Pages

Saturday, October 5, 2013

Torpe King


(Denchard and Laurish)



“Ako ng torpe, ako ng mahina. But one thing is for sure, mahal na mahal kita….”


Kasalukuyang nakatambay sa isang bench at nakikipagkwentuhan si Laurish sa mga kaklase niya nang bigla siyang tawagin ni Denchard. Nagpapasama itong umakyat sa 4th floor ng college building nila upang hanapin si Junie. Kaklase rin nila ito na kagrupo nito.
“Kailangan talaga, sasamahan pa kita? Hindi mo kaya?” tanong niya rito. Sa totoo lang ayaw niyang sumama dahil maganda ang pinag-uusapan nilang makakaibigan, tungkol sa sineng pinanood nila kahapon.
“Sandali lang naman eh. Sige na please.” Pag mamakaawa nito na nagpa cute pa.
As usual hindi na naman niya ito matanggihan. Crush niya kasi ito since last year simula ng lumipat ito sa section nila.
“Nakakainis ka naman. Wrong timing ka talaga,” wala siyang nagawa, sumama pa rin siya rito.
“Pasensiya ka na ha. Si Junie kasi, nasa kanya yung output na kailangan na naming ipasa. Hinahanap na ni Sir Arnold.” Paakyat na sila sa hagdan ng pigilan ito ni Laurish.
“Teka lang Den! Ayaw mo maghagdan noh? May elevator kaya.”
“Madaming tao dun. Siksikan. Maghagdan na tayo.”
“Grabe ha. Pinagod mo pa ako.”
“Okay lang yan, para ka namang hindi track and field player.”
“Yun na nga eh. Sa oval lang ako dapat tumatakbo.”
Hinawakan nito ang kamay niya. “Tara na. Dami mo pang angal eh.”
Nabigla siya sa ginawa nito. Dalawang sem na silang magkaklase pero ngayon lang ito umakto ng ganun. Ano siya nito? Girlfriend? Teka lang! Hindi nga to nanliligaw o kahit pahaging man lang. Pormal itong makipag-usap sa kanya at puro subject matters ang madalas nilang pag-usapan.

Tahimik nilang binagtas ang 4th floor. Hindi na ito nagsalita. Siya rin naman, walang masabi.
“Nasaan na si Junie? Wala naman siya dito eh,” humihingal niyang tanong kay Denchard nang makarating sila sa 4th floor.
“Sabi niya nandito siya.”palinga linga pa si Denchard.
“Obvious nga eh. No signs of him.” Sarkastiko nitong sagot sa kasama.
Tara. Baba na tayo,” Yaya nito sa kanya.
“Sira ulo ka!” di niya napigilang singhal dito, “Pinagod pagod mo pa ako. Wala naman pala tayong dadatnan dito.” Nauna na siyang bumaba ng hagdan. Hindi na niya naisipang mag elevator pa.
“Uy, Laurish. Sorry na. Hi-hindi ko naman alam eh.”habol nito sa kanya.
“Whatever!” sigaw niya rito. Damuhong lalaki ito. Porke’t crush ko siya, pahihirapan na ako ng husto. Ako naman si tanga, napaka gullible. Naiinis na sabi na lamang niya sa sarili.
Pagbalik niya sa tambayan nila ay nandoon si Junie, nakikipag kuwentuhan sa iba pa nilang mga kaklase.
“Anak ng tinapay! Andito ka lang pala Junie,” naiinis na baling niya dito.
“Teka anong kasalanan ko?” pa inosenteng tanong nito.
“Ang sabi mo daw kay Denchard nasa 4th floor ka. Nakakainis! Nakakapagod kaya!”
“Napagod ka mag elevator?” sabat ni Nicson sa usapan. Kaklase rin nila ito.
“Yung magaling niyong leader, pinag hagdan ako!” naiirita pa ring niyang sagot.
“Sinamahan mo naman,” nangingiting asar dito ni Junie.
“Tseh!” sabay irap at tinalikuran na niya ito, sabay pagtalikod niya ay dibdib ni Denchard ang bumangga sa mukha niya.
“Sorry.” Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya. Teka. Bakit mukha siyang dismayado? Dahil ba sa hindi niya nakita si Junie sa 4th floor?
“Laurish! Tara na! May research pa tayo.” Tawag ni Jona sa kanya. Ang leader naman ng grupo nila sa Thesis.
Akmang susunod na siya sa kaibigan ngunit nakipag patintero pa sa kanya si Denchard, “Sabi ko sorry.”
“Sa’yo na yang sorry mo. Huwag kang humarang diyan. Masyadong malaki ang dibdib mo.” Tinabig niya ang kaliwa nitong braso dahilan upang maka alis na siya.
“Enk! 1 point!” narinig niya pang sigaw ni Nicson. Tawanan ang mga ka grupo ni Denchard. Ano kayang problema ng mga iyon? Nagtatakang tanong ni Laurish sa sarili.

