Chapter 1- (Jadey)
Chapter 2- (Accident
Meeting)
Chapter 3- (A Fresh
Start)
Chapter 4- (The
Like)
Chapter 5- (Betrayal)
Chapter 6- (Falling)
Chapter 7- (Broken
Promise)
Chapter 8- His true
feelings
Chapter 9- Moving On
Chapter 11- Reveal
Chapter 12- (The
Promise)
Chapter 1 - Jadey
She is Purple Jade Casaña but she
prefers to be called as Jadey. She even hates her full name. Paboritong kulay
kasi ng kanyang ina ang Purple and Jade is also one of her favorite gemstones
kaya’t ito ang pinangalan sa kanya. She’s now 22 years old, currently working
as a HR Specialist sa isang Retail Company. Middle class at solong anak.
Graduated Bachelor of Science in Business Management two years ago sa isang Unibersidad
sa Makati . Just
like any other ordinary girls, she loves to hang-out with her friends especially
during long weekends. She belongs to a popular group of peers in their
University way back then, The Playful
Hearts.
Witty, strong, moody, war-freak,
mataray but friendly. Ito ang mga characteristics niya.
As to her physical looks, she has
the height of 5’6; black and straight waste length hair, brown eyes, and brown complexion. Vital statistics are
34-27-35.
Sa ngayon, hindi pa niya alam ang
gusto talaga niyang gawin sa buhay. Basta’s magkatrabaho after college, ito
lang ang nasa isip niya. She doesn’t have any other plans yet. Para sa kanya,
she’s still young para isipin ang ganung bagay. Mas mabuting i enjoy nalang
muna niya ang pagiging young adult at buhay bachelorette.
Kasalukuyang may iniinterview si
Jadey para sa open position ng Marketing department ng biglang tumunog ang
kanyang telepono tanda na may nagtext.
“Excuse me, Miss Mildred, I’ll just read this
one,” nakangiti nitong paumanhin sa kausap.
“Heart, sb tonyt! C yah!” text ni Xyrish.
Ang pinakabestfriend niya sa grupo.They are seven in the group and they call
themselves as Playful Hearts. Siya,
si Xyrish, Sheldine, Tulips, Niza, Lizen at Mafeth. First year college pa lang,
silang pito na ang nag click and they stick until now, maybe until tomorrow and
until they were old. Magkakaiba sila ng ugali, madalas pa ngang nagtatalo talo
noon way back in college (madalang nalang ngayon since they are all already
professionals at minsan nalang magkita kita), but still napagtiyatiyagaan pa
rin nila ang isa’t isa na kasama. Law of Magnetism really applies to them,
opposites really do attract. Two years na silang wala sa kanilang alma matter kung kaya’t
madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto kung magkita kita sila ngayon. It’s
only her and Xyrish who always went out, hindi lang dahil sa sila na talaga ang
sobrang close dati pa man and they were bestfriends since gradeschool but yet
magkalapit lang sila ng pinagtatrabahuhan, actually one department away. Siya
sa HR as a Recruitment Specialist, si Xyrish naman bilang Assistant Buyer sa
Merchandising Dept sa iisang kumpanya.
“K,” tangi niyang nireply at
naiiling nalang na itinuloy na ang pag iinterview sa aplikante. Kailangan pang
magtext eh halos tatlong dipa lang naman ang layo ng mga departments nila.
------------------------
“ Anong meron at nagyaya ka dito sa
SB?” tanong ni Jadey sa kaibigan na kasalukuyang pinapapak ang chocolate cake.
Nandito sila ngayon sa paborito nilang tambayan. Starbucks Libis.
“Wala naman. Kakamustahin lang sana kita,” kibit balikat
nitong sagot sa kanya.
“Hah?” napamaang nitong reaksyon sa
sagot ni Xyrish. “Araw araw tayong
nagkikita sa office, tapos nagpalibre ka rito sa SB para lang kamustahin ako.” Ikaw na nagyaya ikaw pa nanglibre, tigas mo
talaga! Nasabi na lamang ito ni Jadey sa sarili.
“Kayo ni Arvin? Kamusta na?”
mataman nitong tinitigan ang kaibigan. Ang tinutukoy niya ay ang long-time
boyfriend nito. Alam niyang may
pinagdadaanan ito these past few weeks.
Binaling ni Jadey ang tingin sa baso niyang may Frappe.
Bestfriend nga niya talaga ito dahil sa kabila ng pananahimik niya regarding
her love life alam pa rin nito pag may problema siya. Noon kasi konting
development lang o pagbabago sa love life niya ay updated ito sa kanya. Naging
discreet nalang siya this year dahil narealize niya na some things are better
to be kept inside. She also realized na very childish act ang ganon and she’s
22 already and not a kid anymore.
“Parang hindi ko na kaya, it feels like I want
to give up na,” pagtatapat niya rito. For almost four years of being with
Arvin, three years and nine months to be exact, ngayon niya lang naramdaman na
she wants to be single again, free of commitment and less stress. Sa sitwasyon
nila ngayon na magkahiwalay sila geographically, since nasa cruise si Arvin as
Assistant chef based on Italy, mas umigting ang nararamdaman niya na
makipaghiwalay na dito, recently kasi lagi na silang nag aaway sa Skype. Mas
mahirap palang makipag away sa boyfriend kapag nasa malayo ito. Noon kasi pag
may hindi sila pagkakaunawaan, lambingin lang siya ni Arvin, okay na sila.
Parang walang away na nangyari. Ngayon, umaabot ng mahigit isang linggo na
hindi nila naaayos ang problema kahit pa maliit lang na bagay ito tulad ng paggimik
niya kasama ang mga kaibigan. Minsan na nga lang sila magkita kita, ayaw pa
siyang payagan. Ang dahilan nito, walang susundo o aalalay sa kanya pag
nagiging tipsy na siya. Aminado siya na mabilis talaga siyang mag passed out
ilang shots lang. Ang point naman niya, hindi siya iinom ng madami, alalay
lang. Ayaw pa rin nitong pumayag, in the end lumala lang ang away nila dahil
hindi niya ito sinunod at gumimik pa rin. Luckily hindi naman siya nag passed
out at nakauwi naman ng safe at buo pa rin.
“Six months palang nasa Italy
si Arvin, suko ka na?”
“Heart, sa loob ng six months na
yon, ang daming nangyari, ang dami na naming away.”
“So that’s the reason..” tumatango
nitong tugon.
“Yeah, that’s the reason why I want
to break up with him.”
“Hindi yon, that’s the reason kung
bakit lagi kang tulala pag dumadaan ako sa HR.”
Binatukan niya ang kaibigan.
“Paparazzi ka na pala ngayon.”
“Aray ha! Kala ko ba hindi na tayo
bayolente?” Noon kasi mahilig itong makipag away sa kampus nila. May sinapak pa
nga ito sa loob ng classroom. At siyempre all for one ang drama nila. Kaaway ng
isa , kaaway na ng lahat, maliban nalang kung sila mismo ang nag aaway away na.
Mind your own business naman ang tema nila. Kumbaga, in tact pa rin ang grupo
kahit may magkaaway. Magkakasama pa rin sa lakaran o magkakatabi pa rin sa
classroom.
“Oo. And you are my subject.”
Nakangising sagot ni Xyrish. “So what’s the plan?”
“Hindi ko alam. Nalilito rin ako.”
Kibit balikat nitong sagot. Yun ang totoo. She’s confused.
“Hindi mo na ba siya mahal?”
“Hindi naman basta basta mawawala
yon eh.”
“Yun na nga. Hangga’t mahal mo pa,
try to revive and to survive,” effortless nitong payo sa kaibigan.
“What if it wouldn’t work anymore?”
she’s feeling hopeless now.
“Well, at least you’ve tried.”
“Ang hirap pala talaga kapag long
distanced relationship noh?” It was six months ago ng umalis si Arvin for Italy . Masakit
man pero kailangan nilang gawin ito. Mas may kaya sa buhay si Jadey kung kaya’t
napagpasiyahan ni Arvin na mag abroad upang makaipon at walang masabing hindi
maganda ang pamilya ni Jadey sa kanya. Their actual plan is to save money for
their marriage life after Arvin’s contract which is two years. Pero mukhang
hindi na ito maisasakatuparan dahil sa gusto ng bumitaw ni Jadey sa pangako
nilang magkasintahan na Walang Iwanan.
“Sabi ko naman sa’yo noon, dapat
hindi ka nalang pumayag.” Xyrish warned her that it will be very hard to have
an LDR affair. Pero hindi siya nakinig because she believed that their love is
so strong that time and distance can’t break it. Pero mukhang nagkamali nga
siya.
“I thought makakaya namin.” Depensa
niya.
“Kaso hindi MO makaya.” Pagtatama
ng kaibigan. “I don’t think Arvin will give up that easily. Baka talunin nun
ang dagat pabalik sa’yo dito ngayon if you will just say the magic words.”
“Which is come back here?”
“Hindi. Kundi, Break na tayo!.”
“I doubt,” with matching pouted
lips.
“Jusko naman Heart! Ngayon ka pa
nagduda sa pagmamahal sa’yo nung tao.” Saksi si Xyrish kung gaano kamahal ni
Arvin ang kaibigan.
“Ewan ko. Baka nagbago na siya.”
“And that is doubt.”
“So kaya mo ko niyaya dito sa
Starbucks at nagpalibre pa ay dahil lang sa sesermunan mo ako?” taas kilay
nitong tanong.
“Hindi.” At binatukan rin nito ang
kaibigan. “Para gisingin ka. Lagi ka kasing
nag di daydreaming during office hours.
“Aray ha! Ano to? Gantihan?!”
“Medyo! Una na ko sa’yo. Hindi pa
ubos cake mo. Sayang yan! Bye! See you on Monday!” Hinalikan na niya sa pisngi
si Jadey.
“Kita mo tong babaeng to! Nang iwan
pa.”
“Para
makapag isip isip ka.”
“Kaya kong gawin sa pad ko yon.”
“Andun si Chuza.” Tukoy nito sa
alaga niyang chow chow breed na aso. Tumalikod na ito.
Mukhang tama si Xyrish, kailangan
nga niyang makapag isip ng ilang libong beses, bago humantong sa isang mabigat
na desisyon. Four years is different from four days or even four months. Even
in four decades, lalo na sa four centuries, hindi na siya buhay non.
Maybe, there will be some other way
to overcome her so called heart problem. Pangit naman heart problem, parang
heart disease lang ah. Sige love life problem nalang. Marami na silang
pinagdaanan ng nobyo pero kahit kailan ay hindi ito humantong sa
pakikipaghiwalay. Thanks to her boyfriend na sobrang lawak ng pang-unawa at
nasasakyan ang pagiging moody niya. Alam nito kung kailan at paano siya
susuyuin upang magkaayos sila. Pero ngayon, some things are not that easy to
fix. Magkalayo sila. Kailangan pang i-consider ang time differences.
Long distance relationship. Kaya
siguro wala ito sa facebook status dahil sadyang napakahirap i-define at
i-carry on ng ganitong klase ng relasyon. Marami na siyang narinig na mga
kuwento base rito. Some succeed and survive but some didn’t.
Sila kaya?
Chapter 2 – Accidental Meeting
Naiisip niya si Arvin at ang mga
pinagsamahan nila noon. Third year college siya ng ligawan siya nito. Business
Management ang kurso niya sampu ng mga kaibigan niya habang si Arvin naman ay
Hotel and Restaurant Management. Nasa iisang college building lang sila kung
kaya’t madalas silang magkasalubong. Aksidente siyang natamaan nito ng bola ng
basketball nang minsang napadaan sila sa gym para kitain ang crush ni Tulips.
Muli niyang binalikan ang
aksidenteng iyon. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.
“Jadey! Bilisan mo maglakad, ayun
siya oh!” kinikilg na turo ni Tulips sa isang matangkad na lalaking naglalaro
ng basketball sa kanilang gym. This man stands out dahil sa tangkad na kung
tatantiyahin ay aabot siguro sa 6’2.
“Malandi ka talaga. Hindi naman
guwapo eh, matangkad lang,” komento niya sa itinuro nito.
“Pero weakness mo naman,”
pambubuking ni Xyrish. Alam kasi niyang tulad ni Tulips, height din ang gusto
ni Jadey sa isang lalaki.
“Pero hindi naman yung mukha ng
kapre!” natawa siya sa sariling sinabi.
Tinignan siya ng masama ni Tulips,
“hate you!”
“I love you,too Heart!” natatawa pa
rin niyang sagot dito.
“Kaya wala kayong lovelife eh! Puro
kapintasan nakikita niyo,” turan ni Tulips sa mag bestfriend.
Natigilan sila pareho ni Xyrish.
May point nga ito, at the age of 18, they’re still NBSB, isa sa mga
pinakapopular na acronyms sa Pilipinas para sa mga certified single ladies like
them. No Boyfriend Since Birth!
“Eh ano naman?,” pagtataray ni
Jadey sa kaibigan, “we’re still young, hindi kami mauubusan ng lalaki.”
“Siyang tunay!” second the motion
ni Tulips.
“Sige, magsama kayo. Diyan na
kayo!” nag-walk out na si Tulips palabas ng gym.
“Kita mo tong babaeng to! Siya
nagdala sa atin dito tapos iiwan lang tayo. Bruha ka talaga, Maria Tulips!”
habol dito ni Jadey. Wala naman siyang
balak magtagal sa lugar na iyon. Mahirap na baka magkaroon na naman siya ng
crush. Halos puro matatangkad ang naroroon.
“Ahhh!” isang bola ng basketball
ang tumama sa ulo niya dahilan para matumba siya. Sa pagsunod niya kasi kay
Tulips ay hindi niya napansing sa kanya pala papunta ang bola.
Agad na lumapit sa kanya ang isa sa
mga naglalaro at humingi ng tawad.
Wala siya sa lugar para magtaray
kaya’t hinayaan nalang niya at tinanggap ang sorry nito. Kasalanan naman niya.
Matapos humingi ng sorry ay una itong
nagpakilala kay Xyrish. Siya raw si Arvin Santos, HRM student at kagaya nila,
second year college din ito. Nauna na siyang lumabas ng gym dahil sa
pagkapahiya habang si Xyrish naman ay nakipagkuwentuhan pa sa bagong kakilala.
