actually binalak ko talagang mag-aral magluto kaso sabi ni Ken siya na lang daw ang magluluto para sa amin. Basta ako daw ang taga hiwa o taga prepare ng mga lulutuin at maghuhugas ng plato. Wala namang problema sa akin yon. At least nakatulong ako. Hindi na ulit nagsalita si Miguel hanggang sa matapos niya ang paghuhugas ng pinagkainan namin. Umupo ako sa maliit na working table sa tapat ng lutuan. Ako ang bumasag sa pananahimik niya,
“Migz, may problema ba?”
“Wala naman. Tulungan na kita diyan,” Lumapit na siya sa akin. Umupo sa tabi ko at naghiwa rin ng mga lulutuin.
“ Thank you,” simpleng tugon ko sa kanya pero maraming ibig sabihin yon.
“ Sus, parang ito lang nag ti thank you ka na. Pag si Ken ba, hindi ka niya tinutulungan maghiwa o magtanggal ng hasang?” tanong niya sa akin.
“Uhmmm, madalas ako lang talaga. Teka, hindi lang naman para dito kaya  ko nag ti thank you eh . Thank you kasi nag promise ka na hindi mo ko pababayaan habang nandito tayo sa bundok. Tsaka thank you din kasi hindi mo ko tinatakot.” Esplika ko sa kanya. “Wala yon. Mag kaibigan tayo eh kaya natural lang na po protektahan kita.” Yeah right, magkaibigan kami. Teka! May inaasahan pa ba kong iba? Hala ka! May feelings pa rin ba ko sa kanya? Pitong taon na ang lumipas, Anu ba  yan! “Basta thank you.” Nakangiti ako sa kanya na parang ganun din ang ngiti ng puso ko.
 “Guys, akyat na tayo sa kubo. Aayusin pa natin yung tutulugan natin.” Tumayo na si Rich at tinigil na ang paglalaro ng baraha.
“Jane, Migz, kayo ng bahala sa hapunan ha. Akyat muna kami para ayusin ang kubo. Andiyan yung gasera sa taas ng tukador sakaling dumilim na.”
 “Okay sige.” Halos duet naming tugon ni Miguel.
 “Wendel, pakidala nung isang gasera. Junie, Marlon, Vangie, yung mga unan at kumot, paki dala na rin.” Si Richard. Mga ilang metro din ang layo ng kubo mula sa bahay ng lolo ni Rich. Nasa bandang itaas ito. Dalawa nalang kami ni Miguel sa bahay. Sana naman wala ng mangyaring kababalaghan. Pilit ko na lang kinakalimutan yung nangyari kanina.
 “ Wala ng ulo yung galunggong,” Si Miguel na siyang kinagulat ko.
“Ay tinapay!”
 Natawa pa ang bwisit na ‘to sa reaksiyon ko.
 “Anu ka ba naman, ang lalim na naman ng iniisip mo. Huwag mo ng isipin yon.”
Chapter 3- The Dare


            Magdidilim na ng matapos namin  ni Miguel ang pagluluto. Nakasindi na rin ang gasera. Bumalik na rin sila sa bahay. Ang lakas makaamoy ng mga kaibigan namin. Timing na timing ang pagbaba nila mula sa kubo. Nakahain na rin sa mesa ang mga puting plato. Pati mga baso at kubyertos. Galing namin  ni Miguel noh?  Sa loob ng mahigit isang oras, natapos naming lahat. Hehe. Yabang ko.
“Wow, kainan na!” nauna na si Wendel sa pag upo sa mesa.
“Ay, gulay,” Nakabusangot na bungad ni Liza sa akin. Hindi kasi to kumakain ng gulay. “Choosy ka pa teh?” bara ko sa kanya. “Holy week ngayon kaya bawal ang karne.” Itinaon naming holy week ang pag-akyat para mahaba haba ang araw na magkakasama kami. Tapos holiday pa rin sa Monday dahil Araw ng Kagitingan kaya limang araw ang bakasyon naming mga nagtatrabaho. Except kina Wendel at Vangie na wala naman talagang pasok kahit working days pa.
“Kain na kayo.” Yaya ni Miguel kina Mary,Marlon, Junie at Vangie na nakaupo sa sala. Tumayo na ang mga ito at lumapit na rin sa hapag kainan.
 “Kayo, Migz at Jane, di pa ba kayo kakain?”tanong ni Rich sa amin.
“Sige lang. Past four na kami kumaen kanina di ba? Kaya medyo busog pa kami.” Sagot ko.
“Oo busog pa kami. Magdadala nalang kami sa kubo ng pagkain mamaya pag-akyat nating lahat.”dagdag pa ni Miguel sa sinagot ko  kay Rich. Hindi natigil ang kulitan at tawanan sa hapag kainan. Ganito talaga kami magkakaibigan, pag nagkakasama sama. Ang gulo gulo talaga pero masaya. Yung pakiramdam na this is where I belong! Hindi mo aakalain na halos lahat kami ay graduate na. Para pa din kasi kaming mga bata o highschool kung magkulitan.
 “Oh ang mahuli,maghuhugas ng pinggan.” Tumayo na si Richard at dinala ang pinagkainan sa lababo . Sumunod si Vangie at Liza. Si Marlon na ang nagdala ng pinagkainan nila ni Mary. Natawa kaming lahat ng nagtinginan at nagpaunahang makaubos ng pagkain sila Wendel at Junie. Masuwerte si Junie, naunahan siyang tumayo ni Wendel. In short, si Junie ang maghuhugas ng mga plato.
Tumayo na rin ito at dumerecho sa kusina.
 “Bilisan mo maghugas ng plato ha. Aakyat na tayo sa kubo.” Si Richard ulit.
“Shot?” ang tinutukoy ni Wendel ay kung mag- iinuman daw ba kami.
“Okay lang.”sagot ni Liza.
 “Walang yelo.”sagot ko.
“Okay lang yan. Jackass naman eh! Orange Gin ang binili ko kanina sa bayan. Carry na to. “ nilabas ni Wendel ang tatlong bote ng Gin at limang pakete ng orange sa kanyang bag. “ Bukas na yung dalawa,” suhestiyon nito.
 Limang bote pala ang binili nito. Pagdating talaga sa alak, walang mabigat na dalahin para dito.
“Pass ako diyan ha. Alam niyo naman isang shot lang niyan, boljak na ko.” Mahina talagang uminom si Mary. At pag nalasing ito, lagot na! Kung madaldal siya pag normal. Lalo na pag lasing.
 “Tamaaa..” si Marlon “Walang hindi sasabihin yan.”
Natatawa nalang kami.
 “Hoy Junie, bilisan mo diyan!”sita ni Liza. “Anong petsa na, bakla ka talaga!” Tawanan na naman ang grupo.
 “Jilisan mo bru. Jalandi kang Juding ka.” Nagbakla baklaan pa talaga si Wendel.
 “Tseh! Mga baklush kayo!” sagot ni Junie na animoy bakla rin.
 “Ayyy… Uhhhmmm..”si Richard. Ang kukulit talaga ng mga to. Parang mga highschool pa rin kami na araw araw nagkikita sa school at nagkukulitan.
Nang matapos si Junie maghugas ng plato. Naghanda na ang grupo sa pag akyat. Ang dilim na ng paligid, Puro itim ang makikita mo. Naunang umakyat si Richard dala ang gasera. Isang hilera lang kami paakyat. Kasunod niya si Wendel na may dalang alak at pulutan. Sumunod si Vangie dala ang baso at kutsara. Si Mary at Marlon dala naman ang isang gallon ng tubig. Si Liza at si Junie. Si Miguel dala ang pagkain panghapunan namin at ako ang nasa huli. Kinuha ko pa kasi ang ilan sa mga gamit ko. Nilagay ko sa maliit na bag lahat ng valuables ko. Pera,cellphone, camera, ipod at rosary. Yung mga damit namin, iniwan namin sa bahay ng Lolo ni Richard.
 “Teka lang,” sabi ko sa kanila. Mga excited naman kasi umakyat. Inom na inom na yata. Ako na nga yung pinakamatatakutin, ako pa yung nasa huli. Hanubayan…. Napapiksi ako ng kinuha ni Miguel ang kamay ko.
“Sa daan ka lang tumingin, huwag kung saan saan para wala kang ibang makita.” Matic talaga to si Miguel. Sinunod ko nalang ang utos niya. Nakatingin lang ako sa nilalakaran ko. Although tempted akong lumingon hindi ko ginawa. Mahirap na baka may makita nga ako.  Nakakahingal umakyat. Medyo malayo rin pala yung kubo mula sa bahay ni Lolo. Simple lang yung kubo. May isang kuwarto sa itaas at malawak na sala. Walang mga gamit kundi yung mga unan, kumot at sapin na dinala nila kanina.
“ Yung mga girls sa loob ng kwarto matutulog. Tapos kaming mga boys dito sa labas.” Deklarasyon ni Richard.
“Okay.” Halos sabay sabay naming sagot sa kanya.
“Shot na! Timplahin ko na to ha.” Tinimpla na nga ni Wendel ang dalang alak.  Sa sala kami pumwesto lahat na nakabilog. Sinenyasan ako ni Miguel na tumabi sa kanya. Sumunod naman ako. Pagka upo ko sa sahig na kawayan.. “Oyyyy…..”pang-aasar ni Wendel.
“Bakit hindi natin…..” “Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig…” Buwisit tong mga to.. Talagang kinantahan pa kami. Tama bang mag soundtrip at kami ang tema.
 “Buti nalang wala si Ken..Hahaha!”singit ni Liza.
“Kasalanan niya yun. Hindi siya sumama eh.”sagot ni Richard.
“Huy, tama na nga kayo.” Sita ko sa kanila.
 “Nga pala Vangie, Kelan uuwi si Martin? Sayang di siya nakasama sa atin ngayon.”pag iiba ng usapan ni Junie. Hay salamat, iba na ang topic at hindi na kami ni Miguel. Si Wendel ang naging tanggero namin. Nung ako na ang papainumin niya, hinarang ni Miguel. “Pass muna siya pre. Hindi pa naghahapunan yan.”
 “Wow ha! Boyfriend?” tanong nito kay Miguel.
 “Uyyyyy…..” Nag chorus na naman ang barkada.
 “Oo, boyfriend niya ako. Dito nga lang sa bundok. Pagbaba kanya kanya na ulit. Di  ba Jane,” Sabay kindat sa akin.
“Tseh! Dami niyong alam. Akin na  yan. Iinumin ko yan!” sabay hablot ko sa baso. Iinumin ko na  sana kaso inagaw ni Miguel sabay tungga.
“Oh Wendel.”inabot niya ang walang lamang baso dito.
 “Adik ka!” singhal ko sa kanya.
 “Pasaway ka naman!”singhal niya rin sa akin.
 “Uyyyy…LQ…” nag chorus na naman sila. Nanahimik nalang ako. Hahaba lang ang usapan eh.
 “ Gusto mo bang sumakit ang tiyan mo?”halos pabulong niyang sabi sa akin. Alam niya kasing mataas ang acidity ko. Kahit nung highschool pa kami, uminom lang ako ng softdrinks, mamimilipit na ang tiyan ko,lalo na pag walang laman.
“Oo na..”nakanguso kong sagot sa kanya.
Kantahan at kwentuhan naming magkakaiibigan ang umingay sa buong kabundukan. Medyo tipsy na yung iba. Lalo na si Liza. Naging sobrang daldal na nito katulad ni Mary. “Spin the bottle tayo!” yaya ni Wendel.
 “Game!” chorus na sagot nila Mary,Vangie at Liza. Naku ka! Patay na. Mukhang may binabalak tong mga to. Parang ayoko sumali kaso baka sabihin nila KJ ako. Ungkat the History na naman to malamang. Inikot na ni Wendel ang bote ng gin. Buwena Mano, si Liza. Sigawan ang lahat.
“Ahemm.. ahemm…”pauna ni Wendel, “Liza, kelan mo balak sagutin si Junie. Kung! Sasagutin mo nga ba siya?”
 “Truth kaagad? Di  ba pwedeng mamili muna kung truth or consequence?” reklamo ni Liza.
“Ganito nalang, truth lahat kapag hindi sumagot tsaka may consequence. Deal?”singit ni Richard.
“Sige na! Sasagutin ko na yang tanong mo, Wendel,” Pauna ni Liza sa magiging sagot niya.
“Hindi.” 
“Ano? Hindi? Dalawang taon ka ng nililigawan, tapos hindi mo sasagutin. Nasaan ang konsensiya mo Liza, nasaan?! “emote ni Vangie.
“Pwede bang patapusin mo muna ako magsalita? Ha?” birada ni  Liza. “Hindi.. Hindi ko alam kung kelan ang tamang panahon para diyan.”bigla itong nagseryoso. “Sa totoo lang guys, may hinihintay ako kay Junie na ayaw niya pang ilabas. Hangga’t hindi niya naipapakita sa akin yon, hindi ko siya sasagutin.”
“Hah? Ano naman yun Liza.”manghang tanong ni Mary. Sa totoo lang alam ko yun. Best friend ako eh. Never pang nagalit itong si Junie sa harap ni Liza. Yun ang gustong makita ni Liza. Yung totoong Junie, yung hindi nagpapanggap o nagbabait baitan lang although mabait naman talaga si Junie eh.
 “Alam ko yun,” Sabay ngiti kay Liza. “Pero di ko sasabihin” at kinindatan ko rin siya. “Good!” sabay thumbs up sa akin ng bruha. “Okay next!” pina ikot na ni Liza ang bote. Ang swerte! Kay Miguel tumama.
“Ayun oh!”tili ni Liza. “Okay Miguel, ahmm ahmmm… Handa ka na  ba?”
 “Yun na yung tanong mo?”pabirong sagot ni Miguel. Tawanan ang lahat.
“Sira! Hindi noh?”bawi ni Liza, “ May feelings pa ba para kay Bru?” Biglang natahimik ang lahat! Sabi ko na nga ba eh. Ako na naman. Kami pala.
“Ano ba  yang tanong na  yan Bru?.”offended kong sabat. “Highschool pa tayo nun. Unfair naman yata para sa aming dalawa.”
“Bakit, game lang naman to ah.” Depensa ni Liza.
 “OO!”. Sagot na Migz.. “Pero alam naman natin na hindi na pwede di ba?” nanaig na naman ang katahimikan. Binasag iyon ni Migz. “Ako naman!”pina ikot na niya ang bote. Napaisip ako sa mga sinabi ni Miguel. Mahal pa rin niya ako? Pero bakit? Ang tagal na nun. After ng graduation, ngayon nga lang ulit kami nagkita ah. Tapos may feelings pa rin siya sa akin. Parang ang labo naman nun. Wala pa ba siyang nagiging girlfriend? Hindi pa rin siya nakaka move on?
 “Hui Jane! Sayo na nakatutok!” Untag sa akin ni Mary. Tapos na  pala siya. Hindi ko narinig yung tinanong sa kanya ni Miguel. “Okay, So? Kamusta na kayo ni Ken? Kelan ang kasal? Siya na  ba talaga?”
“Ang dami naman! Di  ba pwedeng isa lang?”reklamo ko.
“Sige, yung huli nalang sagutin mo.” Sabat ni Vangie. “Bez, okay ka lang?” Tumango lang si Miguel.
“May ganun talaga Vang? Ito na sasagutin ko na…”
“Sino si Miguel?”singit naman ni Liza.  Kantyaw na naman ang inabot ko
.“Gaga ka bru! Huwag na nga lang! Di ko na sasagutin.”
 “Ang KKKKJJJJJJ…” duet ng mag-asawa.
“Eto  na.. Sa ngayon kasi, talagang naka focus kami ni Ken sa kanya kanya naming career. Yung pag-aasawa, hindi pa namin napag uusapan yan kasi nga may iba pa kaming goal. If he’s the one na talaga for me, so let it be…” Bigla na namang lumamig sa may likuran ko at nagsitayuan na naman ang mga balahibo ko. Since katabi ko si Miguel, napakapit ako sa braso niya.. “Ang lamig..” mahina kong sabi.
“Ahh.. Let it be..”pang aasar nanaman ni Wendel at kumapit din kay Richard na katabi nito. “Let it be noh?” tawanan ang grupo.
“Hindi niyo ba naramdaman, lumamig kaya!” awat ko sa tawanan nila.
 “Hayaan mo na.” sabi sa akin ni Miguel.
 “Di mo ba naramdaman?” tanong ko sa kanya. Kibit balikat lang ang sinagot niya.  Mukhang namutla na naman ako. Tinitigan ako ni Richard, nahalata niya yatang natatakot na naman ako.
 “Tara Guys! Akyatin natin yung tuktok ngayon.” Seryoso nitong anunsiyo sa amin. “Hah?! Seryoso ka?”gulat na tanong ko sa kanya.
“Jane, it’s time to overcome your fear. 22 ka na, yet napaka matatakutin mo pa din.Who’s in?” tanong nito.
“Game!” Sagot ni Wendel.
 “Hindi yata magandang ideya yan Rich.”komento ni Miguel. Sang ayon ako sa kanya. Huwag naman sana please.
“Andyan ka naman eh. Alam namin  di mo pababayaan si Jane.Di ba yun yung sabi mo sa kanya kanina sa mesa,” Nang aasar na naman ito.
Tara na bru! Masaya yun! Don’t worry, di kita tatakutin. Sila lang! hahaha” bwisit tong bestfriend ko, nanggatong pa.
Tara na!”wika ng mag-asawa.
“Sige maiwan ka diyan Jane. Ba bye.” Paalam ni Rich sa akin.
Ng akmang lalabas na sila ng kubo, tumayo na rin ako,“Teka lang! Sasama na ko, pero ipangako niyo muna na walang takutan.”
 “Sus! Tara na!” sagot ni Wendel. Walang nag promise. Yari na. Bahala na!
 “Sigurado ka ba?” nag aalalang tanong ni Miguel sa akin.
“Basta wag mo lang akong tatakutin tsaka wag mo kong bibitawan.” Pakiusap ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko.
 “Alam kong hindi ko pag-aari ang kamay na ito, pero habang nandito tayo sa bundok, iisipin kong akin to at poprotektahan ko.” Na touch naman ako sa sinabi niya. Literal naman yung pag kakasabi niya di  ba? Kamay ko to, kaya hindi kanya.
“Salamat,” Tugon ko. Pahilera kaming umakyat ng bundok. Ang mga may flashlight lang, si Miguel, Richard, Junie at Wendel. Habang umaakyat kami ng bundok, mas humihigpit ang hawak ko sa kamay ni Miguel. Kinakabahan talaga ako, baka anumang oras may biglang sumunggab sa amin! Stop Jane! Stop thinking nonsense! Tinatakot mo lang ang sarili mo.
 “Okay ka lang?”tanong sa akin ni Miguel, “Kung anu-ano na naman ang iniisip mo kaya ka nanginginig eh.” Naaaninag ko sa mata niya ang pag-aalala. Salamat sa bilog na buwan at medyo maliwang ang paligid. Dapat ko nga bang ipag pasalamat yon? Di  ba sabi nila pag bilog ang buwan, dun daw lumalabas lahat ng klase ng nilalang. Diyos ko  po, huwag naman sana.
 “Maganda sa tuktok. Inaakyat namin dati yon magpipinsan nung mga bata pa kami.” “Malayo pa ba Rich?” tanong ko.
 “Medyo,” sagot niya.  “Hinihingal na ako . Pahinga naman tayo, kahit saglit lang.” yaya ko sa kanila.
 “Sige.” Sang ayon ni Liza.
 “Ahuu….” Pananakot ni Wendel. Ginaya pa ni Richard. Adik tong mga to. Nananakot na naman.
Niyakap ako ni Miguel mula sa likod. “Huwag mo nalang isipin”
“Hoy, Migz, advantage yan ha!?”sita ni Liza. Tawanan na naman.
 “Tara na!” yaya ko sa kanila. Hinila ko na si Migz at nauna na kaming naglakad paakyat. May trail naman kaya hindi kami maliligaw.
“Ahhuuu…” yan na naman si Wendel.
“Tseh!” singhal ko dito. “Huwag mo nalang pansinin.” Pinisil ni Miguel sa kamay ko. “Hoy bez! Advantage talaga?” pang aasar dito ni Vangie.
 “Tumigil ka nga! Sumbong kita kay Martin diyan eh.”sagot nito sa kaibigan.
“Ikaw din, sumbong kita kay Ken! Hehe!” bara nito.
“Tama na nga yan!” sabat ko.
 “Guilty?” si Richard. Hay nako.Hindi na natapos tong asaran na to.
Humangin na naman! This time sobrang lakas na! Yung tipong nadadala ka na talaga. Humigpit ang hawak ni Miguel sa kamay ko. “Tara na balik na tayo sa bahay!” yaya ni Miguel sa mga kasama namin, “Hindi magandang ideya to. Baka mapahamak lang tayo.”