-O-

 One text message received.
“Pcnxa na tlga Laur,wg ka ng mgalit.” Text ni Denchard sa kanya kinagabihan.
Buburahin na sana niya ang text nito pero mas pinili niya pa ring mag reply. Nanaig ang puso niya, “K. My mggawa pa ba q? tpos na un e.”
“Meron.” Nagulat si Laurish sa reply ng kanyang crush.
“Anong meron?” nagtatakang tanong niya dito.
“Sma ka sakn bukas. Sby tau meryenda.”
“At bkt?”
“Pambawi lng. Bukas ha! Tnx,nyt!”
Hindi pa naman siya umoo ha. Ayos talaga tong lalaking ito! Napaka dominant. Hay, wala naman siyang magagawa. Sasama pa rin siya. Kulit ng puso niya eh, ayaw paawat.

-O-

Sa isang burger stand sila nagmeryenda ni Denchard.
“Oh, bayaran mo na yung kinain natin.” Utos sa kanya nito. Ayos talaga  tong lalaking ito ah! Ako pa manlilibre sa kanya. Kunsabagay estudyante pa lang naman kami. Naiiling na wika na lamang ni Laurish sa sarili. Kumukuha na siya ng pera sa bag niya ng pigilan siya ni Denchard. “Joke lang. Ito naman. Ako na,” sabay abot nito ng pera sa kahera.
“Sabi mo bayaran ko na eh.”
“Sumunod ka naman. May sweldo naman ako noh.” Tukoy nito sa kumpanyang pinag OOJT han nito.
“Ako din naman noh.”
“Kahit na. Ako nagyaya eh. Syempre sagot ko.”
“Nga pala, sama ka mamaya ha. Birthday ni Nicson.”
“Ayoko.”
“Bakit naman.”
“Baka ma OP lang ako. Hindi ko naman kayo masyadong ka close eh. Buti sana kung kasama sila Jona.”
“Andun naman ako eh.Hindi ka ma OOP,” sabay subo nito sa huling piraso ng burger, “Tsaka alam mo naman na magkaaway si Nicson at Jona. Malamang hindi talaga sasama yon.”
“Eh bakit ako? Bakit hindi nalang si Jessica isama mo?” tukoy nito sa current rumored girlfriend nito. Pareho kasi nilang ayaw umamin. Kapareho nila ng course ang babae, yun nga lang ay sa kabilang section ito. Kung saan dati galing sina Denchard at Nicson. Kalat sa classroom nila na girlfriend niya ito pero hindi naman ito sumasagot kapag may nagtatanong kung sila nga ba talaga.
“Wala na kami, nung isang buwan pa,” pagtatapat nito sa kanya.
Himala at nagsalita ito. Dati kasi ay iniiba nito ang usapan pag tinatanong niya mismo. “Showbiz ka rin eh noh? Aamin lang kung kelan break na.” pagbibiro nito. Somewhere in her heart natuwa siya sa narinig. It means single ito ngayon. Teka lang, sisiguruhin muna niya. “Ibig sabihin may bago ka na ngayon?”
Hindi ito sumagot sa tanong niya. Nanatili itong tahimik hangga’t hindi nauubos ang iniinom nitong C2.
“May klase pa tayo. Tara na.” yaya nito sa kanya.
“Ang daya mo talaga!”
Sayang..

