Couple’s Shirt Series
Part 1 – My
Boyfriend’s Kuya
“Mhalih believes that having a pair of
JL’s couple’s shirt will make her relationship with Matt grows better and
stronger. She has red on a friend’s blog that every couple who will wear these
specialized shirts that a simple gift shop is producing, will be together
“forever”.
But on the good side of fate, Matt’s
older brother, Luke wore it!
Just
by the right time that Mhalih is also wearing its own pair. And they are out for a very special friendly escapade.
Do Couples’ Shirts from a very not so
well known gift shop really have magic? And will it work for her? But her first
love that she wishes to be her last broke her heart…..
So
now she doubts the magic it brings.”
(all rights reserved)
Table of Contents
Chapter 1- Mhalih
Chapter 2 – Luke
Chapter 3 – Melissa
Chapter 4 – Jail Booth
Chapter 5 – Mending a Broken Heart
Chapter 6 – The Couple’s Shirt
Chapter 7 – Realized
Chapter 8 – Misunderstood
Chapter 9 – Magic Words
Chapter 10 – Another Couple’s Shirt
Chapter 1 – Mhalih
JL’s.
A typical gift shop along Aurora Boulevard
somewhere in Cubao.
“Anong gagawin natin diyan?”
iritableng tanong ni Matt sa girlfriend.
“Kakain. Restaurant to!” Pilosopo
naman niyang sagot sa nobyo. “Obvious namang bilihan siya ng t-shirt di ba?”
Pinisil ni Matt ang ilong ni
Mhalih. “Ang cute mo talaga! Cute din ng sagot!”
Hinawi niya ang kamay ni Matt na
nasa mukha niya. “Bili tayo ng couple’s shirt. Sabi kasi nila may magic daw
dito. Kapag bumili tayo ng couple’s shirt dito, tayo na ang magkakatuluyan.”
Yaya niya sa boyfriend.
Bigla ang pagkunot ng noo ni Matt.
“Saan mo naman nasagap yan? May ganung factor talaga?”
“Totoo yun. Nabasa ko sa blog ng
dati kong classmate nung highschool. It brings luck to relationships daw.”
Imporma niya sa nobyo. Follower siya ng dating kaklase at na curious siya ng
mabasa ang blog nito tungkol sa shop na iyon.
“Paano kapag parehong babae? Sila
rin magkakatuluyan.” Adik na tanong sa kanya ni Matt.
Tinaasan niya ito ng kilay. “Hindi
lang naman siya para sa magjowa. In any kinds of relationship naman. All we
just have to do is to believe… Huwag ka ngang epal. Bili na tayo, dali!” Hinila
na niya ang nobyo papasok ng shop na iyon.
“Hi, good afternoon!” Masayang bati
sa kanila ni Alaine paglapit nila sa counter. Ito ang isa sa dalawang may-ari
ng shop. Nakalagay sa suot nitong orange polo ang nakaprint na pangalan. “Welcome to JL’s! Looking for couple’s shirt?”
Nakangiti nitong tanong sa kanila.
Sa loob loob ni Matt, Psychic ba ang babaeng ito? Paano niya
nalaman?
“Heller?! Obvious namang couple
kayo noh?!” Natatawang sagot ni Alaine sa tanong ni Matt sa isip.
Woah!
Psychic nga!
“Ate Alaine, we want a unique
couple’s shirt. Yung tipong kami lang ang meron.” Demand ni Mhalih. Luminga linga
ito sa paligid. “Where’s Ate Jhonah? Di ba dalawa kayong may-ari ng shop na
ito? Sabi sa blog ng friend ko, may magic daw kayo.”
Natawa lamang si Alaine sa huling
sinabi ni Mhalih at iniabot rito ang isang clearbook. Compilation ito ng mga
designs and statements for couple’s shirt. “Don’t worry dear, personalized
shirt talaga ang mga ibinebenta namin dito. We just want you to pick any
designs or quotes na sa palagay niyo ay bagay para sa inyong dalawa and from
there, gagawa tayo ng unique couple’s shirt para sa inyo. And for your last two questions, Jhona’s on
leave. We can only say that Love is the closest thing we have to magic.”
Kinindatan pa nito ang dalaga.
Ano
daw yun? “Ah,… Okay.” Tumango tango nalang siya although hindi niya magets
ang huli nitong sinabi. Sinimulan na niyang tumingin tingin sa clearbook.
Mukha namang hindi interesado si
Matt. “Ate, totoo po bang lahat ng nagpapagawa ng couple’s shirt sa inyo ay
sila na talaga ang nagkakatuluyan?” Curious niyang tanong.
Maayos naman itong sinagot ni
Alaine. “A good relationship is an effort. It will still depend on you two if
you are willing to fight till the end for your relationship. And your shirt
will just remind you that you are a couple. And as a couple, you must face
together all your problems and difficulties.” Masaya nitong payo kay Matt. “Besides,
BELIEVING is the number one rule in here.”
Siniko ni Mhalih si Matt. “Sabi ko
naman sa’yo kanina di ba? All we have to do is to believe.”
“Andun na ako. So it only means na
wala naman talagang magic sa mga couple’s shirt na binebenta dito dahil
nakadepende nga naman ang mga relasyon sa tao mismo.” Kontra pa rin ni Matt.
Alaine just shrugged her shoulders
at nginitian na lamang ang dalawang customers.
“Hay nako. Masyado kang nega!” Sita
ulit ni Mhalih sa kasintahan. “Pasensiya ka na Ate Alaine ha. Wala kasing
kakilig kilig sa katawan yan.”
“Meron naman. Hindi nga lang
sa’yo.” Mahina nitong sabi. At kunwari ay inabala ang sarili sa pagtingin sa
hawak din na clearbook.
Hindi ito masyadong narinig ni
Mhalih. “Ha? Ate? May sinasabi ka po ba?”
“Ano, nakapili na ba kayo?” Bagkus
ay tanong ni Alaine sa kanila.
“Ito nalang Ate. Maganda itong
design na ‘to tapos sa statement, ito po.” Turo ni Mhalih sa mga napiling
design at quotation.
“Okay. Just wait lang. Upo muna
kayo. ” Itinuro ni Alaine ang sofa na nasa tabing bintana ng shop at tumalikod
na sa dalawa.
“Bakit ba ganyan ka?” takang tanong
ni Mhalih kay Matt. “Ayaw mo bang bumili tayo? Ang rude mo pa kay Ate.”
“Hindi naman sa ayaw ko. Hindi lang
ako naniniwala sa magic-magic na yan. Siya na nga mismo ang nagsabi di ba,
relationship is just a matter of effort.” Paliwanag ni Matt.
“But we have to believe…” Mhalih
insisted. “Believe na tayo na nga ang magkakatuluyan. Five to seven years from
now, tayo ang magpapakasal. Bubuo ng sariling pamilya, tatanda ng magkasama. You
know that you’re my first boyfriend and I want you to be my last.”
Just like any other typical girl
pangarap niya ang maikasal sa taong pinakamamahal. She only wanted to have one
man for a life time. Mahal na mahal niya si Matt at marami siyang pangarap para
sa kanilang dalawa.
One year ago nang magkausap sila ni
Matt sa school. Matt is a famous basketball player sa kanilang campus and
taking up Civil Engineering while she is just an ordinary HRM student.
Mhalih is a member of Journalist
Organization and for her project ay kailangan niya itong ma-interview.
Nagpaunlak naman si Matt, pandagdag
popularity na rin para sa kanya.
After that interview at matapos
mailathala sa school newspaper ang tungkol sa kanya, they started dating out.
Eventually, niligawan na niya si Mhalih and it was three months ago mula ng
opisyal na maging sila.
She also feels that Matt loves her.
Hindi rin niya igigiit sa sarili niya na crush din niya si Matt noon pa man. Kaya
nga lihim siyang natuwa ng ibigay sa kanya ang project na interview-hin ito.
First year college pa lang sila ay
kilala na niya ito but she never had the guts para lapitan ito at magpakilala.
Hindi naman ganun kakapal ang mukha niya para gawin iyon. Masaya na siyang
sulyap suyapan ito ng tingin sa tuwing nasa court ito o makakasalubong niya
around campus.
Para sa kanya ay masyado itong
guwapo para sa kagaya niya na simple lang. Matangkad, maiksi ang buhok, slim
body but has fat legs. And she hated those fat legs of hers. Kung pwede nga
lang magpa-lipo.
She didn’t believe at first na
yayayain siya nitong makipag-date at eventually ay ligawan siya. Siya na ang
may mahabang buhok although literal itong maiksi na tulad ng sa lalaki.
She’s just so lucky and blessed na
mahalin ng gaya
ni Matt.
He can’t control himself. Hinalikan
niya sa lips ang girlfriend. Tinugon naman ito ni Mhalih.
Later he found out na sobrang sweet
pala nitong ni Mhalih. Marami itong gustong puntahan o gawin na kasama siya. Halos
puno na nga ang planner nito. All of those are their supposed to be activities
together.
Maya-maya lang nakarinig na sila
ng, “Ehemm..” mula kay Alaine. “PDA is good but not all the time.” Biro niya sa
dalawa. “Mind if you’ll take a look at this?”