Chapter 4- The Chase

“Bababa pa tayo, eh malapit na tayo sa tuktok,” Tutol ni Richard.
“Pero delikado na eh! Baba na tayo.”sagot ko dito. Sobrang lakas na ng hangin,pati mga dahon at sanga nagliliparan na. Parang may ipo ipong umiikot sa palibot  namin.
“Rich, much better kung next time nalang tayo umakyat. May mga kasama tayong babae. Baba na tayo.”segunda ni Junie. Hinila na nito si Liza pababa.
“Oo nga Rich, tara na!.” at inakay na rin ni Marlon ang asawa. Tumalima na rin kami ni Miguel pababa. Sumunod si .`Wendel at Vangie. Wala ng nagawa si Richard kundi ang sumunod na rin. Majority wins. Pabalik na kami sa kubong tinutulugan namin  ng mapansin naming nawawala ito. Nadaanan na namin ang hilera ng mga puno ng mangga na siyang nagsisilbing bakod ng kubo pero wala ang kubo!
 “Nasaan na yung kubo?” tanong ni Vangie. Bumaba pa kami upang makarating naman sa bahay ng lolo ni Richard ngunit laking gulat namin dahil wala din doon ang bahay!.  “Na engkanto yata tayo,”komento ni Junie.
“Huwag naman!”tutol ko sa sinabi niya.
 Suddenly, basketball-shaped fires came towards us. Galing ito sa bandang ibaba ng bundok, paangat ng paangat at palapit sa amin. Ang dami nila! Hindi mabilang. Nag panic na ang lahat. Lalo na ako. Ramdam kong nanginginig na naman ako sa takot.
“Huwag kang bibitaw sa akin.” malumanay pa rin ang boses ni Miguel. Mabilis ang mga hakbang niyang ang tinutungo ay ang tuktok ng bundok.
 “Guys, huwag tayo mag hiwa hiwalay.” Sigaw ni Richard sa amin.” Dito tayo!” Ang tinuturo nitong daan ay patungo sa kaliwang bahagi ng bundok. Sa taniman ng mga pinya at kamoteng kahoy. Pero hindi lahat nakinig sa kanya. Tanging si Mary at Marlon ang sumunod sa kanya. Si Liza, Junie at Vangie, nakasunod sa amin. Hindi ko na nakita kung saang direksyon pumunta si Wendel. Ang mga bolang apoy, nagkalat din. May tumungo sa direksyon namin, kina Richard. At yung ibang bolang apoy sa ibang direksyon naman. “Bilisan mo tumakbo! Huwag ka ng lumingon.” Ma awtoridad na  utos sa akin ni Miguel.
“Ang dami nila Migz.” Naiiyak ko ng tugon sa kanya. Takot at pangamba na ang bumabalot sa akin. Paano kung madampian nito kami, malamang masusunog kami. Pero nakapagtataka, hindi nasusunog ang mga halaman na nadadaan nito. Hindi ko pa rin maiwasan ang hindi lumingon.
 “Migz!” mas humigpit pa ang hawak ko sa kamay niya. “Malapit na sila sa atin!” Lumingon si Miguel at nagulat siya. Totoo nga, sobrang lapit na nito sa amin.
 “Jane! Dapa!”
 “Hah?!” Nagulat ako sa  utos niya. Hindi ako kaagad tumalima. Niyakap niya ako mula sa likod at dumapa siya habang ang katawan ko ay nasa ilalim niya. Masakit  ang naging pagbagsak ko sa lupa. Pero hindi ko ito ininda. Mas inaalala ko kung buhay pa ba kami. Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Mas pinili kong isara ito ng madiin at ramdamin kung may nasunog ba sa katawan ko. Si Miguel? Okay lang ba siya? Hindi ko siya naririnig. Hindi ko na rin naririnig sila Liza, Vangie at Mary na nagtitilian. Kahit ang ma utos na boses ni Richard. Ang pang aasar at pananakot ni Wendel. Bakit ang tahimik? Buhay pa ba ako?
-0-
“Jane, okay ka lang?” napapiksi ako nang sa wakas may narinig akong buhay na boses. “Migz?” paninigurado ko.
 “Oo, ako ito.” Sagot ng tinig. Pagmulat ko ng aking mga mata, nakapalibot sa katawan ko ang mga bisig ni Miguel.
 “Anong nangyari?”tanong ko. Muli akong bumalik sa aking huwisyo. Napa upo ng tuwid daan para makakalas ako sa mga braso niya. Nakakahiya ang naging posisyon ko, namin. “Nasaan na ang mga apoy? Anong nangyari? Sila Liza? Nasaan na tayo?” Sunod sunod kong tanong sa kanya. Nababakas ko sa mga mata ni Miguel ang pag aalala.
 “Nawalan ka ng malay nung pabagsak tayong dumapa para iwasan yung mga bolang apoy. Luckily, nilampasan lang nila tayo. Kaso pagtingin ko sa baba, wala na sila. Hindi ko na makita yung iba. Parang nabago yung daan. Sinubukan kong bumalik sa baba, pero nag iba lahat. Pati yung mga punong mangga, nawala.” Mahaba nitong esplika sa akin. Teka! Kung bumaba siya, edi ibig sabihin iniwan niya ako dito mag-isa? “Hindi kita iniwan dito. Kinarga kita pababa pati na rin paakyat dito. Parang isang sako lang naman ng bigas ang dala ko.” Dagdag pa nito. Anak ng tinapay talaga! May hidden talent yata itong si Miguel. Mind reading!
 “Weh? Hindi nga?” paniniguro ko. Paakyat ang daan kaya malamang nahirapan siya habang buhat ako. At buti nalang hindi niya ako inihulog sa bangin.
 “Oo. Totoo yun. Naisip ko nga sana hinulog nalang kita sa bangin. Ang bigat mo eh.” Anak ka talaga ng tinapay Miguelito Ruiz. Lahat nalang, Ikaw na!
 “Sana nga hinulog mo nalang ako,” Sabay irap ko sa kanya.
“Joke lang! Syempre hindi ko magagawa iyon,” Bawi nito sa sinabi. Talaga noh. Hindi mo kayang gawin yon! Mahal mo ako di ba? “Mahalaga ka sa akin kaya hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa’yo. Tutuparin ko ang pangako ko.” Nakakainis ka na Miguel. Lahat nalang ng iniisip ko,naiisip mo din.
“Talaga lang ha?” ang tanging natugon ko sa mga sinabi niya. Wala eh. I’m so speechless. Hindi ko na kailangang I voice out, nababasa naman niya mga iniisip ko eh. “Maniwala ka o hindi. Totoo lahat ng sinasabi ko.”
 “Okay. I trust you.” Tangi kong nasabi nalang. Muli akong sumandal sa kanya at nahulog muli sa pagkakatulog.
-0-
 “Migz! Huwag mo kong iwan! Sandali lang. Hintayin mo ko!” Habol ko sa kanya. Tumatakbo ito palayo sa akin at hindi man lang lumilingon. “Bakit ka ba tumatakbo palayo sa akin? Huwag mo akong iwan. Nangako ka di  ba?” Umiiyak ko pang sabi sa kanya. Maputi ang palagid. Parang wala na kami sa kabundukan. Langit na  ba ito? Pero bakit tumatakbo palayo sa akin si Miguel? “Migz, please naman oh.” Nagmamakaawa ko ng sabi sa kanya. Patuloy pa rin ako sa paghabol sa kanya. “Mahal kita Migs!” Kahit ako nagulat sa sinabi ko. Mahal ko talaga siya? Ah basta bahala na. Ayokong mawala siya sa akin kaya’t binilisan ko pa ang paghabol sa kanya. Bago ko siya maabutan, huminto siya sa pagtakbo, humarap sa akin,“Jane….” 
“Jane, gising!” Pagmulat ko ng aking mga mata, mga matang nag aalala ang sumalubong sa akin. “Jane, okay ka lang? Binabangungot ka.” Pinunasan ni Miguel ng mga palad niya ang mga pisngi ko. May mga luha ako.
“Did I really cry?” tanong ko sa kanya.
 “Oo. Sumisigaw ka pa nga.” Sagot niya sa tanong ko.
 “Anong sinasabi ko?” follow up question. Nakakahiya. Panaginip lang pala ang lahat! Paano kung yung mga sinasabi ko sa panaginip ko eh yun din yung mga lumabas sa bibig ko na narinig ni Miguel.
 “Wala naman,” Sagot niya sa huling tanong ko. “Para kang may hinahabol. Tapos umiiyak ka na.”
“Yun lang?” tanong ko ulit? Ang kulit ko noh. Naninigurado lang.
 “ Oo,”si Miguel. “Bakit? May iba ka pa bang sinasabi sa panaginip mo?”
“Ha?. Ah eh.. Wala kasi akong matandaan.” Pagdadahilan ko nalang.
 “Sige na matulog ka na ulit. Babantayan kita.”huli kong narinig bago ko muling isara ang mga mata ko.