Akala nila noon, si Xyrish ang type nito, yun
pala nagpatulong lang ito upang mapalapit sa kanya. Lahat silang magkakaibigan
ay may itsura naman. Madalas pa nga silang pagtinginan kapag magkakasama silang
naglalakad sa hallway ng University nila at kahit pa sa mall. Iba iba nga lang
sila ng appeal, si Xyrish ang mahaba at kulot kulot nitong buhok ang pinaka
asset habang siya naman, her height and her complexion with her brown eyes are
really appealing. Hindi gaanong malaki ang kanyang boobs pati na rin ang butt
pero may ilalaban naman siya sa mukha but you need to take a second look at her.
She had this mood swing look of brown eyes. Sometimes, she will look innocent
especially when she’s happy. But whenever she’s mad, you can see a very strong
and stubborn girl. Wild and free. What she wants she gets through strong will
and sometimes through charm. Since only child kaya spoiled. Pero unti unti
siyang nagbago when Arvin started to date her and officially maging sila.
“Hindi ako uuwi hanggat hindi mo
ako sinasagot!” muli niyang naalala ang araw na sinagot niya ito. Nasa tahanan
niya sila noon si Arvin, past eight na ngunit ayaw pa rin nitong umuwi. Ayaw
man niyang itaboy ito ngunit nahihiya na siya sa kanyang mama’t papa na
nakamasid sa kanila.
“Eh, ayoko pa nga!” pagmamatigas ni
Arvin, “sagutin mo muna ako.”
“Ang kulit mo talaga! Pag ako
nainis, babastedin na kita as in now na!” hamon niya rito but she thinked she
can’t do it.
“Hindi mo kaya. Alam ko at ramdam
ko na mahal mo naman ako eh, ayaw mo lang aminin,” Arvin feels they have
already have a mutual feelings. For the past four months na nililigawan niya
ito, they treated each others as couples already. Kumbaga, salitang OO nalang
ang kulang.
“Nakakahiya kina Mama, umuwi ka
na,”
“Okay lang naman sa kanila eh.
Tsaka maaga pa, bakit ba tinataboy mo na ako?”
“Hindi sa tinataboy kita , pero
kasi ano nalang iisipin nila pag late na tapos nandito ka pa rin,”
“Just answer me and I’ll go,”
demand nito.
She had no choice but to say yes.
Matagal na niyang gustong sagutin ito pero hindi niya alam kung iyon na ba ang
tamang panahon. Iiwan na niya ang NBSB federation.
“Thank you! I love you so much,
Jadey. Alam ko, alam mo yon from the very first time that I accidently hit you
that ball,” hinawakan nito ang kamay ng dalaga.
“I love you,too.” Pagtatapat na
niya sa tunay na nararamdaman para dito. Hinatid na niya ito sa gate nila at
panakaw siya nitong hinalikan sa labi. Para sa kanya, masyadong mabilis ang mga
pangyayari but she’s happy. Totally.
Galing sa simpleng pamilya si Arvin
kung kaya’t simple lang din ito. Walang luho at puro necessities lang ang meron
sa katawan. They always had fight before
because of their lifestyle differences but from time to time, nagkasundo rin
sila. Jadey used to be simple as Arvin at hindi na masyadong nakikipag away sa
mga babaeng naiinggit sa kanilang grupo at hindi na rin nananapak sa mga
lalaking bumabastos o nang-aasar sa kanila. She started to be mature. Arvin
thought her a lot and she’s very thankful to that. Sabay silang grumaduate with
flying colors. From being an average student to Dean’s Lister during their last
two years in college. She was inspired indeed. Arvin hasn’t been only a
boyfriend but a true best friend to her. Mas marami pa nga ang nainggit sa
kanya when they become a couple. Kilala kasi si Arvin sa campus nila as one of
the best basketball players at napakabait pa. Very gentleman at friendly. Hindi
daw kasi siya ganun kaganda to be notice at first, kailangan mo pa siyang
titigan to realize her true beauty. Hindi tulad ng friends niya na sina Tulips
at Nizen na stand out talaga ang ganda at pinaka pansinin sa grupo nila.
Second look beauty pa nga ang
tanyag sa kanya ng mga kaibigan at tanggap ito ni Jadey. Walang sex appeal pa
nga ang tawag niya sa sarili minsan. But in terms of brain at bravery, here she
will stand out.
I
really love Arvin so much. Nahihirapan lang siguro talaga ako sa sitwasyon
namin ngayon kaya sometimes I really feel to give up na.But I think I
won’t. Nasabi na lamang ito ni Jadey
sa sarili. Baka mapagkamalan pa siyang baliw kung I vo voice out niya ito eh
wala naman siyang kausap kundi sarili niya. She finally decided not to give up
muna and stand for their promise. Walang
Iwanan. Actually they made this promise, one month pa lang silang mag-on ni
Arvin noon. Nang malaman kasi ito ng parents ni Jadey, they feel hesitantly.
They thought, kagaya rin ito ng ibang manliligaw nito na binabasted rin naman
niya. She’s just being respectful and hospitable pag may bumibisita sa kanya.
Just like any other strict parents, gusto muna nilang makatapos ng kolehiyo ang
anak. But true loving hearts cannot be stopped, harangan man sila ng sibat.
Jadey’s parents were convinced that they will never push to their limits. Kesa
magrebelde ang anak, pinayagan na lamang nila na ituloy nito ang pakikipag
relasyon kay Arvin at hindi naman sila nagsisi dahil nakita naman nila ang
magandang pagbabago ng anak. Thanks to Arvin, their daughter really matured.
She decided to get out of that
coffee shop at namimiss na niya si Chuza. A gift from Arvin, before they went
on parted ways.
Before reaching the door of that
shop, suddenly a whole new mocha frappe dropped over her white dress at tila
nabangga pa ang kaliwa niyang braso sa isang matigas na pader.
“Shiiii….” She managed to watched
her manners.. Shit! Ang dress ko! Inis
na sabi nalang niya sa sarili.
“Miss, I’m sorry.” Apologetic na
wika ng isang baronitong boses mula sa kanyang tagiliran.
Mataman niya itong tinignan. Ang tangkad niya! Ito kaagad ang una
niyang napansin sa nakabanggan. It’s really her weakness even until now. Isa
yon sa mga una niyang hinangaan kay Arvin. Since matangkad na siya with the
above average height of a Filipina which is 5’7, his ideal guy is yung mas
matangkad sa kanya. Then she also noticed na may hawak itong blackberry
cellphone sa kaliwang kamay. Maybe that’s the reason kung bakit siya nito
nabangga. Texting while walking?! Natural na may mababangga ka dahil sa
telepono nakatuon ang atensyon mo.
Her anger rose up again.
“Ang laki laki mong tao, hindi mo
napansin na may mababangga ka? Palibhasa nag tetext ka kasi eh!” pagtataray
niya dito.Lumabas ang pagiging maldita niya. Paborito niya kasi ang damit na
yon. It’s a birthday gift from Arvin’s mom. Mas importante sa kanya ang mga
bagay na ni reregalo sa kanya kumpara sa mga gamit na sarili niyang pundar.
Senti kasi siyang tao.
“I said I’m sorry.” Depensa ng
lalaki.
“It’s not enough!” asik niya dito.
Kalmado pa siya sa lagay na yan. Kung pinagana na naman niya siguro ang
pagiging warfreak at dragonesa, nakatikim na ito ng iba’t ibang mura.
“Look miss, It’s really not my
intention to ruin your dress.”
“But you did!” Mataman niyang
tinitigan ang lalaki. She realized na madilim ang gwapo nitong mukha. Maybe
there’s something happened on him o di kaya may natanggap itong nakagigimbal na
text message. Pero wala siyang paki! All she cares is her now coffee flavored
dress.
Isang barista ang lumapit sa
kanila. “Ma’am, Sir.” Basag nito sa namumuong tensiyon sa pagitan ng dalawang
customer, “Pasensiya na po kayo pero pinagtitinginan na po kayo ng ibang
customers, kung gusto niyo po dun nalang kayo mag-usap sa loob ng opisina namin
kasama ng manager namin.”
“Okay.” Pahayag ng lalaki at nauna
ng lumakad patungo sa opisina na animo’y doon siya nagtatrabaho at alam niya
ang pasikot sikot sa maliit na shop na iyon.
“Thank you po.” Paalam ng barista
at pumasok na sa counter
“Ma’am….” Intro ng manager ng
coffee shop na yon.
“Jadey.”
“Ma’am Jadey, hindi naman po
sinasadya ni Alex, I mean Sir Alex Jay ang nangyari. Baka po pwedeng patawarin
niyo nalang siya.”
“No! Sorry won’t be enough! This
dress is a gift from Tita Anne.”
“Sige na! I’ll pay it!” naiirita na
nitong sabi sa mga kausap. Akmang dudukot ito ng pera sa wallet ng pigilan siya
ni Jadey.
“No! I have a lot of that! Sa’yo na
yan! Just don’t ever show your face to me nalang forever!” Inunahan na niya ito
ng alis. Naiinis talaga siya. Napaka arogante nito at mayabang. Well, that’s
for her impression.
“Sorry for the trouble cuz. Bawi nalang
ako next time. May nangyari lang kaya ko siya nabangga.” Wika ni Alex Jay sa
manager ng coffee shop na iyon na nagkataong pinsan niya at lumabas na rin ng
opisina. What a day! Nasabi na lamang
ng binata sa sarili.
Chapter 3 – A Fresh Start
Dala pa rin ni Jadey pag uwi niya ng pad ang inis. Sinalubong siya ni Chuza
ngunit hindi niya ito pinansin at dumerecho siya sa kanyang kuwarto para
magbihis.
“Ate, uwi na po ako,” paalam sa
kanya ng stay out niyang kasambahay na si Lita. Nakonsensiya naman siya dahil
nag over time ito dahil sa pagtambay niya ng matagal sa Starbucks at hindi man
lang niya ito nasabihan na umuwi ng maaga at huwag na siyang hintayin.
“Sige. Salamat ha. Ingat ka.”
Ito lang ang kasa- kasama niya sa
kanyang pad bukod sa kanyang aso na si Chuza. Pag graduate niya ng college ay
nagdecide na siyang bumukod mula sa kanyang pamilya. Tutol man ang kanyang mga
magulang ay wala naman itong magawa. Malaki na siya at gusto na niyang maging
independent.
Hindi pa pumasok sa isip nila ni
Arvin ang magsama. They both knew na marami pa silang gustong gawin after graduation as individual
persons and their target marrying age is 25 or 26 pa. Si Arvin naman ay
nakapisan pa rin sa mga magulang nito.
“Bwisit talaga yung lalaking yon!”
nasabi na lamang ni Jadey sa sarili habang dinadala sa laundry basket ang
kanyang namantiyahang damit.
Tinungo niyang muli ang kuwarto at
kinuha ang laptop.
12
unread messages from Arvin Aragon .
Binuksan niya ito isa isa.
Babe,
Sorry.
Bati
na tayo.
I
love you.
I
wish I’m there para suyuin ka personally. Edi sana ngayon bati na tayo. Maybe I’m just
being paranoid and over protective of you. Ayoko lang talaga na gumigimik kang
hindi ako kasama. Mahal na mahal lang kasi kita.
PM
me when you’re not busy.
I
miss you so much.
I
can’t work well dahil hindi tayo okay ngayon.
Talk
to me soon. Please.
I
love you so much.
I’m
off to work na babe, sana
free ka bukas ng 8am diyan, off ko din bukas para makapag skype tayo.
I
terribly miss you.
Ingat
ka diyan and behave ha! Hehe. Bye.
Natawa siya sa huli nitong message.
He really loves this man and this man really loves her more than she does. Alam
nito kung kelan siya susuyuin o hahayaan muna mag-isa.
Okay.
See you on chat tomorrow..I love you more babe. Sorry din.Let’s start again. Reply
niya.
-----------------------------------------
Girls
are really cruel! Hard to spell and so hard to please. Grrrrr… Nanggigil na
wika ni Alex Jay sa sarili pagdating niya sa kanyang condo. Una, naiinis siya
sa kanyang ina na may bago na namang lalaki which is 20 years younger than her
mom and then Aiza, he saw her this morning may kasama ng ibang lalaki at kasabay
kumain sa office canteen nila. Ang kumakalat na tsismis sa opisina nila, ito na
daw ang bago nitong boyfriend.
They just broke up two months ago
at parang walang nangyari.
Then this girl named Jadey, na
hindi matanggap tanggap ang sorry niya which is very sincere naman dahil hindi
niya talaga sinasadyang banggain ito. Nagtext kasi ang mommy niya na lalabas
ito ng bansa kasama ang bagong boyfriend. When he looked into her brown eyes, he
saw the most innocent look and very charming face he never saw before. Pero ng
makita nito ang kanyang kamay na may hawak na cellphone, para itong
nagtransform sa isang babaeng palaban na talo pa si Xena the princess warrior.
Her eyes are very expressive. It can tell what she really feels and despite of
the madness towards this girl parang na amuse pa siya. She got curius tuloy
about this girl or woman rather. She looks professional but when she answered
back to him, she looks cute like a little girl.
Maybe
it’s time for me to start anew. Tutal mukhang totally moved on na si Aiza so it would not be unfair to her kung
mag gi girlfriend na rin ako.
Muli niyang naisip ang dalagang
natapunan niya ng kape.
I
think I like her. She’s different. A
sly smile drawn on his handsome face. Maligawan
nga.
--------------------------------------------
“Guwapo?!”
“Medyo,” nakangiwi niyang sagot kay
Xyrish. Sabay silang naglalunch nito sa office canteen ng maikuwento niya rito
ang engkwentro niya with that mayabang
guy last Friday. “Pero arogante, akala mo kung sinong mayaman, siya na nga
may kasalanan, siya pa tong…” she don’t know what to say next. “Ah basta!
Mayabang siya!”
“Anong mayabang dun? Nag sorry na
nga di ba? Umiral na naman yan pagiging dragonesa mo palibhasa wala dito yung
pulis patrol mo eh.” Tukoy nito sa boyfriend ni Jadey. Ito kasi ang taga
control ng temper niya.
