(Roxon and Neymi)
It’s not bad to fall
for a friend….especially to your best friend.. Sana nga..
“Si
Verna, Joharra, Juvy at Michelle.” sagot ni
Roxon sa mga kaibigan. Kasalukuyan silang naglalaro ng truth or
consequence sa ilalim ng lilim ng puno kung saan sila madalas tumambay
magkakaklase tuwing lunch break o di kaya pag walang klase.
“Eh yung
panglima?” hirit pang tanong ni Jovey. “’Di ba sabi mo lima yung crush mo sa room?” Dalawang buwan
pa lang silang nagkakasama magkakaklase. Pero simula palang ng pasukan silang
anim na ang naging mga close. Si Roxon, Neymi, Verna, Joharra, Jovey at Rowan.
Taon taon nirereshuffle ang mga estudyante kaya taon taon din bago ang mga
kaklase. Mabilis nilang nakagaaanan ng loob ang isa’t isa dahil magkakakilala
na sila sa mukha noon. Nasa huling taon na sila sa high school.
“Sa akin nalang
yon. O Neymi ikaw na!” pag-iiba ng usapan ni Roxon at ibinaling na kay Neymi
ang usapan. Ito ang pinakamalapit sa kanya. Unang beses pa lang na nagkakuwentuhan
ang mga ito, halos nasabi na niya lahat ang tungkol sa buhay niya. Muntik pa
silang mapalabas ng class adviser nila dahil nahuli silang hindi nakikinig
habang nagkaklase ito.
“Ang daya mo
frenship! Hindi mo sinabi yung panglima! Dapat tapusin mo muna ang sagot mo.”
Tutol ni Neymi sa sinabi ng kaibigan.
“Hayaan mo na.
At least nasagot naman niya eh.” Sabad ni Verna, “Uy Roxon, thanks ha. Crush mo
pala ako. Nakakaflattered naman. Dali, tanungin mo na si Neymi.”
“Sige.
Uhmmm…Frenship, Kelan ka magboboyfriend?” tanong ni Roxon dito.
“Oo nga. Daming
nanliligaw sa’yo. Pero wala ka namang sinasagot.” Dagdag ni Jovey.
“Eh ayoko pa
nga. Masaya naman ako na kayo ang palagi kong kasama. Tsaka natatakot ako
magboyfriend. Aware naman kayo na uso ngayon ang teenage pregnancy. Ayokong
madisappoint ang parents ko. Gusto kong makagraduate ng highschool noh pati na
rin ng college.” Mahabang tugon nito.
“Grabe. Ang layo
na ng narating mo Neym. Pregnancy kaagad. Ang tanong lang naman kung kelan.”
Natatawang turan ni Joharra.
“Wala namang
problema kung magkaboyfriend ka eh. Babantayan kita lagi para walang magawa
sayo na hindi maganda ang magiging boyfriend mo frenship.” Pinakita pa ni Roxon
ang braso na may muscle sa mga kaibigan.
“Ewan ko sayo
Roxon! Anyway salamat sa concern. Pero don’t worry, kaya ko ang sarili ko. Kaya nga hindi muna ako
magboboyfriend eh para iwas na rin. Tsaka bata pa naman tayo.” Sabay akbay nito
sa kaibigang lalaki.
“Bakit kaya
hindi nalang kayo noh?” si Rowan. “Pareho naman kayong single. Oo tama! Kayo
nalang!”
“Oyy…” halos
sabay sabay na tugon ng iba.
“Tumigil nga
kayo! Friendship nga di ba? Kayo talaga.” Saway ni Neymi sa mga kaibigan.
“Siguro si Neymi
yung panglima mong crush noh?” kiniliti pa ni Verna sa tagiliran si Roxon. “Ano
ha? Aamin na yan?”
“Secret. Tara na. Physics na natin!” yaya ni Roxon sa mga kasama.
Hinila na nito si Neymi.
“Galing talaga
sumegway!” tawanan na naman ang magkakaibigan sa sinabi ni Rowan.
-O-
“Frenship,
paturo naman sa Trigo. Hindi ko magets eh. Parang ang gulo ng formula.” Lumapit
si Roxon sa kaibigan na kasalukuyang nagrereview para sa kanilang first
periodical exam.
“Ganito lang yan
oh.” Pinakita ni Neymi kung paano nasolve ang problem.
“Ganun lang pala
yon. Thanks ha! Bakit ganun pag ikaw ang nagturo sa akin parang ang dali lang
pero pag si Ms. Mitch ang hirap magets.”
“Paano ba naman
kasi puro ka drowing.”
“Eh yun na nga
eh. Nagdodrowing nalang ako pag di ko maintindihan.”
“Hay nako
Frenship. Ewan ko sa’yo.”
“Labas tayo
mamaya nila Verna. Maaga naman uwian eh.”
