Blooming
(Season
2 - Joann and Ramil)
A
third year high school-Math genius student. That’s Joann.
Sa
kabila ng pagiging matalino, she’s rebellious, gala, pasaway, matigas ang ulo.
But she was tamed by him. And soon they became more than friends. Pero dahil sa
pa-epal na Uncle ni Ramil, they can’t be together.
Maybe
she’s good in lying para maitago ang tunay na nararamdaman pero sa huli ay nabubuko pa rin siya. To run away is all that she can do para
malayo na ng tuluyan sa taong minamahal. Ang tanong, hanggang kailan kaya siya tatakbo?
Hindi ba siya napapagod?
Chapter 1 –
Fort
Bonifacio High School, Third year, section Andradite
“Pasaway ka talaga! Hindi ka na
naman gumawa ng assignment mo!” sita ni Lian sa kaklase at kaibigan nitong si
Joann.
“Nakakatamad naman kasi! Tsaka
galing akong mall kahapon. May eyeball yung text clan ko.” Pagdadahilan niya.
“Hay nako, Lian. Maha-high blood ka
lang diyan.” Sabat ni Liezl.
“Alam ko naman na yan.” Katwiran pa
ni Joann. “Pasaway naman kasi yung mga teacher natin. Para
tayong ginagawang elementary. Ni-lesson na natin kahapon tapos yung assignment
tungkol pa din doon! Nakaka-urat kaya!”
“Alam din namin na matalino ka.
Pero tumambay ka naman sa bahay ninyo pa minsan minsan. Ayan na lang kunwari
ang pagkaabalahan mo. Edi sana
natuwa pa sa’yo si Tita Brenda. Tsaka yang eyeliner mo, bawasan mo naman!”
Sermon pa din ni Lian sa kanya. Ang tinutukoy nitong Tita Brenda ay ang ina ni
Joann.
“Sshhhhh… Don’t say bad words.”
Sagot niya rito. “Puro sermon na nga sa bahay. Pati ba naman dito?” Kinuha nito
ang eyeliner sa bag at dinagdagan pa ang nasa mga mata na. She hates rules.
Kung ano ang ipinapagawa sa kanya ng tao, kabaliktaran nito ang ginagawa niya.
Napakamot nalang sa noo si Lian.
“Bahala ka na nga. Kaya mo namang ipasa yang mga grades mo eh. Pasang-awa.”
“Tamaaahhh!” sagot niya rito.
Pumasok na ng classroom ang class
adviser nila na si Mr. Belicano at may kasunod itong isang lalaki na naka
uniform.
Siya kaagad ang napuna ni Mr. Belicano na busy
pa rin sa paglalagay ng eyeliner sa mga mata. “Marasigan! Stop what you’re
doing. Mukha ka ng kulto!” sita nito sa kanya.
“Kulto kaagad? Hindi ba pwedeng
rakista muna?” lip synch niya. She hid her eyeliner. Kailangan niyang sumunod
baka ma-Guidance na naman siya.
“Class, this is Ramil Belicano, my
nephew. He came from Masbate and he will be
your new classmate.” Pakilala nito sa lalaking kasama. “Upo ka na doon sa
likod.” Utos nito rito.
“Astig.” Komento ni Joann pagdaan
ni Ramil sa gilid niya.
-00-
Pauwi na sana siya ng araw na iyon
este papunta pala sa bahay ng barkada niya.
“Ano ba?! Bitawan mo nga ako!”
pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak sa kanya ni Ramil. Pero masyado itong
malakas.
“Sasama ka sa akin!” Ramil
insisted.
“Ayoko! Uuwi na ko!” sigaw naman
niya rito.
Kumunot ang noo ni Ramil. Halatang
hindi siya convinced, “Ikaw? Uuwi? Parang imposible naman yata yun.”
“Ano bang pakelam mo! Magulang ko
nga di ko sinusunod eh. Ikaw pa kaya na hindi ko naman kaanu-ano!”
“Basta. Sasama ka sa akin.”
Masyado itong malakas kaya kahit
anong palag ang gawin niya ay hindi siya makawala sa pagkakahawak nito sa
kanya.
Ang destinasyon nila ay sa library.
At allergic siya sa lugar na iyon.
Pabalibag siyang umupo sa isang
upuan na nandodoon kaya’t napatingin sa kanila ang librarian.
“Ano ka ba? Huwag ka ngang ganyan!”
mahinang sita sa kanya ni Ramil.
“Eh wala nga akong gagawin dito!”
“Meron. Yung assignment natin sa
geometry. Turuan mo ko. Medyo mahina ako sa Math eh.”
“Kelan pa ako naging tutor mo?”
“Mula ngayon.”
“Ayoko.”
“Wala kang choice.”
“Panong wala?”
“Pag di mo ko tinulungan. Lalong
hindi kita titigilan. At mas lalo kitang kukulitin.”
She really had no choice. Susundan
at susundan siya nito saan man siya magpunta. Kahit anong pagtataboy ang ginawa
niya rito ay hindi na siya nito tinantanan. Kaya ang ending, lagi itong
nakabuntot sa kanya, saan man siya magpunta. She tried to hide pero wa epek.
Masyadong mabilis ang mga mata nito at masyado ring malakas ang katawan nito.
Wala siyang laban sa payat niyang katawan. Siguro ay batak ito sa trabahong
bukid. Hindi siya makapalag eh.
“Oo na!” Napalakas ang boses niya
dahilan para lumapit sa kanila ang masungit nilang librarian.
“Sorry ma’am.” Inunahan na ni Ramil
magsalita si Ms. Casimsim. “Dali na, ituro mo na sa akin kung paano makuha ang
slope nito.”
So she taught him.
“Ang galing mo talaga sa Math.”
Puri sa kanya ni Ramil.
Kinibit niya lang ang mga balikat.
“Pwede na ba akong umalis?”
“Okay, ingat ka.”
Nagtaka siya. Ang inaasahan niya ay
pipigilan siya nito o di kaya naman ay bubuntot sa kanya. Titigil lamang ito
kapag nakita nitong sa bahay niya talaga siya uuwi.
She didn’t bother to say again
anything. Baka magbago pa ang ihip ng hangin at sumunod na naman ito sa kanya.
“Wait.” Naman! Sabi na niya eh.
“Ano na naman? Tinuruan na kita ah!”
reklamo niya sa pagsunod nito sa kanya. Nasa labas na siya ng library nang muli
siyang tawagin ni Ramil. Dala na rin nito ang sariling mga gamit.
“Hatid na pala kita. Nakakahiya
naman. Tinuruan mo ako eh.”
“Hindi na kailangan. Tsaka may
pupuntahan pa ako.” Kontra niya.
“Edi samahan na kita.” Ang kulit
talaga! Ilang beses kaya pinanganak ito? Sa loob loob niya.
“Pwede ba?! Tigilan mo na ako.
Hindi kita boyfriend para maging chaperone ko araw-araw!”
“Kung hindi ka pa uuwi, hindi kita
titigilan.”
“Ang kulit mo, Belicano!”
“Ikaw naman kasi ang tigas ng ulo
mo. Kababae mong tao, napakalagalag mo.”
“Wala kang pakialam!”
“Meron.”
Tumigil siya sa paglalakad at
humarap dito. “Bahala ka sa buhay mo! Magsawa ka kakabuntot sa akin.”
“Oh sige, ganito na lang. Para hindi na ko bubuntot sa’yo. Bigyan mo nalang ako ng
isang oras araw-araw. Sa library o di kaya sa park. Kahit saan basta isang
oras.”
Nag abrisyete siya at tinaasan ito
ng kaliwang kilay, “At sino ka para bigyan ako ng kondisyon at para bigyan ko
ng isang oras araw-araw?”
“Ako si Ramil Belicano. Ayaw mo
nun, isang oras nalang after class mo ako makakasama. Promise, hindi na talaga
ako susunod sa’yo. Bahala ka na kung saan mo man gustong pumunta after natin
magkasama.”
Hay! This man is really impossible.
Mas magulo pa ito sa lahat ng formula na na-encounter niya at nagawang
ma-i-solve.
“Pag-iisipan ko.”