Tumayo naman si Mhalih at natuwa
siya sa nakita. “Ang cute, Ate! Super like!” Hawak nito ang papel na may print
out ng design at masayang ipinakita kay Matt na prenteng nakaupo pa rin sa sofa.
“Hon, ang ganda! I like it!”
“My
first love’s the best… That I want it to be my last.”
Ito ang statement na nasa shirt
para kay Mhalih. My design ito na heart shape sa bandang kanan.
“I
want you to be my last love coz you’re the best.”
Ito naman ang statement na nasa
shirt ni Matt. May design ito na rose sa bandang kaliwa. Parehong kulay ng font
ang ginamit. Magenta. Pati na rin ng kind of font which is Forte. Pati na ng
kulay ng shirt na gagamitin which is black.
“So, okay na ba yan?” Tanong ni
Alaine sa kanila.
“Oo, ate! Okay na to.” Masayang
sagot ni Mhalih. “Balikan nalang po namin. Thank you po!”
Chapter 2 – Luke
10 p.m. to 10 a.m. ang naging duty
niya for this day kaya naman ay sobrang bangag na siya. 16 hours na siyang
dilat at gustong gustong gusto na niyang matulog. Pagkatapos, mamayang gabi ay
papasok na naman siya.
He’s Luke Rodriguez, 22 years old
at isang call center agent. Or rather team leader. Kaka-promote niya lang last
month.
“Nak, kain ka muna bago ka
matulog.” Aya sa kanya ng kanyang butihing ina.
“Busog na ko, ‘ma. Matutulog na po
ako.” Magalang niyang pagtanggi rito.
Papasok na siya ng kuwarto nang
harangin siya ni Matt, “Kuya, may extra ka ba diyan?” halos pabulong na tanong
sa kanya ng nakababatang kapatid.
“Pan-date na naman?” balik-tanong
niya rito.
Kumamot lamang ito ng ulo bilang
sagot.
Dumukot naman siya sa wallet ng
limandaang piso at iniabot rito.
“Thanks kuya!” Masayang tinanggap
ni Matt ang pera.
Pumasok na si Luke sa sariling
kuwarto.
Magbibihis na sana siya ngunit napansin niya sa loob ng
kanyang cabinet ang isang hindi pamilyar na damit. “Kanino ‘to?” takang tanong
niya sa sarili.
Hindi niya naiwasan ang humanga
nang hugutin niya ito mula sa maayos na pagkakatupi at makita ang buo nitong
itsura.
It’s a black shirt with a
statement, “I want you to be my last love
coz you’re the best.”
Hindi pa siya nakuntento at
isinukat pa nito ang damit. It fits him.
“Baka kay Matt ‘to. Masuot nga ‘to
minsan.”
Ganon naman silang magkapatid, naghihiraman at
nagpapalitan ng mga gamit. Muli niya itong hinubad, itinupi at ibinalik sa loob
ng cabinet.
Kumuha na siya ng damit na
pambahay, nagbihis at naghanda ng matulog.
“Good mornyt world. Welcome to dreamland.” Bati niya sa sarili.
“Luke, uso rin ang lovelife. Try
mo.” Muling pang-aasar sa kanya ng isa sa mga ka-trabaho niya. Kasalukuyan
nilang break time at nasa loob sila ng isang 24/7 na fast food chain.
“Alam mo, Riza. Huwag mo akong
paringgan kasi kahit anong gawin mo, hindi kita liligawan.” Pagsakay niya sa
biruan.
“Utang na loob, Rodriguez! May
asawa’t anak na ako. Huwag ako at baka majombag ako ni Erwin.”
Tawanan ang grupo.
“Oo nga, TL, konti nalang iisipin
na namin na fafa ang hanap mo. Straight ka ba talaga?” Biro naman ni Joey sa
kanya.
“Straight cut gusto mo? Tigilan
niyo nga ako. Kayo nga, hindi ko naman kayo pinakekealam sa mga love life niyo tapos
yung sa akin, masyado kayong usi.” Katwiran niya sa mga ito. “Tsaka, bata pa
ako noh.”
“Kuya, mag ti-23 ka na next month.
Hindi ka na bata, pwede ka ng gumawa ng bata kamo!” Ani Rex at nakipag-apir pa
ito kay Joey.
Tawanan na naman.
He knows he will never win these
guys.
Hindi na lamang niya ulit pinatulan
ang iba pang mga sinabi ng mga ito at nakitawa na lamang siya. Wala rin namang
magagawa ang mga ito. It’s his choice to remain single.
He’s a proud member of NGSB. As in
“No Girlfriend Since Birth.” Pero para sa kanya, “So what?!” Kasalanan na ba
ngayon ang hindi mag jowa kaagad?
At least he is so much sure to his
self na babae pa rin ang hanap niya. Na plano
pa rin naman niyang magkaroon ng sariling pamilya in the future.
Pero sa ngayon kasi, nakafocus siya
sa pagpapatayo ng bahay para sa pamilya and at the same time ay sa kanyang
career.
He has many plans at nasa huli ng
kanyang listahan ang lovelife.
He’s turning 23 at sa tingin naman
niya ay masyado pa siyang bata para pumasok sa isang seryosong relasyon. Tsaka
nalang yon, kapag okay na ang mga nauna niyang plano .
Actually, marami rin namang babae
ang nagpapakita ng pagkagusto sa kanya. Kahit noon pang estudyante pa lamang
siya, hanggang ngayon na nagtatrabaho but still there’s no girl who fully got
her attention.
She had crushes pero wala namang
lumalim sa mga iyon.
A crush is a crush, nothing more,
nothing less. Well, that’s for him.
Ano nga ba ang gusto ni Luke
Rodriguez sa isang girlfriend to-be?
Simple lang.
Yung babaeng makakapagpalakas ng
tibok ng puso niya just by simply staring at her.
And when that happens, yon na yon!
Napana na siya ni Kupido.
Corny na kung corny but he strongly
believes in Love at first sight.
It’s his deepest secret that no one
knows except himself.
-00-
He knows that he is in a dream pero
parang totoo ang lahat ng nangyayari.
Everything is white.
Except for a girl who is wearing
red na natatanaw niya sa malayo.
“Who is she?” Takang tanong niya sa
sarili.
Sinubukan niya itong lapitan ngunit
sa tuwing lumalapit siya rito ay tila lumalayo naman ito.
“Hey, stop!” Sinubukan rin niya
itong pigilan.
Huminto naman sa paglalakad ang
babae at lumingon.
Tila huminto rin sa pagtibok ang
puso niya. Woahh.. She’s beautiful!
Is she his soulmate?
Why does the world stops from
revolving?
“Sino ka?” tanong niya rito.
Pero hindi sumagot ang babae.
Nginitian lamang siya nito at tuluyan ng lumayo.
He chased her but then nawala na
ito ng parang bula.
“Kuya…. Kuya….” Ngayon naman
someone’s calling him.
He knew this voice. Bakit nasa
panaginip rin niya ang kapatid?
The white background is slowly
starting to fade.
“Kuya. Kuya.”
“Uhhmmmm…”
“Alas siyete na. Kakain na daw tayo
ng hapunan.” Patuloy na panggigising ni Matt sa kanya.
Chapter 3 – Melissa
“Matt, wait!” tawag ni Melissa sa
dating kasintahan.
Huminto sa paglalakad si Matt at
hinarap ito. “Pwede ba Mel, tigilan mo na ako. Matagal na tayong tapos.” Paki-usap
naman niya dito.
“Pero, Matt. You never listen to
me! Pakinggan mo naman yung side ko-…”
“Para
saan pa? Masaya na ako ngayon. Mahal ko na si Mhalih. Move on.”
“Hindi ko kaya, Matt.”
“Pwes, kayanin mo. Dahil hindi na
ako babalik sa’yo.” Muli na niyang tinalikuran si Melissa.
Melissa couldn’t control her tears.
Tila may sarili itong mga isip na may pagkukusang lumabas sa kanyang mga mata.
He loves Matt so much. At alam
niyang mahal din siya nito. It was more than a year ago since they broke up
pero masakit pa rin ang nangyari.
Rewind….
It was more than a year ago, one
fine Saturday
“Babe, where are you?”tanong ni Matt
kay Melissa over the phone.
“I’m coming babe. Wait lang.”
Masaya niyang imporma sa nobyo.
It’s their special day today. Their
first love anniversary at excited siya sa inihandang surpresa ni Matt para sa
kanya.
Matt has been a very sweet
boyfriend to him for the past year that they have been together. Minsan nga ay
nadadaig pa siya nito.
Malalakas na katok sa pintuan ng
kuwarto niya ang nauligan niya. “Ate Mel! Ate Mel! Si Daddy!” Tila histerical
ang younger sister niya na si Marie.
Dali-dali niyang binuksan ang
pinto. “What happened?”
“He’s- he’s not breathing!” umiiyak
nitong paalam sa kanya.
Dali dali siyang sumugod sa kuwarto
ng ama.
Nagpanic na siya. Pakiramdam niya
pati siya ay na-stroke na rin.