-O-
Eto siya ngayon, nakikisaya sa mga kaibigan ni Denchard. Ayaw man niya, wala siyang magagawa. Masyadong naghahari ang puso niya. Kaya kahit wala ang mga kaibigan niya nagawa niyang makisama sa mga ito na hindi naman niya masyadong mga close. Pero mabilis naman niyang nakagaanan ng loob ang mga ito.Lalo na si Nicson, napakakulit at kalog sa labas ng classroom. Dito lang din niya nakitang tumatawa ng malakas si Denchard. Lalo tuloy itong gumwapo sa paningin niya. Sayang wala ang mga barkada niya. Makukulit at maiingay din kasi sila kapag lumalabas sila.
“Okay ka lang?”tanong sa kanya ni Denchard. Bigla kasi siyang nanahimik. Iniisip niya ang mga kaibigan niya lalo pa’t hindi sang-ayon ang mga ito sa pagsama niya rito. Baka daw kasi masaktan lang siya dahil nga sa may mahal na itong iba at yun nga ay si Jessica.
“Oo naman.” Ngumiti pa siya upang ipakita rito na nag eenjoy siya. “Huwag ka masyadong uminom ha. May survey pa kayong gagawin bukas.” Paalala nito sa katabi.
“Hindi talaga ako pwede magpakalasing, ihahatid pa kita eh.”
“Hindi ka naman obligado.”
“I insist.”
“Mahal mo pa ba siya?”
“Sino?”
“Si Jessica.”
Hindi ito sumagot bagkus ay tinungga nalang ang natitirang laman ng beer nito. “Ang daya mo talaga.” May himig ng pagtatampo sa boses ni Laurish.
“Ayoko kasing nag oopen up ng nararamdaman ko eh.”
“Hindi ko naman ipagkakalat.”
“Alam ko pero hindi lang ako sanay. Sana maintindihan mo.”
“Paano ka magagawang mahalin ng taong mahal mo kung hindi ka magsasalita,” makahulugan nitong tanong sa lalaki.
“Action speaks louder than words.” 
“Andun na ko pero sana maisip mo rin na kaming mga girls, kailangan namin ng assurance. Mahirap kasi mag assume. Baka umaasa lang kami sa wala.”
“Hindi na.”
“Anong hindi na?”
“Hindi ko na siya mahal.”
“Bakit? Ano bang nangyari?”
“Ayoko na idetalye. Tapos na iyon eh. Ayoko na talagang binabalikan pa ang nakaraan. Isa pa-.” natigilan ito ng makita ang taong kadarating pa lang.
“Hi Jess! Tagal ha!” bungad ni Nicson dito.
“Sorry. Ito kasing si Jake hinintay ko pa mag-out sa trabaho niya. Happy birthday.” Hinalikan pa nito sa pisngi si Nicson.
“Boyfriend ba niya yung kasama niya?” pabulong na tanong ni Laurish kay Denchard. Tango lang ang sinagot nito. Naunawaan na ni Laurish ang mga nangyari kahit hindi na magkuwento pa si Denchard.
“Uwi na tayo?” yaya nito sa katabi. Siya na mismo ang nakaramdam ng tensiyon sa paligid.
“Sige.” Tumayo na si Denchard sa pagkakaupo at hinawakan siya sa kamay upang patayuin na rin., “paalam na tayo kay Nicson.”

