All she wants is to be with someone who is worth sacrificing for.
She never lose hope despite all the heartbreaks she have gone through....
All rights reserved
Chapter 1- The Hurtful Past
She never lose hope despite all the heartbreaks she have gone through....
All rights reserved
Chapter 1- The Hurtful Past
PAK!
Isang malakas na batok ang natikman
ni Henessy mula sa kaibigan niyang si Edwin.
“Ang tanga tanga mo talaga!” sabi pa nito sa kanya.
“Pero, Bez. Mahal ko siya!”
nakatulalala siya sa kawalan. Inaalala ang mga nangyari kani-kanina lang.
Magkakasama silang magkakaibigan.
Masayang sine-celebrate ang birthday ni Edwin. Okay na sana ang lahat nang may dumating na isang
hindi inaasahang bisita. Gate crasher kumbaga.
“Ian!” Lahat silang anim,
napatingin sa may pinto. Ang nakakapit na kamay ni Ian kay Henessy ay biglang
bumitiw.
“Pasok ka,” paanyaya ni Edwin sa
bagong dating. Ngunit hindi ito tuminag
sa kinatatayuan at mataman lang na nakatitig kay Ian.
“Oo nga, pasok ka Tricia. May buntis,”
pagbibiro ni Ricson.
“Alam ko at alam rin ni Ian yon!”
sagot naman ni Tricia.
“Huh?” tila naguguluhang balik
tanong ni Ricson dito.
“Pwede ba, Trish! Huwag kang gumawa
ng eksena dito! Nakakahiya sa kanila. Lalo na kay Edwin. Birthday niya ngayon,”
sita naman ni Ian dito.
“Ayaw mo ng eksena, pero ano yang
ginagawa mo?! Magiging tatay ka na nga, nagagawa mo pang makipaglandian!”
“Tatay? Sinong maging tatay?” tila
naguguluhang singit ni Henessy sa usapan.
“Yang nilalandi mo po, Henessy!
Tatay ng magiging anak ko!” deklarasyon ni Tricia.
“Pe-pero, paano nangyari yon? Hindi
ba matagal na kayong hiwalay?” tanong niya ulit sa kausap. Anim na buwan na
silang magkarelasyon ni Ian kaya’t papanong ito ang tatay ng magiging anak ni
Tricia na sa tingin niya ay wala pang tatlong buwan ang tiyan nito dahil medyo
impis pa. Maliban nalang kung….
“Tama na please. I-regalo niyo
nalang sa akin ito,” awat ni Edwin sa komosyong nangyayari sa loob ng tahanan
niya, “Bez, halika na, hatid na kita,” yaya niya kay Henessy.
“Hindi ako uuwi, Bez hanggat hindi
nagiging malinaw sa akin ang lahat! Ian, ano ba talaga? Ang sabi mo sa akin,
matagal na kayong walang communication ni Tricia, pero ano to?!” tanong niya sa
kasintahan.
Parang tumiklop sa kinatatayuan si
Ian. Hindi na ito makapagsalita.
“Para sa kaalaman mo, Henessy, at
sa inyong lahat na kaibigan ng magaling na lalaking ito, nakipagbalikan siya sa
akin three months ago at totoo ang sinasabi ko, buntis ako!”
“Stop it, Tricia!” sigaw ni Ian
dito.
Nagulat si Tricia sa naging reaksiyon
ng “boyfriend” din niya at maya maya ay bigla na lamang ito humagulgol.
“Sa-sana hindi nalang ulit kita
binigyan ng isa pang pagkakataon! Manloloko ka talaga! Akala ko, kapag hinayaan
kong may mangyari sa atin, magbabago ka na at seseryosohin mo na ako pero nagkamali ako. Walanghiya ka,
Ian!” patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
“Trish, tama na…” pag-aalo rito ni
Jessa.
“Hinayaan kong masira ang buhay ko
dahil mahal kita, Ian! Pero niloko mo lang ako,” atungal pa rin ni Tricia.
“Huminahon ka Tricia, masama sa iyo
yan,” si Ricson.
“Ano, Ian?! Masaya ka na?!” sermon
ni Edwin.
“’Pre, awat na,” sabi ni Jet dito,
“hindi yata tamang makisali tayo,”
“Eh ano? Hahayaan nalang natin na
maloko ng kumag na ito ang kaibigan natin?!” dahilan nito.
“Andun na ako, pero wrong timing
pre, huwag ngayon,” sabay turo ni Jet sa umiiyak pa ring si Tricia.
“Ayoko na! Ipapalaglag ko ‘to.
Hindi ko ‘to kakayanin mag-isa!” tumakbo na si Tricia palayo.
Tila natauhan naman si Ian,
“Trish!” habol nito sa babae.
At si Henessy. Tila naguguluhan pa
rin sa mga nangyayari. Pero isa lang ang malinaw sa kanya ng mga oras na iyon.
Kung hahayaan niya si Ian umalis. Mawawala na ito sa kanya habang buhay. At
hindi niya kakayanin iyon, mahal na mahal niya si Ian!
“Ian!” habol nito sa lalaki.
“Ian! Ian!” patuloy nitong habol sa
lalaki.
Huminto si Ian at humarap kay
Henessy.
“Ian, mahal mo pa ba siya?” humahangos
na tanong nito sa lalaking mahal.
“Kung hahayaan ko siya, baka kung
ano ang gawin niya,”paliwanag ni Ian.
“Pero, ako ang mahal mo di ba?
Mahal na mahal kita!” kahit pa na maraming tao ang nakakakita sa kanila sa mga
sandaling iyon, niyakap niya ng ubod higpit ang kasintahan.
“Sorry Ness ,
pero kailangan kong gawin to…” bumitiw si Ian sa pagkakayakap sa kaniya at
hinabol muli si Tricia.
Naiwang nakatulala si Henessy sa
gilid ng kalsada at tinitigan na lamang ang papalayong si Ian.
----------------------------------------
Makalipas ang isang oras, nakita
nalang siya ni Edwin na nakaupo sa gilid ng daan na nakatulala.
“Ang sakit na nga ng nararamdaman
ko, binatukan mo pa ako,” naiiyak ng sabi ni Henessy sa matalik na kaibigan.
“ Para
matauhan ka. Tigilan mo na ang kahibangan mo sa kanya, Bez! Huwag ka ng
magpakatanga! Binalaan na kita nuon pero hindi ka nakinig!”
“Anong magagawa ko, nagmamahal lang
ako! Alam mo kung gaano ko siya kamahal,” paliwanag nito sa kausap.
“Hindi porke’t first boyfriend,
ibibigay mo na lahat ng pagmamahal mo sa kanya. Magtira ka para sa sarili mo,”
“Makapagpayo ka wagas, parang ang
saya ng lovelife mo ah! Hindi ka nga makapagtapat kay Sheldine eh!” balik nito
sa kaibigan.
“At least naman ako kahit walang
lovelife, hindi nasasaktan kagaya mo. At, magkaiba tayo ng sitwasyon! Tsaka
bakit mo iniiba ang usapan? Ikaw ang pinag-uusapan natin dito,”
“Tara !
Inom pa tayo! May iba pa tayong ise-celebrate bukod sa birthday mo!” yaya na
nito sa kaibigan. Tumayo na siya mula sa inuupuang gater.
“Independence day?” birong tanong nito
kay Henessy. Tumayo na rin si Edwin.
“Hindi, heartbroken day! Kasama ka
dun. Torpe mo kasi eh!”natatawa na nitong ganting biro sa kaibigan.
“Gunggong!”
--------------------
Chapter 2 - New Life
Natatawa na lamang si Henessy kapag
naaalala ang eksenang ito that happened two years ago. Oo nasaktan siya pero
happy na rin dahil at least hindi siya ang naanakan kundi sira ang buhay niya.
Ang huli niyang balita, wala pang matinong trabaho si Ian dahil sa hindi ito
nakatapos ng pag-aaral. Nagsasama na sila ni Tricia at dalawa na ang anak. Kung
siya ang nabuntis nito, baka siya pa ang bumubuhay sa magaling na lalaking
iyon.
After graduation, she decided na
umuwi muna ng probinsiya para magbakasyon. And she never expects na magiging
sobrang unforgettable ng pag-uwi niyang iyon.
“Ate Ness, piyesta sa kabilang
bayan, tara dayo tayo!” yaya kay Henessy ng
kanyang pinsan na si Helen.
“Sige! Tara !”
masaya niyang pagpayag.
“Ma, punta lang kami sa kabilang
bayan!” paalam niya sa kaniyang ina.
“Mag-iingat kayo. Huwag kayong
magpapagabi,” paalala nito.
“Alis na kami, Tita!” paalam na rin
ng pinsan niya.
“ANG saya naman dito! Ganito pala
ang piyesta sa probinsiya,” Henessy admitted that this is her first time to
attend a fiesta at sobrang nag-enjoy siya.
“Mas masaya ang sayawan mamayang
gabi, Ate!”
“Talaga? Parang disco? Kaya lang
sabi ni Mama, hindi tayo pwedeng magpagabi,” parang nalungkot si Henessy. Gusto
niya kasing makita kung katulad ba ito ng disco sa Manila .
“Magtext ka nalang! Dun nalang tayo
matulog sa bahay ng kaibigan ko,” suhestiyon ni Helen.
“Sige, sige! Minsan lang naman eh.
Siguro naman papayag yon,”
She texted her mom, mabait naman ito
at pinagbigyan siya.
It was really a nice day for them!
Pagkatapos nilang manood ng mga sayaw, may idinaos na beauty pageant para sa
mga bakla at sobrang naaliw siya sa napanood.
Masaya rin pala talaga ang buhay
probinsiya.