She then later realized na nasa
hospital na siya at kinocomfort ng pinsan niya na si John. “Cuz, are you okay?
Kumain ka muna.” Alok nito sa kanya.
She didn’t feel like eating. “Si
Dad?”
“He’s already stable.” Masaya
nitong balita sa kanya.
She suddenly felt released.
Oh, shi! She forgot everything! Her
phone, her date today, her boyfriend.
“John, can I borrow your phone?”
Iniabot naman ito ni John sa kanya.
She dialed Matt’s number but it was
off.
Gusto pa sana niyang pumunta sa meeting place nila
kahit pa na ilang oras na ang lumipas but still she can’t left her family
especially her dad in times like this.
Sorry,
Matt. I’ll talk to you later…
Pumasok na siya sa kuwarto ng ama.
Pagka Monday ay pumasok na siya ng
eskwelahan. Inagahan pa talaga niya para makausap muna si Matt bago siya
tumuloy sa first subject niya.
But sadly, Matt just ignored her.
Naintindihan naman niya iyon. Galit ito sa kanya. So she decided not to talk to
him muna that day. Papalipasin muna niya ang galit nito.
After a week, she tried again to
talk to him but still ay iniignora pa rin siya nito.
“Matt, please. Let’s talk. I’m
sorry. I wasn’t…”
“Shut-up, Mel. Tapos na tayo.”
Boom!
“Pakinggan mo naman yung side ko…”
Naiiyak na niyang sabi dito. She’s still hoping na mababago pa niya ang isip ng
nobyo.
Tuluyan na siyang nilampasan ni
Matt. Wala talaga itong balak na makinig sa kanya.
Sa paglipas ng araw, nabalitaan na
lamang niya na lumalabas na ito kasama ang Journalism Org member na si Mhalih.
And she’s hopeless.
She tried to move on but still all
this time, si Matt pa rin ang mahal niya.
End
of Flashback
She’s Melissa. The Campus Queen
slash Ms. Friendship slash Dean’s Lister.
Some, well actually most of her schoolmates used to call her, Miss
Beauty Brainy.
Yes she’s popular. Everyone knows
her name.
She’s taking up B.S. Accountancy.
Sabi nga ng iba, nasa kanya na raw
ang lahat. Pati na ang maayos na estado sa buhay. Bonus nalang din ang
pagkakaroon ng basketball heartthrob na boyfriend sa katauhan ni Matthew
Rodriguez.
But that bonus was now in the past
now. A part of her past, a part of her life that has been lost.
She never loved any man except for Matt.
Pero dahil sa isang pagkakamali niya ay nabura lahat ng magagandang pinagsamahan
nila.
After their official broke-up, many tried to woo her but everyone just failed.
She can’t move on and therefore she
can’t love another man.
And that’s her
reality.
Sa ngayon ay masaya na siya sa
piling ng pamilya at mga kaibigan.
Being single wasn’t that bad.
At least, everybody can be near her
but actually not be so much close to her heart.
Because there’s only one man who
already entered it and brought the key so that no one could ever enter her
heart.
Ngunit sa kasamaang palad, iba na
ang nagmamay-ari ng puso ng isang Matthew Rodriguez at hindi na si Melissa Cruz.
A
bitter truth….
Chapter 4 – Jail Booth
It’s the Foundation day of their
school.
Kapag sinuswerte nga naman, may
naupuan na bench si Matt na hindi pala dapat upuan. Jail booth ang
kinahantungan niya. Hindi niya napansin na may post-it palang nakadikit sa
gilid nito na nagsasabing bawal itong upuan for the whole day.
Siya ng tanga, siya pa careless. He
left her phone and wallet on his locker kaya he had no choice but to stay on
the jail booth for 3 hours.
After an hour of staying there, may
isa pang estudyante na pinapasok rin dito.
“Pwede ba! Let me go! I was there
to study hindi para makigulo sa booth niyo.” Pagpupumiglas nito. But still,
hindi siya pinakinggan ng mga “pulis patroller” at ikinulong pa rin siya ng mga
ito.
“Mel?” ani Matt sa bagong kasama sa
kulungan.
“Matt!” Gulat nitong tawag sa
pangalan niya.
“What are you…” Sabay pa nilang
sabi sa isa’t isa. Natawa nalang sila later on.
“What sin?” tanong ni Mel sa kanya.
“Umupo ako sa isang forbidden
bench. You?”
“Forbidden table sa library. The
worst, bawal magmulta.”
Awkward…
They both felt it.
Isang nakabibinging katahimikan ang
naghari sa loob ng maliit na kulungan na iyon.
They both had question in mind na
sila lang ba ang tanga sa buong campus na iyon dahil for the past two hours ay
sila lang ang nakulong.
“Nung anniversary natin, sinugod si
Dad sa hospital.” Out of nowhere niyang kuwento sa dating nobyo. “I forgot
everything. Pakiramdam ko na-stroke rin ako. I’m sorry, Matt.” Muling nanariwa
kay Melissa ang pait ng naging love story nila ni Matt.
Matt was shocked. He never knew
this part of their story.
“I’m sorry too, Mel. Hindi ako
nakinig.” Naging unfair siya para dito. “Pero sino yung guy na nagsakay sa’yo
sa kotse?”
“Pumunta ka sa bahay?” Gulat naman
niyang balik tanong dito.
“Yupp. Nag-alala ako so pumunta ako
at nakita ko nalang na sinasakay ka na nung lalaki sa kotse. Gusto ko sanang
sumugod at sapakin yung lalaki but I was scared. And hurt. Tila kusang loob
kang sumasama sa kanya. I thought, siya na yung pinalit mo sa akin.”
“It was John. He’s my cousin. He
took care of us. Siya ang nagdala sa akin sa hospital. When I saw dad lying on
the floor helplessly ay tila huminto na rin ang mundo ko. Nang maisakay daw si
Dad sa ambulance tsaka niya ako isinakay sa kotse niya.” She cried again
remembering this hurtful past.
Matt hugged her. “Sorry talaga,
Mel. Sorry.” He kissed her.
“Matt…”
Parang binuhusan ng tig-isang
timbang crushed ice ang dalawang nasa kulungan.
“Mhalih!” Sabay pa nilang bati sa
kanilang bisita.
She was looking for Matt. May
usapan sila na manonood sa school theater ng film showing na project ng org
niya para sa foundation day. Lumipas na ang isang oras ngunit wala pa rin si
Matt sa theater. She even called him pero hindi nito sinasagot ang tawag niya.
Hinanap niya ito sa buong kampus.
“Hi, Annie! Nakita mo ba si
Matthew?” tanong niya sa nakasalubong na schoolmate.
“Oo kanina. Parang nahuli yata siya
ng mga pulis patroller. Check mo sa Jail Booth.”
“Ah.. Eh, nasaan ba yung Jail
Booth?” Tanong ulit niya.
“This year nasa basement sila.”
Imporma nito sa kanya.
“Thanks ha!”
“K.”
“Mhalih!” tawag sa kanya ng isa sa
mga kaklase niya.
Nilingon naman niya ito. “Oh, bakit
Jo?”
“Makikisuyo sana ako, pwede bang pakipa-print naman itong
term paper natin. May aayusin pa kasi ako para sa group defense natin next
week.” Sabay abot nito sa kanya ng isang USB.
She had no choice. Leader niya ito
sa subject niyang Business Management kaya kailangan niyang sumunod. “Okay,
sige.” Later nalang niya pupuntahan si Matt sa Jail Booth.
“Term Paper ang file name. Thank
you ha. Pasensiya ka na sa abala.” Pagkatapos ay umalis na ito.
-00-
She heard what the two prisoners
were talking about as she witnessed how these former couple kissed.
“Hon..-” gusto sanang magpaliwanag
ni Matt sa kung ano ang nakita ni Mhalih.
“Break na tayo!” Umalis na siya sa
lugar na iyon where it feels like hell.
That damn jail booth is a lot like
hell.
Sa dami ng makukulong don bakit
sila Melissa at Matt pa. Sana
siya nalang. She would love to be in that place with her Matt, her love, her
boyfriend, her future husband, her life time partner. Pero hindi eh.
All this time, si Melissa pa rin
pala ang mahal ni Matt. Akala niya naka move on na ito at siya na ang mahal. But
she was shitly wrong.
Parang unti unti na ring gumuho ang
mga pangarap niya na kasama si Matt.
She dreamed to be Mrs. Matther
Rodriguez five to seven years from now pero mukhang malabo na itong mangyari.
Ang tanga tanga niya lang dahil
ibinigay niya ang isang daang porsiyento ng pagmamahal para dito that he truly
doesn’t deserve.
Nakalimutan na nga niya yatang
magtira para sa sarili niya dahil sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon.
Pakiramdam niya, hindi lang siya
galit kay Matt at Mel, pero pati na rin sa buong mundo. Why on earth, she met
someone like Matt na lolokohin lang siya at paglalaruan. Now she realized kung
bakit ito hindi masyadong sweet sa kanya. May iba pala itong mahal, the worst
ay sa ex-girlfriend pa nito.
