All she ever dreamed
is to be a super model. Well, that is all the people know. But deep inside
herself, simpleng bagay nalang ang pangarap niya.
Ang mahalin siya ulit
ng taong minahal na siya dati.
Ganun ba kasimple yun
ha, Lizen Ceras?! Pagkatapos ng lahat ng pambabara, panlalait at pagtatago na
ginawa mo kay Orlan?
Isip isip din pag may
time.
Chapter 1 – She’s Lizen
Chapter 2- One Year
Chapter 3- Orlan.
Chapter 4- Rosen
Chapter 5 – More than Friends
Chapter 6 – The New Me
Chapter 7- Her Heart Knows
Chapter 8 – Greatest Dream
Chapter 9 – Confession
Chapter 10 – The Final Ramp
Chapter 1 – She’s Lizen.
“Lizen, it’s your turn!” sigaw ng
baklang coordinator na si Jaja.
“Okay,” no effort niyang sagot.
Rumampa na siya sa pathway and ever
as usual she did it gracefully and so nicely. This is her life she loved the most outside
school, ang rumampa via cat walk.
Sa tangkad na 5’9’’, mestiza at
balingkinitang katawan, sino nga bang mag-aakala na nasa ikalawang taon pa lang
siya sa college. She’s Lizen Marcial Ceras. Currently 17 years old and taking
up Business Management. Raket niya ang pagmomodelo para sustentuhan ang
pag-aaral.
It’s been a tiring yet fun day for
her. She enjoyed it, so does she loves it.
“Hot Babe!” komento sa kanya ng
isang lalaki mula sa likuran niya. Kapwa niya model ito. Pero ngayon lamang
sila nagkatrabaho.
“I know and I’ll take that as a
compliment.” Mataray niyang sagot rito.
“Okay, this call for today! Good
job everyone! Pack up!” Anunsiyo ni Jaja.
Nag-aabang na siya ng taxi para
umuwi nang may humintong Honda Civic sa harap niya.
“Mind if I take you for a ride?” Pagbaba
ng window ng kotse, ito ang itinanong ng lalaking pumuri sa kanya kani-kanina
lang.
“Yes, I mind. Kaya kong umuwi
mag-isa.” Pagtanggi niya. She may be a model but not a slut. Kahit pa na ito
ang tingin ng marami sa kanya. She knows herself more. “Besides, I don’t go
with strangers. Salamat nalang sa offer.”
“Come on. It’s getting late. Baka
mapaano ka pa sa daan. I won’t take you elsewhere maliban sa bahay mo unless
you’ll be the one who’ll ask for it.” Nagpakawala pa ito ng isang pilyong ngiti.
Ang
yabang!
Hindi niya alam kung anong magneto
ang naghila sa kanya para tumabi rito sa loob ng sasakyan na iyon.
The worst, she never expected that
this one move can ruin her entire world….. She shouldn’t really go with a
stranger. That’s lesson number number 1.
-00-
“Ano ka ba naman Lizena! Nuknukan
ka ng syunga! Ang daming mas matinong lalaki diyan bakit dun ka pa sa walang
buto pumatol! Wake up!” sermon ni Sheldine. Halos kita na ang ugat sa leeg
nito.
“Oo nga! Of all guys na
nagkakandarapa sa’yo, dun pa sa may sabit na, ka pa natisod.” Dagdag ni Jadey.
“Ano ng balak mo?” tanong naman sa
kanya ni Xyrish. “If I were you, kumalas ka na sa relasyon na yan. Walang
patutunguhan yan eh!” Segunda pa nito.
“Ang kaso Neng, hindi ikaw si
Lizen. For sure, hindi bibitaw yan. Kung matigas ang ulo ko, mas matigas ang
ulo ng babaeng yan. Inlababo eh.” Sabat ni Tulips.
“Kalma lang girls. Hindi si Lizen
ang kaaway. Para na kayong uupak ng tao eh.”
Natatawang awat ni Mafeth sa mga kaibigang high blood.
Tumikhim muna si Niza bago
nagsalita, “ Mahirap talagang kalabanin ang puso sa isinisigaw ng utak. Kung
saan tayo masaya, dun tayo kahit pa na sa tingin ng iba eh mali . Pero wala namang maling
desisyon eh. Nasa tao nalang yun kung hindi niya mapapanindigan.” Malalim
nitong komento.
“Hah? Hindi naman ako slow. Parang
ngayon lang!” ani Jadey. Sa loob loob niya, minsan na nga lang magsalita itong
si Niza, hindi pa nila maarok sa sobrang lalim.
“So ang ibig mong sabihin, si Lizen
lang ang makakapag decide. Ano pang silbi nating mga kaibigan niya kung hindi
natin siya magagabayan?!” Kontra ni Sheldine sa sinabi ng best friend. “Na-inlove
rin naman ako ng ilang beses pero hindi ko hinayaan na masira nun ang pag-aaral
o ang buhay ko. Love is for inspiration not for self destruction.” Sermon ulit
nito.
“Agree ako sa’yo, Lola! Lizen,
ilang subjects natin ang hindi mo na-enroll dahil super late kang nagpasa ng
preferred mong schedule tapos ngayon, hihinto ka nalang?! Adik ka ba?!” si
Jadey. Sobrang kunot na ng noo nito.
Tumango-tango naman si Xyrish.
“Sige lang huminto ka, para tuluyan
ng masira yang buhay mo. Mamaya niyan, mabuntis ka pa!” ani Tulips.
“Ah letse! Bahala kayo!” Sagot niya
sa mga ito. Actually, kanina pa siya naririndi sa iba’t ibang komento ng mga
kaibigan. Alam niya ang gusto niyang
mangyari. Kung kinakailangang huminto ng pag-aaral para lang makasama si Ricks
24/7 ay gagawin niya.
Ang kaso itong mga kaibigan niya,
parang kontrabida sa plano
niya. Wala siyang balak isuko nalang basta basta si Ricks. Mahal niya si Ricks.
Mahal na mahal pero bakit ba hindi siya maintindihan ng mga ito? Hindi ba sila seryoso
sa mga boyfriends nila at hindi nila naiintindihan ang nararamdaman niya?
“Hep! San ka pupunta?!” Pigil ni Jadey
sa kanya ng akmang tatayo na siya mula sa pagkaka hot seat.
“Ano ba?!” Tinapik nito ang kamay
ni Jadey. “Kelangan talaga, may sabunot?!” Asik niya sa kaibigan.
“Hay nako. Kung pwede nga lang,
iuntog pa kita eh! Pero dahil sa kaibigan kita, next time nalang.”
“Ewan ko senyo! Alis na ako.
Maghahanap ako ng matinong kausap. Akin na yan!” Pilit nitong kinukuha ang bag
mula kay Tulips. “Akin na sabi eh!”
“Sino namang kausap yan? Yung Ricks
mo?! Tsk!” Hinarangan siya ni Xyrish sa pagkuha ng bag nito mula kay Tulips.
“Utang na loob, Lizena! Once and
for all, makinig ka naman sa amin!” Halos pasigaw ng sabi ni Sheldine sa kanya.
“Mga Hearts, wag naman kayo
masyadong magwala dito sa boarding house ko. Baka mapagalitan tayo ng land lady
ko.” Mahinahong saway ni Mafeth sa mga kasama. But she doubt kung makikinig ang
mga ito sa kanya. As far as she knows, Playful Hearts will always be as noisy
as this. Kapag magkakasama sila ay daig pa nila ang isandaang tao to the point
na pito lang naman sila.
“Hayaan niyo na siya!” Sigaw ni
Niza. Nagulat naman silang lahat. Ang pinakatahimik sa kanilang pito, nagawang
magtaas ng boses dahil sa komosyong nangyayari.
Silang anim naman ngayon ang
natahimik. “Much better kung siya mismo ang magdedecide para sa sarili niya. Kung
magkamali man siya, wala siyang ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili niya.”
Litanya nito.
Woah!
Tila iisang reaksiyon nilang anim.
“Thanks huh!” Sarkastikong sabi namna
dito ni Lizen sabay hablot sa sariling bag mula kay Tulips. Tuluyan na rin
siyang umalis sa lugar na iyon. Pakiramdam niya, para siyang na-toxic.
Bakit ba kasi hindi siya
maintindihan ng mga ito na sobra niyang mahal si Ricks para pakawalan lang ito
ng basta basta?
Tanga na kung tanga pero si Ricks
lang ang nakapagpapasaya sa kanya. Above all, ayaw niya ng may kahati.
-00-
“To-totoo ang sinabi sa’yo ni
Julius. Ikakasal na ako.” Tanging nasabi ni Ricks when she confronted him. Sa isang taon na naging mag-on sila, she
never had a hint na engage na pala ito. The worst ay sa ibang tao pa niya
nalaman. Sa pinsan nito na naging sobrang
ka-close niya.
“Mamili ka, Ricks. Ako o siya.
Selfish na kung selfish pero may mga bagay na hindi pwedeng paghatian.” Aniya
rito.
“I can’t. Importante siya sa akin.
Ikaw din.” Tila naguguluhan nitong sagot sa kanya.
Biglang nag-init ang ulo niya. She
tried to be calm pero parang hindi yata kakayanin ng powers niya ang naging
sagot nito. “You know, that’s bullshit! Paano mo nagagawang magmahal ng
dalawang babae ng sabay?!” Sigaw niya. Naiiyak na siya. She never cried in
front of anybody. Parang ngayon lang yata mangyayari iyon. She’s tough at yon
lang ang gusto niyang ipakita sa ibang tao. “Simple lang ang tanong ko. Ako o
siya!”
