Pages

Saturday, October 12, 2013

Tame my Heart

Blooming
(Season 2 - Joann and Ramil)


A third year high school-Math genius student. That’s Joann.
Sa kabila ng pagiging matalino, she’s rebellious, gala, pasaway, matigas ang ulo. But she was tamed by him. And soon they became more than friends. Pero dahil sa pa-epal na Uncle ni Ramil, they can’t be together.
Maybe she’s good in lying para maitago ang tunay na nararamdaman  pero sa huli ay nabubuko pa rin siya.  To run away is all that she can do para malayo na ng tuluyan sa taong minamahal.  Ang tanong, hanggang kailan kaya siya tatakbo? Hindi ba siya napapagod?












Chapter 1 –

Fort Bonifacio High School, Third year, section Andradite

“Pasaway ka talaga! Hindi ka na naman gumawa ng assignment mo!” sita ni Lian sa kaklase at kaibigan nitong si Joann.
“Nakakatamad naman kasi! Tsaka galing akong mall kahapon. May eyeball yung text clan ko.” Pagdadahilan niya.
“Hay nako, Lian. Maha-high blood ka lang diyan.” Sabat ni Liezl.
“Alam ko naman na yan.” Katwiran pa ni Joann. “Pasaway naman kasi yung mga teacher natin. Para tayong ginagawang elementary. Ni-lesson na natin kahapon tapos yung assignment tungkol pa din doon! Nakaka-urat kaya!”
“Alam din namin na matalino ka. Pero tumambay ka naman sa bahay ninyo pa minsan minsan. Ayan na lang kunwari ang pagkaabalahan mo. Edi sana natuwa pa sa’yo si Tita Brenda. Tsaka yang eyeliner mo, bawasan mo naman!” Sermon pa din ni Lian sa kanya. Ang tinutukoy nitong Tita Brenda ay ang ina ni Joann.
“Sshhhhh… Don’t say bad words.” Sagot niya rito. “Puro sermon na nga sa bahay. Pati ba naman dito?” Kinuha nito ang eyeliner sa bag at dinagdagan pa ang nasa mga mata na. She hates rules. Kung ano ang ipinapagawa sa kanya ng tao, kabaliktaran nito ang ginagawa niya.
Napakamot nalang sa noo si Lian. “Bahala ka na nga. Kaya mo namang ipasa yang mga grades mo eh. Pasang-awa.”
“Tamaaahhh!” sagot niya rito.
Pumasok na ng classroom ang class adviser nila na si Mr. Belicano at may kasunod itong isang lalaki na naka uniform.
 Siya kaagad ang napuna ni Mr. Belicano na busy pa rin sa paglalagay ng eyeliner sa mga mata. “Marasigan! Stop what you’re doing. Mukha ka ng kulto!” sita nito sa kanya.
“Kulto kaagad? Hindi ba pwedeng rakista muna?” lip synch niya. She hid her eyeliner. Kailangan niyang sumunod baka ma-Guidance na naman siya.
“Class, this is Ramil Belicano, my nephew. He came from Masbate and he will be your new classmate.” Pakilala nito sa lalaking kasama. “Upo ka na doon sa likod.” Utos nito rito.
“Astig.” Komento ni Joann pagdaan ni Ramil sa gilid niya.
-00-

Pauwi na sana siya ng araw na iyon este papunta pala sa bahay ng barkada niya.
“Ano ba?! Bitawan mo nga ako!” pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak sa kanya ni Ramil. Pero masyado itong malakas.
“Sasama ka sa akin!” Ramil insisted.
“Ayoko! Uuwi na ko!” sigaw naman niya rito.
Kumunot ang noo ni Ramil. Halatang hindi siya convinced, “Ikaw? Uuwi? Parang imposible naman yata yun.”
“Ano bang pakelam mo! Magulang ko nga di ko sinusunod eh. Ikaw pa kaya na hindi ko naman kaanu-ano!”
“Basta. Sasama ka sa akin.”
Masyado itong malakas kaya kahit anong palag ang gawin niya ay hindi siya makawala sa pagkakahawak nito sa kanya.
Ang destinasyon nila ay sa library.
At allergic siya sa lugar na iyon.
Pabalibag siyang umupo sa isang upuan na nandodoon kaya’t napatingin sa kanila ang librarian.
“Ano ka ba? Huwag ka ngang ganyan!” mahinang sita sa kanya ni Ramil.
“Eh wala nga akong gagawin dito!”
“Meron. Yung assignment natin sa geometry. Turuan mo ko. Medyo mahina ako sa Math eh.”
“Kelan pa ako naging tutor mo?”
“Mula ngayon.”
“Ayoko.”
“Wala kang choice.”
“Panong wala?”
“Pag di mo ko tinulungan. Lalong hindi kita titigilan. At mas lalo kitang kukulitin.”
She really had no choice. Susundan at susundan siya nito saan man siya magpunta. Kahit anong pagtataboy ang ginawa niya rito ay hindi na siya nito tinantanan. Kaya ang ending, lagi itong nakabuntot sa kanya, saan man siya magpunta. She tried to hide pero wa epek. Masyadong mabilis ang mga mata nito at masyado ring malakas ang katawan nito. Wala siyang laban sa payat niyang katawan. Siguro ay batak ito sa trabahong bukid. Hindi siya makapalag eh.
“Oo na!” Napalakas ang boses niya dahilan para lumapit sa kanila ang masungit nilang librarian.
“Sorry ma’am.” Inunahan na ni Ramil magsalita si Ms. Casimsim. “Dali na, ituro mo na sa akin kung paano makuha ang slope nito.”
So she taught him.
“Ang galing mo talaga sa Math.” Puri sa kanya ni Ramil.
Kinibit niya lang ang mga balikat. “Pwede na ba akong umalis?”
“Okay, ingat ka.”
Nagtaka siya. Ang inaasahan niya ay pipigilan siya nito o di kaya naman ay bubuntot sa kanya. Titigil lamang ito kapag nakita nitong sa bahay niya talaga siya uuwi.
She didn’t bother to say again anything. Baka magbago pa ang ihip ng hangin at sumunod na naman ito sa kanya.
“Wait.” Naman! Sabi na niya eh.
“Ano na naman? Tinuruan na kita ah!” reklamo niya sa pagsunod nito sa kanya. Nasa labas na siya ng library nang muli siyang tawagin ni Ramil. Dala na rin nito ang sariling mga gamit.
“Hatid na pala kita. Nakakahiya naman. Tinuruan mo ako eh.”
“Hindi na kailangan. Tsaka may pupuntahan pa ako.” Kontra niya.
“Edi samahan na kita.” Ang kulit talaga! Ilang beses kaya pinanganak ito? Sa loob loob niya.
“Pwede ba?! Tigilan mo na ako. Hindi kita boyfriend para maging chaperone ko araw-araw!”
“Kung hindi ka pa uuwi, hindi kita titigilan.”
“Ang kulit mo, Belicano!”
“Ikaw naman kasi ang tigas ng ulo mo. Kababae mong tao, napakalagalag mo.”
“Wala kang pakialam!”
“Meron.”
Tumigil siya sa paglalakad at humarap dito. “Bahala ka sa buhay mo! Magsawa ka kakabuntot sa akin.”
“Oh sige, ganito na lang. Para hindi na ko bubuntot sa’yo. Bigyan mo nalang ako ng isang oras araw-araw. Sa library o di kaya sa park. Kahit saan basta isang oras.”
Nag abrisyete siya at tinaasan ito ng kaliwang kilay, “At sino ka para bigyan ako ng kondisyon at para bigyan ko ng isang oras araw-araw?”
“Ako si Ramil Belicano. Ayaw mo nun, isang oras nalang after class mo ako makakasama. Promise, hindi na talaga ako susunod sa’yo. Bahala ka na kung saan mo man gustong pumunta after natin magkasama.”
Hay! This man is really impossible. Mas magulo pa ito sa lahat ng formula na na-encounter niya at nagawang ma-i-solve.
“Pag-iisipan ko.”