“Tara
ate, punta na tayong sayawan,” hila sa kanya ni Helen sa kalapit na plaza.
Hindi siyang kasing gara ng mga
disco bar sa Maynila ngunit natutuwa siya sa mga nakikita. Kahit simple lamang ang pinagdaosan,
you can feel the spirit of happy people around. Pati siya ay sobrang saya.
Mapabata o matanda ay masayang nagsasayawan sa open space provided for all of
them. And this is fiesta!
Maya maya lang ay dumating na ang
mga kaibigan ni Helen at ipinakilala siya nito sa mga ito. Matanda lamang siya
ng isang taon kay Helen kung kaya’t parang kaedaran niya rin lang ito sampu ng
mga kaibigan nito.
Masaya siyang nakisayaw sa mga ito
sa saliw ng mga awitin na nagmumula sa isang live band.
Mabilis na lumipas ang oras at
hindi nila ito namalayan.
Hindi sinasadyang may nakabanggaan
siya sa kaniyang likuran. Kahit pa na medyo madilim at papalit palit ang mga
ilaw na pula at berde, aninag niyang guwapo ang nakabanggaan. Mas matangkad ito
sa kaniya at medyo chinito.
“Sorry, miss,” paghingi nito ng
pasensiya sa kanya.
“O-okay lang,” she smiled.
“Kuya Yuri!” bati ni Helen sa
lalaki.
“Hi Helen!” sagot naman ng lalaki.
“Ate, siya si Kuya Yuri. Kuya ni
Amy, yung tutulugan natin mamaya. Kuya Yuri, siya si Ate Ness, pinsan ko from Manila ,” pakilala ni Helen
sa dalawa.
“Hello, nice meeting you!” inilahad
nito ang kamay sa dalaga.
“Same here!” tinanggap naman ito ni
Henessy.
“Si Amy?” tanong ni Helen kay Yuri.
“Nasa bahay, may inaasikaso pang
ibang bisita. Sabi nga niya, sunduin ko nalang daw kayo,” imporma nito.
“Ano, Ate Ness ?
Tara na?” tanong ni Helen dito.
“Okay lang, kayo?” sagot naman
nito.
“Sige, tara
na! Guys, tara, dun tayo kina Amy!” yaya ni Helen sa iba pa niyang kaibigan.
Nagsisunuran naman ang mga ito.
Namangha siya sa laki ng bahay ng
kaibigan ni Helen. Kahit na old style na ang bahay ay napakagalante nitong
tignan. Magmula sa malawak na bakuran hanggang sa loob ng tahanan. Halos lahat
ng kagamitan ay mamahalin.
“Hindi mo sinabi, mayaman pala sila
Amy, nakakahiya naman makitulog sa ganitong bahay,” bulong niya sa pinsan.
“Okay lang yan, Ate. Minsan lang
naman ito eh. Tsaka piyesta naman at sanay sila sa maraming bisita. Balita kasi
na tatakbo sa susunod na halalan ang daddy nila,” esplika ni Helen sa pinsan.
“Huwag mo kong iiwan,ha!”
“Oo naman!”
“Helen!” bati ng isang dalaga
pagkalapit sa kanila.
“Hi Amy!” humalik ito sa pisngi ni
Amy, “siyanga pala, pinsan ko from Manila si
Ate Ness. Ate Ness , siya si Amy,”
“Hi! Thank you sa pagpapatuloy mo
dito sa amin ha!”
“Wala po yon. Tara sa kusina, kain
tayo,” yaya nito sa mga bagong dating na bisita.
-----------------------------------------
“Ay!Palaka!” tili ni Henessy.
Nagulat kasi siya ng biglang may tumikhim mula sa likuran niya.
Alas tres na ng madaling araw ng
tumahimik ang buong paligid. Dahil sa namamahay, ay hindi makatulog si Henessy kung
kaya’t ipinasya nalang muna niyang lumabas ng kuwarto at magpahangin sa pool
area.
Ang buong akala niya ay siya nalang
ang gising sa mga oras na iyon ngunit nagkamali pala siya.
“The last time I saw myself in the
mirror eh tao pa naman ako,” natatawang sagot rito ni Yuri.
“Sorry, nagulat lang ako. Akala ko
kasi tulog na lahat,” pagdadahilan niya.
“Maliban sa’yo?”
Tumango siya.
“Hindi ka ba makatulog?” tanong
nito sa kanya.
Muli siyang tumango, “namamahay,”
“I see,”
“Eh, ikaw? Imposible namang
namamahay ka rin, dahil bahay mo ‘to,” she’s trying to lighten the atmosphere
around, para kasing may kung anong pressure sa paligid.
“Actually, may isang bagay na hindi
makapagpatulog sa akin,”
“Ano naman yon?”
“Yung bagay na iyon eh tayo,”
“Ha?” naguguluhan niyang tanong
muli rito.
Natawa ito sa naging reaksiyon ni
Henessy.
“Ano ba yon? Joke ba yon? Pasensiya
na hindi ko magets,”
“Wala. Binibiro lang kita. Slow ka
pala,” natatawa pa rin nitong sabi sa kausap.
“Bagay…. Tayo….?” Tila nag-iisip pa
rin si Henessy.
“Hahaha! Huwag mo ng pilitin!”
tumatawa pa rin si Yuri.
Nahihiya na si Henessy sa kausap.
Kasalanan ba niya kung slow siya? Tatayo na sana siya at magpapaalam kay Yuri para
bumalik na sa kuwarto ngunit pinigilan siya nito.
“Dito ka lang muna, please. I want
to know you more,” seryosong pahayag ni Yuri.
“Pero, bakit?”
“Basta lang,”
“Sige,” somewhere in her heart ay
gusto niyang pagbigyan ito.
“Nag-aaral ka pa ba?” tanong nito
sa kanya.
“Hindi na, kakagraduate ko lang,”
“Talaga, pareho pala tayo. Anong
course mo?”
“Business Management. Ikaw?”
“Architectural,”
“Licensed?”
“Yupp! Eh ikaw?”
“Wala naman kaming board eh,”
“Ah ok, anong balak mo?”
“Saan?”
“Slow ka nga. Hahaha! Sa future
mo,”
“Ah.. Pagbalik ko ng Manila , maghahanap ng
trabaho, ikaw?”
“Mag-aasawa.”
“Ha? After mo magkalicensed,
pag-aasawa lang pala ang pangarap mo? Edi sana
hindi ka na nag-aral,”
“Joke lang yon. Masyado kang
seryoso eh,”
“Hindi nga, ikaw, anong balak mo?
Tsaka may girlfriend ka ba na pakakasalan na kaya pag-aasawa na ang pangarap
mo?”
“Ewan ko,” kinibit ni Yuri ang
malapad nitong balikat.
“Anong ewan mo? Hindi mo alam kung
may girlfriend ka na?”
“Ang alam ko lang kapag sinagot mo
ako, magkakagirlfriend na ako!”
“Ewan ko sa’yo. Matutulog na ako,
nagkakalokohan na tayo eh, goodnight!” paalam na ni Henessy sa lalaking para sa
kanya ay loko loko kausap pero aaminin niya sa sarili niyang naging masaya siya
kausap ito.
Kanina kasi nung gising pa ang mga tao sa
bahay na iyon ay hindi ito lumapit sa kanila para makipagkuwentuhan. Katulad ni
Amy ay abala rin ito sa pag iistima ng iba pang bisita.
“Ness !”
tawag nito sa kanya.
“Oh, bakit? Maglolokohan na naman
tayo?”
“Hindi naman. Hihingiin ko lang ang
number mo, okay lang ba?”
Wala naman sigurong masama ron,
“09128016296.”
“Salamat! Goodnight!”
“Good morning na,” tumalikod na
siya sa binata at dumerecho na sa kuwartong tinutulugan.
Before she closed her eyes, one
text message received made her smile.
Sleep
tight and sweet dreams…..Baby… I mean, like a baby… J - Yuri
------------------------------
Chapter 3 – I promise
FOR the last one month na pag stay
niya sa probinsiyang kinalakihan ng kanyang ina ay si Yuri ang madalas niyang
kasama. Ito ang nagsilbi niyang tour guide at chaperone. Sinungaling siya kung
itatanggi niyang mayroon na itong espesyal na lugar sa puso niya. It may be so
fast, pero ano nga bang magagawa niya? Yun ang isinisigaw ng puso niya.
Sa mga oras na hindi sila magkasama
ay namimiss niya ito at kung hindi ito magtetext o tatawag ay nag-aalala siya.
Yes, they are friends. Malinaw
itong sinabi sa kanya ni Yuri. He never tried to court her. May mga pahaging
kung minsan pero hanggang doon lang iyon. Iniisip nalang niyang, binibiro lang
siya ng lalaki at pinagtitripan kapag bumabanat ito ng mga pick up lines.
Ni hindi nga niya alam kung pareho ba talaga
sila ng nararamdaman. Basta’t ang malinaw lang sa kaniya ay gusto niya ito.
Nang higit pa sa isang kaibigan.Pero siyempre, hindi naman pwedeng siya ang
manligaw. At isa pa, wala siyang lakas ng loob para sabihin dito ang tunay niyang
nararamdaman. Kaya niyang languyin ang lampas taong dagat pero hindi ang
magtapat sa lalaking minamahal.
---------------------------------
THREE days nalang at babalik na
siya ng Manila .
“Uuwi na ako,” imporma ni Henessy
sa kasama. Kasalukuyan silang nasa burol at tinatanaw ang malawak na dagat.
“Ingat ka,” maiksing tugon ni Yuri.
“Salamat,” sagot naman niya dito.
“Mamimiss mo ko?” out of nowhere na
tanong ni Yuri sa kaniya.
OO!
