Isa sa pinaka-pinagdarasal
Pinakamimithing pagkakataon
Muli kang makasama aking mahal
Na sa aki’y nawalay sa mahabang panahon.
Mula pagtulog hanggang paggising
Ika’y nasa isip na tila kapiling
Mga mata man ay nakabukas o nakasara
Ikaw lang bukod tanging nakikita
Pinipilit laging maging abala
Upang araw ay matuling lumipas
Matiyang naghihintay at umaasa
Patungo sa pinakaaasam na oras.
Konti nalang mahal ko,
At magkakasama na tayo
Manunumbalik na ang tulad ng dati
Na masayang laging magkatabi
Sa ating matagal na paghihintay
Hindi na kailanman mawawalay
Kay saya ng paligid at sadyang marikit
Oh mahal, ito na ba ang langit?
-Cielo
07222013
No comments:
Post a Comment