Chapter 2 –

Masyadong persistent si Ramil. Kaya eto’t after class ay isang oras silang magkasama. Benefit na rin niya iyon kung tutuusin dahil hindi na nga siya nito binubuntutan.
“Bakit ka ba nagrerebelde?” minsang tanong nito sa kanya. Kasalukuyan silang nakaupo sa stadium ng school nila. Pinapalipas ang isang oras.
“Sikretong malupit.” Sagot niya. Wala siyang balak i-share dito ang mga pinagdadaanan niya sa buhay.
“Buti nalang kinuha ako ni Uncle para pag-aralin. At least may pag-asa na kami na medyo umunlad kapag nakatapos ako ng college.” Si Ramil nalang ang nagkuwento.
“So?” Hindi siya interesado pero sige may mapag-usapan lang silang iba ay okay na. Kesa naman personal niyang buhay ang usisain pa nito. “Anong balak mo?”
“Sisikaping makatapos. Then bibili ako ng bahay pati yung lupang sinasaka ni Tatay sa Masbate, bibilhin ko rin iyon. Mahirap kasi kapag hindi sa’yo ang lupang sinasaka mo. Maliit na porsiyento lang ang nakukuha namin.”
Buti pa ito, may maliwanag ng direksiyon ang buhay. Siya kaya? Ano nga bang plano niya sa buhay niya? “Ako, simple lang ang plano ko. Ang makilala ang tatay ko.” Huli na ng marealize niyang nakapag-open na pala siya rito ng pinakatatago-tago niyang malupit na sikreto.
“So, yun pala ang reason kung bakit ka nagrerebelde. Edi tanungin mo sa nanay mo.” React ni Ramil.
“As if naman aamin yon. Bata pa lang ako, tinatanong ko na siya. Laging ewan ang sagot niya. Minsan naman kapag napipika na siya sa katatanong ko ang sinasabi niya patay na daw. Wala akong nakukuhang matinong sagot dun.” Hinaing niya.
“Pero hindi naman sapat na dahilan iyon eh para sirain mo ang buhay mo.”
“Hindi ko naman sinisira, nagpapapansin lang ako. Dadalawa na nga lang kami sa bahay, binabalewala pa niya ako. Tapos ayaw pa niyang makilala ko ang tatay ko.” Pagdadahilan niya. Oo aaminin niya, KSP siya. As in, kulang sa pansin. Masyadong busy ang mommy niya para bigyan pa siya nito ng atensiyon. Plus the fact na ayaw nitong makilala niya ang sariling ama sa hindi niya malamang dahilan.
Tumango tango si Ramil. “At least mas naiintindihan na kita ngayon kung bakit ganyan ka.”
Inirapan niya ang kausap. “Hindi mo ko kailangang intindihin. Una na ako.”
Pinigilan siya ni Ramil, “Hep!” hawak nito ang kamay niya.
 Dahilan para medyo makuryente siya. Para siyang na high voltage sa paraan ng pagkakahawak nito sa kanya ngayon.
Agad siyang bumitiw pero hindi ito hinayaang mangyari ni Ramil. “Wala pang isang oras.” Paalala nito sa kanya.
Muli siyang umupo. “Sabi ko nga.” Pero maya-maya ay tumayo ulit siya at muli siyang pinigilan ni Ramil. “Ang boring naman kasi!” Iritable niyang sagot.
Hinila na siya ni Ramil pababa ng stadium.
“San tayo pupunta?” Tanong niya rito.
“Canteen. Tara ice cream tayo.”
Napangiti siya. Gusto niya ang ideyang iyon. Malapit na ang summer kaya medyo mainit na ang panahon.
-00-

School Chapel

“Uwi ka na.” Pagtataboy sa kanya ni Ramil.
“Ayoko. Kailangan mo ng kausap eh.” Kontra ni Joann dito. “Anong nangyari?” Pang-uusisa niya. Magmula kasi ng kausapin ito ni Mr. Belicano ay natahimik na ito.
Hindi sumagot si Ramil.
Nagulat siya ng bigla na lamang siya nitong yakapin. “Pahingi nalang ng yakap. Okay na ko.”
Napangiti nalang siya. Somehow she felt at ease dahil may naibigay siyang tulong sa kanyang kapwa. “Makakatanggi pa ba ako eh yakap mo na ako.”
After 48 years…Joke lang. J
“Salamat.” Binasag ni Ramil ang namuong katahimikan sa loob ng chapel na iyon na sila lang ang tao.
“Wala naman akong ginawa.”
“Meron. Sinamahan mo ko.”
“Oh, eh di sige, welcome.”  Sagot niya.
Napangiti na si Ramil at ikinatuwa naman deep inside ni Joann. “Baka gusto mo ng magkuwento?”
“Si Uncle kasi. Ayaw niyang maging magkaibigan tayo.”
OA naman ng bading na yon! Sa loob loob ni Joann. “Bakit daw?”
“Eh kasi nga, rebelde ka di ba? Baka gumaya daw ako sa’yo. Kawawa naman daw ang mga magulang ko. Ako nalang ang inaasahan nila.”
”So, ang gusto niyang mangyari layuan kita dahil B.I. (bad influence) ako sa’yo?”
Malungkot na tumango si Ramil.
“Ikaw naman kasi eh! Lapit ka ng lapit sa akin! Para kang aso, buntot ng buntot.” Nasanay na tuloy ako.
­“Masaya ako kapag kasama kita.” Ramil confessed. “Kahit na pasaway ka, gusto kong lagi nasa tabi mo.”
Natuwa naman siya sa narinig. “Pero yung tito mo hindi.” First day pa lang ng pasukan ay ramdam na niya ang pagkadisgusto sa kanya ng kanilang class adviser. “Allergic sa akin yon eh!”
Madalas siya nitong mapuna the way she looks and the way she acts inside her classroom.
“Ah basta! Wala akong balak na layuan ka.” He finally decided.
“Eh paano na yun kapag hindi ka na niya pag-aralin?”
“Actually, sinabi din niya yan. Una pa lang yan na ang hiningi niyang kondisyon sa akin. Na susundin ko lahat ng ipinag-uutos niya.”
“Kailangan na talaga nating mag-iwasan. Para sa future mo.” Nalungkot siya sa mga sinabi niya mismo. Parang ang hirap mag- adjust. Lalo pa’t nasanay na siya na ito ang lagi niyang kasama. “Magsa-summer break naman na. Pagdating ng 4th year natin, tanggalin na natin ang 1 hour rule.” Malungkot siya sa sariling suggestion.
Nanatiling tahimik si Ramil.
“Ram….”
“Hmmm?”
“Sorry ha. Dahil sa akin. Nagulo ang mundo mo. Dapat kasi talaga hindi ka na nakipagkaibigan sa akin eh.”
00-00

Umuwi muna ng Masbate si Ramil to spend their summer break there. Si Joann naman ay sa Cavite nagbakasyon. Sa hometown ng mommy niya.
Two months has passed na wala silang naging communication. Para kay Joann, mabuti na rin iyon na masanay siyang wala ito sa tabi niya. Praktisan kumbaga.
Ramil changed her a lot. Mula sa pagiging rebelde, mabarkada at pagiging gala ay nagtino siya. Hindi na rin sila madalas magkasagutan ng kanyang ina. Malaki ang naitulong ni Ramil sa pagbabago niya. He changed her outlook in life. Ngayon nga ay may direksiyon na ang buhay niya. Malinaw na sa kanya ang gusto niyang mangyari para sa future niya. She wants to be a manager someday.
But above all her dreams, una pa rin sa listahan niya na makilala na niya ang tatay niya.








Chapter 3 –

Senior Year. First day of class.