“Ang point ko lang naman, mahalaga
sa akin yung damit na yon. It’s a gift from Tita Anne.”
“And his point is, hindi niya sinasadya
kaya nga nag sorry di ba? Tapos hindi mo naman tinanggap.”
“Dapat kasi he’s not using
cellphone when his walking especially may hawak pa siyang frappe.” Pagdadahilan
niya.
“Kelan pa pinagbawal yon Jadey?
Aber? Sasang ayon siguro ako if it is driving while texting. But walking while
texting?,. Oh come on!”
“Eh basta! Naiinis ako. He can text
naman but be he must look on his way para wala siyang maperwisyong tao!”
“Hayaan mo na. Nadaan naman sa laba
yung damit eh.”
“It’s not fair. Dapat pala
binuhusan ko rin siya. ” Hindi kasi nadumihan ang lalaki.
“Bata?”
“Eh bakit ikaw? Gumaganti ka rin
naman ah!”
“Ewan ko sa’yo babae ka. Tara na!”
Nag ring ang cellphone ni Jadey,.
Numero lang ang nakarehistro.
“Sino yan?” silip ni Xyrish sa
telepono ng kaibigan.
“Ma..” kibit balikat naman nitong
sagot.
“Si Tita Marie?” tukoy nito sa ina
ni Jadey.
“Sira! Malay ko!” Inangat na niya
ang telepono. “Hello?”
“Hi Jadey,” Sagot sa kabilang
linya.
“Sino to?”
“Alex Jay. Yung nakabanggaan mo sa
coffee shop last Friday.” At isang buntong hininga ang pinakawalan nito. Parang
kabado siya kausap. Marahil ay natatakot mabulyawan.
“So?” mataray na sagot ni Jadey.
“Sino yan Heart?” pangungulit ni
Xyrish.
“Just a nonsense stalker,” Walang
ka effort effort niyang sagot sa kaibigan.
“Weh?! Wala naman mag I stalk sa’yo
eh. Sa taray mong yan. Good luck! Di nga? Sino ba yan?”
“Wala nga!”asik nito sa kaibigan at
hinarap naman ang kausap sa telepono. “I think you’re dialing the wrong number.
Wala akong balak makipag callmate sa’yo!”
“Sino ba kasi yan?” singit pa rin
ni Xyrish. “Akin na nga yan!” Inagaw nito sa kaibigan ang telepono.
“Who’s this po?” tanong ni Xyrish
sa kabilang linya.
“Alex Jay.”
“Oh.. The mocha frappe boy.” Amazed
nitong sagot sa kausap. “Pasensiya ka na sa kaibigan kong warfreak ha. Front
niya lang yon so that nobody would attempt to hurt her.”
“Oh. I see. But that’s what I like
about her. Parang pinaghalong Snow White at Princess Xena.” Komento ng binata.
“Like? Agad agad?” nagtatakang
tanong ni Xyrish sa kausap.
“I mean. She’s different.”
“So that’s what she got you
Mister?”
“No. I mean, I just want us to be
friends.”
“Friends as start?”
“Ahmm..” Ang galing naman magbasa nito. “I just want to say na sincere ang
paghingi ko ng sorry.”
“Akin na nga yan baklita ka! Fyi,
telepono ko yan!” agaw ni Jadey sa sarili niyang telepono. Ngunit hindi naman
ito ibinigay ni Xyrish.
“Hep! Teka lang!” awat nito sa
kaibigan na pilit inaagaw ang telepono. “Sorry daw. Tanggapin mo na. Hindi ka
naman pusong bato di ba?”
“Thanks ha.” Sagot ng tao sa
kabilang linya.
“Wag ka muna mag thank you hindi pa
pumapayag ang kaibigan ko.”
“Okay fine! Apology accepted. Akin
na yang telepono ko.” Nakukulitan na si Jadey sa kaibigan pati na rin sa taong
nasa kabilang linya.
Sinusukat nito ng tingin ang
kaibigan, “Bakit labas sa ilong?”
Inikutan niya lang ito ng mata at
nag abrisiyete, “Whatever yaya! Sa’yo na yang telepono ko!” Nag walk out na ito
palabas ng canteen.
“Pasensiya ka na. Tinopak na naman
ang kaibigan ko. Apology accepted na daw.”
“Thank you. Anyway, maybe I can
invite you two for dinner later para mapasalamatan kita in person at para na
rin ma meet ka.”
“Sure! I’d love that!” Lumabas na rin ito ng canteen at hinabol si
Jadey para isoli rito ang telepono.
--------------------
“Arteh mo no?! Sa’yo na yang
telepono mo. Wala ng silbi sa akin yan.” Inabot na nito sa kaibigan ang
telepono.
“Makikipaglandian ka na nga lang,
cellphone ko pa ginamit. Palibhasa single!”
“Nagsalita ang in a long distance
relationship.”
“Tseh!”
“Tseh ka rin!”
“Labas tayo mamaya. Huwag ka mag
alala, hindi na kita pagbabayarin.Pero ngayon lang dahil mabait ako.”
“May atraso kamo.”
“Anong atraso ko sa’yo aber?”
“Paki”
“Paki alamera ka diyan. Ikaw nga
ang paki alamera ng status eh. Mamaya ha! Bonchon tayo! Diyan ka na! Babu!”
Adik
talaga tong babaeng to. Umoo ba ako? Naiiling na wika nalang ni Jadey sa sarili.
Kunsabagay hindi naman niya talaga mahihindian ito.
---------------------
Chapter 4 – The Like
Nagulat nalang si Jadey nang
pagdating nila sa restaurant na iyon ay mukha ng lalaking ayaw na niyang makita forever ang nabungaran niya. Nakangiti
ito at guwapong guwapo sa suot na long sleeve corporate attire. Parang big boss
ng isang kumpanya.
“Good evening ladies.” Bati ni Alex
Jay sa mga bagong dating. “You must be Xyrish. Nice to meet you and thank you.”
“Nice to meet you too, you’re more
handsome than I thought,” sagot ni Xyrish sa binata.
“Thank you. I’ll accept that as a
compliment.”
“Yabang.” Bulong ni Jadey sa sarili
at kusa na itong umupo sa hindi okupadong upuan. “Umorder ka na Xyrish. Pagod
na ko at gusto ko ng umuwi ng maaga.” Tila balewala nitong sagot at hindi man
lang tinapunan ng tingin ang kasama nilang lalaki.
“I’ll do that. Wait for me here
ladies.” Pumunta na ito sa counter.
“Bakit ka ganyan heart?! Para kang nag memenopause. Akala ko ba apology accepted
na?”
“IDC (I don’t care)”
“IDC ka diyan. Sabunutan kita eh!”
“Don’t you ever dare touch my
hair.” Mahaba kasi ito at tuwid na tuwid. Alaga ng rebond every six months, at
trimming every other month.
“Arteh mo talaga! Be nice naman to
him. Apologetic na nga yung tao hindi mo pa pinatutunguhan ng maayos.”
“Okay, okay. I’ll be nice na po.
Lola.”
“Hindi ako si Sheldine.” Tukoy nito
sa ito sa mga kaibigan nila na kung makapagbigay ng payo ay wagas na wagas.
Kung kaya’t Lola ang tawag ng grupo dito. Medyo mataray at palaban din ito
katulad ni Jadey. Ito ang may pinaka makulay na love life sa kanila. Halos
seasonal ang palit ng boyfriend. Kung kaya’t napaka eksperto na pagdating sa
pagbibigay ng advice. Isa itong blogger at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang
government agency.
“I miss that bruha.” Naisatinig ni
Jadey ng maalala ang kaibigan. Almost 4 months na silang hindi nagkikita.
Lumilibot kasi ito sa iba’t ibang panig ng bansa para sa mga conventions at
outreach programs. Nung huli silang
gumimik ay hindi ito nakasama dahil nasa Davao
ito kasama ang president ng Pilipinas.
“Yeah, me too.” Second the motion ni Xyrish. “Anyway, be nice
na ha! Sa totoo lang hindi bagay sa’yo ang dragonesa look. Masyadong matapang
ang mga mata mo. Try to be nice and you’ll look lovelier.”
“Oo na. Kelangan talaga may kasama
pang bola.”
“Totoo yun.”
-------------------
“Ito na order natin.” Inayos na ni
Alex Jay ang dala niyang pagkain sa mesa at tinulungan naman siya ni Xyrish.
“Kaya pala hindi ako ang magbabayad
ah! Tsk! Lakas mo talaga ateh!” turan ni Jadey sa kaibigang mautak.
“Hehe. Sometimes, I can be brainier
than you. Haha!” puri ni Xyrish sa sarili.
“Ikaw na.” Sinimulan ng lantakan ni
Jadey ang chicken sa harapan niya.
“Ahmm..Jadey. Sorry ulit ha. I hope
you can already forgive me. ”
Panimula ni Alex Jay sa usapan.
Dahil busy sa pagkain sa Jadey
tango lang ang sinagot niya kay Alex Jay. Favorite kasi niya ang chicken. Kapag kumakain siya nito, wala na
siyang pakialam sa paligid niya.
“Addict sa chicken yan, di mo
makakausap ng matino yan hangga’t di niya nauubos ang nasa plato niya.” Imporma
ni Xyrish sa nagtatakang lalaki.
“She’s cute,” nangingiti nitong
komento habang matamang tinitignan ang dalagang pumapapak ng manok.
“We know.” Nakangiting sagot ni
Xyrish. Akala mo hindi bachelorette kung kumaen noh? Parang pinagutuman ng
magulang,” Natawa ang dalawa. Nakuha nito ang atensyon ni Jadey.
“What’s funny?” nagtataka nitong
tanong.
“Wala. Sige kaen ka lang.”
nangingiti pa ring sagot ni Alex Jay sa dalaga.
“Walang pakelamanan sa pagkaen,
okay.?! Mind your own business, kung ayaw niyong pati yang mga nasa plato niyo
kainin ko.”
“Okay.” Natatawang sagot nalang ng
dalawa. Nagpatuloy sa pagkain ang tatlo. Although sina Xyrish at Alex Jay ay
pigil ang mga tawa.
“Thank you for the treat.” Pasasalamat
ni Jadey sa binata. Dessert nalang ang kinakain nila.
“Thank you din sa pagpayag sa
invitation ko.”
“Fyi, hindi ko alam na nag invite
ka. Kung alam ko lang hindi sana
ako pumayag.” Tinadyakan ito ni Xyrish sa ilalim ng mesa. “Ouch!”
Ngiti lang ang tinugon ni Xyrish,
“She hates surprises kasi. It made her feel sick and sometimes disappointed.”
“I thought okay na tayo, Jadey. I’m
really sorry.” Sinsero nitong paghingi ng tawad sa dalaga.
Malambot naman ang puso ng dalaga
at tinanggap na ang sorry ng lalaking kasama.
“Forget it.” Nasabi na lamang niya.
Tinirikan siya ng mata ng kaibigan, nakuha naman niya ito. “I mean, apology
accepted. Huwag ka nalang magtext next time habang naglalakad.”
“I’m sorry, I was just devastated
ng mabasa ko ang text ng Mom ko regarding her 26 years old boyfriend. Mag Ho
Hongkong daw sila that night.” Paliwanag
nito.
“Oh..” tanging nasabi ni Xyrish.
“You see, my Mom is already 46
that’s why I’m really worried about her.”
Tinaasan ito ng kilay ni Jadey, “Do
you really have to tell us that?” Nakatikim na naman ito ng tadyak mula sa
kaibigan sa ilalim ng mesa. “Aww!” Sasabunutan
na kita! Nakakadalawa ka na!” sabi ng kanyang mga mata sa kaibigang kanina
pa nananakit.
Eh
ano! Watch your words. Ganti naman nito. Ang galing noh, nakakapag usap
sila gamit through mental telepathy.
“What she means is very depressing
naman ng kwento mo.” Salo ni Xyrish sa sinabi ng kaibigan.
“I’m just trying to explain what
really happened kung bakit ko siya nabangga that time.”
“O-okay na. I understand.” Si
Jadey.
“Thank you.” Parang nabunutan ng
tinik sa lalamunan si Alex Jay.
“Teka lang. Paano mo pala nakuha
ang number ko?” takang tanong ni Jadey rito.
“You are a loyal customer of
Starbucks Libis di ba?” balik tanong naman nito. Sabay na tumango ang
magkaibigan. “My cousin manages that.”
“Ohh..”
“Eh bakit parang hindi ka namin
nakikita don? Kung hindi mo pa nabangga si Jadey, hindi pa namin malalaman na
may gwapo palang pinsan ang manager non.”
Si Xyrish naman ang nakatikim ng
tadyak mula kay Jadey sa ilalim ng mesa.
Ang
landi mo teh!. Wika ni Jadey sa utak na animoy kausap si Xyrish gamit ang
bibig.
Shut
up!. Sagot naman nito gamit din ang utak.
Ang galing talaga nilang mag mental
telepathic talk.
“Ahemm..Actually, kalilipat ko lang
ng Condo, sa Taytay kasi ako nakatira with my Mom. Since dito rin naman sa
Libis ang opisina so I’ve decided to get my own condo. I- I hope we can all be
friends,” Singit ni Alex Jay sa mental talk ng dalawa.
“Sure! Di ba Jadey?” Tinirikan pa
nito ng mata ang kaibigan.
“Yes. Sure.” Inaayos na ni Jadey
ang dalang bag, at akmang aalis na. “I think I have to go. Hindi pa kasi
kumakain si Chuza.”
“Yeah, me too Alex Jay, Thanks for
the treat again!.” Paalam na rin ni Xyrish sa bagong kaibigan.
“Hatid ko na kayo.” Sagot naman
nito sa pag papaalam ng dalawang dalaga.
“No thanks. Maglalakad lang ako.
Diyan lang ang pad ko sa West
Tower .”si Jadey.
“I have my car. Thank you.” At inilabas
ni Xyrish ang susi sa bulsa ng slacks.
“Okay, well then, ingat ka Xyrish
and Jadey maybe we can walk together. Diyan lang din ako sa may Star Condo.
Actually I rent the unit beside my cousin’s.”
“Iiwan mo ang kotse mo?”
“Yupp,. Papakuha ko nalang sa PA
ko.”