“San ang lakad?”
“Kina Rowan daw.
Food trip lang.”
“Okay. Magtitext
na lang ako kay Mama. Alam niya kasi na maaga ang uwi natin ngayon.”
-0-
“Ano gusto
niyong kainin?” tanong ni Rowan sa mga kasama ng marating nila ang bahay nito.
“Pancit canton
nalang.” Sagot ni Verna.
“Sige. Oh,
ambagan na. Nakakahiya naman kay Rowan.” Parinig ni Jovey sa mga kasama.
“Sige lang.
Sagot ko na nga venue eh.” “Bili lang kami ha!” Nauna ng lumabas si Rowan
kasama si Johara.
“Frenship, baka
kagatin ka niyan ha.” Birong-babala ni Roxon kay Neymi.
“Hindi noh.
Mabait naman siya eh.” Sagot nito na nakatuon ang pansin sa alagang rabbit ni
Rowan. “Ang cute-cute niya.”
“Cute lang! Pag
cute-cute, ako na yon eh.”
“Kapal ha. Ikaw
na! Ikaw ng cute!”
Tawa lang
ang sinagot ni Roxon at kiniliti si
Neymi.
Nabitiwan tuloy
nito ang rabbit at tumalon ito palayo sa kanya. Sa inis ay hinampas nito sa
balikat ang kaibigan.
“Yan tuloy,
umalis si Bun-Bun.” Nakalabing turan ni Neymi. Nakatanaw nalang sa rabbit na
pumunta kay Jovey.
“Okay lang yun.
Nakakaselos na eh.” Natatawa pa rin nitong sagot kay Neymi.
“ Siya na lang
kasi alagaan mo.” Sabat ni Jovey sa kulitan ng dalawa.
“May nanay naman
siya. Bakit ako pa?” pagdadahilan ni Neymi. “Hindi naman siya kasing cute ni
Bun-Bun para alagaan ko noh.” Inirapan pa nito ang kaibigan.
“Okay lang kasi
ang gwapo ko naman para maging rabbit lang.” Tuloy pa rin sa asaran ang dalawa.
“Tseh!”
“Ang sweet niyo
talaga.” Kinuha ni Jovey ang cellphone at akmang pipicturan ang dalawa, “Bakit
ba kasi hindi nalang kayo eh. Magtapatan na nga kayo!”
Napatigil ang
dalawa sa pagkukulitan at nagtatakang napatingin ito kay Jovey.
“Say cheese!”
sabay click ng shutter mula sa cellphone ni Jovey.
“Anong
ipagtatapat?” unang nagsalita si Neymi. Tumingin ito pareho kay Jovey at Roxon.
“O-Oo nga. Anong
ipagtatapat?” sagot naman ni Roxon.
“Ewan ko sa
inyong dalawa.” Lumabas na si Jovey upang isoli ang rabbit sa kulungan nito.
Dumating na rin
sila Rowan, Verna, at Joharra.
“Okay lang kayo?
Luto lang ako ha. Kasi nakakahiya naman sa akin, di ba Jovey?” Tango lang ang
naging tugon ni Jovey . Dumerecho na si Rowan sa kusina.
-O-
Pagkatapos
nilang kumain, nagyaya si Jovey na maglaro ulit sila ng Truth or Consequence.
“Paborito mo yan
noh? Ayaw namang umamin ni Rowan eh. Huwag mo na kasing pilitin.” Pambabara ni
Roxon sa suhestiyon niya.
“Sus. Puro iwas
ka lang kasi.” Sagot ni Jovey dito at kinuha na ang isang bote ng 8 oz, “Game!
Ako unang magtatanong ha!.” Pinaikot na nito ang bote. Ang buwena mano, si
Neymi. “Ang daya naman Jove! Ako talaga.”
“Paanong madaya?
Sino? Yung bote?”sagot nito, “Ito na tanong ko...”
“Teka lang!”
pigil ni Neymi sa itatanong ng kaibigan. “Truth kaagad? Hindi ba pwedeng mamili
kung truth or consequence muna?”
“Ganito na lang,
pag hindi kayang sagutin yung truth, tsaka ka nalang mag consequence.”
Suhestiyon ni Verna.
“Ito na tanong
ko Neym, Bakit ayaw mo pang umamin?” tumingin ito ng derecho kay Neymi, “Kaya
ba wala kang sinasagot sa mga nanliligaw saýo ay dahil sa hinihintay mo si
Roxon?” Puro kantiyaw na naman ang inabot nila sa mga kaibigan.
“Kayo talaga!”
mahina nitong sinabunutan si Jovey at may binulong. Nangingiti nalang si Jovey
habang umiiling.
“Ayoko pa nga
talaga magboyfriend. Kulit niyo talaga. Yan nalang yung palagi niyong
tinatanong sa akin.”