“Joann, sandali!” habol sa kanya ni Ramil. Nagmamadali siyang lumabas ng school ground para hindi na ito magkaroon pa ng chance na makausap siya.
Kanina kasi sa classroom ay hindi na niya pinapansin ito. Sinubukan siya nitong kausapin pero dinedma niya lang ito. Mahirap iyon para sa kanya pero kailangan niyang gawin iyon. She badly needs to avoid him. Para sa future nito.
“Uuwi na ko! Hinihintay na ako ni mommy, may pupuntahan pa kami,” imporma niya rito ngunit tuloy pa rin siya sa paglalakad.
“Hatid na kita.”
“Hindi na. Kaya ko mag-isa. Diyan lang ang bahay ko. Hindi mo na ako kailangang ihatid.” Tanggi niya. Walking distanced lang naman talaga ang bahay nito mula  sa eskwelahan nila.
“Kahit na.” Mapilit pa rin si Ramil. Kaya ang ending, para na naman itong aso na nakabuntot sa kanya.
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. “Stay away from me!” Ayaw niyang singhalan ito pero ito lang ang naiisip niyang paraan para lubayan na siya nito. Sana. Pero sana huwag. Ang gulo niya lang ‘di ba?
“Namiss kita.” Mapait siyang nginitian ni Ramil.
Ako din naman eh. Piping sagot niya. “Pero, Ram. Huwag mo ng pahirapan ang sitwasyon natin. Mag-iwasan nalang tayo.”
“Kinausap ko na si uncle. Ang sabi ko sa kanya, magkaibigan lang tayo at tsaka nagbago ka na. Pumayag siya pero hanggang sa pagiging magkaklase’t magkaibigan lang daw dapat tayo.” Masayang pagbabalita nito sa kanya.
She’s happy to hear that. Pero parang hindi pa din. Hanggang magkaklase’t magkaibigan lang . Meaning hindi sila pwedeng mag level up. Ang saklap naman ng first heartache niya.
Yeah, heartache it is. Gusto na niya si Ramil ng higit pa sa isang kaibigan pero kailangan niyang pigilin ang nararamdaman.
“Okay.” Masaya ngunit malungkot niyang pagtugon dito. “Pasok na ko sa loob. Ingat ka sa pag-uwi.”

-00-

“Uy si Joann haba ng hair!” pang-aasar sa kanya ni Liezl. Binigyan kasi siya ni Anthony ng isang cute na teddy bear. Manliligaw niya ito mula ng pumasok siya sa Math Org. ng eskwelahan nila. Isa si Anthony sa mga una niyang naging close sa Org. na sinalihan. Sinabihan na niyang tumigil ito sa panliligaw sa kanya dahil nga sa may iba ng laman ang puso niya ngunit hindi pa rin ito nagpatinag. Kaya eto’t masugid pa rin siyang sinusuyo.

Nilaro-laro niya ang teddy bear. Weakness niya ito. Pagpasok mo sa kanyang kuwarto ay isang cabinet na naglalaman ng iba’t ibang teddy bears ang bubungad sa’yo. “Ang cute ‘no?” wika niya sa mga kasama.
“Pero mas cute si Anthony! Sagutin mo na ‘te! Bagay kayo. Parehong math genius. Maganda ka at guwapo siya. So gora na! Oo na kagad!” sulsol ni Violet sa kanya.
“Agad- agad?!” tinignan niya pa ng masama si Violet. Wala naman talaga siyang balak na sagutin ito. Hanggang kaibigan lang ang maiooffer niya para sa ka-org.
Binulungan siya ni Lian, “Te Jo, tignan mo si Kuya Ram, ang sama ng mukha.”
Pero hindi siya lumingon upang silayan ang guwapo at maamong mukha ng kaibigan. “Eh ano naman? Hayaan mo siya.” Sagot niya kay Lian.
“Baka nagseselos? Uyyyy!....” pang-iintriga pa rin nito sa kanya.
“Tumigil ka Lian Grace ah! Sasapakin na kita.”
“Eh kasi naman! Ang dami niyong alam. May pa -“friends friends lang kami”pa kayong nalalaman. Masyado ninyong pinahihirapan ang mga sarili niyo dahil lang sa dati nating baklang teacher.” Pambubunganga ni Lian. “Pag-untugin ko kayo eh nang magising kayo sa katotohanan.”
Isang nakakamatay na irap lang ang pinakawalan ni Joann.
“Hay nako, Kuya Ram! Kung ako sa’yo, kesa ma-badtrip ka diyan. Ligawan mo nalang! Baka maunahan ka pa ng iba.” sigaw pa ni Lian sa nananahimik na si Ramil.
“Alam mo isang letter pa ang lumabas diyan sa bibig mo, susungalngalin na kita.” Banta ni Joann dito.
Sasagot pa sana ulit si Lian ngunit tinakpan na ng bestfriend nitong si Rex ang bibig niya. “Jo at Ram, pasensiya na kayo kay Lian. Hindi ko kasi nadala yung gamot niya.” Paghingi nito ng paumanhin sa dalawa. Pagkatapos ay binalingan ni Rex ang bestfriend niya, “Ikaw naman, tama na yan! Yung bibig mo, sumosobra na.”
Hindi na muling nagsalita pa si Lian. Dumating na rin kasi ang Physics teacher nila dahilan para matigil na ang ingay nila.
-00-

Niyaya  ni Anthony si Joann na mag-mall pagdating ng araw ng Sabado. Pinaunlakan naman niya ito dahil may bibilhin din naman siya sa Bookstore.
San ka? Text sa kanya ni Ramil.
Market market. Sagot naman niya dito.
Cno ksma mo? Muli nitong tanong.
Anthony.
Bakit?
Ha? Anong bakit? Anong problema nun? Nagtatakang tanong niya sa sarili.
Hindi na siya nagreply pa dito. Pero kahit si Anthony ang kasama niya, okupado naman ni Ramil ang utak niya.
Napapitlag siya ng biglang magvibrate ang telepono niya na nasa bulsa niya. “Hello.”
“Anong ginagawa niyo diyan? Tsaka bakit siya ang kasama mo? Kayong dalawa lang?” sunod-sunod na tanong ni Ramil sa kanya.
 “Teka! Isa-isa lang ang tanong. Tsaka bakit ba tanong ka ng tanong? Boyfriend ba kita?” pagtataray niya sa kausap sa kabilang linya.
Natahimik naman si Ramil.
“Ibababa ko na ‘to. May pupuntahan pa kami.” Paalam niya sa kausap. Ngayon pa lang kasi sila pupunta ng bookstore para bumili ng librong gusto niya.
“Papunta na ako diyan.” Imporma ni Ramil.
“Ano?!” tila shocked na reaction naman ni Joan. Teka, bakit ba siya nag react ng ganon? Ano naman kung pumunta si Ramil dito? Masyadong malaki ang mall para sa kanilang dalawa. Isa pa, hindi naman niya pag-aari ito kaya kahit sino ay pwede namang pumunta rito. “Bahala ka. Edi pumunta ka.” Ini-off na niya ang cellphone niya.
“Tara sa bookstore.” Yaya niya kay Anthony.
“Eh dun naman talaga ang punta natin di ba?”
Oo nga naman. “Sabi ko nga.”
-00-
Naaasiwa si Joann dahil pakiramdam niya ay may isang tao na kanina pa siya tinitignan. Paglingon niya sa gawing kanan. Hindi nga siya nagkamali, matamang nakamasid sa kanya si Ramil habang busy siya sa paglalaro ng Deal or No Deal sa Timezone.
Lumapit ito sa kanya.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya ng makalapit ito sa kanya.
“Sinusundo ka.”
“At bakit? Boyfriend ba kita?” ” with matching taas ng kilay niyang tanong ulit dito.
“Oo!” walang atubiling sagot naman ni Ramil sa kanya. “Kaya tara na!”
Tumingin siya sa direksiyon ni Anthony na nakapila pa sa counter para magpadagdag ng load sa card.
Hindi niya magawang tumanggi ng hilahin na siya ni Ramil palabas ng Timezone. Hindi na rin siya nakapagpaalam pa kay Anthony. Itetext na lang niya ito.
Chapter 5 –

