Tuesday, December 27, 2016

"NO"


Written by: CieloAmethyst
Dec. 27, 2016



An open letter to the guy who thought that there’s a chance between us…

_____________________________________________________


NO.

I’m sorry if this is my answer. I just feel and I already thought a million of times that it is not “Yes” and would never be. I have a lot of issues and reasons why I ended with this decision but let’s make it short and simple.

I can’t imagine my life being with you forever. I can’t see myself walking down the aisle and it’s you waiting for me there at the end with your best bud.  Growing old with you and having a family of our own, I just can’t foresee it.

I considered a lot of things and there are so many differences between us stating a clear proof that we’re not gonna make it right in the long run. We will just be wasting each other’s time being together then eventually will come to its end.

Sorry for being too futuristic and guarding my heart over protectively. Time and past experiences mold me into this.

When my heart got broken, I set up my standards too high that I was too afraid to fall again for the wrong one. Again, I’m sorry if for me, you didn’t meet those tick boxes and considered you as not the right one.

I tried to get along well with you. I swear that I tried to like you and go on with the flow. But I guess I really must go on the opposite side.

I stepped down to meet you half way but my mind reminded me that I must not and my heart told me that I wasn’t ready yet to gamble her fragileness again.

You’re a great guy! If not then I shouldn’t talked and hang out with you from the beginning. But the famous zone nowadays is really our boundary – you know the F-zone, as in “Friend’s zone”.

Pardon me for realizing this late but I guess it just came right in time. Sorry for letting you waste your time with me. Sorry for letting you feel that there’s a thin chance for you and me.

I really tried but I guess there wasn’t really a must-try-shot for us.

I wish you happiness and I know you will find her soon – the right one for you, as I will find mine too.

Thank you for everything…friend.

Sa Muling Pagpikit

“Sa Muling Pagpikit”
Isinulat ni: CieloAmethyst
Dec. 22, 2016
 
Katulad ng mga lumipas na gabi ay muli na naman kitang napanaginipan. Dinalaw mo na naman ang mahimbing kong pagkakatulog.

Masaya tayo sa panaginip ko. Na para bang muli na naman tayong nagsisimula ng isang panibagong yugto sa ating buhay nang magkasama at nagmamahalan.
Masaya ka. Masaya rin ako. Puno ng pag-ibig ang paligid. Kapwa nasasabik ang isa’t isa na muling magkasama at aalis ng bahay upang kumain sa labas. Katulad ng dati – ng dati nating ginagawa at nakasanayan na sa mahabang panahon.

Pero bakit?
Bakit? Bakit may ganoong eksena?
Bakit sa panaginip ko ay mahal mo pa ako, at ganoon din ako sa’yo. 

Ayokong umasa na kaya kita napanaginipan ay dahil sa naaalala mo ako at nais mo akong makita gaya nang sabi-sabi ng iba.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Pwede ba akong matuwa? Dahil kahit man lang sa panaginip ay muli kitang nakita, nakausap, nakasama, nayakap, nahalikan. Hindi ako sigurado. Hindi ako sigurado kung ano ang tunay kong mararamdaman.

Kumusta ka na ba? Buhay ka pa ba?
Masaya ka ba ngayon sa buhay mo? 
Sa totoo lang kung ako ang tatanungin mo ay medyo may kalungkutan akong nadarama dahil gusto kita makita at makumusta. Wala na kasi akong balita tungkol sa'yo.

Pero parang ayoko rin naman na makausap o makita ka man lang dahil natatakot ako na baka kapag nagkita tayo- nang hindi na sa panaginip kundi sa totoong buhay na ay muli kong maramdaman lahat ng sakit na dinulot mo sa akin noon. 

Nakakatakot. 

At mas higit na nakakapangamba na baka muli ring bumalik lahat ng nararamdaman ko noon para sa'yo na nahirapan ako sa pagtataboy at naglaan ako ng maraming oras, araw at buwan para maisakatuparan ang bagay na iyon.

Sa kabila ng lahat, sana ay ayos ka lang. At kung ako naman ang tatanungin mo, ayos lang ako nang wala ka. Hinihiling ko rin na sana ay nakokontrol ko ang aking panaginip at napipili ang mga tao at eksenang maaari kong makasama doon. 
Pero hindi. Alam ko namang imposible ang bagay na iyon. 