Ni hindi pa nga siya nito
napapakilala sa pamilya habang siya ay malugod niya itong pinatuloy sa sariling
tahanan. Her mom and dad already treated Matt as their son.
Ang sabi sa kanya ni Matt noon,
tsaka nalang daw siya ipapakilala kapag ayos na ang bahay nila. Kasalukuyan daw
kasi itong unti-unting ipinapaayos ng kapatid nito.
Now
I know, ayaw mo lang talaga akong ipakilala sa pamilya mo dahil si Melissa ang
mahal mo at gusto mong pakasalan!
How she wished that that jail booth
would be real. Madaig pa sana
nito ang kulungan sa Muntinlupa at nawa’y huwag ng palayain ang dalawang
nakabilanggo roon sa mga oras na ito. Ever!
Pag-uwi niya sa bahay at nagkulong
na rin siya sa sarili niyang kulungan.
Naglagay pa siya ng karatula using
her mini white board sa pintuan ng kuwarto niya.
BEWARE! THE GIRL IS ON FIRE! GRRR…
DO NOT DISTURB.
Natawa na lamang ang kanyang ina ng
mabasa ito.
May sapak na naman ang
pinakamamahal nitong unica iha. “Maria Luisa, lumabas ka diyan mamayang hapunan
ha!”
She opened her laptop at binuksan
niya ang blogsite ni Sassy.
Sa ilalim ng article nito about
Couple’s Shirt ay bitter siyang nag comment.
Those
couples’ shirts are not for real!
Eksakto namang naka-online rin si Sassy
at sinagot ito. Bitterness is next to
ugliness! Haha… Don’t give up, girl. Smile always. The right one for you is
just around somewhere. Love you my avid follower! J
Chapter 5 – Mending a broken heart
Isang seminar ang kailangang
puntahan ni Mhalih sa Baguio
sampu ng mga kasamahan niya sa Journalism Org.
Para sa kanya ay perfect timing ito
para na rin pansamantalang makalimot ang sugatan niyang puso. She hopes that
this three-day seminar would help to ease her aching heart. Of all the things
she could ever see, never in her imagination na makikita niya ang sariling boyfriend
na nakikipaghalikan sa iba. The worst ay sa ex-girlfriend pa nito.
Para sa kanya ay hindi naman siya
ganun ka bad para parusahan ni Papa God.
Naging tapat naman siya kay Matt. Sa
mahigit tatlong buwan nilang pagsasama, all she ever thinks is to be with him
forever. May katapusan rin pala ang lahat. When she thought of the happy
memories they shared together for a short period of time, imbes na matawa ay
naiiyak siya.
“Mhalih!” Putol ng president nila
sa Org sa pagmumuni muni niya. “Mag-iistart na ang seminar.” Imporma nito sa
kanya.
Pinunasan niya ang mga pisngi bago
lumingon. Mapait niya itong nginitian. “Okay!” Sumunod na siya rito.
I
am here for a seminar not for reminiscing… Sita niya sa sarili.
His heart beats so fast. Halos mabingi na siya
sa sobrang lakas ng kabog nito.
Who the hell is she? Pagpasok ng babaeng ito
sa loob ng conference hall ay parang tumigil sa pag-ikot ang kanyang mundo. Parang
nakita na niya ito somewhere. Hindi nga lang niya matandaan kung saan at
kailan.
“Ahmm, sir. We are about to start.”
Paalala sa kanya ng President ng Org. na iyon.
Tinanguan naman niya ito.
“Let’s all welcome, Mr. Luke
Rodriguez! The former president of our Journalism Org.” Pakilala sa kanya ng
current president ng nasabing org.
He knows what to say pero bakit
walang lumalabas sa bibig niya?
He knows that there are fifty
participants inside this room pero bakit tila isang tao lang ang nakikita niya?
“Luke…” untag sa kanya ni Marie,
ang kasalukuyang president ng Org.
“Ah.. I’m sorry.” Tangi niyang nasabi.
Whuu..
Ano bang nangyayari sa akin? Don’t be distracted, Luke! You have something to
say. Sita niya sa sarili.
He tried to compose his self again
and played his role for this event.
Mukha
siyang nasapian. Ani Mhalih sa sarili niya habang nakatingin sa lalaking
natulala kanina pero ngayon ay masaya ng nagdidiscuss sa kanila.
Anyway, she found him cute. Bakit
kaya hindi nito pinursue ang pagiging journalist at bagkus ay nagtrabaho sa
isang call center? Para sa kanya ay over qualified ito para maging isang call
center agent lang. Dapat rito ay sa mga sikat na pahayagan nagtatrabaho.
Base sa chika ng katabi niya, graduate
daw ang kanilang speaker ng AB English. Grauduating na ito ng pumasok siya sa
unibersidad as freshman.
Hilig lang daw nito ang pagsusulat
kaya’t sumali ito sa Journalism Org during his college days.
Parang siya lang. HRM ang course
niya pero miyembro siya ng org na ito. She loves reading and writing articles.
Madalas ay nasa sports section siya dahil mahilig rin siya sa sports, although
ang sports na mismo ang walang hilig sa kanya.
Isa pa sa mga nalaman niya ay kuya
pala ito ng magaling niyang ex-boyfriend. Ito marahil ang tinutukoy ni Matt na
nagpapagawa ng bahay nila.
Wala naman siyang makapang galit o
inis para dito. Kahit pa na kapatid ito ni Matt, eh ano naman? Hindi naman ito
ang nanloko sa kanya.
-00-
Maagang natapos ang seminar kaya’t
may oras pa sila para makapamasyal. She decided to walk on her own. Wala lang,
trip niya lang mapag-isa. Sayang ang moment. Baka sakaling may maisip siyang
paraan kung papaano makalimot agad-agad.
Ilang beses na siyang nakapunta
rito sa Baguio
kaya’t medyo nakabisado na niya ang mga lugar rito lalo na ang mga sikat na
pasyalan.
Ang target niya ngayon, Burnham Park .
Wala lang, trip lang din niya
mag-bike. Sa bike niya ibubuhos lahat ng galit niya sa mundo.
Dalawang linggo na ang lumipas pero
hindi pa din lumilipas ang sama ng loob niya at nagbabaka-sakali siyang
mabawasan iyon sa pamamagitan ng pagba-bike.
“Woahh! Easy!” initial reaction ng
lalaking muntik na niyang mabangga. Medyo napabilis ang pagmamaneho niya ng
bike mabuti na lamang at malakas ang preno nito kaya’t nakahinto siya kaagad.
Bwisit
kasing Matt na yan! Paninisi niya sa walang kamuwang muwang na ex-boyfriend.
“Sorry. Pasensiya ka na, ano kasi
Kuya Luke may iniisip lang ako…”paliwanag niya.
“Nakakabadtrip naman yang Kuya Luke
mo. Luke nalang.” Nagpakawala pa ito ng isang pagkatamis tamis na ngiti.
Mhalih tried to ignore that special
and strange feeling ng makatitigan ang lalaking ito.“Ano pong ginagawa mo
dito?” tanong niya. Sabay na silang nagba-bike.
“Gaya mo.” Maikli nitong sagot.
“Nagsesenti?”
“Huh? Nagba-bike rin.”
“Ah. Kala ko kasi.”
“Yun ba ang ginagawa mo rito?”
“Medyo.”
“You’re Mhalih right?”
Tumango naman siya. “Small world po
noh? Kapatid mo yung ex-boyfriend ko.”
Napatigil naman si Luke sa
pagba-bike. “Your Matt’s girl?”
Pati siya ay napahinto rin.
“Correction. Ex. Hindi po ba niya nasabi sa inyo na may girlfriend siya?”
Anyone can see bitterness in her eyes. Mapait siyang ngumiti. “Well, hindi na
ako nagtaka. Kasi po mukhang wala naman talaga siyang balak na ipakilala ako sa
inyo.”
“Sorry to hear that. Anyway, sayang
ang bakasyon kung uubusin mo lang ang oras mo kakaisip sa mga masasakit na
bagay.” Ani Luke sa kanya. “It’s been a while mula ng magleave ako from work so
I think I deserve this. You too should enjoy.” Muli na naman itong nagpakawala
ng tumataginting nitong killer smile.
Masaya niya itong tinanguan bilang
pag-sang ayon. Nakakahawa ang happy aura ni Luke.
“One more thing, stop that Po and Opo. I’m not that old.” Paki-usap ni Luke.
Natawa naman siya. Oo nga naman.
Hindi nga naman ito ganun katanda. Kung titignan ito ay parang halos magkasing
edad lang sila ni Matt.
Aww..
Matt na naman..
-00-
It’s been a tiring yet fun day for
both of them.
Masaya silang namasyal sa Burnham.
Sumakay pa sila ng bangka sa manmade lake.
They even went to Baguio Cathedral
and had their dinner at SM Baguio.
Tomorrow they planned to go to Right Park ,
The Mansion, then at the Mines
View Park .
Ilang beses na niyang napuntahan
ang mga nasabing lugar but still she felt excited. Masayang kasama si Luke.