Medyo madilim na ng makarating sila sa park malapit sa eskwelahan nila. Ito rin ang madalas tambayan nilang magbabarkada.
Nagkaroon siya ng instant boyfriend sa katauhan ni Ramil. Why o why?
“Ano bang problema mo?!” pinilit niyang kunin ang sariling kamay mula kay Ramil ngunit hindi ito pumayag na mangyari iyon.
 “Ikaw ang problema ko pati ito.” Turo ni Ramil ang sariling dibdib. “Nasasaktan ako kapag magkasama kayo ni Anthony. Kung pwede nga lang akong sumali sa org.niyo ginawa ko na eh. Nagseselos ako sa mga lalaking kinakausap mo. Kahit kay Rex na madalas mong makakuwentuhan, nagseselos din ako.”
“Bakit nga? Bakit ka nagseselos? At bakit mo sinabing boyfriend kita? Hanggang magkaibigan lang dapat tayo di ba?” naguguluhan pa rin niyang tanong dito.
 “I love you.” Ramil confessed.
Natuwa siya sa narinig. Sana nga lang ay totoo ito. Ibig sabihin pareho lang pala sila ng nararamdaman. Yun nga lang, hadlang ang pagkakataon sa kanila. “Pero hindi pwede.” What she means is hindi pa pwede. Bata pa sila at may mga kanya kanyang pangarap na dapat pang unahin at tuparin. Idagdag pa ang kontrabida sa buhay nilang uncle nito.
“Mga bata pa tayo,Ram.”
“Wala namang pinipiling edad ang pag-ibig ‘di ba?”
“Andun na ‘ko. Pero paano ang uncle mo? Paano na ang pag-aaral mo? Paano magiging tayo? Di ba hanggang friendzone lang tayo?” Siya naman ngayon ang maraming tanong dito.
“Huwag nalang muna natin sabihin sa iba.” Suggestion ni Ramil.
“Walang lihim na hindi nabubunyag, Ram. Tandaan mo ‘yan.” Paalala niya rito.
“Ang dami mo pang sinasabi. Ikaw? Mahal mo ba ako ng higit pa sa isang kaibigan?” hindi na natapos ang tanungan nila.
“Pag sinabi kong hindi, maniniwala ka ba?” nagtanong na naman siya.
“Hindi.”
“Edi oo!” natatawa niyang sagot dito.
“So tayo na ha?”isa pang tanong mula kay Ramil.
“Kanina pa lang sa mall, sinabi mo ng boyfriend kita.” Muli niyang paalala rito.
Kinuha ni Ramil ang mga kamay ni Joann, “Gusto ko ako lang ang hahawak dito.”
“Oo naman. Sa’yong sa’yo yan. Pati puso ko sa’yo naman talaga eh.” Masaya niyang pag-amin sa totoong nararamdaman.
“Huwag ka ng sasamang lumabas sa ibang lalaki ah.” Pakiusap sa kanya ni Ramil.
“Malamang! May boyfriend na ako eh!”
At masaya silang umuwi sa kani-kanilang mga tahanan.
Secret On. Matagalan kaya nila ang ganitong set-up? Sana nga.
00-00

Their Secret Relationship went on smoothly for the last three months pero gaya nga ng sabi ni Joann, walang sikretong hindi nabubunyag….
“Kuya Rex, ano ng gagawin ko?” naluluha niyang tanong sa kasama. Nasa library sila at gumagawa ng report. Sila kasi ang magkateam para sa presentation nila next week.
“Kung ano sa palagay mo ang tama.” Payo naman ni Rex sa kanya. “Minsan kasi, hindi lang puro puso ang pinapagana natin dapat pati ito.” Turo nito ang sariling sentido.
“Ang sasakit ng mga sinabi niya sa akin.” Paghihimutok niya sa kaibigan. “Wala daw mapapala sa akin si Ram at sagabal lang daw ako sa pagtupad nito sa mga pangarap niya. Ganun ba ako kasama?” hindi na niya napigilan pa ang sariling mga luha. Kahapon after ng klase nila ay pinatawag siya ni Mr. Belicano at palihim siya nitong kinausap sa faculty room.
“Huwag ka namang umiyak, Jo.” Lumingon lingon pa sa paligid si Rex. “Baka isipin nila ako nagpapaiyak sa’yo.”
“Dapat talaga nung una pa lang, hindi ko hinayaang mapalapit kay Ram eh. Ang hirap tuloy.” Daing pa niya.
Inalo siya ni Rex sa braso. “Tama na yan. Ano ng plano mo? Grabe kayo ha. Kahit kami hindi namin namalayan na kayo na pala. Dahil lang sa text, nabuking kayo.”
“Sige. Ipamukha mo pa sa akin ang katangahan ko.”
“Hindi katangahan yon. Pagmamahal ang tawag don. Kung may tanga man dito, ako yun. Anyway, hindi naman ako ang topic dito so ano na nga ang balak mo?”
“Ano pa nga ba edi ang makipaghiwalay sa kanya.”
Sinukat siya ng tingin ni Rex, “Kaya mo ba?”
Pinunasan na niya ang mga luha. “Kakayanin. Kailangan eh.”
“That’s my girl! Kausapin mo nalang si Ram ng maayos. Siguro naman maiintindihan niya yun. Isipin niyo nalang na kung kayo, kayo talaga. Harangan man kayo ng sibat! Hehe. May tamang panahon para sa lahat.” Dagdag payo pa nito sa kanya.
“Ang sarap mo naman magpayo. Parang totoo lang ah!” Nagawa na niyang magbiro.
“Ewan ko ba kay Lian kung anong nagawa nun sa akin.” Sinundan ni Rex ng mahinang tawa ang huling nasabi.
“Ikaw ang may ginawa. Ayusin mo na din yang love life mo.” Payo naman niya sa kaibigan na may problemang pampuso rin.
“Sabi ko nga, love will come at the right time, at the right place.” Kinindatan pa siya nito.
-00-
Gaya ng inaasahan niya, hindi pumayag si Ramil na makipaghiwalay sa kanya. Pero kailangan niyang iinsist ang nauna ng desisyon para na rin sa kapakanan nito. Kailangan nitong makatapos ng kolehiyo, yun nga lang dapat ay wala siya sa buhay nito.
Para mapanindigan niya ang kanyang desisyon, she badly needed to lie in front of the man she will always love.
“Hindi na kita mahal, Ram. Ayoko na sa’yo.”
“Hindi ako naniniwala, Jo. Alam kong mahal mo pa rin ako. Ginagawa mo lang lahat ng ito dahil kay Uncle. Huwag mo siyang pakinggan. Kung ayaw na niya akong pag-aralin. Magtatrabaho ako habang nag-aaral. Please lang Jo, huwag mong gawin ‘to.” Pagmamakaawa pa ni Ramil sa kanya.
Unti unti ng nalulusaw ang ginawa niyang pader sa pagitan nila but she has to be brave. Brave in lying. “Mali ka, Ram. Hindi na talaga kita, Mahal. Nasa’yo na yan kung ayaw mong maniwala. Isa pa, wala ka na rin namang magagawa kapag sinabi kong ayoko na talaga. Break na tayo.” Bago siya tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila ay ni-lock muna niya ng maigi ang gate nila.
She ran to her room crying.
“Nak?” kumakatok ang kanyang ina sa pintuan ng kuwarto niya.
Pinunasan niya ang mga luha at pinigilan ang pagtulo pa ulit nito. “Pasok ka, Ma.”
Her mom hugged her tight. Wala itong sinabi na kahit ano sa kanya. She just kept on hugging her. Dahilan para muli siyang maiyak.
“Ang sakit, Ma. Ang sakit sakit!”
“I know. But at least may natutunan ka.” Hinihimas himas pa nito ang kulot at mahaba niyang buhok. What a motherly love she only experienced now. Kung kelan basag ang puso niya ay dun niya lang narealize kung gaano pala siya kamahal ng kanyang ina.
“I love you, Ma.” She wholeheartedly said. Bukal iyon sa kaibuturan ng kanyang puso.
“And I love you more. Ang laki na ng baby ko. Marunong ng magmahal.” Kinurot pa nito ang tungki ng matangos niyang ilong.
“Ma, sa Cavite nalang tayo.” Bigla niyang naipasya.
“Sigurado ka, nak?”
Marahan siyang tumango. Kailangan niyang lumayo ng  Maynila.
“Sige. After ng graduation mo, lilipat na tayo.”