Pero sana, sana lang talaga, sa muli kong pagpikit ay hindi na kita mahalin pa.  

Thursday, December 22, 2016

Dama Kita

Mornight Thoughts
12/22/2016
Written by: CieloAmethyst



Gusto kitang kausapin, kumustahin, maka-kwentuhan.
Pakiramdam ko kasi may pinagdadaanan ka.
Pero may karapatan pa ba akong damayan ka at ibahagi mo sa akin ang bigat ng kalooban na iyong nadarama?
Sino ba ako? Isa na lamang akong hamak na bahagi ng iyong kahapon, hindi ba?
Pero bakit hindi natin gawing ngayon at bukas ang nakaraan?
Baka pwede naman tayong maging magkaibigan?

Sa totoo lang, madalas kong maalala ang ating mga puyatan, kwentuhan, dramahan at tawanan.
May kwenta man o wala ang pinaguusapan natin ay masaya naman.
Pero pwede pa bang ibalik ang mga iyon?
Gayong tinuldukan na natin ang lahat ng nasa ating pagitan?

Kumusta ka na? Ayos ka lang ba?
Mukha kasing hindi.
Pero anuman yang pinagdaraanan mo, alam kong kakayanin mo.
Malakas ka at kaagapay mo Siya.
Minsan kitang naging sandigan noon at nakatitiyak ako na malalampasan mo rin iyan.
Tandaan mo lang na huwag mo masyadong tambayan iyan at umalis ka kaagad. 
Alam mo naman na kaligayahan mo ang lagi kong hangad.

Sana sa pamamagitan ng sulating ito 
Ay makarating sa'yo na nandito lang ako.
Handa akong makinig kung may sasabihin ka.
At handa rin akong maging kaibigan mo ha.

Wala man akong lakas ng loob na lapitan ka 
Para tanungin kung ano ba ang 'yong problema
Dadamayan kita kung kinakailangan mo ng kausap
At magsisilbi akong mahusay na tagapakinig sa iyong harap.

Iyon lang naman ang nais kong iparating.
Sana ang mensaheng ito ay dalhin sa'yo ng hangin.
Maging ayos ka lang sana palagi at maligaya
Ay ayos na rin ako at napatawad na rin naman kita. 

Kaibigan...


~Cie, 122216, 0330am

Wednesday, December 21, 2016

Kailan Nga Ba?

Dear Future Love, Kailan Ka Ba Darating?
Isinulat ni CieloAmethyst
Dec. 21, 2016

Hindi naman sa naiinip na ako. Hindi rin naman sa nawawalan na ako ng pag-asa. Gusto ko lang talaga magtanong kung kailan nga ba ang tamang panahon para sa ating dalawa.
Naniniwala ako na makikilala rin kita para makasama habambuhay iyon nga lang ay hindi ko alam kung kailan ang eksaktong petsa kung kailan mangyayari iyon.
Maaaring kilala na kita ngayon pero hindi ko pa alam o hindi pa natin alam dalawa na tayo na pala ang tunay na nakatadhana para sa isa’t isa. Gayunpaman, masaya pa rin ako na hindi pa natin alam ang bagay na iyon dahil sa ngayon ay marami pa akong oras at pagkakataon para mahalin ang sarili ko, gawin ang mga bagay na gustong-gusto kong gawin at mapuntahan ang mga lugar na gustong-gusto kong puntahan. Hindi pa man tayo magkasama ngayon, kapag dumating na ang ang araw na pinakahihintay natin pareho ay marami akong ikikwento sa’yo.  

Nanaisin kong gawin ulit ang mga bagay na gustong-gusto kong gawin kasama ka, at puntahan muli ang mga lugar na nais kong puntahan nang kapiling ka.

At magiging ganun din naman ako sa’yo. Sasamahan kita at sasakyan ang mga trip mo sa buhay.
Nasasabik na akong makilala ka. Gusto na kitang makausap, makakwentuhan, mayakap, mahalikan, lumakad patungo sa altar nang magkasama, tumira sa iisang bahay, bumuo ng pamilya at tumupad ng mga pangarap nating dalawa.

Konting tiyaga lang, Mahal. Malapit na iyon.
Habang hinihintay kita ngayon, marahil ay nag-iisip ka rin sa kawalan at hinihintay mo rin ang pagdating ko sa buhay mo. 
Kapit lang, Mahal. Malapit na iyon.