“Pero, Lizen. Wag mo naman akong
papiliin.”
“So, ano to Ricks? Gaguhan?
Magpapakasal kayo tapos ako, anong labas ko, kabit?!”
Sabi nga ni Bea, Walang babaeng pinangarap na maging kabit… Kahit
siya mismo ayaw niya non. Pangarap
din naman niyang magkaroon ng sariling kumpletong pamilya someday noh. Ang
hirap kayang mamuhay mag-isa. Lalo na ang maging ulilang lubos.
“Mahal kita pero hindi ko hahayaang
tuluyan mong sirain ang buhay ko. Tama sila Sheldine, wala kang kuwenta!” Tuluyan
na niyang nilisan ang condominium ng ngayon ay para sa kanya’y ex boyfriend na
niya.
-00-
“I told you!”
“Kulit mo kasi eh!”
“Daming lalaki diyan, sa walang
kuwenta ka pa nainlove.”
“Buti naman natauhan ka na.”
“Syunga syunga kasi eh!”
“Hindi ka mauubusan ng lalaki!”
Ito ang mga inaasahan niyang
sasabihin sa kanya ng mga kaibigan niya once na ibalita niya sa mga ito na
nakipaghiwalay na siya kay Ricks.
But on the other hand:
“Tara ,
mall tayo! Skip natin yung Accounting mamaya!” yaya ni Jadey sa mga kaibigan.
Xyrish seconded, “Tama! Tama!”
Niyakap pa nito ang kaliwang braso ni Lizen, “hanap tayo boys!”
Naiiling na lang si Sheldine sa
dalawang kaibigan na hobby ang paggagala. “Sige, mall tayo. Medyo matagal tagal
na rin akong hindi nakakapasyal.”
“Sama natin si Mafeth! Day-off niya
ngayon.” Suggestion ni Niza.
“Mga pasaway. Hindi papasok ng
Accounting para lang mag-mall.” Sita ni Tulips sa mga kaibigan.
“Dami mong alam. Sumama ka na! Wala
ka namang pasok eh.” bara naman ni Jadey dito.
Kaya ayun at sa mall nga ang
derecho nila.
They never talked about Ricks.
And Lizen was glad for them to know
na ayaw niyang pag-usapan muna ang wasak niyang puso as of this time.
Lizen really loves these girls.
Alam ng mga ito ang salitang, perfect
timing.
Pasasaan ba’t makaka move on rin
siya. Kailangan lang ng oras.
-oo-
Chapter 2 – One Year
She gave herself one year.
One year to recover from the pain
she suffered, one year to move on and to totally forget Ricks.
Tinalikuran na niya ang
pagmomodelo. Kahit pa na ito ang pinakahilig niyang gawin sa lahat. People
around her as much as herself knows that this is her ultimate dream, ang maging
super model but she chose to walk away from it.
Naaalala niya lang si Ricks kapag nakakakita
siya ng entablado. Nananariwa sa ala-ala niya yung mga panahong masaya sila at
sabay na rumarampa.
And she thinks that she couldn’t
move on if she will always reminisce.
Nagpatulong siya kay Mafeth na
makapasok sa pinapasukan nitong fast food chain. Natanggap naman siya. Pinagsabay
niya ang pag-aaral at pagtatrabaho.
Sa loob ng isang taon, bahay,
eskwela at trabaho ang naging routine niya. Isama na rito ang paminsan minsang
gala ng barkada.
Love life? Tsk! Tsaka na!
Being
single is not a crime… Yan ang ginawa niyang motto for that one year.
-00-
Minsang nakatambay sila
magbabarkada sa park nang may lumapit kay Lizen para humingi ng number nito.
“I’m sorry but I don’t entertain
strangers.” Mataray niyang sagot sa binatang lumapit sa kanya.
“Kuya, pasensiya ka na, nag
memenopause kasi yan.” Sabat naman ni Xyrish sa usapan ng dalawa.
“Menopause ka diyan! Tseh!” Baling
ni Lizen sa kaibigan.
“Sige, allergic nalang. Kuya
pasensiya ka na, as of the moment eh allergic yan sa mga lalaki.” Singit naman
ni Jadey.
“Tseh, isa ka pa! Magsama kayo ni
Xy!” Si Jadey naman ang tinarayan niya. Umalis na siya sa bench na tinatambayan
nila, lumapit siya sa may fountain at doon banda naupo.
Nagsisunuran naman ang iba pang
Playful Hearts.
“Oh, bakit sumunod kayo?” Taas
kilay niyang tanong sa mga ito.
“Saktan kaya kita!” Iniumang pa ni
Sheldine ang kaliwang kamao.
“Alam mo, walang masama sa pag
momove on. Wag ka lang masyadong maging bitter. Wala ka naman sigurong balak
magpaka old maid noh.” Payo ni Tulips sa kanya.
“Salamat sa advice ha. Wag mo rin
masyadong paringgan ang sarili mo.” Sagot naman niya rito.
“Eh at least ako, willing pa rin
ako magmahal. Hindi lang si Archie ang lalaki sa mundo.” Balik sagot naman
nito.
“Edi ikaw na. Wag mo din ako itulad
sa’yo.” Wala sa bokabularyo niya ang magpatalo sa mga usapan o debate. Kahit
nonsense na ang mga sinasabi niya, lalaban at lalaban pa rin siya. Siya yata si
Lizen!
Pak!
Isang tumataginting na batok ang dumapo
sa ulo niya mula kay Sheldine. “Uhhm! Hindi kami mga boys para tarayan mo ng
sobra. Sabi ko sa’yo kanina pa kita gustong saktan eh!”
“Kalma lang, bez.” Payo ni Niza sa
matalik na kaibigan, pigil ang tawa.
“Aray naman!” React ni Lizen. Hindi
siya nakailag. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Pero tama naman si
Sheldine. Ito na nga lang ang mga taong tanggap siya at totoong nagmamahal sa
kanya maliban sa lola niya ay hahayaan niya pa bang mawala ang mga ito dahil
lang sa katarayan niya and the worst eh sa pagiging bitter niya sa kasalukuyan?
No way!
Medyo kumalma na siya.
Hindi naman napigilan nila Mafeth,
Xyrish at Jadey ang matawa.
“Sige, tawa pa!” tinirikan niya ng
mata ang mga ito.
“Hahaha!” Pang-aasar pa ng mga ito
sa kanya.
“Diyan kayo magaling eh! May klase
pa kayo di ba? Ano pang ginagawa niyo dito?”
Magkakaiba na kasi sila ng
schedule. Nanatiling magkakaklase sila Sheldine, Jadey, Niza at Xyrish. Si
Tulips naman ay nahinto sa pag-aaral kagaya ni Mafeth. Siya naman, may mga
subject siyang naiwan last year kaya yun ang mga kinukuha niya sa ngayon.
“Tinatamad kaming pumasok.
Logistics eh.” Si Xyrish ang sumagot.
“Baka naman sa ginagawa niyo, sabay
sabay pa tayong ga-graduate. Pabor sa amin ni Mafeth yun!” Naki pag-apir pa si
Tulips sa kaibigan.
“Mukha niyo. Edi sinakal ako ng
tatay ko. Minsan lang naman ‘to. Tsaka minsan na lang din tayo magkasama sama
eh. Kasi nga iba-iba na tayo ng schedule.” Sagot ni Jadey.
“Kaya nga. Lizen, hindi mo ba kami
namimiss?” Pinapungay pa ni Xyrish ang mga mata, “Amishu Lizen. Muahh muahh
Tsup tsup!” Nakalingkis pa ito sa braso niya.
Tawanan na naman.
“Hindi noh! Sawang sawa na nga ako
sa mga pagmumukha niyo eh!” Biro niya sa mga ito.
Chapter 3 – Orlan
“Nakita niyo ba si Lizen?” tanong
ni Orlan kina Jadey at Niza na abala sa paggawa ng assignment sa library.
“Ma….” Sagot ni Niza. Ang ibig
niyang sabihin ay Malay Ko.
“E. As in ewan. Andiyan lang yun sa
tabi-tabi. Hanapin mo lang.” Sagot naman ni Jadey.
“Mahirap hanapin ang taong
nagtatago.” Halos pabulong na sabi ni Niza.
Siniko naman ito ni Jadey.
“Ano yon?” hindi naging malinaw sa
pandinig ni Orlan ang huling sinabi ni Niza.
“Wala dito si Lizen. Hanapin mo
nalang sa ibang lugar. Allergic sa library yon.” Sagot ulit ni Jadey.
“Sige, salamat sa inyo ha.”
Pagkasabi ay umalis na rin ito.
Kinuha ni Jadey ang cellphone sa bag. “Lumabas
ka na diyan, wala na siya.”
Mula sa CR na nasa loob ng library
ay lumabas na nga si Lizen mula sa pinagtataguan niyang lungga.
Iritable siyang umupo sa tabi ni
Niza. “Bwisit talaga. Ang kulit kulit!”
“Ikaw naman kasi. Bakit mo
kailangang taguan yung tao. Pwede namang harapin at bastedin.” Ani Jadey.
“Hay nako. Ilang beses ko ng ginawa
pero ayaw pa rin akong tantanan! Nakakabwisit na, kaya hangga’t maaari,
iniiwasan ko nalang dahil baka kung anu ano pa ang masabi ko.” Paliwanag niya
sa kaibigan.