Sobra! Ito ang gustong isagot ni Henessy ngunit pinigilan niya ang sarili,
“Uhmmm.. Medyo,”tangi niyang nasabi sa binata.
“Okay,”
“Sana pag-alis ko, may malinaw ka ng pangarap
sa buhay mo,” hiling niya sa kausap.
“Matagal ng malinaw ang pangarap
ko,”
“Paanong malinaw? Mag-asawa? Dapat
career muna,” payo niya rito.
“Pangarap kong maikasal sa babaeng
mahal ko…”
“Kahit naman sino miski ako, yun
din ang gusto. Pero siyempre, may tamang panahon para doon,”
“Paano kung wala ng panahon?”
“Paanong wala? Atat ka na bang
mag-asawa?”
“Wala. Huwag mo ng isipin yon.
Mahihirapan ka lang, slow ka pa naman.”
“Ang yabang mo! Eh simula naman sa
simula, magulo ka na talaga kausap, paano ko maiintindihan?”
“Isipin mo nalang na mas mabuti
pang hindi mo alam ang lahat para hindi ka masasaktan,” malalim nitong pahayag.
“Hay nako, Yuri Cardova! Kaya hindi
kita maarok eh! Ang lalim mo mag-isip!”
“Tara ,
hatid na kita. Baka abutin pa tayo ng dilim,”
-----------------------------------------------
ARAW ng pag-alis ni Henessy sa
probinsiyang iyon.
Malungkot siya dahil for the last two days
niya sa lugar na iyon ay hindi nagpakita sa kaniya si Yuri.
Pasakay na sana
siya ng kotseng maghahatid sa kanila ng kanyang ina sa airport ay dumating si
Yuri sakay ng motor nito.
“Yuri!” halos lumabas ang puso niya
mula sa dibdib ng makita ang binata.
Nakangiti itong lumapit sa kaniya.
“Tita, okay lang po ba, sakin na
sasakay si Henessy?” paalam nito sa kanyang ina.
Tumango naman ito tanda ng
pagsang-ayon.
“BAKA maiwan ako ng flight ko!
Bakit ba tayo nandito tayo sa burol?” tanong ni Henessy sa kasama. Imbes na sa
airport dumerecho ay dito siya dinala ni Yuri. Sa madalas nilang tambayan.
Inilabas ni Yuri ang isang tarheta
bago nagsalita, “Na realized ko lang na dapat noon ko pa pala sinabi to, Ness , kahit na maiksing panahon lang tayo nagsama, I know
and I’m sure….Mahal kita. Sa sayawan pa lang, iba na yung naramdaman ko and
sorry to say this to you so late. Naguguluhan kasi ako,”
“Naguguluhan saan?”
“Basta. Ang pinakamahalaga sa
lahat.. ay ito…” dinala ni Yuri ang kanang kamay ni Henessy sa kaliwa niyang
dibdib, “Mahal kita, Ness .. Mahal na mahal!”
Henessy couldn’t say anything.
Basta nalang niya niyakap si Yuri at malayang pinaagos ang mga luha na kanina
pa gustong kumawala.
She doesn’t know if they are tears
of joy dahil nagtapat na rin sa wakas ang lalaking pinakamamahal o tears of
sorrow dahil aalis na siya.
“I love you din, Yuri… Bakit kasi
ngayon ka lang nagtapat?” patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha.
Hindi sinagot ni Yuri ang mga
tanong niya bagkus ay sinuot sa kamay niya ang singsing na nasa loob ng tarheta.
“This is a sign of my promise na
patuloy kitang mamahalin kahit magkalayo tayo. Tama ka, kailangan muna nating
ayusin ang mga buhay natin bago ang pag-aasawa and I also promise na kapag okay
na ang lahat, ikaw ang pakakasalan ko…”
Chapter 4 – Long distanced
Relationship
She doesn’t know if this kind of
relationship will work. Pero dahil sa mahal niya si Yuri, handa siyang sumugal.
Long distanced relationship? Kakayanin niya to para sa taong mahal niya.
Pagdating ng Manila , ang paghahanap ng trabaho ang agad
niyang inasikaso. Nabalitaan niyang nagtatrabaho bilang HR Specialist si Jadey,
dati niyang college classmate kung kaya’t humingi siya ng tulong rito. Luckily,
may vacant position itong inilaan para sa kanya.
“Jadey, thank you ha!”
“Wala iyon, oh start mo na bukas
ha! Huwag kalimutang manlibre sa akinse!” pagbibiro ng dating kaklase.
“Sure!”
“Maiba ako, kamusta ka naman na? Si
Ian? Kamusta na? Kayo pa rin ba?” tanong nito sa kanya. Second year college pa
kasi ng maging magkaklase sila.
“Matagal na kaming hiwalay. Six
months lang kami nun,” imporma niya rito.
“Pero may boyfriend ka ngayon?”
pang-uusisa pa rin ni Jadey.
“Oo,”
“Talaga? Asan siya?”
“Andito sa puso ko,”
“Magaling! Di nga?”
“Nasa probinsiya,”
“Oh, long distance,”
“Parang ganun na nga,”
“Don’t worry. Relate ako,”
“Bakit? Nasan na si Arvin ba yun?”
“Nasa Italy . Kaaalis lang last month,
Lungkot nga eh. Pero carry lang,”
“Tama! Kung mahal mo talaga,
kakayanin!”
Lumapit ang isang staff, “Miss
Jadey, tawag ka po ni Bossing,”
“Sige, Ness .
See you tomorrow!” nagpaalam na ito sa kanya.
--------------------
Her first day of work has been
great. Mabait ang kanyang boss pati na rin ang mga ka department niya. Mabilis
na lumipas ang walong oras sa opisina.
“Hi baby!” bungad ni Yuri
pagkasagot niya ng telepono.
“Hello!”
“Kumusta ang first day of work?”
“Okay naman. Mababait silang lahat.
Ikaw? Kamusta diyan?”
“Eto okay naman. Sisimulan ko na
rin bukas ayusin ang mga papeles ko,”
“Papeles?”
“Balak ko kasing mag Taiwan .
Ipapasok daw ako ng Tito ko,”
“Mas malalayo ka pa sa akin. Hindi
ba pwedeng dito ka nalang din sa Manila ?”
“Naisip ko na rin yan ang sumunod
diyan sa’yo. Pero kasi mas maganda ang offer sa Taiwan at mas challenging pa para
sa akin. Magaganda ang structures nila doon. Mas ma-iinspired ako gumawa ng mas
magagandang blue print plans,”
“Hindi ba ako sapat na inspirasyon
sa’yo?” paglalambing ni Henessy sa kasintahan. Sobrang miss na niya ito. Pero
dahil nga sa may usapan sila na aayusin muna ang kani-kaniyang buhay ay
kailangan niyang magtiis.
Tama si Jadey, basta’t mahal niyo
ang isa’t isa. Walang makakahadlang sa inyo kahit pa ang literal na distansiya.
Sabay silang nag coffee break
kanina ni Jadey at ayun lovelife na naman ang napagkuwentuhan nila.
“Mahal kita, Ness .
Kaya ko nga ginagawa lahat ng ito eh. Hindi lang para sa future ko kundi para
sa ating dalawa na rin,”
“Salamat,”
“Para
saan?”
“For choosing me,”
“Salamat din sa pagtitiwala,”
“Huwag mo sanang sisirain,”
“I promise,”
At sa paglipas ng oras, marami pa
silang napag-usapan.
------------------------------
TIGILAN MO NA ANG BOYFRIEND KO!
IKAKASAL NA KAMI!
Hindi alam ni Henessy kung para ba
talaga sa kanya ang message na iyon o na wrong send lang ang kung sino mang
bitter girlfriend na ito.
I’m
sorry? Wrong send ka yata miss, reply niya.
IKAW SI HENESSY DI BA?
Yupp?
And sino ka po?
AKO SI LEA, FIANCE NI YURI!
Parang nais gumuho ng mundo ni
Henessy. May fiancé na si Yuri! Feels like history just repeats itself.
She dialed her phone.
“Hi baby! Di ba nasa work ka pa?”
bungad na tanong ni Yuri dito.
“”Sino si Lea?” mahinahon niya pang
tanong kahit pa na parang gusto ng sumabog ng puso niya. How she wished isang
impostor lang ang babaeng katext.
Matagal na hindi sumagot si Yuri.
“Sino si Lea?!” medyo napataas na
ang boses niya.
“Paano mo siya nakilala?”
balik-tanong ni Yuri sa kanya.
“Just answer me! Sino si Lea?!”
Rinig ni Henessy ang malalim na
pagbuntong hininga ni Yuri bago ito magsalita.
“I told you before na may aayusin
lang ako, di ba? At si Lea yon. Pinagkasundo kami ng mga magulang namin when we
were still a child. Pero believe me, Ness ,
ikaw ang mahal ko,”
“Sino siya sa buhay mo? Girlfriend
mo rin ba siya?”lakas loob niyang tanong.
Long silence.
“Sumagot ka, Yuri!”
“Oo!” finally he answered.
Hindi na napigilan ni Henessy ang
pag-iyak, “I hate you! Two timer!”
“Please listen, Ness .
Ikaw ang mahal ko. Pinapakisamahan ko lang siya dahil sa mga magulang ko,”
“Bakit ka nila kailangang diktahan
sa bagay na iyan?! May sarili ka namang pag-iisip? Malaki ka na para
magdesisyon para sa sarili mo! Hindi mo kami pwede pagsabayin! Break na tayo!”
“Ness ,
please. Galit ka lang…”
“Minsan na kong naloko, Yuri. Alam
mo yan! Pero anong ginawa mo? Niloko mo lang din ako,”
“I’m sorry. Ayoko talagang malaman
mo ang tungkol dito hanggat hindi ko siya nagagawan ng paraan. Pangako ko
sa’yo, aayusin ko ‘to.”