Chapter 2 –
Masyadong persistent si Ramil. Kaya
eto’t after class ay isang oras silang magkasama. Benefit na rin niya iyon kung
tutuusin dahil hindi na nga siya nito binubuntutan.
“Bakit ka ba nagrerebelde?” minsang
tanong nito sa kanya. Kasalukuyan silang nakaupo sa stadium ng school nila.
Pinapalipas ang isang oras.
“Sikretong malupit.” Sagot niya.
Wala siyang balak i-share dito ang mga pinagdadaanan niya sa buhay.
“Buti nalang kinuha ako ni Uncle
para pag-aralin. At least may pag-asa na kami na medyo umunlad kapag nakatapos
ako ng college.” Si Ramil nalang ang nagkuwento.
“So?” Hindi siya interesado pero
sige may mapag-usapan lang silang iba ay okay na. Kesa naman personal niyang
buhay ang usisain pa nito. “Anong balak mo?”
“Sisikaping makatapos. Then bibili
ako ng bahay pati yung lupang sinasaka ni Tatay sa Masbate ,
bibilhin ko rin iyon. Mahirap kasi kapag hindi sa’yo ang lupang sinasaka mo.
Maliit na porsiyento lang ang nakukuha namin.”
Buti pa ito, may maliwanag ng
direksiyon ang buhay. Siya kaya? Ano nga bang plano niya sa buhay niya? “Ako, simple lang
ang plano ko. Ang
makilala ang tatay ko.” Huli na ng marealize niyang nakapag-open na pala siya
rito ng pinakatatago-tago niyang malupit na sikreto.
“So, yun pala ang reason kung bakit
ka nagrerebelde. Edi tanungin mo sa nanay mo.” React ni Ramil.
“As if naman aamin yon. Bata pa
lang ako, tinatanong ko na siya. Laging ewan ang sagot niya. Minsan naman kapag
napipika na siya sa katatanong ko ang sinasabi niya patay na daw. Wala akong
nakukuhang matinong sagot dun.” Hinaing niya.
“Pero hindi naman sapat na dahilan
iyon eh para sirain mo ang buhay mo.”
“Hindi ko naman sinisira, nagpapapansin
lang ako. Dadalawa na nga lang kami sa bahay, binabalewala pa niya ako. Tapos
ayaw pa niyang makilala ko ang tatay ko.” Pagdadahilan niya. Oo aaminin niya,
KSP siya. As in, kulang sa pansin. Masyadong busy ang mommy niya para bigyan pa
siya nito ng atensiyon. Plus the fact na ayaw nitong makilala niya ang sariling
ama sa hindi niya malamang dahilan.
Tumango tango si Ramil. “At least
mas naiintindihan na kita ngayon kung bakit ganyan ka.”
Inirapan niya ang kausap. “Hindi mo
ko kailangang intindihin. Una na ako.”
Pinigilan siya ni Ramil, “Hep!”
hawak nito ang kamay niya.
Dahilan para medyo makuryente siya. Para siyang na high voltage sa paraan ng pagkakahawak
nito sa kanya ngayon.
Agad siyang bumitiw pero hindi ito
hinayaang mangyari ni Ramil. “Wala pang isang oras.” Paalala nito sa kanya.
Muli siyang umupo. “Sabi ko nga.”
Pero maya-maya ay tumayo ulit siya at muli siyang pinigilan ni Ramil. “Ang
boring naman kasi!” Iritable niyang sagot.
Hinila na siya ni Ramil pababa ng
stadium.
“San tayo pupunta?” Tanong niya
rito.
“Canteen. Tara
ice cream tayo.”
Napangiti siya. Gusto niya ang ideyang
iyon. Malapit na ang summer kaya medyo mainit na ang panahon.
-00-
School
Chapel
“Uwi ka na.” Pagtataboy sa kanya ni
Ramil.
“Ayoko. Kailangan mo ng kausap eh.”
Kontra ni Joann dito. “Anong nangyari?” Pang-uusisa niya. Magmula kasi ng
kausapin ito ni Mr. Belicano ay natahimik na ito.
Hindi sumagot si Ramil.
Nagulat siya ng bigla na lamang
siya nitong yakapin. “Pahingi nalang ng yakap. Okay na ko.”
Napangiti nalang siya. Somehow she
felt at ease dahil may naibigay siyang tulong sa kanyang kapwa. “Makakatanggi
pa ba ako eh yakap mo na ako.”
After
48 years…Joke lang. J
“Salamat.” Binasag ni Ramil ang namuong
katahimikan sa loob ng chapel na iyon na sila lang ang tao.
“Wala naman akong ginawa.”
“Meron. Sinamahan mo ko.”
“Oh, eh di sige, welcome.” Sagot niya.
Napangiti na si Ramil at ikinatuwa
naman deep inside ni Joann. “Baka gusto mo ng magkuwento?”
“Si Uncle kasi. Ayaw niyang maging
magkaibigan tayo.”
OA
naman ng bading na yon! Sa loob loob ni Joann. “Bakit daw?”
“Eh kasi nga, rebelde ka di ba?
Baka gumaya daw ako sa’yo. Kawawa naman daw ang mga magulang ko. Ako nalang ang
inaasahan nila.”
”So, ang gusto niyang mangyari layuan kita dahil B.I. (bad influence) ako sa’yo?”
”So, ang gusto niyang mangyari layuan kita dahil B.I. (bad influence) ako sa’yo?”
Malungkot na tumango si Ramil.
“Ikaw naman kasi eh! Lapit ka ng
lapit sa akin! Para kang aso, buntot ng
buntot.” Nasanay na tuloy ako.
“Masaya
ako kapag kasama kita.” Ramil confessed. “Kahit na pasaway ka, gusto kong lagi
nasa tabi mo.”
Natuwa naman siya sa narinig. “Pero
yung tito mo hindi.” First day pa lang ng pasukan ay ramdam na niya ang
pagkadisgusto sa kanya ng kanilang class adviser. “Allergic sa akin yon eh!”
Madalas siya nitong mapuna the way
she looks and the way she acts inside her classroom.
“Ah basta! Wala akong balak na
layuan ka.” He finally decided.
“Eh paano na yun kapag hindi ka na
niya pag-aralin?”
“Actually, sinabi din niya yan. Una
pa lang yan na ang hiningi niyang kondisyon sa akin. Na susundin ko lahat ng
ipinag-uutos niya.”
“Kailangan na talaga nating
mag-iwasan. Para sa future mo.” Nalungkot siya sa mga sinabi niya mismo. Parang
ang hirap mag- adjust. Lalo pa’t nasanay na siya na ito ang lagi niyang kasama.
“Magsa-summer break naman na. Pagdating ng 4th year natin, tanggalin
na natin ang 1 hour rule.” Malungkot siya sa sariling suggestion.
Nanatiling tahimik si Ramil.
“Ram….”
“Hmmm?”
“Sorry ha. Dahil sa akin. Nagulo
ang mundo mo. Dapat kasi talaga hindi ka na nakipagkaibigan sa akin eh.”
00-00
Umuwi muna ng Masbate si Ramil to
spend their summer break there. Si Joann naman ay sa Cavite nagbakasyon. Sa hometown ng mommy
niya.
Two months has passed na wala
silang naging communication. Para kay Joann,
mabuti na rin iyon na masanay siyang wala ito sa tabi niya. Praktisan kumbaga.
Ramil changed her a lot. Mula sa
pagiging rebelde, mabarkada at pagiging gala ay nagtino siya. Hindi na rin sila
madalas magkasagutan ng kanyang ina. Malaki ang naitulong ni Ramil sa pagbabago
niya. He changed her outlook in life. Ngayon nga ay may direksiyon na ang buhay
niya. Malinaw na sa kanya ang gusto niyang mangyari para sa future niya. She
wants to be a manager someday.
But above all her dreams, una pa
rin sa listahan niya na makilala na niya ang tatay niya.
Chapter 3 –
Senior
Year. First day of class.
“Joann, sandali!” habol sa kanya ni
Ramil. Nagmamadali siyang lumabas ng school ground para hindi na ito magkaroon
pa ng chance na makausap siya.
Kanina kasi sa classroom ay hindi
na niya pinapansin ito. Sinubukan siya nitong kausapin pero dinedma niya lang
ito. Mahirap iyon para sa kanya pero kailangan niyang gawin iyon. She badly
needs to avoid him. Para sa future nito.