He’s a true gentleman and she felt secure as her company. They never had a dull
moment. Marami itong baong kuwento. And they share the same interest which is
writing.
More on literature si Luke habang
siya naman ay sa Sports at Current Events.
Later she found out na kaya hindi
nito pinursue ang pagsusulat at mas piniling mag call center dahil ayaw niyang
ma-pressure sa bagay na kinahihiligang gawin.
They both love writing and for them
it is just a hobby but not a profession. That’s the one thing they had in
common.
They even promise each other na
magiging follower ng kani kanilang mga blog site.
Chapter 6 – The Couple’s Shirt
“Ba’t suot mo yan?!” nagtatakang
tanong ni Mhalih kay Luke kinabukasan ng magkita sila sa Sunshine Park .
Kahit na naka jacket ito ay litaw ang panloob nitong suot na t-shirt.
Kahit si Luke ay nagulat rin sa
suot na damit ni Mhalih.
It maches the shirt he’s wearing
right now. Malay ba niyang couple’s shirt pala iyon.
“Sorry, hindi ko alam.” Aniya kay
Mhalih. “Hindi naman sinabi sa akin ni Matt.”
“It’s okay.” Sagot naman niya dito.
It’s
nothing important now. We were already done. Sabi niya sa sarili.
Kung bakit naman kasi isinama ito
ng mommy niya sa bag niya. “I even don’t like wearing this. No choice lang.
Wala na akong damit eh.” Last day na nila sa Baguio at ito nalang ang natitira niyang
malinis na damit. Ngayon nagsisisi siya kung bakit ipinaubaya niya sa ina ang
pag-iimpake.
“Huwag na natin i-spoil ang araw
dahil lang sa damit na ‘to. Isasara ko nalang yung jacket ko.” Luke suggested
at isinara nga niya ang zipper ng jacket niya.
“Let’s go?” tanong niya sa dalagang
kasama.
Masaya namang tumango si Mhalih.
Patungo na sila sa Right Park .
From Sunshine Park ay pwede ng
lakarin papuntang Right
Park .
“Gusto mong sumakay sa kabayo?”
tanong sa kanya ni Luke.
“Scared.” Tila nahihiya niyang
sagot. Takot kasi talaga siyang sumakay ng kabayo. When she was seven ay
aksidente siyang nahulog mula sa kabayo. From then on ay takot na siyang
sumakay rito. “But don’t mind me!” Bawi niya. Ayaw naman niyang makasira sa
trip nito. “Sige lang, sakay ka na. Okay lang ako. Pipicturan nalang kita.” She
smiled at him but she is so much sure that it cannot hide her fear.
“Sir, isama niyo nalang po yung
girlfriend niyo. Dalawa nalang po kayo dito kay Matikas.” Sabi ng isang
binatilyo na nakikinig sa usapan nila. Ang tinutukoy nitong Matikas ay ang
brown nitong kabayo. Bagay naman rito ang pangalan dahil malaki ito at mukhang kaya
nga nitong isakay ang kahit tatlong tao pa.
“Ay, naku kuya. Hindi ko po siya
boyfriend.” Tanggi naman niya. “Tsaka okay lang po. Siya nalang po ang sasakay.
Ay!” Nagulat nalang si Mhalih ng biglang umangat sa lupa ang mga paa niya at
nasa bisig na siya ni Luke.
“Mas enjoy pag may kasama. Don’t
worry, hindi naman kita ihuhulog.” He assured her.
Somehow she felt secured. Parang
kahapon lang. Even though they were still strangers with each other, pakiramdam
niyang safe talaga siya piling nito.
Ini-apak na niya sa paddle ng
kabayo ang kaliwang paa.
No choice, nasa ibabaw na siya ni
Matikas at nasa likod naman niya si Luke, nakapalibot sa kanya ang matikas rin nitong
balikat.
Wiw!
Damsel in distress!
Muli niyang naalala si Matt. She
put on her planner na pupunta silang Baguio
at sasakay rin ng kabayo wherein she’s willing to overcome her fear makasakay
lang ito.
Erase! Erase! Erase! Hindi niya
napigilan ang mailing.
“Takot ka pa rin ba? Gusto mo ng
bumaba?” Nag-aalalang tanong ni Luke sa kanya.
“Hi-hindi. Okay lang ako. Hindi na
ako takot.”
Besides sayang ang thirty minutes na renta
nila kay Matikas. Sulitin nalang nila.
-00-
“What if ganito kahaba ang aisle na
lalakarin mo papunta sa altar kapag kinasal ka? Hindi ka kaya mapagod? Hahaha!”
Adik niyang tanong kay Luke.
Kasalukuyan na silang naglalakad
patungo sa The Mansion na may katapat na mahabang water pond.
Pinatulan naman ni Luke ang tanong
niya. “Siguro kung mahal mo talaga yung taong pakakasalan mo, hindi ka
mapapagod. Bibilisan mo pa ang pagmartsa papunta sa kanya.” Tumawa pa ito.
Hindi rin napigilan ni Mhalih ang
matawa, “May point ka diyan! Hahaha! Imbes na martsa, marathon ang mangyayari.”
Muli niyang naalala ang mga naudlot
na pangarap. She dreamed of having Matt as her groom. But now she knows na
hindi na ito mangyayari.
“Oh, bakit ginugusot mo yang mukha
mo?”
Mapait niyang nginitian si Luke.
Buti nalang at napigilan niya ang mga luha sa pagtulo. “May naalala lang ako.”
“Di ba nagpromise ka kahapon? Na we
will enjoy this day. Wala munang senti. Happy thoughts lang.”
Oo nga naman. She can’t really spoil this day. She needs
this.
“Sorry.”
Hinila siya nito sa kanyang kamay
na hinayaan naman niya. “Tara , pa-picture tayo
dun sa gate!” Tumakbo na si Luke kasama siya papunta sa malaking bakal na gate
ng The Mansion.
Then they had a long stay at Mines View
Park .
Nakatitig lamang siya kawalan.
“Hindi mo talaga mapigilan ang
sarili mong mag-senti noh?” Basag ulit ni Luke sa trip niya.
“Hindi ah. Ina-appreciate ko lang ng
mabuti ang ganda ng tanawin. Alam mo na, walang ganyan sa Manila .” Pagsisinungaling niya.
“Humahaba na yung ilong mo.” Biro
ni Luke.
Tinignan naman niya ito ng masama
and she pouted.
Luke laughed. He couldn’t control
himself. Kinurot niya si Mhalih sa magkabilang pisngi.
“Aray!”
“Hehe. Cute mo kasi eh!” Ani Luke
sa kanya.
Muli niyang naalala ang madalas na
pagkurot ni Matt sa kanyang ilong kapag pinipilosopo niya ito. “Paano ba
makalimutan ang isang taong minahal mo ng sobra?” Bigla niyang pagseseryoso.
Nabigla naman si Luke. “Ano bang
klaseng tanungan yan?” Kunot pa ang noo nito.
Mapait naman niya itong nginitian,
“Hindi mo naman kailangang sagutin. Actually, iniisip ko na ang sagot. So kapag
sinagot mo, wala na akong iisipin.” Tumawa siya sa huli. A fake smile indeed.
“It takes time. Walang short cut.”
Sinagot pa rin ni Luke ang tanong niya. “At sa paglipas ng panahon, tatlo lang
ang marerealize mo.”
“Anu-ano naman yon?” Follow up
question niya.
“Hindi mo pala siya mahal, inlove
ka lang sa idea na may karelasyon ka. Hindi mo siya kayang kalimutan dahil
mahal mo pa rin siya. At hindi mo na siya mahal.”
“Wow.” Hindi niya napigilang
masabi. “Ang lalim mo pala. Anyway, so what’s the point? Does it really take a
long time? Hindi ba pwedeng agad-agad?”
“Pwede naman siguro. When you fall
for someone unexpectedly. Pero mahirap din yun, kasi baka isipin ng guy,
rebound mo lang siya. And if that guy loves you that much willing siyang
maghintay sa tamang panahon.” He sigh. Sana
tama ang mga pinagsasabi niya. Hindi rin niya alam kung saan niya hinugot ang
mga salitang binibitawan.
Mhalis was somehow amazed. Parang
may pinanggagalingan ang mga sinabi ni Luke. Hindi kaya….“Magtapat ka nga sa
akin, Luke.” Matiim niya pang tinitigan ang binata.
“Huh? A-ano namang ipagtatapat ko?”
Tila kinakabahan nitong tanong sa kanya. Bistado na ba siya? Ganun ba siya
ka-obvious? Eto nga’t nauutal pa siya. Malamig sa lugar na kinatatayuan nila
ngayon pero parang gusto na niyang pagpawisan.
“Ikaw ba si Papa Jack? Or yung
tagapayo niya?” adik na tanong ni Mhalih sa kanya.
He laughed hard. Somehow he felt
relieved.
Nahawa naman siya sa tawa nito kaya
pati siya ay natawa na rin sa sariling joke.
“Hay naku, Luisa. Ewan ko sa’yo. Tara na. Mamili na tayo ng pasalubong. Baka gutom ka na rin kaya ka na
nagkakaganyan.”