“Maghiwalay na tayo… Goodbye.
Salamat nalang sa lahat.”
Tumakbo siya papuntang cr at
tuluyan nang napahagulgol sa sobrang bigat ng nararamdaman.
Chapter 5 – Love and hurt
“What happened?!” concern at exage
na tanong ni Jadey sa kanya. Eksaktong pumasok din kasi ito sa cr at ng may
marinig itong umiiyak ay nakumpirma niyang si Henessy pala iyon.
“Manloloko siya,” umiiyak pa rin
niyang sabi.
“How?” tanong ulit ni Jadey.
Hindi siya sumagot at bagkus ay
ipinagpatuloy lang ang tahimik ng pag-iyak.
“Alam mo girl, mas gagaan yang
nararamdaman mo kung ilalabas mo yan,” dagdag pa nito.
Kinuwento nga ni Henessy ang mga
nangyari kani kanina lang.
“Ang ingrata naman ng girl na yon.
Makapagtext wagas! Much better sana
kung si Yuri ang nagsabi sa’yo nun,”
“Eh wala naman siyang balak sabihin
sa akin ang tungkol dun eh,”
“Kahit na. Pasasaan ba’t sasabihin
pa rin niya sa’yo yun. Kung kunwari, ok na yung problema niya. Kaya lang,
inunahan nga siya nung girl,”
“Yun nga eh,”
“Pero I think mas ok kung hindi ka
muna niya ginirlfriend. Nagmukha siyang playboy. Kahit pa na sabihin nating
ikaw ang mahal niya. Dapat inayos muna niya ang problema niya,”
“ I know,”
“Ano ng balak mo?”
“I don’t know,”
“Haha! Tara
na, balik na tayo sa trabaho. I also think na medyo ok ka na. Carry mo yan! Kaw
pa!” Tinapik pa ito ni Jadey sa balikat.
“Thanks. Sige, tara
na.” nakangiti na itong lumabas ng banyo but of course hungkag pa rin ang tunay
na nararamdaman.
Muli siyang umibig ngunit muli rin
siyang nasaktan. At muli, babae na naman ang dahilan. Hindi nga niya alam kung
siya ba ang third party sa mga relasyong ito.
Hay,
Henessy. Kelan ka ba magtatanda? Naanas na lamang niya sa kaniyang sarili.
----------------------------------------
One fine day and an unexpected
visitor came.
“Ness !”
tawag sa kanya ng kanyang ina.
“Yes, ma?” sagot niya rito.
Kasalukuyan siyang nasa kuwarto at nagbabasa ng pocketbook. Since it was
weekend at wala naman siyang lakad kung kaya’t naglagi na lamang siya sa
kaniyang kuwarto.
“Nandito si Yuri,” imporma nito.
Huh?
Si Yuri nandito? Paanong? Nagtataka
niyang tanong sa sarili.
Oh! Alam na niya ang sagot sa
tanong niya. Kapatid nito si Amy na siya namang kaibigan ni Helen at si Helen
ang magaling niyang pinsan.
“Nak, ano lalabas ka ba diyan?”
tanong ng kanyang ina. Matagal pala siyang nakatitig lang sa front page ng
pocketbook.
“Ha? Ah.. Eh.. sige po. Wait lang,”
“Okay, sige.”
“Anong ginagawa mo rito?!” dinala
niya sa garden ang para sa kanya ay ex boyfriend na niya. Hindi niya
kinikuwento sa kanyang ina ang kung ano mang meron sa kanilang dalawa ni Yuri.
Ganun talaga siya. Masyadong secretive.
At mabuti na rin yun na walang alam
ang kanyang ina. Lalo pa ngayon sa mga kasalukuyang nangyayari.
“Mag-usap tayo. Gusto kong
magkalinawan tayo,”
“Para
saan pa Yuri?! Malinaw na sa akin ang lahat,”
“Please, makinig ka naman.
Paniwalaan mo ako, ikaw ang mahal ko, Ness .
Maniwala ka,”
“Niloko mo ako,”
“No. Hindi kita niloko. I just
didn’t told you everything,”
“Ganun na rin yun! Alam mo, walang
patutunguhan ang usapang ito, umalis ka na! Bumalik ka na ng Bacolod . Wala kang mapapala rito,” pagtataboy
ni Henessy sa kanyang bisita.
“I’m here in Manila to process all my needed documents.
Paalis na ako pero sana
naman bago ako umalis ay magkaayos tayo.”
“Wala ng dapat ayusin, Yuri. Sinira
mo ang tiwala ko, sinira mo na ang lahat. Just go!” itinuro pa na ni Henessy
ang gate nila.
Walang nagawa si Yuri kundi ang
umalis. Tumalikod na siya at naglakad palayo.
To her surprise, muli itong bumalik
sa harapan niya, bigla siyang hinalikan sa mga labi at niyakap ng mahigpit.
Hindi nagawang magpumiglas ni
Henessy. Gusto niya ang nararamdaman. She terribly misses this guy in front of
her.
Nanlalambot ang kanyang mga tuhod. Pakiramdam
niya lahat ng depensa niya ay unti unting naglaho.
Of all the pain she felt, yakap at
halik lang pala ni Yuri ang papawi sa lahat ng ito.
She must be really inlove with this
man.
“Mahal na mahal kita, Ness . Maniwala ka naman please. Ikaw ang gusto kong pakasalan.
Bigyan mo sana
ako ng pagkakataon para maayos lahat ng ito,”
Muling umagos sa mga pisngi ni
Henessy ang masaganang luha. Si Yuri ang kahinaan niya. Gusto ng puso niyang
paniwalaan ito ngunit iba ang idinidikta ng isip niya.
“Ayusin mo muna lahat iyan, bago ka
bumalik sa akin,” konklusyon niya.
“Promise me, ako pa rin ang
mamahalin mo, Ness .”
Hindi siya sumagot.
“Please, promise me!” nang titigan
ni Henessy ito sa mga mata, kita niya ang mga luhang gusto ng pumatak.
Wala siyang nagawa kundi ang tumango.
She can’t conceal her true feelings anymore. Mahal niya ang lalaking ito
despite of everything that’s happening between them.
“I love you so much, Ness . Please say you still love me, too.”
Muli siyang tumango.
------------------------------------
Chapter 6 – Chance
“Hay, nako teh! Huwag ka ng umasa
sa two timer mong boyfriend!” advice kay Henessy ng kanyang ka department na si
Lhen.
Kibit balikat lang ang isinagot ni
Henessy dito. It has been two months simula ng umalis ng bansa si Yuri at
patuloy pa rin ang kanilang communication.
Parang sila pa rin na hindi naman
na. Ang gulo noh. She chose this kind of set-up. In facebook term, She’s
single, it’s complicated and maybe in a relationship. She doesn’t know which is
the best term suited for her. Basta’t ang alam niya, patuloy siyang umaasa at
naghihintay.
“Oo nga! Ang daming certified
single diyan sa paligid. Huwag ka ng pumatol sa may sabit,” dagdag pa ni Ice.
Isa pa nilang kasamahan sa trabaho.
“Lovelife ko na naman
napagdiskitahan niyo! Magsipagtrabaho nga kayo,” sagot niya sa mga ito.
“Nagtatrabaho naman kami ah. Kaw
nga diyan ang madalas tulala eh!” si Lhen.
“Whatever!” natatawa nalang niyang
sagot dito, “hindi kaya. Huwag ka ngang ganyan. Baka maniwala si Bossing.”
“Speaking of certified single, ayan
si Jhon oh!” turo ni Lhen sa kadarating lang at late ng si Jhon.
“Ako?” tanong nito sa mga kasama sa
Merchandising department.
“Hindi, ako! Ako! Single ako!”
pilosopong sagot ni Ice dito.
“Asa ka naman teh! Dalawa na anak
mo at may asawa, single?! San banda?” bara naman ni Lhen dito.
“Ang iingay niyo!” natatawa pa ring
sita ni Henessy sa mga kaibigan.
“Ayan oh!” turo ni Lhen sa kaliwa
kung saan nakaupo si Henessy at pagkatapos ay tumuro din ito sa kanan kung saan naman nakaupo si Jhon,
“plus yan! Yan ang mga certified single! Bakit kasi hindi nalang kayo!?”
“Ayiiiihhh!”
“Ayun oh!”
“Kilig much!”
“Kasalan na! Hahaha!” pang-aasar ng
iba pa nilang mga kasama sa department
na iyon.
“Tseh! Magsitigil nga kayo.
Tantanan mo ako Lhen, ha!” sita ulit ni Henessy sa kaibigang madaldal.
Hiyang hiya na siya sa mga
kasamahan nila pati na rin sa boss nilang natatawa lang sa asaran nila.
“Ui, si Boss Marvin, kinikilig
din!” pang-aasar ni Lhen dito.
“Ligawan mo na kasi Jhon!” sagot
naman nito.
“Hay Naku Boss, hirap ngang
pasagutin eh!” pagsakay ni Jhon sa kulitan ng grupo.
Kantiyaw na naman ang inabot ni
Henessy.
“Bahala kayo diyan! Asa ka naman
Jhon!,” sagot niya sa mga ito.
“Yun naman pala eh! May pag-asa ka
naman pala Jhon eh!” si Ice.
“Talaga? Ang tagal naman kasi akong
sagutin niyan, mahal ko naman siya, di ba Ness ?”
kinindatan pa nito ang dalaga.
“Ang kapal mo! Hindi ka naman
talaga nanliligaw eh. Tumigil ka nga!” sita ni Henessy dito.
“Sige, mamaya!” sagot ni Jhon.
“Ewan ko sa’yo!” inirapan pa nito
ang binata.