-0-
Liza’s Point of View:
 “Liza, huwag kang bibitaw ha! Takbo lang! Huwag ka na ring lilingon.” Utos sa akin ni Junie. Hindi naman talaga ako natatakot sa mga halimaw na galing sa tubig. Ang kinakatakot ko lang ay baka ihulog nila kami sa bangin. At ang kababagsakan namin ay yung falls na sobrang taas. Hindi ko na matandaan kung paano kami napunta dito. Hindi nasabi ni Richard na may mataas palang falls dito sa bundok. At yung mga halimaw na humahabol sa amin, bigla nalang nagsilabasan ng mawala ang mga bolang apoy. Nakakadiri ang mga itsura nila. Parang mga taong binalutan ng lumot na nakakalipad. Ang weird! Saan kaya galing tong mga to? Madilim pa rin ang buong paligid. Nawala ang full moon kaya mas naging sobrang madilim. Si Junie naman parang bading, makatakbo wagas! Si Vangie mukhang natatakot na rin. Nauna pang tumakbo sa amin ni Junie.
“Dito tayo guys!”biglang lumiko si Vangie sa isang malaking puno para magtago. Sumunod kami ni Junie.  Luckily, nilampasan kami ng mga creepy creatures. Hay thanks God! Kanina pa talaga ako nahihiwagaan sa lugar na ito. Binabalewala ko nalang kasi ayokong masira ang masayang outing namin. Mula sa mga kwento nila Junie, Jane at Miguel, meron yata talagang hiwaga ang lugar na ito. Speaking of Jane and Miguel, nasaan na kaya sila? Naku! Napakamatatakutin pa naman ng bestfriend ko. Hindi bale, tiwala naman ako na hindi pababayaan ni Miguel si Jane. If I know, mahal na mahal parin nito si Bru. Yun nga lang, hindi na pwede. Hanggang kailan kaya to maghihintay? Eh mukhang sa kasalan na dederesto sina Ken at Jane. Isang malaking goodluck para kay Miguel. Yung iba kaya? Nasaan na?
 “Balik na tayo sa bahay,” Suggestion ko sa mga kasama ko. Nag aalala na kasi ako sa iba naming mga kasama lalo na kay Jane.
 “Ano ka ba?! Baka balikan tayo ng mga halimaw na  yun,” Tutol ni Junie sa sinabi ko. Ito talagang lalaking to, napaka duwag. Kaya hindi ko masagot sagot eh. Parang may kulang, parang may tinatago pa siya sa akin. Ayaw na ayaw niyang ipakita sa akin ang mga kahinaan niya. Bading talaga.
 “Oo nga Liz, mamaya nalang. Kahit yung pagputok na ng araw,” Sang-ayon ni Vangie kay Junie. “It’s better to be safe. Pahinga nalang muna tayo dito.” Yun na nga, maya maya , tulog na yung mga kasama ko..Di ko namalayan, pati pala ako. Pina una ko lang sila.

Wendel’s POV

Tupang anak naman oh! Maliligaw na nga lang ako, wala pa akong kasama! Ang masaklap pa nito, may humahabol pa sa akin ngayon! Isang lalaking malaki ang katawan, nakakatakot ang itsura at lumilipad. May hawak itong karet, akala mo si kamatayan pero hindi naman. Mayroon siyang pakpak na kulay asul. Galit na  galit siya habang hinahabol ako. May mga binibigkas siya na hindi ko maintindihan. Bigla nalang itong lumitaw ng mawala ang mga bolang apoy.  Napadpad ako sa isang punong malaki na maraming baging. Pagpasok ko sa animoy kurtina, hindi na niya ako nakikita. Wow! Ang galing! Naging invisible ako bigla. Hay! Salamat naman. Kanina pa ako tumatakbo. Nakakapagod kaya! Kaya eto ako ngayon, hapong hapo hanggang sa antukin.

Richard’s POV

“Rich, ano bang nangyayari? Nasaan na yung iba?” naiiyak ng tanong ni Mary sa akin. “Ma, huwag ka ng umiyak.”alo ni Marlon sa asawa.
 “Hindi ko rin alam Mary.”ang tanging naisagot ko sa kanya. “Magpahinga nalang muna tayo. Hintayin nating magliwanag, tsaka natin sila hanapin pag hindi pa rin sila bumalik ngayong gabi.” Nanlalata na kaming tatlo. Nakakapagod makipaghabulan sa mga bolang apoy. Nasaan na kaya sila Jane, Miguel, Liza, Junie, Wendel at Vangie? Kung bakit naman kasi hindi nila ako sinunod, ang sabi ko walang hihiwalay pero nag kanya kanya pa rin ng takbo. Nagulat nalang kami nila Mary at Marlon dahil pagkawala ng mga bolang apoy bigla nalang lumitaw ang kubo. Nandito kami ngayon sa kubo, nagpapahinga. Umaasa na sana makabalik rito ng ligtas yung iba naming mga kasama. Si Jane, sana kasama niya si Miguel. Napakamatatakutin pa naman nun. Pag may nangyaring masama sa kanila, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Piling ko kasalanan ko ang lahat. Ako ang nag set ng trip na ito. Ano bang nangyayari sa lugar na ito?  Sana hindi totoo ang hinala ko. Huwag naman sana. Nakakahiya sa mga kaibigan ko, pati sila nadamay.  Lola, please…..

















Chapter 5- The Confessions

“Jane, umaga na.” Panggigising sa akin ni Miguel.
“Huh?” Wala pa ako sa huwisyo. Pinapakiramdaman ang paligid. Nakahiga ako sa damuhan, parang nakaunan sa isang braso. Teka! Braso?! Pagmulat ko ng mga mata ko, mukha ni Miguel ang una kong nasilayan. Agad akong napabalikwas, nailang ako sa naging  posisyon namin. Magkatabi kaming natulog, nakaunan ako sa braso niya at nakayakap pa sa kanya. Nakakahiya! Para kaming magjowa! “Pasensya ka na Migz, napahimbing yung tulog ko, baka nangalay yung braso mo.”
“Hindi naman. Ayos lang ako.” Balewala niyang sagot sa akin. “Tara hanapin na natin yung daan pabalik.”yaya niya sa akin. Kaso may problema.
 “Migz,.”
“Bakit, may problema ba?” tanong niya.
“Oo eh. Nagugutom na ako.”nahihiya kong sagot sa kanya. Hindi kami nakapaghapunan kagabi kaya kumukulo na ang tiyan ko. Parang wala na akong lakas para maglakad pa. Napangiti na lang siya sa tinuran ko,“Sige, maghahanap ako ng mga bungang prutas. Dito ka lang ha. Sandali lang ako.”
 “Salamat. Pasensiya ka na ha.” Nanlalambot kong tugon sa kanya. Muli akong humiga sa damuhan at umunan sa nakausling ugat ng puno. Umalis na si Miguel para maghanap ng pagkain. Pinilit kong huwag matakot, umaga naman na tsaka sabi ni Miguel sandali lang siya. Alam kong babalikan niya ako. Hindi nalang ako tumingin tingin sa paligid at mas piniling pumikit nalang para wala akong makita na pwede kong ikatakot. Sana makabalik kami ng ligtas sa kubo at makauwi ng safe sa kanya kanya naming mga bahay. Namimiss ko na ang mga parents ko. Solong anak lang ako kaya sobrang close ako sa mga magulang ko. Hindi naman kami ganun kayaman. May retail store lang si Papa at si Mama naman nagtatrabo bilang clerk sa Munisipyo  namin. Si Ken kaya kamusta na? Malamang may duty yun ngayon sa hotel. Sila Liza kaya? Sana safe sila. Nasa kubo na  sana silang lahat. Si Miguel?, ang tagal naman niya bumalik. Nasaan na kaya siya. Totoo ba to? Namimiss ko kaagad si Miguel. Bakit parang mas hinahanap ko siya kesa kay Ken? Dala lang siguro ng gutom to. O dahil sa siya ang kasama ko ngayon kaya sobra akong nag aalala sa kanya. Pikit pa rin ang mga mata ko, binabalikan lahat ng ngyari simula ng pagdating namin dito. Puro si Miguel ang rumerehistro sa isip ko. Lahat ng oras na magkasama kami. Pati yung napanaginipan ko kagabi. Bakit ganun? Nakoconfuse na ako sa nararamdaman ko.
 “Jane, natulog ka ulit?” bumalik na si Miguel.
 “Hindi, pinikit ko lang ang mata ko,”sagot ko.
“Kain ka na. May nakita akong saging tsaka duhat.” Inabot niya sa akin ang mga prutas na nakuha niya. “May nakita rin akong mga bunga ng buko kaso wala tayong itak para makakuha nun. Pero may narinig akong lagaslag ng tubig sa pinagkuhaan ko ng saging. Punta nalang tayo dun mamaya para makainom tayo.”
“Salamat ha.” Tugon ko sa mga sinabi niya. Napakabait talaga nitong si Miguel. Ganito rin kaya siya sa ibang babae. Paano kaya kung ibang babae ang kasama niya? Ganito rin kaya ang gagawin niya?
“You’re welcome. Huwag mo na akong titigan. Kumain ka na lang.” sagot niya sa pagpapasalamat ko. Kinain ko na nga yung saging na dala niya. Tinikman ko yung duhat, medyo mapakla kaya isa lang ang nakain ko.
 “Pasalamat ka mahalaga ka sa akin. Sa’yo ko lang ginawa to.” Hay naku! Lagi nalang niya nababasa yung mga nasa utak ko.
 “Thank you na nga di  ba?! Pasalamat pa?” pagtataray ko.
“Ba’t ang taray mo? Uhaw lang yan. Tara sa ilog ng makainom ka na.” at inakay na niya ako.
-0-
Liza’s POV