Nauna na siyang umalis sa
tinambayan nila at nakasunod naman si Mhalih sa kanya na tumatawa pa rin.
Hindi niya ma-imagine na sa kabila
ng pinagdaanang pagkabigo sa pag-ibig ay eto siya at nakikipagtawanan kay Luke.
Kaya naman pala niyang maging masaya kahit hindi si Matt ang kasama niya.
Chapter 7 – Realized
“Please Mhalih, mag-usap naman
tayo.” Pakiusap sa kanya ni Matt. Nakasalubong niya ito sa kanilang college
hallway.
Umatras siya at ang balak niya ay
sa iba nalang siya dadaan papunta sa kanyang next classroom. “Tapos na tayo,
Matt. Wala na tayong dapat pag-usapan.”
“Pero-..”
“Look Matt.” Putol niya sa mga
sasabihin pa sana
ni Matt. “I don’t love you that much. I
was just so much inlove with the idea of having a boyfriend at nagkataon lang
na ikaw ang boyfriend ko sa mga panahong iyon. But now I realized that I was
all wrong.” Pagtatapat niya rito. “You were my first boyfriend kaya siguro
akala ko ay ikaw na talaga ang para sa akin.”
Wala mang sabihing si Matt, alam
niya na shocked ito. Maybe he has thought na sobra siyang nasaktan nito.
Tinalikuran na niya ito.
Their conversation as well as their
relationship is now finally over.
-00-
She misses someone so much and
she’s so much sure to herself who he is.
Ano
kayang ginagawa niya? Tanong niya sa sarili. She tried to dial his number
pero naisip din niya na baka makaistorbo lang siya dito.
Kukumustahin
mo lang naman. Wala naman sigurong masama dun. Aniya sa sarili.
Kring! Kring! Her heat beats fast. Oh my! Bakit may ganitong factor? Mas
lalong nag-ingay ang puso niya nang may sumagot na sa kabilang linya.
“Hello?” Nakakapaso sa lamig ang
boses ni Luke.
Is
there something wrong? “Hello, Luke. May problema ka ba? Wrong timing ba
ang pagtawag ko. Pasensiya ka na. Sige, ba-bye.”
“We-wait!” Pigil naman nito.
Buti nalang hindi niya pa naibaba
ang telepono. Hay. Thank you! “Bakit
napatawag ka? May kailangan ka ba?” Tanong nito sa kanya using his coldest
tone.
Hindi na tuloy niya alam ang
sasabihin. Kung pwede nga lang niya isigaw rito na sobra na niya itong namimiss
ay kanina pa niya ginawa.
“Wa-wala naman. Tagal mo na kasing
hindi nagpaparamdam. Mangngamusta lang sana .”
Sana naman
hindi naging obvious ang talagang pakay niya sa ginawang pagtawag.
“I’m fine.” Maikli nitong sagot at
kapagkuwan ay hindi na muling nagsalita.
But still she could hear his breath
kaya malamang ay nasa kabilang linya pa rin ito.
“Ahmm. Luke, are you really okay?
Pa-para kasing may problema.” Hindi nga lang niya matantiya kung ano iyon.
“I said I’m fine.”
Hah! Mister, mukha kang hindi fine! Helller! Nag-aalala kaya ako sa’yo. Kaya
lang naman ako tumawag kasi namimiss na kita. Mula ng bumaba tayo galing Baguio I never got a call
or even a text from you. Para saan pa’t
nagpalitan tayo ng number. Ito sana
ang mga gusto niyang sabihin but she chose to be silent.
“Mhalih,” tawag sa pangalan niya ng
nasa kabilang linya.
“Yes?”
“May sasabihin ka pa ba?”
“Ah. Eh. Wa-wala na. Nangangamusta
lang naman ako eh.”
“I’m on duty.” Imporma nito sa
kanya.
Sabi
ko nga! “Okay, sige. Bye.” Hindi na niya hinintay na magsalita pa ito.
Binaba na niya ang sariling telepono.
Hay.
Ano bang nangyayari sa kanya? Pati na rin sa akin? Paulit- ulit niyang
tanong sa sarili.
She slept late because of thinking
about things. About him. About them.
Ang tanong, meron bang sila?
If only Mhalih could knew, lagi
niyang pinipigilan ang sarili na kausapin ito. Pinapatay niya ang sariling damdamin
para huwag itong lapitan o kausapin man lang. It’s because he has to.
Flash
back…
Kahit pagod sa biyahe ay masaya
siyang umuwi sa sariling tahanan.
“Hi, Ma!” Masaya niyang bati sa
ina. Niyakap pa niya ito at hinalikan sa pisngi.
“Ang saya ng kuya ko ah!” Pansin
naman ni Aling Lourdes sa anak. “Mag-aasawa ka na ba?”
Natawa naman siya sa huling sinabi ng ina. Asawa
agad? “Mama, wala pa nga akong girlfriend eh. Nasan si Matt? Nakabili ako ng
sundot kulangot.”
“Nasa kuwarto niya.” Nginuso nito
ang kuwarto ng bunso.
“Hey, Matt!” Hinagis niya rito ang
dalang pasalubong.
Nasalo naman ito ni Matt. “Thanks.”
“Ba’t ganyan ang mukha mo?” Tanong
niya sa kapatid.
Matt shrugged first his shoulder at
pagkatapos ay mapait na ngumiti. “Guilty. Dahil nasaktan ko ang isang taong
sobra akong mahal.”
Tinantiya naman niya ang sumunod
niyang tanong, “Eh ikaw? Mahal mo ba talaga siya? Kasi di ba kung mahal mo
talaga ang isang tao, hindi mo siya sasaktan at hindi mo hahayaang mawala siya sa’yo.”
“Pero kasi hinayaan ko siyang
mawala dahil sa isang maling akala. Ang tanga ko lang kasi hindi ko siya pinakinggan.
But I love her so much. Kaya lang…”
Luke thought of Mhalih. Maybe they
deserve a second chance with his younger brother. “Then fight for it.” Labag
man sa loob niya ang ipinayo sa kapatid pero sa tingin niya ay ito ang tamang
gawin.
He just realized that he was
playing so unfair for Matt and Mhalih.
Sino ba siya para manghimasok sa
relasyon ng dalawa?
Isa lamang siyang hamak na
pananggulo.
Well, If only he knew kung sino ang
babaeng tinutukoy ni Matt then maybe he wouldn’t realized that sort of thing.
Chapter 8 – Misunderstood
“Luke, bakit mo ba ako iniiwasan?”
Hindi na niya napigilang maitanong rito. For the past few days ay ito ang
nararamdaman niya at aksidente silang nagkita sa isang coffe shop na nasa loob
ng mall sa Makati .
Muli, suot na naman nila pareho ang
couple’s shirt.
Destiny
could it be…
Nilapitan niya si Luke na mag-isang
nagkakape habang may binabasang libro ngunit inignora lamang siya nito.
Hindi sumagot si Luke.
“Sagutin mo ko, Luke! Bakit mo ako
iniiwasan?!” Muli niyang tanong but this time with a higher tone of her voice. Dahilan
para mapatingin sa gawi nila ang ibang nagkakape at nakatambay sa cozy coffee
shop na iyon.
Lumabas si Luke ng coffee shop
habang hila hila siya.
“Just tell me why you are doing
this. You said you like me pero ano tong ginagawa mo?” Muli niyang tanong sa
lalaking kaholding hands sa mga sandaling ito.
Binitiwan na siya ni Luke ng
makalabas na sila ng mall. “Because I have to!” Halos pasigaw na rin na sagot
nito sa kanya. Wala naman talaga siyang balak sagutin ang tanong ni Mhalih pero
kailangan na niya ritong sabihin ang totoong dahilan.
“Pero bakit nga?!” muling tanong ni
Mhalih. “May nagawa ba akong mali ?”
“Mahal ka ni Matt. Give her a
second chance. Besides, my girlfriend na ako kaya I never contacted you. That’s
why I’m here because I am waiting for her.”
Kumunot naman ang noo ni Mhalih.
“Do you know what you were saying?” She sighed. What was he thinking?
But wait…. Hindi masyadong
nagregister ang mga huling sinabi nito…. Masyado kasi siyang nadala ng emosyon
niya.
Processing…. Processing…
Downloading….
What?!! May girlfriend na ang
lalaking sinisinta niya na sa maikling panahon na nagkasama sila ay minahal na
niya agad?
Totoo ba ang sinasabi nito na may
iba ng nagmamay-ari ng puso nito? And he’s waiting for her kaya siya nasa
coffee shop na iyon?
So what about her? What was her
role in his life kung may girlfriend na nga ito ngayon?
A fling? A simple acquaintance? A short-term
playmate, pal slash friend? Just an option dahil wala itong makaray sa
paggagala sa Baguio ?
“You’re hopeless, Luke!” Or rather I am the one who is helpless here.
“I thought it was right to go after what my heart really tells me. Pero
hindi pala.” Nagawa pa niyang masabi sa kabila ng buhol buhol na niyang
pag-iisip.