Chapter 6 –
Business Management ang kinuha niyang kurso and it has been a year mula ng gruma-duate siya.
She’s currently working on a Condominium na malapit sa Mall of Asia as an Admin Officer.
Matagal siyang nakatitig lang sa computer screen niya dahil sa isang RSVP na natanggap niya. Pupunta ba siya?
Nagulat siya ng biglang mag-ring ang telepono sa gilid niya. “Hello?”
“Joann!” tili ng isang pamilyar na boses sa kabilang linya.
“Zel?” It’s Liezl, her former classmate at ang siya ring pasimuno ng highschool reunion nila. Na siyang nilalaman ng RSVP na kanina niya pa tinititigan.
“Yes, it’s me and I have one favor from you. Kailangan ko ng powers ni Tita Brenda para magamit natin ang clubhouse sa dating subdivision niyo. Sa inyo pa rin naman iyong bahay niyo dun di ba?”
“Yup.”
“So, pumapayag ka na? And pupunta ka ha! Para ‘to kay Lian. Kailangan tayo ni Rex. Human props kumbaga kaya hindi pwedeng hindi ka pumunta.”
“Bakit? Anong meron?” Hindi na kasi siya masyadong updated sa buhay ng mga kaibigan.
“Magpo-propose na ang loko!” Masayang balita sa kanya ni Liezl.
Natuwa naman siya sa narinig. Finally, magkakaroon na ng happy ending ang dalawa sa mga kaibigan niya.
“Sige. Pupunta ako. And kakausapin ko si Mommy mamaya pag-uwi ko.”
“Thank you, Jo! You’re such an angel, Muahh! Ciao!” nawala na ito sa kabilang linya.
Handa na nga ba siyang harapin ulit si Ramil?
 Muling nanariwa sa utak niya ang mga nangyari almost three years ago…
Pauwi na sana siya noon galing school ng matanaw niya sa labas ng University niya si Ramil. She tried to ignore her. She didn’t expect na susundan siya nito sa Cavite more than a year after they broke-up.
“Jo, sandali lang naman. Mag-usap tayo.”
Tumigil siya sa mabilis na paglalakad. “Ano ba kasing ginagawa mo dito sa Cavite?! Lumayo na nga ako di ba? Para wala ka ng problema. Wag na nating mas pahirapin pa ang sitwasyon, Ram. Tanggapin na lang natin na hindi na talaga pwede.”
“Nang dahil lang sa uncle ko hindi na pwedeng maging tayo? Hindi ko kaya, Jo! Mahal kita. Alam mo yan.”
“Pero hindi na talaga pwede, Ram. Masaya na ako.” May tinawagan siya sa telepono pinapunta niya ito sa kanto kung saan sila nakahinto ni Ramil.
After 10 minutes ay dumating ito. “Anong problema dito, Jo?” tanong ng isang matangkad na binata na kaedaran rin nila.
“Wala naman beb, gusto lang kita ipakilala kay Ramil. Classmate ko siya nung highschool. Ram, si Jordan, boyfriend ko.”
“Nice meeting you, pare.” Sagot naman nito.
Hindi na nagsalita pa si Ramil at bigla na lamang itong tumalikod at lumakad palayo kina Joann at Jordan.

“Ma’am Jo?” putol ni Marie sa pagrereminisce niya.
“Ha-ha? Ano yun?” bumalik na siya sa present time. “May problema ba Marie?” tanong niya sa kanilang Admin. Assistant.
“Pinatatawag po kayo ni Boss.”
“Sige, susunod na ako.”
00-00
Tinulungan niya si Liezl sa pag-oorganize ng kanilang reunion. Highschool reunion pero mga dating estudyante sa section lang nila ang mga kalahok.
The reunion went on smoothly. Matapos ang makapagdamdaming paghahayag ng pag-ibig at kagustuhang pakasalan ni Rex si Lian ay isang masayang party na ang kasunod niyon. Double celebration sabi nga ng iba nilang mga kaklase. Reunion and Engagement all in one night.
Masaya siya para kina Lian at Rex. Pati na rin para kina Violet at Wendel. Mga highschool lovers na siyang nagkatuluyan.
Buti pa sila. Sa loob loob niya. Samantalang siya, hindi niya alam kung dapat ba niyang pagsisihan ang mga bagay na nagawa at napagdesisyunan niya noon. Tama bang isinuko niya si Ramil? Kung ipinaglaban niya ang relasyon nila noon, sila pa rin kaya hanggang ngayon?
 Dinaan na lamang niya sa pag-inom ng alak at pagkukunwari na siya ay masaya ang hungkag na nararamdaman.
Hindi niya namalayan, naparami na pala ang inom niya. Medyo nahihilo na siya pero sige parin siya sa pagtungga ng alak.
Uubusin na sana niya ang laman ng baso niya nang may biglang umagaw nito. “Lasing ka na.” sita nito sa kanya.
“Ako lashing? Hindi pa ah. Matino pa kaya akow.” Inaninag niya ang mukha nito pero medyo malabo na nga. “Okay lang ako, Ram. Okay na okay. Sho don’t worry.”
“Ihatid mo na sa kanila yan.” Bulong ni Liezl kay Ramil.
Tumango naman ito tanda ng pag sang-ayon.
“Halika na.”
“Halikan? Ayoko nga! Hindi naman kita boyfriend ah.”
Natatawa ang iba nilang mga kaklase sa naging takbo ng usapan nila.
“Hay nako, te. Umuwi ka na. Lashing ka na!” ani Lian. “Kuya Ram, paki-uwi ng buo yan si Ate Jo. Baka pati si Tita Brenda maging kontrabida sa buhay niyo.”
“Sponge, you shut up! Ang bibig mo.” Sita naman ni Rex sa kanyang fiancé.
“Sabi ko nga, shut up me.” Hindi na ulit ito nagsalita pa.
Inakay naman ni Ramil si Joann ngunit ayaw pa rin nitong umalis sa clubhouse. So he had no choice but to lift her.
“Put me down!” palag ni Joann.
“No.” naglakad na ito palabas ng clubhouse na iyon bitbit ang lasing na dating kasintahan.
Since malapit lang naman ang bahay nila Joann mula sa clubhouse ay nilakad na lamang ito ni Ram. Hindi na rin ito nagbalak na pumalag pa. Masyado na siyang hilo para makipagtalo pa.
“I love you, Ram….” Kasunod niyon ay hilik na ang narinig ni Ramil and he feels her warm breath into his neck.
Kinintalan niya ito ng halik sa noo. “I love you too, Jo…” wika niya sa babaeng tulog na sa mga bisig niya.






