“Uuwi na ko! Hinihintay na ako ni
mommy, may pupuntahan pa kami,” imporma niya rito ngunit tuloy pa rin siya sa
paglalakad.
“Hatid na kita.”
“Hindi na. Kaya ko mag-isa. Diyan
lang ang bahay ko. Hindi mo na ako kailangang ihatid.” Tanggi niya. Walking
distanced lang naman talaga ang bahay nito mula sa eskwelahan nila.
“Kahit na.” Mapilit pa rin si
Ramil. Kaya ang ending, para na naman itong aso na nakabuntot sa kanya.
Tumigil siya sa paglalakad at
hinarap ito. “Stay away from me!” Ayaw niyang singhalan ito pero ito lang ang
naiisip niyang paraan para lubayan na siya nito. Sana . Pero sana
huwag. Ang gulo niya lang ‘di ba?
“Namiss kita.” Mapait siyang
nginitian ni Ramil.
Ako
din naman eh. Piping sagot niya. “Pero, Ram. Huwag mo ng pahirapan ang
sitwasyon natin. Mag-iwasan nalang tayo.”
“Kinausap ko na si uncle. Ang sabi
ko sa kanya, magkaibigan lang tayo at tsaka nagbago ka na. Pumayag siya pero
hanggang sa pagiging magkaklase’t magkaibigan lang daw dapat tayo.” Masayang
pagbabalita nito sa kanya.
She’s happy to hear that. Pero
parang hindi pa din. Hanggang
magkaklase’t magkaibigan lang . Meaning hindi sila pwedeng mag level up. Ang
saklap naman ng first heartache niya.
Yeah, heartache it is. Gusto na
niya si Ramil ng higit pa sa isang kaibigan pero kailangan niyang pigilin ang
nararamdaman.
“Okay.” Masaya ngunit malungkot
niyang pagtugon dito. “Pasok na ko sa loob. Ingat ka sa pag-uwi.”
-00-
“Uy si Joann haba ng hair!”
pang-aasar sa kanya ni Liezl. Binigyan kasi siya ni Anthony ng isang cute na
teddy bear. Manliligaw niya ito mula ng pumasok siya sa Math Org. ng eskwelahan
nila. Isa si Anthony sa mga una niyang naging close sa Org. na sinalihan. Sinabihan
na niyang tumigil ito sa panliligaw sa kanya dahil nga sa may iba ng laman ang
puso niya ngunit hindi pa rin ito nagpatinag. Kaya eto’t masugid pa rin siyang
sinusuyo.
Nilaro-laro niya ang teddy bear.
Weakness niya ito. Pagpasok mo sa kanyang kuwarto ay isang cabinet na
naglalaman ng iba’t ibang teddy bears ang bubungad sa’yo. “Ang cute ‘no?” wika
niya sa mga kasama.
“Pero mas cute si Anthony! Sagutin
mo na ‘te! Bagay kayo. Parehong math genius. Maganda ka at guwapo siya. So gora
na! Oo na kagad!” sulsol ni Violet sa kanya.
“Agad- agad?!” tinignan niya pa ng
masama si Violet. Wala naman talaga siyang balak na sagutin ito. Hanggang
kaibigan lang ang maiooffer niya para sa ka-org.
Binulungan siya ni Lian, “Te Jo,
tignan mo si Kuya Ram, ang sama ng mukha.”
Pero hindi siya lumingon upang
silayan ang guwapo at maamong mukha ng kaibigan. “Eh ano naman? Hayaan mo
siya.” Sagot niya kay Lian.
“Baka nagseselos? Uyyyy!....”
pang-iintriga pa rin nito sa kanya.
“Tumigil ka Lian Grace ah! Sasapakin
na kita.”
“Eh kasi naman! Ang dami niyong
alam. May pa -“friends friends lang kami”pa
kayong nalalaman. Masyado ninyong pinahihirapan ang mga sarili niyo dahil lang
sa dati nating baklang teacher.” Pambubunganga ni Lian. “Pag-untugin ko kayo eh
nang magising kayo sa katotohanan.”
Isang nakakamatay na irap lang ang
pinakawalan ni Joann.
“Hay nako, Kuya Ram! Kung ako
sa’yo, kesa ma-badtrip ka diyan. Ligawan mo nalang! Baka maunahan ka pa ng iba.”
sigaw pa ni Lian sa nananahimik na si Ramil.
“Alam mo isang letter pa ang
lumabas diyan sa bibig mo, susungalngalin na kita.” Banta ni Joann dito.
Sasagot pa sana ulit si Lian ngunit tinakpan na ng
bestfriend nitong si Rex ang bibig niya. “Jo at Ram, pasensiya na kayo kay
Lian. Hindi ko kasi nadala yung gamot niya.” Paghingi nito ng paumanhin sa
dalawa. Pagkatapos ay binalingan ni Rex ang bestfriend niya, “Ikaw naman, tama
na yan! Yung bibig mo, sumosobra na.”
Hindi na muling nagsalita pa si
Lian. Dumating na rin kasi ang Physics teacher nila dahilan para matigil na ang
ingay nila.
-00-
Niyaya ni Anthony si Joann na mag-mall pagdating ng
araw ng Sabado. Pinaunlakan naman niya ito dahil may bibilhin din naman siya sa
Bookstore.
San
ka? Text sa kanya ni Ramil.
Market
market. Sagot naman niya dito.
Cno
ksma mo? Muli nitong tanong.
Anthony.
Bakit?
Ha? Anong bakit? Anong problema
nun? Nagtatakang tanong niya sa sarili.
Hindi na siya nagreply pa dito.
Pero kahit si Anthony ang kasama niya, okupado naman ni Ramil ang utak niya.
Napapitlag siya ng biglang magvibrate
ang telepono niya na nasa bulsa niya. “Hello.”
“Anong ginagawa niyo diyan? Tsaka
bakit siya ang kasama mo? Kayong dalawa lang?” sunod-sunod na tanong ni Ramil
sa kanya.
“Teka! Isa-isa lang ang tanong. Tsaka bakit ba
tanong ka ng tanong? Boyfriend ba kita?” pagtataray niya sa kausap sa kabilang
linya.
Natahimik naman si Ramil.
“Ibababa ko na ‘to. May pupuntahan
pa kami.” Paalam niya sa kausap. Ngayon pa lang kasi sila pupunta ng bookstore
para bumili ng librong gusto niya.
“Papunta na ako diyan.” Imporma ni
Ramil.
“Ano?!” tila shocked na reaction
naman ni Joan. Teka, bakit ba siya nag react ng ganon? Ano naman kung pumunta
si Ramil dito? Masyadong malaki ang mall para sa kanilang dalawa. Isa pa, hindi
naman niya pag-aari ito kaya kahit sino ay pwede namang pumunta rito. “Bahala
ka. Edi pumunta ka.” Ini-off na niya ang cellphone niya.
“Tara sa bookstore.” Yaya niya kay
Anthony.
“Eh dun naman talaga ang punta
natin di ba?”
Oo nga naman. “Sabi ko nga.”
-00-
Naaasiwa si Joann dahil pakiramdam
niya ay may isang tao na kanina pa siya tinitignan. Paglingon niya sa gawing
kanan. Hindi nga siya nagkamali, matamang nakamasid sa kanya si Ramil habang
busy siya sa paglalaro ng Deal or No Deal sa Timezone.
Lumapit ito sa kanya.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong
niya ng makalapit ito sa kanya.
“Sinusundo ka.”
“At bakit? Boyfriend ba kita?” ”
with matching taas ng kilay niyang tanong ulit dito.
“Oo!” walang atubiling sagot naman
ni Ramil sa kanya. “Kaya tara na!”
Tumingin siya sa direksiyon ni
Anthony na nakapila pa sa counter para magpadagdag ng load sa card.
Hindi niya magawang tumanggi ng
hilahin na siya ni Ramil palabas ng Timezone. Hindi na rin siya nakapagpaalam
pa kay Anthony. Itetext na lang niya ito.
Chapter 5 –
Medyo madilim na ng makarating sila
sa park malapit sa eskwelahan nila. Ito rin ang madalas tambayan nilang
magbabarkada.