Tuluyan na niyang nilisan ang mall
na iyon with some tears in her eyes. Sana
ay hindi na lamang siya napadaan roon or rather sinadyang mapadaan.
Ang balak lang naman niya ay bumili
ng bagong portable dvd player pero dumaan pa rin siya sa coffeshop na iyon dahil
sa text ng isang mabuting kaibigan.
Boys
are really cruel! Naiinis niyang sabi sa sarili.
Of all the people she could ever
fall in love with ay sa maling tao pa. Tsk!
Flashback
again….
Two
days ago….
Nagkita sila sa school cafeteria.
“Mag-usap na tayo, Matt.”
“Una sa lahat, sorry.”Ani Matt sa
kanya.
“Go straight to the point.” Sagot
naman niya.
Matt took a deep breathe first, “Kami
na ulit ni Mel.”
Tumango tango naman siya. Somehow
she felt at ease dahil hindi na siya nasasaktan. Bagkus ay masaya siya para sa
dalawa. She knew their story and how it went.
“I’m happy for you.” Bukal sa loob
niyang sabi kay Matt. “Anyway, thanks for the memories.”
Sinukat naman siya ng tingin ni
Matt. “Hindi ka galit?”
Umiling siya. “Not anymore.” She
smiled at her. “Remember the time I told you that I was not really in love with
you? Totoo yon.”
“I can feel na meron ng ibang
nagpapasaya sa’yo ngayon.” Hinuha ni Matt. Sa kislap ng mga mata ng kausap,
alam niyang may iba ng apple of the eyes ito. How he only wished na sana nga this time ay
in-love na talaga dito ang ex-girlfriend.
“Yeah, and it just so happened that
it was your brother.” Mhalih confessed to him. Desperada na siya. Hindi na
sinasagot ni Luke ang mga tawag pati na rin ang mga text niya ng pangungumusta.
Malakas ang pakiramdam niya na iniiwasan siya nito sa hindi niya malamang
dahilan. Kaya nga eto’t nakipagkita na siya kay Matt upang humingi na rin ng
tulong rito.
“Si Kuya Luke?!” Hindi naman makapaniwalang
tanong sa kanya ni Matt. He never expected that it would be his own older
brother. How could it be? Paano? Saan? Kailan?
Marahan namang tumango si Mhalih. It’s
now or never. Kailangan niya ng tulong ni Matt. “But to hell with him! Dahil iniiwasan niya
ako simula ng bumaba kami galing Baguio .
May girlfriend na ba siya? Or the worst, bading ba ang kuya mo?” Now she’s
talking to her ex like a real friend.
Napatawa naman ng malakas si Matt.“101
percent macho yun noh.”
“Hindi naman lahat ng macho,
straight. May iba nga nga diyan, six packs ang abs pero lalaki rin pala ang
hanap.” Katwiran niya.
Naiiling na nangingiti nalang si
Matt. Sanay na siya rito. “And I also doubt na may girlfriend na siya. He
promised me, na if ever magkakaroon siya, ako ang unang makakaalam.”
“Promises are made to be broken!
Just like what your brother did.”Kontra ulit niya sa mga sinasabi ni Matt.
“Pero teka, how do you meet? He
never told me about you.” Curious na tanong ni Matt sa kanya.
Ikinuwento nga niya rito ang lahat
just like talking to a female best friend. Wala na siyang itatago. She strongly
believes na si Matt lang ang makakatulong sa kasalakuyang problemang pampuso
niya. “Ito pa, bago kami maghiwalay he told me that he likes me. Pero bibigyan
daw niya ako ng oras para makapag move-on. Para
daw marealize ko kung ano daw ba ang totoo kong nararamdaman. If the feeling is
mutual, but duh! Lahat na ng paraan para makausap siya ginawa ko pero iniiwasan
niya ako and I don’t know what the reason is.” Paghihimutok niya.
Nag- isip si Matt.
This past few days ay naramdaman
niya nga na parang may pinagdadaanan ang nakatatandang kapatid. Pati nga siya ay
iniiwasan nito.
Then he remembered something. The
day his kuya arrived from Baguio .
Mukha itong masaya nung dumating ngunit pagkatapos nilang mag-usap ay tila
nagbago na ang timpla ng mood nito. Ano nga bang napag-usapan nila noon?
“Gotcha!” Pumitik pa si Matt sa
hangin.
Tinaasan siya ng kilay ng kausap,
“Huh?”
“Parang alam ko na kung bakit.”
Muli niyang naalala ang naging takbo ng usapan nila magkapatid. “Maybe he
thought I was referring to you.”
“Huh?!” Muli namang tanong ni
Mhalih sa kausap. Nagugulumihanan siya. “Can you explain further, Matthew
Rodriguez?! I just don’t get it.”
End
of Flashback.
Chapter 9 – The Magic Words
Isang malakas na sapak ang dumapo
sa kanang pisngi ni Matt mula sa sariling kuya.
“How could you?!” Sigaw ni Luke sa
nakababatang kapatid. Nagdilim ang paningin niya ng may ipakilala ito sa
kanilang pamilya na ibang babae
bilang kasalukuyang kasintahan. He expected that it was going to be Mhalih but
it was Melissa, Matt’s ex-girlfriend more than a year ago, as all of them know.
“Luke!” sigaw ng kanilang ina dala
ng pagkabigla.
Kahit si Melissa ay na-shocked. Tinulungan
nitong bumangon ang natumbang boyfriend. “I told you! This won’t work!” sermon niya
sa kasintahan. “Masyado niyang mahal si Mhalih. Dapat kasi kinausap mo nalang
muna siya.”
Hawak ni Matt ang sariling pisngi
na nasapak, “Naisip ko lang naman, kung nandito ka at least hindi magwawala si
Kuya.” Pagdadahilan niya.
“But the other way around
happened!” Ani Melissa sa boyfriend. “Buti nga sa’yo. Kulit mo kasi eh!”
Naguluhan naman si Luke sa usapan
ng dalawa. “What the hell are you talking about?!” Naalala niya rin bigla ang
sinabi ni Mhalih sa kanya bago ito nagwalk-out. Do you know what you were saying? You’re hopeless!
Si Melissa ang sumagot, “Your
brother is still truly madly inlove with me!”
Nang akmang lalapit muli si Luke
kay Matt ay humarang na si Melissa. “Hep! Wait lang po, Kuya.” Pigil niya kay
Luke. “Mhalih knows this already. Nag-usap na sila ni Matt. Besides, they are
already friends, even us, Mhalih and I. I mean, we are all friends here.”
Kuwento ni Melissa habang iwinawasiwas
pa ang sariling mga kamay at nakaharang pa rin sa pagitan nila Luke at Matt.
“And kuya please lang, a little
piece of unsolicited advice, you should know everything first before deciding.
Kawawa naman si Mhalih. Masyado mong pinapasakit ang ulo at puso niya. Mas
malala ka pa kay Matt. Pero thank you na rin dahil sinapak mo si-” Hindi na
naituloy pa ni Melissa ang mga gusto pa sanang sabihin dahil mabilis ng umalis si
Luke sa harapan nilang lahat.
And they all knew where he is
heading to.
But after five minutes ay muli
itong bumalik.
“What’s her address?” Tanong ni
Luke sa kanila.
Natapik nalang ni Melissa ang
sariling noo. A little bit of moroness,
indeed!
-00-
Dahil sa hindi niya masimulan ang
isinusulat na sports news ay binisita nalang muna niya ang paboritong chatroom.
How she wished na sana
online rin ang paborito niyang unknown friend with a secret code of “Bareng
Lover”
Well, she’s lucky today. May
makakausap siyang isang seryosong praning.
Lizzy: Hi der! @Barang Lover! Namiss
kita. Haha.
BL: Eow, Lizzy cheesy.
Lizzy: Question
BL: answer
Lizzy: Paano mo ba msasabi kung
kelan ka dapat sumuko?
BL: woohh.. anu yan luvlyf?
Lizzy: Yup
BL: gat mahal mo pa, neva!
Lizzy: bading ka ba?
BL: halikan kita jan eh! LOL
Lizzy: khit nhihirapan ka na, di ka
pa din susuko?
BL: kc nga mahal mo pa. tsaka ka na
sumuko pag di mo na luv.
Lizzy: si Simsimi ka ba?
BL: hindi. Si Bareng Lover ako. Mas
guwapo ako dun!
Lizzy: Hahaha!
BL: ganyan. Tawa lang. kaht masakit
na, basta mahal mo, wak ka suko.
Lizzy: Pano pag sya ang sumuko?
BL: at least di ikaw ang nauna. Da
ba?
Lizzy: may point ka.
BL: like this………………
Lizzy: Haha! Ewan ko sa’yo!
BL: Ewan mo sa akin? Ewan ko din
sakin.
Lizzy: Baliw.
BL: ikaw baliw kc gusto mo na
sumuko.
Lizzy: awwww
BL: aso lang?
Lizzy: Wait, may nagdoorbell. May
bwisita yata. Sana
si luvlyf. Haha. Asa.
*Log-off*
-00-
“Anong ginagawa mo rito?” Mataray
at naka-abrisiyete niyang tanong sa isang unexpected visitor.