Chapter 7-

Nagising siyang masakit na masakit ang ulo niya.
Jordan!” sigaw niya.
“Yes?” pumasok ito ng kuwarto niya.
“Pakikuha naman yung aspirin sa medicine cabinet. Ang sakit ng ulo ko.” Utos niya dito.
Sumunod naman ito at binigyan pa siya ng isang basong tubig. “Ang takaw mo kasi sa alak.” Natatawa pang komento nito sa kanya.
“Tseh!”
“Buti nalang hinatid ka ni Ramil dito kundi baka pinagpiyestahan ka na sa clubhouse.”
Oo nga pala! Anong nangyari kagabi? Ang huling eksenang natatandaan niya ay ng agawin ni Ramil ang baso niya.
“Anong nangyari? At teka! Anong sabi mo sa kanya? Nakita ka ba niya?”
“Hinatid ka niya hanggang dito sa kuwarto mo. At malamang nakita niya ako! Tayong tatlo lang nila Manang Coring ang tao dito eh. Para sa huli mong tanong, sinabi ko pinsan mo ko.”
“Whaat?!!”exage niyang reaksiyon.
“Eh sa iyon ang totoo. Bakit ako magsisinungaling? Ikaw lang ang magaling doon. Mag almusal ka na.” Lumabas na si Jordan ng kuwarto niya.
Mas lalong sumakit ang ulo niya pero hindi dahil sa alak na nainom niya kagabi.
Buko na siya! Anak ng kagang! Sana hindi na ulit sila magkita pa ni Ramil.
Ang tanong, yun nga ba talaga ang gusto niyang mangyari?
-00-
Nang hindi na kumirot ang ulo niya, dali dali siyang naligo at nagbihis.
“Jordan, alis na ako. Uwi na kong Bacoor,” paalam niya sa butihing pinsan na hindi marunong magsinungaling.
“Parang may tinataguan lang ah. Sige, ingat ka.”
Meron talaga! Sa loob loob niyang sagot dito.
Kung pwede nga lang na magteleport na siya pabalik ng Cavite ay ginawa na niya.
She really felt so ashame. Alam na ni Ramil na nagsinungaling siya way back then. Ang bait bait naman kasi ng pinsan niya!
-00-
“Ma!” tawag niya sa labas ng gate ng kanilang tahanan.
“Good morning!” wika ng pamilyar na boses sa likuran niya.
“Ay good morning!” nasabi niya dala ng pagkagulat. Hinarap niya ang pinagmulan ng boses. “Ramil?! Anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka?”
Lumabas na ang kanyang ina upang buksan ang gate. Binati naman ito ni Ramil. “Good morning po, Tita.”
“Oh, Ram kamusta? Nadalaw ka?”
“Hindi yan dumadalaw Ma, naligaw lang yan. Huwag niyong papasukin.” Sabat niya. Kung pwede nga lang lumubog mula sa kinatatayuan eh. Sana kainin na siya ng lupa sa sobrang hiya. Salamat sa mabait niyang pinsan na hindi idol si Pinocchio.
“Opo, tita. Manliligaw lang po.” Pagtatama ni Ramil sa sinabi niya. Binigyang diin pa nito ang salitang Manliligaw at hindi naliligaw.
“Oh, Ma ang ganda mo. May manliligaw ka.”
“Sira ka talagang bata ka.” Papuri sa kanya ng kanyang ina. Pagkatapos ay binalingan naman nito ang kanilang bisita para sa umagang iyon. “Pasok ka, Ram.”
May lihim yatang sambwatan ang kanyang ina at si Ramil dahil ng umaga ding iyon ay umalis ng bahay ang kanyang ina na mamamalengke daw kuno. Sa pagkakaalam niya, Sabado ito namamalengke at hindi Linggo.
“Marami kayong dapat pag-usapan. Behave.” Bilin pa nito sa kanya bago ito tuluyang lumabas ng kanilang bahay.

Pag-alis ng kanyang ina ay mas pinili niyang magkulong sa kuwarto.
“Jo, lumabas ka diyan. Mag-usap tayo.”
“Ayoko. Wala tayong dapat pag-usapan. Umuwi ka na ng Makati.” Sigaw niya rito.
“Kapag hindi ka lumabas diyan, gigibain ko ‘tong pintuan mo.”
“Subukan mo lang gawin yun, Belicano. Sisigaw talaga ako.”
“Nasa iyo yan. Ikaw lang din naman ang maeeskandalo dahil ikaw ang kilala rito at hindi ako.”
Lumabas na nga siya mula sa lungga niya. Again and again she has no choice but to face this man. “Fine! Eto na. Lalabas na!”
Umupo sa mahabang sofa si Ramil at sinenyasan niya si Joann na tumabi sa kanya. Sumunod naman siya dito. Bakit ba mula pa noon ay hirap na siyang tanggihan ito?
“Bakit ka nagsinungaling?” Ramil’s first question.
“Dahil kailangan,” sagot niya.
“Bakit ka nagpakalasing kagabi? May problema ka ba?” His next question.
“Wala akong problema. Masaya lang ako para kina Lian at Rex.”
“Alam mo ba kung ano ang sinabi mo sa akin kagabi?”
“Wala akong matandaan.”
“Na mahal mo pa rin ako.”
Nanlaki ang mga mata niya. Nagulat siya sa sinabi nito. She swears to herself, hindi niya talaga matandaan na sinabi niya iyon kagabi. “What? Sinabi ko yon?! Hindi yun totoo. Lasing lang ako promise!”
Pero mas ikinagulat niya ang sunod na ginawa ni Ramil.
Hinalikan siya nito sa kanyang mga labi dahilan para matigilan siya. She loves the feeling and she also loves the man who’s currently doing this to her.
At hinayaan niya ang sariling tugunin ang mga halik nito.
Ram suddenly gave a little space between them. “Ngayon mo sabihin sa aking hindi mo ako mahal dahil hindi talaga ako maniniwala. Sarili mong mga labi, kinokondena ka.” Pero hindi naman siya nito pinagsalita dahil muli siya nitong hinalikan at muli ay tinugon niya ang mga halik nito with whole of her heart.
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Bagay na bagay sa kanya ang kantang iyan.








Chapter 8 –

I still don’t like you for Ram.
Paulit ulit itong kusang nagrerewind sa utak ni Joann.
Kahapon ay isinama siya ni Ramil sa tahanan nito sa Makati upang pormal na ipakilala bilang kasintahan sa mga magulang at pati na rin sa Uncle nito.
“Hi sir. Good evening po. Nice to see you again.” Bati niya rito.
Simpleng Good evening lang ang itinugon nito sa kanya.
Muli niyang naramdaman ang pagkadisgusto nito sa kanya she felt way back then when she was still on third year high school.
Kasalanan ba niyang mainlove siya sa pamangkin nito kaya eto’t magkadaupang palad na naman sila?
Kung bakit naman kasi hinayaan na naman niyang makapasok sa buhay niya ulit si Ramil. Pesteng reunion yan! Sakit sa ulo at sa puso na naman ang tinamo niya.
Kailan ba siya tatantanan ng baklang adviser nila?
Nang lumabas si Ramil upang bumili lang saglit ng softdrinks ay kinausap siya ni Mr. Belicano.“Sana maisip mo na hindi pa handang mag-asawa si Ram. May pamilya pa siya na kailangang tulungan.”
Asawa kaagad?! Hindi ba pwedeng girlfriend lang muna?! Tsaka wala pa naman akong balak mag-asawa ah! Masyado ka talagang atribidang bakla ka! Ito ang nasa loob niya ngunit pinili na lamang niya ang manahimik out of respect.
“Maraming ibang lalaki diyan na mas mapera, dun ka nalang. Wag na kay Ram na kailangan pang magsumikap para makaahon sila sa kahirapan.” Dagdag pa nito.
Bwisit ka! Kung natuturuan lang ang puso hindi ako magmamahal ng isang lalaking may Uncle na katulad mo. Ikaw ang hampaslupang froglet! Kung nakakapagsalita lang ang mga titig niya, ito ang gustong sabihin sa kasalukuyang kausap.
Sumama na ang pakiramdam niya and all she ever want during that time ay makaalis na sa impyernong iyon.
-00-
“Nak, may gustong kumausap sa’yo.” Putol ng kanyang ina sa pagmumuni-muni niya.
“Sino?”
Pumasok ito sa kanyang kuwarto na may dalang laptop. “Joseph, ito na si Joann. Jo, siya ang daddy mo. Sa Dubai na siya nakatira.”
Matagal niyang tinitigan ang screen. For almost twenty two years in her life, ngayon niya lang nasilayan ang mukha ng kanyang ama. Hindi maikakailang ito nga ang daddy niya dahil para lamang siyang nananalamin. Male version ng kanyang mukha ang daddy niya.
“Da-dad?”
“Kamusta ka na anak?”
Pareho na silang mag-ama na halos hindi makapagsalita dahil sa pag-agos ng luha sa kani-kanilang mga mata.
“Ma, bakit ngayon lang?” tanong niya sa kanyang ina.
“Magulo pa kasi ang sitwasyon noon, nak. May sarili ng pamilya ang daddy mo kaya hindi ko na sila ginulo pa.”
“Hinanap ko ang mommy mo sampu ng aming ibang mga batchmates thru internet at hindi naman ako nabigo. Nagkumustahan kami and yun nga sinabi niya sa akin na may anak pala kami.” Dugtong pa ng kanyang ama. “I’m sorry, Joann. Hindi ka nagkaroon ng isang ama habang lumalaki ka.”
“Isa lang naman ang hinihiling ko Dad. Yun ay ang makilala ka.”
Pakiramdam niya ay buo na ang pagkatao niya.
-00-
Eto na naman siya at pilit nagtatago sa isang taong sobrang mahal niya ngunit kailangang iwasan dahil hinihingi ng pagkakataon.
“Jo, ano bang problema?!” kausap niya sa kabilang linya si Ramil.
“I’m sorry, Ram. Pero hindi tayo dapat nagkabalikan. We were really not meant to be.”
Para niyang sinasaksak ang sariling puso habang sinasabi ang mga ito kay Ramil.
“Ano ngang problema?! Okay naman tayo last week ah. Kung wala lang akong duty, pinuntahan na kita diyan sa inyo.”
“Ayaw sa akin ng pamilya mo, damn it! Hindi ko kailangang ipagpilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin. Hindi ko maatim na makisama sa’yo kung ayaw naman sa akin ng pamilya mo.”
“Iyon lang ba, Jo? Iyon lang ba?! Ang babaw mo!”
“Mababaw na kung mababaw pero yon ang nararamdaman ko. And I’m so sorry to tell you pero hindi kita mahal. Mali lang tayo ng akala.”
“Sawa na kong marinig lahat ng kasinungalingan mo Jo! Hindi pa nga nagsisimula ang laban sumusuko ka na. Siguro nga hindi mo talaga ako mahal dahil hindi mo ko magawang maipaglaban samantalang ikaw, handa kong talikuran ang lahat para sa’yo.”
Hindi na muling nagsalita pa si Ramil. Mahinang paghikbi na lamang ang naririnig ni Joann mula sa kabilang linya.
“Ram, I’m sorry.” Tangi niyang nasabi. She didn’t know what to say, siguro nga ay tama ito.
She’s not that strong enough to fight for their love. Pero may punto naman ang uncle nito, Ramil needs to focus on helping his family. Hindi dapat sa kanya umikot ang mundo nito and he don’t need to throw everything for her. It would be so much unfair. She’s not that selfish para angkinin si Ramil. Kailangan ito ng pamilya niya at marami pa itong pangarap na dapat tuparin. Mag-isa.

