Saturday, October 12, 2013

Hiwaga



Animo’y estranghero na pilit pumapasok
Lalong nagsusumiksik at hindi mapipigilan
Pagkadali-daling matinag ang mapupusok
Iyo bang pauunlakan ang bisitang hibang?

Kahit sino pa ma’y maaaring mabiktima
Isang salarin ngunit libo ang depinisyon
Lunos o galak ang kinauuwiang bunga
Sa proseso ng pagsusugal tulad ng majong.

At sa pagsibol n’ya sa isang batang bulaklak
Nalilinang ang mga samu’t saring bagay bagay
Mangmang sa una at sa huli’y nagiging mautak
Tama nga bang bumuka pagdating ng liwayway?

Sabi nga nila’y hahamakin nito ang lahat
Masunod lamang isinisigaw nitong banta
Tama’y wakasan, isusulong ang hindi dapat

Pag-ibig, pag-ibig, oh siya na ngang talaga!

No comments:

Post a Comment