Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho na
siya sa isang sikat na Retail Company.
She always believe in love. Kahit pa na ilang beses na siyang binibigo
nito.
First was when she’s in College.
Minahal niya si Cyrus since he is
her first boyfriend. Cyrus let her believe that everything is possible in the
name of love. Dahil sa may reputasyon itong playboy ay ayaw ng mga kaibigan
niya dito para sa kanya. Pero nagbingi bingihan siya at mas pinanaig ang puso
niya.
“Wag kang maniwala sa kanila,
Nessy. Ikaw lang talaga ang mahal ko. Pangako yan.” Paulit ulit nitong sabi sa
kanya and she truly believes in him.
“Oo sige, maniniwala ako sa’yo pero
sana patunayan
mo lahat ng sinasabi mo.” Sagot naman niya dito.
“Oo naman. Promise ko sa’yo, ikaw
lang talaga.”
She lives her life everyday
believing that Cyrus is the one meant for her.
Until one day…
“Ness ,
maniwala ka. Magkakaanak na si Cyrus. Buntis si Lina, siya ang tatay.” Imporma
ni Niko sa kanya. Kaibigan niya ito at nagkataong kapitbahay naman ni Cyrus.
“Hindi ako naniniwala sa’yo!
Sinungaling ka, Niko! Hindi magagawa sa akin ni Cyrus yan. Matagal na silang
hiwalay ni Lina.” Si Cyrus lang ang paniniwalaan niya. Wala ng iba. Kahit pa na
ang matalik niyang kaibigan ang nagsasabi nito ay wala siyang balak na
paniwalaan ito.
“Halika! Pumunta tayo ngayon din sa
bahay nila! Makikita mo ang dapat mong makita.” Halos hilahin na siya ni Niko
papunta sa bahay nila Cyrus.
She then found out na hindi nga
nagsisinungaling ang kaibigan niya. Malaki na ang tiyan ni Lina at dito na nga
ito nakatira sa bahay nila Cyrus. In short, nagsasama na ang dalawa.
She ran out at hinabol siya ni
Cyrus.
“Nessy, saglit lang!” Pinigilan
siya nito.
“Ginawa mo akong tanga, Cy! Pwede
mo namang sabihin sa akin eh!” Umiiyak na siya.
“Sorry. Sasabihin ko naman na sana . Tyumityempo lang
ako.”
“Bullshit ka! Kelan mo pa balak
sabihin sa akin? Kapag malaki na yang anak mo?” Sigaw niya kay Cyrus habang
umiiyak siya.
“Nessy, sorry talaga.”
“Sa’yo na yang sorry mo! Hindi ko
matatanggap yan!” Umalis na siya sa lugar na iyon.
Akala niya ay mahihirapan siyang
mag-move on mula sa pagkakabigo sa una niyang pag-ibig. But she was wrong. After graduation, ay nag-focus muna siya sa
paghahanap ng trabaho. And then eventually ay natanggap naman siya sa isang
maayos na kumpanya. Sa ngayon nga ay promoted na siya.
Ang huli niyang balita sa
ex-boyfriend ay may dalawa na itong anak at medyo hirap sa buhay dahil nga sa
hindi ito nakatapos ng pag-aaral. Pati
si Lina ay hindi rin nakagraduate at hindi na rin nakabalik pa sa eskwelahan.
At least kahit papaano, hindi man
si Cyrus ang nakatuluyan niya ay naging maayos naman ang buhay niya. Paano nalang
kung siya ngayon ang nasa lugar ni Lina? Edi naghihirap siya ngayon sa
paghahanap ng trabaho para lang may makain ang mga anak nila.
In every bad thing that happens,
well at least there’s still a brighter side of it.
END
No comments:
Post a Comment