Saturday, October 5, 2013

Ang Love Story ni Neneng



(– Sawi o Wagi?)

Sa lahat ng lalaki na nagpangiti, nagpaiyak, nagpakilig, nagpaasa, nanakit, nang-iwan, nanloko, nagtext,
 NagPM sa facebook, nag follow sa twitter at instagram, nag like at comment sa bawat status ko, nagpabilis ng aking heartbeat, nag-inspire, nag despire, nan-distract, nagpuyat, nagpatulog, nag-alaga, nagpagalit, nanindak sa akin!
Si Lord na po ang bahala sa inyo.
BTW, salamat po sa lahat.
Pati na rin sa diary ko na naging preference ko sa paggawa ng sulating ito.
Ito ako at ito ang aking buhay kilig. Yes, buhay kilig.
Haha! Enjoy reading.
-Neneng











Listahan ng mga Lalaki
este
Talaan ng Nilalaman

Introduction

Part 1 : Rhein
He’s cute and funny!
First Crush, First Heartbroken
Discovery

Part 2: Johnny
Brad
Faded

Part 3: JT
First Love Never dies
Childhood Love
Love Team
Chances
The Friendship


Part 4: Neil
Silent Mode
Group Project

Part 5: Eirik
The Math Wizard
My Friend’s Boyfriend
The Break-up

Part 6: Red and Joe
Love Triangle
The Crush Letter

Part 7: Ralph
The Bestfriend
May Boyfriend na ako!          
The Rain Memoir
            Spacebar
Attachment to the Past
Fire Exit

Part 7-2: Ralph, the Second Time Around
College Life
Dropping the others
Trust and Happiness
Cry at the Party

Sub part: Jovan
My Super Duper Ultra Mega Crush

Part 8: Romel
Kulitan Time
Too kind for me
Escaping
The End for good

Part 9: Patrick
Mister Nursing
Secret Code: Kenshin Himura
The Kiss
The Start meets the End



Part 10: Willy
Crushmate
Vulcaseal
Waiting

The Last Part: Leo
I wish
First Impression
Basted!
The Tears
Finally…..Hopefully….













Introduction

Lahat tayo ay may mga kanya kanyang kuwento ng pag-ibig. Ang sa iba ay masaya at ang sa iba naman ay malungkot.
Hindi man nagiging maganda ang kinahahantungan ng mga relasyong pinagdadaanan natin but still, we learned something from it.

Ako si Neneng at ito ang aking love stories. Yeah, love stories. Ganda ko eh!
Ang mga nasusulat dito ay hango sa aking mga totoong karanasan. Hindi ‘to imagination o guni-guni lang. Saksi ang mga luma kong diary sa mga pangyayaring ito. Kaya pag nilaban ko ito sa korte, absuwelto ako dahil as tibay ng mga ebidensiya ko! Hehe.

Sa lahat ng mga tauhan sa sulating ito. Pasensiya na po. Peace tayong lahat. I love you all!

-Neneng : )





Part 1: Rhein
He’s Cute and Funny

Grade 2, Section 3.
Sa edad kong seven years old, nag ka crush na ako. Classmate ko siya nung grade 2. Ano nga ba ang naging basehan ko para madeclare siya bilang kauna-unahang crush ko sa buhay na ipinagkaloob sa akin ni Papa God?
 Check natin ha:
Una, cute siya. Yun lang yun.
Pangalawa, ang linis linis niyang tignan sa suot na uniform. Among the boys na mga classmate ko, siya ang bukod tanging sobrang nag ba bright in wearing white polo shirt sa mga mata ko.
Lastly, he’s very humorous. Ang galing niyang magpatawa. Para siyang si Mr. Bean.
Ayun, kaya nakuha niya ang atensiyon ko and I finally conclude to myself that I have a crush on him!
Dahil sa angkin kong kadaldalan, halos lahat ng kaklase ko ay alam na crush ko siya. Actually, I declared that…. Nung mga panahong umabsent siya.
Nasabi ko sa lahat na crush ko siya maliban lang sa kanya. Denial queen ang drama ko kapag may mga komprontasyong nangyayari.
“Rhein, may nagkakacrush sa’yo!”
“Rhein, crush ka ni…”
“Si Neneng may crush. Hindi ko sasabihin kung sino.”

Damuhong mga kaklase ko, lakas mang-asar. As if naman aamin ako noh.
Ano ko, tanga? Bakit ako aamin?

First Heartbreak

“Oy, Rhein! Alam mo ba? Crush ka kaya ni Neneng! Dati pa noh!” Muling pambubuko ng isa kong bwisit na kaklase.
“Mukha mo, Jolas! Asa ka! Huwag ka maniwala diyan, Rhein. Hindi yun totoo! Hindi kita crush!!!” Pinanindigan ko na ang pagiging Denial Queen.
Nabasag ang batam batang puso ko sa sinagot niya, “Alam ko crush mo ko. Sinabi na sa akin ng pinsan mo. Pero hindi naman ikaw yung crush ko. May iba akong crush.”
Ouch! Daig ko pa nasampal ng nanay ko kapag sinasagot ko siya.
Para siyang Boom! Na sumabog sa mukha ko.
 Okay lang sana kung ako lang yung nakarinig nun eh. Ang kaso buong klase. Grabe! For the last seven years that I exist in this place called world, ngayon lang ako napahiya ng ganun. Alam ko naman na medyo makapal ang mukha ko Wala sa mini dictionary ko ang salitang hiya. Ngayon lang yata!
And now I am wondering, sino kaya yung crush niya na iyon? Classmate din ba namin siya o kapitbahay niya?

Pero bago ang lahat, isang sabunot muna ang pinakawalan ko sa pinsan kong bungangera na nagkataong kaklase ko rin.
“Sinungaling ka! Bakit mo sinabi na crush ko si Rhein.” Sugod ko sa upuan niya.
Iyak naman muna ang isinagot niya, “Isusumbong kita kay Tita! Totoo naman ah! Crush mo talaga si Rhein. Ina-nounce mo pa nga sa buong klase nung absent siya. Huhuhu!” Umiiyak pa rin niyang sabi.

Pag-uwi tuloy sa bahay, pinalo ako ni Mama kasi ayokong magsorry sa pinsan ko.


Discovery

Nag top one ako sa klase kaya nalipat ako sa higher section pagdating ng grade three.  By the time na wala na ako sa dati kong section at naiwan dun sila Rhein pati na ang mga dati kong kaklase ay dun ko lang nalaman kung sino ang crush niya. Si Emma pala! Na naging close friend ko rin. Kaya pala, madalas siyang lumapit sa upuan namin ni Emma nun, akala ko crush niya din ako, yun pala si Emma ang nilalapitan niya. Basag na naman ang puso ko!
Hindi kita makakalimutan, Rhein. Ikaw ang kauna-unahang lalaki na nagustuhan ko and at the same time ikaw din ang unang nagwasak sa pangarap ko na sana ay maging crush din ako ng taong crush ko.

Anyway, let’s all move-on.

Part 2: Johnny
Brad

Lumipas ang grade three na hindi ako nagka crush. Galing noh. Nagpahilom muna ako ng puso na binasag ni Rhein last year.

Grade four na ako ngayon at nine years old na ako. Sa mga panahong ito, medyo nalibang ako sa mga larong panglalaki gaya ng tex, goma, gagamba, tamiya at kung ano ano pa. Ewan ko ba kung bakit ako naging boyish. Haha.

Okay, let us meet Johnny. Classmate ko siya for this year. Medyo magulo, maingay, at sobrang playful gaya ng mga ordinaryong lalaki sa edad namin. Katabi ko siya sa classroom at dahil sa mga laruang pang macho na dinadala niya sa school eh nagkasundo kami. Minsan pa nga parang lalaki na rin ang turing niya sa akin at tinatawag niya pa akong Brad. Madalas rin kaming mag-away. As in literal na sapakan. Pero hindi ko idol sila Aiza at Charice ha. Boyish lang talaga ako.

Pero bakit ko nga ba siya nagustuhan?
Actually, medyo katulad rin siya ni Rhein eh. Mahilig magpatawa sa loob ng classroom. Ewan ko ba kung bakit ang hilig ko sa mga joker. Siguro kasi, sobra nila akong napapatawa.
Buti nalang by this time, eh hindi na ako ganun kadaldal. Hindi na yata niya nalaman na crush ko siya. Buti naman. Haha!

Faded

Pagdating ng grade 5, nalipat siya sa kabilang section kaya ayun parang unti- unti na ring nawala ang pagkagusto ko sa kaniya.
Pero lalong nawala nung malaman ko na girlfriend na daw niya si Jenna. Taga kabilang section din na classmate niya ngayon.
 Grabe noh?! Grade five palang kami, uso na siyotaan. Mga kabataan nga naman, inuunahan ang edad.
Sa totoo lang, medyo nasaktan ako nung malaman ko na sila na pala. Ano kayang feeling kapag yung crush mo ay niligawan ka?
Siguro masaya?
Malay ko ba! Hindi ko pa naman nararanasan yun eh!

P.S.

Ayon sa aking kauna unahang diary na ginawa, minsan daw akong binulungan ni Johnny na crush niya ako.
The only problem with me is that…..
Waahhh! Hindi ko na matandaan na nangyari iyon. Imagination ko lang ba dati yon o napanaginipan? Ikaw naman kasi Neneng! Magsusulat ka na nga lang sa diary mo, hindi pa detalyado!

Johnny, I think he’s the worst of my crushes but hence he is kind to me. I was surprised when he whispered on my ear that he had a crush on me. Of course I’m so happy but after a year that passed, he had a girlfriend namely, Jenna. But it’s okay. I don’t like him anymore.
Ansabeh ng diary ko na hindi ko alam kung pinagtitripan lang yata ako?


Part 3: JT
First Meeting

Lumipat ako ng school service pagdating ko ng Grade five.

“Mga bata, siya si Neneng. Bago nating kasama dito sa service.” Pakilala sa akin ni Manong Ted sa mga kaservice ko.
“Hi Neneng! Ako si Jason.”
“Ako naman si Marie.”
“Ena.”
“Angel.”
“Mark”
“Teddy.”
“JT” sabi nung lalaki na nakaupo sa harap.
“Hello sa inyo.” Masaya kong bati sa kanilang lahat.

Naging mga kaibigan ko sila. Medyo naiilang silang tawagin ako sa palayaw ko kaya ayun, mula ng tawagin ako ni JT sa totoo kong pangalan na, “Jaden.” Yun na din ang tinawag nila sa aking lahat.

Sa kabilang kalye nakatira sila JT, nangungupahan sila dun. Galing kasi silang Bacolod at kakatransfer lang nila ngayong taon dito sa Manila.
After a week na lumipat ako ng service ay lumipat rin sila sa malapit sa bahay namin. Ito pa, taga kabilang section lang din pala siya at kaklase niya si Johnny.

Madalas kaming maglaro sa kalye kapag walang pasok o di kaya kapag uwian na. Gusto ko lagi ko siyang kakampi. Lalo na pag naglalaro kami ng agawan base, patintero, agawan panyo, football o sikyo, ang sarap sa feeling kapag sinesave niya ako.

More than Crush

Bakit ba kasi naging weakness ko ang mga lalaking talo pa ang mga komedyante sa telebisyon?
 Siya yung bukod tanging tao na nagbibigay buhay sa service namin lalo na tuwing uwian. Kasi siyempre pagod na ang lahat mula sa kanya kanyang classroom, he always made us laugh so much sa mga punch lines niya.
Lahat napapatawa niya, lalo na ang puso ko.
Ayiiihhh..
Bakit nga ba more than crush?
Yung feeling na kapag nandiyan siya sa harap mo eh, natutulala ka. Nagpapanic. Lumalakas ang heartbeat. Nawawala sa sarili. Nabubulol.
Nangyari lang lahat ng ito ng marealize ko sa sarili ko na siya na ang ultimate crush ko.

I got brokenhearted again ng malaman ko na sumasabay na rin pala siya sa uso. May girlfriend na rin siya. Hazel ang pangalan. Nakakaloka lang!
Mga nene at totoy pa kami pero lumelevel up na ang lovelife.
Pero kahit na alam kong may girlfriend na siya, hindi pa rin nawala ang pagkagusto ko sa kanya. And therefore I declare that JT is my first love!
Woahhh?!

Note from my Diary

I was inspired to create a diary simula ng magkaroon ako ng crush. Siyempre, ayoko naman ng mabuking kaya isinusulat ko nalang.
I still have my first diary at sa tuwing babalikan ko ito hindi ko maiwasan ang mangiti pa rin at manariwa sa ala-ala ko ang mga naging pangyayari sa buhay ko.

--/--/----
Dear Diary,
I have a new crush. JT ang pangalan niya! Cute siya, maputi, matangkad tapos joker pa! Kapag nakikipaglaro ako sa kanya, gusto ko lagi ko siyang kakampi. Masaya siya kasama, ang kulit kulit pa niya. Madalas niya akong asarin. Piling ko tuloy, nagpapapansin lang siya sa akin.
Good night diary! Bukas ulit.
-Neneng
P.S.
Yang bukas na tinutukoy ko diyan eh umaabot ng next week, next month o di kaya next year. Sinisipag lang kasi ako magsulat sa diary noon kapag may masayang nangyayari sa buhay ko. O di kaya pag trip ko lang talaga magsulat.