Ikinibit lang ni Niza ang mga
balikat at nagpatuloy sa pagsusulat.
“So, yan lang ang gagawin mo? Ang
magtago ng magtago?” With matching taas ng kilay na tanong sa kanya ni Jadey.
“Magsasawa din yun.” Sana nga. Piping dasal niya.
“I doubt.” Si Niza.
Niza is right. Alam ng mga ito kung
gaano kakulit si Orlan sa panliligaw sa kanya.
“Sige, una na ako. May klase pa
ako.” Paalam na niya sa mga ito.
“’Ge. Ingat sa stalker mo. Ay,
secret admirer pala kasi guwapo.” Biro ni Jadey.
“Hindi secret yon kasi lantaran.”
Kontra naman ni Niza.
“Sige, Courter nalang.”
“Huh?” takang tanong nila Niza at
Lizen.
“English ng manliligaw.” Paliwanag
ni Jadey.
Haha!
So Funny! I mean, so corny! “Dami
mong alam. Sige na. Babye!” Paalam ni Lizen sa mga kaibigan.
“Lizen!”
Anak
ng! Kilala niya ang boses na iyon. Mas pinili niya ang huwag lumingon at binilisan
pa lalo ang paglalakad.
“Lizen, teka lang naman.” Habol pa
rin nito sa kanya. Nagawa nitong pigilan siya at mahawakan sa braso.
“Ano ba, Orlan! May klase pa ko.
Malelate na ako.” Asik niya dito at pilit kumawala sa pagkakahawak nito sa
kanya.
“I-ibibigay ko lang naman to.”
Sabay abot sa kanya ng isang CD. “Sana
magustuhan mo. Ginawa ko yan, para sa’yo.”
Para
sa akin? Tanong niya sa sarili.
“Sige, pasensiya ka na ha kung
makulit ako. Promise, di na ulit kita gagambalain.” Tumalikod na si Orlan sa
kanya.
Parang nakonsensiya naman siya sa
ginawa niyang pagtatago at pagtataboy dito. Para
itong nagmukhang talunan sa isang laro.
-00-
Ang Nais ng Puso – Orlan Madrid
I.
Ang
nais ko lang naman
Iyo
sanang malaman
Ang
tunay na nararamdaman
Ikaw
lang ang tanging laman…
Refrain:
Ng
Pusong patuloy na aasa
Sana’y
iyong makita
Na
tunay ang pagsinta
Oh,
Lizen…Mahal kita…
II.
Ligaya
ang nadarama
Pag
ika’y nakikita
Lalo
pa kapag nakausap
Mata’y
ayaw ng kumurap
Refrain:
Puso
ko’y patuloy na aasa
Sana’y
iyong makita
Na
tunay ang pagsinta
Oh,
Lizen…Mahal kita…
(Repeat
Refrain)
As the music stops, napaiyak siya.
Lizen, doesn’t know if she can call
that as tears of joy, “Bwisit na lalaking yon! Ang corny niya. Pero in
fairness, ang ganda ng kanta. At ang ganda rin ng boses niya.” Para siyang tanga na kausap ang sarili, sabay punas ng
luha sa sariling mga pisngi.
She’s touched, as in deeply
touched. This was the first time that there’s a man who composed a song just
for him. Ramdam niyang may katotohanan ang bawat salitang binigkas nito kasabay
ng magandang tono.
Lalo tuloy siyang nagi- guilty. Sana ay hindi nalang niya
ito tinataguan, binabara, iniiwasan and the worst ay sinasabihan ng kung
anu-ano para lang tigilan siya.
Marahil ay sobra niya itong
nasaktan dahil mahal na mahal siya nito.
Now the question is, handa na nga
ba siyang magmahal muli?
At sapat na kaya ang mahigit isang
taon na pamamahinga ng puso niya?
Parang hindi pa yata. Masyado
niyang minahal si Ricks.
Natatakot na siyang masaktan ulit.
It would be unfair naman kung bibigyan niya ng pagkakataon ang isang katulad ni
Orlan na ligawan siya o maging sila and yet hindi pa siya totally nakaka move
on.
-00-
Mula ng ibigay ni Orlan ang CD sa
kanya ay hindi na niya ito halos mahagilap sa buong campus. Kung magkakaroon
naman ng pagkakataon na magkita sila, lagi nalang itong mukhang nagmamadali or
simply as mukhang iniiwasan siya.
Wala rin naman siyang lakas ng loob
na kausapin ito dahil nahihiya siya rito. Kung kaya’t isang maliit na note ang ipinaabot
nalang niya para dito.
Orlan,
Salamat
sa CD. Na-appreciate ko iyon. Pero sana
maintindihan mo na hindi pa ako handang buksan ulit ang puso ko. Salamat sa
pagmamahal.
Lizen
-00-
Paglipas ng isang taon ay grumaduate
na sila Jadey, Sheldine, Xyrish at Niza, pati na rin si Orlan.
Si Tulips naman ay dalawang taon pa ang
kailangang bunuin. Habang si Mafeth ay kababalik eskwela lang.
At siya naman, well, hopefully ay
gagraduate na by the end of the coming school year.
Huwag lang siya magiging tanga
ulit.
Haha!
Well, inaamin naman niya sa sarili
iyon. Minsan na siyang naging tanga sa pag-ibig at ayaw na niyang maulit iyon.
-00-
Chapter 4 – Rosen
“Aray naman!” Inis niyang sabi sa
lalaking nakabanggaan. Pero imbes na humingi ng tawad ay tinignan lamang siya
nito at pagkatapos ay nilampasan na.
“Aba’t bwisit na lalaki yon ah! Ang
yabang!” Akmang huhubarin na niya ang sapatos na may matulis na takong at ngali
ngaling ibato ito sa aroganteng lalaki.
Pinigilan siya ni Tulips sa nais
niyang mangyari, “Teka lang Lizen, gusto mo bang ma-guidance? Gagraduaate ka na
nga lang, gagawa ka pa ng bad record.”
May punto naman si Tulips. Na
extend na nga siya ng isang taon sa eskwelahan na iyon ay magkakarecord pa siya.
She changed her initial plan. Muli
niyang isinuot ang sapatos at hinabol ang lalaki. “Hoy!” Tinapik niya ito ng
malakas sa balikat. Natigil naman ang lalaki sa paglalakad. “Sorry ha!”
Sarkastiko niyang sabi dito.
“Sa pagkakaalam ko, ikaw ang
nagtetext habang naglalakad, kaya mo ako nabangga.” Flat ang tono ng boses ng
kausap niya. Masyadong malamig, parang may iceberg sa pagitan nila.
Hah!
Ang yabang talaga!
Siyempre, hindi siya magpapatalo. Para ano pa’t siya ay naging si Lizen Ceras. “Mas
matangkad ka sa akin, imposible namang hindi mo ako nakita. Edi sana , ikaw na ang umiwas, unless duling ka o malabo ang mata!”
Nanatiling kalmado ang lalaki. “Miss,
huwag mong sayangin ang oras ko.” Muli itong naglakad palayo sa kanya at
pumasok na sa isang classroom.
Antipatiko!
Nanggigil niyang sabi sa sarili.
“Halika na Heart, mahuhuli na tayo
sa subject natin.” Yaya ni Tulips sa kanya.
“Nakakainis. Para
namang ang hirap bitawan ng salitang sorry! Bwisit!”
Tinawanan na lamang siya ni Tulips.
“In fairness, ang guwapo niya di ba?”
Komento ni Tulips. “Bagay kayo! Hahaha!”
Lalo siyang nabwisit sa sinabi ni
Tulips. “Peste! Kuwago kamo!” Kontra niya. Never!
-00-
Sa dinami dami ng kwago este tao sa mundo,
bakit ito pa ang nakasama niya para sa Outreach Program na sinalihan niya. Para ito sa
kanyang special project sa NSTP.
Kung pwede nga lang mag back out ay
ginawa na niya. Pero she has no choice. Kailangan niyang mapasa ang subject na
ito nang makagraduate sa oras.
“Kuya Rosen, simulan na daw po
natin ang program.” Wika ni Mariz. Second year college ito at kaklase ni Lizen
sa subject na iyon.
Tumango naman ang lalaki at akmang
kukunin na ang mikropono.
“Bakit nandito siya?” tanong niya
kay Mariz.
“SK Chairman kasi siya sa barangay
na ito kaya sa kanya nakipagtulungan yung leader natin.”
Ah
okay.
“Mariz, pakisabi sa kasama mo, papilahin na
ang mga bata.” Paki-usap ni Rosen dito.
Magsasalita sana si Mariz ngunit inunahan na ito ni Lizen.
“Bakit kailangan mo pang ipadaan sa kanya?” Mataray niyang tanong sa SK
Chairman. “Buti sana
kung hindi kami magkatabi at hindi naman ako bingi.”
Narinig niyang bumulong ang isang
bata sa likuran, “Ang sungit. Nagagalit siya kay Kuya Rosen.”
Tinignan niya ito ng masama. Tyanak! Kutong lupa!
Maya-maya ay nakalapit na sa kanila
si Rosen. “Huwag mong patulan ang bata kung ayaw mong i-retake ang subject na
ito.”
Paano
niya nalaman?
Tinignan niya si Mariz na waring
nagtatanong.
Kinibit lang ni Mariz ang mga
balikat.