 Now she has proven that second heartbreak is worse than the first.














Chapter 9 –
After a month they officially broke-up again, she decided to go to Dubai.
Not only to work there but also to meet her father in person. Ito rin ang tumulong sa kanya para makapag-abroad siya.
“Sigurado ka na ba sa balak mo?” Matamang nakamasid sa kanya ang mommy niya habang nag-iimpake siya ng mga gamit.
“Yes, Ma. Gusto ko na ding ma-meet si Daddy.”
“Dati from Makati to Cavite lang ang getaway mo ngayon naman from Cavite to Dubai.” Komento nito, referring to her first and second heartbreak.
“Ma. It’s not about it.”
“Nanay mo ko. Makakapagsinungaling ka sa lahat pero hindi sa akin.”
“This is the best thing that I could do. Hope you understand that.” Niyakap niya ang kanyang ina. “Mamimiss kita, Ma. Ingatan mo ang sarili mo ha.”
Narinig niya ang pagsinghot nito, “Yun na nga ang pinagsisintir ko eh. Wala na akong kasama dito.”
“Two years lang yun, Ma. Uuwi naman ako. After all, this is my true home. With you.”
“Oo na. Sige na. Basta mag-iingat ka din dun ha. I-kumusta mo nalang ako sa daddy mo.”
“Mahal mo pa rin siya noh?” pang-iintriga nito sa sariling ina.
“Tse. Tumigil ka Joanna Marie ha! May iba ng pamilya yun, tatlo pa ang anak.” Saway nito sa kanya.
“Ano naman? Hindi ko naman sinabing sulutin mo siya eh. Nagtatanong lang ako kung ma-..”
“Joanna Marie!”
“Sabi ko nga. Tuloy ko na yung pag-iimpake ko. Labas ka na dun para hindi na kita mapagtripan. Hehe.” Lumapit siya sa pintuan ng kuwarto niya at binuksan ito para sa inang napipikon na.
She’s so glad that despite of the things happened to her, mas naging malapit siya sa ina. Kung dati ay hindi man lang sila nito nagkikibuan ngayon ay sanggang dikit na sila.
And she’s happy to have her as her mom. Bilib siya rito dahil nagawa siya nitong itaguyod mag-isa.

-00-

NAIA Terminal 1

Naluluhang niyakap ni Joann ang kanyang ina, “Wag kang pasaway, Mommy ha. Inumin mo sa oras yung gamot mo.”
Pinipigilan naman nito ang maiyak at bagkus ay pinilit nalang na magbiro. “Mas pasaway ka kaya. Mas matigas ulo mo. Pag sinabing bawal, bawal. Sige ka at latigo ang katapat mo dun.”
Natawa naman siya sa tinuran ng ina. “Araw-araw ka mag-oon-line ha.”
“Oo naman. Para sa’yo. Ikaw naman magbabayad ng billing eh.” Dagdag biro pa nito.
“Mommy talaga. Manang mana ka sa akin! Pasok na ko ha.” Hinalikan na niya ito sa pisngi at niyakap ng mahigpit. “I love you so much mommy ko. Babye for now.”
Niyakap din siya nito na halos ayaw na siyang pakawalan.
“Ma, maiiwan na ako ng eroplano.” Biro naman niya dito. Pero ang totoo ay maaga pa siya ng isang oras para sa check-in time niya.

Papasok na sana siya sa Passenger’s Entrance ngunit may tumawag sa pangalan niya.
Boluntaryo siyang napahinto sa pagpasok at nilingon ang tumawag sa kanya.
“Ram….” Mahina niyang naiusal.
Humihingal pa ito nang sugurin siya ng yakap. “Buti nalang naabutan pa kita. Sobrang traffic papunta dito.”
Muli na naman siyang napaiyak. “A-anong ginagawa mo dito? At tsaka paanong?”
“Si Lian. Mabuti pa sa kanya nakapagpaalam ka.” May himig ng pagtatampo sa tono nito.
“Aksidente lang yon.” Noong isang araw kasi ay nagkasalubong sila ni Lian sa Mall of Asia habang bumibili siya ng maleta. At hindi naman siya makapagsinungaling dito kaya’t nasabi niya kung para saan ang binili niyang gamit. “Wala naman talaga akong balak magpaalam kahit sino sa inyo. Ayoko ng iyakan. Kay mommy pa lang kotang kota na ko. Sorry.”
“Ang daya mo. Tatakbuhan mo na naman ako.”
“Kailangan, Ram. Kung tayo, tayo talaga. Pero siguro hindi pa sa ngayon. Marami pa akong gustong gawin at patunayan. At alam kong ikaw rin. We need to grow up apart first. Para kung sakaling tayo man ang magkatuluyan, we already fulfilled our duties as two different individuals.” Makahulugan niyang sabi dito. Hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng lakas upang dere-deretsong masabi ang lahat ng ito kay Ramil.
“Sana nga tayo pa rin. Naiintindihan ko na, Jo. Sorry kung nasaktan kita. Mag-iingat ka dun ha.”
Mapait niya itong nginitian at pagkatapos ay tumango.
Pumasok na siya sa loob ng airport bitbit ang masasaya at mapapait na ala-ala kasama ang taong pinakamamahal.
Well, this is really goodbye. For now.

