Love Team

Kinikilig ako kapag inaasar nila ako sa kaniya. Sa school o sa bahay, kunwari naiinis ako pero deep inside eh tuwang tuwa ako kapag pinagpapares kami.
Guwapo si JT. Sure ako diyan. Kasi hindi lang naman ako ang may gusto sa kanya. Marami kami actually. Pero masaya pa rin ako dahil of all girls sa street namin eh masasabi kong sa akin siya pinakaclose. Kahit crush ko siya, magkaibigan naman kami. Malamang alam niya na crush ko siya pero never naman niyang ipinamukha sa akin yon. Besides, okay kami as tropa.

First love Never Dies

I met JT when I was in Grade 5, ngayon high school na ako. Hindi na rin kami magka schoolmate. Pero madalas pa rin kaming magkita kasi nga magkapitbahay kami. Hindi na ako masyadong updated sa lovelife niya kasi nga sobrang busy na kami sa kanya kanya naming school. Kapag weekend naman, hindi na ako lumalabas ng bahay para makipaglaro sa kaniya.
I know I’m growing up just like him. Nawala na ang hilig ko sa paglalaro ng kung ano anong mga bagay. Hindi na ako batang kalye. I preferred to be alone at my room. Focusing on my studies at naging libangan ko na rin ang pagsusulat. Kung anu ano lang. Mga tula, maiikling kuwento, essays at sa diary ko.
Pero ganun pa rin ang epekto niya sa akin eh. Sa tuwing makakadaupang palad ko siya, nandun pa rin yung kilig, yung kaba, yung pagpapanic, yung pagkakawala sa sarili, yung saya. Basta masaya ako kapag nakikita ko siya.
Kahit pa na hindi niya daw ako crush o never naging crush according to my sources eh okay lang. Ang importante, naging inspirasyon ko siya. Mas marami akong tula at quotes na nagawa. One sided love it is pero carry lang.
JT is my first love and will forever be. Naks! Ikaw na dude!

The Friendship

After 10 years….
Minsang nagPM siya sa akin sa facebook:
“Musta na?” Tanong niya.
“Okay lang. Ito problemado.” Imporma ko.
“Oh bakit?”
“Yung pc ko nagloloko. May kilala ka ba na marunong mag ayos?” Baka sakali lang naman. Para makadiscount kahit papaano. Hehe.
“Yup”
“Talaga?! Sino? Magkano? Pwede mo ba siyang papuntahin dito house?” Sunod sunod ko pang tanong.
“Easy. Hehe!” He never changed. Makulit pa rin siya. At paborito pa rin niya akong pikonin.
Mabilis akong maasar nung mga bata pa kami. Dahilan para habulin ko siya at tatawa siya ng sobrang lakas kapag hindi ko siya mahuli-huli.
“Dali na.”
“Sira cellphone niya eh. Sumasakay ka ba sa motor? Puntahan nalang natin siya sa bahay niya. Malapit lang naman yun eh.”
“Sige.”
Maya-maya, narining ko na yung motor niya sa tapat ng bahay namin.
“Oh, helmet.” Inabot niya sa akin ang isang matigas na bagay na kulay puti na nilalagay sa ulo sa tuwing sasakay ka ng motor. In short, helmet.
 Natuwa naman ako. Masaya pa rin ako sa tuwing may pagkakataon na nagkakasama kami. Sa sobrang hectic na ng mga schedule namin ay minsan nalang kami magkakitaan kahit pa na magkapitbahay lang kami.
Isa na akong empleyado ng isang malaking kumpanya at siya naman ay nagrereview para sa licensure exam.
Ang balita ko rin ay may girlfriend siya at medyo matagal tagal na rin sila. Ako naman?
Secret!... Haha. Mamaya ko na kikuwento.
Ayun na nga, habang nasa biyahe kami papunta sa bahay ng kaklase niya ay nagkakuwentuhan kami ng konti.
“Kamusta naman ang office girl? Siguro malaki na sahod mo noh. May laptop ka na, may pc pa!  Manager ka na noh?” Tanong niya sa akin.
“Agad-agad? Manager?! Hindi pa noh. Sakto lang. Ikaw? San mo balak mag-work after ng exam mo?” Ako naman ang nagtanong.
“Baka sa pinagtatrabahuhan rin ni girlfriend. Maganda daw dun eh.”
Wala naman akong nakapang sakit sa puso ko. Besides, masaya pa nga ako para sa kanya. At least ngayon, may nakatagalan na siyang girlfriend. Ang alam ko kasi, after nung kay Hazel, nagpapalit palit na siya ng jowa tapos dumating yung time na ang tagal niyang nabakante. At yun na nga ang latest. Hindi ko na alam yung name nung gurl. Wala naman akong balak alamin. Pero sabi ng mga pinsan at kaibigan ko na kapitbahay rin namin, mas maganda daw ako dun sa girl. Madalas kasi nila akong utangan.
 So what kung mas maganda ako, hindi naman ako ang pinili niyang mahalin. He only sees me as a childhood friend, a former playmate, ka-service, schoolmate at kakulitan.
At least, I played a part on his life.
“Ikaw, may boyfriend ka na?” Out of nowhere niyang tanong.
“Huh?” I don’t want to talk about it. Ang taray!  “Alam ko,maganda ako.” Sagot ko. Ayun at narinig ko na naman ang malakas niyang tawa. Nakakamiss siya somehow. Parang kelan lang, mga yagit pa kami na masayang naglalaro sa kalye at nagkukulitan sa service pero ngayon ay may kanya kanya na kaming mga buhay.
“Andito na tayo. Sabihin ko sa kanya na magkaibigan tayo para hindi ka na niya singilin.”
Yeah right. We are really “friends”.
Ever since the world began, nasa friendzone lang talaga kami.
Saklap.

End of story.
Our Story.




Part 4: Neil
Silent Mode

Okay let’s go back to the past.
Working girl – Graduation – College Days – Graduation – JS Prom – High school life oh my high school life
Rewind. Rewind. Rewind.

First year high school, section seven.

This was my first time na magkaroon ng barkada. Yung as in all-girls group talaga. We called ourselves as Barkadang SCHOOLS. May meaning yan kaso nakalimutan ko na eh. Hehe. Sorry girls, tagal na kasi eh.
I had a classmate way back then na sobrang tahimik. As in, kayang lumipas ng isang buong araw na hindi siya nagsasalita. I wonder kung napapanis nga kaya ang laway ng isang taong gising kapag hindi nagsasalita?
He’s Neil and she got my attention. Dahil siguro sobrang magkabaliktad kami. Kung siya ay tahimik ako naman yung sobrang ingay sa loob o labas man ng classroom. Lahat ng kaklase ko, nakakausap ko ng matino, siya lang ang hindi.
“Kumusta?”
“May assignment ka na ba sa Algebra?”
“Ang hirap noh?”
“Taga saan ka?”
“Saang school ka nung elementary?”

 Simpleng iling o tango lang ang kaya niyang isagot sa mga tanong ko. Kaya ayun, naging crush ko siya. Galing noh?!
Napaka mysterious ng peg niya, yung tipong gusto kong ungkatin ang lahat lahat ng tungkol sa kanya.

The Play

Hindi siya nakaligtas sa diary ko.
And here it goes:
Date: --/ --/ ----
Dear Diary,
Grabe sobra akong kinilig kanina! Alam mo yung feeling na makaholding hands yung crush mo! Kahit na para lang siya sa play namin, masaya pa rin ako. Kilig to the bones parin! Ayiiihhh! Parang ayoko ng maghugas ng kamay. Waaahhhh!
Good night Diary. Sana maganda ang mapanaginipan ko ngayon.
Good night Neil, good night crush!

Sobra akong kinilig kasi when we were practicing for one week eh hindi naman kami naghoholding hands.
Nagkakahiyaan. Well, siya lang yun. Ang kapal kaya ng mukha ko. Ako pa nga ang nag-insist na idagdag sa presentation na maghawak kamay lahat ng actors after the play.
Sa loob ng isang taon na naging magkaklase kami, kahit papaano ay may mga nalaman naman ako sa buhay niya. Lalo na yung mga panahong naging magkagrupo kami sa presentation na iyon. May itinatago rin pala siyang kulit sa katawan. After the practice ay nagkukulitan kaming magkakagrupo. Naglalaro pa nga kami ng volleyball.
Masaya naman pala siyang kasama. Akala ko boring siya, hindi naman pala.

I may say that it was just a pure crush. Pagdating ng second year na hindi na kami magkaklase eh nawala na rin yung crush ko sa kanya at natuon na sa iba.






Part 5: Eirik
The Math Wizard

Naging favorite subject ko ang Math kaya naman nagustuhan ko si Eirik. The only problem with him is that, sa Math lang siya nag-eexcel while yung iba naming subject ay pinapabayaan niya. Dahil nga sa favorite ko ang Math tulad niya ay nagkasundo kami. We became good friends and even regular textmate. Muli na namang tumibok ang puso ko. Pakiramdam ko, matatabunan na ng pagkagusto ko sa kanya ang nararamdaman ko para kay JT non.
Para pa akong tanga na iniimagine na sana ay siya ang maging first boyfriend ko. (Ang landi lang!)
Sige, ipagpapalit ko na si JT sa kanya. Haha!
Katulad ni Neil ay medyo tahimik rin siya sa klase. May pagkasuplado pa kaya naman hindi na ako nagtaka na may iba ring nagkakagusto sa kanya maliban sa akin.
Marami rin pala ang katulad ko na nagkakagusto sa mga silent type na lalaki.
Let’s name the few:
Jackie
Berna
Jane
Loren
Ayon sa nasagap kong mga tsismis sa loob ng classroom ay sila ang mga girls na may gusto rin kay Eirik.
See, hindi ako nag-iisa. I belong. Welcome to the club.
From joker to silent type, what a twist. Nag-iiba nga talaga ang tao. At tao ako na nag-iiba ang gusto o hilig.

The Boyfriend

“Jackie, okay ka lang?” Nag-aalala kong tanong sa kaklase ko. May nabalitaan kasi kami na hindi maganda para sa amin.
“O-oo naman. Okay lang ako. Nabigla lang.” Sagot niya sa akin.
“Girls, alam niyo ba?!” Humahangos na sabi sa amin ni Che-che. “Si Eirik at Berna na!”
“Oo. Alam namin. Kaya nakabusangot oh.” Sagot ko sa kanya at nginuso ko si Jackie.
Umupo na siya sa tabi ni Jackie. “So, ako pala ang huli sa balita. Paano niyo nalaman?”
“Sa text. Kagabi. Si DJ nagsabi.” Imporma ko sa kanya. Maaga kaming pumasok ni Jackie kaya nasabi ko agad sa kanya.
“Good luck nalang sa kanila.” Tanging nasabi ni Jackie at bumuntong hininga.
Just like what I am thinking about.
Friend ko rin si Berna, actually kaklase ko rin siya nung first year. I never expect na magiging sila ni Eirik. Parang hindi naman namin naramdaman na nagligawan sila. According to DJ, inamin lang daw ni Eirik na crush niya si Berna tapos yun, crush din daw siya ni Berna, kaya naging sila na.
Pwede pala yon? Sabihan lang ng crush, tapos pag nagmatch, magiging kayo na?
Nainggit tuloy ako bigla kay Berna. Buti pa siya, yung crush niya ay crush din siya. Sana ako nalang siya. Kaso hindi eh. Katulad ni Jackie at ng ibang girls, pare-pareho kaming sawi.

But the good thing for this, naging mas close kami ni Eirik. Hindi rin kami napag-iinitan ng mga teachers. Sila ni Berna yun. Yung sinasabi nila, na ang babata pa eh, nag-bo-boyfriend na. At least, hindi ako ang tinatamaan kapag nagpaparinig yung mga old maid naming teachers.
Hehe. Ang bad lang.

The Break-up

After four months, Berna and Eirik broke-up. I don’t know the reason. Hindi na nila ipinaalam sa publiko yon eh.
Simula nun, hindi na sila nag-usap. Buti nalang yung friendship ko with Berna ay hindi naman naapektuhan ang friendship ko with Eirik.

Neng,
Thanks for being a good friend to Eirik…
Love, Berna
Sinulat yan ni Berna para sa akin. Na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang ipinupunto niya. Wala akong makitang dahilan para sulatan niya ako ng ganon. Isa pa, wala naman akong pinagsabihan kahit sino na may gusto ako kay Eirik.
Dahil ba sa closeness namin kaya sila nagbreak?
Eh wala rin namang sinasabi sa akin si Eirik kung gusto niya ako. We’re nothing but friends. Mas maliwanag pa yun sa sikat ng araw pati na rin ng buwan.

Hay nako. Wala na kong interes kay Eirik. Mas interasado ako sa pagpasok ng third year.

PS.
Ang sabi ni Diary ko, noon daw nung hindi pa sila ni Berna:
--/--/---
Hindi ko pa nga pala nakukuwento sa’yo si Eirik di ba? By the way, classmate ko siya. Mabait, matalino kaya lang masyadong topakin. Minsan okay kami, minsan naman hindi. BF siya dati ni Berna. Nung unang pasukan nga nung hindi pa sila, nilalakad siya ni Berna sa akin yun pala, sila rin ang magkakatuluyan. Hindi nga lang tumagal pero piling ko mahal na mahal pa rin nila ang isa’t isa. Hindi ko alam dahilan ng break up nila eh.  Pero ang mahalaga, kaibigan ko pa rin sila pareho.

Waahh! Ano bang diary to? Bakit may amnesia ako? Hindi ko matandaan na nilakad siya sa akin ni Berna eh hindi ko nga din matandaan na may pinagsabihan akong crush ko si Eirik eh. Hay nako. Tama na ‘to. Move on, te!