“Oh, magkalapit lang pala kayo ng
pad. I think I shall go first. Traffic sa C5. Bye guys!.” Taga Forbes
Park kasi si Xyrish.
“Ingat ka heart!” paalam ni Jadey
sa kaibigan.
“Yeah, you two din!” hinalikan na
niya sa beso ang kaibigan at umibis na sa kotse nito.
-----------------------
“Ang cute mo palang kumain ng
chicken noh.? Wala kang paki alam sa paligid mo.” Pag uumpisa ni Alex Jay sa
usapan nila habang naglalakad.
Kibit balikat ang unang isinagot ni
Jadey, “Kunwari wala akong naririnig. Pero actually alam ko naman ang
nangyayari sa paligid, hindi lang ako nag rereact kasi pag binigyang pansin ko
yun, hindi ko marerealize na masarap ang kinakain ko.”
“Nice logic.” Tumatango nitong
komento.
“Common sense lang yon.”
“Pero kaya mo naman siguro ang
multi tasking?”
“Oo naman. Iba ang chicken sa
trabaho noh.” Pagtataray na naman nito. Muling napatitig si Alex Jay sa mga
mata ni Jadey. Amazed na amazed talaga siya sa mga mata nitong sobrang bilis
magbago ng expression.
“Staring is not a good habbit.”
Puna ni Jadey sa matamang pagtitig ni Alex Jay sa kanya.
“I was just really amazed at your
eyes.”
“That’s my asset.”
“I think your asset is the whole
you.”
“Bola.”
“Seryoso.”
“I know. Anyway thanks. I’ll take
that as a reminder.”
“Reminder?”
“It reminds me that I am Jadey, the
expressive brown eye girl. You know, bansag nila sa akin nung college actually
since birth.” Nakangiti nitong tugon.
Marami pa silang napagkuwentuhan,
about their life, family background, ect. With that 20 minutes walk together,
they found new friends with each other.
Napag-alaman ni Jadey na sa La Salle pala ito grumaduate at ahead lang ng dalawang
taon sa kaniya. He graduated Civil Engineering and already a licenced engineer.
This is his second job dahil mas malaki raw ang offer sa kanya rito. His father
died when he’s only eight years old because of Leukemia, at mula noon nagpapapalit
palit na ng boyfriend ang kanyang ina. The worst fact is her mom refers to
younger men. Dahil ayaw nitong matulad sa ama na maagang namatay because of a
bad health. She also told Jadey that she’s single now, well two months ago.
“Ang kulay naman ng buhay mo,”
komento ni Jadey rito, “I was born as a typical girl, may masaya at kumpletong
pamilya and also with few true friends.”
“I like you.” Pahayag ni Alex Jay
sa totoong nararamdaman.
Halata sa mga mata ni Jadey ang
pagkabigla ngunit nabawi rin niya ito at napalitan ng tinging naiirita sa
kausap. “May boyfriend na ako. If that’s more than a friend, you shouldn’t be.”
How could this man like her with
just two meetings? Naging rude pa nga siya dito at ngayon namang pinakitunguhan
na niya ito ng mabuti, bigla biglang magsasabi na he likes her. Hindi naman
siya nagpapansin. And she’s no intention to seduce this man. May Arvin na siya
and she’s happily contented.
“Bye, dito na ko,” paalam niya sa
kasabay maglakad at pumasok na sa gusaling tinitirahan.
I
don’t care. I just like you. Nasabi na lamang ito ni Alex Jay sa sarili.
Chapter 5- Betrayal
I
like you. Paulit ulit itong rumerehistro sa utak ni Jadey. Himas himas niya
ang alagang si Chuza, ay ito pa rin ang naiisip niya. He can’t like me, I already have Arvin.
Napapitlag siya sa pagkakaupo ng
tumunog ang kanyang cellphone.
“Hello.” Simula niya.
“Jadey, sorry kung nabigla ka sa
sinabi ko. It was just I can’t help myself liking you more than a friend and
I..”
“Look Alex Jay, strangers pa tayo
sa isa’t isa.” Agaw nito sa mga sasabihin pa ng kausap, “and as what I have
said earlier, may boyfriend na ako.”
“But it looks like wala naman.”
“Nasa Italy . Chef.”
“Boyfriend pa lang naman, hindi pa
asawa.”
“Shut up Alex!”
“I’m sorry Jadey. I just really
like you. From the first time I saw you.”
“Narinig ko na yan, four years
ago.” Ito rin kasi ang mga katagang sinabi noon ni Arvin sa kanya. And history
repeats itself, si Xyrish na naman ang naging daan.
“I’ll court you.” Deklarasyon ng
lalaki.
“I won’t allow you to. Masasaktan
ka lang. I love him so much.”
“Distance can tell you that it
won’t work.” Puno pa rin ng pag-asa si Alex Jay. Desidido na talaga siyang
ligawan ito.
“Love is so strong to cope up with
it.” Depensa ng dalaga. “Bye Alex Jay. If more than friends is what you want,
I’m sorry pero huwag ka ng magpapakita sa akin. Ever. I suggest, ituon mo
nalang yang pansin mo sa iba. Kay Xyrish. Single pa yun.”
“We can’t teach our hearts Jadey.”
“But we have brains to manage it.
And like what you’ve said, I already teach my heart to love only one man and
I’m verry sorry to tell you that it’s not you.” Binaba na nito ang telepono.
She shut it down, too.
------------------------
“Miss Jadey, may delivery po for
you.” Wika ng receptionist sa telepono.
“For me? Ano yan?” nagtataka nitong
tanong sa kabilang linya. Wala naman siyang maalala na may pinadeliver siya.
“Madami po eh. Flowers, chocolates
tsaka malaking teddy bear.”
“Hah? Kanino daw galing?”
“Wala pong nakalagay eh. Pero
mukhang sa boyfriend niyo Ma’am. Ang sweet naman niya.” Komento ng
receptionist.
“Sige, papasukin mo dito.” Bakit
naman gagawin yon ni Arvin, hindi naman niya birthday, hindi rin nila
anniversary o kahit monthsarry. Matagal pa iyon. Ano to advance gift? Masyado
namang advance para sa kahit anong okasyon. Alangan namang para sa All Soul’s
day. Ang pangit naman.
Pagkalabas ng delivery boy ay sari
saring komento ng kanyang mga ka-opisina ang narinig ni Jadey, may nainggit,
nagbiro, natuwa, at kinilig.
“Sweet naman ni boyfriend,”komento
rin ng kanyang boss.
Ngiti lang ang tinugon ni Jadey.
Actually, she doesn’t know what to say. She’s not yet sure kung si Arvin nga
ang nagpadala nun. She needs to confirm. Kaso hindi naman niya ito matawagan ng
mga oras na iyon, nakaduty ito.
Then suddenly, her phone rang,
hoping it is Arvin. Kaso nadis appoint siya ng malamang si Alex Jay iyon. Ilang
beses na itong nagyaya lumabas ngunit ilang beses na rin siyang tumanggi.
“I said no.” tukoy nito sa
invitation na naman mula sa lalaki. Tumawag kasi ito kagabi ay niyayaya siyang
manoond ng sine.
“You have just accepted it. Thank
you.” Sagot ng binata sa kabilang linya.
“What?..Oh…” nakuha ni Jadey ang
ibig nitong sabihin. Siya ang nagpadala ng mga regalo at hindi si Arvin. Isang
nakakagimbal na rebelasyon! OA naman.
“Sorry, you can’t return it back. A
simple thank you will do hon.”
Nasasanay na itong tawagin siyang Hon.
“Hon mo you’re face! Will you stop
talking as if I am yours?”
“O nag aaway na kayo ni boyfriend?”
takang tanong ng kanyang boss. Medyo napalakas kasi ang boses ni Jadey dala ng
inis sa kausap.
“It’s not my boyfriend Ma’am, just
a worthless stalker.” Binigyang diin pa nito ang huling sinabi.
“Aww.. I’m not following you. But
you just gave me an idea. Thanks. Bye!” nagpaalam na ang tao sa kabilang linya.
“Bastard!” nasabi na lamang ni
Jadey sa sarili.
Sobrang kulit ng lalaking ito, buti
na lamang at napaki-usapan niya si Xyrish na huwag ng paunlakan ang kahit anong
imbitasyon ng binata. She don’t want to put again on risk ang relasyon nila ni
Arvin. She just hopes that Alex Jay would stop bothering her soon. Sana magsawa na ito,
kakatawag o kaka-email sa kanya.
--------------------
Naglalakad lang si Jadey papasok ng
opisina at pati na rin pag-uwi sa kanyang pad. Maliban na lamang kung may lakad
sila ni Xyrish o ng iba pa niyang mga kaibigan after office. Sa mga playful hearts, sila lang ni Xyrish ang
office girls. Pati rin pala si Sheldine, well sort of, lagi kasi itong nasa
field. Si Tulips, call center agent, si Lizen, isang product Ambasadress at part
time model. Si Mafeth naman, marketing officer ng isang fast food chain at si
Niza, kasalukuyang nasa probinsiya at pinamamahalaan ang kanilang hasyenda.
Hinahanda na niya ang mga gamit
para umuwi nang mag ring ang local line sa tabi niya. “HR.. Good Afternoon.”
Bati niya rito.
“Good Afternoon Ms. Jadey,
pinapasabi po ng boyfriend niyo na maghihintay nalang daw po siya dito sa lobby
pagbaba niyo.” Inporma sa kanya ng receptionist.
“Boyfriend?” Umuwi na ba si Arvin? Takang tanong niya sa sarili.
“Opo. Si Sir Alex Jay daw po.”
“Shii…”Bwisit talaga tong lalaking to! Naalala niya ang naging usapan nila nung
nakaraang linggo ng magpadala ito ng mga regalo na in the end ipinamigay lang
niya sa mga ka opisina niya at nasundan pa! “I mean, he’s not my boyfriend.
Pakisabi sa kanya, OT ako at umalis na siya diyan kung hindi ipapadampot ko
siya sa mga guards natin.” Ma awtoridad nitong utos sa receptionist.
“Sige po.” Nawala sa linya saglit
ang receptionist. “Ma’am, hindi raw po siya aalis hanggat hindi kayo umuuwi.
Hihintayin daw po niya kayo. Tsaka Ma’am, kabiruan niya po yung guard. Parang
magkakilala po sila at wala naman po siyang ginagawang masama,” pagdadahilan ng
receptionist.
Sumakit ang sentido ni Jadey.
Naalala niya, nag half day pala ngayon ang kasambahay niya at walang
magpapakain sa alaga niya. Kailangan na niyang umuwi kundi mamatay sa gutom si
Chuza. “Sige, sige. Bababa na ako.”
“Heart!” tawag niya sa kaibigang
dumaan sa cubicle niya.
“Yes?” Sagot tanong ni Xyrish.
“Help naman! Si Alex Jay nasa ibaba.”
Ngiti lang ang sinagot ni Xyrish at
tuloy tuloy ng lumakad.
“Macariola!” tinatawag niya ito sa
apelyido kapag galit o pikon na siya dito. Napahinto naman sa paglalakad si
Xyrish.
“Bakit ba?!”
“Anong bakit ba?! Sabi ko tulungan
mo ko. I want to get rid of him.”
“Sorry, pero may exclusive date
kasi ako ngayon. You can manage that. Use this.” Turo nito sa sariling sentido.
“I have to go first, bye.”
Date? To whom? Bakit naglilihim na
ito sa kanya ngayon? Ang alam niya, wala itong dinedate sa kasalukuyan. Takot
nga ito sa commitment eh. Playing around yes, but not exclusively dating. Ah,
whatever!
Use
my brain?. It took her five minutes to think at ang naisip niyang solusyon
ay simple lang. Just ignore him! Pasasaan ba’t magsasawa rin yan.
-------------------
“Hey, kausapin mo naman ako. Tsaka
can you walk slowly? Para kang hinahabol ng
sampung stalker eh. Isa lang naman ako. Wala ng ibang hahabol sa’yo.” Hi hingal
hingal na wika ni Alex Jay habang sinusundan si Jadey.
Pero hindi pa rin ito pinapansin ni
Jadey at tuloy pa rin sa paglalakad ng mabilis. Tinotoo nga nito ang binansag
niya dito. Isang dakilang stalker. Napapitlag siya ng biglang hawakan ni Alex
Jay ang kanang kamay niya.
“Don’t you dare touch me!” bawi
nito sa sariling mga kamay ngunit hindi nito nabawi dahil masyadong mahigpit
ang pagkakahawak ng lalaki rito.
“Masyado kang mabilis. Konting
hinay hinay naman. Baka mapagod ka.” Nakangiti nitong sagot sa dalagang kanina
pa inis na inis. You can see it directly to her eyes. Pwede na siguro siyang
malusaw sa paraan ng pagtingin nito sa kanya.
“Ikaw ang masyadong mabilis, you
asshole! Mapapagod ka lang dahil kahit kailan hinding hindi mo ako makukuha!
Stupid moron!” sigaw niya dito. Naiinis na talaga siya sa inaasal ng lalaki.
Can’t he just leave her alone? Well, she thinks he won’t.
“Watch your words Hon, you’ll
swallow them all. Isa pang bad word mula sa’yo, I’ll kiss you in the middle of
this very busy street.” Nakangiting banta nito.
“You su…!” Natigilan siya sa gusto
pa sanang sabihin. She doesn’t want to be kiss by a stranger specially to a
zillion times super kulit na stalker and especially again not on public. “Pwede
bang tigilan mo na ako at bitiwan mo ang kamay ko.” Sabi niya sa mahinahong
boses. Baka sakaling madala ito sa pakiusap. But she doubt.
“No. Unless you say yes to have
coffee with me.”
“I said leave me alone!”
“I can’t.”
“Why you can’t? Of course you can.”
“It’s just that I love you.”
Pagtatapat ng lalaki sa tunay na nararamdaman. Every time na pilit lumalayo ni
Jadey sa kanya ay mas lalo lamang itong napapalapit sa puso niya then one day
he just realized that he already love this fearless, stubborn, expressive brown
eyes woman sometimes little girl.
“Fool!” tanging nasambit ni Jadey.
Isa siyang hangal sapagka’t hindi nito matanggap na may iba na siyang mahal.