 Paggising ko, nakasandal na ko kay Junie. Si Vangie naman nakahiga sa may paanan ko. “Jun, gising,” Panggigising ko dito.
 “Hmmm..” tugon nito sa akin. OA ha. Mantika matulog. Si Vangie naman ang ginising ko.
“Vang..” Agad nitong inalis ang ulo sa paanan ko. “Umaga na..” sabay hikab.
 “Huy, Junie! Gising!” Tinapik ko ito sa mukha.
“Hmmm.. Istorbo eh!” sagot nito sa akin. Aba! Istorbo pala ha. Tinapik ko ulit ito sa mukha. This time mas malakas na, yung parang sampal na. “Aray naman! Eto  gigising na!” Naiinis nitong sabi.
“Tirik na yung araw oh! Hanapin na natin yung daan pabalik sa kubo. “
 “Nagugutom na ako. Kain muna tayo.”suggestion ni Vangie. “Hahanap lang ako ng puno.” Agad na itong nawala. Naiwan kami ni Junie sa ilalim ng puno ng narra.
 “Liz, ikaw? Di ka pa ba nagugutom? Hanap din tayo pagkain, gusto mo?” tanong sa akin ni Junie.
 “Hindi pa eh. Kung nagugutom ka rin sige sundan mo na si Vangie.” Tugon ko sa kanya. Actually, hindi pa talaga ako nagugutom. Mas nangingibabaw sa akin ngayon ang pag aalala sa mga kaibigan ko.
“Sure ka? Maiwan ka dito mag-isa?” paninigurado ni Junie.
“Oo naman. Hindi naman ako natatakot, sige na bilisan mo na.” sagot ko ulit. Umalis na nga ito at sumunod kay Vangie. Nang maiwan ako mag-isa, muling nanariwa sa ala ala ko ang mga nangyari kahapon. Pumunta kami dito para sa adventure at saya, we didn’t imagine na may ganitong mangyayari. Si Jane? Sana okay lang ang bestfriend ko. Sana din tuparin ni Miguel ang pangako niya na hindi niya pababayaan si Jane. Maybe, wala na nga talaga siyang karapatan kay Bru pero as a friend siguro naman poprotektahan niya ito.
Maya- maya dumating na sila. May mga dalang iba ibang prutas. Hindi pa talaga ako nagugutom pero ang sarap tignan ng mga dala nila kaya napakain na rin ako.
 “Hindi pala gutom ha,” Pang-aasar ni Junie.
“Tseh!” sagot ko at tinuloy nalang ang paglantak sa saging.
Sana okay lang yung iba.” Sabi ni Vangie. “At sana rin makabalik na tayo sa kubo kaagad.”
 “Yun din naman ang dasal ko.” Dagdag ko sa sinabi ni Vangie. Pagkatapos naming kumain, bumalik kami sa may talon para makainom ng tubig. Sana naman wala na yung mga taong lumot doon.
-0-


Wendel’s POV

Nagising ako dahil sa mga kamay na humahaplos sa buhok ko. Napa upo ako mula sa pagkakahiga at nakita ang isang magandang babae. Puting puti ito, magmula ulo hanggang talampakan. Mayroon siyang pakpak na kulay puti rin yung parang sa paru paro. Pati suot niyang damit, mahaba at puting puti. Nung una, natakot ako at nabigla ngunit nung pag ngiti niya, nawala ang takot ko.
 “Nasaan ako?” tanong ko sa kanya. Ngunit hindi siya nagsasalita. Bigla nalang pumasok sa isip ko ang sagot niya.
 “Nandito ka sa tahanan ko.” Malamang isa siyang diwata. At nagdadalang tao. Naalala ko tuloy ang girlfriend ko. “Yung taong humabol sa’yo , siya ang ipapakasal sa akin ng Inang Reyna. Ngunit ayaw kong magpakasal sa kanya sapagka’t may ibang lalaki akong iniibig. Yun nga lang isa siyang mortal.” Ito ang mga ideyang pumasok sa utak ko. Parang may tinig ng isang babae na nagsasalita sa isip ko.
 “Siya ba ang ama ng dinadala mo?” tanong ko ulit sa kanya.
 “Oo.”sagot naman ng tinig.
 “Kung ganon, kalahating tao ang dinadala mo?” Ako ulit. Grabe, nangyayari  ba talaga ito? Parang ayoko ng maniwala, Nananaginip pa rin ba ako? Oo nga pala ang mga kaibigan ko. Nasan na kaya sila? Sana nasa maayos lang silang kalagayan.
-0-
Jane’s POV:

Mukhang malayong lakaran na naman ah! Grabe naman ang pandinig ni Miguel. Sobrang laki ba ng eardrum nito at naririnig nito ang sound wave ng tubig.
 “Migz, malayo pa ba?” tanong ko sa kanya.
“Malapit na.”sagot nito. “Hindi mo ba naririnig yung lagaslas ng tubig?”balik tanong nito sa akin. Pinakiramdaman ko ang paligid, pero wala eh, wala talaga akong marinig na tubig. Naglinis naman ako ng tenga before kami umakyat pero wala talaga eh.
 “Migz, wala eh. wala talaga,” sagot ko. “Does it mean, malayo pa?”
“Gifted ka lang talaga. Masyadong malinaw ang pandinig mo. Manhid kumbaga” he said sarcastically. Hindi ko alam kung may iba pa siyang kahulugan sa huli niyang sinabi. Manhid daw ako? How come?
 “Ikaw na! Ikaw na malinis ang tenga! Kanina pa kaya tayo naglalakad. Lalo lang ako nauuhaw.” Pagtataray ko. Napatigil ito sa paglalakad.
 “Halika,” umupo ito sa harap ko, “sumakay ka na sa likod ko.”
 “Hah?”ako naman ang natigilan. “Ah eh, wag na. Sige na maglakad na tayo.” Pagtanggi ko sa alok niya.
 “Sumakay ka na sa likod ko.” Pagpupumilit nito. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay nalang sa likod niya. Sa totoo lang pagod na din talaga ako, uhaw na uhaw pa. Naghari ang mahabang katahimikan habang sakay niya ako sa likuran niya.
“Migz, may naririnig na akong lagaslas ng tubig. Malapit na tayo.” Basag ko sa katahimikan.
“Jane,…. Mahal pa rin kita..”nabigla ako sa sinabi ni Miguel. Akala ko hindi totoo yung sinabi niya nung naglaro kami ng spin the bottle.
“Hah?! Migz, ano ka ba?” gulat kong tugon. Magtatapat ka na nga lang ngayon pang uhaw na uhaw na ako. Pinilit kong bumaba mula sa likod niya ng bigla siyang humarap sa akin at niyakap ako.
“Alam ko wala ng pag-asa na maging tayo pa dahil nandiyan na si Ken. Pero gusto ko lang malaman mo. Ang hirap kasing kumilos ng may tinatago lalo pa ngayon na tayong dalawa lang ang magkasama,” Mahaba nitong saad habang yakap ako. Maya maya naririnig ko na ang mahina niyang hikbi. Hindi ko na alam ang sasabihin o gagawin ko. Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya at pinunasan ko ang mga luha niya using my own hands.
 “Ssshhh.. Tahan na..”tangi kong nasabi. Sa totoo lang marami akong gustong sabihin sa kanya, simula nung magkahiwalay kami nung highschool. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin ko iyon? Bahala na! “Migz, you know you’re so special to me. Ikaw ang first love ko alam mo yan, but fate already dictated na hindi na pwedeng maging tayo. Sa bawat panahon na lumipas I’ve tried hard para mawala lahat ng feelings ko for you.” Pagtatapat ko sa kanya. “Nung Senior prom, when I saw you and Julia kissing, I was deeply hurt. Ako ang nililigawan mo pero siya ang kahalikan mo.” Napaluha na ko sa pag alala sa aking unang heartbrake.
 Nakita ko ang gulat na reaksiyon sa mukha ni Miguel. “I didn’t know nakita mo pala kami, pero siya ang humalik sa akin, pilit siyang nakikipagbalikan. Now I know, kaya pala bigla ka nalang umiwas sa akin. You’re so unfair, Jane! Hindi mo man lang sinabi sa akin ang tunay na dahilan kaya hindi mo ko sinagot.” Umiiyak pa rin ito. “At a very young age, sobra tayong nag suffer sa heartbrake na hindi naman natin dapat dinanas. Jane, I still love you.” He then kissed me on my lips. At first it was hard but then it became gentle. Nagulat ako sa bilis ng mga pangyayari. It feels like the world stopped from revolving. Yakap ako ngayon ni Miguel at hinahalikan niya ako. I remembered our first kiss way back last New Year 2006. Magkasama kaming nag New Year sa bahay. Pagpatak ng alas dose, he greeted me Happy New Year and we kissed. That day, we thought that we’re unofficially on because we don’t want to rush things. We just had this Mutual Understanding. Ang alam lang namin, we both have each other more than friends.
Sana pala, we made it official when we first kissed.” Pagkahiwalay ng aming mga labi, ito ang nasabi niya. “Why you didn’t tell me?! Bigla ka nalang lumayo. Lahat ng pangarap natin for college, gumuho lahat.” We’re both still crying remembering the pain. “I’ve tried to reach you pag graduate natin, but you’re so distant. Kapag may mga hang-out, hindi ka sumasama kapag kasama ako.” Yeah it’s true. Iniwasan ko talaga si Miguel. Ayoko na siyang makita kasi every time I saw him, I’m hurting. “Then two years ago, nung birthday ni Richard, I was there, hindi lang ako nagpakita sa inyo.  I just missed you kaya gusto kitang makita, but then lalo lang ako nasaktan, becaused Ken approached you and you clicked. Hindi ko akalain na magiging kayo. Nabalitaan ko nalang kay Rich.” So, andun pala siya nun. Pumunta ako nun kasi sabi ni Richard hindi daw pupunta si Miguel because he’s busy with his review.
“It’s been hard for me,Migz. Lahat ginawa ko to totally forget you as well as the pain I’ve felt. When Ken came along, he helped me a lot to move on.”
“Pero Jane, hindi ka sana nagsuffer kung sinabi mo sa akin ang tunay na dahilan bago ka nagpasyang iwasan ako!” halos pasigaw na niyang sabi sa akin.
“Pero Migz, I know that Julia loves you that much. And I just thought na baka kayo pa rin ang para sa isa’t isa so I just gave way!” pasigaw ko na ring sabi trying to defend myself. I’m still crying. Seven years had passed at muli na namang nanariwa ang lahat. Miguel hugged me again.
“I’m sorry Jane.”
“I’m sorry din Migz.”
“Halika na, malapit na tayo sa ilog. Ganito pala epekto ng uhaw, lahat nasasabi mo.” Pabiro nitong sabi sa akin at tumungo na kami sa ilog.

-0-
Richard’s POV

“Mary, Marlon, I have to tell you something.” Kailangan ko ng sabihin sa kanila ang mga nalalaman ko.
 “Ano yun Rich?” chorus ng mag-asawa.
“Yung lola ko, isa siyang fairy. Siya ang nagbabantay ng bundok na ito at sa tingin ko siya ang may gawa ng lahat ng nangyayari dito sa atin ngayon.” Pagtatapat ko sa kanila. “I’m sorry guys.”







Chapter 6- The Misunderstandings
Natatanaw ko na ang ilog! Finally, makakainom na rin ako. Kanina pa talaga ako uhaw na uhaw. Dumagdag pa ang tension dahil kasama ko si Miguel. Medyo naiilang na ako sa kanya. But somehow, I felt ease kasi nailabas ko yung matagal ko ng dinaramdam sa kanya. May panghihinayang, pero tapos na  yun eh. Iba na ngayon. I already have Ken in my life. Miguel has been very important to me for the past four years during my highschool days. Simula first year, crush ko na siya. Then we became best of friends and eventually niligawan niya ako when we reached our senior year. Yun nga lang there were things happened that complicates our relationship. Una, si Julia. Ex niya. They ‘ve been together for almost a year, at sobrang nasaktan si Migz, when they broke up. Saksi ako dun. Ako yung naging karamay niya eh. Hindi ko inaasahan na mababaling sa akin ang nararamdaman niya. He confessed and I refused. Ayoko maging rebound. Panakip butas in other terms. Sabi ko sa kanya let time heals all wounds and let fate dictates. If us then let it be us. So, we became just more than friends, mutual understanding but no commitments as lovers. Sabi nga ng barkada dati ang gulo daw ng set-up namin, pero kami ni Migz, tanggap namin ang ganun. Besides, studies ang priority namin noon at hindi pakikipagrelasyon. It’s enough na we have each other as an inspiration. Pangalawa, I’m really afraid to get hurt and to hurt also someone else. Alam ko masasaktan si Julia kapag sinagot ko si Migz. Naging close din kasi kami nito.
“Halika na.” hinila na ako ni Miguel palapit sa batuhan. Uminom kami at naghilamos na din. Ang sarap sa pakiramdam.
-0-