Unless… Humanda ka sa akin, Tulips! Later on Tulips told her na magkababata
pala ang mga ito.
“Bakit, may sinabi ba akong
papatulan ko? FYI, hindi ako pumapatol sa bata noh!” sagot niya rito ng
makabawi.
“Action speaks louder than words.”
Patama nito sa kanya.
“Narinig ko na yan, grade three
palang ako. Wala bang bago?” Naka Mount Everest position na naman ang mga kilay
niya.
Pumagitan sa kanila si Mariz.
“Ahmm, Ate Lizen, tawag ka ni Lider. Punta ka daw dun sa kanya.” Turo nito sa
lider ng kanilang grupo na abala sa pag-aayos ng mga pagkaing ipamimigay sa mga
bata.
Sumunod naman siya rito.
Bad
trip na araw ‘to! Bwisit lang talaga!
-00-
Nadulas ang isa nilang kagrupo
habang naglilinis ng lugar na pinagdausan nila ng outreach program na iyon.
Tumayo ito bigla, “Anong
nangyari?....” at luminga linga pa ito sa paligid at nagpatuloy sa pagwawalis.
Dahilan para matawa ang buong
grupo. Kasama siya. Kahit pala hindi Playful Hearts ang kasama niya, ay kaya na
niyang magsaya. Tulad noon nung rumarampa pa siya.
She can now finally say that she
already moved-on. Wala na siyang makapang galit o kahit pagmamahal para kay
Ricks.
All it takes is Time.
Masaya na siya ngayon. Tunay na
masaya.
Salamat sa kagrupong nadapa.
“Tama naman pala si Tulips.
Marunong ka rin palang tumawa.” Komento ng lalaki sa gilid niya.
“Tao ako. Hindi alien.” This time
she makes sure na hindi nakaarko ang mga kilay niya. Sayang ang moment, minsan
na nga lang ulit niya maramdaman ang tunay na saya, sisirain pa ba niya iyon?
Ito naman ang natawa.
May
dimple pala siya…In fairness…
Inilahad ni Rosen ang sariling
palad sa kanya, “Peace?”
Tinanggap naman niya iyon at
masayang tumango.
Since then, they became close
friends.
Madalas na niya itong kasama since
wala na sa school ang ibang Playful Hearts. Si Tulips naman kasi ay parang
nagkaroon na ng sariling mundo. Si Mafeth naman ay mas madalas niyang
nakakasama sa trabaho.
In the end, during her idle time
here in school, si Rosen ang madalas niyang kasama kahit pa na sobrang tahimik
nito. Ramdam naman niya ang presence nito kahit papaano.
Sabi nga ni Jadey, buti naman daw
at nawala na ang allergy niya sa mga lalaki.
Basta iwasan nalang daw niya ang
mga lalaking makakati para hindi na siya mabiktima ulit.
Talaga!
Once is enough!
Chapter 5 – More than friends
“Zen, may tatanong ako sa’yo.” Basag
ni Rosen sa katahimikan. Sinamahan siya nito sa library.
Good news, hindi na rin siya
allergic sa lugar na ito. She realized na kailangan niyang mag aksaya ng oras
dito para makagraduate on time.
“Ano yon?”
“Handa ka na bang magmahal ulit?”
tanong nito na hindi nakatingin sa kanya at nakatuon ang pansin sa hawak na lapis
at yellow pad.
“Huh?!” Anong
meron?
“Di ba sabi mo, naka move on ka na
kay Ricks. So it means, magpapaligaw ka na.”
Sige,
sasakyan ko na yang trip mo may mapag-usapan lang. Mapapanisan na ako ng laway
sa’yo eh. “Ewan ko. Siguro. Wala pa namang nagta-try lumapit eh. Tignan natin.
Bakit mo nga pala natanong?”
Hindi na ito muli pang nagsalita.
After 48 years….
10 minutes lang pala.
“Ang labo mo talagang kausap. Bigla
bigla ka nalang magsasalita tapos bigla ka nalang din tatahimik. Dapat kayo ni
Niza ang magsama eh!”
“’Wag ka maingay.” Iniabot nito sa
kanya ang yellow pad. “Sa’yo nalang.”
Isang long stem rose ang
nakadrowing sa papel.
“Ano namang gagawin ko dito?”
Takang tanong niya. Ang sweet naman ng
lalaking ito! Literal na paper roses. Ay hindi, rose in paper pala.
“Huwag mo munang pilitin ang isang
bagay. Sana
kapag handa ka na talaga, andito ko. Una sa pila.” Niligpit na nito ang mga
gamit na nasa mesa. “May klase pa ‘ko.” Paalam nito sa kanya at lumabas na ito
ng library.
Damuhong
yun talaga! Ang labo! Mas malala pa sa tubig-poso! Tubig kanal pa nga yata eh!
Kapag
handa na ‘ko, siya una sa pila?
Anong
ibig niyang sabihin?
Sige
na, ako na slow!
Bwisit
lang talaga!
Niza!
Ano bang virus, meron ka?! Daig mo pa epidemya! Kainis!
Para siyang tanga na kausap ang
sarili.
-00-
“Lola, bc ka?” text niya kay
Sheldine.
Nagreply naman ito. “Kggaling ko
lng work. Y?”
“Twag ako. My ttanong lang.”
“K.” muli nitong reply.
“Hello Lola, anong ibig sabihin pag
sinabi sa’yo ng lalaki na kapag handa ka
na, andito ako, una sa pila?” Bungad niyang tanong nang sagutin ni Sheldine
ang tawag niya.
Pumalatak naman ito. “Syunga
lang?!”
“Ano nga?”
“Uhmmm. Let’s say, hinihintay ka niyang totally maka move on na! At kapag ready ka na magmahal ulit,sana
siya yung mahalin mo. Ano ba, Lizena! Nabakante ka lang ng mahigit isang taon,
naging slow ka na.”
“Uhmmm. Let’s say, hinihintay ka niyang totally maka move on na! At kapag ready ka na magmahal ulit,
“Eh kasi naman, napakatahimik nung
lalaking iyon tapos kung hihirit ang lalim lalim pa!”
“Ah. Hindi ba kakambal ni Niza yan?
Hehe!”
“Yun nga rin ang naiisip ko. Ngayon
ko nagets kung bakit kayo naging mag bestfriend ni Niza! Anyway, Rosen ang
pangalan niya. Kababata siya ni Tulips.” Kuwento niya rito.
“Ah okay. Ikaw, nasa iyo yan. Sabi
nga ni Niza, kung kanino ka magiging masaya, doon ka. Don’t go into a
relationship masabi lang na may boyfriend ka. Learn from the past.”
I
know right? “Yes lola, I will. Sige, pahinga ka na. Pasensiya na sa
istorbo. Salamat and good night.”
“Wala yun. Congrats in advance,
gagraduate ka na. Good night din and good luck sa love life.”
“Sana nga.” Ibinaba na niya ang telepono.
May gusto sa kanya si Rosen?
Ang taong ice berg nagkagusto sa
kanya? Paanong nangyari yon?
She thought that they were only
friends and nothing more than it.
Hindi ba masasayang ang friendship
nila if they will step out of it?
Isip, Lizen, isip.
Meron ka ba nun? Ha
Chapter 6 – The New Me
Kaya
ko ‘to! Aja! Lizen told herself. This is her first day of training at
kailangan niyang maipasa ito to become an official employee of this BPO
Company.
After her graduation ay dito na
siya nag-apply and luckily ay natanggap naman siya. Yung nga lang, she has to
go to an intensive training para tuluyang makapasok sa kumpanyang ito.
“Good morning, aspiring employees!”
Masayang bati ng kanilang trainer sa kanilang grupo.
“O-orlan….” Shocked niyang balik
bati sa lalaking magiging trainer nila. Masyado ngang maliit ang mundo. She
never knew na dito pa pala sila magkikita ulit.
“Good morning!” Muli nitong bati sa
kanya at matamis pa siyang nginitian. “One year ago, I was on your position
right now. As I have said earlier, I was an aspiring employee just like all of
you also way back then. Thanks to my inspiration that I am now a Team leader
slash Trainer slash Supervisor.” Muli itong tumingin sa gawi niya.
Hindi naman niya magawang salubongin
ang mga tingin nito.
Woah. Si Lizen Ceras, waring
nanliliit sa hiya?
Is this the new her?
Hindi pwede. Erase. Erase. Erase.
Grumaduate lang siya from college pero it doesn’t mean na itatapon na rin niya
ang dating siya.
“Really, huh.” React niya.
“Is there something wrong, Ms.
Lizen?” Nakangiting tanong ni Orlan sa kanya.
She shrugged her shoulders. “Nothing
at all.”
“By the way, for your info guys,
Lizen and I were schoolmates in College. Glad to see you here.” Muli nitong
baling sa kanya.
Inismiran niya lang ito bilang
tugon.
“What’s the big deal?” Mahina
niyang sabi na halos mga katabi niya lang ang nakarinig.
-00-
Her first whole day was filled with
discussion. Pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya because of information
overload. Super toxic. Mina-migraine na yata siya.
“Excuse me, can I go to ladie’s
room?” Tanong niya sa kanilang Trainer.
“Sure. Do you need to wipe your
nose already?” biro nito sa kanya.
“Yes. If you think so.” Lumabas na
siya ng kuwarto at dumerecho sa banyo.
“Hello, Jadey. Eeehhh! Nakakainis!