He didn’t answer all because he
didn’t know where to start.
“Umalis ka na, magsusulat pa ako.”
Aniya sa bwisita at akmang
tatalikuran na ito ngunit pinigilan siya.
He is holding her left arm. “I just
don’t know where to start.” He said sincerely.
“Bumalik ka nalang kapag alam mo
na.” The word SORRY and I LOVE YOU is
enough, you idiot! Pinilit niyang kumawala mula sa pagkakahawak nito pero
hindi pa rin siya nito binibitawan.
“Sorry.” Luke then said.
Bingo!
She loses her strong wall. Muli
siyang umupo sa gilid nito. “Ano pa? Yun lang ba ang gusto mong sabihin? Akala
ko ba na sa sobrang dami ay hindi mo na alam kung saan ka magsisimula?”
He held her hand tightly. “I love
you. I’m sorry, I lied. Wala naman talaga akong ibang girlfriend.” He then
confessed.
Bingo
times two! Her heart is now starting to melt.
“Ayoko lang sana maki-agaw sa kapatid ko. And I just also
thought na dahil mahal mo talaga siya, you will give him a second chance. Mel’s
right, I didn’t know the whole story at the first place at nagdesisyon na
kaagad akong iwasan ka.”
“Hindi mo man lang ako kinausap.”
May himig ng pagtatampo sa boses niya. At naiiyak na rin siya. “Ni hindi mo man
lang inalam kung ano ang nararamdaman ko. Right after we went back from Baguio , sure na ako sa
totoong nilalaman ng puso ko. But you never talked to me again.”
Hinawakan siya nito sa magkabilang
pisngi, “I said I’m sorry.” And he kissed her straightly on the lips. She
kissed him back.
Wala naman ang mommy niya kaya walang istorbo.
And they both knew that he was
totally forgiven. No more further explanations.
Bareng Lover was right, she
couldn’t just give up. Not this time when she’s so much sure how much he
totally loved Luke.
She will thank her on line, unknown
friend many many times later.
Maaaring maikling oras nga lamang
ang pinagsamahan nila noon ni Luke sa Baguio ,
but that was one of the most precious moments of her life dahil narealized niya
that everything happens for a reason.
Kaya ganon ang nangyari sa kanila
ni Matt is for her to find her way to Luke.
Chapter 10 – Another Couple’s Shirt
Usapan nila na magkikita sa isang
mall sa Cubao for their monthsarry celebration.
“Hey, where are you?” irritable na
niyang tanong sa boyfriend sa telepono. Late na ito ng five minutes sa oras ng
usapan nila.
“Nasa puso mo.” Cheesy na sagot
naman ni Luke sa kanya.
“Tigilan mo ako, Rodriguez ha!
Naiinip na ako. Pag ako nabwisit, uuwi nalang ako!” banta niya sa kausap.
“Look at your left side.” Utos ni
Luke sa kanya.
Ginawa naman niya.
Mula roon ay natanaw niya ang
guwapong guwapong boyfriend na may dalang bouquet of red roses na obviously ay
para sa kanya.
Dahil kung hindi, maghahalo ang
balat sa tinalupan!
Nawala na ang pagkainis na
nararamdaman niya bagkus ay napalitan na ito ng saya dahil nasilayan na niya
ang boyfriend.
Sobrang miss na niya ito. One week
silang hindi nagkita dala na rin ng trabaho nito but of course they make sure
na araw- araw silang nagkakausap.
“For the woman I so much love.
Happy monthsarry.” Sabay abot ni Luke sa kanya ng bulaklak.
Masaya naman niya itong tinanggap.
“You’re late.”
Kakamot kamot naman ng ulo si Luke,
“Sorry. Adik kasi si Matt, tinago yung alarm clock ko, pati yung cellphone ko.”
Hindi naman niya alam na pagti-tripan siya ng nakababatang kapatid.
May naalala si Mhalih.
“I wanna go somewhere! Malapit lang
dito yun!” yaya niya sa boyfriend.
“Teka lang.” Pigil naman ni Luke sa
girlfriend.
“What?”
“May nakalimutan ka.”
Saglit na nag-isip si Mhalih. Oo nga pala! Sorry naman! Hehe!
“Happy monthsarry. I love you!”
Sabay halik sa labi ng boyfriend for a split second. “Tara
na!” Muli na niya itong hinila.
Pero mas malakas si Luke sa kanya
kaya’t siya ang nahila nito palapit sa matitipuno nitong mga bisig, “Bitin.”
Luke hugged her tight and kissed
her gently. Gusto niya yung matagal. Hindi lang split second. He’s even after
forever.
And he doesn’t care if it’s a
public place. PDA na kung PDA. So what?
Monthsarry naman nila. And besides, this is the only girl he wanted to
kiss for all his life, for a life time….
And Mhalih wanted that too…
A mutual like indeed.
-00-
JL’s
“Welcome to JL’s!” Masayang bati sa
kanila ni Alaine.
“Hi, Ate Alaine! Meet my new
boyfriend, Luke!” Pakilala ni Mhalih sa kasama.
“Hi there, Luke!”
Nginitian naman ito ng binata.
“You know what Ate? Your shirts
worked for us. We unintentionally wore it at the same place and love moves us
with its mysterious ways. Kaya eto, kami na.” Masaya at kinikilig niyang balita
sa may-ari ng shop na iyon.
“And I feel that you were here
because you wanted to have a new one. Pero this time, yung statement na nasa
iyo ay mapunta sa kanya, at yung kanya ay mapunta sa iyo. Am I right?” Alaine
wild-but-accurate guessed.
“Woah! You really have magic.” Hindi
napigilang maikomento ni Luke.
Alaine said to him, “The closest
thing we have to magic is..”
“Love!” agaw ni Mhalih sa sasabihin
pa sana ni
Alaine.
Alaine just winked.
Nagulat sila ng nang may isang
petite na babae na biglang pumasok sa loob ng shop na iyon at dumere derecho
ito sa counter. “Alaine, isosoli ko ‘to!” Demand nito sa may-ari ng shop.
“But why?” Mahinahon naman nitong
tanong sa bagong dating na customer.
“My God! For Goodness’ sake, my
cousin just wore it!” exage na pagkukuwento nito.
Natawa naman si Alaine sa paraan ng
pagkukuwento nito. “Calm down, Barrilyn. You already paid for that. Hindi mo na
kailangang isoli yan.”
“Pero Alaine, wala na ang magic
nito! This is supposed to be worn by my future husband to be and not by my
stupid nonsense cousin! If you won’t take this, maybe I can have a new set? I
want another couple’s shirt! I’ll pay for it again!” Barrilyn demanded.
Muling bumukas ang pinto ng shop at
iniluwa niyon ang isang moreno ,
medyo may katangkaran na lalaki at nahahawig sa artistang si Jim Carrey.
“Miss Alaine, pasensiya ka na sa
pinsan kong may sapak na sobrang OA.” Paghingi nito ng paumanhin.
“Oh, you shut up, Pong! Ikaw ang
may sapak at sobrang OA sa pagiging pakialamero. Kung hindi mo sana
sinuot ‘to, wala sana
akong problema ngayon!” sagot naman ni Barrilyn sa sariling pinsan.
“Come on, Barang! T-shirt lang yan.
That won’t kill you. Halika na!” Hila-hila na nito ang pinsan. “Sorry, again.”
Tuluyan ng nawala ang magpinsan sa loob ng muntik shop na iyon.
Naiiling na natatawa na lang si Alaine
sa eksena nina Barrilyn at Paul John.
“What was that?” tanging nasabi ni Luke.
“Bingi ka ba?” tanong sagot naman
ni Mhalih sa kanya.
“You know what? I think they were really not cousins. And
those shirts totally fit them!” Ani Alaine sa kanila. “Anyway, it was just a
hunch. So ano, are you ready for your new couple’s shirts? Palitan nalang natin
yung designs.” Back to business niyang sabi sa dalawang customers. Muli nitong
binigay kay Mhalih ang clearbook na naglalaman ng iba’t ibang mga design lay outs.
“What do you want?” Tanong ni
Mhalih sa kasintahan na nakaakbay sa kanya.
“Ikaw.”
“What?!”
“I mean, kung ano yung gusto mo,
yun na rin yung gusto ko.” Paglilinaw ni Luke sa una niyang sinagot.
“I can’t choose. Magaganda lahat ng
designs.” Halos baliktarin na niya ang buong clearbook pero wala pa rin siyang
mapili. Pakiramdam niya ay mayroon siyang ibang gusto. “Bakit ganun? Noon
madali lang ako nakapili.”
Muli siyang inabutan ni Alaine ng
panibagong clearbook. Alaine voluntarily flipped the pages in front of Mhalih
and Luke.
As she reached the middle part, she
stopped and pointed at something. “Maybe you want…. this!”
Nagtatakang nagkatinginan ang
magkasintahan.
Paanong?
They both had that question in mind.
Alaine just knew what they both
want!
Well, she is just currently pointing
on the set of designs of STRAWBERRIES.
*Wink*
(Guessed who winked)
END
No comments:
Post a Comment