Junie’s POV
Muli kaming bumalik sa falls kung saan nanggaling ang mga lumilipad na taong lumot ng nagdaang gabi. Buti nalang wala na sila o baka natutulog lang. Napuyat at napagod kakahanap sa amin. Hehe. Salamat sa Diyos at kahit papaano sa mga oras na ito, ligtas kami nila Liza at Vangie. Itong si Liza, napakalakas talaga ng personality. Masyadong matapang at dominante, minsan parang siya pa ang mas lalake sa amin. Kaya nga mahal na mahal ko siya eh. Kaya lang hanggang kailan ako maghihintay, ni walang kasiguraduhan kung sasagutin niya ba ako ng OO. Ang tanging pinanghahawakan ko lang, may pag-asa naman daw ako sa mailap niyang puso. Medyo lumayo sa amin si Vangie. Nakaramdam yata na gusto kong masolo si Liza.
“Liz, alam ko sasabihan mo na naman ako ng makulit pero kailan ba talaga?” bungad kong tanong sa kanya.
“Jun, alam mo ang isasagot ko.” Sabi ko na nga ba eh, ito na naman ang sasabihin niya sa akin.
“Pero Liz, gusto ko lang naman malaman kung sasagutin mo ba ako ng Oo eh. Hindi ko kasi alam kung aasa pa ko, o tatanggapin ko nalang na wala talaga. Para mapaghandaan ko at para hindi masyadong masakit pag binasted mo na ako.” Mahaba kong salaysay sa kanya. Para na nga akong sirang plaka, lagi ko itong sinasabi sa kanya pero lagi din niyang iniiba ang topic. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa batuhan at hinarap ako. “Alam mo Junie, yan ang hirap sa inyong mga nanliligaw eh. Masyado kayong mainipin! Edi tumigil ka na sa panliligaw kung naiinip ka na. Hindi yung kukulitin mo ako ng ganito.”mataray nitong sagot. “Hindi naman kasi yan dapat ang inaatupag natin ngayon. Kundi ang makabalik sa kubo at makaalis na sa pesteng bundok na ito!”
“Liza, kulang pa ba ang dalawang taon para sabihin mong mainipin akong tao?!”pasigaw  ko ng sabi sa kanya. Oo mahal ko siya pero siguro naman may limitasyon rin ang lahat. “Hindi naman kita pinipilit na sagutin na ako eh. Ang sa akin lang ay kung hanggang kailan ako maghihintay?!” dagdag ko pa.
“Bahala ka! Tumigil ka na! Huwag ka na maghintay!” sagot niya.
“Liza mahal kita, pero sana naman intindihin mo rin yung nararamdaman ko. Tao lang din ako nasasaktan.” Naiiyak ko ng sabi sa kanya. Kung bakit dito pa sa bundok naubos ang pisi ko, hindi ko rin alam.
Tinitigan niya ako ng matagal. Na waring sinusukat ang buong pagkatao ko. “Huwag ka na maghintay.”parang balewala lang nitong sagot sa akin, “Masyado kang atat. Hindi pakikipag boyfriend ang goal ko ngayon kundi ang makauwi na sa amin.” “Vang!. Halika na dito, hanapin na natin ang daan pabalik sa kubo.”tawag nito  kay Vangie.
Sa mga sinabi niyang iyon nasaid na talaga ang pasensiya ko. “Fine!” nagulat ito sa bigla kong pagsigaw. “Salamat sa lahat ha! Sa dalawang taong pagpapaasa. Ang bait mo Liz! Sobra. Sana maging masaya ka at sana rin hindi ka makahanap ng taong sing sama ng ugali mo. Siguro nga hindi ako yung lalaking hinahanap mo. Hindi kasi ako perfect. Sorry ha!”
“Mukha ngang tama ka! You’re not the one for me! You have just prove it to me today!” pasigaw na rin nitong sagot sa akin.
“Hell! Mukha ring mali ako ng pili sa babaeng mamahalin. If only I could teach my heart, hindi sana ikaw ang minahal ko. If only I could teach this Liz, if only!” turo ko ang aking puso.
“You go to hell!”balik nito sa akin.
“Guyz! Tama na yan!” awat ni Vangie sa amin. “Pwede bang isantabi niyo muna yang away niyo? Ang isipin nalang muna natin ngayon is yung iba pa nating mga kasama at kung paano tayo makakabalik sa kubo.”
“Yun na nga ang sinasabi ko sa kanya Vang!” sagot uli ni Liza. “But he just keeps on insisting himself!”
“Insisting?!”tanong ko sa kanya, “Ako pa ngayon ang selfish! Ikaw yun Liza! Napaka selfish mo!”
“I didn’t mean na selfish ka! Ikaw ang may sabi nun!”
“Ano ba?! You two! Shut up!” awat ulit ni Vangie sa amin.
“No, you shut up!”sagot ni Liza. “Sabihin mo diyan sa kaibigan mo na dati ko ng manliligaw, huwag panliligaw ang atupagin kundi ang daan pabalik sa mga kaibigan natin!”
Dahil na rin sa inis, nag walk out na si Vangie. “Bahala nga kayo diyan! Mag kanya kanya nalang tayo! Nakakainis! Kung bakit kayo pa nakasama kong maligaw!” Tumakbo na ito palayo sa amin.
Hinabol ito ni Liza, “Vangie, wait lang!”
Naiwan ako sa tubigan. At napapailing na lang ako na sinundan sila ng tanaw. Teka! Baka mapahamak yung dalawang iyon, konsensya ko pa. Isa pa, mga kaibigan ko sila at ako ang lalaki, dapat ako ang prumotekta sa kanila!

-0-


Jane’s POV

Naghari na naman ang matagal na katahimikan. Ako ulit ang unang bumasag nito. “Migz, sorry talaga ha.” Pagbubukas ko ulit ng topic. Gusto kong maging okay na ang lahat eh. It’s better for us to be friends nalang talaga. Close na ang chapter ng buhay namin as more than friends. “I never thought na aabot tayo sa ganito, yung sobrang masasaktan because of the past, our past.”
Napatigil na naman ito sa paglalakad at muling tumitig sa akin, “All this time Jane, ikaw lang at ikaw pa rin ang mahal ko. Yung sa amin ni Julie, matagal ng nawala yon since you came near me and dried my tears.” Parang kahapon lang nangyari. Gumagawa kami ng group project ng mapansin ko si Miguel sa isang sulok ng bahay namin, umiiyak habang may katext. Nilapitan ko siya at tinanong. He said that Julie didn’t want to make up for their last fight. I understand what Julie means, ayaw na nitong makipag ayos pa kay Miguel. I gave him some advice and tried to be funny kahit na medyo corny yung mga jokes ko, I made him smile.
“Heart,..” Shocks! Tinawag na naman niya ako sa terms of endearment namin dati, “I know you already have Ken, but can you please tell me that there’s still a chance for us?” pagmamakaawa nito sa akin. Bigla akong nawindang sa sinabi niya! Until now, he’s still hoping for us.
“Migz!”sita ko sa kanya, “Stop that nonsense!”
“Pero Jane..”
“Migz,. Ang paghahanap sa daan ang isipin natin ngayon. Hindi yung sa ating dalawa na matagal ng tapos.”
“Wala na ba talaga ako diyan sa puso mo?”pangungulit pa rin nito.
“Look Migz., Wala akong ganang pag-usapan ang tungkol sa ating dalawa. Please lang.”
“Just answer me! Wala na ba talaga?”
Sa totoo lang hindi ko alam. Ang gulo na ng utak ko ngayon. Iniisip ko yung mga kaibigan namin, yung daan pabalik sa kubo, gusto ko ng umuwi sa amin. Takot. Kaba. Lito. Si Ken. Tapos dadagdag pa si Miguel. Hanubayan! May feelings pa nga ba ako? Nalilito na talaga ako. Masaya ako dahil nagkasama ulit kami despite all the mishaps. I feel so safe pero na gi guilty ako para kay Ken. Kung hindi lang sana kami ni Ken, everything will be just fine. Tinitigan ko ng matagal si Miguel and finally, “Hindi na Migz. Wala na kong feelings for you.” Totoo ba itong nasabi ko? Maybe yes para tumigil na siya sa pangungulit sa akin. Maybe no. Ah, ewan ko!
“Sigurado ka?” kita ko ang panlulumo sa mga mata ni Miguel.
“O- oo Migz.” Bakit parang nasasaktan ako? Am I guilty or because I’m lying?
“If it’s really over? Why did you respond on my kiss?!” at akmang hahalikan na naman niya ako.
I pushed him away  and move backward. “Migz, stop! Can’t you just respect me?”
“But Jane, you’re lying!” Ganon ba talaga ako ka obvious? At nababasa niya ang utak ko?
“No, I’m not!” depensa ko. “Tumigil ka na Miguel! Stop insisting that there’s still us. Matagal ng wala. Just please accept that! Respect me and Ken.” Konting pilit pa, bibigay na talaga ako.
Lumayo na siya sa akin, humarap sa tubigan at muling nanahimik. Matagal. Kasing lalim ng tubig sa ilog ang isip niya ngayon. Did I hurt them that much? Hindi ko alam. He’s so unfair, hindi ko mabasa ang iniisip niya. Samantalang ako, lahat alam niya.
“Migz,..” hindi siya kumibo. “Migz..”ulit ko. Hindi pa rin siya kumikibo. “Migz please. Hanapin na natin ang daan pabalik.”
“Go…” mahina nitong tugon.
“Ha?..” nabigla ako sa naging sagot niya.
“I said go! Go away from me!” sigaw nito sa akin. Muli ko na namang nakita ang pag-iyak niya as well as his pain and I’m hurt too. Hindi dahil sa pagsigaw niya sa akin kundi dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon. At pakiramdam ko ako ang may gawa non.
“I’m sorry Migz.” Naluha na rin ako at tumakbo palayo sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang mahalaga ngayon makalayo ako sa kanya. I caused him too much pain, simula dati pa at hanggang ngayon. Siguro mas lalo siyang nahihirapan ngayon dahil kasama niya ako. Sorry talaga Migz. Sorry.  Malabo ang mga mata ko dala ng luha habang tumatakbo. Sanhi para hindi ko mamalayan na may bangin na pala sa dulo ng daan na tinatahak ko ngayon and I fell instantly. Napatili ako sa pagkabigla. At bago ko ipikit ang mga mata ko, narinig kong may sumisigaw ng pangalan ko…..

-0-




Chapter 7- The Switch

“Jane…” kasabay ng mahihinang tapik sa mukha ko. “Jane, wake up.” Sabi ng nag aalalang boses. Nananakit ang buo kong katawan. Lalo na ang likuran ko. At ang mga braso’t binti ko, ramdam kong may mga sugat ito. Anong nangyari?
Oo nga pala, nahulog ako sa bangin. Napatili pa nga ako ng malakas dahil sa pagkagulat. Dumulas ako paibaba. Mabuti na lang at napaupo ako sa isang malaking dahon ng marang. Akala ko katapusan na ng existence ko sa mundo. Hindi ko alam kung ano  na nangyari ng ipikit ko ang mga mata ko.
 “Jane….” Teka, nabobosesan ko siya…
“Liz,..” sabay dilat ko ng aking mga mata.
“Jane. Anong nangyari sa’yo?” nag aalala nitong tanong. Hindi ko rin alam eh. “Mabuti nakita ka namin dito ni Vangie. Teka, nasaan si Miguel? Bakit pinabayaan ka niya?” Naalala ko ang naging huli naming pag uusap. Kaya ako napatakbo at nahulog sa bangin ay dahil sa naging pagtatalo namin.
“Nahulog ako sa bangin. Galing ako dun sa taas.” Sabay turo ko sa tuktok. Nanghihina pa talaga ako. Buti nga at buhay pa ako. Salamat sa Diyos.
“My God. Buti nalang at hindi ka natuluyan. Ang taas ng pinaghulugan mo!.” Si Vangie.
“Oo nga eh. Teka, kayo lang ang magkasama? Nasaan na yung iba?”tanong ko.
“Hay naku Jane. Kanina tatlo kami kaso…. Ayun naging dalawa nalang kami.” Sagot ulit ni Vangie. Sabay irap kay Liza. Alam ko naman na si Junie ang tinutukoy nito.
“Bakit anong nangyari?”tanong ko sa kanila.
“Basted,” Maikling tugon ni Vangie.
Tinignan ko si Liza. Umiwas siya ng tingin sa mga mata ko at dumako sa kamay at braso ko. “Ang dami mong sugat. Kaya mo pa bang tumayo? Lipat tayo ng lugar.”pag-iiba nito sa usapan.
Pinilit kong tumayo. Inalalayan naman ako nila Vangie at Liza. Magkaagapay nila akong isinandal sa isang malaking puno ng narra.
“Okay ka lang ?” pinunasan ni Vangie ng dala niyang panyo ang mga sugat ko. Magkahalong dugo at putik ang dumumi sa panyo niya.
Mukhang hindi ako okay. Ang hapdi ng mga sugat ko mula sa mga sangang sumalubong sa akin. Salamat na rin sa Diyos at hindi ako napuruhan. “Aray!” sigaw ko ng masagi ni Vangie ang isang medyo malaking sugat sa legs ko.
“Sorry.” Si Vangie.
 “Ano ba kasing nangyari?” tanong ni Liza sa akin. “Bakit ka nahulog? Nasaan si Migz? Bakit pinabayaan ka niya?”
“Dami mong tanong. Pwede bang umidlip muna ulit? Medyo sumakit ang ulo ko.” Pagtanggi ko. Nagtinginan ang dalawa at nagkibit balikat .
“Sige, matulog ka muna diyan. Maghahanap lang kami ng hapunan natin ngayon.” Nauna ng lumakad palayo si Vangie.
“Bru, dito ka lang ha. Babalik kami.” Si Liza.
“Malamang di talaga ako makakaalis dito.” Pagbibiro ko upang kahit papaano mapawi ang pag-aalala nila sa akin.
Nang maiwan ako mag-isa, I tried to get some sleep pero si Miguel ang pumapasok sa isip ko. Nasaan na kaya siya? Alam niya kayang nahulog ako? I am really sorry for him dahil for the nth time, nasaktan ko na naman siya. Sana maka move on na siya at makahanap na ng ibang babae na mamahalin higit sa akin. Teka, bakit parang nagselos ako sa isiping yon? I can’t barely imagine, may kayakap at kahalikan si Miguel na ibang babae. I think I’m hurt. The same feeling when I saw him and Julia. Ano ba ito?! Stop Jane! Stop! Bigla nalang dumilim ang paligid.

