Thursday, August 20, 2015

Pag-ibig Sa Ulan (Isang Tula)

"Pag-ibig Sa Ulan"
 By: CieloAmethyst




 Mag-isang nakaupo sa balkonahe ng isang kapehan
 At marahang tinatanaw ang kalangitan.
Madilim ito at mukhang luluha na naman,
 Muli ring bubuhos ang mga ala-ala kasabay ng ulan.

 Hindi ininda ang may kapangitang panahon,
 Ikaw at ako ay magkasama maghapon
Napuno ng saya ang ating mga oras noon. 
Kahit nagtago si Haring Araw at hindi umahon. 

Ang iyong mga ngiti ang nagsilbing liwanag
 Sa isang araw na pinagkaitan ng sinag
At mas lalo yatang nahulog sa isang bitag. 
Ang puso kong tinakasan na ng kalasag. 

Ang simbolo ng ulan para sa akin ay ikaw. 
Sa pag-ibig ko sa'yo ako ay nagtatampisaw.
 Masayang ala-ala ang siyang pumupukaw 
Sa isip ko na laging laman ay ikaw.

insight:
Ang cheesy naman ng isang ito.
Haha.
Well, because most of us, we define rain as pain, sorrow or longingness. So I created a poem that it describes happiness to someone because of the memories it brought.

No comments:

Post a Comment