Part 6: Blue and Joe
Love Triangle

New school year, new classmates. As I reached third year high school, pakiramdam ko ay mas naging mature ako. And leadership still grows in me. Although, since I was grade two ay naranasan ko ng maging leader sa classroom, by this time, naging classroom officer pa ako and greater responsibilities were on my shoulders. Halos sa lahat ng subjects ay may group leader at madalas ay ako ang napipili.
Blue is a transferee on our school. He’s cute. Magkagrupo kami sa Science. Madalas kaming asarin ng mga kaklase namin dahil madalas ay nagiging kami ang magkapartner sa mga activities. Kaya ayun, naging crush ko siya. Ang weird noh? Dahil lang sa inaasar kami ng mga kaklase namin ay nagustuhan ko na siya. Everytime na pinagpapartner kami o inaasar ng mga echosero echoserang kaklase namin ay kinikilig ako. Haha!
Ang landi ko lang.
It made me sad nga eh nang sa kalagitnaan ng school year ay nagpaalam siya sa amin at babalik na daw siya sa dati niyang school. Pero mukhang mas nalungkot ang mga kaklase ko para sa akin.
“Neng, aalis na si love team mo.”
“Neng, pigilan mo siya.”
“Mahal ka daw niya, Neng kaya aalis muna siya. Pero balang araw magkakatuluyan din kayo.”
I love you all mga praning kong classmates!
To make it easier for me, I pretend na okay lang ako. Na masaya ako. Kahit pa na deep inside ay malungkot ako dahil aalis na ang naging inspirasyon ko for that school year. Para pagtakpan ang totoo kong nararamdaman, I smile more than often.
Hindi ko naman akalain na sa madalas kong pagngiti ay may magkakagusto sa akin.
Wahahaha! Ako na ang may killer smile. Salamat sa nanay ko hindi pinabayaan ang mga ngipin ko. Kaya pala nung bata ako ay medyo iniwas niya ako sa sweets. Regular din kaming pumupunta sa dentist. I love you so much, mother dear!
s
“Lagi ka nalang naka smile. Sa tuwing titignan kita lagi kang nakangiti. Parang ang saya saya mo lagi.” Lumapit minsan sa akin si Joe para lang sabihin ito.
Sa harap siya nakaupo at ako naman ay medyo nasa second to the last row.
Then he wrote me a letter.
Dear Neng,
Crush kita. Pero nasa 80 percent lang naman.
Ingat ka parati.
(heart shape)
Joe
Akalain mo yun, may nagkakagusto rin pala sa akin. So it means, hindi naman pala ako ganun kapangit. Kasi may nagkagusto sa akin eh. Tuwa naman ako.
Nang mawala si Blue, ayun at kay Joe na nila ako inaasar. Kumalat kasi sa classroom ang sulat niya na iyon para sa akin.
Dahil ba sa crush niya ako ay naging crush ko na rin siya? Bakit ganun? Naiilang na ako sa tuwing titignan niya ako. Does my smile really attract him? Wow, ako na talaga ang may killer smile!
Lumipas ang buong taon ng third year, hindi naman niya ako niligawan so maybe hanggang crush lang talaga niya ako. Ni hindi nga niya ako sinayaw nung JS Prom namin.
  *bitter*

Part 7: Ralph
The Bestfriend

Welcome Senior Year!
New Classmates again, here we go.
“Hi, pwedeng tumabi?”
Minsang nag-iisa ako sa row ko nang may lumapit sa akin para makipagkuwentuhan. Siya si Ralph. I never expected na sa pagtabi niya sa akin sa mga oras na iyon na wala kaming teacher ay makikuwento niya sa akin ang lovelife niya.
After that conversation, lagi mo na kaming makikita na magkasama. Sa lunchbreak, merienda at uwian. For a short period of time ay naging close kami and we consider each other as bestfriends. Friendship pa nga ang naging tawagan namin. Masaya ako to find a friend in him.
It was just that I didn’t expect myself to fall for him. Yes, I fell in love with my bestfriend. Wala naman talaga akong planong mainlove sa kanya. Bigla ko nalang naramdaman yon. It’s the same feeling I felt for JT way back then. Sa edad na 15, I know I’m in love again. Yun nga lang, ayokong malaman niya dahil ayokong masira o mawala ang friendship namin. Masarap sa pakiramdam that there is someone who’s willing to protect you and care for you. Kahit pa na isipin ng ibang tao na kami na daw which is hindi pa naman ay wala kaming pakialam. Ang mahalaga lang ng mga panahong iyon ay masaya kami sa piling ng isa’t isa bilang matalik na magkaibigan.

May Boyfriend na ako!

“Friendship, pwede ba tayong mag-usap later?” Tanong niya sa akin one time.
“Sige, pero mamaya nalang after ng Trigo natin.” Sagot ko naman. Ano kayang pag-uusapan namin? Kinabahan naman ako bigla.
Nalaman ba niya na crush ko siya?
Nadiskubre ba niya na lagi kong iniisip na sana maging kami?
Nakakagat ba niya ang dila niya sa tuwing namimiss ko siya?
Nahalata ba niya na nagseselos ako kapag nakikipagkulitan siya sa iba naming classmate na girls?
Alam na ba niya na sa tuwing pagkukwentuhan namin ang mga exes niya ay nasasakatan ako?
Waahh?
May gusto na rin ba siya sa akin?
Liligawan na ba niya ako?
Waaaahhh!
 Huwag kang assuming Neneng! Bestfriend ka lang!

Dumating ang oras ng uwian pero hindi pa rin niya nasasabi sa akin ang gusto niyang mapag-usapan namin.
Nakakatawa lang dahil nung nasa jeep na kami ay dun lang niya nagawang umamin. “Friendship, pwede ba kitang ligawan?”
Nagulat slash natuwa naman ako. All this time, may gusto rin pala siya sa akin. I thought na kaibigan lang ang turing niya sa akin.
“Sure ka ba? Baka naman napi-pressure ka lang sa mga kaklase natin na inaasar tayo.” Paninigurado ko. Madalas ko kasing marinig yung iba naming kaklase na pinagtutulakan siyang ligawan ako.
“Oo, sure ako.”
“Sure kang napipressure ka lang?”
Natawa siya at kumamot pa sa ulo. May kuto? “Hindi. Sure ako na gusto kita.”
“Ahh.. Pero, baka masayang yung friendship natin. Paano pag nagbreak tayo?”
“Huwag mo kasing isipin na magbi-break tayo. Kilala na natin yung isa’t isa kaya hindi tayo maghihiwalay.”
“Bukas ko na sasagutin yang tanong mo.”  Sabi ko sa kanya. Pababa na kasi ako ng jeep.

Siyempre kilig kiligan ako. Sino bang mag-aakala na ang itinuring kong best friend sa maikling panahon ay may lihim palang pagtingin sa akin. Ihhh.. Dalaga na ko! Haha.

Kinabukasan….
“Huy, friendship! Ano ng sagot mo?” Tanong niya sa akin.
“Uhmmm….”
“Ano nga?” Ano nga ba?
“Sige na, oo na!”
“Huh? Panong Oo? Oo as in, pumapayag kang ligawan na kita o oo as in tayo na?”
Actually, hindi ko rin alam eh.
Ano nga ba?
Magpapaligaw pa ba ako? O papayag na akong maging kami?
Sa palagay mo?
Ako kasi, hindi ako mapalagay eh. Hehe!
“Huy!” Untag niya sa akin. Medyo natulala kasi ako. Alam mo na, nag-iisip kunwari kung para saan nga ba ang isinagot ko?
Oo naman yes, gusto ko rin siya. Pero iniisip ko talaga yung friendship namin eh?
Isa pa, handa na ba talaga akong iwan ang pederasyon ng mga NJSB? As in No Jowa Since Birth.
Neng, isip, Neng!
“Neng!” Untag na naman niya sa akin.
“Ay, Neng! Kelangan talaga nanininigaw?” Asik ko sa kanya. Nagulat ako kasi naglakbay ang diwa ko eh.
“Sorry na. Ikaw naman kasi, hindi malinaw yung sagot mo. Nalilito ako.”
Nasisi pa tuloy ako. Don’t worry, hindi lang ikaw ang nalilito. Mas lalo na ako! Sa sobrang dami ng tumatakbo sa utak ko eh pwede na akong mabaliw. Sana lang wala ng bakante sa Mandaluyong.
Nanaig ang batam batang puso ni Neneng. “Sige na. Tayo na.”
Kanina pa ako kinikilig eh. Ay hindi, kahapon pa pala. Eh mas lalo na nung hawakan niya ang mga kamay ko. “So, tayo na talaga ha. I love you, Neng.”
Masaya ko siyang tinanguan.
“Ano ba yun, walang reply?”
Natawa naman ako. “Oo na, I love you too, friendship!”
The next few weeks were like heaven. Heaven pero ang kulay kulay ng paligid. Basta masaya siya. Alam mo yung feeling na everyday ay excited kang pumasok at sobrang inspired kang mag-aral. Tapos yung feeling na kapag magkasama kayo eh parang kayo lang dalawa ang tao sa mundo at para kang laging lutang.
Kapag hindi mo naman siya kasama, pangalan niya lang ang bukambibig mo. At wala ka ng ibang inisip kundi siya.
Puro nalang siya!
Pati ang bagong diary ko, halos mapuno ng puro kwento lang tungkol sa kanya. Nobela kung nobela, Neng?!

Hay. Is this really love?

The Rain Memoir

Linggo, Alas kuwatro ng madaling araw kasama ng buong klase ay kinailangan naming pumunta sa Luneta para sa isang marathon. Required kaming pumunta lahat dahil para ito sa project namin sa P.E.
Rain or shine kailangang matuloy ang marathon. Sayang ang effort ng mga aspiring runners. At siyempre, sayang ang moment.
5 kilometer run? Sisiw!
Ang sarap kayang mamasyal sa bay walk kaholding hands ang taong mahal mo.
Yeah.. HHWM (as in Holding Hands While on Marathon) ang momentum namin ni Ralph. Para ngang hindi namin ramdam ang ulan sa sobrang init ng pagmamahal na bumabalot sa amin ng mga oras na iyon eh.
Nakanaks!
“Mga ate at kuya, mag divorce muna kayo. Hiwalay ang finish line ng boys sa girls.” Sabi ng isang event organizer sa amin.
Sa loob loob ko, “Hmm! KJ! Divorce kaagad? Wala namang divorce sa Pilipinas ah!”

After the marathon, naisipan naming mga magkakaklase ang maglakad lakad muna sa Luneta Park. Ala siyete pa lang naman ng umaga eh.
May napasukan kaming park. Nakalimutan ko na yung pangalan eh. Check ko sa diary ko mamaya kung anong pangalan nun. Tinatamad pa kasi akong magbasa ng nobela eh.

Okay, back to our story. Ayun na nga, nasa loob na kami ng park na yon. May nakita kaming isang wishing well.
“Oh, tig-isa tayo.” Nag-abot siya sa akin ng piso.
HHWWW talaga!
(As in Holding Hands While Wishing on the Well naman this time!) May bonus pang pikit mata habang taimtim na dinadasal ang kanya kanya naming mga hiling.
My wish?
Ano pa nga ba ang mahihiling ng isang taong sobrang inlove sa mga oras na iyon?
World peace?
Bumaba ang crime rate sa bansa?
Manalo sa lotto?
Syempre hindi.
Simple lang naman ang hiniling ko.
Na sana, kami ang magkatuluyan. Sabay na magka-college, sabay na gagraduate, sabay na magtatrabaho and eventually kapag nakaipon na ay magpapakasal sa simbahan. Sobrang simple noh?!
“Ano wi-nish mo?” tanong ko sa kanya, after naming maihagis ng sabay yung mga piso namin. Sayang! Hehe. Isipin na lang natin, donation yon para sa maintenance ng park na iyon na hindi ko matandaan ang pangalan.
“Secret. Baka hindi matupad eh. Ikaw?” Sagot at tanong niya.
“Secret din, baka hindi rin matupad eh.” Ganti ko naman. Akala mo ikaw lang ha!
Masaya naming nilisan ang park na iyon.
Naghihintay na sa gate ng bahay namin ang nanay ko. Kailangan bago mag alas otso nasa bahay na ako kundi,..

 Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung ano ba talaga ang hiniling niya.
Kung mabasa mo man ito, ngayon alam mo na kung ano ang hiniling ko. Daya, Unfair, hmp!

Spacebar

Natural lang sa relasyon ang mga away. Normal lang din ang mga tampuhan, selosan, iwasan, cool off, third party, break up, magkakabalikan, break up ulit.
What I am trying to point out here is that, lahat pwedeng mangyari.
Siyempre bata, immature na kung immature. Pero ang gusto ko lang naman kapag nagtampo ako, susuyuin niya ako. Siya yung mag fifirst move para makipag bati sa akin, despite sa kung sino ang may kasalanan. Yun lang naman yun. Pero ewan ko ba kung bakit ang simpleng tampuhan ay nauwi sa hindi pag-uusap ng sobrang tagal.
 There has been a bottomless space between us. Magkaklase kami pero nagawa naming hindi mag-usap sa loob ng napakaraming araw. Literal na So Near Yet So Far ang drama namin!
Ito ba marahil ang mga dahilan:
Pride? Walang gustong maunang sumuko.
Fall out of Love? Hindi na daw niya ako mahal.
Third party? Mas mahal pa rin daw niya yung naunang girl sa akin na itago nalang natin sa pangalang SHERYL!