Guess what?! Ang trainer ko lang naman ay si Orlan! Very small world di ba?!” Kausap
niya sa telepono ang kaibigan.
Natawa naman ang kausap niya.
“Hahaha! Bakit ganyan ka makareact? Affected! Hehe. Baka meant to be kayo.
Oyyy…. Oh Lizen…Mahal kita…”
Kinantahan pa talaga siya nito.
Hindi niya rin maiwasan ang
mapangiti. Tanda pa pala nito ang kantang ginawa ni Orlan para sa kanya. “Ewan
ko sa’yo! Hindi ko alam kung maipapasa ko ‘tong training. Syempre, medyo
naiilang ako.” Himutok niya. “Kung bakit naman kasi siya pa ang naging trainer
ko eh.”
“Kasi nga, meant to be kayo.” Patuloy
na pang-aasar ni Jadey sa kanya.
“Hay nako. Ewan! Sige na, balik na
ako sa loob.”
“Bakit, miss mo na agad siya?
Oyyyyy….!”
“Hmp! Babye!” Ibinaba na niya ang
telepono dahil alam niyang walang patutunguhan ang pag-uusap nila ng praning na
kaibigan.
-00-
She managed to keep her posture as
well as her super duper ultra mega deep inside feelings.
She’s so much sure to herself that
she felt a bit of awkwardness. A bit nga lang ba? Eh bakit parang halos kainin
na siya ng sariling hiya? At ang heartbeat, sobrang lakas ng kabog.
Pero siya si Lizen kaya walang makakapansin
non. She was civil when talking to him.
“Well, this is all for today. I
hope to see you again tomorrow and no one will be hospitalized due to over
flowing of blood. Have a nice day everyone!” Biro at paalam ni Orlan sa kanyang
mga trainee.
“Bye, Sir.” Halos sabay sabay na
sagot naman ng mga ito.
“Ahmm… Lizen…” Tawag niya sa dalaga
na abala sa pagliligpit ng sariling mga gamit. Lumapit siya rito. “Maybe, we
can have some coffee outside. You know to catch things up. How’s school, how’s
your friends.” Imbita niya sa dating kaschool mate.
“Your treat?” mataray naman niyang
tanong.
Mahinang natawa si Orlan, “Sure.
Yeah, of course. I’m the one who ask for it so it will be my treat.”
“Okay.” Nauna ng lumabas si Lizen
ng training room.
Naiiling na sinundan na lamang ito
ni Orlan.
-00-
“Kamusta na sila Jadey, Niza, and
yung iba pa. ”
tanong ni Orlan sa dalagang nakaupo sa tapat niya sa loob ng cozy coffee shop
na iyon.
“Pwede na palang magtagalog.” Imbes
na sagutin ang tanong nito ay ito ang sinabi niya.
Natawa naman ang kausap niya. “Oo
naman. Wala na tayo sa English Zone tsaka off duty na so pwede na.”
“Okay naman sila. May mga kanya
kanyang buhay na din. Si Jadey at Xyrish, sa Libis nagtatrabaho, office. Si
Niza naman, nasa kanila. May grocery sila. Si Sheldine, government employee. Si
Tulips at Mafeth, nag-aaral pa.”
“Ikaw, kamusta ka naman?”
Tinitigan siya nito but she
couldn’t fight it back. Itinuon na lamang niya ang pansin sa iniinom na frappe,
minsan naman ay sa kalye siya tumitingin, o di kaya ay sa Menu Board na nasa
counter.“Fine. Eto, trainee sa call center.” Literal niyang sagot.
“Of course, I know that. I mean…
Love life. How’s…”
Hindi na natuloy pa ni Orlan ang
susunod na sasabihin dahil nag ring ang telepono ng kausap.
“Excuse me.” Sabi niya bago sagutin
ang phone, “Hello Rosen… Asan ako? Eto, nagkakape….. Tonight? Ahmm.. Try ko
makadaan. Pero pakisabi nalang din kay Lily, happy birthday in case… Yeah,
ngayon yung start ng training ko. Okay
sige. Bye.”
“It must be.” Ani Orlan pagkatapos
niyang ibaba ang cellphone.
“Huh?”
“I mean, is he your boyfriend? May
boyfriend ka na pala.”
“Ah. Si Rosen? No. Not yet.” Maikli
niyang sagot. Not yet?!!
“Bakit naman, hindi ka pa rin ba
nakakamove on from Ricks?” pang-uusisa pa nito. “Ako nga, matagal ng naka move
on eh.”
So
anong gusto mong palabasin? Edi, ikaw na ang naka move on. Pakelam ko?!
“So? Anong gusto mong gawin ko?!”
muli niyang pagtataray.
“You never changed. Ikaw pa rin si
Lizen na lagi akong binabasag at tinatarayan.”
“Old habbits are hard to die. Eh,
ikaw? May asawa ka na?” derechahan niyang tanong sa kausap.
“Not yet, too.”
“Huh?”
“I-I mean, engaged.”
Oh.
Ouch!
Sorry girl, hindi ka na niya nahintay! At lalong hindi na ikaw ang mahal niya.
He’s already taken. Sigaw ng isang bahagi ng utak niya.
So
what?! Hindi ko naman hiniling na hintayin niya ako ah! Sagot naman ng isa.
Tila may dalawang boses na
nag-aaway sa hypotalamus niya.
Sure? Eh
bakit parang ang saya saya mo ng makita mo ulit siya? Eh di ba minsan nga
naiisip at namimiss mo pa rin siya?
Oh
shut up!
“Ah, okay. Congrats!” Tinaas niya
pa ang frappe niya, “Cheers to that!”
Plastic!
“So kelan ang kasal?”
“Not yet planned. Ikaw? Kelan mo
balak?”
“Kapag mahal na niya ako.” Ulit. Out of nowhere niyang sagot. Ang
daming words sa dictionary, ito pa ang napili niya.
“Nino? Nung Rosen?”
Maybe.
Lizen just shrugged her shoulders and sipped again her coffee.
“Tsaka na yang lovelife, career
muna.” She’ll try to change the topic, “Sa palagay mo ba, kakayanin ko?”
“Oo naman. Just work hard on it.
And I’m here to guide you.” Sagot nito sa kanya.
“Thanks in advance. Sana nga totoo yan. Walang
gantihan ha. Sana
mapatawad mo na ko sa mga nagawa ko sa’yo non. Alam mo na, bitter pa ako sa
mundo nun eh.”
Muling natawa si Orlan. “Sabi ko
nga di ba, I’ve moved on. Kinalimutan ko na lahat yon.”
So,
pati talaga ako eh, kinalimutan mo na. “So, hindi mo na ako mahal?” prangka
niyang tanong dito.
Tila natigilan naman si Orlan.
Ano
ka ba, Lizen! Kaya nga engaged na eh! Kasi hindi na ikaw ang mahal niya.
Eh
malay ko ba kung panakip butas niya lang yung girl!
“Joke lang yun. Wag mo ng sagutin.
Alam ko naman eh.” Bawi niya sa huling sinabi. Minsan talaga, she speaks even
without thinking at first. Isa ito sa ayaw sa kanya ng mga kaibigan niya. But
at least, they never left her. Kahit pa na sobrang taklesa at taray niya ay
hindi siya pinabayaan o iniwan ng mga ito.
Kelan kaya siya magbabago?
Ngumiti lang si Orlan at hindi nga
nito sinagot ang tanong niya.
“Tara
na?” Aya niya rito ng medyo paubos na ang nilalantakang frappe. “Pasensiya na
ha, may dadaanan pa kasi akong birthday.”
“Hatid na kita,” Orlan offered.
“Huwag na. Baka magselos si Rosen
at sampung taon akong hindi kausapin.” Nung minsan kasing makita siya nito na
nakikipagtawanan sa isa sa mga kaklase niyang lalaki ay bigla na lamang siya
nitong hindi pinansin ng ilang araw. “Anyway, thanks ulit.”
“No problem.” Sagot ni Orlan sa
kanya. “I hope, this won’t be the last.”
Pakiramdam niya nagdiwang ang puso
niya. Aw, siya na salawahan!
“Kala ko ba wala na tayo sa English
Zone?” Pero nasa friend zone… Yun ang
masaklap!
“Sabi ko nga.” Kamot ni Orlan ang
sariling ulo.
May
kuto lang?
-00-
Chapter 7 – Her Heart knows
“Kailangan ka niya.”
“I don’t think so.”
“Ang tawag diyan, Pride Chicken! Pakitigilan
na yan, utang na loob!” Payo ni Lizen sa kausap.
As expected, hindi na muling
sumagot ang kausap niya.
“Hay nako! Wala ka talagang
mapapala kung ganyan ka ng ganyan! Puro ka paramdam! Ako ramdam kita, ang kaso
yung taong mahal mo, manhid! Use your mouth, hindi lang puro actions.”
“You know, I can’t. This is me.”
“You must change, for the better.
Kung hindi mo lalakasan ang loob mo, sa maling tao na naman siya mapupunta.
Gusto mo ba yon, nang dahil sa pagiging ma-pride mo, nawala na nga siya sa’yo
eh lalo pang nasira ang buhay niya.” Wow! She couldn’t imagine na magaling rin
pala siyang magpayo. Salamat sa kapangyarihang taglay ni Sheldine at nahawaan
siya nito kahit papano.
“Try ko.”
“Wag mong subukan, gawin mo.” Lizen
told him. “May friendly date pa ako.
Babye.”
