Wednesday, February 24, 2016

Kanseladong Tadhana


Ni CieloAmethyst
Feb.23,2016

Lubos na umasa at matinding naniwala
Na ikaw na nga ang sa aki'y itinadhana
Ngunit nagkamali yata ng sapantaha
Sapagkat ikaw ngayon ay naglaho na.

Wala na nga ang naging masayang samahan
Napalitan ng masakit sa taingang katahimikan
Ang pagsuyo mo sa bawat araw na dumadaan
Ay hindi na naulit kahit pa kailan man.

Mga pangako ay tuluyan nang napako
Na hindi ka magbabago at hindi ka lalayo.
Nasaan na ang ubod ng ligayang Tayo?
Wala na nga ba talaga ito kasabay ng pagkawala mo?

Mukhang nagkamali na naman ako ng akala
Na ikaw na nga ang ibinigay ni Bathala
Para sana makapiling sa lungkot at saya,
Walang iwanan sa galak o pagdurusa.

Kung talagang hindi tayo ang itinadhana
Maaari bang hilingin ang pagkansela?
Mula sana mismo sa iyong sariling pagwiwika
Na hindi pala tayo ang nakatakda para sa isa't isa, na wakas na at paalam na.


ISANG TAON

Isang Taon
Ni CieloAmethyst
Feb.23,2016
(Isang espesyal na tula para isang espesyal na tao)


Kay bilis talaga ng panahon
Lumipas na pala ang isang taon
Mula nang piliin mo akong saktan
At kalaunan nga ay tuluyan nang iwan.

(Oo sobrang sakit niyon na para akong pinapatay nang dahan-dahan)


Pagmamahalan natin ay iyong itinapon
Binalewala ang mahaba nating kahapon.
Ang sabi mo ay hindi ka na masaya
At kalaunan inamin mong may mahal ka na ngang iba

(Ang puso ay parang pinipiga na tila walang makakatalo sa sakit na nadarama)

Sobrang sakit dinurog ang puso ko
Na nagmahal lamang ng tapat sa'yo
Hindi pala sapat ang inalay na pagmamahal
Hindi pala tayo tunay na magtatagal

(Umasang ikaw na ang nakatakda para makasama habambuhay ngunit hindi pala)

Umiyak, nagwala, tumawa, naglasing
Mga gabing walang tulog na mahimbing
Pati pagkain ay tinalikuran na rin
Wala nang ibang inisip kundi ikaw at ikaw pa rin.

(Sapagkat wagas kang minahal...)


Kinapitan ang Diyos upang muling makabangon
Pamilya at mga kaibigan ay tumulong sa pag-ahon.
Kalaunan ay muling naranasan ang sumaya
At muling natanaw ang isang buhay na maganda.

(Kaya ko palang lumigaya sa piling na wala ka.)


Inabala ang sarili sa maraming bagay
Mga magagandang lugar ay aking tinunghay.
Mga bagong tao ay dumating sa buhay
Tuluyan nang nakalimot sa mundong may madilim na kulay.

(Lumiwanag ang daigdig at tuluyang sumasaya sa paglipas ng mga araw.)

Salamat sa lahat ng alaalang masaya
Salamat sa mga aral na aking nakuha
Ang "Tayo" man ay nagwakas na nga
Sana ay manatiling masaya ang isa't isa.

(Maging ito man ay sa piling na ng iba.)

Sa loob ng isang taon na kay raming nangyari
Nasaktan, natuto, nadapa, tumayo at ngumiti
Wala na ang tayo at ang meron nalang ay ikaw at ako.
Masaya pa rin dahil sa mga buhay nating nagbago.

(Nagbago na nakabuti para sa atin pareho.)

Kung dati ay mahal na mahal kita nang higit pa sa sarili
Sa isang taon ay akin nang napanatili
Ang kaligayahan ay dapat munang madama
Sa ating mga puso bago ito tuluyang ipamahagi.

(Natutong sumaya nang hindi dumedepende sa iba.)

Hangad ko ang kaligayahan at kabutihan para sa'yo
Sana ay mahanap na ang tunay na nakatakda sa puso mo
Ang pagpapatawad ay ibinibigay na sa iyo.
Maraming salamat sa lahat dating Mahal Ko.