Attachment to the Past

SHERYL. Wow. Big name.
Classmate niya ito nung third year. Niligawan niya, minahal pero sa kabutihang palad ay hindi siya sinagot dahil may pagtingin ito kay Jeffrey.
Si Jeffrey na nagkataong classmate din namin at ang masaya pa nito, magkatabi sila ni Ralph sa upuan and eventually ay naging close friends pa sila.
Magulo ba?
Okay, I’ll explain further.
Nung third year, habang ako ay nananahimik sa section 7, si Ralph at Sheryl ay magkaklase sa section 8. Si Jeffrey naman that time ay section 9.
Pagdating ng fourth year, naging magkaklase kami nila Ralph at Jeffrey sa section 8. Si Sheryl naman ang nalipat sa section 9.
Now, Do I get myself clear?

 Mula daw nang magkaroon ng long space sa pagitan namin ni Ralph, narealized daw niya na si Sheryl pa rin pala ang mahal niya.
Oh damn!
 Yung imbakan ng tubig?
Siyempre sobra akong nasaktan ng malaman ko ‘to. How did I know? Salamat sa mga classmate namin na concern sa aming love story. They were trying to bring us back together pero masyadong matigas ang puso ni Ralph. Wala na daw siyang balak pang makipag-ayos sa akin dahil nga doon sa narealized niya.
Oh $h!*  lang di ba?
Ako, mahal na mahal ko siya tapos ngayon si Sheryl na ulit ang mahal niya?!
Hindi naman ako nagmakaawa sa kanya na jowain niya ako eh. Nagtanong siya, sinagot ko lang.
“Kung ako sa’yo Neng, hiwalayan mo na. Huwag ka ng umasa. Make it official. Makipag break ka na.” Payo sa akin ni Ate Khar.
May point naman siya at naiintindihan ko ang mga bagay bagay na dapat ikonsidera.
It was just that, hindi ganon kadali eh. Lalo pa’t alam ko sa sarili ko na sobrang mahal ko siya. Lahat ng pangarap ko for us, gumuho dahil sa intensity 100 na yumanig sa mundo ko.
“Yang sakit na nararamdaman mo ngayon, mawawala rin yan. Bata pa tayo.” Dagdag payo pa niya sa akin.
Sana nga ganun lang kadali. Paano ba makakalimot sa sakit ang isang 16 years old na taong tulad ko?

Fire Exit

“Pwede ba tayong mag-usap?” Nag-ipon na ako ng sampung sakong lakas ng loob para lang malapitan siya at kausapin. “Doon tayo sa fire exit.” Nauna na akong naglakad at ramdam ko naman na sumunod siya.
Siguro kahit siya mismo ay gusto na ring matapos ang dapat tapusin.

Upon reaching the fire exit, sh!tness! Yung buong script na kinabisado ko the other night, naglahong parang bula! Wala na, tumuloy tuloy nalang ang pag-agos ng luha.
Buti nalang girl scout ako. Sinulat ko sa papel lahat ng gusto kong sabihin.
Sa isandaang salita na kinabisado ko, ito lang ang nasabi ko, “Ayoko na.” Sabay abot sa kanya aking so-called break up letter, sabay walk out, sabay iyak ulit.
Narinig kong tinawag pa niya ang pangalan ko pero mas pinili ko nalang na huwag ng lumingon pa.
Goodbye Ralph. Sana umexit ka na rin kaagad sa puso ko katulad ng fire exit na ito.

P.S.

Naitago ko pa yung kopya ng break up letter na iyon. Actually, naisulat ko rin siya sa nobela este diary ko. Pag-iisipan ko pa kung ilalagay ko dito yun. Hmmmm..
Pag may nakita kang letter sa last page ng sulating ito, yun na yun.
J
P.S. ulit
Parang alam ko na kung ano yung hiniling niya sa wishing well sa Luneta.
Ikaw alam mo na ba?
Siret?
Maybe you will find it out soon. *wink*
Or maybe you already knew it.

Part 7-2: Ralph, the second time around
College Life

 Goodbye high school! Masyado kang naging memorable and unforgettable para sa akin.
Hello college life! I wonder what will happen to me for the next four years.
Pero bago yan, balikan muna natin si Senior Prom.
After the break up, naging civil naman kami ni Ralph sa isa’t isa. Nung JS, nagpapicture pa nga kami eh. Pwersahan pa ng mga butihin naming classmate. But we never danced. Ayoko at malamang sa malamang ay ayaw niya rin.
The end.
Haha!
Okay naman ang college life. Medyo malaki ang naging adjustment pero keribels lang. New classmates, new surroundings.
Bilang graduation gift from high school, niregaluhan ako ni Papa ng cellphone na may kamera! Super saya!
From N5110 eh naging high tech na ang cellphone ko! Kahit hindi kami super close ng tatay ko, alam ko naman na super love niya ako. Ayaw niya lang ipahalata sa akin. Hehe.
Wherever you are right now, I love you, Pa. Siguro naman alam mo na yan ngayon.
Ramdam mo na ako. Wag lang ikaw ang magpaparamdam ah!

Ate Khar was absolutely right, sa paglipas ng panahon ay unti- unti na ngang nawala ang sakit. The sad fact here is, mawawala nga ang sakit, pero hindi ang ala-alang iniwan nito. Unless magka amnesia ka.
When I can finally say na nakamove on na ako eh bumalik ang communication namin. You know, friends of friends. Nagtext nalang siya sa akin isang araw, saying sorry for all the things he have done to me. Natouch naman ako dahil for the entire time na naging magkaklase kami, nag-away, nag-iwasan at nag break, he never said sorry. Ngayon lang.
“Wala na yon. Nakalimutan ko na ‘yon. I’ve moved on!” Proud reply ko pa sa kanya.
“Friends?” tanong niya.
“Sure! Friends!” Walang halong kaplastikan at eklabu ko pang sabi sa kanya.
We became regular textmates. Hindi naman kami nagkikita kasi magka-iba kami ng school na pinasukan. Ako sa isang university, siya naman sa isang vocational school.
Binalita niya sa akin na naging sila ni Sheryl. Hindi nga lang sila nagtagal dahil may iba palang boyfriend si Sheryl bukod sa kanya.
Pero naka move on na daw siya. Narealized daw niya na hindi na talaga niya dapat pang mahalin si Sheryl.  She’s not worth it ika nga.

At one fine Sunday, nagyaya siyang magsimba. Umoo naman ako. Kaya yun, nagkita kami. At sa pagpayag kong yon, I guessed that’s one of a hell mistake again…




Dropping the Others

Maganda naman pala talaga ako! Oh siya, sige. Ako ng conceited, vain, mayabang, mahangin, bagyo, buhawi, tsunami, lindol. Pero narealized ko lang talaga ‘to nung mga panahong, may iba pang nagkakagusto sa akin.
Yung tipong unang kita pa lang sa akin ay hindi na ako tinantanan at gusto na talagang manligaw.
May naging kaklase rin ako na nagkagusto sa akin at binalak akong ligawan kaso naunahan ng friendzone. Ayun at sa kaibigan ko nalang siya na-inlove. Happy naman ako for them.
May naging crush din ako kasi kahawig niya si Ralph, yun nga lang may girlfriend siya. Kaya off-limits! Hehe.
May isa din kaming bagong kapit bahay. Kaso ayoko, strict si Papa, madaling mabuking kapag taga sa amin lang! Hehe.
Si JT nga lang ang nakakalapit ng legal sa akin eh. Kaso sa pagkakaalam ko, super takot din yun sa tatay ko.
Don’t worry boys, di kayo nag-iisa. Takot din ako kay Papa. Nang-sasako kaya yun! Patiwarik pa. At para refreshing, isasabit ka pa sa puno ng avocado. May bonus pang mga langgam.

Sa lahat ng mga pangyayaring ito sa buhay ko, updated si Ralph.
Ramdam kong na-bothered siya kaya one day, after naming magsimba, “Neng, liligawan kita. Sana may puwang pa rin ako diyan sa puso mo.”
Shockness naman ang lola mo. Dahil ang akala ko, okay na kami as friends.
“Pag-iisipan ko.” Sagot ko sa kanya. Sumakay na ako ng jeep.





Trust and Happiness

May bago na akong set of friends. And we call our selves as Winx. Walo kami sa barkada at sila ang naging hingaan ko about my colorful, wonderful, outrageous, crazy, topsy turvy lovelife.
Sa lahat ng ipinayo nila sa akin, ito ang pinakatumatak sa isipan ko, “Alam mo Neng, kung hindi mo susubukan, hindi mo malalaman. Kung saan ka magiging masaya, dapat dun ka.”
Ito pa, “Ganon naman talaga pag nagmamahal eh. Kailangan mong magtiwala. Ulit.”

Ayun na nga, because of that sayings eh nainspire na naman akong muling buksan ang puso ko.
I gave Ralph a chance again; to love me and the worst to hurt me, the second time around.
Aaminin ko, naging masaya ako sa naging desisyon ko. Alam ko sa puso ko na mahal ko pa rin siya at sa mga panahong magkasama kami eh sobrang saya ko. Ulit.
Basta happy ako. That’s the most important thing.
But not everyday…





At the Party

Our relationship went on smoothly. Well, that’s what I thought of.

Pumunta kami ni Chel sa mall. Classmate ko siya sa NSTP subject ko.
Christmas party ng mga Clanmates ko kaya kailangan kong bumili ng pang exchange gift.
Of all people in the world, ang bait bait talaga ni Papa God dahil itong dalawang tao pa na ito ang makakasalubong ko. Small world talaga! Really really small.
Nakita ko lang naman si Ralph, kasama ang isang babaeng itago nalang natin sa pangalang ANNAH! Dala ni boyfriend ang bag niya, magkaholding hands sila, ang sweet sweet. Wow, ano to? May proxy ako? Sub? Reliever?

Ramdam kong nagpalpitate ako. Alam ko rin na nakita nila ako.
Alam mo kung ano ang sumunod kong ginawa pagkakita sa kanila?  
Sumugod ako, sinampal si Ralph, sinumbatan si Annah.
We have common friends nung girl at schoolmate pa kami. Same pa ng college department! Small world nga kasi.
At nakipag break ako ura-urada!
“Manloloko ka, Ralph! Two-timer! Babaero! Buwisit ka! Sana hindi nalang ako nakipagbalikan sa’yo. P@#$(%#)@$*)% ka! Magsama kayo sa impyerno!” Sabay taas noong walk out sa harap nila without any tears from my eyes!
Ha!
Actually, ito talaga sana yung mga gusto kong gawin.
Kaya lang….
Nung makita ko sila, tumakbo ako sa CR, hinabol naman ako ni Chel.
Pagdating sa CR, halos magdilim na ang paningin ko. Nanginginig ako dala ng sobrang pagbugso ng damdamin. Gusto ko ng himatayin. Buti nalang nakaalalay sa akin si Chel. Umiyak lang ako ng umiyak. Inalo naman niya ako ng inalo. Thanks, Chel. Hindi talaga kita makakalimutan dahil sa pangyayaring ito.
Nang medyo humupa na ang tensyong nararamdaman ko, pumunta pa rin ako sa party. Andun si Mary. Friend din niya si Annah. Hindi ko kasi sure kung nakita nila ako. Si Mary na ang nagsabi sa kanila na nakita ko sila, with my own two big brown eyes.
While at the party, umiyak pa rin ako ng umiyak. Pero siyempre sa medyo tagong lugar naman. Yung dalawa lang kami ni Mary ang nakakakita.

Artistahin kaya ako. Kasi after kong umiyak ng umiyak, naki-join pa rin ako sa party.
After the party, may nag-offer na ihatid ako sa bahay. Nagpahatid naman ako. Pero nang marating na namin ang bahay ko, dinerecho ko na siya. Basted.
Ken yata ang pangalan nun. Nakalimutan ko na.
 Sorry, Ken ha. Wrong timing ka eh.





Extra Part: Jovan

My Super Duper Ultra Mega Crush

Masyadong mabigat sa dibdib itong mga pangyayari kay Ralph. Let’s make it lighter this time.
Siya si Jovan, my super duper ultra mega crush! As in to the highest meaning of Crush for me eh siya yun!
Sa kanya ko naranasan ang maging isang stalker, possessive fan, secret admirer ay hindi pala secret –lantaran admirer at super follower.
Para sa isang reaction paper na kailangan naming ipasa sa isang Minor Subject, ay manunuod kami ng Play sa mini-theater. Sa totoo lang, I hate watching plays. Boring kasi tsaka basta ayoko lang.
Pero wag ka! Mula ng lumabas si Jovan sa entablado, buhay na buhay ang dugo ko! Pati na rin lahat ng liquids sa katawan ko, binuhay niya!
“Siya yun! I know him!” sigaw ko sa katabi ko.
“Katabi mo lang ako, te! Di mo kailangang sumigaw!” balik sigaw sa akin ni Dessa.
Hehe. Sorry naman. Excited lang.
Siya kasi yung naging crush ko sa NSTP ko last year, binilhan pa nga niya ako ng burger nun kasi pareho kaming walang baon para sa overnight vigil.
Hindi ko naman ineexpect na ang susunod naming pagkikita ay nasa entablado na siya.
Grabe! Super guwapo niya ngayon! At ang husay pa niyang umarte! I love Plays! Lalo pa’t siya ang bida!