Arvin could never be replaced by anyone especially this guy. Well, she hopes
so.What?! Napaka eager na kasi nitong lalaking ito. Parang nasasanay na siya na
lagi siyang kinukulit nito. That everytime, he misses to talk to her on the
phone both office line and her personal line ay nagtataka siya kung bakit hindi
ito nangungulit. No! She can’t fall for this man. Well, gwapo talaga ito, at
matangkad which is her No.1 weakness sa guy, but above all, may BOYFRIEND na
siya. Holding hands with a stranger, he’s already betraying Arvin right at this
time.
Nawala siya sa huwisyo ng bigla
siya nitong hapitin paharap at halikan ng masiil sa labi. Shocks! Tinotoo nga
nito ang sinabi niya kanina. Just one more word and her world will turn up side
down. Parang tumigil ang mundo. Alex Jay gently caresses her mouth with full of
love and passion. She didn’t imagine that this kiss with a stranger would be
that so sweet!
And now, this is the real
betrayal….
Chapter 6- Falling
He never imagined that this kiss would be so
much sweeter than any other girls he kissed and touched before. Oh damn! He really loves this woman.
And she didn’t imagine that his
lips would be like hers, so soft.
Wake
up Jadey! This is wrong! This is a kiss from Alex Jay and not from Arvin. Bigla
siyang natauhan ng pumasok sa kanyang
balintataw ang maamong mukha ni Arvin. Itinulak niya palayo si Alex Jay at
sinampal ng ubod lakas. Hindi nga lang ganon
kalakas dahil medyo nanginginig pa ang tuhod niya because of that her so called
foolish kiss.
“I warned you.” Tanging nawika ni
Alex Jay matapos mabigla sa pagkakasampal ng babaeng minamahal.
“You’re not fair! I said stay away
from me! I’m already inlove with someone else. Can’t you just accept that?
Napapagod na ko kakaiwas sa’yo.”
“You don’t have to do that Jadey.
And I can’t stay away from you. I tried not to call you but every time I don’t
hear your voice or even see you out of your office, I’m terribly missing you.”
From time to time kasi ay sinisilip niya ito sa loob ng kanyang tinted na kotse
pagpasok o pag-uwi nito mula sa trabaho.
Stalker nga talaga ito sa loob loob
ni Jadey. In her whole life ngayon lang siya nagkaroon ng napaka eager na
manliligaw. Manliligaw? Eh hindi nga niya ito pinayagan manligaw.
Dahil hindi na nito hawak ang
kanyang mga kamay ay naka alis na siya mula sa kinatatayuan at nagpatuloy sa
mabilis na paglalakad.
“Jadey, wait! I’m sorry.” Habol
nito sa dalaga.
Huminto si Jadey sa paglalakad at
hinarap ang lalaki, “Sundan mo pa ako at irereport na talaga kita sa pulis may
kasama pang TRO! Huwag mong hintaying masuklam ako sa’yo.” nagpupuyos sa galit
na wika nito at itinuloy na ang mabilis na paglalakad na naging lakad takbo
eventually.
Naiiling na lamang si Alex Jay at
matamang tinitigan ang likuran ng babaeng minahal sa maikling sandali na
pagkakakilala nila. Sometimes, he wished na hindi nalang ito ang nakabangga
niya sa coffee shop ng pinsan, or sometimes he wished na wala nalang sana itong boyfriend.
“Bakit ikaw pa Jadey.”
-----------------
Confused.
Mad.
Hopeless.
Guilty.
Ito ngayon ang mga sari saring
emosyon na nararamdaman ni Jadey. Nanghihina siyang napa-upo sa kanyang sofa.
Lumapit si Chuza at dinila dilaan ang kamay ng amo. Napangiting hinimas himas
niya ito.
Everywhere
reminds me of Arvin. Even with that kiss.
Muli na naman niyang naalala ang
halik na pinagsaluhan nila ni Alex Jay kani kanina lang. It was just as sweet
as her first kiss with Arvin. Arvin na naman! She really felt so guilty.
Nagtataksil siya sa kasintahan. Taksil kaagad? Maybe yes, because she responded
with that kiss. Even though it was just less than a minute, it feels like
forever. Forever? Few weeks ago, she said that she doesn’t want to see that guy
again forever! But now, he just made her quiet world, like a roller coster and
even an Anchor’s away! She’s fallin, and she’s feelin high because of that
kiss. What the! Bigla ang pag ring ng kanyang telepono.
“Hi babe!” bati ni Arvin sa
kabilang linya.
Nagulat siya ng marinig ang boses
ng nobyo. She felt guilty again. What’s with this playful heart!? Does she
really have one?
“Off mo?’ sagot tanong niya rito.
Natigilan siya sa sinabi. Where’s the endearment? “Miss mo ko noh? Don’t worry,
I miss you more!”bawi na lamang niya sa naunang sinabi. Baka makahalata ito.
“Yeah. Off ko and I really miss
you.” Sagot ng binata.
“A-ako din. Sobra.” What’s with the
doubt? Totoo pa ba ang mga sinasabi niya sa nobyo?
“Open your laptop, chat tayo babe.”
“Okay.”
------------------------
“Your really an asshole Alex Jay.
Just like she said, leave her alone. Find someone else. Natatakot tuloy ako,
baka pati ang negosyo ko maapektuhan dahil baka mawalan kami ng isang loyal
customer.” Sermon ni Riza sa pinsan. Lately kasi ay hindi na masyadong
nagpupunta sa kanyang coffe shop si Jadey. Si Xyrish ay pumupunta pa rin ngunit
iba iba ang kasama nito at hindi na si Jadey.
“I tried cuz, but I really can’t”
“Hindi kaya, infatuated ka lang?”
Matamang tinitigan ni Alex Jay ang
pinsan, “I’m not a teenager anymore.”
“But you look like a real one. And
for your info, infatuation doesn’t have to bear with ages.”
Isang mahabang bunting hininga ang
pinakawalan ng lalaki, “I don’t know what to do anymore. I think I have just
pushed enough to my limits.”
“Don’t worry it’s not yet your
limits, hindi mo pa naman siya hinihila sa bedroom.” Pagbibiro ni Riza sa
pinsan na mahahalata sa mukha ang pagiging huggard.
“Watch your words cuz. I respect
anybody with the same gender as yours,” irritable nitong tugon sa pinsan.
“I know that and I’m just kidding.
Masyado ka ng seryoso. Hindi bagay sa’yo. You should really start looking for
someone who’s very much single and available.” Binigyang diin nito ang huling
tatlong salitang sinabi.
“I really wish I could.” Tila
walang pag-asang nasambit ng binata. “I really fell on her.”
Tinapik siya sa balikat ng pinsan,
“Time to move on Alex- again.” Tumayo na ito at dumerecho na sa kanyang
opisina.
Isang mahabang buntong hininga na naman
ang pinakawalan ng lalaki, “Did I really fell on the wrong one? But why it just
feels so right?” para siyang tangang kinakausap ang sarili sa coffe shop na
iyon where they first met.
------------------------
“I won’t ruin your world anymore.”
Nagulat si Jadey sa inemail ng binata. Sobrang ligalig talaga nito manligaw
kaya lahat ng contacts niya ay nakuha nito. Pati numero ng telepono ng magulang
niya sa Paranaque
ay nakuha nito.
“I’m sorry?” reply niya dito.
Dalawang araw ng nakalilipas ang karumal dumal na insidenteng iyon sa pagitan
nila. Karumal dumal talaga? Medyo exaggerated lang talaga mag-isip itong si
Jadey.
“I won’t court you anymore.”
Parang nabunutan ng tinik sa
lalamunan si Jadey but somewhere in her playful heart kuno, it felt sad, saying
that she gonna miss him. What??! “Salamat naman at natauhan ka na.”
“I’m really sorry Jadey.”
“Hindi naman ako pusong bato. Okay
sige. Just promise me no more courting.”
“Yes. But I will just continue to
like you.”
“ALEX JAY!” she just typed it in
all caps. Hindi naman siya galit niyan noh.
“What’s the problem with that?
Don’t worry I will never pursue you again to be my girl. Just let me love you
till I move on and totally forget you.”
Sumasakit na talaga ang ulo niya sa
lalaking to. “You are really unpredictable Mr. Martinez.”
“I would very love to take that as
a compliment, Ms. Sanchez. So as your friend would you like to accept my
invitation. Pinapagalitan na ako ng pinsan ko, nawalan daw siya ng isang loyal
customer dahil sa akin. Please say NO.”
Natawa nalang siya sa huling email
nito sa kanya. “Okay.”
Naguluhan si Alex Jay sa isinagot
sa kanya. Kasalanan din naman niya. Ang dami pa kasi niyang segue way. “Okay
for what?”
“What time?” Napangiti si Alex Jay
at napa Yes sa hangin.
------------------------
Chapter 7- Broken Promise
Nasundan pa ng ilang beses ang friendly date nila. Mas nakilala ni
Jadey ang tunay na karakter ng bagong kaibigan. Sadya palang makulit ito at
kalog. Tawa siya ng tawa kapag kasama niya ito. Paminsan minsan ay nagpapalipad
hangin pa rin ito ngunit binabawi naman kaagad. Titigan niya pa lang ito ay
alam na kaagad ng lalaki kung papaano kikilos sa harapan niya.
“Madali ba akong mahalin?” tanong
ni Alex Jay kay Jadey minsang nagkakape sila sa Coffee Shop ng pinsan nito.
“Alex Jay,” tinaasan niya ito ng
kilay. Mukhang nagpapalipad hangin na naman.
“Come on, just answer it. Wala
naman ibang kahulugan yon eh.” Depensa ng binata.
Sinukat ni Jade ang totoong
nararamdaman bago sumagot. Lately she just realized that this man in front of
her is very charming and irressistable. Fun to be with. Optimitst. Lovable?
Yeah, medyo.
“Pwede naman.” Walang ka effort
effort nitong sagot sa kausap. At itinuon ang pansin sa iniinom na frappe.
“Huh? Yun na yun?” Parang hindi siya naging kuntento sa sagot ni
Jadey.
“Anong gusto mong isagot ko?”
“Just say yes.” Sabay pagsilay ng
isang pilyong ngiti sa labi ng binata.
“Edi sana hindi mo nalang ako tinanong.” Pambabara
ni Jadey.
Napakamot nalang sa ulo si Alex
Jay, siguro ay wala talaga siyang ka appeal appeal sa dalaga.
Natatawa na lamang si Jadey sa
ikinilos ng kasama. “Oo naman.” Bawi niya, “Yun nga lang hindi sa akin.” Liar! Sigaw ng isang bahagi ng utak
niya. Sino ba yun? Masyadong kontrabida.
“Yeah. I know right. Friend.”
Binigyang diin pa nito ang huling sinabi.
“Find someone new. Yung single ha!”
payo sa kanya ni Jadey. But somewhere again in the back of her mind there’s
someone saying, hey you loser! Stop
pretending. It hurts. Sino ba talaga
yung bwisit na nag vo- voice over na yun?
“Single ka pa naman, in civil
terms,” Kunsabay may katwiran ito. Hindi pa naman siya kasal.
“Tseh!”
“Joke lang. I can’t find pa. Hanap
mo ko.” Pero sa loob loob ni Alex Jay, he thinks he couldn’t find someone like
Jadey.
“Uhmmm si Xyrish?” naisip ng
dalaga. Matagal na niyang nirereto rito ang kaibigan ngunit ayaw talaga itong
patusin ni Alex Jay.
Iling lang ang isinagot ni Alex
Jay. She’s just like a sister to him.
“ Licensed Engineer, bokya sa
lovelife.” Pang-aasar dito ni Jadey.
“ You broke my heart kasi.”
“Shut….”
“Up..” siya na ang nagtuloy sa
gusto pang sabihin ni Jadey sa kanya at itinikom na nito ang bibig.
“ Good,” Napangiting tugon dito ng
dalaga. “You know what, finding your true love wouldn’t be that hard. Just try
to open your heart to others and please lang also use this.”turo nito sa
sentido ng binata. “Hindi lang puro ito.”at itinuro naman nito ang kaliwang
dibdib ng lalaki. She felt some electricity flowed in her left hand when she
touched his heart.
He grabbed her hand and smiled,
“Ikaw pa rin kasi ang laman niyan eh.”
Binawi ni Jadey ang sariling mga kamay.
“Ehemmm.” Muli niya itong tinaasan ng kilay.
Discreet pa rin siya sa tunay na nararamdaman.
“Joke lang.” “I hope you can go
with me this weekend.” Pag-iiba nito ng usapan.
“San?”
“Sa Tagaytay, I’ll just look for a
prospective new branch there.”
Matamang nag-isip si Jadey.
Supposedly Sunday afternoon mag cha-chat sila ni Arvin.
“Whole day lang ha.” Pagpayag nito.
“Sunday may lakad kasi ako.”
“Thanks!” tuwang tuwang pasasalamat
ng binata. Makakasama niya sa isang out of town si Jadey. Sasamantalahin na
niya ang pagkakataon upang mapaamin ang dalaga. Nararamdaman niyang may
feelings na rin ito para sa kanya ngunit pilit lang na itinatanggi nito dahil
nga sa may boyfriend na ito.
-----------------------
Kasalukuyan silang nasa kotse at
tapos na ring mag sight seeing si Alex Jay para sa prospective new branch ng
kanilang kumpanya. “Tara , picnic grove tayo.”
Yaya niya sa kasama. “It’s still early pa naman para bumalik ng Manila .”
Tinaasan lamang ito ng kilay ng
dalaga.
“Don’t worry, it’s not a date. Just
want to see some nice scenery here.”
Tumango na lamang si Jadey.
-----------------------
She didn’t want to spoil the fun kaya’t
hinayaan na lamang niya ang sarili na mag enjoy. They went on a boat riding,
horse back riding and even kite flying. She really loves his company. Kahit
simpleng pagkakape lang o pagkain ng fishball kasama ito ay masaya siya.
“Are you happy being with me?” tanong
sa kanya ng binata ngunit hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa saranggolang
pinalilipad nito.
“Yes,” wholeheartedly she answered.
Nakatingala rin siya at tinatanaw ang saranggola. How she wished that she would
be like that kite, free from flying at karugtong ng pisi nito ay ang mga kamay
ng binata. There’s no use of denying it anymore. Siguro nga ay nahahalata na
rin nito how happy she is everytime they are together.