(Tayo nang umusad sa panibagong taon ng ating magkahiwalay ng mga buhay.)





Tuesday, February 23, 2016

Project Pearls ASP (Feb.21,2016)

Project Pearls

After School Program
At Helping Land

(Feb. 21, 2016)





“My message, especially to young people is to have courage to think differently, courage to invent, to travel the unexplored path, courage to discover the impossible and to conquer the problems and succeed. These are great qualities that they must work towards. This is my message to the young people.”
-A. P. J. Abdul Kalam


It was a film watching day at Helping Land!



The whole courtyard served as a movie theater. Kids attentively and quietly watched a movie through the set-up laptop and projector. The movie title was “The Good Dinosaur.” This story was about a young dinosaur named Arlo. He was the smallest member in his family that’s why he would always feel scared almost about everything. But through his different adventures and challenges encountered, he then became brave. A “huge” thanks also to his little friend, Spot.

After the film watching was evaluation and comprehension about the movie. Each volunteer handled at least five kids and talked with them about the said film. Then it was followed by recess.

Kyle “Kulas” Jennermann of BecomingFilipino also joined us for this day as he became one of the volunteers. As some of us may know, Kulas is a Canadian  youtube sensation as well as a very popular blogger. He became well known because of his on-line and documented journey on becoming or trying to be a Filipino.  He loves the Philippines so much that ever since he went here, he never stopped travelling and wandering around the country and promoting its beauty.



Thank you to our sponsors and ever dedicated volunteers. Doing small things can really make a big difference to the life of others and sometimes, these matter the most.



Support us at www.projectpearls.org (website)
https://www.facebook.com/ProjectPEARLS1 (facebook acoount)
@projectpearls (instagram account)


Nakabiting Tulay


ni CieloAmethyst
Feb.23,2016



May karapatan ba akong ma-miss ka gayong hindi naman tayo?
May karapatan ba akong magalit at magreklamo habang wala namang tayo?
Na ang meron lang ay ikaw at ako, magkahiwalay na salita  na parang sitwasyon natin ngayon.
Anong nangyari sa atin? Maari ko ba yang itanong?

Nawala na ang lahat ng masasayang kwentuhan at kulitan
Napalitan nalang ng mga nakabibinging katahimikan
Ang noon ay isang masayang samahan,
Ngayon ay tila milya-milya na ang pagitan.

Anong nangyari?

Ako ba ang may kasalanan ng lahat ng ito?
Pakisabi naman sana sa akin para alam ko.
Hindi yung para akong tanga na nakabitin sa kawalan
Nakalutang sa ere at hindi alam ang patutunguhan.

Pwede ko bang malaman ang sagot?

Tapos na ba ang lahat ng ito sa pagitan ng mo at ko?
Aalis o umalis ka na nga ba sa buhay ko?
Nagwakas na ba ang kabanata nating dalawa
At naguumpisa na ang bago sa piling ng iba?

Pakisabihan naman ako...

Huminto na nga bang talaga ang takbo ng pag-ibig
Sa pagitan ng ating pinag-isang daigdig?
Pero bakit wala ang salitang paalam?
Matuto ka naman sanang magsabi man lang...

Nang Mga salitang may kinalaman sa pagtatapos
Gaya ng wakas, Goodbye, O Adios!

Dapat ko na bang marinig ang mga iyan? Pakisabihan naman ako...

Saturday, February 20, 2016

“Belen”

 Maikling Kwento ni: CieloAmethyst

(photo credits to owner)



Mukha nalang ni Mama Mary, Joseph at Baby Jesus ang kulang sa ginagawang belen nila Popoy, Basha, Yna at Angelo. Mahirap kasi iyong gawin. Lalo pa at gawa sa bote ang mga tao na nasa loob ng belen. Proyekto nila iyon sa eskwelahan. Kinakailangan nilang gumawa ng isang belen na yari sa mga patapong bagay gaya ng bote, plastik, mga kahoy, tuyong dahon at iba pa. Ginagawa nila ang belen sa tapat ng bahay nila Basha.