Nagkaroon siya ng instant boyfriend
sa katauhan ni Ramil. Why o why?
“Ano bang problema mo?!” pinilit
niyang kunin ang sariling kamay mula kay Ramil ngunit hindi ito pumayag na
mangyari iyon.
“Ikaw ang problema ko pati ito.” Turo ni Ramil
ang sariling dibdib. “Nasasaktan ako kapag magkasama kayo ni Anthony. Kung
pwede nga lang akong sumali sa org.niyo ginawa ko na eh. Nagseselos ako sa mga
lalaking kinakausap mo. Kahit kay Rex na madalas mong makakuwentuhan,
nagseselos din ako.”
“Bakit nga? Bakit ka nagseselos? At
bakit mo sinabing boyfriend kita? Hanggang magkaibigan lang dapat tayo di ba?”
naguguluhan pa rin niyang tanong dito.
“I love you.” Ramil confessed.
Natuwa siya sa narinig. Sana nga lang ay totoo
ito. Ibig sabihin pareho lang pala sila ng nararamdaman. Yun nga lang, hadlang
ang pagkakataon sa kanila. “Pero hindi pwede.” What she means is hindi pa
pwede. Bata pa sila at may mga kanya kanyang pangarap na dapat pang unahin at tuparin.
Idagdag pa ang kontrabida sa buhay nilang uncle nito.
“Mga bata pa tayo,Ram.”
“Wala namang pinipiling edad ang
pag-ibig ‘di ba?”
“Andun na ‘ko. Pero paano ang uncle
mo? Paano na ang pag-aaral mo? Paano magiging tayo? Di ba hanggang friendzone
lang tayo?” Siya naman ngayon ang maraming tanong dito.
“Huwag nalang muna natin sabihin sa
iba.” Suggestion ni Ramil.
“Walang lihim na hindi nabubunyag,
Ram. Tandaan mo ‘yan.” Paalala niya rito.
“Ang dami mo pang sinasabi. Ikaw?
Mahal mo ba ako ng higit pa sa isang kaibigan?” hindi na natapos ang tanungan
nila.
“Pag sinabi kong hindi, maniniwala
ka ba?” nagtanong na naman siya.
“Hindi.”
“Edi oo!” natatawa niyang sagot
dito.
“So tayo na ha?”isa pang tanong
mula kay Ramil.
“Kanina pa lang sa mall, sinabi mo
ng boyfriend kita.” Muli niyang paalala rito.
Kinuha ni Ramil
ang mga kamay ni Joann, “Gusto ko ako lang ang hahawak dito.”
“Oo naman.
Sa’yong sa’yo yan. Pati puso ko sa’yo naman talaga eh.” Masaya niyang pag-amin
sa totoong nararamdaman.
“Huwag ka ng
sasamang lumabas sa ibang lalaki ah.” Pakiusap sa kanya ni Ramil.
“Malamang! May
boyfriend na ako eh!”
At masaya silang
umuwi sa kani-kanilang mga tahanan.
Secret
On. Matagalan kaya nila ang ganitong set-up? Sana nga.
00-00
Their Secret Relationship went on
smoothly for the last three months pero gaya nga ng sabi ni Joann, walang
sikretong hindi nabubunyag….
“Kuya Rex, ano ng gagawin ko?”
naluluha niyang tanong sa kasama. Nasa library sila at gumagawa ng report. Sila
kasi ang magkateam para sa presentation nila next week.
“Kung ano sa palagay mo ang tama.”
Payo naman ni Rex sa kanya. “Minsan kasi, hindi lang puro puso ang pinapagana
natin dapat pati ito.” Turo nito ang sariling sentido.
“Ang sasakit ng mga sinabi niya sa
akin.” Paghihimutok niya sa kaibigan. “Wala daw mapapala sa akin si Ram at
sagabal lang daw ako sa pagtupad nito sa mga pangarap niya. Ganun ba ako
kasama?” hindi na niya napigilan pa ang sariling mga luha. Kahapon after ng
klase nila ay pinatawag siya ni Mr. Belicano at palihim siya nitong kinausap sa
faculty room.
“Huwag ka namang umiyak, Jo.”
Lumingon lingon pa sa paligid si Rex. “Baka isipin nila ako nagpapaiyak sa’yo.”
“Dapat talaga nung una pa lang,
hindi ko hinayaang mapalapit kay Ram eh. Ang hirap tuloy.” Daing pa niya.
Inalo siya ni Rex sa braso. “Tama
na yan. Ano ng plano
mo? Grabe kayo ha. Kahit kami hindi namin namalayan na kayo na pala. Dahil lang
sa text, nabuking kayo.”
“Sige. Ipamukha mo pa sa akin ang
katangahan ko.”
“Hindi katangahan yon. Pagmamahal
ang tawag don. Kung may tanga man dito, ako yun. Anyway, hindi naman ako ang
topic dito so ano na nga ang balak mo?”
“Ano pa nga ba edi ang
makipaghiwalay sa kanya.”
Sinukat siya ng tingin ni Rex,
“Kaya mo ba?”
Pinunasan na niya ang mga luha.
“Kakayanin. Kailangan eh.”
“That’s my girl! Kausapin mo nalang
si Ram ng maayos. Siguro naman maiintindihan niya yun. Isipin niyo nalang na
kung kayo, kayo talaga. Harangan man kayo ng sibat! Hehe. May tamang panahon
para sa lahat.” Dagdag payo pa nito sa kanya.
“Ang sarap mo naman magpayo. Parang
totoo lang ah!” Nagawa na niyang magbiro.
“Ewan ko ba kay Lian kung anong
nagawa nun sa akin.” Sinundan ni Rex ng mahinang tawa ang huling nasabi.
“Ikaw ang may ginawa. Ayusin mo na
din yang love life mo.” Payo naman niya sa kaibigan na may problemang pampuso
rin.
“Sabi ko nga, love will come at the
right time, at the right place.” Kinindatan pa siya nito.
-00-
“Hindi na kita mahal, Ram. Ayoko na
sa’yo.”
“Hindi ako naniniwala, Jo. Alam
kong mahal mo pa rin ako. Ginagawa mo lang lahat ng ito dahil kay Uncle. Huwag
mo siyang pakinggan. Kung ayaw na niya akong pag-aralin. Magtatrabaho ako
habang nag-aaral. Please lang Jo, huwag mong gawin ‘to.” Pagmamakaawa pa ni
Ramil sa kanya.
Unti unti ng nalulusaw ang ginawa
niyang pader sa pagitan nila but she has to be brave. Brave in lying. “Mali
ka, Ram. Hindi na talaga kita, Mahal. Nasa’yo na yan kung ayaw mong maniwala.
Isa pa, wala ka na rin namang magagawa kapag sinabi kong ayoko na talaga. Break
na tayo.” Bago siya tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila ay ni-lock muna niya
ng maigi ang gate nila.
She ran to her room crying.
“Nak?” kumakatok ang kanyang ina sa
pintuan ng kuwarto niya.
Pinunasan niya ang mga luha at pinigilan
ang pagtulo pa ulit nito. “Pasok ka, Ma.”
Her mom hugged her tight. Wala
itong sinabi na kahit ano sa kanya. She just kept on hugging her. Dahilan para
muli siyang maiyak.
“Ang sakit, Ma. Ang sakit sakit!”
“I know. But at least may natutunan
ka.” Hinihimas himas pa nito ang kulot at mahaba niyang buhok. What a motherly
love she only experienced now. Kung kelan basag ang puso niya ay dun niya lang
narealize kung gaano pala siya kamahal ng kanyang ina.
“I love you, Ma.” She
wholeheartedly said. Bukal iyon sa kaibuturan ng kanyang puso.
“And I love you more. Ang laki na
ng baby ko. Marunong ng magmahal.” Kinurot pa nito ang tungki ng matangos
niyang ilong.
“Ma, sa Cavite nalang tayo.” Bigla niyang naipasya.
“Sigurado ka, nak?”
Marahan siyang tumango. Kailangan
niyang lumayo ng Maynila.
“Sige. After ng graduation mo,
lilipat na tayo.”