“Then why are you stopping yourself on falling for me,” Seryoso
nitong tanong muli sa kasama.
“Dahil bawal.”
“Don’t worry. I can wait.”
Naintindihan nito ang huling sinabi
ng binata. He can wait for her to fix what’s going on between her and Arvin.
------------------
“Hi babe!” bati ni Arvin sa
kasintahan sa webcam.
“Hello din, babe.”tila walang
kagana gana niyang sagot sa ka chat.
Nahalata naman ito ng kausap, “Are
you ok? Are you sick. Do you want to rest na ba? May sasabihin pa naman sana ako sa’yo.”
“No. I mean, I’m okay. I can rest
later and may sasabihin din ako.”
“Ako muna babe!” excited pang sagot
ng binata.
“No let me go first, Arvin. I
really want to tell you something.”
“O-Okay. Go on.” Kinakabahan man ay
nanatiling kalmado si Arvin at hinintay ang mga gustong sabihin ng kasintahan
although may idea na siya if what would it be.
“I’m breaking up with you.” Hindi
na napigilan ni Jadey ang masaganang pagtulo ng kanyang mga luha. She thinks
that this is the best thing to do.
Parang bombang sumabog ang
deklarasyong iyon kay Arvin. He knows that this would happen pero hindi niya
alam na magiging ganon pala kasakit. She really loves this woman from the very
first day they met until now. “Are you tired of waiting? May iba na ba? Hindi
mo na ba ako mahal ha?” Sunod sunod nitong tanong sa katipan. Rather ex.
“No- no. It’s not that. I’m just really
confused right now. I want to know what’s my real feelings and it would be
unfair to you kung committed ka pa rin sa akin.” Umiiyak pa rin si Jadey. She
knows how hurt Arvin is right now, pero kailangan niyang gawin ito for their
own sake. “Please, just let me go now.” Patuloy pa rin siya sa pagluha.
“What about our promise?” umiiyak
na rin si Arvin.
“It’s broken. And I’m the one who
broke it.” Sinara na niya ang kanyang laptop.
Chapter 8- His true feelings
“Can we talk?” lumapit si Aiza sa cubicle ni
Alex Jay. She approached him many times before ngunit lagi itong umiiwas.
“Sandali lang naman. For the last time, please.”
Ayaw man ni Alex Jay paunlakan ito
ngunit sa huli ay pumayag na rin siya. Because somewhere in his mind there’s someone
telling na he should listen. Now.
Sino ba kasi yon? Voice over?!
“Okay.” Nauna na siyang naglakad dito palabas ng kanyang working place.
“I’m sorry.” Pauna ni Aiza sa
usapan nila ng dating nobyo. Nasa rooftop sila ng kanilang building.
“Yan lang ba ang sasabihin mo? You
shouldn’t waste my time.”
“I still love you Lex. It’s not
true na kami ni Leo. He’s- he’s gay.”
“Why do you have to confess now?
Don’t you think it’s already too late?”
“It’s because you’re always pushing
me away! I wanted to explain, to tell you everything but you didn’t give me any
damn chance!” umiiyak na si Aiza.
Nakonsensiya naman ang binata, “Ssshhh…”
niyakap nito ang dating katipan to comfort her. He doesn’t want to see any
woman crying in front of her especially someone who is so special to him. “Okay,
after office hour, let’s meet sa coffee shop ni cuz.”
--------------------------
Sa mga isinalaysay ni Aiza, muling
nagulo ang tahimik ng mundo ni Alex Jay sa piling ni Jadey. He thought that
Jadey is his new life ahead now. But thinking of Aiza and all the things she
said that he felt is really true, he’s now confused. He’s also guilty because
he never gave her a chance. Bakit ngayon lang? What’s the use of it? Well, ito.
Naguguluhan na siya of what his true feelings are.
---------------------
It’s been a month since Arvin and
her broke up and it is also been 31 days since she and Alex Jay went to
Tagaytay, at malapit ng mag Christmas. Magpapasko na nga at parang bulang
nawala sa sirkulasyon si Alex Jay. Kung gaano ito kabilis pumasok sa buhay niya
ay ganun din ito kabilis maglaho.
No more phone calls, emails and even
a simple hello from this super kulit guy. Dati.
“Buhay pa kaya yon?” tanong ni
Jadey sa sarili. She just realized that he misses this guy.
1 new message received from her inbox in email.
I
miss you babe. Si Arvin.
She misses her so much too.
Both of these guys. Miss na niyang kausap o
kasama. But it’s just fine. Sa pagkawala ng dalawang mahalagang lalaki sa buhay
niya, mas napagtuunan niya ng pansin ang sarili. Parang self retreatment ang
nangyari sa buhay niya sa loob ng isang buwan na iyon. She spend most of her
free times doing her favorite hobby which is photography. Last week, she went
to Intramuros to get some shots at narealized niya na she really have eyes on
photography. Aakalain mong kuha ng isang professional photographer ang mga kuha
niyang litrato. Aside from that, she also used to spend her four consecutive
weekends with her family. Mawala ng lahat but never her family. Her mom and dad
who always support her through all these years. This could be a blessing in
disguise. She lost two important men but then she gained some fulfillment in
her life. And next week naman, magkakaroon sila ng bonding ng mga playful
hearts. She also misses those sweet bitches.
She never gave a call for these two
men, because she thinks that they should also realize their true feelings
toward her. Siya kasi sa kasalukuyan ay lito pa rin. She can’t fall for two men
at the same time.
Nagulat siya sa biglang pag ring ng
direct line sa kanyang tabi. Naputol tuloy ang pag rereminisce niya ng mga
pangyayari for the past month.
“HR, good morning.”
“Jadey, it’s me Alex Jay!”
Nagulat siya sa boses na narinig.
“Buhay ka pa pala?! Akala ko maghahanap na ko ng lapida na kapangalan mo sa Heritage Park eh.” Pagtataray niya dito.
“Mapapagod ka lang, nasa Manila
Memorial ang masuleo ng pamilya ko.” Pagsakay nito.
“Ewan ko sa’yo! Humanap ka ng ibang
bi bwisitin!”
“Nag me-menopause ka na naman?”
“Tigilan mo ko Alex Jay!” napalakas
ang boses niya dala ng inis sa kausap. Kasehodang biglang mawawala tapos ngayon
tatawag lang para mambwisit.
“Sorry.” Naiintindihan naman ito ni
Alex Jay kung bakit ganun ang pakikipag-usap sa kanya ng dalaga.
“Sorry mo mukha mo!” galit pa rin
si Jadey.
“Sige na sorry na. Babawi nalang
ako. Let’s meet later, wanna tell you something.”
Medyo kumalma na si Jadey. Nag
sorry naman na yung tao and this man really have a soft spot in her heart.
“SB na naman?”
“Nope. Sa place mo nalang.”
“Ha?!”
“Ipagluluto kita. I’m not a
professional chef but I can cook naman.”
Chef.
Muli niyang naalala ang dating katipan. Lagi rin siyang ipinagluluto nito
noon at minsan ay tinuturuan din siyang magluto ng mga common dishes.
“Okay.”
“Thanks and sorry ulit ha. Sunduin
kita sa office niyo later.”
“Huwag na. Magkita nalang tayo sa
lobby ng Condo ko. Lalayo ka pa eh mas malapit lang yung bahay ko sa opisina
mo.”
“Okay. See you then.”
Ano
kayang sasabihin niya? Proposal? Goodbye?
Proposal
kaagad?! Hindi ka na nga niya nililigawan di ba?
Goodbye?
For what?
Ah
ewan!
Parang tanga lang si Jadey na
animo’y may kinakausap sa utak.
----------------------
Katatapos lang nila kumain ng
hapunan. Masarap ngang magluto si Alex Jay. Hindi mo aakalain na ang isang
Civil engineer na katulad nito ay magaling rin pala sa kusina at hindi lang sa
blue print.
“What is it?” muling tanong ni
Jadey. Kanina pa niya ito tinatanong kung ano ba ang sasabihin nito ngunit
iniiba nito ang usapan. Kasalukuyan na silang naka upo sa sala at nanonood ng
dvd.
“I really don’t know where to
start.”
“Right from the very start. Okay
lang kahit abutin tayo ng bukas, weekend naman.” Birong sagot dito ni Jadey.
“Before I met you on that coffee
shop….”
“Where you ruined my dress.”
Dugtong ni Jadey. Ayaw niyang ma stress sa mga sasabihin pa ni Alex Jay kaya’t
sasabayan na lamang niya ito ng mga biro.
Alex Jay placed his fingers on her
lips, “Sshhh.. Let me.”
Tango na lamang ang isinagot ni Jadey.
No choice she need to shut up.
“I had a girlfriend that I broke up
with two months before I met you. We had a misunderstanding and I didn’t give
her a chance to explain what really happened. Maybe because I was just really
hurt at that time na ayoko ng makarinig pa ng kahit anong kasinungalingan mula
sa kanya.”
“Idiot. Unfair.” Komento ni Jadey.
“I said,. Shut—”
“Up..”si Jadey na ang nagtapos.
“I saw her in her room with one of
our officemates, almost naked. As a boyfriend of course I got mad without thinking
any considerations at all. She tried to explain what I saw but I never gave her
any chance. Galit talaga ang naghahari sa akin noon. Even that guy on her room,
binantaan kong huwag na huwag lalapit sa akin kung ayaw niyang mabasag ko ang
panga niya.” He paused for a while.
“Judgemental ka pala.” Muling
komento ni Jadey, this time hindi na siya nagpapigil sa gusto niyang sabihin.
“Ano bang malay mo kung nag babato bato pick lang sila o di kaya nagsusukatan
lang ng gown.”
“Gusto mong mahalikan ulit?” hamon
ni Alex Jay. Mukhang naiirita na ito sa kanina pa pag sabat sabat ni Jadey.
“Subukan mo lang at kamao ko ang
mahahalikan mo.” Hindi na siya papayag na muling mahalikan ng mokong na ito.
Hindi nga ba?
“Talaga lang ha.” Unti unting
nilapit ni Alex Jay ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga.
“Te-teka lang. Gusto mo talagang
masapak?” nanginginig na depensa ng dalaga. Ngunit para naman siyang naging
tuod na hindi makagalaw sa kinauupuan, tila hinihintay ang balak gawin ng
binatang kaharap.
“Now I know.” Nagulat sila pareho
sa biglang nagsalita. Dahil sa masinsinang pag-uusap, hindi nila namalayan na
may tao palang kumakatok sa pinto ng Condo ni Jadey. Pinagbuksan ito ng kasambahay
niya at dahil sa kilala naman ito ay pinapasok naman ang bisita.
“ A-arvin.” Gulat at kaba ang
nararamdaman ngayon ni Jadey. “Paanong..?”
“I thought, I will surprise you at
sa pag-uwi ko dito ay maaayos natin ang ating relasyon. But I think I’m wrong
and it’s too late.” Bakas sa mga mata nito ang nagbabadyang mga luha.
“It’s not what you think!” nakabawi
na mula sa pagkakagulat ang dalaga. “We’re just..”
“what? Playing around?!” agaw ni
Arvin sa sasabihin pa sana
ni Jadey.
“Hey! Watch your words, bro!”
tanggol ni Alex Jay sa dalaga.
“Ikaw pala ang dahilan!” sigaw ni
Arvin sa kaharap na lalaki.
May namuong tensyon sa pagitan
nilang tatlo. Anytime, mukhang magsasapakan na ang dalawa.
Pumagitna si Jadey sa dalawa,
“Arvin, let me explain everything to you. Alex Jay and I..”
“There’s no need,” muling putol ni
Arvin sa sasabihin pa niya sana .
“I think this is really the end of it.” Paghakbang nito ng mga paa ay sumabay
ang pagtulo ng mga luha papunta sa pintuan ng pad ni Jadey.
“Arvin, wait…” habol ni Jadey.
Ngunit pinigilan siya ni Alex Jay.
“Huwag mo na siyang habulin, he
won’t listen now. Believe me.”
“But why?” takang tanong niya rito.
“Magulo pa ang utak non, galit ang
naghahari sa kanya ngayon. Let time pass muna. Just like what happened before.
I didn’t listen to her explanation.”
“That’s why you lose her, because
you don’t listen.”
“It’s not yet too late.”
Takang napatingin si Jadey sa
kausap.
“We reconcile. And yes you’re
right, nagsusukatan lang sila ng mga damit. He’s gay.” Nakangiti nitong sagot
sa dalaga.
Chapter 9- Moving On
Tumatangong napangiti na rin ang
dalaga. She got it. He misunderstood his girlfriend and now they’re on again.
This man in front of her is really not meant
for her. Kaya pala, there’s a strange feeling stopping her to totally fall for
this guy. May iba na pala talagang laman ang puso nito.
But wait, paano na si Arvin?
“I need to talk to him. I could
lose him forever.”
“Only time can tell, kung kayo kayo
talaga,” tinapik nito ang dalaga sa balikat.
“I don’t believe in fate. It’s our
own will and choices.” Kontra naman nito sa sinabi ng binata.
“This time, believe,” assurance
nito sa dalaga, “Wala namang masama if you will give it a try. Friend?”
Niyakap niya ang binata. Pure
friendship runs on them from now on.
-----------------------
One day.
One week.
Two.
Three.
Christmas.
New Year. New life.
She didn’t have a chance to talk
with the guy she really loves. Siguro nga fate is really true at biniro siya
nito. It tried to test her, and she failed.
Now what? Magkulong sa kwarto at magmukmok?
Mourn her broken heart? Of course not! She is Purple Jade Casaña, a strong
willed-spirit girl. She will never give up and her life must go on. Wala si
Arvin sa buhay niya four years ago and it’s not impossible for her to live her
life again without him.
Ano pa’t nabuhay siya sa mundong
ibabaw kung paiikutin niya lang sa isang tao ang kanyang mundo.
-----------------
Padi’s Point, Seaside MOA.
“Cheers! Para sa mga sawi!” itinaas
ni Xyrish ang baso niyang may beer.
“Sawi?” nagtatakang tanong ni
Mafeth.