“Yehey! Konti nalang matatapos na natin.” Masayang wika ni Basha na ang edad ay siyam na taong gulang. Silang apat ay halos magkakasing-edad lamang at nag-aaral sa malapit na paaralang elementarya sa kanilang barangay.

“Sinong mag-do-drowing ng mga mukha?” Tanong ni Yna sa kanilang lahat.
Itinuro ni Basha si Angelo. “Ikaw nalang. Magaling ka mag-drowing, hindi ba? Ang taas nga ng grades mo sa Arts eh.”

Ngunit tumanggi si Angelo. Mabilis itong umiling-iling. “Ayoko. Baka pangit ang kalabasan. Bumaba pa ang grades natin.”

“Hindi yan.” Pamimilit ni Basha. “Magaling ka kaya!”

Ngunit hindi nagpatinag si Angelo. Ayaw niya talagang iguhit ang mukha ng mga tao na kailangan sa belen.

“Paano na yan? Sino nalang mag-do-drowing?” Malungkot na tanong ni Yna sa mga kasama.

Inis na hinarap ni Basha si Popoy. “Bakit ba kasi ayaw mong mag-drowing? Mga mukha lang naman nila Jesus, Mama Mary at Joseph ang ido-drowing mo. Wala ka bang pamilya?”

Gulat siyang tinignan ng lahat. Lalo na si Popoy. Bakit nga ba niya nasabi iyon? Marahil ay nabigla lamang siya at dala na rin ng pagkainis kay Popoy. Nag-iinarte pa kasi ito.
Ang pagkagulat sa mukha ni Popoy ay napalitan ng lungkot. Mababakas sa mga mata nito ang tila pananabik sa binitiwang salita ni Basha.

Pamilya. 

Wala nga ba siyang pamilya? 

Maituturing na bang pamilya ang pagkakaroon ng isang nakakabatang kapatid na si Clark at ina? Silang tatlo lamang ang magkakasama sa bahay. Pamilya na ba ang tawag doon?

Binatukan ni Yna si Basha. “Grabe ka, Basha. Huwag ka ngang ganyan.”

“Aray naman! Bakit ka ba nambabatok?” Bulyaw naman ni Basha kay Yna habang kamot-kamot ang ulo.

“Tama na yan. Huwag na kayong mag-away. Tapusin na natin 'to.” Sita naman ni Angelo sa dalawang babae. Binaling ni Angelo ang tingin kay Popoy na napatungo. “Popoy, gawin mo na please.”

“Masaya ba ang magkaroon ng kumpletong pamilya?” Tanong ni Popoy sa lahat.

Si Basha ang unang sumagot. “Oo naman! Lalo na kapag Pasko.”

 “Ah.” Maikling tugon ni Popoy.

“Kuya!” Papalapit sa kanila ang tumatakbong si Clark.

“Bakit, Clark?” tanong ni Popoy sa nakababatang kapatid.

“May lalaki sa loob ng bahay at ang sabi ni nanay, siya daw ang tatay natin! Dumating na daw ang tatay natin, Kuya. May tatay na tayo.” Imporma ni Clark sa kanya.

Masaya si Popoy! Sa wakas, mararananan na niya ang magkaroon ng isang kumpletong pamilya.



WAKAS

Project Pearls ASP Feb. 14, 2016 (A Valentine's Special)

Project Pearls
After School Program at Helping Land
February 14, 2016



“The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the heart.” – Hellen Keller

Happy Valentine’s Day!

In line with this celebration, students’ task for this day was to create a valentines card intended for kids also who are patients at Philippine General Hospital.
But before that, a story telling activity was led first by Teacher Jedda. The story is entitled, “Ang Pambihirang Buhok ni Raquel.” The kids attentively listened to her.
The story was about two girls who were cousins. They were Ana and Raquel. Ana was very jealous of Raquel who has a wonderful hair, fair skin, sweet smell and pretty face. Later on, Ana realized that she is luckier than Raquel because she has no any illness unlike her cousin.

After the story telling was the valentine’s card making activity and volunteers assisted the kids in creating those. They must construct a card that has a message for patients wishing them to get well soon.



Recess time was then followed.



Thank you to our sponsors and dedicated volunteers who chose to spend their Valentine’s Day at Helping Land.