Chapter 6 –
Business Management ang kinuha
niyang kurso and it has been a year mula ng gruma-duate siya.
She’s currently working on a Condominium
na malapit sa Mall of Asia as an Admin Officer.
Matagal siyang nakatitig lang sa
computer screen niya dahil sa isang RSVP na natanggap niya. Pupunta ba siya?
Nagulat siya ng biglang mag-ring
ang telepono sa gilid niya. “Hello?”
“Joann!” tili ng isang pamilyar na
boses sa kabilang linya.
“Zel?” It’s Liezl, her former
classmate at ang siya ring pasimuno ng highschool reunion nila. Na siyang
nilalaman ng RSVP na kanina niya pa tinititigan.
“Yes, it’s me and I have one favor
from you. Kailangan ko ng powers ni Tita Brenda para magamit natin ang
clubhouse sa dating subdivision niyo. Sa inyo pa rin naman iyong bahay niyo dun
di ba?”
“Yup.”
“So, pumapayag ka na? And pupunta
ka ha! Para ‘to kay Lian. Kailangan tayo ni
Rex. Human props kumbaga kaya hindi pwedeng hindi ka pumunta.”
“Bakit? Anong meron?” Hindi na kasi
siya masyadong updated sa buhay ng mga kaibigan.
“Magpo-propose na ang loko!”
Masayang balita sa kanya ni Liezl.
Natuwa naman siya sa narinig.
Finally, magkakaroon na ng happy ending ang dalawa sa mga kaibigan niya.
“Sige. Pupunta ako. And kakausapin
ko si Mommy mamaya pag-uwi ko.”
“Thank you, Jo! You’re such an
angel, Muahh! Ciao!” nawala na ito sa kabilang linya.
Handa na nga ba siyang harapin ulit
si Ramil?
Muling nanariwa sa utak niya ang mga nangyari
almost three years ago…
Pauwi na sana siya noon galing school ng matanaw niya
sa labas ng University niya si Ramil. She tried to ignore her. She didn’t
expect na susundan siya nito sa Cavite
more than a year after they broke-up.
“Jo, sandali lang naman. Mag-usap
tayo.”
Tumigil siya sa mabilis na
paglalakad. “Ano ba kasing ginagawa mo dito sa Cavite ?! Lumayo na nga ako di ba? Para wala ka ng problema. Wag na nating mas pahirapin pa
ang sitwasyon, Ram. Tanggapin na lang natin na hindi na talaga pwede.”
“Nang dahil lang sa uncle ko hindi
na pwedeng maging tayo? Hindi ko kaya, Jo! Mahal kita. Alam mo yan.”
“Pero hindi na talaga pwede, Ram.
Masaya na ako.” May tinawagan siya sa telepono pinapunta niya ito sa kanto kung
saan sila nakahinto ni Ramil.
After 10 minutes ay dumating ito.
“Anong problema dito, Jo?” tanong ng isang matangkad na binata na kaedaran rin
nila.
“Wala naman beb, gusto lang kita ipakilala kay Ramil. Classmate ko siya nung
highschool. Ram, si Jordan ,
boyfriend ko.”
“Nice meeting you, pare.” Sagot
naman nito.
Hindi na nagsalita pa si Ramil at
bigla na lamang itong tumalikod at lumakad palayo kina Joann at Jordan .
“Ma’am Jo?” putol ni Marie sa
pagrereminisce niya.
“Ha-ha? Ano yun?” bumalik na siya
sa present time. “May problema ba Marie?” tanong niya sa kanilang Admin.
Assistant.
“Pinatatawag po kayo ni Boss.”
“Sige, susunod na ako.”
00-00
Tinulungan niya si Liezl sa
pag-oorganize ng kanilang reunion. Highschool reunion pero mga dating
estudyante sa section lang nila ang mga kalahok.
The reunion went on smoothly. Matapos
ang makapagdamdaming paghahayag ng pag-ibig at kagustuhang pakasalan ni Rex si
Lian ay isang masayang party na ang kasunod niyon. Double celebration sabi nga
ng iba nilang mga kaklase. Reunion and
Engagement all in one night.
Masaya siya para kina Lian at Rex.
Pati na rin para kina Violet at Wendel. Mga highschool lovers na siyang
nagkatuluyan.
Buti
pa sila. Sa loob loob niya. Samantalang siya, hindi niya alam kung dapat ba
niyang pagsisihan ang mga bagay na nagawa at napagdesisyunan niya noon. Tama
bang isinuko niya si Ramil? Kung ipinaglaban niya ang relasyon nila noon, sila
pa rin kaya hanggang ngayon?
Dinaan na lamang niya sa pag-inom ng alak at
pagkukunwari na siya ay masaya ang hungkag na nararamdaman.
Hindi niya namalayan, naparami na
pala ang inom niya. Medyo nahihilo na siya pero sige parin siya sa pagtungga ng
alak.
Uubusin na sana niya ang laman ng baso niya nang may
biglang umagaw nito. “Lasing ka na.” sita nito sa kanya.
“Ako lashing? Hindi pa ah. Matino
pa kaya akow.” Inaninag niya ang mukha nito pero medyo malabo na nga. “Okay lang ako, Ram. Okay na
okay. Sho don’t worry.”
“Ihatid mo na sa kanila yan.”
Bulong ni Liezl kay Ramil.
Tumango naman ito tanda ng pag
sang-ayon.
“Halika na.”
“Halikan? Ayoko nga! Hindi naman
kita boyfriend ah.”
Natatawa ang iba nilang mga kaklase
sa naging takbo ng usapan nila.
“Hay nako, te. Umuwi ka na. Lashing
ka na!” ani Lian. “Kuya Ram, paki-uwi ng buo yan si Ate Jo. Baka pati si Tita
Brenda maging kontrabida sa buhay niyo.”
“Sponge, you shut up! Ang bibig
mo.” Sita naman ni Rex sa kanyang fiancĂ©.
“Sabi ko nga, shut up me.” Hindi na
ulit ito nagsalita pa.
Inakay naman ni Ramil si Joann
ngunit ayaw pa rin nitong umalis sa clubhouse. So he had no choice but to lift
her.
“Put me down!” palag ni Joann.
“No.” naglakad na ito palabas ng
clubhouse na iyon bitbit ang lasing na dating kasintahan.
Since malapit lang naman ang bahay
nila Joann mula sa clubhouse ay nilakad na lamang ito ni Ram. Hindi na rin ito
nagbalak na pumalag pa. Masyado na siyang hilo
para makipagtalo pa.
“I love you, Ram….” Kasunod niyon ay
hilik na ang narinig ni Ramil and he feels her warm breath into his neck.
Kinintalan niya ito ng halik sa
noo. “I love you too, Jo…” wika niya sa babaeng tulog na sa mga bisig niya.
Chapter 7-
Nagising siyang masakit na masakit
ang ulo niya.
“Jordan !” sigaw niya.
“Yes?” pumasok ito ng kuwarto niya.
“Pakikuha naman yung aspirin sa
medicine cabinet. Ang sakit ng ulo ko.” Utos niya dito.
Sumunod naman ito at binigyan pa
siya ng isang basong tubig. “Ang takaw mo kasi sa alak.” Natatawa pang komento
nito sa kanya.
“Tseh!”
“Buti nalang hinatid ka ni Ramil
dito kundi baka pinagpiyestahan ka na sa clubhouse.”
Oo nga pala! Anong nangyari kagabi?
Ang huling eksenang natatandaan niya ay ng agawin ni Ramil ang baso niya.
“Anong nangyari? At teka! Anong
sabi mo sa kanya? Nakita ka ba niya?”
“Hinatid ka niya hanggang dito sa
kuwarto mo. At malamang nakita niya ako! Tayong tatlo lang nila Manang Coring
ang tao dito eh. Para sa huli mong tanong, sinabi ko pinsan mo ko.”
“Whaat?!!”exage niyang reaksiyon.
“Eh sa iyon ang totoo. Bakit ako
magsisinungaling? Ikaw lang ang magaling doon. Mag almusal ka na.” Lumabas na
si Jordan
ng kuwarto niya.
Mas lalong sumakit ang ulo niya
pero hindi dahil sa alak na nainom niya kagabi.