After the play, nagpapicute pa kami. Itulak ka ba naman ng kaklase mo sa kanya, mag-iinarte ka pa ba? Sh*t! Ang bango bango niya parang baby! Nakaakbay pa siya sa akin!
The sad news: Hindi ko napasakamay ang picture na yon. Kinalimutan ko na ang dahilan kung bakit. Masyado akong nanlumo.
Actually, ito yun:
Nasira ang cellphone ko. Perfect timing!
Pero napicturan naman ako ng class president namin.
 “Sel, pa-bluetooth naman ng picture namin ni Jovan!” Excited ko pang hingi ng pabor sa kanya kinabukasan.
“Walang Bluetooth cellphone ko eh.” Malungkot niyang balita.
“Infrared?”
“Sira.” Sagot ulit niya.
“Pa MMS nalang! Send mo sa akin.” Hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa.
“Hindi ako nakakasend eh. Tri-ny ko na dati kaso ayaw gumana.” Bad news pa rin.
“Send mo nalang sa friendster! Grab ko nalang!” Dami kong paraan noh.
“Hindi rin ako nakakasend dun eh.” Bwisit lang! Itapon mo nalang kaya yang cellphone mo! Pero teka, Cellphone ba yan?!
“Patingin nalang! TITITIGAN ko nalang.” Hopeless na ‘ko. Bakit ba naging class president namin to?! Hindi ko naman matandaan na binoto ko siya.
Tinignan niya ang cellphone niya. Pindot dito. Pindot doon. “Neng, wala yung picture niyo eh.”
@(#$$*%$(@!!@(#*$
 “Di bale nalang. Salamat.” Lumabas na ako ng classroom baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya at sa cellphone niyang de-uling.

Luckily, dahil sa pagiging dakila kong stalker eh nakakuha pa rin naman ako ng picture niya! Yung isa, pina wallet size ko, tapos yung isa naman pina A4 ko! Wala eh, isa lang naman akong hamak na fan.
Nagtataka lang ako sa sarili ko kung bakit kapag wala siya, daig ko pa ang giraffe sa haba ng leeg kakatanaw kung nasaan siya at tinalo ko pa ang kuwago sa laki ng mata masilayan lang siya pero kapag nasa paligid na siya, ayun at nagtatago na ako sa mini skirt ni Laarni.
Yung picture na nakuha ko sa kanya ipinagpapasalamat ko iyon sa isa kong kaibigan na super ang kapal ng mukha, Ceciliana, mahal na mahal kita. You are really such a good friend. Muah muah tsup tsup! “Kuya, pwede ba kitang picturan? Para lang to sa friend ko na sobra kang crush.” Naalala ko pang sabi niya kay Jovan non. Habang ako ay abalang nagtatago nga sa mini skirt ni Laarni. Lumipat rin ako sa mini skirt ni Malen. Para di masyadong obvious.
“Okay.” Tuwa naman ako ng ngumiti pa siya sa harap ng kamera. Ikaw na talaga, kuya!

Next part please.
Marami pang kasunod.
Charot!


Part 8: Romel
Kulitan Time

Naisipan kong mag part time job. Wala lang, trip ko lang. May nakita kasi kami nila Laarni at Celo na nakapaskil sa school canteen about part time job kaya ayun at sinubukan namin.
Eh pumasa kami. Pagdating ng second semester, certified working student na kaming tatlo.

Sa store, we gained new batch of friends. Okay naman sila. Masaya silang kasama lalo na pag after duty. Kulitan ng kulitan, harutan ng harutan, nakakawala ng pagod.
Minsan kahit naka duty ay kulitan pa rin ng kulitan.
Sa mga kulitang iyon, doon ko nakilala si Romel.
Eh di ba nga sabi ko sa’yo maganda ako. Tapos kailangan lagi pa kaming nakasmile. Kaya hindi ako nakaligtas sa pagpapalipad hangin ng iba kong mga ka-crew.
“Romel, Para kay Neng, wala akong magiging pending!” Payabang ni Sam.
“Di ako papayag niyan. Nauna ako diyan eh! Nag-aaply palang siya dito, napansin ko na siya. Atras ka na Pare.” Sagot naman nung Romel.
 Huh? Ako? Nakita na niya? Hindi ko nga siya kilala, ngayon lang kasi nagkukulitan sila habang nakaduty.
“Ewan ko senyo! Tigilan niyo ko!”sita ko sa kanila.
Aba’t nagtawanan lang ang dalawa.
Ako tuloy ang na hot-seat after duty.
Nakagawian na kasi namin ang tumambay muna saglit sa kalapit na convenience store bago umuwi. Hanggang dun, kulitan pa rin ng kulitan.
Tumabi sa akin si Sam, “Huwag mong sasagutin si Romel ha. Ako sagutin mo.” Inakbayan pa ako ng magaling.
“Hep! Hep!” Tinanggal ni Romel ang kamay ni Sam sa balikat ko although kaya ko namang gawin yon, inunahan niya lang ako. “Wala sa usapan yan, brader!”
“Hehe. Joke lang!” Sagot naman nito.
Ang ginawa ko nalang, umalis ako sa tabi nila at lumipat ako sa tabi ni Laarni.
-00-
Naiilang na tuloy akong kumilos sa loob ng store. Alam mo yung pakiramdam na laging may nakamasid sa’yo tapos kapag kailangan mo ng tulong o pabor andiyan sila para tulungan ka agad-agad?! Kahit pa na kaya mo naman talagang kumilos mag-isa. Alam mo yun?!
Hays. Ano bang gagawin ko senyo?
Haba lang ng hair te?
Sabunutan kita dyan eh! Arte mo!
-00-
One down!
May jowa na si Sam. At hindi ako yon. Siya si Ceciliana. Oo, siya yung classmate ko na makapal ang fezlak. Nag-aaply rin siya sa amin at nakapasok. Sa kanya na natuon ang pansin ni Sam and eventually ay naging sila nga.
Isa nalang ang problema ko.
Dandadadan!

Too kind for me

Akalain ko ba namang seseryosohin talaga ni Romel ang panliligaw sa akin! Ang alam ko lang, nagkukulitan lang kami kahapon aba teka at ngayon ay may rose, stuff toy, love letter, ticket sa sine, at kain sa labas ng kasama???!!
Anak ng tinapay!
“Seryoso siya sa’yo, Neng. Kahit dati pa, Ako lang yung nagbibiro nun. Sinabayan niya lang ako para lumakas yung loob niya na lapitan ka. Wala, torpe eh.” Minsang pagtatapat sa akin ni Sam.
“Ah okay.” Tangi kong nasabi.
Pero kasi, nagpapahilom pa ako ng sugatang puso nung mga time na yon. Masyadong masakit yung mga nangyari.
Bwisit kasi na Ralph yon! Kung bakit naman kasi nag-eexist pa sa mundo ang mga katulad niya?!
Kunsabagay, without him, I won’t be strong enough. Kaya ko palang lampasan ang mga sakit pampuso. And I know that I learned from it. A lot.
Oh di ba, sagot ko tanong ko. Adik lang.

Pinaliwanag ko naman itong lahat kay Romel. Willing daw siyang maghintay kung kailan ako magiging handa. Basta manliligaw pa rin siya.
Ang tiyaga niya lang, super!
Madalas kaming lumabas pero siyempre meron akong dakilang chaperone, si Laarni. Parang pati siya eh nililigawan na rin ni Romel. Sorry, Romel. Sanggang dikit kasi kami ni Laarni. You know, hating kapatid.

After four months, sinagot ko siya.
Kahit pa na alam ko sa sarili ko na hindi ko pa siya ganun kagusto o kamahal. Inisip ko nalang na darating din yung oras na matutunan ko siyang mahalin.
And I was wrong.


Escaping

Nagsara ang store na pinagtatrabahuhan ko. Since continuous naman ang kontrata ko, nalipat ako sa ibang sa store. Si Romel naman, na end of contract na.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi na kami masyadong nagkikita. After duty, derecho ako sa school tapos bahay tapos work ulit tapos school ulit. Ganun lang ng ganun.
Nung una, namimiss ko pa siya.
Pero nagising nalang ako isang araw na pakiramdam ko ay ayaw ko na siyang makita ulit. Bad na kung bad pero natuwa pa nga ako nun nung sinabi niya sa akin na uuwi daw muna siya ng probinsya.
Mahigit dalawang buwan kaming nagkita. After two months, nagulat nalang ako ng bigla niya akong sunduin sa pinagtatrabahuhan ko.
“May boyfriend ka pala?” takang tanong sa akin ng mga bago kong ka-crew.
Boyfriend pa nga ba ang turing ko sa kanya?
Parang hindi na yata. Hay, ang bad ko talaga.
Hanggang sa dumating yung araw na ayoko ng sinusundo niya ako sa tuwing pupunta siya ng store ay tinataguan ko siya.
Madalas pa nga, kinakasambwat ko pa yung mga ka-crew ko. “Pakisabi kay Romel, umalis na ako kanina pa. Nag-early out ako kamo!”
Oh di kaya naman sa back door ako lumalabas sabay takbo! Really really bad cheetah!
“Romel, pasensiya ka na. May lakad pa kasi kami eh.” Pagtataboy ko sa kanya. Ewan ko ba pero that time, ayoko lang talaga siya makasama.
Kapag naubusan na ako ng dahilan, hinahayaan ko nalang siya na sunduin ako. Yun nga lang, hindi ko naman siya kinakausap at madalas ay may earphone ako sa tenga.
Kung susuwertehin na magkashift kami ni Laarni, siya ang kadaldalan ko hanggang sa makarating ako ng bahay.
Siguro, nababadtrip ka na sa akin noh.
Ako din eh! Sa tuwing naalala ko ‘to, hindi ko pa rin maiwasan ang hindi maguilty sa mga kagagahang ginawa ko noon.
Pasensya na po,tao lang maganda pa! Wahahaah!

The End for Good

One day, isang araw, umabsent ang kapalitan ko ng shift. Kaya nagprisinta nalang ako na ma-extend pa ng walong oras. At isa pa, alam ko na may naghihintay sa akin sa labas na ayokong sabayan sa pag-uwi.
“Umuwi ka na, extended ako. Bukas pa ako uuwi.” Imporma ko sa kanya. 3 pm- 10 pm lang kasi dapat ang schedule ko for that day and then yung kapalitan ko nama ay 10 pm – 6 am.
“Okay lang, hihintayin pa rin kita. Dito lang ako sa labas.” Sagot niya sa akin.
“Ano ka ba? Mapupuyat ka lang! May pasok ka rin bukas. Umuwi ko na.” Patuloy kong pagtataboy sa kanya.
Kaso masyadong matigas ang ulo niya. Hinintay pa rin niya ako.
“Mahal ka talaga niyan, Neng!” Sabi sa akin ng isa kong ka-crew.
Eh ano naman? “Hayaan mo siya! Magsasawa rin yan.” Sana nga.
 After ng duty ko….
“Neng, pwede ba tayo mag-usap?”
“Sige.” Pagpayag ko. Parang may nasesense na ako na kung ano.
“Nakausap ko si Laarni. May sinabi siya sa akin. At sa tingin ko tama siya.” Kuwento niya.
“Ano yun?”
“Siguro nga dapat na kitang palayain.”
Woah?! Laarni said that?! Nasaan na ba yung babaeng yun?! Nang masabunutan este mapasalamatan.
“Sorry Neng ha. Sa lahat ng pagkukulang ako.”
“Ano ka ba, wala kang kasalanan. Ako yung may problema kasi…. Basta sorry din. Hindi ko nasuklian yung pagmamahal na binigay mo para sa akin.” Sincere naman ako sa paghingi ng tawad sa kanya.
Noon ko pa talaga balak makipaghiwalay sa kanya. Hindi ko lang magawa. Nasabi ko na rin ito kay Laarni. Hindi ko naman alam na i-rerelay niya pala ito kay Romel.
“Uuwi na ako ng probinsiya. Doon nalang muna ako mag-iistay.”
“Sige. Makakabuti yun para sa’yo. At least, kasama mo ang family mo. Salamat sa lahat ha. Pasensiya ka na rin sa akin.”
“Masyado kitang mahal para magalit ako sa’yo. Naiintindihan ko naman kung bakit nanlamig ka sa akin eh. Siguro nga, mahal mo pa si Ralph.”
Boom!
“Sorry.” Tangi ko nalang nasabi.
Ewan ko kung bakit biglang pumatak ang mga luha ko.
Guilty?
Konsensiya?
Tears of joy?
Freedom?
Ah ewan!

The night bago siya bumalik ng probinsya ay nagpakita muna siya sa akin. Nag-abot ng huling sulat at nagpaalam.
Naiinis ako sa sarili ko kasi ang bait bait bait niya!
Kung natuturuan lang talaga ang puso. Pero parang hindi rin eh. Choice ko yata talaga yon. Ang huwag munang sumugal ulit.
Masyadong naging sugatan ang puso ko.
Pero mali pa rin eh! This is all my fault. Dapat hindi ko nalang siya sinagot in the very first place.
Moving forward, I just hope na sana ay maging successful rin siya someday. Makahanap sana siya ng babaeng nararapat para sa kanya. Yung babaeng kayang tapatan lahat ng pagmahahal na binibigay niya.
Gusto mong mabasa yung huli niyang sulat para sa akin?
Hehe.
Isa ito sa mga bagay na hinding hindi ko malilimutan sa kanya. Mahilig siyang gumawa ng love letter.
Naitago ko pa ba yung mga sulat niya? Check ko sa baol.
Let’s see the last page. Haha! Good luck.






