Hi! I’m Nessy and this is my
heartbreaking story for the second time around.
It’s true that I always believe in love kahit pa na ilang beses na akong
nasaktan.
As a matter of fact, after Cyrus ay
mga sumunod pa akong heart breaks. But still, I am always hoping that someday
the right man for me will come at the right time.
Let’s talk about Darren.
Nagkakilala kami through friends of
friends. Binigyan ako ng friend ko ng number. Sabi niya i-text ko daw dahil
expected naman daw nito na magtetext ako. So, okay sige, nag text naman ako at
nagreply nga siya.
“Hi!” text ko.
“Hello, Nessy!” reply naman niya sa
akin. So, kilala na pala niya ako.
“Hello then. Kilala mo na pala
ako.”
“Yupp. Friend ng pinsan ko si
Rica.” Tukoy niya sa friend ko.
“Ahh.. Ok..”
“Ako nga pala si Darren.”
From then on ay naging regular text
mates na kami.
Nasa Manila ako at siya naman ay
taga-Bohol kaya hindi talaga kami nagkikita. Pero friends kami sa facebook kaya
kahit papaano ay alama naman namin ang itsura ng isa’t isa.
Nagtatrabaho na ako habang siya
naman ay graduating palang ng kursong Engineering. Sa paglipas ng panahon na naging regular text
mates ay unti unti na palang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Araw-araw na
kaming nagtatawagan, minsan pa nga ay FB Chat.
He then decided to court me.
Nag ring ang fone ko and I know
that he’s the one who’s calling.
“Hello?”
“Ness .”
“Oh bakit? Nga pala, Congrats ha!
Graduate ka na! Konti nalang Engineer ka na talaga.”
“Thanks. May sasabihin ako sa’yo.”
“Ano yon?”
“I love you.” Nagulat ako ng
sabihin niya iyon. Mahal na niya ako? Parang hindi ako makapaniwala. Hindi pa
nga kami nagkikita sa personal eh. Paano nangyari yon?
“Sigurado ka ba diyan? Hindi mo pa
nga ako nakikita sa personal.” Sagot ko sa sinabi niya. Baka pinagtitripan niya
lang ako. Oo, gusto ko na siya pero hindi ko naman ineexpect na magugustuhan
niya rin ako. Dahil nga sa magkalayo kami at never pang nagkakasama.
“Basta. Ramdam ko lang. Totoo yun.
Mahal na talaga kita.”
I believe in him. It was February 1
nang official na maging kami. Syempre ang saya saya ko. May boyfriend na ako.
Muli kong sinugal ang puso ko sa isang lalaki na hindi ko pa nakakasama sa
personal. Pero okay lang, ang mahalaga masaya ako. At siguro naman, masaya rin
siya.
Hanggang isang araw, nag-text siya
sa akin.
TIGILAN MO NA ANG BOYFRIEND KO!
IKAKASAL NA KAMI.
Teka
lang! Boyfriend? Ikakasal? Baka naman may nakitext sa kanya at na-wrong send
lang
siya sa akin.
“Wrong
send ka po yata.” Reply ko sa kanya.
HINDI
AKO RONG SEND, GAGA! FIANCE TO NI DARREN. MALAPIT NA
KMING
IKASAL KAYA TANTANAN MO NA ANG PAKIKIPAGTEXT SA
KANYA.
Syempre
nasaktan ako nang mabasa lahat ng pinagtetext niya sa akin. Actually marami
pa
siyang sinabi na masasakit na salita. Napaka unethical na tao. Parang walang
pinag-
aralan.
Hindi
ko siya pinaniwalaan. Pakikinggan ko pa rin si Darren.
After
ng ilang oras, tumawag si Darren.
“Hello,
Ness .”
“Sino
yung nagtetext sa akin?” Tanong ko kaagad sa kanya.
“Si
Marisol.”
“Ano
mo siya?”
“Fiance.”
BOOM! Para itong bombang sumabog sa mukha ko. In
fairness to him, naging
honest
naman siya sa akin.
“Ah.
So may fiancé ka na pala. Katulad ka rin ni Cyrus. Mga paasa kayong lalaki.
Huwag
niyo
naman akong gawing tanga.” Puno na naman ako ng hinanakit. For the second time
around,
ay naloko na naman ako ng mga kalahi ni Adan.
“Pero
maniwala ka, Ness . Ikaw ang mahal ko.
Pinagkasundo lang kami ng mga pamilya
namin
kasi may nangyari sa amin.”
“Pakshit
ka! Mag-sama kayo ng fiancé mo!”
This
happened over a year ago.
As
of now, kami pa rin ni Darren. Oo, tinanggap ko pa rin siya sa kabila ng lahat
ng
nalaman
ko. Nasa abroad siya ngayon pero hindi pa sila nagpapakasal ni Marisol. Ang
sabi
niya sa akin, gagawan daw niya ng paraan na makawala sa relasyon nila dahil ako
daw
talaga ang mahal niya.
Tanga
na kung tanga pero wala eh, mahal ko talaga siya.
Kaya
eto, patuloy akong umaasa na someday ay kami pa rin ni Darren ang
magkakatuluyan.
He
may be the cause of my heartbreak today but at least dahil rin sa kanya ay masaya
ako.
Mahal
na mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat ng nangyari at wala akong balak na
pakawalan
siya.
END
(A/N: Hays. Ang friend kong engot sa ngalan ng
pag-ibig. :)
No comments:
Post a Comment