“Sinong mga sawi? Madami pala. I thought si Sheldine lang,”
tanong din ni Niza. Ito kasi ang pinakabestfriend niya sa grupo. Si Sheldine
din ang pumilit sa kanya lumuwas at ang dahilan nito, meron daw itong love
problem.
“Hindi na kami updated ah,” Si
Tulips. Kasalukuyan itong nagtatrabaho sa isang call center sa Makati .
“Siya, siya, at siya.” Sagot ni
Xyrish na tinuro sina Jadey, Sheldine, at ang sarili niya.
“Anong meron?” mataray na tanong
ni Lizen, ang walking mannequin ng
grupo.
“Wala lang. Bonding lang.” kibit
balikat na sagot ni Jadey sa mga kaibigan. Sa totoo lang ayaw na niyang pag
usapan ang tungkol sa magulo niyang love life. Madaldal lang talaga itong si
Xyrish.
“Weh? Lumuwas pa ko ng Maynila para
lang makinig sa mga kwento niyo tapos hindi rin pala kayo magsasabi. Dali na!
Kwento na!” si Niza. Galing pa kasi itong Zambales kung nasaan ang hasyenda
nila.
“Oo nga, lalo ka na Sheldine! Ang
hilig mong magpost sa fb ng mga malalalim na kaemoterahan, hindi ka naman
nagrereply pag nagtatanong kami.” May
himig tampong saad ni Tulips.Updated kasi ito sa kanyang social network
account.
“Ako na unang magkikuwento!”
boluntaryo ni Xyrish.
“Teka! Ako na muna,” singit ni
Jadey, “Exxage magkwento yan si Xyrish. Baka pati yung kwento ko madagdagan ng kung anu-ano. Ganito
kasi yon…” she paused for a long while. May narealize lang siya nang tignan
niya isa isa ang mga kaibigan.
“Ano na?! Magtititigan nalang ba
tayo dito?” muling pagtataray ni Lizen. Mainipin talaga siyang tao. Ayaw niya
ng pinaghihintay and she never likes dull moments or dead air.
“Wala lang,” nakangiting tugon ni
Jadey sa mga kaibigang nag-aabang ng kwento mula sa kanya, “Nakakatuwang isipin
na kumpleto tayo ngayon.”
Binatukan ito ni Xyrish, “Magkwento
ka na!”
“Aray ha! Panira ka ng intro eh.!”
Sagot ni Jadey, “thank you hearts ah! Kasi kumpleto tayo ngayon. Anyway, Ito na
magkikwento na.”
--------------------
Pagkatapos niyang magkwento ng
kanyang heartbreaking story ay sumunod naman si Sheldine at panghuli si Xyrish.
Ngayon niya lang nalaman na may problemang pampuso rin pala ang mga ito. Nagiging
malihim na sa kanya si Xyrish these past few days yun pala may dinadamdam. At
si Sheldine naman, sobrang haba ng buhok at hindi na alam kung ano ang gagawin
sa love life niya.
“Playful hearts nga talaga kayo.
Ang kukulay ng mga lovelife niyo eh!” natatawang komento ni Mafeth.
“Kayo?” kontra ni Lizen sa sinabi
ni Mafeth, “so kami lang ang Playful Hearts dito?”
“Joke lang! Pikonin ka talaga!” si
Mafeth.
“Oo nga, kala mo laging highblood,
di ka na naman nadiligan ni Rosen noh?” tukoy ni Tulips sa current boyfriend
nito. Tawanan ang buong barkada.
“Tseh! Tigilan niyo nga ako,” si
Lizen.
“O, siya!siya! Shot na!” Muling
tinaas ni Niza ang kanyang baso.
“Cheers!” tinaas na rin ni Jadey
ang kanyang baso. At nagsisunuran naman ang iba. She really loves these girls,
mawala man ang kanyang lovelife but never her friendship with these Playful Hearts
same as her family.
“Baguio tayo next week for my birthday!” yaya
ni Jadey sa mga kaibigan.
“Agad agad?! Next week?” gulat na
reaksiyon ni Xyrish.
“Anong gusto mo? Next year?” pambaba
ni Jadey sa kanyang bestfriend.
“Sabi na may plano ka na naman for your birthday eh! Hindi
na ko nagulat. Ganyan ka naman Purple Jade eh! Pabigla bigla. Kelangan ko tuloy
mag pa rest day this weekend. Sayang ang kita.” Naiiling na wika ni Tulips.
“Hala ka! Hindi ako pwede heart!
Kelangan kong bumalik ng hasyenda bukas. Panahon ng ani ngayon kailangan kong
tutukan ang inventory,” si Niza kasi ang namamahala ng hasyenda nila.
“Try ko ha. Rating season ng store
namin ngayon,” alanganing sagot ni Mafeth na isang local store marketing
officer ng sikat na fast food chain.
“Nakakatampo naman kayo.” Jadey
pouted her lips.
“Don’t worry. I’ll go.” Si
Sheldine.
“Himala,” exxage na wika ni Xyrish.
Lagi kasing nasa out of town si Sheldine.
“Ang OA ha!” puna ni Sheldine dito,
“I’ll take some rest. Kelangan ko yun, na iistress na ko sa lovelife ko eh.”
“Ikaw ng stress!”si Lizen, “Sige
sama ako. Wala naman akong raket para sa weekend na iyon.”
“Ako? Hindi mo na tatanungin?” si
Xyrish.
“Subukan mong hindi sumama,
kakalbuhin kita,” hamon ni Jadey rito.
“Sasama ako pero may kasama ako.”
Nakangising sagot nito.
“Nga pala, No boys allowed.” Si
Jadey ulit.
Bigla namang sumimangot si Xyrish.
“Bakit? Sinong isasama mo?” curious
na tanong ni Jadey.
“John.” Maiksi nitong tugon.
“John?! As in yung nerd na
classmate natin nung high school?!” eksaheradang tanong ni Jadey sa kaibigan
slash kababata slash mortal na kaibigan.
Tango lang ang isinagot nito.
“Huwwwwaaaatt!...” si Mafeth,
ginaya ang reaksiyon ni Jadey, “Sino yun?”
Biglang nagtawanan ang grupo.
“Baka pwedeng isama si bestfriend?”
singit ni Sheldine. Tukoy nito sa kanyang male best friend na si Kiel .
“May isasabit ka rin?” si Jadey
ulit.
“Kung pwede lang naman. Kung saka
sakali lang na pumayag ka.” May himig ng pag mamakaawa sa boses nito.
“Sige na! Sige na! Isama na ang
gustong isama. Ikaw? Isasama mo rin si Rosen?” baling nito kay Lizen.
“Sorry pero ayokong magsabit.”
“Good.” Dahil kung magsasama ito ng
jowa, magmumukha siyang chaperone ng mga ito.
Oo nga pala, speaking of her
birthday, she’s turning 23 na. Kung ang iba ay birthday wish ang inaabangan ng
mga celebrant, siya naman ay birthday’s
resolution. She thinks that she needs to be more mature. Last year, her
resolution is to be discreet and more private regarding her love and personal
life and thanks God at na fulfill naman niya iyon.
----------------------------------
Their weekend trip to Baguio , went on smoothly.
Ang mga nakasama: Siya, Si Xyrish with John, Si Sheldine with her bestfriend, Kiel , and Lizen. Hindi
nakasama si Tulips dahil nagkasakit ang anak nitong si Angel. She’s a single
mom anyway. They stayed there for two days and one night at sa isang hotel sila
nag check-in.
Their last trip to Baguio , helped Jadey a lot
in realizing her top priorities right now.
It’s not her lovelife that matters
now but her career, her interests and above all God. She decided to put her
whole heart on it from now on.
She wants promotion. Like her
friends, Sheldine and Xyrish. Magreresign ang kanyang Manager dahil mag
ma-migrate na ito sa Canada at siya ang napipisil na maging kapalit nito
although the management are also open for new applicants as her co-candidate
for that position. She needs to work hard to gain the trust of their HR Vice
President.
Aside from the position, she became
more eager about photography. The scenic views she took shots in Baguio , inspires her
more.
Lastly but not the least, her faith
in God grew more. She has more time now to bond with God. Every Saturday, she
never forgets to go to St. Pio church for her novena and everytime she went out
of that Churh in Libis, she feels like anew again.
Four years ago, she prayed hard
that someday she could find a man that will love her just much as she will love
this guy. And Arvin came into his life. God is really so good. But then again,
she was tested if she really deserves that blessing. She knew she failed but
then life must go on.
Weekend. It’s been a month since
her last birthday.
After visiting the St. Pio church,
she decided to go to Seaside Moa. Mukhang magandang kuhaan ng larawan ang
papalubog na araw. It just reminds her of her life, there will be darkness
coming ahead but then new hope will rise up again tomorrow.
Ang sayang tignan ng mga pamilyang
nag pipicnic, mga naghahabulang mga bata at mga magkasintahan na magkatabing
nakaupo at naghihintay din ng paglubog ng araw. She has been there many times
before pero ngayon niya lang na appreciate ang ganda ng tanawin, although the
sea is not that so clean, yet the people around it gives life to that place.
And also this place is very memorable to her. Dito siya dinala ni Arvin for
their first date. At first, she found it cheap but then she realized that no
matter how filthy the place is, as
long as you’re with your loveone, it could be the most wonderful place in the
world. Arvin is a very simple guy, kaya’t pinaranas niya kay Jadey ang buhay ng isang simpleng taong
katulad niya.
She’s been staring the sunset for a
long time, nakalimutan na niya ang sadya niya sa mga oras na iyon. Buti na
lamang at may dumaan na isang amerikanong kumukuha din ng lawaran. She would
never miss this most beautiful scenery kaya’t inihanda na rin niya ang kanyang
dslr.
Sa sobrang pag-atras niya para
kumuha ng magandang anggulo ay may nabangga ang kanyang likuran. Natigilan siya
sa pagkuha ng litrato at napatingin sa
taong nasa likuran niya. “I’m so--.” Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng
makilala ang taong naatrasan niya.
“Ang ganda ng sunset noh?” bating
tanong sa kanya ng binata.
“A-arvin..” nauutal na nasabi na
lamang niya sa kaharap.
“Yeah, it’s me.”
“A-anong ginagawa mo dito? I mean,
kamusta na?”
“Okay lang,” nakangiti nitong tugon
sa magkasunod na tanong ng dating kasintahan,“Four years ago, ito rin ang petsa
ng una nating pagpunta dito na magkasama,” pag-alala ng binata sa nakaraan.
Nagulat naman si Jadey sa sinabi ng
binata. She remembered this place as their first date pero hindi ang saktong
petsa kung kailan sila pumunta dito noon. “Oh..” tangi niyang naging reaksiyon.
“Nakalimutan mo na noh? I can see
it in your eyes.” Nakangiting tanong ni Arvin sa kanya.
Damn those expressive eyes of her,
she really can’t lie. Nahihiyang napatango na lamang si Jadey sa kausap.
“Arvin!” sigaw ng isang magandang
babae palapit sa kanila. Lumingkis ito sa braso ng binata at nagtanong, “who is
she?”
“Jadey,” maikling tugon ni Arvin sa
kasamang dalaga.
It hurts Jadey in an instant. This
must be the new girl in his life. He finally moved on.
She didn’t want Arvin to see the
pain in her eyes kaya’t nagpaalam na siya sa magkasintahan. Well, that’s what she thought.
“I think I have to go,” paalam nito
na hindi tumitingin sa mga mata ni Arvin at itnuon na lamang ang pansin sa
hawak hawak na kamera.
“I want you to meet…” hindi na
pinatapos pang magsalita ni Jadey ang binata. Agad na siyang umalis mula sa
kinatatayuan.
Life
must go on even without you. Goodbye Arvin
Tanging nasabi na lamang ni Jadey sa sarili
habang patuloy sa paglalakad papalayo sa lugar na iyon.
--------------------------------------
Jadey’s phone rings.
“Hello, heart? Why?” numero ni
Xyrish ang rumehistro bilang kanyang caller.
“Stabucks tayo later,” yaya nito sa
kanya.
“Bakit? Anong meron?”
“Just want to ask you something,”
mukhang may problema ito.
“Hmmm.. Naalala mo pa pala akong
sabihan,” may himig pagtatampo sa mga boses ni Jadey. Hindi na kasi ito
masyadong nag oopen- up sa kanya. Kunsabagay, dati pa naman ay hindi talaga ito
makuwento, kailangan mo pang pwersahin bago magsabi.
“Ito naman. Huwag ka na magtampo.
Magco-confide na nga ako eh. I need an expert advice.”
“Expert ka diyan. Edi sana matino ang lovelife
ko ngayon.” “Anyway, it’s not my priority now.”
Bawi nito sa unang sinabi.
“Later ha, pag out natin. Dinner
muna tayo sa Dulcinea then Sb. Speaking of Sb, how’s Alex Jay?”
“Fine,” maikli niyang tugon. Minsan
nalang din kasi sila mag kausap. Ganun talaga siguro ang mga in a relationship, masyadong hectic ang
schedule.
“Okay. Wala na kong sinabi. Byers,”
pagtatapos ni Xyrish sa usapan nila.
-----------------------------------
“Parang masinsinang usapan ito ah at dito
talaga tayo sa sulok naupo,” puna ni Jadey sa napiling maupuan ni Xyrish
pagdating nila sa paboritong coffee shop.
“I just want a little privacy.”
“Privacy ka diyan! Edi sana sa hotel mo ako dinala.”
“Little nga di ba?”
“Anyway, ano ba yung sasabihin mo?
Please lang ha, huwag ng tungkol sa akin.” Pakiusap nito sa kasama. Baka kasi
ungkatin na naman nito ang kasalukuyang estado ng kanyang puso.
“It’s about John, I’m confused,”
pagtatapat ni Xyrish.
“What are you being confused?”
Inilahad ni Xyrish ang
pinagdadaanan sa kasalukuyan. Si Jadey ang unang taong pumasok sa isip niya
upang mahingahan. Her bestfriend since gradeschool could surely understand her.
Wala man itong maipayo but at least may mapagsasabihan siya.
“You know what heart, Playful
Hearts never give up,” nakangiti nitong payo sa kaibigan,“Just follow your very
playful heart and surely you’ll find happiness.”