Cie~ 

Tuesday, December 20, 2016

A Bitter Poem

A friend of mine messaged me out of nowhere asking me how to move on. 
I don't know what's the standard process but for me, writing is my first weapon. 

Dear friend, this poem is for you. 
Cielo will always be here for you. Kape tayo soon!



"A Bitter Poem"
Written by: CieloAmethyst 
December 20, 2016

I can forgive but I can never forget
Meeting you will always be a regret
I should have stop believing from the start
That you and I will never be apart

I can really hate you to death but I chose not to
Because it wont just do anything good for me and you
I just have to let go of everything including you
Everything between love and hate, everything between me and you

The whole of you will always be my greatest mistake
Liking you will always be the worst decision that I make
I may still love you until now but I really swear
It's all gonna be gone and loose in the air.

I am hating you now so much to death
Maybe because I still linger to your breathe 
You're still the content of this broken heart
This heart of mine that you chose to tear apart

I will be fine soon, I promise
All the pain I feel will be at finally at eased
I can forgive but I can never forget
So I will be able to guard this foolish heart.


I love you but I need to stop now...

Wednesday, December 7, 2016

"Sa Pag-iisa, Natagpuan ang Sarili"


Written by: CieloAmethyst
November2016
(Late post, I know right 😄 )



Napagdedisyunan ang lumakad na naman nang mag-isa 
Magtungo sa lugar na kailanman ay hindi pa nararating ng makakating mga paa na sobrang gala.
Ano nga kaya ang aking mga napapala 
Sa paggaggala, pagbabyahe at pagmumuni-muni, mga bagay na 
nakasanayan kong gawin na?

Mga bagay na nakasanayan ko nang gawin nang mag-isa. Ako na talaga! Oo, mag-isa talaga. Oo, mag-isa talaga ako.
Heto na naman nga ako eh, nasa tabing dagat at tinatanaw ang malawak na karagatan
Mga lugar na kagaya nito na itinuturing kong paraiso at naiisip takbuhan kapag nais munang lumayo.
Lumayo saan?
Lumayo mula sa magulong mundo na araw-araw akong pinapagod, pinapahirapan at nililiyo.

Bakit ko nga ba ginagawa ang bagay na ito? 
Ang mag-ala Dora nang mag-isa na tumutuklas sa kabilang panig at kagandahang mayroon ang sanlibutan.
Ano nga ba ang napapala  sa pagmamatapang na aktibidades na ito?

Simple lang naman ang kasagutan, mga kaibigan. 
Sa paglalayag nang mag-isa, ang sarili ay natatagpuan at natatamo ang hindi maipaliwanag na kaligayahan. 
Maniwala ka! Merong kasiyahan sa pag-iisa.
You just have to feel it within your inner self!
Sabi ng iba, malungkot raw ang bumibyahe nang mag-isa. 
At mas masaya pa rin kapag kasama ang tropa, kapamilya o lalo na ang jowa. 
Masaya naman talaga yon at hindi ako magpapakaipokrita para sabihing hindi sya nakakadulot ng ligaya.
Pero para sa tulad ko na isang soloista, 
iba pa rin kasi ang saya kapag nararanasan mong tuklasin na ang buhay ay masaya rin pala kahit na single ka. 

Oo nga at wala kang mapagsasayangan ng laway at hahayaan na lamang na mapanis ito,
Wala ka ring makakachokaran tungkol sa mga bagay-bagay may kwenta man o wala
Pero pwede at masaya rin namang makakikilala ng mga bagong tao
Sa simula, gitna at katapusan ng paglalakbay mo ay nasayo pa rin naman ang pagpapasya
Kung trip mong mag-ala-Miss o Mister Congeniality o mas pipiliin mo na lamang ang magpaka-loner talaga. Eh bahala ka na.
It's your life! Do what you want!

Kung hihingiin mo ang payo ko, ayos lang din kung hindi, pero ipapayo ko na rin.
Subukan mong kahit isang beses man lang sa isang taon 
Ang lumabas mula sa komportable mong kahon. In English, comfort zone. 
Naniniwala kasi ako sa kasabihan na ang buhay ay nagsisimula,
 sa hangganan ng lugar kung saan sa pakiramdam mo ay palaging ligtas ka.