-0-

Miguel’s POV
Shit Jane! Where are you? Kanina pa ako tumatakbo paibaba pero hindi pa rin kita makita. “Jane!” sigaw ko with all my heart. “Jane!” pero walang sumasagot sa tawag ko. Diyos ko, parang awa niyo na po, let her be safe. Kasalanan ko to eh! Hindi sana siya nahulog sa bangin kung hindi ko siya sinigawan. I love her so much that I don’t want her to go. Bakit ba kasi yun ang nasabi ko? Damn you , Miguel! You’re a fool!
 I chased her when she ran pero hindi ko siya nahabol, all I heard was yung tili niya and I know something bad happened. I tried to follow a trail downward, baka sakaling dito siya dumulas but no signs of her. Meron pala, isang silver bracelet with her name. But still, no Jane. “Jane!” Muli akong sumigaw hoping na sana may sumagot. Kanina pa ako naglalakad paibaba pero bumabalik lang ako sa sanga kung saan ko nakita ang bracelet ni Jane. Then I tried to turn to left, pero ganun pa din. When I tried to moved right, ganun pa din. Pagod na ang katawan ko kakalakad but still my heart and mind is still determined to see Jane. Mukhang napaglalaruan na naman yata ako. Whoever you are, please not right now, I need to find Jane first. Pag-akyat palang namin, may iba na akong nararamdaman. Parang may mga matang nakatanaw sa amin. I just didn’t voice it out dahil alam kong matatakutin si Jane, baka bigla nalang to magyayang umuwi. I was very happy ng malaman kong kasama siya kahit pa na kasama ako. Yun nga lang, the pain I’ve felt seven years ago, na refreshed lahat. Lalo pang nadagdagan ngayon when she told me na wala na talagang pag-asa for us. Well, maybe she was right, she already have Ken, so dapat talaga hindi na ko umasa and I regret the most is yung pabayaan siya. Nag promise ako but I broke it. I wish she’s still here by my side, relying on me especially when she’s so scared. All I want is to protect her pero hinayaan ko ang emotions ko na mangibabaw.  I can still imagine her teary eyes when she ran. I shouldn’t let her feel the same pain that I felt. My  God  Miguel! You’re still immature!
Nanghihinang napaupo ako sa ilalim ng isang puno. Magdidilim na at ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagod sa paglalakad, pagtakbo, pag-iisip at gutom.
“Pre!” may tumapik sa balikat ko and it was Junie.
“Oh! Bakit ikaw lang? Nasaan si Liza? Si Bez? Di ba kayo ang magkakasama?” nabigla ako ng makita ko siya.
“Nagkahiwalay kami..”malungkot nitong sagot sa tanong ko. “Nag-away kasi kami ni Liza and then bigla nalang sila nawala ni Vangie.”
“What happened?” tanong ko.
“Ayun, basted,” Maiksi nitong sagot sabay kibit ng balikat. Alam ko masakit para dito ang nangyari. He really loves Liza so much, high school pa lang kami crush na niya ito. Saksakan nga lang ng torpe at lumakas lang ang loob two years ago. Buti pa nga siya eh, Liza gave her a chance. Pero si Jane, bigla na lang lumayo when all I know was okay kami, na naghihintay nalang ng right time for us to be officially on. Yun pala, she saw that very regretful scene. Sana hindi nalang ako pumayag sa gusto nun ni Julia na mag-usap pa kami kung yun lang din pala ang dahilan ng paglayo sa akin ni Jane. Edi sana kami ngayon.
Iniba ko nalang ang usapan, “Jun, nagugutom na ako. Kanina ko pa hinahanap si Jane eh, Tara, pagkain muna ang hanapin natin.” Pagbibiro ko sa kanya.
“Sige.” Pag sang ayon nito.
“Waaaahhhhhh!!!!!!”  Humahangos na paglapit sa amin ni Wendel.
“Oh, anong nangyari?!” halos magkasabay naming tanong ni Junie sa kanya.
“May…May humahabol sa akin, pre!” hinihingal nitong sagot.
“Sino?” tanong ko ulit.
“Isang diwatang lalaki. Akala niya ako yung ama ng pinagbubuntis ng diwatang mapapangasawa niya sana.”
“Hah? Naka drugs ka ba pre?” si Junie.
“Totoo ang sinasabi ko! May mga lamang lupa talaga! Ngayon ka pa ba hindi maniniwala sa mga pinagdaanan natin kagabi? Buti na nga lang at tinulungan ako ng diwatang buntis para matakasan yung lalaki” paliwanag nito.
 Kunsabagay tama siya. Mukhang wala na nga yatang imposible sa bundok na ito.
Napabilis ang oras, nung lumabas kami ni Jane at napunta sa isang veranda.
Mga bolang apoy.
Pabalik balik ako sa lugar na ito kaya hindi ko makita si Jane.
Taong lumot na humabol kina Junie.
Mga diwata.
“Ahhhhh! Richard! Ano ba tong lugar na ito?!” sigaw ko.
“Relax lang pre.” Mahinahong tugon ni Junie sa reaksiyon ko. Ang gulo na talaga ng mga nangyayari. Tapos yung iba pa naming mga kaibigan, hindi pa namin kasama o makita. Especially Jane, Diyos ko po  sana okay lang siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya.
“Migz, Jun, ano ng gagawin natin?” si Wendel.
“Hanapin muna natin sila Liza bago natin hanapin ang daan pabalik sa kubo.” Sagot ni Junie. Yun naman talaga ang dapat naming gawin, pero hindi namin alam kung saan magsisimula at kung saan maghahanap.
“Let just pray hard na sana magkakasama sila.”si Wendel ulit.
“Kung alam mo lang Wendel, kanina pa ako nagdadasal ng taimtim na sana makita ko na si Jane. At sana okay lang siya. Kasalanan ko eh kung bakit kami nagkahiwalay ngayon.” Sagot ko kay Wendel.
“Nasabi mo na ba sa kanya lahat ng gusto mong sabihin?” tanong sa akin ni Junie. Sa totoo lang halos lahat sila sa barkada alam ang nararamdaman ko. Si Jane ang pinakahuling nakaalam.
“Oo. Kaya nga kami nag-away eh,” Maikli kong sagot.
“Okay lang yan pre.” Pag aalo ni Wendel., “Ang mahalaga, nasabi mo na lahat ng nakatago diyan sa dibdib mo nuon pa simula ng iwasan ka niya.”
“At tsaka ang mahalaga, mag kaibigan pa rin kayo. Kahit na hindi na talaga pwedeng maging kayo, huwag mo nalang siya hayaang mawala pa kahit bilang kaibigan man lang,” dagdag ni Junie. “Eh ako. Hindi ko alam kung kaya ko pang harapin si Liza pagkatapos ng naging pagtatalo namin. Mahal na mahal ko parin siya at nag aalala pa rin ako sa kanya. Sana din okay lang sila ni Vangie.”
“Anu ba yan?! Nagiging mga emotero tayo. Tara hanap muna tayong pagkain.” Yaya ni Wendel sa amin.

-0-
Jane’s POV

“Magkwento ka na! Ano bang nangyari senyo ni Bez? Bakit ka nahulog sa bangin?” pangungulit ni Vangie sa akin. Sa totoo lang ayoko pang pag-usapan yon eh. But knowing Vangie and Liza, hindi talaga nila ako titigilan, if I also know, mga avid fans sila ng love story namin ni Miguel since high school days. Huh? Love story nga ba? Katatapos lang namin kumain ng hapunan. As usual mga bungang prutas na naman.
“Girls, sorry ha. Imbes na hinahanap na natin ang daan pabalik, hindi kayo makalakad ng dahil sa akin.” I felt guilty talaga. Filing ko isa akong alagain ngayon na hindi pwedeng iwan. My back and legs are still aching, pati yung mga gasgas at sugat ko, medyo mahapdi pa rin, although nilagyan na ni Vangie ng dahon ng bayabas.
“Pwede ba Merced! Huwag mong ibahin ang usapan! Ano ba talagang nangyari. Kwento na dali!” si Liza. Ang makulit kong bestfriend, wala talaga akong naililihim dito. “Bawal matulog hangga’t hindi nagkukwento.” Madilim na ang paligid. Tahimik na halos mga boses lang naming ang pumupuno sa buong lugar. Nag bon-fire kami baka sakaling may makakita ng usok at mahanap kami ng iba.
“Ito na!” sagot ko. Wala naman akong ibang magagawa kundi ang magkwento. “He confessed that he still loves me.”
“Sus! Matagal na naming alam yun. Ikaw lang ang hindi” pambabara ni Vangie.
“Edi hindi na ako magkikwento?” balik ko dito.
“Sige lang tuloy mo na!”si Liza at tumingin ito  kay Vangie, “Wag ka na kasing kumontra!”
I told them all the things happened when we were together except for that sinful kiss.
“Ayun na nga, sabi niya mahal pa din daw niya ako at kung may pag-asa pa daw ba for us even though nandiyan na si Ken” napatigil ako ng muli kong maalala ang mga nangyari habang magkasama kami ni Miguel lalo na nung hinalikan niya ako.
“Tapos?” parang batang bitin sa chocolate si Liza.
“I said no.”
“Ayun na! End of story,” Vangie concluded.
“No nga ba talaga?” sinusukat ako ni Liza the way na makatingin siya sa akin.
“Yes?”
“Ang gulo mo teh! Sakit mo sa bangs!” at hinawakan pa talaga ni Vangie ang buhok niya.
“Peste kasing Julia yan. Napakaharot. Break na nga sila naghahabol pa. Yan tuloy, pareho kayong nasaktan ni Miguel,” Sabay halukipkip ni Liza.
“Pero Bru, naiintindihan ko naman si Julia eh. Sabi din niya sa akin dati na mahal pa rin daw niya si Miguel. So I just gave way for them.” I defend Julia.
“Are you blind?!”si Liza ulit, “Ikaw na ang mahal ni Migz and hindi na siya. Bakit ka pa mag gi giveway?”
“Hayaan na natin. Nakaraan na iyon. May Ken na ako. Tulog na tayo. Meeting is adjourn,”  Nauna na akong humiga sa damuhan.

Chapter 8- The Realization

“Migz! Stop running! Hindi kita mahabol!” Miguel is running away from me so swiftly. Bakit ganun siya? Ayaw niya ba akong makasama? He turned to me and I saw tears in his eyes. Bakit siya umiiyak? “Migz, stop! Mag-usap tayo!”
“I’m hurt.” That was all he said and he continued to run. I stopped running and I left crying too.
“Jane! You had nightmares!” nag-aalalang gising sa akin ni Liza.
“Nightmares ba yun? Baka naman sweet dreams?” nagising rin si Vangie at nakangiti sa akin. Tumingin ako sa palagid at medyo madilim pa. Maybe it’s  4 in the morning palang.
“Huh?” nagtataka kong tanong. Nightmare? Sweet dreams?
“Sumisigaw ka kaya! At ang sinisigaw mo lang naman ay ang pangalan ni Bez!” nakangiti pa ring tugon sa akin ni Vangie.
Oh shit I remembered my dream! At yun na naman ang eksena! “I don’t know.” Pagkakaila ko nalang. Dahil malamang tatadtarin na naman nila ko ng asar.
“Sus! Kunwari ka pa! You can never lie to me bez!”pambabara ni Liza. “May luha ka pa nga oh. Ano bang napanaginipan mo? Para kang may hinahabol. I wonder kung sino yun?”sabay kindat kay Vangie.
“You two shut up. Matutulog nalang ulit  ako. Madilim pa oh.” End of story again.
“Tsk! Denial queen.” Nailing na sabi ni Liza at humiga na rin ulit ito.
“Istorbo pa sa tulog.” Natatawang tugon ni Vangie at tumabi na rin ito sa akin.
Hay nako. Ang mga kaibigan ko talaga.
Bow.
-0-