-00-
After thirty days of training, isa
na siyang certified employee ng kumpanyang pinasukan.
She loves what she’s doing right
now. Okay naman sa call center. Although, pressure at puyat ang laging kaharap
ay carry niya lang. Enjoy naman siyang nakikipagbarahan sa mga clients niya.
Mataas ang initial salary plus
bonus plus benefits plus incentives at every weekend ang day-off.
She’s contented, well, as of now.
One
fine Saturday….
“You’re late.”
“I know.” Nagpalate talaga ako. VIP ako eh!
“San ka ba galing? Sabi ng lola mo
kanina ka pa daw umalis sa inyo.”
Balik
stalker ka na ulit? “Diyan lang.”
“Lizen!”
“Anong problema mo?!”
“Ikaw!”
Huh?!
Ako nga ayaw na kitang problemahin eh! “Bakit ako?!”
Orlan took a deep breathe. “Sumakay
ka na. Baka gabihin pa tayo.”
Tumalima naman siya. Weird.
“San ba tayo pupunta? Alam ba ng
girlfriend mo na kasama mo ko? Bati na ba kayo?” usisa niya.
“Cavite .”
“San dun?”
“Alfonso.”
“Ano namang gagawin natin dun?”
“Magpapapicture.”
“’Joke yun?” Ang corny mo talaga, promise! Inirapan pa niya ito.
Weh?
Pero gusto mo naman? Eh di ba nuon, punong puno siya ng kakornihan sa katawan
pero tuwang tuwa ka?! Kontra na naman ng isang bahagi ng utak niya.
Shatap!
Balik sagot naman niya sa sariling utak.
Orlan couldn’t help but to smile.
He can’t hide it. Masyado siyang natutuwa sa pagmimi-make face ng nag-iisa
niyang pasahero.
“Tatawa tawa ka diyan. Ang gulo mo
talaga. Talo mo pa ang babaeng may toyo.” Inis niyang sabi dito.
“Naglambing ang lola ko. Dalawin ko
naman daw siya.” Paliwanag nito sa kanya.
“Bakit ako ang isinamo mo? Hindi
nalang yung jowa mo.”
Hindi ito sumagot.
“Alam mo, konti nalang iisipin kong
imbento mo lang yang jowa jowaan mo.” Hindi pa kasi niya ito nakikita. Puro
kwento lang ang alam niya dito.
“Bakit ba sobrang interesado ka sa
kanya. Nagseselos ka ba?!”
Ang
kapal! Paano kung sabihin ko sa’yong Oo!? Hindi noh! Never! “Excuse me!?
Asa ka. Hindi kaya dapat ay siya ang magselos sa akin?!”
Muli itong natawa, “Wiw! Lakas ng
fighting spirit! Sabi ko naman sa’yo, bawasan mo ang pagpapak ng kape sa pantry.”
Tinignan naman niya ito ng masama. Hindi ko na kailangang magkape noh. Sa’yo
palang buhay na buhay na ang dugo ko.
Itinuon na lamang niya ang pansin
sa may bintana.
“Hmmmm…. Hmmm… Hmmmm…” Nagha hum si
Orlan ng isang pamilyar na awitin habang nagmamaneho.
Ang
Nais ng Puso yun ah! Akala ko ba, nakalimutan na niya ako? Bakit tanda pa rin
niya ang kantang yan. Unless, pinalitan na niya ng ibang pangalan yung nasa
dulo ng lyrics.
“Ang ingay naman.” React niya.
Napatingin ito sa gawi niya. Siya
naman ay nakatuon pa rin ang pansin sa bintana.
Hindi na ito muli pang nag-hum.
Binuksan na lamang nito ang stereo ng sasakyan. May mga pinatugtog ito na hindi
pamilyar sa kanya. “Ikaw nagcompose niyan?” Curious niyang tanong.
Tumango naman ito.
“Ah ok. Nagcocompose ka pa rin
pala.”
“Old habbits are hard to die.” Sagot
nito sa kanya.
“Uhmm uhmm!” Gaya gaya
ng script! “Pwede bang FM nalang?”
“Ayoko. Mas maganda pa yung mga
ginawa ko kesa sa mga usong kanta ngayon.” Pagtanggi nito sa suggestion niya.
Yabang!
“Edi, ikaw na!”
Natawa ng malakas si Orlan.
Weird
talaga! Kanina lang, parang kakain na ng buhay na tao ngayon naman tumatawang
parang baliw.
What a road trip indeed!
-00-
May umaalog sa braso niya, “Lizen,
wake-up. Andito na tayo.”
Nanatili siyang nakapikit. “Uhmmm…”
“Kagandang bata naman nitong
gerpren mo, Orlando .”
Wika ng isang matanda.
Dahilan para tuluyan siyang magising.
Mukha ng isang nakangiting
matandang babae ang nakita niya sa pagdilat niya ng mga mata.
Ito marahil ang lola ni Orlan,
“Good afternoon po.” Magalang niyang bati rito.
“Lola, hindi ko po siya
girlfriend.” Pagtatama ni Orlan sa maling akala ng abuela.
Yeah
right. I’m not your girlfriend! Ewan ko ba sa’yo kung bakit ako pa ang isinama
mo rito!
“Ang bagal mo naman!” sermon ng
matanda sa sariling apo.
Napakamot na lang sa ulo si Orlan. May kuto pa rin?
Muling binalingan ng matanda si
Lizen. “Halika na iha sa loob ng makakain na kayo.”
Masaya siyang inakay ni Lola
Aguada.
-00-
“Ang saya kasama ng lola mo. Parang
bagets pa din siya.” Nasa kotse na sila ni Orlan at bumabyahe na pauwi. “Dapat
talaga hindi siya nag-iisa. Malungkot kaya ‘yon.”
“We know. Pero choice niya yon eh.
Ayaw niyang umalis don. Marami raw kasi silang ala-ala ni Lolo sa bahay na
yon.”
Nakarelate naman siya. “Senti.
Parang si lola ko.”
“Kamusta na nga pala si Lola
Rosing.” Muling naalala ni Orlan ang mga panahong pati ang lola ni Lizen ay
nililigawan niya rin.
“Okay naman siya. Ayun laging
nirereklamo ang rayuma niya.”
“Ikumusta mo nalang ako sa kanya.
Maybe one of these days, madalaw ko rin ulit siya.”
“What for?” Taas kilay niyang
tanong dito. Manliligaw ka ulit?
“For our friendship. As a way of
saying thanks na rin kasi sinamahan mo ko today.”
Friendship..
What a word!
“No need for that. Thank you is
enough. Tsaka nag enjoy rin naman ako. Nakalimutan ko pa ang diet ko.”
Bakit ba niya kailangang umasa na
hihigit pa sa kaibigan ang magiging turing sa kanya ni Orlan. Take note, engaged
na ito!
At wala din naman siyang balak
manira ng pangarap ng isang kabaro niya. Just like her, isa rin sa mga pangarap
niya ang maikasal…. Someday…
Pero siguro, hindi sa lalaking ito.
Pag-aari
na siya ng iba, Lizen. Keep that in mind! Proxy ka lang kanina. She keeps on
insisting this to herself.
“Salamat sa paghatid. Ingat ka
pag-uwi.” Aniya at akmang bababa na siya sa sasakyan nito.
“Wait.” Hinawakan siya ni Orlan sa
braso at hinila palapit sa kanya.
They’re now face to face with a
distance of an inch between them. “Thank
you,” ani Orlan at hindi na hinayaan pang magkaroon ng space sa pagitan nila.
He’s kissing her so tenderly.
Of course she was shocked. Hindi
niya inaasahan na mangyayari ito. That’s why she didn’t move for a couple of
minutes; or much rather say that she liked it that’s why she didn’t protest.
Aba’t ano to?! Tinutugon niya ang
halik ng isang kaibigan.
Wake
up, Lizen! You don’t want to be a mistress, do you?
Marahas niya itong itinulak. “Pare-pareho
lang kayong mga lalaki. Or much better
say, pareho lang kayo ni Ricks!” Tuluyan na siyang bumaba at hindi na
pinagkaabalahang isara pa ang pintuan ng kotse.
Chapter 8 – Her Greatest Dream
“Come to my office.” Instruction ni
Orlan sa kanya.
She didn’t move. She didn’t answer
back. She has no plan to talk to him.
“I said go to my office, right
away!” Napalakas ang boses ni Orlan kaya’t ang ibang agents na busy sa
pag-entertain ng mga client calls ay napatingin lahat sa gawi nila.
She doesn’t want attention. Tumayo
na siya at nauna ng pumunta sa opisina ng kanilang bisor.
“Ayaw mo sa eksena noh?! Kung
magwawala ka sa harap ng mga agents, pwede ba wag mo kong isali!” bungad niya
rito.
“How can you say that I’m like your
stupid ex?”
“Simple lang. Two-timer ka. Hindi
pa ba visible yon?”
“It’s not that…”
“Ayokong masaktan si Rosen.” Agaw
niya sa sasabihin pa nito. Ayaw niyang mangyari ulit ang nakaraan kung saan may
kailangang mamili. Ayaw na niyang maging isang option lang. The worst ayaw na
niyang magmukhang talunan at ayaw na niyang magpapili.
“So that’s it.” Tumango tango pa
ito. “Kayo na pala.”
“May problema ba dun? Mind you, may
girlfriend ka na rin kaya wag ka ng makipaglandian pa sa iba. Balik na ko sa
station ko, SIR.”