“LQ kagad?” patuloy na pang-aasar
ni Lhen sa dalawa.
“Guys, tigilan niyo na kami. Wala
kayong mapapala. Promise!” patuloy na pangungumbinsi ni Henessy sa mga kasama.
“Huwag kang magsalita ng patapos,
dear. Baka mabulunan ka,” banta ni Ice dito.
Alam ni Henessy na hindi siya
mananalo sa usapang iyon. Masyadong makukulit ang mga kagrupo niya.
“Okay, tama na yan, go back to
work,” wika ng kanilang butihing boss.
“Sige boss, para kay Ness !” nang-aasar pa ring sagot ni Jhon.
Nangingiti nalang ang iba pa nilang
mga kasama sa grupo.
-----------------------------------
“NESS !”
tawag sa kanya ni Jhon mula sa loob ng sasakyan nito. Uwian na nila ng mga oras
na iyon. Kasalukuyan na siyang naglalakad at hinintuan siya ni Jhon, “Hop in!
Hatid na kita,” yaya nito sa kanya.
“Kaya ko mag commute!” mataray
naman niyang sagot. Kanina bago pa man mag ala-singko ay sinabihan na siya
nitong ihahatid siya ngunit hindi na siya pumayag. Kaya nga’t binilisan niya
ang paglalakad upang hindi na siya makulit nito.
“Dali na! Sakay na!” Jhon insisted.
Ngunit lumakad lang siya palayo
rito. Binusinahan naman siya ni Jhon at pagkatapos ay bumaba rin ito ng
sasakyan upang habulin siya.
Dahil sa ginawang paghinto ni Jhon
at pag-iwan sa kanyang kotse sa gitna ng daan, bumusina ang ilang sasakyang
nasa likuran nito.
Lumapit ang guard sa kanila, “Boss,
paki-abante na po ng sasakyan niyo. Alam niyo naman pong one way lang tayo
dito,” sita nito sa kanila.
“Yung girlfriend ko kasi ayaw pang
sumakay,” kinindatan pa si Henessy ng magaling na lalaking ito.
At dahil sa hiya, walang nagawa si
Henessy kundi ang sumakay na rin sa kotse ni Jhon.
“Ang kulit kulit mo talaga!” naiirita niyang
sabi sa binata.
“Mahal ka naman,” kinindatan pa
ulit nito si Henessy.
“Ewan ko sa’yo!”
“Bakit ba ang taray taray mo?”
“Eh kasi nga po ang kulit kulit mo.
Tapos, inaasar na nga tayo, sinasakyan mo pa! Baka isipin nila totoo na
nagliligawan na talaga tayo,”
“Bakit hindi ba pwede maging
totohanan?”
“Hindi,”
“Bakit naman? Dahil sa boyfriend
mong hilaw?”
Maang siyang napatingin dito.
Mukhang may alam ito tungkol sa lovelife kahit pa na wala naman siyang
kinikuwento dito. No wonder, may mga ka department nga pala silang madadaldal.
Thanks to Ice and Lhen.
Hindi na siya nagsalita. She
preferred to be silent dahil alam niyang hahaba lang ang usapan. She’s not
interested with him. That’s all, period.
“San ang bahay mo?” tanong ni Jhon
sa kanya.
“Blue Corals,” maikli niyang sagot.
“K.”
Nanaig ang katahimikan hanggang sa
marating nila ang tahanan niya.
“Salamat sa paghatid. I just hope
that this would be the first and last,” bumaba na siya ng kotse.
“Ness !”
tawag nito sa dalaga. Mas pinili niya ang huwag ng lingunin ito.
Bumaba si Jhon ng kotse at
sumigaw,“I just want you to know that from this day forward, I’ll be serious in
knocking at your heart!”
Natigilan si Henessy sa paglalakad
patungo sa gate ng bahay nila at lumingon kay Jhon, “Wala kang aasahan sa isang
pusong may laman ng iba,” paliwanag nito sa binata.
“At least I will try. Bigyan mo
lang ako ng pagkakataon,” bumalik na ito ng kotse niya at pinaharurot na ang
sasakyan.
I’m
sorry I can’t. Nasabi na lamang ito ni Henessy sa kanyang sarili na mas
mabuti sana
kung narinig ito ng binata.
Chapter 7 – Mutual Answer
Mabait naman si Jhon at gusto niya
ito ngunit hanggang bilang kaibigan lang. Matangkad, moreno at may itsura rin naman ito katulad ni
Yuri. Ipinagtataka niya nga kung bakit wala pa itong girlfriend. Sa pagkakaalam
niya, college pa ang una’t huling girlfriend nito pagkatapos ay hindi na
nasundan. Tatlong taon ang tanda nito sa kanya, may sarili ng lupa’t bahay at
living alone and independently. Dati itong nasa I.T. department at noong
nakaraang buwan lamang ito nalipat sa department nila upang mag maintain ng
kanilang Sales System.
Masayahing tao ito, kaibigan ng
lahat at masipag sa trabaho.
Kung tutuusin ay napakadali nitong
mahalin.
Ngunit wala siyang magagawa kung
seryoso man ito sa kanya o hindi.
Mahal niya si Yuri despite of their
very hard situation.
HINDI pa rin siya tinatantanan ni
Lea. Madalas pa rin itong magtext sa kanya at kung ano ano pa ang mga masasakit
na salitang binibitawan nito sa kaniya. She managed to watch her manners kung
kaya’t hindi na lamang niya ito pinapatulan. Hindi naman kasi siya lumaking war
freak. Ayaw nga niya ng gulo. Hangga’t kayang idaan sa mabuting usapan ang
lahat ay doon siya.
It was just this kind of situation
ang ginusto niyang pasukin at sugalan. Patuloy siyang aasa at maghihintay
hangga’t hindi pa nakakasal ang dalawa. Ang plano ng mga
magulang ni Yuri at Lea, pagkatapos ng 18 months na kontrata ni Yuri sa Taiwan
ay magpapakasal na ang dalawa. For Yuri’s parents, his trip to Taiwan
is only a matter of self fulfillment kaya’t hinayaan muna siya ng mga ito and
they made an agreement that after this contract ay magpapakasal na siya sa alam
nilang nag-iisang girlfriend nito na
si Lea. They never knew her existence bilang totoong mahal ng kanilang panganay
na anak.
“PERO boss, baka pwedeng si Lhen na
lang ang kasama ko as representative ng department natin sa team building na
yon,” apila ni Henessy sa final decision ng kanyang boss. They were in their
weekly meeting at ang topic nila ngayon ay ang darating na team building ng
kanilang company. Each department must have two representatives. Sa kanilang
department. Sila Henessy at Jhon ang napili ni Boss Marvin. Ito ang inaangal ni
Henessy.
“It must be a boy and a girl,”
paliwanag ni Boss Marvin dito.
“Oh di kaya sir, wag nalang ako!
Bakit naman kasi ako ang napili niyo?”
“Actually, it’s a major choice.
Hindi lang ako ang nagdecide,” tumingin pa siya sa ibang mga tao na nasa loob
ng meeting room na iyon.
“Ay, grabe!” natapik na lamang ni
Henessy ang sariling noo. Without her own knowing ay siya, sila pala talaga ang
napili ng buong grupo. Kung bakit naman kasi umabsent siya kahapon. Hindi tuloy
siya nakapalag. She only have two choices, actually three.
Aatend siya. Disciplinary Action.
Resign.
Siyempre kailangang piliin ang una.
Hindi siya magpapatinag sa pesteng team building na iyan.
--------------------------------
For Henessy, it is a beautiful
place. Very close to nature. Ang problema nga lang niya, kasama at kakampi niya ang isang makulit na lalaki. He never leaves her side. Kahit saan siya
magpunta ay nakabuntot ito sa kanya.
“Pwede ba kahit ilang minuto lang
tantanan mo naman ako oh!” pakiusap niya sa binata. Gusto niya kasi sanang
mapag-isa muna ngayong idle time pa. Maagang natapos ang day 1 team building ng
araw na iyon at naghihintay nalang ang lahat for dinner. Then after dinner,
there will have an icebreaker game.
At ang balak niya, magpapahangin
muna siya mag-isa para makapag-isip isip about her current situation.
“Ayoko nga! I’m here to protect you,” sagot ni
Jhon sa kanya.
“ I don’t need it Jhon,”
“But I insist,”
“Bahala ka nga! I’ll never win!”
iniwan na nito si Jhon.
“San ka pupunta?”
“Sa kuwarto ko! Bakit sasama ka?”
“If you don’t mind!” pinasilay pa
ni Jhon ang isang pilyong ngiti.
“In your wildest dream!” sabay walk
out.
After dinner, the group had an
icebreaker in the middle of a camp fire. Each team will get a card from a box
and should answer it truthfully. They must have a united answer para madagdagan
ang kanilang points.
Kanina kasi sa first and second
round, nangulelat sila ni Jhon. Hindi maiwasan ni Henessy ang mailang sa kasama
kung kaya’t natalo sila sa dalawang game na kinailangan ng matinding teamwork.
“Kailangan nating bumawi. Para sa
department natin,” paalala ni Jhon sa kanya.
“Alam ko!” asik niya rito.
Pagkabunot sa card at pagkatapos
basahin ang nilalaman nun ay naghiwalay na sila going in opposite directions ni
Jhon upang sagutan sa magkahiwalay na papel ang tanong. They must have a united answer. They remind themselves.
GREATEST DESIRE IN LIFE.
Ito ang nabunot nila. Ano nga ba
ang greatest desire nila? Ano ba sa tingin niya ang magiging sagot ni Jhon?
Siyempre ang manalo sa team
building na ito in honor of their department.