Part 9: Patrick
Mister Nursing

Dito nagsimula ang lahat….
“Neng, kailan birthday mo?” minsan tanong sa akin ng ka-crew kong si Patrick habang abala kaming lahat sa paglilinis.
“Huh?” Nagtaka naman ako.
“Naka-ilang boyfriend ka na?”
“Huh?” Sagot –tanong ko ulit. Nakadrugs ba itong si Patrick? “Ano bang mga tanungan yan?”
“Hehe. Wala lang naman. Ano buo mong pangalan?”
Anak ng! Ano kayang nakain nito? Spaghetti, Burger o Fries?
“Uy, si Patrick! Nagtatanong….” Asar sa kanya ng isa naming ka-crew.
And the rest is history!
The end.
Pero siyempre, joke lang.
Naging crush ko siya kasi ang tangkad niya. Ang galing pang maglaro ng basketball. At guwapo rin siya. Mas cute siya kesa kay Romel. Plus the fact na makulit rin siya at mahilig ring magpacute este magpatawa. Nursing student siya. Eh di ba kapag ang boyfriend mo ay nurse meaning magaling silang mag-alaga. How I wish, totoo to! Malakas kasi itong bulungan sa school namin.
Oo nga pala, school mate ko rin siya.

To tell you honestly guys, I can say na isa siya sa mga dahilan kung bakit ako nanlamig kay Romel.
Masyado na niyang nakuha ang atensiyon ko.
Alam mo yung feeling na mas gusto ko siyang kasama compare sa sarili kong jowa.
Sige na, ako ng masama, unfaithful, disloyal, malandi. At least, honest. Hehe.
Nung binalita ko sa kanya na break na kami ni Romel ito lang naman ang nasabi niya, “Buti naman. Obvious naman kasi na hindi mo siya mahal.”
Awts!
“Oo nga eh. May iba na kasi akong crush.” Sagot-parinig ko sa kanya.
“Sino naman?” syempre curious siya.
“Si Kenshin. Kenshin Himura.”
At dito isinilang ang guwapong guwapong batusai.




Secret Code: Kenshin Himura

“Niloloko mo naman ako! Cartoons yun eh!” aniya.
Haha! Ano ‘ko tanga? Bakit ko aaminin sa’yo na ikaw yun?! Asa ka!
“Walang basagan ng trip.” Sagot ko sa kanya.
“Kilala ko yon! Kilala ko kung sino si Kenshin mo!” Sabat ni Laarni.
Oh shut up, girl! Nilakihan ko pa siya ng malalaki ko ng mga mata.
Makuha ka sa tingin!
“Pero siyempre di ko sasabihin!”  Very good. Kinindatan pa ako ng bruha. Hindi ka tantalizing eyes, te! Huwag kang assuming.

Sa trabaho ay yun na ang madalas nilang i-pang asar sa akin.
“Uy, si Neneng…Inspired kay Kenshin!”
“Neng, pakilala mo naman kami sa Kenshin mo. Guwapo ba yan?!”
Ay sobra! Naman! Kung alam niyo lang!
“Kenshin love Neneng… Parang hindi bagay! Hahaha!” Pang-aasar pa sa akin ni Kuya Mike. “Dapat may totoong pangalan para bumagay. Sino ba kasi yon?” Tsismoso si kuya!
“Secret!”
Hay Kenshin, sana crush mo din ako…
Please…..

Kinikilig naman ako sa next title… Haha!



The Kiss

Birthday ng isa naming ka-crew. Siyempre invited lahat.
Itong birthday ni Randy ang hinding hindi ko makakalimutan sa tanang birthday niya! I swear!
Tinext ako ni Kenshin este ni Patrick.
“Neng, sabay na tayo pumunta kina Randy. Sunduin kita.”
Kilig to the max na naman ako siyempre. “K.” Tumataginting kong reply. If only he knew, sandaang kilig at tuwa ang ibinuhos ko para sa reply na yan!
Ay, te! Mas excited pa ako sa may birthday.
Sabay nga kaming pumunta ni Patrick kina Randy. Pagdating namin dun, aba’t umulan!
Umulan ng pang-aasar mula sa mga nauna naming crew na dumating.
“Parang kilala ko na si Kenshin…Hmmmm…” Parinig ni Jean.
“Sino? Sabihin mo sa akin, dali!” Sabi naman ni Mae.
“Kilala ko na din! Pero hindi ko sasabihin!” Singit naman ni Abby.
Umeksena na naman si Laarni, “Aminin mo na kasi Neneng. Eh obvious naman na!”
Bwisit na baklita to! Balak na talaga akong ibuko.
Nanatili akong tahimik.
Ang hirap palang ma-hot seat.
“Neng! Sagot-sagot din.” Pang-aasar pa ng birthday boy.
“Ewan ko senyo!” Denial Queen yata to. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagkain.
After three minutes, nagsawa rin silang asarin ako. Kami pala.
“Sino ba kasi talaga yon? Nakakaselos naman.” Biglang sabi nitong katabi ko sa mesa.

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako, matutuwa, matatawa, maiinis, magugulat, maasar, lahat na!
Mixed emotions, kumbaga.
Is it confirmed? Na may gusto rin siya sa akin. Is this for real na nga ba talaga?
Answer me, Kenshin, answer me!
Syunga! Hindi sasagot yun! Anime yun eh!
-00-
All the lights went out.
Medyo malalim na ang gabi at napagpasiyahan naming magkakaibigan na dun nalang magpaumaga kina Randy.
And it’s OMG!
What a night!
Medyo nakabukod kami ni Patrick sa iba. Ewan ko dun kung bakit siya tumabi sa akin, malaki naman ang bahay nila Randy.
Nakaupo ako sa sofa tapos siya naman, nakaupo sa isang monoblock chair sa tapat ko.
“Neng, ako ba si Kenshin?” Bigla niyang tanong sa akin. Medyo inaantok na ako nun pero nung tinanong niya yun, nagising ang buong katawang lupa ko. Para akong pumapak ako ng isang supot ng kape minus the asukal.

“Ha?” Pa-inosente kong balik tanong sa kanya.
“Paanong?” tanong ko.
“Sabi nila.” Turo niya sa iba naming mga kaibigan na tulog na. “Ako daw yun. Ako yung crush mo eh!”
“Ano naman sa’yo?!” Hindi na ako nag-deny. Nakakapagod rin pala.
“Gusto rin kaya kita. Sabi ko nga kanina di ba? Nakakaselos na.”
Ang lalim na ng gabi, pero kinikilig ako.
“Sus, sinasabi mo lang yan kasi sabi nila crush kita.” Ako na pa-hard to get.
I was shocked. Alam mo kung bakit?
Hinalikan ako ni Kenshin ko! Sa lips! Oh my God, dreams really do come true!
Eh, hindi na ko pumalag.
Ang kaso yung bestfriend kong lalaki na si Celo lumapit sa amin. “Pre, bakit mo hinahalikan si Neng? Hindi naman kayo ah.” Sita niya kay Patrick.
Basag trip ka naman Tsong!
Pero may point siya at natauhan ako. Para ngang kaladkaring babae ang naging dating ko nun kasi hindi Pa naman kami pero nagpapahalik na ako.
I love you espren! You’re really a friend to me! You know my worth as a special-need- to be treated so nice-girl.
Kaya yun, kay Celo na ko tumabi hanggang sa pumutok ang araw at maka-uwi na kami sa kanya kanya naming mga tahanan.
As I reached home, nakatanggap ako ng text mula kay Patrick.
“Sorry ha.”
“Bakit?” Reply ko naman.
“Kasi hinalikan kita. Ang lambot pala ng lips mo.”
Siyempre kilig kiligan na naman ako. “Bakit mo nga ba ako hinalikan?” Curious kong tanong sa kanya kahit pa na sobrang obvious naman ng sagot. Haha! Feeler!
“Gusto kita. Pwede ba kitang ligawan?” Sagot at tanong niy sa akin.
Kilig na naman ako. Yun nga lang hindi ako pwedeng tumili, kasama ko si Mudra sa sala eh. Hiya naman ako.
“Ikaw. Bahala ka. Kung bukal sa loob mo.” Sagot ko.
And that’s it! Liligawan daw niya ako. Let’s see….

The Start Meets the End

Mula noon ay sabay na kaming umuuwi pagkagaling sa school. Pinakilala ko rin siya sa iba ko pang mga kabarkada.
“Ano ulit yung pangalan nung isang mahabang buhok, yung naka brown bag?” tanong niya sa akin habang naglalakad kami pauwi.
“Ah. Si Rosalie yun. Bakit?”
“Wala naman. Maganda siya.” Puri niya sa kaibigan ko.
Wow. Selos ako, boy! Oo, alam ko yon, maganda talaga si Rosalie kaya nga kami naging magkaibigan eh.

After that day, hindi na niya ako muling sinabayan sa pag-uwi. Madalas marami siyang dahilan. Kesyo busy daw siya sa subjects niya, etcetera, etcetera. Hanggang sa hindi na kami tuluyang nagkita. Pati sa text naging madalang na din.
Ang masakit lang nito, mahal ko na siya.
Dun sa mga panahong hindi na kami nagkikita, dun ko mas naramdamang minahal ko siya dahil palagi ko siyang namimiss.
Ang unfair nga eh lalo na nung isang araw, nakita ko nalang sa facebook account niya….
In a relationship with Cherry Chuchu!
Sila na pala ulit nung ex-girlfriend niya.
Bullsh*t lang!
Sana naman marunong siyang magsabi ng BABYE, di ba?!
Wala man lang pasabi na, “Oy, Neng. Basted ka na. Kami na ulit ni Chuchu. Bye.”
Wala! Wala man lang ganun.
Basta bigla nalang siyang naglahong parang bubble sa life ko.
Ang sakit.

Si Patrick na yata ang naging karma ko mula kay Romel. Ito na yung kabayaran sa mga pinaggagawa ko kay Romel noon.

Okay, one year rest for my love life.
Masyadong naging makulay ang buhay ko for these past few days, weeks, months and years.










Chapter 10: Willy
Crushmate

As I reached second year in college, I had a new classmate named Willy. Hindi ko na matandaan kung paano kami naging magkaibigan. Basta ang alam ko lang, sa kanilang magbabarkada para sa akin ay siya ang pinakacute.
Basta cute siya.
Sa pagkakatanda ko rin eh sa aming magbabarkada, kay Rosalie siya unang nagkagusto pero eventually, kami yung naging close. And eventually again ay nagkagusto siya sa akin.
Ewan ko lang siguro binasted ni Rosalie. Posible ring na-turn off siya dito. Nang-aaway kasi si Rosalie ng lalaki. Haha. I love you, friend! Alam mo yan!

So ganito yun, dito talaga nagsimula ang kilig kiligan factor sa pagitan naming dalawa:

Merong jowa si Willy and let’s hide her true identity under the name of JENNY.
Ayan, tagong tago!
Pasensiya na, selosa lang. Haha!
Ok lang yan, at least sikat kayo kasi naging bahagi kayo ng life ko.
Ayun na nga.
After six  months of pagiging magjowa nila ay nagbreak sila. Hindi ko na inalam yung reason, bahala na sila dun.
Basta ang alam ko lang, mahal na mahal niya si Jenny bago sila tuluyang maghiwalay. Later I have heard na may bago na palang kinababaliwan si Jenny at itago nalang ulit natin siya sa pangalang Potpot! Na nagkataong kaibigan at ka-crew ko rin sa pinapasukan kong store.
It’s really really a small world after all.
Si Jenny, taga kabilang section naman siya. Kapareho din namin siya ng course at magkaklase sila ni Willy last year.
Hindi ko na rin inalam ang dahilan ni Willy kung bakit niya ginustong lumipat sa section ko at iwan sa kabilang section ang sinisinta niyang si Jenny during that time.
Please take note, bago pa sila mag-break ni Jenny at nung mga panahong nagkakalabuan na sila, medyo close na kami nun.


Vulcaseal

Matatapos na ang school year para sa aming ikatlong taon sa kolehiyo ng maghiwalay sila, formally.
Much better daw kung magiging magkaibigan nalang daw sila pero ang totoo, sila Jenny at Potpot na nun! Ayon sa nasagap kong tsismax.
Jenny, pasensiya ka na rin, masyadong malaki ang tenga ko pagdating sa mga tsismis lalo na pag may kinalaman sa mga lalaki ko. Lalaki ko??!!  Hehe, joke lang.
Defend yourself nalang some other time!
Okay, let’s go back to our story. My story pala.
Isang magandang araw habang sabay kami ni Willy sa jeep pauwi sa kanya kanya naming mga tahanan.
“Neng….”
Ang sarap naman pakinggan ng pangalan ko mula sa kanya.
Dati Jaden rin ang tawag niya sa akin pero mula ng maging close kami ay Neneng na rin ang tinatawag niya sa akin.
“Oh bakit?”
“May boyfriend ka ba?”
Oy, tinatanong niya ako. Curious siya. Kilig much.
“Wala na.” Sagot ko.
“Paanong wala na? Kakabreak niyo lang din?”
Din? Ah oo nga pala, kakabreak lang nila ni Jenny.
“Hindi. Last year pa ako.”
Ang bilis talaga ng panahon. Isang taon na pala ang matuling lumipas mula ng i-declare sa akin ni Romel ang Independence day.
“Ah okay.”
“Bakit mo natanong?” Painosente pa ako as if naman hindi ko alam ang sagot kahit na sobrang obvious na!
Gusto niya ako. I now declare myself, super assuming! Hahaha!
“Wala naman.”
Ngek! Ganon? Nagsisimula pa lang akong mangarap, pinaguho mo na.
“Baba na ako. Ingat ka ha. See you sa next pasukan.” Bumaba na nga ng jeep ang hudyo.
Bwisit lang talaga. Yun lang yun?


One text message received. Ansabe ng cellphone ko.