Miguel’s POV
Can’t sleep well. I wonder what she’s doing right now. Did she have nightmares again? Last time na magkasama kaming natulog, she’s shouting my name na parang hinahabol niya ako and I saw tears in her closed eyes. I’m still blaming myself for losing her seven years ago and again yesterday. Jane, I hope you’re fine.
Mahimbing na natutulog si Wendel pero si Junie, pabiling biling ng higa, mukhang hindi rin siya makatulog.
“Pre.. Kawawa naman yung mga damo,” Pagbibiro ko.
Umupo na rin ito at nag Indian sit. “Iniisip mo rin ba siya? At sinisisi ang sarili mo dahil sa pagkawala niya?”
“Yes,” Maikli kong tugon.
“Bilang isang lalaking nagmamahal, dapat yata we shouldn’t acted that way pre. We love them and yet mas inisip natin ang mga sarili natin.”
“Oo nga Jun eh. In my case, Jane was hurt seven years ago tapos ngayon nasaktan ko siya ulit. Despite my age, napaka childish ko pa rin.”
“But at one point Migz, Jane was wrong; he didn’t give you a chance to explain and she just decided to walk away from you. Muntik pa ngang masira ang buhay mo noon buti nalang you changed your mind at ituloy  ang pag ka-college.”
Muli na namang nanariwa ang nakaraan. Sabay kaming nag entrance exam noon ni Jane with same course but after our graduation she backed out at nag-aral sa ibang school with a different course. I was really devastated that time. Nawala ang inspiration ko to go on with my dreams. Our dreams.
“Jane had reasons. She cared so much about Julia. She’s willing to sacrifice her own happiness just for other people. And because of that lalo ko lang siyang minahal pare. All these years, siya lang talaga ang laman nito.” I pointed at my left chest.
“Pareho lang talaga tayo pre!” nakipag apiran pa akin si Junie, “We’re bestfriends’ lovers.” At nagtawanan  kami dahilan para magising si Wendel.
“Ingay! Magpatulog naman kayo!” pabirong singhal sa amin nito.
“ Sensya na inlove lang!”sagot ni Junie dito.
“Kayo na! Kayo na inlove!” bara naman ng isa. Tawanan na naman. This time nakisali na si Wendel sa usapan. Umupo na rin ito. Mga boses namin ang pumuno sa gitna ng gabing paumaga na.
“Pero seriously speaking mga dude, dapat talaga we must fight for our love ones.” Pagseseryoso ng usapan ni Wendel.
“Tama ka Wendz” segunda ko sa sinabi niya, “as long as nagmamahal tayo, we shouldn’t let them hurt. Di bale ng tayo ang masaktan, wag lang sila.”
“I attest. Dapat din naman they should know and realize our value bilang nagmamahal ng tapat sa kanila.” Kontra ni Junie.
“But not to the point na masasaktan natin sila ng sobra.” Sagot ko. “Look June, kungdi nanguna ang mga emosyon natin, edi sana ngayon kasama pa rin natin sila. I have just also realized na kahit hindi na talaga kami pwede ni Jane, just to have her around even as a friend would be enough,” Malungkot kong tugon. Tinapik tapik ako ni Wendel sa balikat.
“Kunsabagay.” Pag sang ayon na rin ni Junie. “Sana pala hindi ko nalang siya ginanun. I already waited for two years, and I can wait more. As long as lagi kaming magkasama at nagkikita, kahit walang assurance, kuntento na ko. I love her so much.” Sabay tulo ng luha ni Junie.
Siguro ganun lang talaga, when it comes to our love ones, napaka gaan ng mga luha natin. When Jane saw tears in my eyes, I know she was also hurt for hurting me.
“Ako din I realized my girlfriend’s worth lalo pa ngayon na malapit na siyang manganak. That fairy thought me lessons. Una, ang pagiging isang ina ay hindi madali. Pangalawa, we must fight for our love. Masaktan man tayo, who cares! Doon tayo masaya eh. We must find way for our happiness.” Mahabang tugon ni Wendel.
To light things up, I clapped my hands. “Ikaw na pre!” Tawanan na naman.
Hindi na kami nakatulog.
-0-
Jane’s POV
Pabalik na ako sa tulog ko when Liza spoke, “Bru, can I ask you something?”
Actually ayoko na ng conversations but I can feel that my best friend needs me now.
“’No yun?”tanong ko. Mukhang heart to heart talk ito.
“Am I really that mean to him?” so she begin, “Nagi guilty kasi ako bru.”
Hindi ka ba naman kasi sira! Babastedin mo yung tao tapos ngayon magiguilty ka.
“Alam mo kasi bru, stop searching for someone that doesn’t exist. Lahat ng tao imperfect.” Syempre naman ayokong maging harsh ngayon sa friend kong nagdadrama. Maybe next time! Hehe. “Huwag mo ng hanapin kay Junie yung mga bagay na wala talaga sa kanya. And besides, be contented nalang kung ano ang meron siya. Ang importante, mahal ka nung tao. Take note, mahal na mahal.” Sermon ko sa kanya. Makapag bigay ako ng payo wagas noh.
“What if huminto na talaga siya? Gusto ko rin naman siya eh. Kaya lang I just feel that this isn’t the right time yet. Not in this place, especially yesterday.”
“Liz, di ba ang sabi ni Junie, he’s just aking kung kelan. Hindi ka naman niya pinipilit na sagutin mo siya as in now na.” Napag-usapan na namin kanina what really happened between her and Junie.
“Eh yun na nga bru eh, I really don’t know when is the right time.”
“Isn’t two years enough?”
“I don’t know, really.”
“Don’t worry. Knowing Junie, mahal na mahal ka nun. He won’t give up.” I assure her.
Sana nga Jane. Huwag naman sana ngayon kung kelan gusto ko na siya.” “Pwede change topic?” Naku ka! Alam ko na. Ako naman ang iintrigahin nito.
“Ako na naman?”
“Hindi . Si Migz.”
“Ay sus!” sabi na eh. Kulit talaga nitong best friend ko.
“Jane Merced, magsabi ka ng totoo. Wala na ba talagang feelings?” tinitigan ako ni Liza at waring sinusukat ako.
“To tell you honestly bru, I’m confused.” Sige na nga, sasabihin ko na. Wala naman akong inililihim dito eh. Siya ang mortal kong kaibigan. “I thought, wala na talagang feelings. Kaya nga no big deal na sa akin kahit pa kasama natin si Migz sa bakasyon na ‘to. It was just, every time na magkakatinginan kami sa mata, lahat ng feelings and memories bumabalik. It’s so awkward especially when he confessed and now I’m confused on what I really feel.”
“Bru, question lang. Masaya ka ba nung nakasama mo si Miguel?”
Nanaig ang mahabang katahimikan. I just feel inside of me. Was I?
“Knock! Knock!” kinatok pa ni Liza ang noo ko. Nakatitig na lang pala ako sa kanya.
“I just realized that my answer would be yes.”
“Ayun na!” eksaheradang expression ng bruhang nasa harap ko. “Meron pa nga.”
“Huh? How come?” May feelings pa ba talaga ako for him? “It shouldn’t be Liz, Unfair para kay Ken. I’m being unfaithful.”
“Ano ka ba?. Unfaithful kaagad? Hindi ba pwedeng nagpapakatotoo ka lang? Isa pa, all is fair in love and war.”
“But still, I shouldn’t be. Mahal ako nung tao”
“At mahal ka rin ni Migz.”
“Liz.”
“Hindi sa mas pinapaboran ko si Miguel, my point is, kung saan ka masaya ka edi dun ka.”
“How?”
“Try to follow your heart bru. Puro ka kasi utak. Parang ako. Hahah! Mag best friend nga tayo.”
I just smiled at her but at the back of my mind someone’s telling that Liza is right, all these years, mas pina iiral ko ang isip ko against my heart. Seven years ago, and today.
“Bru, I think you’re right.” Inaamin ko na ang isang katangahan. “ I was a fool when I decided to finish all the things connecting me and Migz.” Napaluha na ko, remembering all those times I’m trying to stay away from him. Even using Ken to totally forget him and let him see na okay na ako without him.
“I thought it was all over between us at friends nalang talaga kami but still, yung love ko for him more than a friend andito pa rin.” I was already crying on my best friend’s left shoulder.
“I was deeply hurt when I saw him crying because of what I told him Liz, kaya ako tumakbo palayo sa kanya.”
“Sssshhhhh…It’s okay bru. Everyone who’s in love is hurting. Pareho lang kayong nasaktan dahil sa mga pangyayari and with your choices”
“But how about Ken? Sinasaktan ko rin siya sa mga oras na ito na nagko confess ako sa’yo.”
“Mabait na tao si Ken, he would understand. I assure you.”
“Hope so.” Tumigil na ako sa pag-iyak at mapait na ngumiti.
She hugged me tight,“After all, iwan man tayo ng mga lalaki sa buhay natin, we have each other!”
“Yeah right!”
“Huwag ka lang matitibo sa akin Jane ha!”
“Gaga!” sabay hampas ko sa kanya. At nagkatawanan nalang kami. “So glad to have a best friend beside you.”
“Same to you, Bru!”
End of conversation.
Hug.

Chapter 9 - The Final Mishap
 Masakit pa rin ang buong katawan ko nang sinubukan kong bumangon pagka umaga. Wala na si Liza at Vangie sa tabi ko. Naiwan na naman akong mag-isa. I hate this moment everytime I am alone. Narerealize ko lang kasi all the things that I have done in the past and I am always full of regrets. What if ganito, what if ganyan. Hay, Migz. Ano ba ‘to? Kahit kailan, never kong inisip si Ken ng ganito. Ikaw lang. All this time, I pretended that everything between us were already forgotten. Hindi pala. Tsk!
“Hoy! Emoterang palaka!” gulat sa akin ng bestfriend kong kontrabida sa pag- eemote ko.
“Hindi ko alam kung si Ken ba o si Bez ang nasa isip mo,” gatong pa ni Vangie.
“None of the above,” deny ko. Tinirikan lang ako ng mata ng bestfriend ko. Halatang hindi naniniwala. Magkarugtong na yata talaga ang mga bituka namin at daig pa ang kambal tuko. “Iniisip ko kung paano tayo makakaalis sa lugar na to,” tanggi ko pa din sa tunay na iniisip.
“Weh?” duet pa talaga sila.
“Oo nga,” ayokong umamin.
Nagkibit balikat nalang si Vangie at tinaasan naman ako ng kilay ni Liza.
“Anong mga nakuha niyo?” pag iiba ko ng usapan.
“Mangga tsaka saging,” sagot ni Vangie.
“Oh. Miss Denial Queen,” sabay abot sa akin ni Liza ng isang bungkos ng saging. Dalawang araw na kaming vegetarian este fruitarian. Puro nalang prutas ang nakakain namin pero ayos lang ang mahalaga hindi kami nagugutom.
“Kung Queen ako, Empress ka naman,” depensa ko. Patay! Para na rin pala akong umamin.
“Sabi sa’yo Vangie eh, nahuhuli ang fish sa sarili nilang mouth. ‘Di ba bru?” ngingiti ngiting saad ni Liza. Sarap talagang sabunutan nito eh gagawin ang lahat mapaamin lang ako. Tinanguan siya ni Vangie tanda ng pag sang ayon. Hindi nalang ako sumagot at pinagkaabalahan ang pagkain. 
Akay ako nila Vangie at Liza habang binabagtas namin ang daan na wala na yata talagang katapusan. Hindi namin alam kung saan kami tutungo basta kung saan may trail na parang gawa ng tao yun ang dinadaanan namin ngayon. Sana makarating kami sa tamang patutunguhan.
-0-
Miguel’s POV
Hindind hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Jane. Kasalanan ko kung bakit kami nagkahiwalay. At alam ko sa mga oras na ito ay ito rin ang nararamdaman ni Junie. Sana naman magpakita na sila at kung sino man kayong mga engkanto, please lang, tigilan niyo na po kami, promise, makumpleto lang kami, bababa na kami kaagad at hinding hindi na kami manggugulo sa inyo.
“Pare, okay ka lang?” Kasalukuyan kaming naglalakad ng napahinto ako kaya’t binalikan ako ni Junie.
“O-oo,” sagot ko. Pero sa totoo lang hindi talaga ako okay. Lagi ko nalang nararamdaman na may mga matang nakatanaw sa amin. Ang weird talaga sa lugar na ito.
At ang nakakatuwa pa, dahil sa mga pangyayaring ito maraming bagay ang naungkat.

-0-
Richard’s POV
Siguro nga kasalanan ko ang lahat ng ito. Tama si Wendel, sana sa ibang lugar nalang kami nagpunta para mag spend ng long weekend. Ewan ko ba at dito ko pa isi nuggest sa lugar namin kahit pa na alam kong nandito si Lola.
Oo, nakakasigurado ako, si Lola ang may pakana ng lahat ng ito. Siya kasi ang punong tagabantay ng lugar na ito. Actually hindi ko siya tunay na lola, lola lang ang tawag namin sa kanyang lahat. Ang sabi ni Mama, nakilala ito ng lolo ko ng minsang mag hiking ito sa bundok na iyon na pag aari na noon ng gobyerno, binigyan siya nito ng mga ginto upang mabili ito sa gobyerno at doon na nanirahan. Patay na noon ang tunay kong lola. Sa totoo lang hindi ako naniniwala sa kuwentong ito pero ng pinilit naming buksan ang naka lock na kuwarto ni lolo at mabasa namin ang kanyang lumang diary, totoo nga ang lahat. Ang nakapagtataka lamang, matagal ng hindi nagpapakita ang fairy sa lolo ko.
“Rich, hindi kaya ngayon pa lang pabalik ang lola mo?” teorya ni Marlon.
“Oo nga Rich, at natimingan tayo sa pagbabalik niya,” dagdag ni Mary sa sinabi ng asawa.
Sana naman, makabalik na sila dito,” tangi kong nasabi. Dalawang araw ng nawawala ang mga kaibigan namin. Sinubukan naming maghanap ngunit hindi talaga namin sila makita.
“Subukan kaya nating kausapin ang lola mo? Pakiusapan natin na ibalik na sa atin ang mga kaibigan natin,” suhestiyon ni Mary. Pero paano namin siya kakausapin eh hindi nga siya nagpapakita sa amin.
“Papano?” si Marlon na ang nagtanong ng nasa isip ko.
“Lola! Please! Sorry po kung nagambala namin kayo,” nagulat kami sa biglang pagsigaw ni Mary. Kasalukuyan kaming nasa kubo at katatapos lang basahin ang diary ni lolo.
“Ma, ano bang ginagawa mo?”sita ni Marlon sa asawa.
“Ang dali lang naman kasi ng solusyon sa problema niyo eh. Kapag may sumagot sa atin edi ibig sabihin nandito lang siya sa paligid,” si Mary.
“Ang tapang mo naman. Paano kung biglang magpakita sa atin?” si Marlon ulit. Medyo nasasanay na ko sa pagsasagutan ng dalawang ito. Sila lang ang kasama ko eh. No choice.
“Ano naman? Natatakot ka? Daig mo pa si Jane,”
“Ehem,” singit ko. Para kasing back stabbing na yon. At baka sa away na naman mapunta ang usapan ng dalawang ito.
“Lola, kung nasaan ka man, please po. Tulungan niyo na kaming makumpleto ulit.” Sigaw ko na rin sa hangin. Lumakas ang hangin dahilan upang magtayuan ang mga balahibo namin sa buong katawan.
Mahabang katahimikan ang dumaan at bigla na lang mas lumiwanag ang paligid. Tanghaling tapat ngunit mas nakakasilaw pa sa sikat ng araw ang isang imaheng papalapit sa amin.
Nagulat kami ng bigla na lamang may magandang babaeng lumitaw sa harapan namin.
Dikta ng tunay na nararamdaman ang magbabalik sa tamang daan, tunay na nilalaman ng  mga puso at dapat magpakatotoo. Puso’t isipan ay dapat ipag-isa, upang makabalik sa piling ng isa’t isa.
Ito ang mga katagang pumasok sa isipan ko.
Nilingon ko si Mary at Marlon. Waring iisa lang kami ng iniisip.
“Yun din ba ang pumasok sa mga isip niyo?” Inulit ni Mary ang mga sinabi ng magandang nilikha sa harap namin.
“Oo,yan nga!” sagot ko.
“Gusto namin silang tulungan,” kausap ni Mary si Lola. Parang nasisiguro ko na siya nga si Lola, base na rin sa pagkakasulat ni Lolo sa diary niya, tugmang tugma sa babaeng ito.
Inilabas nito ang isang malaking dahon na parang may salamin sa gitna mula sa kanyang likuran.
We were really amazed ng magreflect sa dahon ang mga kasalukuyang nangyayari kina Jane. Magkakasamang naglalakad sina Miguel,Junie at Wendel, habang sila Jane,Liza at Vangie naman ang magkakasamang nakaupo sa ilalim ng isang puno.
“Jane!Liza!Vangie!” sigaw ni Mary sa mga kaibigan namin.
“Maririnig kaya nila tayo?” tanong ko kay Marlon.
“Subukan nalang natin,” sagot nito sa akin at sinigaw rin niya ang pangalan nila Miguel, Junie at Wendel.
-0-
Jane’s POV
Nagulat kami ng marinig namin ang boses ni Mary. Para siyang nag vo voice over sa isang movie. Hindi naman namin siya makita.
“Mary! Nasaan ka?” sigaw ni Vangie.
“Makinig kayo,” muling nagsalita si Mary. May sinabi siyang isang riddle. Masyadong malalim, hindi ko maintindihan. “Yan ang susi para makabalik kayo dito sa kubo at para makauwi na rin tayo.”
“Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo Mary!” sigaw na rin ni Liza.
“Mary! Nasaan ba kami?” sigaw tanong ko na rin. Pero wala ng sumagot sa amin.
Dikta ng tunay na nararamdaman ang magbabalik sa tamang daan, tunay na nilalaman ng  mga puso at dapat magpakatotoo. Puso’t isipan ay dapat ipag-isa, upang makabalik sa piling ng isa’t isa.
Anong ibig sabihin nito?
-0-
Miguel’s POV
Nagbigay si Marlon ng isang palaisipan na mahirap maintindihan. Masyadong malalim at hindi namin maarok ang kahulugan.
“Ano ba yan?! Sana tinuro nalang nila yung tamang daan, hindi yung pinag iisip pa tayo. Para namang walang sense yung sinabi niya eh.” Reklamo ni Junie.
“Kahit papaano naman nabigyan tayo ng pag-asa. Kailangan lang nating masagot yung bugtong na iyon,” sagot ko dito.
“O sige nga! I interpret mo nga yung sinabi ni Marlon,” hamon nito sa akin.
 Sa totoo lang hindi ko talaga maintindihan eh. Masyadong malalim ang hirap sisirin. Kibit balikat lang ang isinagot ko sa kanya.
Inulit ni Wendel ang ang mga sinabi ni Marlon.
“Kailangan nating mapakatotoo sa tunay nating nararamdaman. Tama! Lalo ka na Migz! Ano bang totoo mong nararamdaman?”