Noon, ayokong tumakas pero nang masaktan ay marami akong natutunan. 
Mag bagay na natuklasan tungkol sa sarili ay marami pala.
Kaya ko palang maging matapang, lumaban sa hamon ng buhay at marami pang magagawa.
Na ang pag-ikot ng mundo ay hindi lamang nagmumula sa isang tao o sa sarili mo lang, kundi marami pa!
Ngayon ay alam na at sana ay alam n o malaman mo na rin, sana lang talaga.

That there's more to life than hatred, shits, heartbreaks, stresses at kung anu-ano pa!
 
Kaya heto ako, isa sa mga magpapatunay na minsan sa buhay natin ay kailangang maranasan rin natin ang humayo nang mag-isa at magpakasaya.

Dahil marami kang mapagtatanto, hindi lang tungkol sa sarili mo kundi sa lawak at sobrang kagandahan ng mundong ginagawalan mo.

Ako nga pala si Cielo.
Nagmahal, nasaktan, nadapa, bumangon, nagmatapang,

At natutong maging masaya nang walang ibang inaasahan para madama iyon kundi ang sarili lamang.

Hindi ko rin naman ikakaila na iba pa rin ang dulot na saya kapag may kasama ka sa mga pagkakataong gaya nito, sa mga lugar na gaya nito- tulad ng iba, tulad nila,
Lalo na kung yung kasama mo ay mahal mo at mas mahal ka niya. 

Pero sa ngayon, habang wala pa siya,  habang wala pa sila, matuto tayong maging masaya at maging panatag sa Kanya.

He knows His job and it will always be well done. :)

Parang itlog lang. Pag may tiyaga, may nilaga- hehe.


~Cie, the alone slash soloist sometimes third wheel but never lonely traveler

Ang Hindi Ko Inakala

Disclaimer ulit: I need to write this poem para i-absorb ng buong diwa ko ang karakter ng bidang babae na isinusulat ko ngayon. 

'Yon lang! 😄
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 "Ang Hindi Ko Inakala"
Isinulat ni: CieloAmethyst
Dec.5,2016





May mga tao na sadyang pinagtagpo 
Para lamang dumating sa puntong magkakalayo
Akala mo pang-Koreanobela ang kwento
Iyon pala ay pang Flash Fiction lang ang pagkakabuo.

Sinadya ang tadhana na hanapin ka
Kausapin, kilalanin at gawing mahalaga
Sa buhay ko ay isinali ang isang taong tulad mo
Pero mali yata ang naging desisyon ko.

Umasa pa ang gaga na ikaw na talaga 
Ang para sa akin na siyang itinakda
Pero mali pala ako ng sapantaha
Katulad ka rin ng iba, di ko inakala

Sinubukan kang papasukin sa damdamin
 Kalaunan ay tinanggap at minahal nang lihim
Naging tanga na naman pala
Nagkamali na naman kasi ng inakala!

Pero natuto na at hindi na aasa pa
Na mayroong happy ending ang kwento nating dalawa
Mananatili na lamang na kasaysayan at alaala
Ang lahat ng nasa pagitan nating dalawa.

~Cie,2016
  

Monday, December 5, 2016

Ang Hindi Ko Hinanap

Disclaimer: 

Hindi akin ang tulang ito at wala rin naman akong balak angkinin kahit pa nga na sabihin nating ginawa niya raw ito para sa akin.

Abala ako kanina habang tumitingin sa mga luma kong word files at nakita ko ito kaya naalala ko siya. 

Maraming salamat! 

~Cie



Ang Hindi ko Hinanap
Isinulat ni: JB
 
May mga tao na
Sadyang pinagtagpo
Parang pelikula,
Pang-FAMAS ang kwento.
 
Sa mga lugar na
‘di mo inakala,
Sa mga oras na
hindi sinasadya.
 
Aamin na ako.
‘di kita hinanap.
Pinagkita tayo.
Tadhana’y sumulyap.
 
Simula ng araw
Na mangyari iyon,
Nasabi ko na lang,
“tinamaan ako”.
 
Akalain mo ba?
Tagos sa damdamin,
Ang ngiti at sayang
Dulot mo sa akin.
 
Isa kang biyaya
Na ‘di inasahan,
Kaya habambuhay
Pakaiingatan.
 
November 30, 2015
 - It's been a year. 😊