Galing kay Willy. “Sana mahintay mo ako. Mag-momove on lang ako.”
May ganong factor???!
May pamove –on move-on pa siyang nalalaman? Itulak ko kaya siya sa bangin ng tuluyan na siyang makamove on.
Pero on the other side of my brain, may punto naman ito.
Kung magiging magjowa kami agad-agad siyempre ang labas ko non sa mata ng mapanghusga at tsismosang lipunan ay isa akong dakilang Vulcaseal. Panakip butas. Rebound. Tagasalo ng basura ng iba. Abangers.
Tapos sasabihin pa nila:
“Ginagamit ka lang niya, para pagselosin si Jenny.”
“Oo nga, para ipakita dun sa ex niya na hindi na siya affected.”
“Hindi ka niya talaga mahal. Masabi lang na may girlfriend na ulit siya.”
“Huwag kang uto-uto.”
Ang babait talaga ng mga tao sa Earth, makapayo ay wagas na wagas.
To the point na mga kaibigan ko pa ang nagsabi nito sa akin.
Pero tama naman sila, pati na rin ang utak ko.
It’s better to give some time muna for his self.
Kailangan niya yon. Nasabi niya nga sa akin na sobra niyang minahal si Jenny at muntik pa silang magsumpaan sa simbahan noon. Buti nalang hindi natuloy. Kasalanang mortal pa yun. Hanu daw?

At tumataginting kong reply sa kanya, “Ok.”


Waiting

Hindi naman sa mainipin akong tao. Well, uhm, medyo lang.
Alam mo yung feeling na mahigit isang taon kang walang jowa at gusto mo ng maranasan ulit yung feeling na may nag-aalaga sa’yo bukod sa yaya mo. Yung tipong may taga-bitbit ka ng bag, may kaholding hands bukod sa sarili mong mga kamay, may nanlilibre sa’yo ng bukal sa puso niya at hindi nililista o sinusumbat sa’yo tulad ng ginagawa ng mga magagaling mong kaibigan. Yung kilig na legal kasi kayo talaga. As in, official siyang sa’yo at ikaw naman ay kanya. Yung pwede kang magselos, magalit at magwala kapag may mga babaeng pinaglihi sa linta ang umaaligid sa kanya. Yung mga ganun. Yung may iba kang ka-date maliban sa pamilya mo at sa mga barkadang mong matatakaw. Mas malala ay yung sila may ka-date tapos ikaw… dakilang solo flight! Argghhh!.... Oo, inggitera ako! Lalo na pag may naglalambingan sa jeep, ang sarap nilang pagbuhulin! Napagdaanan ko din yan noh! Huwag kayo mag pi-PDA kapag kasabay niyo ako. Promise, ang dami kong sinasabi ko sa inyo na hindi niyo magugustuhan kung may megaphone lang ang utak ko.
Ang point ko lang naman is….Nakakamiss kaya.
Oh siya sige na. Ako ng malandi, maharot, malantod. Happy?
Pero kasi, apat na buwan mula ng mag-break sila, hindi na niya ako kinakausap o kahit nilalapitan man lang. Anong iisipin mo non?
May iba na siyang gusto.
May iba na siyang nililigawan.
The worst, may jowa na siyang iba.
Mas malala, magpapari nalang siya.
O di kaya naman, hindi na babae ang gusto niya. Patay tayo diyan!

Siguro naman naiintindhihan mo yung nararamdaman ko. Para akong isang bata na pinangakuan ng nanay ko na magja-jollibee kami kaya lang hindi natuloy kasi brown-out. Hanuyun?

Ang tagal mo naman kasing mag-move on, Willy! At talaga bang kasama sa proseso mo ang ignorahin ako. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong pu*ok. Wala rin naman akong halitosis. Hindi rin naman ako malakas magpakawala ng masamang hangin.
Makinis naman ang mukha ko, mahaba ang buhok ko, straight pa. Ayaw mo ba non? Matangkad din naman ako, mas matangkad ka nga lang. Mas maputi ka sa akin pero hindi naman ako ganun ka negra. Si Jenny nga pinaglihi sa uling eh. (I love you, Jen!)
Ano? Ano bang nangyari? Para ka ring si Patrick eh.
At least si Patrick, hindi ko kaklase kaya sa paglipas ng panahon na naglaho siyang parang bubbles ay nakalimutan ko na rin ang feelings ko para sa kanya.
Balik tayo kay Willy.
Ganun ba kahirap ang isang katulad ni Jenny na pati ang babaeng pinangakuan mo at sa tingin ko ay gusto mo rin naman ay kailangan mong iwasan?
Answer me!!
Wala lang, trip ko lang mag violence.

Sa lahat ng bagay na ginagawa natin, dumarating talaga sa punto na napapagod tayo….
















The Last Part- Leo
(Uy, last part na!  ;)
I wish

Ito na talaga siya!
Sa lahat ng pinagdaanan ko, masasabi kong ito na ang pinakamatindi, pinakamalalim, pinakamapait, pinakasweet, pinakanakakainis, pinakanakakabwisit, pinakanakakakilig (ehem), pinakamature, pinaka-immature, pinakamabangis, pinakanakaka-asar, pinakawagi, pinakapinaka.
Lahat- lahat na! Siya na!
 Sa mga panahong wala akong boyfriend, nag pray ako kay Papa God na sana bigyan niya ako ng isang taong magmamahal sa akin ng tunay.
Thankful enough ay dininig naman ng Diyos yon. Lakas ko sa Kanya noh?! Sa lahat ng hoping diyan, pray harder lang mga ateng at kuyang.
At sa mga meron ng katuwang sa buhay, still pray. Say TY to Papa G.
So, let the story begin….

First Impression

We have a saying that, “First impressions last.”
One word for Leo, Mayabang!
Yung tipong ibukas niya lang ang bibig niya ay madadala ka na ng buhawi.
First meeting namin, siyempre hindi ko pa siya kilala.  
One month akong nagleave sa trabaho non. It was summer at umuwi ako ng province para magbakasyon. Sa darating na pasukan ay third year college na ako.
Pagbalik ko ng store, marami ng bagong crew. Isa na si Leo doon.
Night shift ako non. 10 p.m. to 6 a.m. Habang siya naman ay 8 a.m. ang duty niya. Pauwi na ko non at siya naman ay papasok palang.
Tatanga tanga, akala niya 6 a.m. ang pasok niya yun pala 8 am pa. Ang haba tuloy ng itinambay niya sa crew room. Habang kami ng mga kasabayan ko sa shift ay kumakain, nakipagkuwentuhan siya sa amin.
Ay, nakow! Diyos mio, Marimar! Summer na summer pero parang ang tindi ng bagyo sa loob ng crew room.
Ikinikuwento niya sa amin yung mga experience sa pinanggalingan niyang store. Kesyo, wala raw silang pending at laging mabilis ang trabaho. At kung ano ano pa.
Sa loob loob ko, “Eh ano? Pakelam namin? Hindi naman namin tinatanong.”
Piling ko, ito rin ang nasa loob ng mga ka-shift ko.
Pauwi na kami, sabi ni Dina sa akin, “Ang yabang talaga nun. Akala mo kung sinong magaling. Pero infairnes, ganda ng mata niya noh?” may lihim pala na pagtingin ang bruha dun sa Leo na yun.
“Crush mo?” tanong ko pa, obvious naman ang sagot.
Nag-blush ang bruha. Confirmed!
O siya, magsama kayo.



One Stormy Saturday Night

Birthday ni Josh, isa sa mga ka-crew namin na medyo kalapit ko ng bahay. Hindi naman na talaga ako mahilig ng sumama sa mga yayaan. Ngayon lang ulit. Ewan ko ba. Kasi yung crush kong si Tope, niyaya ako.  Nahiya naman akong tumanggi. Talking about Tope, hindi ko na siya sinali sa list of crushes ko kasi saglit ko lang naman siya nagustuhan. Mga one week lang. So nonsense di ba? Anyway, for the benefit of my fellow followers, naging crush ko siya kasi cute siya! Hehe. Tsaka mabait. Gentle dog este gentleman at makulit rin. Kaya lang nanaig ang friendzone sa pagitan namin kaya hindi na lumala ang initial feeling ko for him. The end.

Back to Leo…
Ay, te! Kung alam ko lang na kasama pala siya that night dapat hindi nalang ako sumama. Andun pala ang buhawi man! Nahiya naman ako mag-walk out. Kaya ang ginawa ko, deadma comatose nalang sa kanya. Kaso ang kulit, tabi ng tabi sa akin.
At si Tope na mismo ang nagsabi sa akin, “Neng, gusto ka niyan ni Leo,” bulong niya. Nasa kaliwa ko si Tope at nasa kanan naman si Leo. Gusto ko sanang isagot kay Tope, “Ewwww! Huwag na oy! Ayoko sa bagyo!”

Narinig yata ako ni Inang Kalikasan.
Medyo lumalalim na ang gabi at balak ko na sanang umuwi kaya lang humagupit ang isang malakas na bagyo! Ang sabi sa balita, sa Visayas lang daw may bagyo. Umabot pala ang hair extension ng bagyo dito sa Metro Manila.
Kaya ang ending, doon na kami lahat nagpa-umaga sa bahay nila Josh. Hindi rin ako makakauwi kahit magkalapit lang kami ng bahay. Baka ma-chop chop ako ng mga nagliliparang yero.
Medyo mataas rin ang baha sa kabilang kalye, hindi ako marunong lumangoy.
Hindi naman ako uminom ng alak that night kasi wala lang, hindi ko lang feel. May asungot kasi kaming kasama kaya hindi maganda ang ambiance para mag-enjoy.
Nag-eenjoy nalang ako makinig sa gitara ni Tope at sa mga kuwentuhan ng barkada.
Inantok ang magaling na si Leo at ginawang unan ang lap ko. Hinayaan ko nalang. Kawawa naman eh. Napadami yata ng inom.

Basted!

Oo binasted ko si Leo. Ganda ko noh!? Bwahaha! Ganito kasi ang nangyari….
After that night, hindi ko naman inaasahan na makakarating sa store ang mga nangyari ng nagdaang gabi at magkaroon ng bagong ultimate love team.
Leo- Neneng tandem! At ang founder ng fans club na ito, si Laarni lang naman.
Pinutakti na kami ng asaran sa store. Makasakay naman kasi itong si Leo sa asaran, wagas na wagas, parang wala ng bukas.
“Mahal ko na kaya yan si Jaden. Di ba, Neng!” Aniya sa akin. May kasama pang kindat.
“Mukha mo, Leo!” Asar ko namang sagot.
“Syempre, guwapo. Crush mo nga ako eh!”
Asaran na naman ang naging ending ng walang kakuwenta kuwenta naming usapan.
Hay! Ako na talo. Ako pa asar.


Parang naging instant kupido pa ang manager namin dahil mula ng mangyari ang karumal dumal na pangyayaring iyon habang bumabagyo ay pinagsabay na kami ng shift ni Leo.
Pati ang mga kaklase at kaibigan kong sina Laarni at Celo ay lagi na akong ipinapaubaya kay Leo.  Hindi na nila ako sinasabayan pag papasok ng school. Instead si Leo nalang palagi ang kasabay kong umuwi o pumasok ng school.
Hindi ko na maalala kung papaano niya nakuha ang cellhone number ko basta ang natatandaan ko naging regular textmates na kami.
Sa palitan namin ng mga text at kapag kami lang dalawa ang magkasama, nakilala ko ang other part niya.
May good side din naman pala siya kahit papaano at hindi lang puro kahanginan ang meron siya.
Later on, sineryoso na niya ako. Nagpaalam siyang manliligaw, pinayagan ko naman. Single naman ako so why not. Tsaka nung mga panahong pumasok siya sa buhay ko ay yun ang mga panahong hindi na nagpaparamdam si Willy.
One day, isang araw, narealize ko na ayaw ko pa palang magka boyfriend. Wala lang. Naisip ko lang bigla. Tsaka nalang siguro kapag graduate na ako ng college. Edi dagdag ganda points pa yun para kay Mother Dear.
Kaya yun, tinext ko siya. “Leo, wag mo na akong ligawan.”
“Bakit naman?” Reply niya.
“Basta lang.” Hindi ko na sinabi yung totoo kong dahilan. Kasi wala naman talaga.
Tumataginting na “K” ang sagot niya sa akin.
Ganun siya ka sincere sa panliligaw!
Ang sweet sweet niya noh? Ang sarap niyang ipakain sa Hantik.
Narealized ko din tuloy na hindi naman pala siya ganun kaseryoso sa panliligaw sa akin. Kasi di ba alam mo yun, wala man lang,
“May nagawa ba akong mali?” “Bakit ayaw mo ng magpaligaw?” “Akala ko ba okay tayo?” “May iba ka na bang gusto?” Di ba sabi mo, gusto mo rin ako?”
Wala man lang kahit konting insist na effort.
Waley. Zero percent sincerity sa panliligaw pala itong si Leo. Tsk! Puro yabang lang talaga ang alam.
Akala ko pa naman….. Siya na…
Anyway! Move on, Neng.
 Sanay ka naman ng gawin yon.
Kinabukasan, pagpasok ko sa store, kinuwento ko kay Laarni ang napag-usapan namin kagabi ni Leo. “Laarni, pinatigil ko na siya sa panliligaw siya sa akin.”
“Bakit naman? Akala ko ba gusto mo na rin siya?” Kunot-noong tanong niya sa akin. “Bakit mo binasted?” dagdag niya pang tanong.
“Eh sabi ko, tumigil na siya. Tapos sabi niya, K. Edi yun.” Deep inside ay medyo inis pa rin ako habang kinikuwento ko sa kanya ito.
Basta lang, naiinis ako! Ala mo yung factor na konting pilitan, konting insist, konting kulit. Waley! Ewan ko sa kanya. Hindi lang siya ang manliligaw sa mundo. Maligaw sana siya.
“Ah, okay..”
(Kwento to sa akin ni Laarni) :
Halos magkasabay na nagbreak si Leo at Laarni, nag-break as in lunch break. Kumain.
Just to make it clear. Minsan kasi labu labo rin ako magkuwento eh.
Kasama na rin ng iba pa naming mga ka-crew. Likas kay Leo ang pagiging makulit at mapang-asar at si Laarni ang napagtripan niya that time.
“Tigilan mo ko Leo ha kung ayaw mong mabuko.” Warning niya kay Leo. Pero hindi pa rin ito tumigil.
Gagang Laarni, “Bwahahaha! *evil laugh* BASTEEDDD!”
Pati yung iba naming ka-crew nakitawa rin at ayun inulan na siya ng pang-aasar mula sa kanila.
“Wala ka pala, pre!”
“Haha, basted si Leo the great!”
“Sabi sa’yo Leo eh dapat si Dina na lang niligawan mo.”
Kawawang Leo nawalan ng gana sa pagkain. Hindi na niya naubos yung nilalantakan niyang three rice at spicy chicken, special order big part at tumataginting na isang timba ng gravy.
Maya-maya nung ako naman ang nag-break, may natanggap akong text mula sa kanya. “Bakit mo sinabi kay Laarni na basted ako?! Napahiya ako kanina!”
 Hindi ako makasagot, malay ko bang ipagsisigawan ni Laarni yon. Inalam ko ang buong kuwento at ito nga ang nangyari. (Please read above)
Hindi ko rin siya mareplyan, wala akong load.
Buong araw niya akong hindi pinansin. Nung uwian na, sa ibang daan kami ni Laarni dumaan kaya hindi kami nagkasabay ni Leo.
“Ikaw naman kasi te! Bakit mo naman pinagsigawan? Sa akin tuloy siya nagagalit.” Tanong ko sa napakabuti kong kaibigang mortal.
“Ang lakas niya kaya mang-asar. Kaya pinatulan ko.” Depensa naman niya.
“Wala naman akong kinalaman sa asaran niyo. Pati tuloy ako nadamay.”