She heard him saying her name pero
hindi na niya ito nilingon pa.
Bastard!
Sigaw niya sa utak niya.
-00-
“Anong drama niyong dalawa?”
Pang-uusisa ng bakla niyang katrabaho na si Dolly.
“Wala.” Deny niya.
“Kuwento na dali!”
“Wala nga sabi eh.”
“Kapag hindi ka nagkuwento,
ipagkakalat ko sa buong grupo na nabuntis ka ni Sir Orlan kaya ka niya
pinatawag kanina at pinagreresign ka na.”
“Subukan mo lang, kakalbuhin kita!”
“I’m not scared. Magkikuwento ka,
magkikuwento?”
She has no choice, masyadong
makulit ang kaibigan niyang ito. “History just repeats itself.”Although alam
naman niya na hindi nito gagawin ang bantang pagkakalat ng maling tsismis.
“Isang nakaraan na ibinaon na sa limot.”
“History what?”
“My ex. Ikakasal na rin siya non
when I’ve found out. Pinapili ko siya but he can’t kaya ako na ang nagdecide.”
Pagkikuwento niya.
“Oh.” Tila nag-isip ito. “Alam mo
girl, duda talaga ako eh. Na may jowa yang si Sir. Dati nga nung wala ka pa,
akala namin juding din siya, pero nung dumating ka, dun niya lang sinabi na may
jowa pala siya. Pero nasaan ang bakas, ateng?! Kahit sa fb, waley!”
Ayokong
umasa. “Whatever!” Pakelam niya ba kung may jowa nga ito o wala.
Sigurado
ka? Wala kang pakialam, Lizen Ceras?!
-00-
Her cellphone rang, “Hello?”
“Hi, Lizen. It’s me, Smith.”
“Oh, hi Smith!” Bati niya sa
kanyang dating client. Isa ito sa mga amerikanong walang magawa sa buhay kundi
ang manggulo ng mga call center agent. Sa sobrang kulit nito ay naibigay niya
rito ang number niya para tumigil na at ibaba ang linya ng telepono.
She didn’t expect na from Arizona ay tatawagan
talaga siya nito. Since then, ay regular na itong tumatawag sa kanya para lang
makipagkuwentuhan. Enjoy naman siyang kausap ito kaya later on ay naging
magkaibigan na rin sila. Maski sa mga social networking sites ay friends at
follower nila ang isa’t isa.
“So have you thought about my
offer?” tanong nito sa kanya.
“I’m still thinking about it.”
“Come on, just say yes.”
“You know that I have so many
things to consider first before I can finally decide. I’ll be the one who will
call you if I already made up my mind. Okay?”
“Okay. But you know that it can’t
wait too long. Bye for now. Take care.”
“I will, you too. Bye.”
Simple lang naman ang tanong ni Smith.
Yes or No lang ang sagot dito. Simpleng tanong pero komplikadong sitwasyon.
Pupunta siya sa US para i-pursue ang pinakapangarap
niya at yun nga ay ang maging isang super model. May kapatid si Smith na
may-ari ng isang modeling agency sa New
York . Yun nga lang, kailangan niyang pakasalan si
Smith para matupad niya ang pangarap niya.
Kaya niya bang magpakasal sa isang
taong hindi naman niya mahal?
Modeling nga ba ang pinakapangarap
niya?
Kung tatanungin siya dati sa mga panahong nag-aaral pa siya at masayang rumarampa sa entablado ay OO agad ang isasagot niya pero ngayong nagtatrabaho na siya ay tila hindi na ito ang ultimate dream niya.
Kung tatanungin siya dati sa mga panahong nag-aaral pa siya at masayang rumarampa sa entablado ay OO agad ang isasagot niya pero ngayong nagtatrabaho na siya ay tila hindi na ito ang ultimate dream niya.
Isang simpleng maybahay kasama ang
lalaking pinakamamahal.
May kumpleto at masayang pamilya.
May negosyo.
Parang gusto niya ang ganitong
buhay nalang.
Lizen,
is this really you? Sita niya sa sariling imaginations.
But still nagtanong pa rin ito ng
nagtanong. Mahal mo ba talaga siya? Bakit
siya?Ano bang pinakain niya sa’yo?
“Ah letse!” hindi niya naiwasang
masabi ng malakas.
Napatingin tuloy sa gawi niya ang
ibang customers ng coffe shop na iyon. Kung bakit naman kasi dito pa niya
naisipang magmuni-muni.
I
NEED YOU GUYS! KELANGAN KO NG KAUSAP! ASAP! BAKA MAKITA NIYO NALANG AKO SA
MENTAL! Group text message niya sa
mga kaibigan.
Sana lang may mag reply. Kundi siya
na mismo ang magpapa-admit sa sarili niya sa loob ng nasabing ospital sa
Mandaluyong.
Nagsipagreply naman ang mga ito.
“Ingat! Hehe.” Text ni Jadey.
“Asan ka ba?” Reply naman ni
Sheldine.
“Nasa Laguna ako, Heart.”
Napasimangot siya sa text naman ni Xyrish.
“May sakit si Angeline, Heart.
Pasensiya na. Dadalawin nalang kita sa loob. Hehe. Sorry talaga.” Nabwisit
naman siya sa text ni Tulips.
“Oopss. As you all know, andito me
Zambales. Sorry.” Reply naman ng hasyendera nilang kaibigan na si Niza.
Naintindihan naman niya ang naging
reply ni Mafeth na kasalukuyan daw nagrereview para sa isang exam.
She sigh. Mga walang kwentang kaibigan.Hmp!
Walang kwenta kaagad? Sipain kaya
kita?
SHELDINE,
PAUWI NA KO SA HOUSE. JADEY, MUKA MO! XY, LIPS, NIZA, SALAMAT SA CONCERN, INGAT
KAYONG LAHAT. FETH, GOOD LUCK SA EXAM.
Muli niyang text group message sa mga ito.
Hindi siya galit sa lagay na yan. May sira
lang ang keypad ng cellphone niya kaya naka all caps.
“Oh, anong ginagawa niyong dalawa
rito?” Mataray niyang tanong kina Jadey at Sheldine.
“Ayaw kasi naming dumalaw sa loob
ng Mental baka mahawa kami kaya dito nalang habang hindi ka pa na-aadmit.”
Natatawang sagot ni Jadey sa kanya.
“Allergic kami sa mga baliw.” Sagot
naman ni Sheldine. “Hindi ka pa naman totally baliw kaya pwede ka pa namin
kausapin. Tsaka ka na namin iiwasan kapag natuluyan ka na.” Nakipag-apir pa ito
kay Jadey.
“Ewan ko sa inyo.” Naiiling na
binuksan nalang ni Lizen ang gate ng sarili niyang bahay. “Pasok na. Bago
magbago pa ang isip ko.” Yaya niya sa mga kaibigan. “Walang pagkain dito.
Bahala kayong bumili. Wala akong pera.” Aniya.
“As usual.” Duet nila Jadey at
Sheldine.
Chapter 9 – Confession
“I love her.”
“I know.”
“Pero di ko alam ang gagawin ko.”
“Simple lang. Puntahan mo siya.”
“Pero ayaw niya akong makita.”
“Lalaki ka nga.”
“Huh?”
“When we say na ayaw namin kayong
makita, it means we need you.”
“Ang gulo niyo talaga.”
“As always. Parang adobo lang.
Hindi kumpleto pag walang toyo.”
He hugged her and she hugged him
back.
Nagulat nalang siya ng biglang may
sumapak kay Rosen dahilan para bumulagta ito mula sa kinauupuan.
“What the!...” Gulat niyang
reaksyon.
“That guy is bastard! I saw him
kissing Tulips yesterday! Kung may two-timer dito, hindi ako yon kundi yang
lalaking yan!” Asik naman nito kay Lizen.
“Orlan, shut up!” Sita niya sa
lalaking nag-aamok.
“No! You shut up and listen! Hindi
totoong may iba akong girlfriend at mas lalong hindi totoo na ikakasal na ako.
I didn’t even had any girlfriends yet dahil all this time ikaw lang ang mahal
ko. Ikaw lang ang gusto ko.”
Sure si Lizen sa sarili niya na
shocked siya.
Paano?
Bakit?
Kailan?
“I think, I’d better go. You two
should talk.” Singit ni Rosen. Nauna na itong umalis sa coffee shop.
Sumunod naman si Lizen dito pero
nilingon muna niya si Orlan. “Kung gagawa ka ng eksena, huwag sa harap ng
maraming tao. I started to hate crowds because of you.”
Lumabas na rin ng coffee shop si
Orlan. Hinila niya si Lizen sa braso at iginiya papasok sa sariling kotse.
“Sakay.”
“Kaya kong mag-taxi.” Tanggi naman
niya.
“I said sakay! Hindi pa ako tapos-”
“Hindi mo kailangang sumigaw! Short
tempered man!”
Umawat naman si Rosen. “You two,
calm down. Anyway, pare. I think you misunderstood something. Una na ako senyo
and please lang talk nicely. Salamat nga pala sa sapak, I think I have waked
up.” Sumakay na si Rosen sa sarili nitong kotse hawak ang sariling jaw line and
Lizen knew where he will go.
Buti nalang at may sense ang
ginawang pagsapak dito ni Orlan. Tsk!
-00-
“Hay
nako, Lizena. Mas malaki ang problema ng Pilipinas kesa diyan sa pinoproblema
mo na hindi naman dapat problemahin!” Sermon sa kanya ni Sheldine.