I even received love letters from my students and it melted my heart so much. 







After the activity at Helping Land, we then proceed to our afternoon activity which will be held at Philippine General Hospital. 
We took our lunch first then we did the repacking of goods, scanning of valentines cards and blowing up of balloons for the patients. 




Project Pearls
After School Program at Philippine General Hospital
February 14, 2016


“Love surrounds us like light. We are warmed by the charm of our devotion.” –Unknown



Celebrating Valentine’s Day with a little difference but has a big impact on the life of others.
Volunteers packed some goodies and have blown colorful balloons for the kids who are currently patients at Philippine General Hospital.  Valentine’s cards that were created by Helping Land kids were also distributed for them. Volunteers visited three pediatric wards to give these simple gifts and wishing them to get better as well.

Celebrating Valentine's Day #theprojectpearlsway at Pediatric Ward 6! :)




Thank you to Ms. Annie for the assistance, Tondo kids for the hand-made valentine’s cards and volunteers for the dedication and giving some time of this special day for the patients at PGH.
Let us all continue to spread the love not just for this day but every day!  

 Happy Valentine's Day everyone! 




ASP Jan. 17, 2016

Project Pearls
After School Program
January 17, 2016
Helping Land, Tondo


For this day, I was the official photographer and I had so much fun! :)





After School Program goes innovative!


For this day we had a two short film watching for the kids. The first flick was entitled “One More Page”. This was about a girl who reads books. Through her imagination, she has gone through different places and adventures.

The second flick was “Soar”. The story was about a girl who created a toy airplane. She tried to make it fly but she failed not until the third time. The movie shows that we shouldn’t give up in aiming our goals/dreams.



Children watched attentively and quietly the whole time. They all really behaved well.
After that activity, kids’ task for this day was to create a paper plane. Inside the plane, they must write their names, their dreams and what they can do to achieve those dreams.



When they already produced the paper planes with the assistance of volunteer-teachers, the kids simultaneously made it fly!



Thank you to our sponsor for the foods during kids’ recess.
And thank you also volunteer-teachers!

Please do support Project Pearls. 

www.projectpearls.org
https://www.facebook.com/ProjectPEARLS1/






ASP Jan. 10, 2016

Project Pearls
After School Program
January 10, 2016



Happy New Year!

This day was the resume of After School Program for this year.

The first activity was storytelling for the kids and it was conducted by Teacher Aman.  After that, kids’ task was to write or draw on a paper the things that they are thankful for the year 2015.  And then at the back of the paper, they must also write or draw their goal/s for this year (2016). Volunteer-teachers assisted them and were assigned to handle at least ten kids.

After that was recess.  Volunteer-teacher Hilary Diaz and her friends even gave the kids a pack of chocolates to take away with them.   Thank you!

We also distributed some gifts for the kids such as school supplies and academic books.



ASP Dec. 5, 2015


Project Pearls
Tondo, Manila
Dec. 5, 2015


Celebrating Christmas Party at Project Pearls the different way...


Thank you to LBC Foundation for making 1500 kids of Tondo, Manila happy. They distributed toys and books for these less fortunate kids.



www.projectpearls.org

ASP Dec. 13, 2015

After School Program
Helping Land, Tondo Manila
Dec. 13, 2015




This was my very first time to lead a Sunday activity for Project Pearls and it was a mixed emotion for me. 

I may say that the struggle is real! Because I was a bit nervous and I am not sure if I can handle the whole activity well. 

Thank you to volunteers who helped me. 

This was the write-up at the FB page of Project Pearls last Dec. 13, 2015:

Thank you also to Kat for the photos.






 “Christmas, my child, is love in action. Every time we love, every time we give, it's Christmas.” –Dale Evans Rogers





Each volunteer-teacher was assigned to handle at least ten kids and they must assist them with their activity.  Today’s task for the kids was to create a Christmas card to anyone that they wanted to give it to. Some of the students chose to dedicate their cards to their parents, teachers and even to Jesus.
After they were done, together with the volunteer-teachers, they went to the center for the class picture.
Then after that was recess.
We would like to thank Miss Hope Vega and friends for providing the food for today’s after school program.
Thank you also to Marae Pedroso and family for giving a pack of chocolates and candies as a take home for the kids.