Buko na siya! Anak ng kagang! Sana hindi na ulit sila
magkita pa ni Ramil.
Ang tanong, yun nga ba talaga ang
gusto niyang mangyari?
-00-
Nang hindi na kumirot ang ulo niya,
dali dali siyang naligo at nagbihis.
“Jordan, alis na ako. Uwi na kong
Bacoor,” paalam niya sa butihing pinsan
na hindi marunong magsinungaling.
“Parang may tinataguan lang ah.
Sige, ingat ka.”
Meron
talaga! Sa loob loob niyang sagot dito.
Kung pwede nga lang na magteleport
na siya pabalik ng Cavite
ay ginawa na niya.
She really felt so ashame. Alam na
ni Ramil na nagsinungaling siya way back then. Ang bait bait naman kasi ng
pinsan niya!
-00-
“Ma!” tawag niya sa labas ng gate
ng kanilang tahanan.
“Good morning!” wika ng pamilyar na
boses sa likuran niya.
“Ay good morning!” nasabi niya dala
ng pagkagulat. Hinarap niya ang pinagmulan ng boses. “Ramil?! Anong ginagawa mo
dito? Bakit nandito ka?”
Lumabas na ang kanyang ina upang
buksan ang gate. Binati naman ito ni Ramil. “Good morning po, Tita.”
“Oh, Ram kamusta? Nadalaw ka?”
“Hindi yan dumadalaw Ma, naligaw
lang yan. Huwag niyong papasukin.” Sabat niya. Kung pwede nga lang lumubog mula
sa kinatatayuan eh. Sana kainin na siya ng lupa sa sobrang hiya. Salamat sa
mabait niyang pinsan na hindi idol si Pinocchio.
“Opo, tita. Manliligaw lang po.”
Pagtatama ni Ramil sa sinabi niya. Binigyang diin pa nito ang salitang Manliligaw at hindi naliligaw.
“Oh, Ma ang ganda mo. May
manliligaw ka.”
“Sira ka talagang bata ka.” Papuri
sa kanya ng kanyang ina. Pagkatapos ay binalingan naman nito ang kanilang
bisita para sa umagang iyon. “Pasok ka, Ram.”
May lihim yatang sambwatan ang
kanyang ina at si Ramil dahil ng umaga ding iyon ay umalis ng bahay ang kanyang
ina na mamamalengke daw kuno. Sa pagkakaalam niya, Sabado ito namamalengke at hindi
Linggo.
“Marami kayong dapat pag-usapan.
Behave.” Bilin pa nito sa kanya bago ito tuluyang lumabas ng kanilang bahay.
Pag-alis ng kanyang ina ay mas
pinili niyang magkulong sa kuwarto.
“Jo, lumabas ka diyan. Mag-usap
tayo.”
“Ayoko. Wala tayong dapat pag-usapan.
Umuwi ka na ng Makati.” Sigaw niya rito.
“Kapag hindi ka lumabas diyan,
gigibain ko ‘tong pintuan mo.”
“Subukan mo lang gawin yun,
Belicano. Sisigaw talaga ako.”
“Nasa iyo yan. Ikaw lang din naman
ang maeeskandalo dahil ikaw ang kilala rito at hindi ako.”
Lumabas na nga siya mula sa lungga
niya. Again and again she has no choice but to face this man. “Fine! Eto na.
Lalabas na!”
Umupo sa mahabang sofa si Ramil at
sinenyasan niya si Joann na tumabi sa kanya. Sumunod naman siya dito. Bakit ba
mula pa noon ay hirap na siyang tanggihan ito?
“Bakit ka nagsinungaling?” Ramil’s
first question.
“Dahil kailangan,” sagot niya.
“Bakit ka nagpakalasing kagabi? May
problema ka ba?” His next question.
“Wala akong problema. Masaya lang
ako para kina Lian at Rex.”
“Alam mo ba kung ano ang sinabi mo
sa akin kagabi?”
“Wala akong matandaan.”
“Na mahal mo pa rin ako.”
Nanlaki ang mga mata niya. Nagulat
siya sa sinabi nito. She swears to herself, hindi niya talaga matandaan na
sinabi niya iyon kagabi. “What? Sinabi ko yon?! Hindi yun totoo. Lasing lang
ako promise!”
Pero mas ikinagulat niya ang sunod
na ginawa ni Ramil.
Hinalikan siya nito sa kanyang mga
labi dahilan para matigilan siya. She loves the feeling and she also loves the
man who’s currently doing this to her.
At hinayaan niya ang sariling
tugunin ang mga halik nito.
Ram suddenly gave a little space
between them. “Ngayon mo sabihin sa aking hindi mo ako mahal dahil hindi talaga
ako maniniwala. Sarili mong mga labi, kinokondena ka.” Pero hindi naman siya
nito pinagsalita dahil muli siya nitong hinalikan at muli ay tinugon niya ang
mga halik nito with whole of her heart.
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
Bagay na bagay sa kanya ang kantang iyan.
Chapter 8 –
I
still don’t like you for Ram.
Paulit ulit itong kusang
nagrerewind sa utak ni Joann.
Kahapon ay isinama siya ni Ramil sa
tahanan nito sa Makati upang pormal na ipakilala bilang kasintahan sa mga
magulang at pati na rin sa Uncle nito.
“Hi sir. Good evening po. Nice to
see you again.” Bati niya rito.
Simpleng Good evening lang ang
itinugon nito sa kanya.
Muli niyang naramdaman ang
pagkadisgusto nito sa kanya she felt way back then when she was still on third
year high school.
Kasalanan ba niyang mainlove siya
sa pamangkin nito kaya eto’t magkadaupang palad na naman sila?
Kung bakit naman kasi hinayaan na
naman niyang makapasok sa buhay niya ulit si Ramil. Pesteng reunion yan! Sakit
sa ulo at sa puso na naman ang tinamo niya.
Kailan ba siya tatantanan ng
baklang adviser nila?
Nang lumabas si Ramil upang bumili
lang saglit ng softdrinks ay kinausap siya ni Mr. Belicano.“Sana maisip mo na
hindi pa handang mag-asawa si Ram. May pamilya pa siya na kailangang tulungan.”
Asawa
kaagad?! Hindi ba pwedeng girlfriend lang muna?! Tsaka wala pa naman akong
balak mag-asawa ah! Masyado ka talagang atribidang bakla ka! Ito ang nasa
loob niya ngunit pinili na lamang niya ang manahimik out of respect.
“Maraming ibang lalaki diyan na mas
mapera, dun ka nalang. Wag na kay Ram na kailangan pang magsumikap para
makaahon sila sa kahirapan.” Dagdag pa nito.
Bwisit
ka! Kung natuturuan lang ang puso hindi ako magmamahal ng isang lalaking may
Uncle na katulad mo. Ikaw ang hampaslupang froglet! Kung nakakapagsalita
lang ang mga titig niya, ito ang gustong sabihin sa kasalukuyang kausap.
Sumama na ang pakiramdam niya and
all she ever want during that time ay makaalis na sa impyernong iyon.
-00-
“Nak, may gustong kumausap sa’yo.” Putol
ng kanyang ina sa pagmumuni-muni niya.
“Sino?”
Pumasok ito sa kanyang kuwarto na
may dalang laptop. “Joseph, ito na si Joann. Jo, siya ang daddy mo. Sa Dubai na
siya nakatira.”
Matagal niyang tinitigan ang
screen. For almost twenty two years in her life, ngayon niya lang nasilayan ang
mukha ng kanyang ama. Hindi maikakailang ito nga ang daddy niya dahil para
lamang siyang nananalamin. Male version ng kanyang mukha ang daddy niya.
“Da-dad?”
“Kamusta ka na anak?”
Pareho na silang mag-ama na halos
hindi makapagsalita dahil sa pag-agos ng luha sa kani-kanilang mga mata.
“Ma, bakit ngayon lang?” tanong
niya sa kanyang ina.
“Magulo pa kasi ang sitwasyon noon,
nak. May sarili ng pamilya ang daddy mo kaya hindi ko na sila ginulo pa.”
“Hinanap ko ang mommy mo sampu ng
aming ibang mga batchmates thru internet at hindi naman ako nabigo.
Nagkumustahan kami and yun nga sinabi niya sa akin na may anak pala kami.”