“Tama…
Kung saan ka masaya te, dun ka. Huwag mong pahirapan ang sarili mo.”Jadey
seconded.
“Pero
paano? Eh ni hindi ko nga alam kung saan ako mas magiging masaya. Isa pa,
ikakasal na siya! Parang si Ricks lang di ba?!”Paghihimutok niya.
“Sure
ka ba na ikakasal na talaga siya? Alam mo ang isang lalaking may mahal ng iba,
hindi siya magpapakita ng interes sa ibang babae.”Si Sheldine ulit.
Lizen
pouted. “Bakit si Ricks?”
“Hindi
lahat ng lalaki pare pareho. Huwag mong lahatin. Filing ko rin ha, hindi
totoong may ibang jowa si Orlan. As far as I know, kapag nainlove ang taong
yon, head over heels. Ipangngalandakan niya sa buong kampus este sa buong mundo
kung gaano niya kamahal yung girl.”ani Jadey.
“Nagbabago
naman lahat ng tao. Malay natin nagbago na siya. Masyado na siyang secretive
pagdating sa lovelife niya. At siguro ginagantihan niya lang ako kaya
nagpapakita siya sa akin ng interes KUNWARI.” Kontra naman niya sa sinabi ng
kaibigan.
“Ewan
ko sa’yo. Masyado ka talagang Nega. Edi lumipad ka na sa abroad at magpakasal
sa taong hindi mo naman gusto, yayaman ka pa. Penge nalang ng pasalubong.”Tila
hopeless na si Jadey sa pagpapaliwanag sa kanya.
“Ang
tanong, si Orlan ba talaga ang mahal mo at hindi si Rosen?”Tinitigan siyang
maigi ni Sheldine. Subukan niya lang magsinungaling at sabunot ang aabutin niya
dito.
“Siyempre
si Orlan…” She confessed.
Tinapik
ni Sheldine ang sariling noo. “Ayun naman pala eh! Edi sabihin mo sa kanya!”
Mukhang high blood na naman ito. “Kung totoo man na may jowa siya, nasa kanya
na yon kung papaano niya tatanggapin ang pag-amin mo. At least nasabi mo at
wala kang pagsisisihan.”
“Lola,
madaling sabihin. Mahirap gawin. Bakit ako aamin? Ano ako tanga?”Sagot naman
niya.
“Jadey,
uuwi na ako!” Suko na si Sheldine. “Walang kahahantungan ang usapang ito. Ako
ang naii-stress.” Paalam nito sa mga kaibigan.
“Teka.
Sama ako!” Habol naman ni Jadey dito. “Basta kung saan ka masaya, dun ka!” Habilin
ulit nito kay Lizen bago tuluyang lumabas ng bahay.
End of reminiscing. Kahit na nag
walk out ang mga ito, tama naman pala sila. Now it’s her turn to confess.
This is a matter of her happiness
or not.
Ang tanong, kaya niya ba? At handa
na nga ba siya?
“Hey! Speak up!” untag sa kanya ni Orlan.
“Ano ba?!” Asik naman niya rito.
“Hindi ka na nagsalita. Nasabi ko
na sa iyo ang lahat ng gusto kong sabihin pero ikaw, wala ka man lang
reaksiyon.”
“Nag-iisip ako. Teka, san mo ba ako
dadalhin?” Sagot at tanong niya rito.
“Sa lola ko. Ipapakilala kita.”
“Huh? Hello! Kilala na ako ng lola
mo noh!”
“Bilang babaeng pakakasalan ko.”
What?!!
She’s speechless again. -00-
Chapter 10 – Her Final Ramp
After
4 years….
Napanindigan naman nila ni Orlan
ang long engagement. Gaya-gaya siya kay Jadey eh. Dinaig pa nga niya. Kay Jadey
at sa fiancé nitong si Arvin ay two years lang, sa kanila ni Orlan ay inabot ng
apat na taon bago nauwi sa altar ang lahat.
Just like any other couple, marami
silang naging pagtatalo but usually they were petty things. Nasasakyan naman ni
Orlan ang mga trip niya sa buhay. Alam nito kung kelan siya may sapak at iyon
ay madalas.
Even the day before they became an
official couples ay nag-away pa muna sila.
Flashback…
“Ayos
ka rin eh noh?! Pinakilala mo ako sa lola mo bilang fiancé mo ng hindi mo man
lang muna ako kinakausap. Ni hindi mo pa nga alam kung papayag ako o hindi!”
Bulyaw niya rito. Pauwi na sila galing Cavite, sa bahay ng lola ni Orlan.
“Bakit
hindi ka tumutol?”Tanong naman sa kanya ng kanyang instant fiancé.
Natigilan
naman siya. Bakit nga ba hindi siya tumutol kanina?
Naramdaman
din niya ang sayang nararamdaman ng lola ni Orlan habang ipinapakilala siya
nito bilang fiancé niya at wala siyang lakas ng loob para putulin ang masayang aura
nito.
Tiyak
na sasama ang loob nito kapag sinabi niyang isang malaking joke lang ang lahat.
“Nakita
mo naman kung gaano kasaya si Lola kanina di ba? Anong karapatan ko para pawiin
yon.” Dahilan niya.
Muling
nagtanong si Orlan. “So it means, gusto mo rin?”
“Kapal!”
Narinig
niya ang malakas na pagtawa ni Orlan and she can’t hide her own smile.
“Umamin
ka na kasi, mahal mo rin ako. Sila Jadey at Sheldine na mismo ang nagsabi sa
akin.”
Nanlaki
ang mga singkit niyang mata sa nalaman. “Whaat?!!” Exage niyang reaksiyon.
“Paanong…?
Hindi!... Ano…”She didn’t know what to say.
Sa loob loob niya, makita niya lang ang
dalawang kaibigan sa mga oras na it ay
makakalbo niya ang mga ito.
KUNG
magpapapayag ang mga ito. But she doubt.
Kinibit
lang ni Orlan ang mga braso at nagmani-obra.
“Saan
na naman tayo pupunta?!” Pigil niya sa braso nito.
“Babalik
kay lola.” Prente nitong sagot.
“Ano
ka ba?!” Asik niya rito.
“Tao.”
“Sisipain
na kita diyan eh!”
“Eh
ayaw mo naman di ba?”
“Ang
alin?” Kunot noong tanong niya rito.
“Ang
pakasalan ako.”
“Sino
nagsabi sa’yo?”
“Ikaw.”
“Paanong
ako? May sinabi ba ako na ayaw ko?! Kelan? Saan?”
“So
gusto mo?”
“Ang
alin?”
“Ako.
At ang pakasalan ako.”
“Sinong
nagsabi sa’yo?”
“Naman
Lizen! Mababaliw na ako sa’yo!” Konti nalang ay susuko na si Orlan sa sobrang
gulo ng kausap niya. Pinayuhan siya nila Jadey na sakyan lang ang trip nito
pero parang hindi na niya kaya. “Bumalik na tayo kina Lola!”Binilisan pa nito
ang pag da-drive. They were running at 100 already.
“Oo
na!” Sa wakas ay sagot niya. Sige na, aamin na siya. Buko na rin naman pala siya.
Kahapon pa yata.
Sa
kabiglaan ay napapreno ng malakas si Orlan.
“Aray!
Papatayin mo ba ako?” Muntik ng umabot ang ulo ni Lizen sa headboard. Buti
nalang at naka-seat belt siya.
“So,
tayo na talaga?” Muling tanong ni Orlan sa kanya.
“Bwiset!”
Asik naman niya rito. “Kung balak mong magpakamatay, wag mo akong isama. Marami
pa akong panga-….”
Orlan
shut her mouth through sweet kisses na malugod naman niyang tinugon.
Naputol
nga lang ang moment nila ng may marinig silang busina mula sa likod. Oo nga
pala, nasa highway sila at nasa inner lane pa. Mga adik lang.
“Alam
mo na pala pero bakit sinapak mo pa rin si Rose?. Kawawa naman yung tao.”
This
time pabalik na talaga sila ng Maynila.
“Sinunod
ko lang ang payo ng mga kaibigan mo. Sabi nila, paaminin raw kita. Tapos
pakisapak na rin daw si Rosen para matauhan. Hindi ko sila naintindihan pero
sinunod ko nalang. Ikaw na bahalang magkuwento sa akin.”
“Ayos
ka rin eh noh. Nananapak ng tao, hindi mo naman alam ang dahilan. Tsk!”Naiiling
niyang sabi sa ngayon ay official na niyang boyfriend slash fiancé minus the
engagement ring.
“May
sarili akong dahilan.”pag-amin naman ni Orlan.
“Ano
naman?”Curious niyang tanong.
“Nagselos
ako. Kayakap niya ang babaeng mahal ko eh.”
Wala
na siyang masabi. Ulit.
-00-
End of flashback.
As of now, meron na siyang sariling
fashion boutique. Tinulungan siya ni Orlan para maitaguyod ito. Salamat rin sa
suporta ng mga kaibigan niya. Wala man siyang pamilya, sapat na ang mga ito
pati na si Orlan para maging buo siya at masaya.
Now she realized that dreams really
do come true.
Isa pa lamang ang branch niya pero
balak na rin niyang mag- expand next year.
Tsaka na yon pagkatapos niyang
rumampa papunta sa altar and that is her final ramp which is her greatest dream.
Cheers!
The End.
No comments:
Post a Comment