-O-
“Ingat ka pag-uwi ha.”
“Salamat.”
“Salamat din sa paghatid. Sana maka move-on ka na.”
Muling natigilan si Denchard. Tinitigan ng matagal si Laurish, mukhang may gustong sabihin ngunit tumango lamang ito.
“Bye.”
“Bye.”
-O-
Napabalikwas sa pagkakahiga si Laurish ng marinig ang ringing tone ng kanyang cellphone.
Denchard calling…
“Tulog ka na?” bungad na tanong ni Denchard kay Laurish.  Mahigit isang oras na mula ng ihatid niya ito.
“Patulog na sana. Bakit?” Sa totoo lang hindi siya makatulog. Mag open up ba naman sa’yo ang taong gusto mo ngunit nalalabuan ka pa rin sa mga itinatakbo ng mga pangyayari, makatulog ka kaya?
“Thank you.”
Para san?”
“Kasi naka pag open-up ako sa’yo. Sa totoo lang hindi ko nature yun eh. I just realized something.”
“Ano yung na realize mo?”
“Yung mga sinabi mo sa akin kanina.”
“Alin dun? Ang dami kong sinabi eh.”
“Na I should speak more often for my girl’s assurance.”
Biglang kinabahan si Laurish sa narinig. “So?”
“ I-I’m sorry if na torpe ako last time na pinaakyat kita sa 4th floor.”
“What?! Teka teka! Bakit torpe? You wanted to say something that day na hindi mo nasabi?”
“O-Oo.”
“And what was it?”
“I want you to be my girl.”
Katahimikan. She didn’t expect this. Hindi kaya nakainom lang ito kaya nito nasasabi ang mga naririnig niya ngayon?
“Laur.”
“So-sorry. I just don’t know what to say.”
“Ayokong isipin mo na gagawin kitang panakip butas, right now I’m still moving on. I hope you can wait for me.”
“Oo naman. Wait. Are you trying to court me?”
“Eventually yes. May pag-asa ba?”
“Hindi ka lang torpe, ang dami mo pang paligoy-ligoy.”
“Pasensya ka na. I’m not used to it, but I will.”
Bahagyang natawa si Laurish. Hindi niya ini-expect na pwede niyang mabago ang isang tao.
“Bakit ka natatawa. Nagmumukha na ba akong tanga?”
“Nagtataka lang ako, para kang highschool manligaw. I wonder paano naging kayo ni Jessica?”
“Believe it or not, siya ang nag initiate. Siya rin ang nakipagbreak. Dahil nga kay Jake.”
Marami pa silang napagkuwentuhan. Hindi nila namalayan, madaling araw na pala.
-O-

Sa paglipas ng mga araw, naging expressive na nga si Denchard sa tunay na nararamdaman nito.
“Laurish, paano ba ang gagawin dito,” minsang lumapit ito sa dalaga para magtanong ng assignment. Hinila niya ito sa isang sulok ng classroom nila at pinakita ang nakaipit na papel sa text book. “I love you Laurish Diaz. : )”
“Ang corny mo, Dela Cuesta.” Natatawang nailing siya dito. Deep inside, kinikilig siya.
“Huwag kang maingay baka isipin nila hindi tungkol sa Taxation ang pinag-uusapan natin,”halos pabulong nitong sabi kay Laurish.
Natatawa na lamang siya sa style na ginagawa ni Denchard.
“Labas tayo bukas ha.”
Nakangiting tumango na lamang si Laurish. She’s so happy.

Graduation Day
“ Mag iistart na ko bukas sa company na pinag OJT han ko.” Kwento ni Denchard kay Laurish. Palabas na sila ng kanilang Alma Matter.
“Uuwi muna ako ng province,magpapahinga lang saglit.”
Sana pagbalik mo, sagutin mo na ako.”
“12 months ago ng magtapat ka sa akin. Sige na nga.”
“Anong sige na nga?” nalilito nitong tanong sa dalaga.
“Yes.”
 Tilian ang mga kaibigan nila na nakikinig pala sa usapan nila.


WAKAS






No comments:

Post a Comment