Dugtong pa ng kanyang ama. “I’m sorry, Joann. Hindi ka nagkaroon ng isang ama
habang lumalaki ka.”
“Isa lang naman ang hinihiling ko
Dad. Yun ay ang makilala ka.”
Pakiramdam niya ay buo na ang
pagkatao niya.
-00-
Eto na naman siya at pilit
nagtatago sa isang taong sobrang mahal niya ngunit kailangang iwasan dahil
hinihingi ng pagkakataon.
“Jo, ano bang problema?!” kausap
niya sa kabilang linya si Ramil.
“I’m sorry, Ram. Pero hindi tayo
dapat nagkabalikan. We were really not meant to be.”
Para niyang sinasaksak ang sariling
puso habang sinasabi ang mga ito kay Ramil.
“Ano ngang problema?! Okay naman
tayo last week ah. Kung wala lang akong duty, pinuntahan na kita diyan sa
inyo.”
“Ayaw sa akin ng pamilya mo, damn it!
Hindi ko kailangang ipagpilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin. Hindi
ko maatim na makisama sa’yo kung ayaw naman sa akin ng pamilya mo.”
“Iyon lang ba, Jo? Iyon lang ba?!
Ang babaw mo!”
“Mababaw na kung mababaw pero yon
ang nararamdaman ko. And I’m so sorry to tell you pero hindi kita mahal. Mali
lang tayo ng akala.”
“Sawa na kong marinig lahat ng
kasinungalingan mo Jo! Hindi pa nga nagsisimula ang laban sumusuko ka na.
Siguro nga hindi mo talaga ako mahal dahil hindi mo ko magawang maipaglaban
samantalang ikaw, handa kong talikuran ang lahat para sa’yo.”
Hindi na muling nagsalita pa si
Ramil. Mahinang paghikbi na lamang ang naririnig ni Joann mula sa kabilang
linya.
“Ram, I’m sorry.” Tangi niyang
nasabi. She didn’t know what to say, siguro nga ay tama ito.
She’s not that strong enough to
fight for their love. Pero may punto naman ang uncle nito, Ramil needs to focus
on helping his family. Hindi dapat sa kanya umikot ang mundo nito and he don’t
need to throw everything for her. It would be so much unfair. She’s not that
selfish para angkinin si Ramil. Kailangan ito ng pamilya niya at marami pa itong
pangarap na dapat tuparin. Mag-isa.
Now she has proven that second heartbreak is
worse than the first.
Chapter 9 –
After a month they officially
broke-up again, she decided to go to
Dubai.
Not only to work there but also to
meet her father in person. Ito rin ang tumulong sa kanya para makapag-abroad
siya.
“Sigurado ka na ba sa balak mo?”
Matamang nakamasid sa kanya ang mommy niya habang nag-iimpake siya ng mga gamit.
“Yes, Ma. Gusto ko na ding ma-meet
si Daddy.”
“Dati from Makati to Cavite lang
ang getaway mo ngayon naman from Cavite to Dubai.” Komento nito, referring to
her first and second heartbreak.
“Ma. It’s not about it.”
“Nanay mo ko. Makakapagsinungaling
ka sa lahat pero hindi sa akin.”
“This is the best thing that I
could do. Hope you understand that.” Niyakap niya ang kanyang ina. “Mamimiss
kita, Ma. Ingatan mo ang sarili mo ha.”
Narinig niya ang pagsinghot nito,
“Yun na nga ang pinagsisintir ko eh. Wala na akong kasama dito.”
“Two years lang yun, Ma. Uuwi naman
ako. After all, this is my true home. With you.”
“Oo na. Sige na. Basta mag-iingat
ka din dun ha. I-kumusta mo nalang ako sa daddy mo.”
“Mahal mo pa rin siya noh?” pang-iintriga
nito sa sariling ina.
“Tse. Tumigil ka Joanna Marie ha!
May iba ng pamilya yun, tatlo pa ang anak.” Saway nito sa kanya.
“Ano naman? Hindi ko naman sinabing
sulutin mo siya eh. Nagtatanong lang ako kung ma-..”
“Joanna Marie!”
“Sabi ko nga. Tuloy ko na yung
pag-iimpake ko. Labas ka na dun para hindi na kita mapagtripan. Hehe.” Lumapit
siya sa pintuan ng kuwarto niya at binuksan ito para sa inang napipikon na.
She’s so glad that despite of the
things happened to her, mas naging malapit siya sa ina. Kung dati ay hindi man
lang sila nito nagkikibuan ngayon ay sanggang dikit na sila.
And she’s happy to have her as her
mom. Bilib siya rito dahil nagawa siya nitong itaguyod mag-isa.
-00-
NAIA
Terminal 1
Naluluhang niyakap ni Joann ang
kanyang ina, “Wag kang pasaway, Mommy ha. Inumin mo sa oras yung gamot mo.”
Pinipigilan naman nito ang maiyak
at bagkus ay pinilit nalang na magbiro. “Mas pasaway ka kaya. Mas matigas ulo
mo. Pag sinabing bawal, bawal. Sige ka at latigo ang katapat mo dun.”
Natawa naman siya sa tinuran ng
ina. “Araw-araw ka mag-oon-line ha.”
“Oo naman. Para
sa’yo. Ikaw naman magbabayad ng billing eh.” Dagdag biro pa nito.
“Mommy talaga. Manang mana ka sa
akin! Pasok na ko ha.” Hinalikan na niya ito sa pisngi at niyakap ng mahigpit.
“I love you so much mommy ko. Babye for now.”
Niyakap din siya nito na halos ayaw
na siyang pakawalan.
“Ma, maiiwan na ako ng eroplano.”
Biro naman niya dito. Pero ang totoo ay maaga pa siya ng isang oras para sa
check-in time niya.
Papasok na sana siya sa Passenger’s
Entrance ngunit may tumawag sa pangalan niya.
Boluntaryo siyang napahinto sa
pagpasok at nilingon ang tumawag sa kanya.
“Ram….” Mahina niyang naiusal.
Humihingal pa ito nang sugurin siya
ng yakap. “Buti nalang naabutan pa kita. Sobrang traffic papunta dito.”
Muli na naman siyang napaiyak.
“A-anong ginagawa mo dito? At tsaka paanong?”
“Si Lian. Mabuti pa sa kanya
nakapagpaalam ka.” May himig ng pagtatampo sa tono nito.
“Aksidente lang yon.” Noong isang
araw kasi ay nagkasalubong sila ni Lian sa Mall of Asia
habang bumibili siya ng maleta. At hindi naman siya makapagsinungaling dito
kaya’t nasabi niya kung para saan ang binili niyang gamit. “Wala naman talaga
akong balak magpaalam kahit sino sa inyo. Ayoko ng iyakan. Kay mommy pa lang
kotang kota na
ko. Sorry.”
“Ang daya mo. Tatakbuhan mo na
naman ako.”
“Kailangan, Ram. Kung tayo, tayo
talaga. Pero siguro hindi pa sa ngayon. Marami pa akong gustong gawin at
patunayan. At alam kong ikaw rin. We need to grow up apart first. Para kung
sakaling tayo man ang magkatuluyan, we already fulfilled our duties as two
different individuals.” Makahulugan niyang sabi dito. Hindi niya alam kung saan
siya nakakuha ng lakas upang dere-deretsong masabi ang lahat ng ito kay Ramil.
“Sana nga tayo pa rin.
Naiintindihan ko na, Jo. Sorry kung nasaktan kita. Mag-iingat ka dun ha.”
Mapait niya itong nginitian at pagkatapos
ay tumango.
Pumasok na siya sa loob ng airport
bitbit ang masasaya at mapapait na ala-ala kasama ang taong pinakamamahal.
Well, this is really goodbye. For
now.
Chapter 10 –
And
so this is Philippines after four long years. Hays. I miss this. I miss home! Para siyang tangang nangingiti mag-isa at kausap ang
sarili.
She has been good for the past four
years staying in Dubai .
Natupad na niya ang pangarap niya.
First is to personally meet her father
at ang pangalawa ay ang unti-unting pag-angat ng kanyang career.
Dapat ay two years lang ang
contract niya but she decided to pursue another career there at another
company. Kung dati ay through agency, after transferring to a new job ay direct
employee na siya.