Greatest desire? Ano nga ba ang
greatest desire niya bukod sa manalo sa game na ito?
“For the Merchandising Support department,
here is your question,” intro ng speaker.
“Greatest desire in life. Kayo
mismo ang magbasa ng sagot ng partner niyo,” utos nito sa dalawa.
“Aside from winning this game but
also to win the heart of the woman I love,” basa ni Henessy sa naging sagot ni
Jhon. She knows he is referring to her. Natouch naman siya sa isinagot nito. Mukhang
sincere talaga ito sa panliligaw sa kaniya. Kahit pa na ilang beses na niya
itong ti-nurn down.
“To win this game for our
department and to win the battle with the man I love,” sagot niya na binasa ni
Jhon sa harap ng lahat ng tao na nasa team building na iyon.
“Ayieehhh….”
“Ayun oh!”
“Nakanaks!”
“Kayo na!”
“Love team ng Makiling!”
“Go Merchandising Support!”
Pang-aasar sa kanila ng ibang
teams.
She never expects na magiging
parallel ang sagot nila, yung nasa last portion. Sa tingin ng ibang tao, they
were referring to each other. Pero alam ni Henessy ang katotohanan. It’s not
for Jhon but for Yuri.
“Kilig naman ako dun!” binangga pa
siya ni Jhon sa kaliwa nitong braso at ngumiti pa ng ubod tamis.
“Tseh! Hindi ikaw yun!” bulong
lamang iyon ngunit tumagos ito sa puso ng binata. And he was hurt.
Naguilty naman si Henessy when she
saw his eyes almost close to tears.
Chapter 8 – Fall out, fall in
“Huy Jhon! Galit ka ba sa akin?” habol
niya sa binata. Patungo ito sa kakahuyan. They won the two games for Day 2. Yun
nga lang, after every games at tuwing breaks ay hindi siya nito pinapansin.
“Bumalik ka na dun!” utos nito sa
kanya.
“Bakit ganyan ka? Ano bang problema
mo?” sumusunod pa rin siya kay Jhon.
“Wala akong problema, baka ikaw meron,”
sarkastiko nitong sagot sa kaniya.
“Ano ba?!”
“Now what?!” tumigil sa paglalakad
si Jhon at hinarap siya, “tinigilan na kita, ano pang gusto mo?!”
“Pero hindi ganito. Huwag mo naman
akong iwasan. Bakit ba hindi nalang tayo maging magkaibigan?”
“Hindi ako pwedeng maging simpleng
kaibigan mo lang Ness ! Mahal kita kaya hindi
ko kaya ang maging malapit sa’yo sa paraang kaibigan lang!”
“Please, Jhon. Huwag naman ganito,”
“Ano ba kasing meron sa lalaking iyon
at hindi mo siya magawang kalimutan?”
“Mahal ko siya,”
“Kung mahal ka rin niya, hindi niya
hahayaang maghirap ka ng ganyan sa sitwasyon niyo ngayon.”
“As if you know everything! Wala
kang pakialam sa buhay ko,” naluluha na niyang sabi kay Jhon.
“I care because I love you Ness ! Hindi pa ba malinaw sa’yo lahat yan?”
“Alam ko pero-….”
Hindi na siya nakapagsalita
sapagkat hinalikan na siya ni Jhon sa kanyang mga labi.
She was shocked. But she couldn’t
go against it. Gusto niya ang kasalukuyang nararamdaman.
Why does she have to feel this way?
Malinaw sa isip niya na may laman na ang puso niya at yun ay si Yuri, pero ano
to? She enjoys Jhon’s company. Kahit pa na madalas siyang buwisitin at asarin
nito, somehow ay napapasaya siya nito lalo na sa mga panahong namimiss niya si
Yuri. Jhon’s presence fills up Yuri’s absence. Sa kakenkoyan at kakulitan pa
lang nito ay buo na ang araw ni Henessy.
Ano nga ba talaga ang tunay niyang
nararamdaman.
Her mind is saying that this is
wrong. Enjoying other man’s company gayung may mahal na siyang iba.
But her heart is shouting that it
feels so much happiness with this man who’s kissing him right now.
“God, I love you so much Ness !” nasabi ni Jhon matapos ang mahabang sandali. Yakap
na niya ang dalaga.
She couldn’t understand her own
feelings. She felt that she is so much protected with this man, in his arms.
“Kung natuturuan lang ang puso
Jhon….” Makahulugan niyang sabi sa binata.
“Please let me do it. I wil help
you,”
“Baka masaktan ka lang lalo,
ayokong mangyari yon,”
“Ganun naman talaga sa pagmamahal
di ba? We always get hurt,”
“Balik na tayo sa camp. Madilim
na,” yaya na ni Henessy sa kasama.
“Okay,”
They went out of that forest
holding each other’s hands.
“NASAN na tayo?” tanong ni Henessy
kay Jhon. Pabalik na sana
sila sa camp site but they have lost their way. Wala ring signal ang mga
cellphone nila kaya hindi nila matawagan ang iba pang mga kasama. Dagdag pa ang
madilim na paligid.
Hawak ni Jhon ang kamay niya kaya’t
ramdam nito ang panginginig niya sanhi ng takot. She’s afraid of dark.
“Don’t worry, mahahanap natin ang
daan,” Jhon assured her.
“How?”
Jhon couldn’t answer her. Hindi rin
nito alam. Nawala ang pathways na dinaanan nila kanina papunta sa masukal na
gubat na iyon.
“Kung bakit naman kasi naisipan mong
pumunta dito,” paninisi niya sa binata.
“Ikaw rin naman kahapon, ah.”
“Pero wala naman akong balak lumayo
ng sobra,”
“Edi sana , hindi mo nalang ako sinundan dito para
at least nasa camp site ka pa rin ngayon,”
“Kinonsensiya mo naman ako dahil
ako ang dahilan ng paglayo mo at pagkaligaw,”
“Magsisisihan pa ba tayo?”
“Ikaw kasi eh!”
“So, sisihan talaga?”
“So, sisihan talaga?”
Long silence. Matagal silang
nagkatitigan at pagkatapos ay bigla nalang tumawa si Henessy, “weird!”
Pati si Jhon ay natawa na rin sa
itinatakbo ng mga pangyayari.
“Kaya mahal na mahal kita, eh. You
never fail to amaze me!” marahan pang pinisil ni Jhon ang matangos niyang ilong.
“I’ll take that as a compliment,”
“Wait!” may nakapa si Jhon sa
kanyang likurang bulsa. Isang wistle na ginamit nila sa isang game kanina.
“Ay sus! Sana kanina mo pa naisip yan!” komento ni
Henessy. Muli silang nagkatawanan…
It has been a very wonderful day
and also night for both of them.
“Goodnight, Ness .”
“Goodnight din Jhon. Thanks for
taking care of me,”
“Kaligayahan ko yon,”
Pumasok na sila sa kani-kanilang mga silid
upang magpahinga.
--------------------------------------
Chapter 9 – The Invitation
Mabilis na lumipas ang labing
walong buwan.
Pero hindi ang nararamdaman ni
Henessy para kay Yuri. Oo nga’t masaya siya sa tuwing kasama si Jhon ngunit
hindi pa rin nawawaglit sa isipan niya si Yuri.
Tuloy pa rin ang komunikasyon nila
sa mga nakalipas na buwan.
At ngayon nga ay pauwi na ito ng
bansa.
Dumating na ang araw na hindi niya
alam kung pinakahihintay ba ito o pinakakinatatakutan.
“Ness ,
may delivery daw for you,” imporma sa kanya ni Lhen.
“Sa akin?
“Hindi. Para sa akin!” pilosopong
sagot ni Lhen sa kanya, “Sa’yo nga di ba?”
“Sabi ko nga, para sa akin,”
tinanggap na niya ito mula rito. Late sila ni Jhon ng araw na iyon dahil
naflatan ito ng gulong.
Naging regular niyang service ang
kotse nito. Mula pagpasok hanggang pag-uwi.
Ang alam nga ng iba ay sila na
talaga pero alam nila ni Jhon ang totoo. They don’t want to rush things. Kaya’t
eto, they remain as friends. As in really really close. More than friends but
less than lovers. Ang hilig niya talaga sa kumplikadong relasyon.
Naging consistent na ang fb status
niya na It’s complicated, yun nga lang ay sa magkaibang tao.
She opened the mail. Galing itong Bacolod from Lea Navarro!
At mas lalo niyang ikinagulat ang nilalaman ng liham na iyon.
Navarro
–Cardova Nuptial.
Isang wedding invitation intended
just for her!
Ang kasal, bukas ng umaga sa Manila
Cathedral.
Totoo ba ito? Ikakasal na nga ba talaga si Yuri sa babaeng ito?
Paano na ang pangako nila sa isa’t
isa?
He promised that he will marry only
her! Her, as in Henessy Morales not Lea Navarro.
Bigla na lamang pumatak ang mga
luha niya sa hawak niyang invitation.
“Ness ,
paki check naman ng sales sa…… Are you okay?” nag-aalalang tanong dito ni Ice.
Dali-dali niyang pinawi ang mga
luha sa kanyang pisngi at itinago sa loob ng drawer ang invitation.
“Ha? Ano ulit yon?”
“Okay ka lang ba?”nag-aalala pa
ring tanong ni Ice sa kanya.
“O-oo. May naalala lang ako,” pagsisinungaling
nito.
“Are you sure?”
“Yupp,. Ano ulit yung ipapacheck
mo?”
Hindi pa rin kumbinsido si Ice
ngunit hinayaan na lamang niya ito, “yung sales ng store natin sa Metroville,”
“O-okay sige, e-mail ko sa’yo,” hinarap
na ni Henessy ang computer na may kahungkagang nararamdaman. She keep on her
mind na hindi dapat maapektuhan ang trabaho niya.