Thank you so much sponsors and volunteers. Have a very blessed Christmas!


www.projectpearls.org - Website
https://www.facebook.com/ProjectPEARLS1 - FB page




Hindi Ako Sigurado


(Tulang isinulat ni CieloAmethyst)


Sa pagmamahal ko sa’yo ay ibinuhos ko ang lahat,
Walang itinira sa sarili at naging tapat.
Sa iyo pinaikot ang buong mundo ko,
kahit pa nga sa pagmamahal mo ay hindi ako sigurado.

Sa pag-ibig mo na parang kay labo,
tinalo pa ang malamig na tubig sa poso.
Walang pag-aalinlangan na ikaw ay minahal ko,
lugi man ay walang-wala ang paki ko.

Ganun naman talaga ang pagmamahal, hindi ba?
Walang hihingiing kapalit basta masaya ka.
Ang iyong mga ngiti ang bumubuhay sa aking dugo,
Ang iyong presensya, sa aking mismong buhay ang siyang pumupuno.

Minahal kita, mahal kita, minamahal at mamahalin pa,
Ikaw at ikaw lang wala nang iba pa.
Mga pagkakataon na tayo’y magkasama,
ang turing doon ay paraiso sa lupa.

Hindi man ako sigurado sa tunay na nilalaman,
ng iyong abang puso na ikaw lamang ang may alam,
Magpakailanman ay patuloy kitang iibigin.
Manalo man o matalo sa laban na ang tawag ay pag-ibig. 
Sigurado naman akong ikaw ang aking daigdig.



Mahalin Mo Na Ako

Isinulat ni: CieloAmethyst

Disclaimer: Muli, ito ay isinulat para sa isang patimpalak na sinalihan ko noong nakaraang Pasko. :)


Ano nga ba ang gagawin?
Upang iyo ay ibigin na rin
Nasa'yo na ang puso ko
Sana'y mahalin mo na ako.


Patuloy na aasa
Hanggang maging handa ka na
Na mahalin ang tulad ko
Puso ko'y maghihintay sa’yo.


Pasko na aking Mahal
Tanging hiling sa Maykapal
Puso nati'y maging isa
Sana ay maging akin ka na.


Tula Ng Pasko Para Sa Dating Pag-ibig

Isinulat ni: CieloAmethyst

Disclaimer: Ginawa ko ang tulang ito para sa isang patimpalak na sinalihan noong nakaraang pasko. :)




Ito na nga ang unang pasko
Na hindi na tayo magkapiling
Kaya naman para sa iyo
Itong nilikhang sulatin.

Hinihiling na sana'y masaya
Ang iyong buhay sa ngayon
"Tayo" man ay wala na
Tulad ng isang "kahapon"

Maligayang Pasko para sa iyo
Na naging parte ng buhay ko.
Pairalin natin ang Pag-ibig sa Diyos
Upang bagong pag-iibigan
Ay hindi rin matapos.

Salamat sa maagang regalo
Iyon ay ang mga aral na natamo.
Sa pagmamahal pala'y marami...
Tayong nagagawa at nagagapi.

Dasal sa Itaas na kapwa natin madama
Ang pagmamahal Niya.
Siya na isinilang sa sabsaban
Pasko na Siya'ng pinagmulan.



Para Sa’yo Ang Salitang Salamat


Tulang isinulat ni: CieloAmethyst


Salamat sa pagdating sa'king buhay.
At sa matagal na pananatili na rin.
Sa walang sawa mong paghihintay,
Ng tamang panahon at sa akin.


Bawat gawin mo ay lubos na pinahahalagahan,
Maliliit na bagay ay labis kong napapansin.
Sa pagtitiyaga sa'king mga kabaliwan,
Sa pagkunsinti at pang-unawa mo sa akin.

Salamat...

Saan man tayo dalhin ng tadhana,
Pangako ay hindi magbabago ating naging samahan.
Ikaw at ako ay hindi man itinakda,
Tutuparin pa rin ang ating napagkasunduan.
Na walang iwanan kailanman...


Maraming maraming salamat sa lahat.