“Ano yung
binulong mo kay Jovey?” si Rowan.
“Sorry. Isang
beses lang pwede magtanong. Turn ko na para mag spin.”
-O-
Pag-uwi niya ng
bahay,tumunog ang cellphone niya tanda na may nagtext. Natuwa si Neymi nang
malamang si Roxon ang nagtext.
“Frenxip, hauz
kna?” tanong nito.
“Yup. Kw?”
“Ngllakad pa lng
sa street
namin.”
“Ah ok.”
“Daya mo kanina
ha.”
“Bkt?”
“ung binulong mo
ky Jovey.”
“Ah.. yun b? Wla
un.”
“Wla lng pla,
bkt nid pang ibulong?”
“Girl thing.
Babae kb?”
“Edi hindi na.”
-O-
“Frenship, pahiram
ng workbook mo sa Physics,” lumapit si Roxon sa kaibigan na kasalukuyang
nakikipag daldalan kay Jovey sa tapat ng pintuan ng classroom nila. Natigil sa
pag-uusap ang dalawa.
“Nasa bag Rox.
Pakikuha nalang.”
“Kelangan talaga
diyan kayo nakatambay?”
“Pakelam mo ba?
Absent naman si Mrs. Montez ha.” Si Jovey ang sumagot.
Tumalima naman si Roxon at kinuha nga ang
workbook sa bag ni Neymi at bumalik na siya sa upuan niya. Sa mismong pahina
kung saan mayroon silang assignment ay may maliit na papel na nakatupi. Out of
curiousity, binuksan niya ito at binasa.
Frenxip
,
Kumusta? Habang sinusulat ko ang letter na
ito, kasalukuyang ikaw ang nasa isip ko.
Ewan ko ba kung bakit for the past three
months na naging mag classmate tayo, sayo ako sobrang napalapit. I tried to
move away pero lapit ka ng lapit eh. Lalo lang tuloy akong nahuhulog sa’yo.
Yes, you have red it right. Maybe I’m really falling for you na. I don’t know
if this is really love. Hindi pa naman ako naiinlove eh. Crush oo. Madami rin
akong crush tulad mo and unfortunately isa ka doon. Kaya nga ako lumapit sa’yo
nung 2nd day of school eh. Kasi gusto kitang makilala ng lubos.
Nagulat nalang ako ng ikuwento mo na sa akin ang buong buhay mo and then after that naging close na tayo. Sabay
kumakain at umuuwi. Magkasama sa galaan at lagi pang natataon na magka
groupmate tayo. Is this fate? I don’t know but one thing is for sure, you are
my true friend. Lagi mo akong pinoprotektahan at inaalagaan. Kaya ayokong mag
boyfriend eh kasi ayokong malayo sa’yo syempre mahahati na ang atensiyon ko.
Kung magiging tayo naman, ayoko ring masira ang friendship natin kapag nag
break tayo. Kaya nga I’m waiting for the right time, yung maging matured na
tayo. To handle a relationship well. At 15, mukhang hindi pa tayo ready para
doon. Hay,bakit ba ako nag aasume na ganun din ang feelings mo katulad ng sa
akin. Anyway, thank you for always being there don’t worry kasi ganun din ako
as your frenxip
Neym
Nagulat si Roxon
sa nabasa. Yes, Neymi was right. Pareho lang sila ng nararamdaman. Hindi lang
siya makapagtapat dahil natotorpe siya at natatakot na baka umiwas ang kaibigan
sa kanya.
-O-
“Neym, may
tatanong ako.” Kinuha nito sa kaibigan ang payong at pinayungan ang dalaga.
Pauwi na sila at kasalukuyang naglalakad patungo sa Main gate ng paaralan.
“Uhmm..Ano yon?
Trigo na naman?”
“Hindi. About
this.” Inilabas ni Roxon mula sa bulsa ng kanyang polo ang love letter.
Natigilan si
Neymi sa paglalakad bakas ang pagkagulat sa mga mata nito, “Paanong napunta
sa’yo yan?” Inagaw nito sa kaibigan ang sulat.
Ngunit hindi
binigay ni Roxon. Nakipag-agawan siya dito.
“Akin na yan!”
“Hep! Para sa
akin ito di ba? Bakit mo babawiin?”
“Eh, wala naman
akong balak ibigay sa’yo yan eh. Akin na!”
Nasa labas na
sila ng gate at kasalukuyan nalang na naghihintay ng jeep.
-O-
“Huy! Hindi ka
na nagsalita.” Inalog pa ni Roxon ang balikat ni Neymi. Pagsakay nila ng jeep
ay tahimik na ito, “Huy, frenship, sorry na kung nabasa ko. Ako rin naman may
ipagtatapat sa’yo eh. Naunahan mo lang ako…”
Napatingin si
Neymi sa kanyang Friendship.
WAKAS
No comments:
Post a Comment