Bago bumalik si Ice sa puwesto niya
ay pasimple niyang siniko si Jhon, “kausapin mo yon, may problema yata.”
“Napansin ko nga eh. Sige later,”
sagot nito.
Lunchbreak.
Kasabay niyang kumain ang mga
maiingay na kadepartment pero mas pinili niya ang manahimik na lang.
“Baka mapanis yung laway mo,”
pansin sa kanya ni Jhon.
“May iniisip lang ako,”
“Siya na naman,”
She couldn’t lie. Marahan siyang
tumango.
“Bakit?” tanong ulit nito.
Kibit balikat naman ang isinagot
niya rito. Mas gusto niyang solohin muna ang nararamdaman.
“Sabihin mo na. Baka sa iba pa
lumabas yan,” pangungulit pa rin sa kanya ni Jhon.
“He’s getting married,” sagot niya.
Kinibit ni Jhon ang malapad niyang
balikat, “So?” halos walang ka effort effort niyang sagot.
“Anong So? Bukas na,”
“Ano naman?”
“Hay nako. Wala kang sense kausap,”
“Move on. Hayaan mo na siya,”
“You know I can’t,”
“Hanggang ngayon ba, siya pa rin?”
Marahang tumango si Henessy. She
can’t lie to this man. Kung may tinuro man itong isang bagay sa kanya, yun ay
ang pagpapakatotoo sa sarili.
“Hindi pala ako magaling na
teacher. Kasi hindi kita maturuang kalimutan siya,”
“It’s not about you, Jhon. Alam
mong may unfinished business kami,”
“Whatever,”
“Jhon…”
“Okay lang. Naiintindihan kita.
Siguro nga, hindi talaga madaling turuan ang puso lalo pa’t may laman na itong
iba. Lesson learned.”
“I’m sorry Jhon,”
Muli nitong kinibit ang mga
balikat, “Ano, pupunta ka ba bukas?” pag-iiba nito sa usapan.
“I don’t know. Hindi pa kami
nag-uusap and he never told me na tuloy pala ang kasal nila. I thought…”
“Makakagawa na siya ng paraan para
makatakas sa usapan ng mga magulang nila?” agaw nito sa iba pang sasabihin ni
Henessy.
Muli siyang tumango.
“Tara
punta tayo!” yaya nito sa kanya.
Maang siyang napatingin sa guwapong
mukha ng kausap, “Okay ka lang?”
“Oo naman! Ano, tara?”
“Isa lang ang invitation, hindi ka
kasama,”
“Wala kang driver,”
“Kaya ko mag-taxi,”
“Mahal na ang flag down rate,”
“Afford ko pa, don’t worry,”
“Tseh!” inirap pa ni Jhon ang
maamong mga mata.
“Bading,” she managed to smile.
“Sana nga naging bading nalang ako para hindi
kita nagustuhan, the worst minahal,”
“Ehemm…”
“Joke lang! Tara
labas na tayo ng cafeteria,” yaya nito sa kanya.
Silang dalawa na lang pala ang
natira sa mesang iyon. Iniwan na sila ng mababait nilang mga kasabay sa
pagkain.
---------------------------------
Chapter 10 – Her Groom
Saturday. Manila Cathedral
“Ano, tutuloy pa ba tayo sa loob?”
untag ni Jhon sa nakatulalang si Henessy. Nakatitig lamang ito sa kawalan.
Lumipas ang mahabang sandali na
nakatulala lamang si Henessy. She couldn’t feel anything. She also couldn’t
think straight.
Hinawakan ni Jhon ang magkabila
niyang pisngi, “pag ikaw hindi pa tumigil sa pagdidaydreaming, hahalikan na
kita,” banta nito.
Inalis nito ang mga kamay ni Jhon
sa kanyang mukha, “dapat bang nandito ako?” tanong nito sa kanya. Pero parang
mas ramdam niyang tanong niya ito sa kanyang sarili.
“Halika na. Baka sakaling magising
ka sa mahabang pagkakatulog mo sa katangahan kapag nasaksihan mo ang kasal
nila,” nauna ng bumaba ng kotse si Jhon, umibis sa kanan at inalalayan si
Henessy bumaba.
Hindi siya makatanggi although
hindi rin naman siya sang-ayon sa suhestiyon nito.
Ang sakit sa loob na makitang
ikinakasal sa ibang tao ang taong mahal mo. Parang unti unting sinasaksak ng
pinong pino ang puso ni Henessy sa nasasaksihan. After the groom, walks down
the aisle then the other sponsors and finally her very lovely bride. Na sa
kasamaang palad ay hindi siya.
Bagay na bagay ang bride sa kanyang
groom. Na supposed to be ay Kanyang
groom.
Ang kanyang groom na hindi siya
nagawang ipaglaban. Ang groom na duwag, walang buto, two-timer ika nga ng mga
kaibigan niya, groom na minahal niya ng buong puso.
Si Yuri na pinangarap niyang maging
groom, ngayon ay groom na ng iba.
She couldn’t stand the pain any
more. Tumakbo na siyang palabas ng simbahan bago pa man magsimulang magsalita
ang pari.
Sinundan siya ni Jhon. She doesn’t
know where to go. Basta’s lakad lang siya ng lakad. Wala siyang pakialam sa mga
taong nakakasalubong niya, kahit na napapatingin ito sa kanya dahil sa pag-iyak
niya.
“Ness ,
hindi diyan ang parking lot. Dun nakapark ang kotse ko,” turo nito sa kabilang
dulo ng kalye.
“Get me out of here,” utos niya sa
binata.
Jhon grabbed her hand at tumungo na
sila kung saan nakapark ang kotse nito.
“San mo gustong pumunta?” tanong sa
kanya ni Jhon.
“Anywhere basta malayo dito,”
“K,”
Meanwhile….
“I’m sorry Lea but I can’t do this.
Alam mong iba ang mahal ko,”
“Please Yuri, huwag mong gawin sa
akin ‘to,” pagmamakaawa ni Lea sa kanyang groom.
“Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba ang
babaeng ito bilang iyong kabiyak sa hirap man o sa ginhawa, sa sakit at
kalusugan, sa lungkot at ligaya?” muling tanong ng pari kay Yuri sa ikalawang
pagkakataon. Nagkakaroon na rin ng komosyon sa loob ng simbahan dahil sa hindi
niya pagsagot sa itinatanong ng pari.
“Yuri, please…” naluluha ng
pagmamakaawa ni Lea kay Yuri.
“I’m sorry, Lei…” and the groom
runaway from his bride. Hindi na niya pinakinggan si Lea na isinisigaw ang
pangalan niya.
-----------------------------
Chapter 11 – Moved On
Laiya,
Batangas
“Miss, gising na. Andito na po
tayo,” gising ni Jhon sa nakatulog ng si Henessy.
“Asan na tayo?” humikab pa ito.
“Sa puso mo,”birong sagot ng binata
sa kanya.
“Mukha mo! Hindi nga?”
“Sa private resort ng pamilya ko,”
Bumaba na ng kotse si Henessy at
tinungo ang malawak na dagat.
Thanks to Jhon dahil sa mga
sandaling ito, nakaramdam siya ng kapayapaan ng isip.
Just to see the sun reflecting at
the sea’s surface make her feel at ease.
Lalo pang nadagdagan ang sarap ng
pakiramdam niya when Jhon wrapped his arms around hers.
“Thanks for bringing me here, for
always being at my side. I appreciate it a lot,” sinsero niyang pasasalamat sa
binata.
“By all means. Ginagawa ko naman lahat
ng ito dahil mahal kita and I’m not asking for any return,”
“Salamat talaga Jhon,” muling
tumulo ang mga luha niya.
“Stop crying, it hurts me a lot as
well,” pag-aalo sa kanya ni Jhon.
Mapait siyang ngumiti. Maybe it’s
really time to let go. Jhon was right, kailangan niya lang masaksihan ang
pinakatatakutan niyang sandali at magigising na siya mula sa mahabang
pagkakatulog.
“I have to move on,” deklarasyon
niya.
“Dapat noon pa,” at mas lalo pa
nitong hinigpitan ang pagkakayakap kay Henessy, “I will give you all the time
you need,”
“Salamat,”
“So, ilang taon mo balak pumirmi
dito?” birong tanong sa kanya ni Jhon.
“Taon talaga?”
“Ikaw bahala ka. Welcome ka naman
dito sa resort ko and this is very private,”
“I don’t know, only time can tell,”
“Okay,. Tara
kain na tayo ng lunch. It’s been a very great morning.”
“Sana seafoods,” request pa nito.
“Naman! Madami dito nun! Magsasawa
ka,”
Masaya siyang sumama kay Jhon sa
loob ng rest house upang mananghalian.
--------------------------------------
Halos mabaliw si Yuri kakahanap kay
Henessy.
Wala ito sa tahanan nila at hindi
rin alam ng ina ni Henessy kung nasaan ito. Pati ang ilang malalapit na
kaibigan ng dalaga ay sinubukan rin niyang tanungin ngunit walang nakakaalam
kung nasaan ito.
“Please, tita, let me know kung
nasaan siya. Call me as soon as possible po,” kausap ni Yuri ang ina ni
Henessy.
“Ano bang nangyayari, Yuri?”
naguguluhan nitong tanong.
“It’s a long story po, tita, basta
po, let me know kung tumawag o dumating na si Henessy,”
“Okay sige, iho.”
Nagpaalam na ito sa matanda.
----------------------------------------
Henessy filed a one month leave.
Siguro naman sapat na ang tatlumpung araw para makapag isip isip siya at
makamove on na ng tuluyan. Nakausap na rin niya ang kanyang ina ngunit hindi
niya sinabi rito kung nasaan siya.
