Saturday, October 5, 2013

First Love, first heartbreak

First Love, first heartbreak

Gracey and Devon were classmates. Nasa ika-apat na silang taon sa highschool.  They started as best of friends, and then eventually niligawan siya ni Devon at naging sila na nga later on.  First boyfriend niya si Devon kaya’t sobra niyang minahal ito. Tumaas pa nga ang mga grades niya dahil sobrang na inspire siya sa pag-aaral. She was always happy tuwing kasama ito, katext o ka chat man lang.
Just like any other couples, palagi silang away at bati.
“Magka-away na naman kayo noh?” tanong sa kanya ng bestfriend niyang si Joy.
“Oo. Si Devon kasi eh, hindi lang ako nakareply kaagad kagabi, nagalit na. Hindi na niya ako pinapansin simula pa kaninang pagpasok natin,” malungkot niyang kuwento sa kaibigan.
“Nag –sorry ka na ba?”
“Oo. Kanina pa. Pero parang wala naman yata siyang balak makipag-ayos,”
“Hayaan mo nalang muna, baka galit pa. Don’t worry, lilipas din iyon. Makikipagbati rin iyan,”
“Sana nga…”
Lumipas ang isang linggo ngunit hindi pa rin siya pinapansin ni Devon. Ilang beses na niyang sinubukan kausapin ito ngunit lagi pa rin itong umiiwas. Kahit pa na magkaklase sila ay hindi na sila nagpapansinan.
Hanggang sa isang araw.
“Gracey, totoo bang break na kayo?” tanong sa kanya ng isa niyang kaklase.
“Huh? Hindi ah! Magkaaway lang kami pero hindi pa kami break. Sinong nagsabi sa’yo?” takang tanong nito sa kausap.
“Wala naman. Sabi kasi ni Renan, nagkuwentuhan daw sila ni Devon kahapon at ang sabi nito, mahal pa din daw ni Sherly,” tukoy nito sa ex girlfriend ni Devon.
“Pero last year pa sila nag-break ah. At wala naman siyang sinasabi sa aking ganyan,” sagot ni Gracey na mukhang maiiyak na.
“Sorry friend pero mas mabuti pa kung huwag ka nalang umasa na magkaka-ayos pa kayo, baka masaktan ka lang lalo. It’s better to expect the worse nalang.” Payo nito sa kaklase.
“Salamat Jen, pero kasi mahal na mahal ko siya. Kahit pa na hindi kami nagpapansinan, palagi ko pa rin siyang naiisip,”
“I know ,right?”
Sabay pa silang nagkatawanan magkaibigan.
Lumipas ang dalawang buwan, hindi pa rin sila nagkaka-ayos. Parang napakalayo ng distansiya nilang dalawa na kung tutuusin ay isang dipa lang naman. Ang payo sa kanya ng mga kaibigan niya ay siya na mismo ang makipaghiwalay para lang magkaroon ng formality o closure ang relasyon nila. Pero she keep on insisting na mahal pa rin niya si Devon kaya’t hindi siya susuko o mawawalan ng pag-asa. Someday, lalapit rin ito sa kanya at makikipagbati.
But she was wrong. Until one day, bigla nalang siyang nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan at kausapin ito.
“Dev, for the last time, pwede ba tayong mag-usap?” tanong niya rito.
Lumabas siya ng classroom at sumunod naman ito sa kanya. They talked on a fire exit.
“I give up. Ayoko na Dev. Sobra na akong nasasaktan. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong umasa na magkaka-ayos pa tayo o hindi na. Everyone in the class, assuming na break na tayo, pero hindi ko alam kung tatanggapin at paniniwalaan ko nalang din iyon,” hindi na napigilan ni Gracey ang pag-iyak.
“Sorry, Gracey. Pero kasi, narealize ko na si Sherly pa din pala ang mahal ko,” sagot nito sa kanya.
“Bakit hindi mo sinabi kaagad? Pinagmukha mo akong tanga!”
“Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa’yo. Sa paraang hindi ka masasaktan. Kaya pinalipas ko nalang. Hoping na pati yung pagmamahal mo sa akin, lumipas na rin..” dagdag paliwanag nito.
“You know that’s shit! Mahal na mahal kita, Dev! Hindi basta basta mawawala iyon,”
“Sorry talaga Grace…”
“Sayang ang friendship natin. Sana naging mag best friend nalang tayo..” lumakad na ito palayo mula sa lalaking sobrang minahal. Bumalik siya ng classroom at tahimik na umiyak sa sariling upuan.
She never thought that her first love would end like this. Ang dami niyang inimagine na future nilang dalawa. Sabay silang mag-ka college sa parehong school. She would take-up Management at Fine Arts naman ang kay Devon. Pagkagraduate ng college, sabay na maghahanap ng trabaho. Mag-iipon and eventually magpapakasal. She wanted Devon to be her first and last love.
But now, she realized that her first love doesn’t have to be her last love. She just moved-on and she just woke-up from dreaming a fantasy life with Devon.
They were not meant to be. Her first love, her first heartbreak.


No comments:

Post a Comment