Chapter 10 –

And so this is Philippines after four long years. Hays. I miss this. I miss home! Para siyang tangang nangingiti mag-isa at kausap ang sarili.
She has been good for the past four years staying in Dubai. Natupad na niya ang pangarap niya.
First is to personally meet her father at ang pangalawa ay ang unti-unting pag-angat ng kanyang career.
Dapat ay two years lang ang contract niya but she decided to pursue another career there at another company. Kung dati ay through agency, after transferring to a new job ay direct employee na siya.
Later on ay naregular, tumaas ang position at siyempre ang sahod.
Nakaleave lamang siya ng thirty days at pagbalik nga niya ng Dubai ay sasabak na siya sa bagong trabaho bilang isang manager ng hotel doon.
Nagsimula siya bilang isang Admin Officer at ngayon nga ay papalitan na niya ang boss niyang mag-reretire na.
Some may call it luck pero para sa kanya ay bunga iyon ng pagsisipag at pagpupursige and she also believes that she has a long way to go.

After thirty minutes of waiting for her mom, nainip na siya. Gusto na niyang umuwi at mahiga sa malambot niyang kama kapiling ng mga teddy bear niya.
 “Ma! Asan ka na?! Kanina pa kaya ako dito. Pag ako nainis, magtataxi nalang ako!” kausap niya ito sa telepono.
“Wait lang ‘nak. Medyo traffic lang kasi pero malapit na ko. Ito na paakyat na yung sasakyan.”
“Ang tagal! Pinoy ka talaga, Ma!”
“At ikaw? Anong tingin mo sa sarili mo? Bumbay ka na?”
“Brenda!”
“Andito na ako, Mommy Joann.”
“Ma naman eh. Wala ka naman dito!” Luminga linga pa siya sa paligid pero hindi niya talaga ito mahagilap.
Sa halip, isang puting puting BMW na kotse ang huminto sa harapan niya.
Bumaba ang driver nito na nakashades at may hawak na isang white board.
“Ram…..”
Ngumiti lang ito sa kanya at pagkatapos ay tila may isinulat sa whiteboard.
Ms. Joanna Marie Marasigan…
“Oh bakit?” Pagtataray niya upang mapagtakpan ang sabik na mayakap itong muli.
She didn’t expect na ito ang susundo sa kanya.
Muli itong nagsulat.
I love you.
“Oh eh ano naman?” Deep inside, she was deeply touched. After all these years, mahal pa rin pala siya ni Ramil and she’s so happy to tell him that she also feels the same way. Sa apat na taon na pagtira niya sa Dubai, ito pa rin ang laman ng puso’t isipan niya. She just control herself na kontakin ito dahil baka mapauwi siya ng di-oras sa Pilipinas. Feeling din niya ay mas mamimiss niya lang ito kung nagkaroon sila ng komunikasyon noon.
She can’t help her tears from falling sa mga sumunod niyang nabasa.
I want to marry you. Please say you want it too.
Unti- unti itong lumapit sa kanya. “Please naman, huwag mo na akong takbuhan.” Pagmamakaawa pa ni Ramil. “Nobody can stop me now from wanting to have you. Ikaw ang buhay ko, Jo. Ayoko ng mawala ka pa sa akin. And I will make sure this time, wala ng pwedeng humadlang sa ating dalawa. Kahit sinong Pontio Pilato pa yan!”

Halos malunod naman ang puso niya sa tuwa. “Shocks, ang corny mo na, Ram!” natatawa niyang komento dito. “As if naman papayag ako noh?!”
Bigla ang pagkunot ng noo nito at paglungkot ng mga mata. “May iba ka na or worse asawa?”
“Oo!”
Laglag ang balikat na tumalikod si Ramil sa kanya.
Muling nagflashback sa utak niya ang eksena nila nung minsang ipakilala niya si Jordan bilang bagong boyfriend niya. Ito pa rin ang dating Ramil na sobrang sensitive when it comes to her.
 “Hoy, Belicano sandali! Baka gusto mong patapusin muna ako?.” Sigaw niya dito. Kasehodang nasa airport siya at naririnig siya ng ibang tao na nag-aabang din ng mga sundo o di kaya naman ay mga sundo na naghihintay ng mga bagong dating.
This is a matter of heart and heart. Bahala na si Batman.
Huminto sa paglalakad si Ramil ngunit nanatili pa rin itong nakatalikod sa kanya.
“Correction, magiging asawa palang at ikaw sana ang gusto ko! At hindi rin ako papayag na may hahadlang pa sa atin. Four years are enough to endure the longing ness.” And she finally shouted her heart out. “You know what I mean, mister? Mahal kita! At oo, pakakasalan kita!”
Nabitawan ni Ramil ang hawak nitong whiteboard at sinugod siya ng yakap. “I love you, Jo.”
“I love you too, Ram.” And in the middle of the crowd, they kissed.
Bumaba mula sa isang van sina Rex at ang buntis na asawa nitong si Lian, si Violet at Wendel, si Ronald at Liezl.
May iniabot si Lian na isang pulang tarheta kay Ramil. “Isuot mo na sa kanya yan, baka magbago pa ang isip.”
Sinunod naman ito ni Ramil. “Sa harap ng mga kaibigan natin, Jo. Isinusumpa kong habambuhay kitang mamahalin.” Pangako nito kay Joann.
“Weh? Wala ng bading issue?” pang-uusisa pa ni Lian. Tinakpan naman ni Rex ang bibig ng asawa.
“Wala na. The hell I care. Oo, may utang na loob ako sa kanya pero hindi hawak ninuman ang puso ko. Si Jo lang yun.” Kinindatan pa nito ang ngayon nga ay fiancé na.
Kilig to the bones naman ang drama niya.
Oo nga pala, speaking of kasal, muntik na niyang makalimutan, “Kailangan ko palang bumalik ng Dubai within 30 days. Paano yun, Ram? Nagsisimula pa lang ang mga pangarap ko.”She told him.
“Sus, problema ba yun?! Kailangan ng Dubai ng maraming visual artist. Nakita ko sa jobstreet.” Singit ulit ni Lian sa usapan. “Kakapost ko lang kahapon ng job vacancies at sure yun Kuya Ram. Kaya go na! I will also help you, may mga kilala ako sa agencies.”
“Eh pano yung kasal?” singit na tanong naman ni Violet.
“Ano ka ba Hon? Si Franz, palabas na bukas. In short, pari na siya!” Wendel announced. Ang tinutukoy nito ay ang  kapatid na after high school ay pumasok ng seminaryo.
“Good to hear that so wala na tayong problema!” ani Rex.
 “Kailangan talaga dito tayo sa gitna ng arrival area nag meeting de abanse?” ani Arnold.
“Huwag ka ng pumalag! So, saan ang next venue? Sa simbahan o sa kainan muna? Gutom na ako eh.” Sagot naman ni Liezl.
“Pwede bang sa bahay muna? Namimiss ko na ang nanay ko. Pati na rin ang kama ko. Kanina ko pa gustong humiga!”
“Higa kaagad? Kasal muna. Ate Jo ah!” nakangising turan ni Lian sa kaibigan.
“Rex! Yang asawa mo, ang daming alam. Kaya kayo naka-isa na eh.” Ani Ramil
Tawanan ang barkada.
Joann couldn’t help but to smile at these people. Her highschool barkada are really the best. She had many friends before and after them pero para sa kanya, ang grupong ito ang pinaka espesyal. Mga special child kasi lahat sila. Hehe.
Her phone rings, “Hello Ma. Nasaan ka ba? Nababaliw na ako sa mga tao dito.”
Tumatawa lamang ang kanyang ina. “Pumunta na kayo dito sa Cavite. May pakain dito.”
“Hay nako. Guyz, may pakain daw yung nanay ko. Birthday niya eh.” Yaya niya sa mga kaibigan.
“Yon!” ani Wendel.
Tara na!” Sabi naman ni Liezl.
“Tsaka na kayo magpakasal! Gutom na kami ng baby ko.” si Lian.
Natawa naman si Rex sa sinabi ng asawa.
“Hindi mo yata pinapakain yang mag-ina mo Rex!” sita ni Violet sa kaibigan.
Naiiling na sumakay na lamang siya sa kotse ni Ramil.
Bago paandarin ni Ramil ang makina ang sasakyan, they kissed again. “Pampabuenas lang sa biyahe!”
And she loved it.

-end-







No comments:

Post a Comment