Nagriring na telepono sa tabi niya
ang pumukaw sa lumulutang na naman niyang diwa. Kasalukuyan siyang nasa sala ng
bahay at nanonood ng dvd, kahit pa nagpa flash ang mga eksena sa harapan niya
ay wala naman dun ang isip niya.
“Hello,”
“Kamusta diyan?” bungad ni Jhon sa
kabilang linya.
“Okay naman, eto resort pa rin,”
“Very good,”
“Eh diyan sa office, kamusta?”
balik tanong niya rito.
“Eto office pa rin,”
“Magaling!”
“Mana lang sa’yo,”
“Mukha mo!” natatawa niyang bara sa
kausap.
“Wanna tell you something,” biglang
pagseryoso ng tono ni Jhon.
“Ano yon? Kinabahan naman ako
bigla,”
“Yuri is coming here every now and
then. Nagtatanong kung nasaan ka,” imporma nito.
Almost two weeks na siyang nasa
resort na iyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kinakausap si Yuri dahil
wala naman na siyang balak.
“Anong sabi niyo? Ano pang gusto
niya? May asawa na siya ah.”
“Wala naman silang alam kung nasaan
ka,”
“Eh ikaw, anong sabi mo sa kanya?”
“I didn’t talk to him. Baka masapak
ko lang siya,”
“Huwag!”
“Aww.. Affected pa din?”
Biglang naguilty si Henessy sa
huling sinabi.
“I mean, huwag mo na siyang
patulan, ayaw kong masaktan ka ng dahil sa akin,”
“FYI, matagal na po akong
nasasaktan simula ng mahalin kita. Gasino ba naman yung kamao niya? At least
naiganti kita.”
“Jhon Alvarez!”
“Sabi ko nga, behave.”
“Good. Just continue ignoring him.
Pasasaan ba’t magsasawa rin yan.”
“Sana soon,”
“Pray harder,”
“I know right,” pinabakla pa nito
ang boses dahilan para matawa si Henessy.
“Bading!” natatawa pa ring asar ni
Henessy sa kausap.
This guy really knows how to make
her laugh.
“Mas bagay sa’yo ang nakatawa.
Kahit hindi kita nakikita, at least nararamdaman ko na okay ka without him,”
muling pagseryoso ng tinig ni Jhon. Ramdam ni Henessy ang sinseridad nito.
“Yeah. I’m better off without him.
Thanks to you,”
“You’re always welcome,”
“Oh sige na, magtrabaho ka na
diyan. Ikumusta mo nalang ako sa kanila diyan,”
“Edi malalaman nila na alam ko kung
nasaan ka,”
“Hui! Jhon! Si Ness ba yang kausap
mo?! Pakausap nga!” singit ni Ice.
Hindi naman ibinigay ni Jhon ang
telepono dito.
“Ano ka ba Icey! Nanay ko to!”
“Nanay ka diyan!? Akin na yan!”
walang nagawa si Jhon dahil tuluyan na itong naagaw ni Ice.
“Hoy, bakla! Yung jowa mong hilaw,
halos araw-araw nandito. Hinahanap ka! Saang lupalop ng earth ka na ba, ha?!”
tuloy tuloy nitong sermon sa kanya.
She chose to be silent at lihim na
natatawa. Namiss niya ang kaibigan. Iilan lang ang mga kaibigan niya but at
least she knows na totoo ang mga ito sa kanya.
“Hello?! Hello?!! Magsalita ka
kaya!” pangungulit pa rin ni Ice.
Eksaktong dumaan ang kasambahay ng
pamilya ni Jhon na si Aling Belen. Agad niyang inabot rito ang telepono.
“Aling Belen, sabihin mo po, Jhon
anak…” bulong niya sa matanda.
“Hello, Jhon anak?” bungad ni Aling
Belen.
“Ay, sorry po tita…” ibinalik na ni
Ice ang telepono kay Jhon.
“I told you! Kulit mo kasi eh,”
natatawang bawi ni Jhon sa telepono. Mukhang alam na niya kung ano ang
nangyari, “Hello, ma!”
“Jhon, Aling Belen to,”
“Yeah, I know! Ingat ka diyan
palagi ha! I love you, Ma!”
“Te-teka lang, kakausapin ka pa daw
ni Henessy,” ibinalik na ng matanda ang telepono kay Henessy.
Hindi na napigilan ni Henessy ang
mapabunghalit ng tawa. Pati si Jhon ay natawa rin.
“Oh sige na. Ang sakit na ng tiyan
ko kakatawa. Babye na!” paalam na ni Henessy sa kausap.
“Okay sige,Ma! Babye. Ingat ka po
diyan, I love you!”
“Mukha mo, I love you!”
Chapter 12 – The Battle of the Hearts
Working hours were done.
Alam ni Jhon na may pares na naman
ng mga matang nakatingin sa kanya. Pero sabi nga ni Henessy, just continue to
ignore him.
Papasok na sana siya sa loob ng kanyang kotse ng
maramdamang nasa likod na naman niya ito.
“Pre, I know you know something.
Nararamdaman kong alam mo kung nasaan siya” pamatay nitong bungad sa kanya.
“How many times do I have to tell
you, hindi ko alam,” mahinahon niya pang sagot sa kausap.
“Alam mong hindi ako naniniwala,”
Yuri insisted.
“Wala akong pakialam kung hindi ka
man naniniwala. I have to go,” binuksan na nito ang pintuan ng kanyang kotse
ngunit pinilit itong isara ni Yuri.
“Ano ba?! I have to go!” Dahil
weekend yon ay dederecho siya ng Batangas.
“And you’re going to her!” medyo
mataas na ang boses ni Yuri.
“It’s none of your business!” asik
naman niya rito.
Ramdam na ang tensiyon sa paligid.
Konti na lang ay mauubos na ang pasensiya ni Jhon. Pasensiyoso naman siyang tao
yun nga lang ay sobra na siyang nakukulitan sa lalaking kausap.
“It’s my business, pare! Mahal ko
si Henessy! I have to fight for her!”
Hindi na napigilan pa ni Jhon ang
sariling temper. Sinapak nito sa mukha si Yuri.
Nang makabawi mula sa pagkakagulat,
gumanti naman ng sapak si Yuri. Tinamaan rin siya sa kaliwang pisngi.
“Kung talagang mahal mo siya, sana hindi mo siya
sinaktan! At anong kalokohan pa ang pinagsasabi mo?! Kasal ka na, bullshit ka!
At nasaksihan ni Henessy yon! Tigilan mo
na siya!”
May dalawang security guards ang nagmamadaling
lumapit at umawat na sa kanila.
“I never got married. I backed
out,” imporma ni Yuri.
Si Jhon naman ang natigilan. Hindi
nila alam ni Henessy na umatras pala ito sa kasal.
Kunsabagay, hindi na nila naabutan
pang magsalita ang pari ng araw na iyon at umalis na sila ng simbahan.
“Please pare, I need to talk to
her,” pagmamakaawa ni Yuri.
“Sir, umalis na po kayo rito. Hindi
na ho namin kayo papasukin ng company compound ulit kung gulo lang pala ang
hanap niyo.” pagtataboy ng guard kay Yuri.
“Please Jhon, maawa ka. Gusto ko
siyang makausap. I have to explain everything to her.”
“Sir, umalis na lang kayo,” patuloy
na pagtataboy ng guard kay Yuri.
“Let him go, manong… Ako na pong
bahala sa kanya,” Yuri declared.
“Sigurado po kayo Sir Jhon,”
“Yeah, ako ng bahala rito.
Pasensiya na kayo sa amin….”
“Salamat pare,”
“I’m tired. Magkita tayo bukas ng
alas sais ng
umaga,” sumakay na ng sariling kotse si Jhon.
-----------------------------
They were on their way to Batangas
at pasahero ni Jhon si Yuri.
“Bakit ka umatras?” tanong nito sa
sakay.
“Dahil mahal ko siya,” maikling
tugon ni Yuri sa kanyang tanong.
“Sino? Si Henessy o si Lea o ang
sarili mo lang?”
“Look pare, ayokong makipag-away.
Ang gusto ko lang ay makausap si Henessy. That’s all,”
“You don’t want him back?”
“Of course, I do. Mahal ko siya,”
“Kung mahal mo siya, bakit mo siya
hinayaang magdusa for a thing she doesn’t deserve?”
“Naipit lang ako pare, hindi ko
alam na nakaset na pala ang kasal,”
“Bakit hindi mo siya nagawang
ipaglaban at ipakilala sa mga magulang mo?”
Matagal na hindi nakasagot si Yuri.
“That’s why I’m here. Handa na akong
ipaglaban siya,” Yuri declared.
“Don’t you think it’s already too
late?”
Hindi ito sinagot ni Yuri bagkus ay
nagbalik ng isang makahulugang tanong kay Jhon, “You love her, don’t you?” for
Yuri, it’s just a hunch.
“If I say yes, would you believe?”
“Yeah. Ramdam ko naman eh,”
Nanaig ang mahabang katahimikan sa
pagitan nila.
Hanggang sa makarating sila ng
resort ay wala silang imikan.
“We’re here. I just have to talk to
her first baka magalit siya sa akin kapag nalaman niyang isinama kita rito. At
least naipagtanggol ko ang sarili ko before anything else,”
“Salamat pare. For taking care of
her,”
“Hindi mo kailangang magpasalamat,”
Tumalikod na si Jhon at patungo na sa lugar kung saan madalas magpunta si
Henessy.
(A/N: I made two endings for this.
Pasensya naman. Nagtatalo kasi kami nung bida kung sino ba talaga ang dapat niyang makatuluyan. Kaya ayan. Harher!)
No comments:
Post a Comment