The Tears that caught his heart

Nagkayayaan ang barkada na gumimik sa isang bar sa mall malapit sa school. Wala talaga akong balak pumunta kasi alam ko na nandoon siya. Sinong siya? Si Leo. Sino pa nga ba?
Kaya lang nagpapilit pa rin ako sa mga kaibigan kong makukulit.
And ever as usual than ever, inulan pa rin kami ng asaran. Pero mas mukhang talo siya. Kasi nga basted.
“Tsk! Ako basted?” sagot niya kay Josh na isa sa malakas mang-asar. Sabay tingin niya sa akin, “Binasted mo ako? Hah, ganda mo!”
Tinignan ko lang siya ng masama. Wala na akong balak na patulan pa ang mga pinagsasabi niya. Kanina ko pa nga gustong umuwi eh. Kaya lang wala akong kasabay. Si Laarni kasi ayaw.Si Celo naman busy sa thesis kaya hindi sumama.
Dapat talaga hindi na ako nagpapilit!
Pero kasi…. Deep inside….. Ahmmm… Oo na… Aamin na… Eto na…. Wahhh….. Na- na-…. Namimiss ko siya! Period.

“Oh san ka pupunta?” pigil sa akin ni Laarni.
“Uuwi na.”
“Pano?”
Ang magaling kong kaibigan, itinago lang naman ang bag ko.
“Bibili lang ng chichirya sa ministop!” Asik ko sa kanya. Paano ba naman kasi, puro alak ang nasa mesa eh hindi naman ako umiinom. Kelangan ko ng mangangata. Pampatay oras kesa tao ang matiris ko! “Samahan mo ako!” demanding ko pang sigaw sa kanya.
“Ayaw.” No effort naman niyang sagot. Busy kasi siya sa pakikipagharutan kay Josh.
Bruha lang talaga. Sarap konyatan!
“Oy, Leo. Samahan mo naman si Neneng!” utos ni Josh.
 Hay dear friends, kelan ba kayo magsasawang asarin ako. Kami pala. Huh? May kami ba? Sige, siya at ako nalang.
Take two: Dear friend, kelan niyo ba siya at ako pagsasawaang asarin?
“Ayoko nga!” Sagot naman ni Leo.
Hah? Ayaw mong magsawa sila sa kaasar sa iyo at sa akin?
“Ayoko ngang samahan yan!” Bwishit! As if naman gusto ko rin siyang kasama noh. Ayoko din kaya! (talaga lang ha?) “Eh di ba nga basted ako bakit ko sasamahan yan?!” dagdag pa niya.
Ngali ngaling kutusan ko tong kumag na ito eh! Sige, sumbat pa!
“Ewan ko sa’yo!” I said this to him with my best killer look. As in yung titig na nakakasaksak ng laman laman. Tinalo pa ang ice pick at kitchen knife sa talim.
 Sabay walk-out papuntang ministop. (may bayad ba ang brand advertising dito?)
Ewan ko pero nung nasa loob na ako ng convenience store at abalang naghahanap ng chichirya na mangangata ay bigla akong naiyak. Bakit ba ako nasasaktan sa mga masasakit na salitang pinagsasabi ni Leo kanina sa harap ko?
>Piling maganda daw ako. (Totoo naman ah! Maganda kaya ako! May mga nagkaka crush nga sa akin eh. Although, mabibilang lang sila sa daliri.)
>Hindi naman daw niya talaga ako niligawan so bakit ko daw siya babastedin.
>Wala naman daw akong laban sa mga naging girlfriends niya.
>Pinagtitripan niya lang daw ako.
>May iba talaga siyang gusto sa store at hindi ako yon.
>Masyado daw akong bilib sa sarili.
What the f**************!
Basta marami pa siyang sinabi! Hindi ko na maalala yung iba. Ang alam ko lang ng mga oras na iyon…. Ay muling nadurog ang puso ko.
Akala ko nga kasi totoo yung mga pinapakita niya sa akin.
Tsk! Hindi pala. Pare-pareho lang kayong mga lalaki!
Oo, bitter ako! Muli na naman akong nasawi.

“Bulaga!”
Tumigil sa pagtulo yung luha ko. Nagulat kasi ako.
Mukhang siya nagulat rin kasi nakita niyang umiiyak pala ako. Binitawan ko ang hawak kong chichirya at lumabas ng convenience store na iyon. Nagbago na isip ko. Hindi na ako bibili.
Uuwi nalang ako mag-isa. Makokonsensiya rin yon si Laarni. Ihahatid niya rin sa bahay ang bag ko.
“Huy, teka lang naman.” Habol niya sa akin. Hinawakan pa niya ako sa braso.
Siyempre nagpumiglas ako. Don’t touch me, you stupid idiot! Aww, bitter kung bitter lang si ate.  “Bitiwan mo nga ako!”
Hangga’t maaari, ayoko ng ipinapakita sa ibang tao na mahina ako. Nagbabadya na naman kasi ang mga luha ko. Tutulo na naman sila. Nasaan ba ang vulcaseal?!
“Neng, sorry….”
Ay, sows. Lalo lang ako naiyak.
“Alam mo ba yang mga pinagsasabi mo kanina ha?!” *Punas luha* “Ganun ba kababaw ang tingin mo sa akin?” *Punas luha ulit* “Ang sama sama mo!” *Sigok naman* “Ang sabi ko lang naman kay Laarni tumigil ka na sa panliligaw. Tapos ang sabi mo naman OK di ba?.” *Singhot* “So ano ngayon ang problema mo? Bakit mo ako kailangang sabihan ng kung anu-ano?! *Punas ilong* Ikaw ba may narinig ka mula sa akin? Wala di ba?” *Punas luha na naman ulit* “Dapat kasi talaga hindi nalang ako pumunta dito ngayon eh!” *Walk-out*

Ang lolo mo, sa gitna ng parking lot, niyakap ako ng mahigpit. “Sorry talaga, Neng. Hindi ko naman intensyon na saktan ka eh. Sinasakyan ko lang yung mga pang-aasar nila pero siyempre joke lang yun.”
“Ang joke nakakatawa. Hindi nakakasakit.” Tama naman ako di ba?
“Kaya nga sorry na eh. Huwag ka ng umiyak. Ayokong nakikitang nasasaktan ka. Mahal talaga kita. Kaya nga kami nag-iinom ngayon eh. Kasi nasaktan din ako nung bastedin mo ako.” Pagtatapat niya. Well, ramdam ko namang sincere siya.
“Bakit OK ang reply mo?”
“Wala naman talaga akong balak tumigil. Liligawan pa rin kita. Si Laarni lang kasi, inasar ako.”
Ang cheese na sana ng eksena kaya lang parang gusto ko ng lumubog sa ilalim ng lupa kasi yung mga taong napapadaan tumitingin na sa amin.
Sinubukan kong kumawala sa pagkakayakap niya kaya lang ayaw talaga niya akong bitawan.
“Leo, nakakahiya. Ang daming nakakakita sa atin…”
“Pakelam ko sa kanila. Bakit, kilala ba nila tayo?” Oo nga naman. Pero baka lang kasi may makakilala sa akin. Yari ako sa nanay ko.
“Sorry na ha. Bati na tayo.”
Tumango naman ako.
Bumalik kami sa loob ng bar na parang walang nangyari.
Pero alam ko na ramdam ng mga barkada namin na okay na kami. Sa mga ngisi palang nila, alam na alam na nila how it went well.

The End.

Joke lang.

Finally…  Hopefully…..
(--,--,----)
Dear Diary,
May boyfriend na ako! Wiihhh!
This time, sure na ako. Siya na talaga!
Nag-pray ako kay Papa God noon na sana bigyan niya ako ng lalaki na mamahalin ako ng tunay at mamahalin ko rin ng sobra.
Dininig ni Papa G ang panalangin ko!
Anyway, he’s Leo at seryoso siya sa akin. Ramdam ko yon. Imagine, naikuwento na niya sa akin ang buong buhay niya na kahit sino sa mga naging girlfriends niya ay wala siyang napagkuwentuhan. Ang saya saya ko. He’s the one na talaga for me.
(An excerpt from my novel este diary. FYI, mahaba haba pa po yan.)

Paano naging kami? Ganito yon.
Yung gabi sa parking lot? Hindi pa kami nun noh.
Siyempre, nanligaw ulit siya.
Kailangang pahirapan.
Sabi nga nila di ba, “Ang babaeng pinaghihirapan, hindi pinapakawalan.”
Kaya yun. Pahirapan ko ng todo si boylet!
It was mid year. One fine (hindi na stormy) Sunday night, kagagaling lang namin sa pasyalan. Hinatid niya ako sa bahay. After hatid siyempre uuwi na dapat siya di ba? Ang siste, tumambay sa gate namin ng pagkatagal tagal!
“Hindi ako uuwi hangga’t hindi mo ako sinasagot.” Pagbabanta niya pa sa akin. Ano to? Pwersahan?! Parang ganun na nga ang nangyari.
Ako pa tinakot niya. Well, takot naman talaga ako. Baka mabulyawan siya ng nanay ko kapag hindi pa siya umuwi.
“Bukas na. Umuwi ka na.” Sagot ko.
“Ayoko. Gusto ko ngayon.” Demanding lang? Saktan kaya kita!
“Bukas na tayo mag-usap. Gabi na.”
“Hindi. Dito lang ako.”
“Sabi ko nga sa’yo di ba? Pa-graduatin mo muna ako.”
“Matagal pa yun eh.”
“Kung mahal mo talaga ako, maghihintay ka.”
“Mahal naman kita kahit hindi na ako maghintay ng ganun katagal.”
“Uwi na sabi!”
“Ah basta. Ayoko.”
“Gusto mong mabasted ulit?”
“Ayoko.”
“Uwi na.”
“Ayoko pa din.”
“Isa.”
“Kahit magbilang ka pa hanggang 100 dito lang ako sa gate niyo.”
“Ipapakagat kita sa aso namin!”
“Hindi mo kaya. Mahal mo ako eh. Ayaw mo lang aminin.”
“Ang kulit mo talaga!”
“Kaya nga mahal mo ako eh.”
“Umalis ka na.”
“Ayoko nga.”
“Ayaw mo talagang umalis?”
“Ayaw.”
“Uhm!” Hinalikan ko siya sa lips. Ang landi ko noh? Hehe!  “Sige na. Tayo na. Umuwi ka lang.”
“Isa pa.”
“Sira-ulo!”
“Pero tayo na talaga?”
“Oo nga!”
“Wala ng bawian ah?”
“Kapag hindi ka pa umuwi, babawiin ko.”
“Ito na uuwi na.” Lumabas na siya ng gate namin. Pero umatras siya pabalik sa loob. “I love you. Pa-kiss ulit! Muah!”
Nabigla ako sa pag-atras niya. Hindi tuloy ako naka-ilag nang siya naman ang humalik sa akin.

*Kilig Much*

(May part 2 po ito…)
Hehe…

I may say that this is not yet the end of my story and this was just the start of something new.
Pero as of now hanggang dito nalang muna. Maghuhukay pa ako sa baol ng mga memories na maari ko pang mashare sa inyo.

Maraming maraming thank you po sa pagbabasa.
Sana kahit papaano may napulot kang aral o kahit konting sense man lang sa mga karanasan ko sa pag-ibig.
Sana rin hindi ko masyadong nasayang ang panahon mo sa pagbabasa nitong munti kong sulatin.
Have a good life. Chao!

FIN
WAKAS
The END
KATAPUSAN
TAPOS NA
PERIOD
WALA NG KARUGTONG
WALA NA SABI EH!

-Neneng


J

No comments:

Post a Comment