Later on ay naregular, tumaas ang
position at siyempre ang sahod.
Nakaleave lamang siya ng thirty
days at pagbalik nga niya ng Dubai ay sasabak na siya sa bagong trabaho bilang
isang manager ng hotel doon.
Nagsimula siya bilang isang Admin
Officer at ngayon nga ay papalitan na niya ang boss niyang mag-reretire na.
Some may call it luck pero para sa
kanya ay bunga iyon ng pagsisipag at pagpupursige and she also believes that
she has a long way to go.
After thirty minutes of waiting for
her mom, nainip na siya. Gusto na niyang umuwi at mahiga sa malambot niyang kama kapiling ng mga teddy bear niya.
“Ma! Asan ka na?! Kanina pa kaya ako dito.
Pag ako nainis, magtataxi nalang ako!” kausap niya ito sa telepono.
“Wait lang ‘nak. Medyo traffic lang
kasi pero malapit na ko. Ito na paakyat na yung sasakyan.”
“Ang tagal! Pinoy ka talaga, Ma!”
“At ikaw? Anong tingin mo sa sarili
mo? Bumbay ka na?”
“Brenda!”
“Andito na ako, Mommy Joann.”
“Ma naman eh. Wala ka naman dito!”
Luminga linga pa siya sa paligid pero hindi niya talaga ito mahagilap.
Sa halip, isang puting puting BMW
na kotse ang huminto sa harapan niya.
Bumaba ang driver nito na
nakashades at may hawak na isang white board.
“Ram…..”
Ngumiti lang ito sa kanya at
pagkatapos ay tila may isinulat sa whiteboard.
Ms.
Joanna Marie Marasigan…
“Oh bakit?” Pagtataray niya upang
mapagtakpan ang sabik na mayakap itong muli.
She didn’t expect na ito ang
susundo sa kanya.
Muli itong nagsulat.
I
love you.
“Oh eh ano naman?” Deep inside, she
was deeply touched. After all these years, mahal pa rin pala siya ni Ramil and
she’s so happy to tell him that she also feels the same way. Sa apat na taon na
pagtira niya sa Dubai, ito pa rin ang laman ng puso’t isipan niya. She just
control herself na kontakin ito dahil baka mapauwi siya ng di-oras sa
Pilipinas. Feeling din niya ay mas mamimiss niya lang ito kung nagkaroon sila
ng komunikasyon noon.
She can’t help her tears from
falling sa mga sumunod niyang nabasa.
I
want to marry you. Please say you want it too.
Unti- unti itong lumapit sa kanya.
“Please naman, huwag mo na akong takbuhan.” Pagmamakaawa pa ni Ramil. “Nobody
can stop me now from wanting to have you. Ikaw ang buhay ko, Jo. Ayoko ng
mawala ka pa sa akin. And I will make sure this time, wala ng pwedeng humadlang
sa ating dalawa. Kahit sinong Pontio Pilato pa yan!”
Halos malunod naman ang puso niya
sa tuwa. “Shocks, ang corny mo na, Ram!” natatawa niyang komento dito. “As if
naman papayag ako noh?!”
Bigla ang pagkunot ng noo nito at
paglungkot ng mga mata. “May iba ka na or worse asawa?”
“Oo!”
Laglag ang balikat na tumalikod si
Ramil sa kanya.
Muling nagflashback sa utak niya
ang eksena nila nung minsang ipakilala niya si Jordan bilang bagong boyfriend
niya. Ito pa rin ang dating Ramil na sobrang sensitive when it comes to her.
“Hoy, Belicano sandali! Baka gusto mong
patapusin muna ako?.” Sigaw niya dito. Kasehodang nasa airport siya at
naririnig siya ng ibang tao na nag-aabang din ng mga sundo o di kaya naman ay mga
sundo na naghihintay ng mga bagong dating.
This is a matter of heart and
heart. Bahala na si Batman.
Huminto sa paglalakad si Ramil
ngunit nanatili pa rin itong nakatalikod sa kanya.
“Correction, magiging asawa palang
at ikaw sana ang gusto ko! At hindi rin ako papayag na may hahadlang pa sa
atin. Four years are enough to endure the longing ness.” And she finally shouted
her heart out. “You know what I mean, mister? Mahal kita! At oo, pakakasalan
kita!”
Nabitawan ni Ramil ang hawak nitong
whiteboard at sinugod siya ng yakap. “I love you, Jo.”
“I love you too, Ram.” And in the
middle of the crowd, they kissed.
Bumaba mula sa isang van sina Rex
at ang buntis na asawa nitong si Lian, si Violet at Wendel, si Ronald at Liezl.
May iniabot si Lian na isang pulang
tarheta kay Ramil. “Isuot mo na sa kanya yan, baka magbago pa ang isip.”
Sinunod naman ito ni Ramil. “Sa
harap ng mga kaibigan natin, Jo. Isinusumpa kong habambuhay kitang mamahalin.”
Pangako nito kay Joann.
“Weh? Wala ng bading issue?”
pang-uusisa pa ni Lian. Tinakpan naman ni Rex ang bibig ng asawa.
“Wala na. The hell I care. Oo, may
utang na loob ako sa kanya pero hindi hawak ninuman ang puso ko. Si Jo lang
yun.” Kinindatan pa nito ang ngayon nga ay fiancĂ© na.
Kilig to the bones naman ang drama
niya.
Oo nga pala, speaking of kasal, muntik
na niyang makalimutan, “Kailangan ko palang bumalik ng Dubai within 30 days.
Paano yun, Ram? Nagsisimula pa lang ang mga pangarap ko.”She told him.
“Sus, problema ba yun?! Kailangan
ng Dubai ng
maraming visual artist. Nakita ko sa jobstreet.” Singit ulit ni Lian sa usapan.
“Kakapost ko lang kahapon ng job vacancies at sure yun Kuya Ram. Kaya go na! I
will also help you, may mga kilala ako sa agencies.”
“Eh pano yung kasal?” singit na
tanong naman ni Violet.
“Ano ka ba Hon? Si Franz, palabas
na bukas. In short, pari na siya!” Wendel announced. Ang tinutukoy nito ay
ang kapatid na after high school ay
pumasok ng seminaryo.
“Good to hear that so wala na
tayong problema!” ani Rex.
“Kailangan talaga dito tayo sa gitna ng
arrival area nag meeting de abanse?” ani Arnold .
“Huwag ka ng pumalag! So, saan ang
next venue? Sa simbahan o sa kainan muna? Gutom na ako eh.” Sagot naman ni
Liezl.
“Pwede bang sa bahay muna? Namimiss
ko na ang nanay ko. Pati na rin ang kama ko.
Kanina ko pa gustong humiga!”
“Higa kaagad? Kasal muna. Ate Jo
ah!” nakangising turan ni Lian sa kaibigan.
“Rex! Yang asawa mo, ang daming
alam. Kaya kayo naka-isa na eh.” Ani Ramil
Tawanan ang barkada.
Joann couldn’t help but to smile at
these people. Her highschool barkada are really the best. She had many friends
before and after them pero para sa kanya, ang grupong ito ang pinaka espesyal.
Mga special child kasi lahat sila. Hehe.
Her phone rings, “Hello Ma. Nasaan
ka ba? Nababaliw na ako sa mga tao dito.”
Tumatawa lamang ang kanyang ina.
“Pumunta na kayo dito sa Cavite .
May pakain dito.”
“Hay nako. Guyz, may pakain daw
yung nanay ko. Birthday niya eh.” Yaya niya sa mga kaibigan.
“Yon!” ani Wendel.
“Tara
na!” Sabi naman ni Liezl.
“Tsaka na kayo magpakasal! Gutom na
kami ng baby ko.” si Lian.
Natawa naman si Rex sa sinabi ng
asawa.
“Hindi mo yata pinapakain yang
mag-ina mo Rex!” sita ni Violet sa kaibigan.
Naiiling na sumakay na lamang siya
sa kotse ni Ramil.
Bago paandarin ni Ramil ang makina
ang sasakyan, they kissed again. “Pampabuenas lang sa biyahe!”
And she loved it.
-end-
No comments:
Post a Comment