Junie’s POV
Kalokohan! Anong kinalaman ng pagkaligaw namin sa pesteng bundok na ito sa nararamdaman ni Migz?
“Puro ka talaga kalokohan Wendel. Siguro magkasambwat kayo nila Marlon noh. Pinagtritripan niyo kami. Umamin ka na nga!” singhal ko kay Wendel. Akmang uupakan ako ni Wendel ng harangin ito ni Miguel.
“Gusto ko ng umuwi.” Sagot ni Miguel. “Pero mas gusto kong makita si Jade, makapag sorry sa kanya at magkaayos kami.”
“Pare, baliw ka na! Huwag mag pa uto diyan kay Wendel. Pinagtitripan lang tayo niyan.” Sagot ko dito. Masyado na kaming natotoxic ng mga pangyayari kung kaya’t ano ano nalang ang pumapasok sa mga utak namin. Trip lang talaga ito. Isang malakas na trip!
“Bakit ikaw Jun? Ano bang tunay mong nararamdaman ngayon?” tanong sa akin Miguel. Ano nga ba? Siyempre si Liza. Kahit na nag-away kami bago kami magkahiwalay, siya pa rin ang nasa isip ko. Na sana magkaayos rin kami.
“Si Liza di  ba?” singit ni Wendel.
Nahihiya akong tumango sa kanila.
“Anong kinalaman non sa tamang daan pabalik?” asik ko sa mga ito.
“Our true feelings will lead us to the right way,” parang nagliwanag ang mukha ni Miguel at nauna na siyang naglakad sa amin.
“Alam mo ba kung saan tayo pupunta?” tanong ko dito.
“Pakinggan mo ang puso mo,” makahulugan nitong sabi sa akin. Tama siya. Kaya’t sumunod na ako sa kanya sa paglalakad. Parang nakikita na namin ang tamang daan.
-0-

Jane’s POV
Hindi ko talaga magets! Ang labo ni Mary! Ano bang ibig sabihin ng mga pinagsasabi niya.  For the nth time na inulit ulit itong sabihin ni Vangie, hindi ko talaga maintindihan o sadyang slow lang talaga ako pagdating sa mga mazes at brain challenge.

“Tunay na nararamdaman ang siyang magiging daan…” Unli talaga to si Vangie. Paulit ulit nalang.
“Kailangan talaga paulit ulit?” naririndi na rin si Liza.
“Bakit naintindihan niyo ba?” sagot rito ni Vangie, “kaya nga inu ulit ulit eh para magets natin yung sagot.”
“Piling ko pinagtitripan lang nila tayo,” theory ng bestfriend kong medyo asar na sa mga nangyayari.
“Grabe namang trip to. Napahamak na nga ko eh,” sagot ko naman.
“Tanga ka lang talaga kaya ka nahulog, masyado kang nagpadala sa emosyon mo,” sermon sa akin ng bruha kong kaibigan.
“Tseh! Kala mo naman siya. Makapagtago ng totoong feelings wagas na wagas,” depensa ko.
“Totoong feelings?”si Vangie, “tunay na nararamdaman.”
“Oo te! Na translate lang!” mataray na sagot ni Liza.
Tama. Ito yung bugtong. Kailangang pag-isahin ang puso’t isipan sa totoong nararamdaman upang makita ang daan. Akalain mo yun, nagets ko! Nauna na kong tumayo mula sa kinauupuan ko at iika ikang nauna ng naglakad.
“Hoy, bru! San ka pupunta?” takang tanong sa akin ni Liza.
“Sa tamang daan,” sagot ko.
“Huh? Tamang daan?” nagtataka pa rin ito.
“Sumunod ka nalang. Tsaka isipin mo rin yung totoo mong nararamdaman. Puso’t isipan ay pag-isahin upang mahanap ang tamang daan.” Nakangiting sagot ni Vangie rito. Hinabol ako ni Vangie upang alalayan sa paglalakad.
“Okay na ko Vang. Kaya ko na. Thanks!”” pasasalamat ko kay Vangie. Ewan ko pero parang ang bilis maghilom ng mga sugat ko at unti unti umaayos na ang paglalakad ko.
“Sigurado ka ha?”
“Yupp! Thanks!” nakangiti kong pagbibigay assurance sa kanya.
“Hey! Hintayin niyo ko!” habol sa amin ni Liza.
“Nagets mo na?” tanong ko sa kanya.
“Ayaw niyo kasing i-elaborate eh, pero okay na nagets ko din Bru, at wala namang masama kung susubukan nating maniwala at magpakatotoo sa nararamdaman natin di ba?”
“Tamaaa!” si Vangie. Tawanan kaming tatlo.
Parang alam na namin kung saan ang daan, somewhere in our mind, may nagdidikta kung saan ang tamang daan.
Sana nga.




Chapter 10- The Reunion
Jane’s POV
Isang pamilyar na bulto ang patakbong sumalubong sa akin paglagpas namin sa isang mayabong na puno at agad ako nitong niyakap.
“I’m sorry Jane,” umiiyak na sabi ni Miguel sa akin. I don’t know what to say or to do. Naramdaman ko nalang na parang nanghihina ang tuhod ko at umiiyak na rin pala ako.
 I really love this man. Matagal kong tinago ang tunay na nararamdaman dahil ayoko ng masaktan pa. “Salamat naman at ligtas ka. Kayo.” Patuloy pa rin siya sa pag-iyak at ang higpit pa rin ng yakap niya sa akin, parang ayaw na niya akong pakawalan.
“Migz,” tangi kong nasabi, actually hindi na ko makahinga.
“Ah, bez. Parang hindi na yata makahinga si Jane. Konting luwag naman,” singit ni Vangie sa moment namin ni Miguel.
“So-sorry,” nahihiya nitong sabi sa akin.
“Okay lang. Sorry din Migz, to hurt you ng maraming beses.” Sincerely kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko.
“Tara na, hanapin na natin ang daan pabalik sa kubo,” Miguel and I lead the way.

-0-
Junie’s POV
Hindi ko alam kung ano anu unang gagawin ng makita namin ulit ang mga girls, pero ng makita kong agad niyakap ni Migz si Jane, hinila ko si Liza sa isang tabi upang makapag-usap kami.
“Sorry, Liz kung naging makitid ang pang-unawa ko,” intro ko. Medyo kinakabahan ako eh, pero sabi nga ni Marlon, totoong nararamdaman, kailangan ko lang magpakatotoo.
“Okay lang yun, naiintindihan kita Jun, hindi biro ang dalawang taon na paggugol mo ng panahon sa akin,”sagot ni Liza sa akin.
“I’m willing to wait Liz, another year is not that bad. Nandito na ko, hindi na ko titigil. Sana lang payagan mo ulit ako manligaw sa’yo,” paalam ko sa babaeng pinakamamahal ko.
“Oo naman,” nakangiti niyang sagot sa akin. “Tara na?”
“Okay,” para akong nakahinga ng sobrang luwag.
-0-
Jane’s POV
Sinalubong kami ng mag-asawa naming kaibigan at ni Richard. May isang nakakasilaw na magandang babae sa likod ni Rich.
“Ikaw yung tumulong sa akin!” sigaw ni Wendel dito. Naikwento sa amin kanina ni Wendel yung nangyari sa kanya.
Ngiti lang ang itinugon nito sa amin.
Ako nga iyon. At yung mga nangyari sa inyo, yun ang mga pagsubok na ibinigay ko kay Carlos at nalampasan niya lahat iyon.
“Sinong Carlos?” takang tanong ko. Hindi ko alam kung sa utak ko lang ba pumasok ang mga bagay na ito.
“Siya ang lolo ko,” si Richard ang sumagot sa tanong ko, “Ang galing noh, nakakausap niya tayo gamit lang ang isip. At lahat ng napagdaanan niyo, nabasa namin sa diary ni lolo.”
“Parang pang welcome lang ni Lola sa atin yon,” dagdag pa ni Mary, “at least, napaamin ang dapat umamin.”
Alam ko namang kami ang pinatatamaan niya. Bigla kong binawi ang kamay ko na hawak pa rin ni Miguel. Ngunit kinuha pa rin niya ang kamay ko.
“Pero bakit ngayon lang po kayo bumalik? I mean, bakit ngayon lang kayo nagpakita eh matagal na po kayong hinihintay ni lolo?” curius kong tanong.
 Bago pa man kayo pumunta sa lugar na ito ay nagkikita na kami. Nais niyang bigyan kayo ng hindi malilimutang bakasyon.
“Si lolo talaga, pasensiya na kayo guys ha,” nahihiyang sabi sa amin ni Richard.
“Okay lang yun Rich, sobrang unforgettable nga talaga ng bakasyon na ito,” si Junie.
“Ang mahalaga, kumpleto pa rin tayo,” dagdag ni Vangie.
“At naturuan ng leksiyon ang mga dapat turuan,” parinig na naman ni Mary.
“Daldal mo teh!” react ko sa sinabi niya.
“Ay tinamaan siya Ma,” tawanan ang lahat sa sinabi ni Marlon.
Hindi na namin napansin ang biglang pag-alis ni Lola.
-0-
Naghahanda na ang lahat sa pagbaba ng lapitan ako ni Miguel, “Jane, can we talk?”
“Okay,” sagot ko. Iniwan ko saglit ang mga nililigpit kong gamit sa kuwarto at sumama kay Miguel palabas ng kubo. Tumungo kami sa dalawang puno na may nagdudugtong na duyan. Umupo ako sa duyan at tumabi siya sa akin.
“Ano yon?” tanong ko although may idea naman na ako kung ano ang gusto niyang pag-usapan.
“About us. I know that you and Ken….” Napahinto siya sa pagsasalita at parang hindi na alam kung ano pa ang mga sasabihin.
“I love you,” deklarasyon ko sa kanya. Biglang namutla si Miguel sa naging deklarasyon ko. No reason to hide it anymore, better to say it now, kaysa mawalan pa ako ng pagkakataon. Our trip here teaches me a lot.
“Ji-Jane..” nauutal niyang bigkas sa pangalan ko. Gusto kong matawa sa shock na nakikita ko sa mukha niya pero I chose not to.
“But we have to make one step at a time. I need to talk to Ken and clear all things first with him. I hope you can wait.”
“Buong buhay ko, ikaw lang ang ginusto kong makasama Jane, more than seven  years na ang lumipas pero ikaw pa rin. To wait for more years is not a bad idea.”
“Salamat,” tangi ko nalang nasabi sa kanya.
“Thank you din for realizing na ako pa rin ang mahal mo.” Migz hugged me. And again sobrang higpit na naman.
“Hoy! Nilalanggam na kayo diyan! Ano? Diyan na lang kayo? Wala na kayong balak bumaba ng bundok? Dito na kayo titira at bubuo ng pamilya?” sermon sa amin ni Richard.
Natatawang sinundan na lang namin siya ni Miguel papunta sa kubo at itinuloy na ang pagliligpit ng mga gamit namin.

WAKAS. : ) 


No comments:

Post a Comment