“I know right,” nakangiting tugon
ni Xyrish sa kaibigan. “Anyway, how about you?” iniba nito ang topic at
patungkol naman kay Jadey.
“I’m warning
you. Isa pang insist, mag wo-walk out na ako, tapos ka na namang mag
confess eh.” Babala ni Jadey sa kaibigan na mukang ilalabas na naman ang
pagiging makulit.
“Bitch.”
“Same to you,” sagot ni Jadey na
may kasama pang matamis na ngiti.
“Hon!” Sabay na napalingon ang
magkaibigan sa taong tumatawag nito kay Jadey. It would only be Alex Jay.
May kasama itong babae. At nagulat
si Jadey sapagka’t ito rin ang babaeng kasama ni Arvin noong weekend sa Seaside . Hindi naman siya
judgemental na tao kung kaya’t nagtataka siya sa kanyang sarili sa inihusag
dito. Two timer!
Chapter 11- Reveal
“Hon, this is Aiza, my fiancé.
Bhie, this is Jadey my friend,” pakilala ni Alex Jay.
“Hanggang ngayon, Hon pa rin?” tila
may himig ng pagseselos sa boses ng babae.
“ I’m just fond of calling her Hon,
don’t be jealous. Ilang libong beses akong binasted niyan,” paliwanag ni Alex
Jay dito, “and that is her bestfriend which is my friend also, Xyrish.”
“Oh, nice to meet you finally,”
nakipagbeso ito kay Jadey at pati na rin kay Xyrish. “Nag walk out ka sa Seaside last weekend, I
though you’re snob. Hindi na tuloy nakapag explain si pinsan,” nakangiti nitong
pagtatapat.
“Pinsan?” nagtatakang singit ni
Xyrish.
“Actually, tawagan lang nila ni
kuya yon, they were workmates in Italy . Nakikipinsan lang ako.” Paliwanag ni Aiza sa mga kausap. Umupo na rin
ito sa tabi nila Jadey. “I was there sa
MOA with my brother to quote for our photo and video coverage. Isinama niya si
Arvin. Lagi lang daw kasi itong nagmumokmok sa bahay nila. And then bigla
nalang siyang nagpaalam na pupunta lang daw siya sandali sa Seaside . I followed him and I think I was
misjudge,” kinindatan pa nito si Jadey.
“He didn’t follow to explain,” depensa naman niya. “Kunsabagay, he doesn’t
have to. Wala naman na kami eh.”
“He tried but I stopped him,
because I know, you will never listen right at that time. ‘Di ba Bhie?” esplika
pa rin ni Aiza sa kausap at ang huling sinabi ay patama sa nobyo.
“I think Hon, history just repeats
itself,” pang-aasar ni Alex Jay sa kaibigan. “Now you know the feeling of
misjudging someone huh?”
“Tseh!” pambabara dito ni Jadey.
“Tsk! Tsk! Tsk! I think you love
birds should go now, hindi sa tinataboy ko kayo ha. Gusto ko lang sabunin ng
bonggang bongga ang baliw kong kaibigan. Yung solo flight lang. Thanks!” si
Xyrish.
Natatawang nagpaalam na nga ang
magkasintahan sa kanila.
“Pwede mag walk out?” paalam ni
Jadey sa kaibigan.
“Subukan mo lang, kakalbuhin kita!”
banta ni Xyrish rito.
-------------------------------------------------
Andito siyang muli sa MOA ngunit
dismayado siya sapagkat hindi na niya inabutan ang sunset. Inabot siya ng dilim
sa EDSA pa lang sanhi ng mabigat na traffic.
Ano
pang makukuhaan ko dito? Ayoko naman ng lights. Mas feel niya kasing
subject ang morning sceneries kumpara sa mga bagay na maaaring kuhaan sa dilim.
Sa totoo lang, kaya siya pumunta
doon ay nagbabaka sakali siyang muling makita si Arvin doon, ngunit madilim na.
Baka wala na siya o wala siya talaga. Ayaw naman niyang puntahan ito sa
kanilang bahay dahil nahihiya siya lalo na sa mga magulang nito na itinuring na
rin niyang parang mga tunay na magulang.
Pinagtuunan niya ng pansin ang
dancing fountain. Hindi pa niya nasusubukang maging subject ang ganito kung
kaya’t medyo na thrill siya. Sana
naman lumabas na maganda ang mga kuha niya kahit bago pa lang niyang susubukan
ito. Nalibang siya sa pagkuha rito sa iba’t ibang anggulo at paggamit ng iba
ibang lense.
“Ayy!” nagulat si Jadey ng biglang kumislap
ang itim na kalangitan. May fireworks display nga pala pagdating ng ala siyete ng gabi. Tumigil
ang buong seaside at ang lahat ay nakatingin sa kaulapan. Halos karamihan ay
tumakbo pa patungo sa sea wall upang mapagmasdang mabuti ang mga fireworks na
nagmumula sa gitna ng dagat.
Nakakalibang talagang panoorin ang
ganito. Halos lahat ng tao ay amaze na amaze katulad niya.
Napakislot siya ng biglang may
yumakap mula sa kanyang likuran. Pamilyar ang amoy na iyon kaya’t hindi siya
pumiglas. Baka kung ibang tao lang ito ay kanina niya pa naJudo.
Hindi nga siya nagkamali, “Babe?” tiningala
niya ito.
“Just look on the sky for three
minutes.” Sinunod naman niya ang utos ng binata.
It feels like three minutes is as
long as forever. Time stopped right before her eyes. With this man holding her,
she could die anytime feeling at peace all along. Parang walang nangyari sa
pagitan nila. It also feels like their very first date.
Hinalikan siya sa pisngi ng binata,
“I love you.”
Ramdam niya ang mga luha ni Arvin
sa kanyang pisngi humarap siya dito at yumakap, “I love you too and I’m sorry.
I should listen,” Nasabi niya ito kasabay ng paghikbi.
“No. Ako dapat ang unang nakinig sa’yo at ako dapat ang unang mag sorry.”
Arvin insisted.
“But I’m the one who broke our
promise first,” mas niyakap pa nito ng ubod higpit ang lalaki.
Arvin embraced her back, “Let’s
start all over again. And this time, I would never ever let you go. Kahit ilang
Alex Jay pa ang dumating sa buhay mo, hinding hindi ko na sila hahayaan na makuha
ka pa mula sa akin.”
“I won’t allow that to happen again
too. Alex Jay would be the first and last,” nakangiti nitong pagbibigay
assurance sa nobyo.
“Are we making a promise again?”
“No. We’ll stick to our old
promise.”
They held hands at sabay na sinabi
sa isa’t isa, “Walang Iwanan.”
They know they are in public place
but they don’t care either. They kissed. How they terribly missed that genuine
kiss and only you can imagine how long they did it. : )
--------------------------------------
Every girl dreamed to walk down the
aisle for their wedding. Just like playful hearts do. Especially Jadey with of
course this man beside him.
Since Jadey is a very special
friend of Alex Jay, kasama niya sa kasalang iyon ang mga kaibigan including
Arvin as her partner.
She never saw how happy Alex Jay is
right now, Aiza and him are really meant for each other. You can see the
undying love in their eyes.
“Best wishes Hon!” bati ni Jadey sa
bagong kasal na kaibigan, “I’m sorry Aiz, I’m used to it, ito kasing asawa mo
eh, sinanay ako,” nakipagbeso naman siya sa babae.
“Don’t worry, okay na sa akin yon.
Malawak naman ang pang-unawa ko,” nakangiti nitong sagot sa dalaga.
“Best wishes for both of you!”
singit ni Arvin sa usapan.
“Thanks bro! Please take care of
Jadey. She’s a very nice girl kaso minsan dragonesa,” biro nito sa kausap.
Hinampas ni Jadey si Alex Jay,
“Dragonesa pala ha!”
“See!” kunwaring nasasaktan ang
naging reaksiyon ni Alex Jay.
The two couples laugh.
--------------------------------------
Chapter 12- The Promise
“Kumusta sa bago mong trabaho?”
tanong ni Jadey sa nobyo, their having a dinner at her pad.
“Okay naman. Although mas malaki
ang kita sa abroad, I’d better stay here nalang. Okay naman ang sa hotel.”
“Nakakaguilty naman. Piling ko
tuloy, it’s my fault kung bakit hindi mo natapos ang kontrata mo sa Italy .”
“Babe, choice ko yun. Grabe kaya
ang hirap ko kasi hindi kita kasama. Ayoko ng maramdaman ulit yon.”
“Thank you for coming back to me,”
madamdaming pasasalamat ni Jaedy dito.
Arvin held her hands, “mas
importante kesa sa pride,”
------------------------------------
“Babe, I want to make a new
promise,” kasalukuyang naglalaro ang magkasintahan ng snake and ladders sa sala
ng pad ni Jadey.
“Promise?” takang tanong ni Jadey
sa nobyo, “Ano naman yon? Di ba nga we’ll stick nalang to our old promise?
Bakit gagawa ka pa ng bago?” ibinato na nito ang dalawang dice na hawak sa
board.
“Masyado kasing broad, I want to be
more specific, Oops.Down, nakagat ka ng snake! ” Sagot ni Arvin.
“Huh?,” naguguluhan niyang tanong
sa nobyo, “Okay, spill it.”
“I promise that I will always be at
your side no matter what happen, I will be your partner for better of for
worse, in sickness and in health, for richer or for poorer,” mahabang pangako
ni Arvin dito at itinigil na ang paglalaro. Hawak niya lang sa kanyang kamay
ang dalawang dice.
“Ang haba naman, tapos wala pang
originality, ibato mo na yang dice, ang daya mo,” reklamo ni Jadey.
Itinuro ni Arvin ang noo ng
girlfriend, “Slow,” nangingiting turan nito.
“Huh? Anong slow dun eh totoo
namang wala kang originality, sinasabi kaya ng pari yon kapag may ikinakasal at
tsaka-..” natigilan si Jadey sa gusto pa sanang sabihin. Kasal? Oo nga! Linya
ng kasal yon. That’s the vow, Alex Jay and Aiza exchanges two weeks ago.
“Nagets niya rin,” natatawang wika
ni Arvin.
“Can you please be more elaborate
Mr. Santos!” naguguluhan pa rin si Jadey. Ayaw niya kasing mag assume na doon
na nga tutungo ang usapan nila.
“Napaka slow mo talaga future Mrs.
Santos,” Tumayo si Arvin mula sa kinasasalampakang carpeted floor at tumungo sa
kitchen upang kunin sa freezer ang ice cream na binili niya kanina.
Naguguluhang natigilan na lamang si
Jadey, she doesn’t know what to react.
Pinabukas niya ito kay Jadey, “Open
it.”
“What’s with the ice cream?”
kinakabahan niyang tanong sa nobyo.
“Buksan mo na! Dami pang tanong
eh.”
Nagulat si Jadey sa nabungaran sa
ibabaw ng chocolate ice cream na iyon. Isang nagniningning na diamond ring.
She doesn’t know what to say.
Automatically, tears run down on her cheeks.
Sinubo ito ni Arvin upang kainin
ang nadikit na ice cream sa singsing at inilahad ito sa nobya, “Will you be my
wife as soon as possible Purple Jade Ruiz Casaña?”
Tango lang ang naisagot ni Jadey
dahil sa pag-iyak. She can’t speak. Para
niyang nakain ang sariling dila. Arvin wore the ring on her finger and kissed
her gently then hugged her tight.
“I love you babe,” Arvin caress her
back.
“Love you too, babe,” Jadey
answered wholeheartedly. This is the man whom she will marry and spend the rest
of her life with. Thanks God dahil kahit minsan siyang nagkamali, binigyan pa
rin siya ng chance para makapiling ang lalaking tunay niyang mahal.
“Teka lang!” Jadey pushed away Arvin from her.
Nagtatakang tinignan siya ni Arvin,
“Nagbago isip mo?”
“Sira! Hindi noh?! Subukan mo lang
na hindi ako pakasalan, uubusin ko lahi mo!”
Malakas na tawa ang naging
reaksiyon ni Arvin, “Bakit nga?”
“Naisip ko lang, ayaw kong ako ang
unang ikasal sa Playful Hearts. Pwede bang isa muna sa kanila paunahin natin?”
Muling natawa si Arvin, minsan
talaga may pag ka childish itong si Jadey, and only Jadey who can make her
laugh even without cracking a joke.
“Okay. You’re the boss,” natatawa
pa ring wika ni Arvin.
“Thanks babe! Don’t worry,
ipagtutulakan ko na silang lahat mag-asawa. I will be their cupid para
magsipag-asawa na sila,”
“Bakit naman ayaw mong mauna?”
“Wala lang. Ayoko lang. I just
don’t want to be the first kasi siyempre everybody will expect our wedding to
be the best. Tapos mai co-compare tayo sa mga susunod na ikakasal. Ayoko ng
ganun. Tsaka ang gusto ko simple wedding lang,” paliwanag ni Jadey on her little vision.
“Gusto ko yan, simple lang! Para mas maliit na budget! Hehe!” biro ni Arvin sa
kasintahan.
“Tseh! Kuripot.”
“Joke lang, alam mo naman na kahit
saang huwes pakakasalan kita,” dagdag biro pa ni Arvin.
“Huwes talaga?” tinaasan niya ito
ng kilay.
“You know I can spend all my
savings for you,” Muli nitong pinisil ang ilong ng fiance.
“Don’t worry. Hindi ko uubusin yon
para lang sa kasal natin. Marami pa tayong bigas na dapat kainin at kailangan
din nating bumili ng gatas at diapers in the future,” Jadey answered.
Jadey wanted just a simple wedding
where in malalapit na kamag-anak at kaibigan lamang ang dadalo. She dreamed of
walking down the aisle sa isang maliit na chapel near their house kung saan
sila unang nagsimba ni Arvin. It could only occupy less than 100 people. Doon niya gustong ikasal with of course this man beside
him na hinihila na siya patungo sa kanyang kuwarto.
“Uubusin pala ang lahi ha. Bago mo
ubusin, magpaparami muna ako para may mapaggamitan tayo ng gatas at diapers,”
Arvin laughingly kisses her.
“Okay and shut up!” tanging nasagot
ni Jadey.
She doesn’t want any words to speak anymore
kundi puro pangalan na lamang nilang dalawa.
--------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment