Pages

Saturday, October 12, 2013

Sheldine – The Adviser’s Love Affairs



Finding her true love na napakailap sa kanya. Magaling siyang mag advice sa mga kaibigan pero kapag siya na pinayuhan , matigas ang ulo niya and she do the opposite way. Malakas mangsermon, pero kapag siya na ang sinermunan, walk out or tengang kawali ang drama.

Mami meet niya sa Baguio ang kanyang true love. : ) sino kaya yun?


All rights reserved




Chapter 1- Sheldine
Chapter 2-The Guy Bestfriend.
Chapter 3 – Girldfriend’s Night Out
Chapter 4 – (Time line: Feb.2013 - jadey’s bday)Baguio Escapade
Chapter 5 – Meeting the Prince
Chapter 6 – The Prince and Her
Chapter 7 – Realized
 Chapter 8 –  Her Choice
Chapter 9 –  Signs
Chapter 10 – Fairy tales do come true,.








Chapter 1- Sheldine  

“Break na tayo,” deklarasyon ni Earl sa kasintahang si Sheldine. Katatapos lang nila kumain sa labas at kahahatid lang niya sa girlfiriend sa bahay nito sa Makati. “Ilang beses ko ng sinabi sa’yo na magkaibigan lang kami, pero anong ginawa mo? Inaaway mo pa rin siya.”
Tinaasan lang ito ng kilay ni Sheldine. “Excuse me! Hindi ko siya inaaway. Nagtanong lang ako kung bakit hawak niya ang cellphone mo? Masama ba yon? At sinong tinakot mo? Okay fine! Get out of my house and get out of my life!” Inis niya itong iniwan sa sala ng kanilang bahay at umakyat na patungo sa kanyang kuwarto. HH
Hindi na niya ginustong marinig pa ang ibang sasabihin nito. Earl has been her boyfriend since college days at ilang beses na rin sila nitong nag break. Her friends, Playful Hearts are already very used to it. Hindi na bago sa kanila kung mabalitaan man nila na hiwalay na naman ang mga ito. Ilang beses na ring sinabi ni Sheldine sa sarili niya na hinding hindi na siya makikipagbalikan rito pero nagkakabalikan pa rin sila. Hindi niya alam kung mahal niya lang ba talaga ito o sadyang matigas lang ang ulo niya at hindi siya marunong makinig sa mga kaibigan niya.
“Bwisit na lalaki to! Alam ng stressed ako sa trabaho, dinagdagan pa!” Inis na nasabi na lamang ni Sheldine sa sarili. She’s been very busy simula ng maturn over sa kanya ang pagiging supervisor ng department nila. Minsan na lang din sila lumabas ni Earl, and their date earlier ay ang pambawi sana niya sa nobyo but then it just turned out to be a nightmare again.
“Enough is enough!” post niya sa kanyang social network gamit ang kanyang telepono.
“Break na naman,” komento ni Tulips. Naka online din ito.
“As usual. ; )” komento din ni Jadey.
“This time, I’ll never go back!” sagot ni Sheldine sa mga komento ng kaibigan.
“Yeah ryt. I also heard that before, da ba Tulips?” si Jadey ulit.
“You bitches. Shut up! : )” si Sheldine ulit.
“Same to you, lola!” si Tulips.
Naiiling nalang na tinitigan ni Sheldine ang screen ng kanyang telepono. She swears to herself, this time she will never come back. She’s already tired of Earl, tired of their endless fights and make-up. There’s no point of turning back again.
Nagulat siya ng makitang naka online din si Earl pero ang mas ikinagulat niya ay ang pagpapalit nito kaagad ng status. From in a relationship with her to single.
“Letse ka! Naunahan mo lang ako,” comment niya dito at binura na niya ito sa kanyang friend’s list.
---------------------------------------------
“Ano na namang drama niyong magjowa at nagbreak na naman kayo?” e-mail sa kanya ni Jadey.
“Don’t worry, this time ayoko na talaga! Ang lakas ng loob niya Heart, siya pa ang nakipagbreak sa lola mo!” nanggigil na sagot ni Sheldine sa kaibigan.
“Bakit? Ano bang nangyari?”
“Inaaway ko daw yung bestfriend na babae niyang hilaw! Eh nagtatanong lang naman ako kung bakit siya ang sumagot ng tawag ko. Nakakainis talaga!”
“Relak. Huwag mo ng patulan at sana nga mapanindigan mo yang sinasabi mo na wala na talagang balikan. I doubt. Hehe!”
“Wait and see for two years.” Deklarasyon ni Sheldine sa kaibigan.
“Two years o two weeks? Baka naman two days? : )”
“TWO YEARS.”
“Galit? Kelangan talaga all caps?”
“I’ll stand for that.”
“Okay. Ikaw ng may sabi, btw, Padi’s tayo on weekend.” Yaya ni Jadey dito. Matagal tagal na rin kasi silang hindi nagkikita kita na magkakaibigan.
“Sige, ako na mag iinvite kay Niza. Dadramahan ko nalang para lumuwas. Hehe.”
“Good luck!” Nasa probinsiya kasi si Niza, ang pinakabestfriend niya sa kanyang college barkada or simply known as Playful Hearts. They were seven in the group. Siya, si Jadey, Xyrish, Tulips, Mafeth, Lizen and her bestfriend, Niza.
“Kitakits on weekend! Muahh! Bye! Work work din! Hehe,.” Nagpaalam na si Jadey sa ka –email.
Simula ng maging supervisor siya ay naging busy na nga siya sa trabaho, madalas pa ay puro out of town dahil sa mga seminars at outreach programs na pinangungunahan ng kayang team. Kaya’t nagiging madalas na rin ang pagtatalo nila ng kanyang boyfriend na si Earl. Wala na kasi siyang oras para dito. Kung meron man, ay magtatalo lamang sila sa kung anu-anong mga bagay. She know that she loves Earl, ilang beses na sila nitong nagbreak ngunit lagi pa rin silang nagkaka ayos at nagkakabalikan.
There was a time pa nga na siya mismo ang nagloko at nakipag boyfriend sa iba, ngunit pinatawad pa rin siya ni Earl at muli silang nagkabalikan.

----------------------------------------

She is Sheilla Geraldine, 21 years old, second to the youngest sa barkadang Playful Hearts. Ewan ko ba kung bakit big deal sa kanila ang ages nila eh halos magkakalapit lang naman. She’s very dominant, with the height of 5 flat, mas matangkad pa ang power level niya sa kaniya. Number one advice giver ng grupo. Pero kapag siya na pinapayuhan kabaliktaran ang ginagawa. Frustrated writer. Sa tuwing may free time, pag a update sa blog niya ang ginagawa. At ang mga kaibigan niya ang nagiging mga kawawa niyang mga characters sa bawat kuwento na nililikha niya. She can proudly say that she has beauty and brains, kinulang lang ng konte sa height. Baby face pa nga ang tanyag sa kanya ng mga kaibigan pero lola’s attitude naman. Hindi mo malalaman ang tunay niyang edad unless tanungin mo siya. There was a time pa nga na hindi siya pinapasok sa bar dahil  minor pa daw siya. Diyos miyo, katatapos lang ng debut niya non ng maisipan nilang mag comedy bar na magkakaibigan sa Timog Ave.
At that young age, hindi mo aakalain na nakakota na siya pagdating sa pag boboyfriend. Highschool pa lang, papalit palit na siya. Then pagdating ng second year in college, kung hindi pa naging sila ni Earl, hindi pa siya titigil sa pangongolekta. But nice thing about her, hindi naman siya nagsasabay sabay ng boyfriend. One at a time naman. At sa bawat heartbreak na pinagdaanan lagi niyang karamay ang playful hearts. Kaya kung papipiliin mo siya between her boyfriend and her friends. Automatic ang isasagot niya. Playful Hearts.










Chapter 2- My Guy Best friend
Kiel has been her best friend simula ng malipat siya sa government office. Dati siyang nagtatrabaho sa isang Retail Company but she chose to resign because of the environment. Palibahasa’t maganda na at matalino, maraming naiinggit at hinihila siya pababa. Crab mentality. Tsk. Tsk.
Kiel approached her on her first day of work and eventually naging close sila. Instant chemistry binds them. Lagi pa nga itong pinagseselosan ni Earl noon, although may girlfriend din naman ito. Nasa states nga lang at nag mamasteral.
“Bez! Movie date tayo later. Showing na yung inaabangan mo,” e-mail sa kanya ni Kiel. Taga Accounting department ito at siya naman ay nasa General Services.
“Okay. Bez, I’m sad. Wala na ulit kami ni Earl,” pag oopen-up niya sa kaibigan.
“ Ano na namang pinag-awayan niyo? Don’t tell me, ako na naman ba?”
“Hindi. Yung best friend niyang hilaw.”
“So ano? Metrowalk after our movie date?”
“Okay lang.”
---------------------------------------------------
After watching the movie, pumunta nga sila sa Metro Walk para uminom. Binilhan siya ni Kiel ng isang bucket ng beer.
“Inom na,” utos nito kay Sheldine.
Kinuha naman niya ang isang bote at isinalin sa baso. “This would be the first time na ikaw ang kasama ngayong broken hearted ako. Madalas kasi sila Niza ang kasama ko at walang sawang nakikinig sa mga dilemma ko sa buhay lalo na sa mga lalaki.” Mababakas na sa mga mata ni Sheldine ang mga luha na kahapon pa niya pinipigilang tumulo. Sa totoo lang ayaw na niya itong iyakan but deep inside her heart, mahal niya si Earl. Sa ngayon nga lang ay natatabunan ng galit ang anumang nararamdaman niya.
“Thank you kasi hinayaan mo akong makasama ka tonight. Anyway, about Earl, sana nga mapanindigan mo yang sinasabi mo na hindi mo na siya babalikan, pero di ba dapat inaayos yung problema at hindi pinalalala,” payo nit okay Sheldine.
“Yun na nga eh, siya ang nagpapalala bez, I’m trying to save our relationship pero siya na mismo yung gumagawa ng dahilan para may mapag-awayan kami,” depensa ni Shedine.
“Oh, teka lang, Huwag ako ang awayin mo, dinadamayan na nga kita eh.”
“Sorry bez,” sinundan niya ito ng isang malalim na buntong hininga at inubos na ang laman ng baso niya. Hindi niya kasi alam ang gagawin. Kung makikipag ayos ba siya kay Earl o hahayaan na lang niya ito.
“Ano bang magandang gawin? Makipag-ayos o makipaghiwalay na ng tuluyan?” tanong niya kay Kiel.
“Ikaw nasa iyo yan. In the end, ikaw naman ang mag ri reap ng mga magiging desisyon mo,”
Sana ikaw nalang boyfriend ko.” Tila wala sa sariling nasabi niya sa kaibigan. Hindi pa naman siya ganon kalasing, isang bote pa lang ang naiinom niya. Hindi niya alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig niya.
“Ano ka ba? Mag bestfriend tayo remember,” sagot ni Kiel sa kanya.
Ouch! So it means hindi niya ako kayang mahalin? Despite of all the good things na ginagawa niya sa akin, talagang hanggang kaibigan lang pala ako.
Nahihibang ka na Sheldine! Sabi ko naman sa’yo eh, walang mabuting epekto yang alak sa katawan. Tignan mo tuloy kung ano anon a ang naiisip at sinasabi mo.
Para siyang tangang kinakausap ang sarili sa utak. 
“Sorry ulit, bez. Lasing na yata ako,” tumayo na si Sheldine at nagpasya ng umuwi.
“Teka, saan ka pupunta?” pinigilan siya ni Kiel.
“Uuwi na.”
“Hatid na kita.”
“Huwag na. Hindi kita boyfriend.”
“Best friend.”
“Hindi hinahatid ng best friend ang best friend niya.”
“Sorry, rule breaker ako. Tara na.” Nagpara na si Kiel ng taxi at iginiya papasok sa loob si Sheldine.
Habang nasa daan sila pauwi ay wala silang kibuan, parehong nagpapakiramdaman. Aaminin na niya sa sarili niya na unti unti na siyang nahuhulog sa best friend niya. Isa ito sa mga dahilan kaya ayaw na niyang makipag-ayos kay Earl. Siguro nga nafall-out na talaga siya sa dating nobyo dahil sa pagdating nito sa buhay niya. Mas umaaktong boyfriend pa sa kanya itong si Kiel kumpara kay Earl. But Kiel just cleared it while ago. Hanggang bestfriends lang sila. Mahal talaga siguro nito ang girlfriend na nasa abroad.
At siya, isa na namang sawi. Parang double heartbreak ang nagyari sa mapaglaro niyang puso. Hay, pag-ibig nga naman.
--------------------------------------------------
“Salamat sa paghatid,” hinalikan niya sa pisngi ang kaibigan at bumaba na siya ng taxi.
“Mukhang lasing ka na nga. Nanghahalik ka na eh. Dapat sa lips hindi sa pisngi,” biro ni Kiel sa kanya.
Nagulat na lang si Kiel ng bigla na lang siyang halikan ni Sheldine sa labi. Natigilan siya.
“Oh ayan. Lasing ako,” nakangiti nitong gatong sa biro ng kaibigan.
Natawa na lamang si Kiel, “Ikaw ng lasing sa isang bote ng beer. Tara manong baka pati ikaw mahalikan,”
“Sira ulo!” sagot nito sa kaibigan at kumaway pa sa paalis ng taxi.
---------------------------------------
Iyon ang mga eksenang naabutan ni Earl. Kasalukuyan itong nag aabang sa labas ng bahay nila Sheldine at nakita nga niya na bumaba mula sa taxi ang kasintahan. Hindi siya nito napansin sapagka’t natatabunan siya ng isang puno sa katapat na bahay nila Sheldine.
















Chapter 3 –  Girlfriend’s Night Out

“Ako na sawi! Cheers muna bago ako magkuwento,” itinaas ni Sheldine ang basong hawak at nagsisunuran naman ang mga kaibigan niya. Kasalukuyan silang nasa isang bar sa  Seaside Moa.
“Game na! Tagal!” si Lizen. Ang kaibigan nilang modelo.
“Excited ka talaga Liz, ikaw nalang kaya magkuwento,” si Tulips.
“Ayoko nga,” Sagot naman nito.
“Hep! Eto na! Magkikuwento na po ako,” ininom muna niya ang beer na nasa baso, “ I just had two heartbreaks this week.”
“Dalawa talaga?” singit ni Mafeth.
  Tango ang isinagot niya.
“Paanong dalawa? Dalawang beses kayo nagbreak ni Earl?” tanong ni Jadey.
Iling naman ang isinagot niya.
“Eh ano nga?” si Xyrish.
“Isa kay Earl, isa kay Bez,” sagot ni Sheldine sa mga kaibigan.
“Bez?” takang tanong ni Mafeth.
“Ah si Bez!”si Tulips, “Sino yun?” Tawanan ang barkada. Wala pa kasing nakakakilala sa bagong kaibigan ni Sheldine. Hindi pa ito na mi-meet ng Playful Hearts. Pero madalas na niya itong ikuwento kina Jadey at Xyrish pag nagpapalitan sila ng emails sa office.
“So hindi na ako ang bez moh?” may himig ng pagtatampo sa boses ni Niza.
“Ito naman!” binatukan pa ni Sheldine ang kaibigan, “syempre ikaw pa din ang bestfriend ko. Nadagdagan lang. Anyway, ano? Hindi na ko magkikuwento? Tanungan nalang?”
“Dali na! Bilisan mo kasi, alam mo namang maraming bibig ang nakapalibot sa’yo,” natatawang hayag ni Jadey.
“Earl and I broke up because of his hilaw na girl bestfriend sa office niya. Tinatawagan ko siya at yung bruha na iyon ang sumagot. Tapos inaaway ko na daw yung girl eh nagtanong lang naman ako kung bakit siya ang sumagot ng cellphone ni Earl,” esplika niya sa mga kasama.
“Baka naman the way ka nagtanong, ang dating dun sa girl eh nang-aaway ka na?” tanong ni Jadey dito.
“Siguro kung college pa tayo nangyari ang ganun, baka nakatikim pa siya sa akin na masasarap na salita, pero Diyos ko naman, 21 na ako. Siguro naman may karapatan na akong magmature kahit papaano. Maayos naman ang tanong ko ah. Ang sabi ko lang, bakit siya ang sumagot at nasaan si Earl. Yun lang,” muli niyang paliwanag.
“Ahh, iniba yung kwento ng girl. Gusto mo upakan natin Shel?” si Lizen. May pagka war freak din kasi ito.
“Bakit nasa’yo ang espiritu ni Jadey?” biro ni Xyrish kay Lizen.
“Tseh!” si Lizen. At sinabunutan naman siya ni Jadey.
“Aray ha!” angal ni Xyrish sa ginawa ng kaibigan, “Oh, tapos ano yung isang heartbreak mo?”
“Kahapon kasi, lumabas kami ni Bez, nag movie date tapos nag Metrowalk. He clearly stated to me na bestfriends lang kami. Nothing more than that. Period,” muli niyang sagot.
“So sa madaling sabi, binasted ka niya?”si Lizen.
“Ang harsh mo talaga!” saway ni Tulips dito.
“Eh totoo naman ah. Hindi naman niya iko-consider na heartbreak yun kung wala siyang feelings para kay Bez eh, tama ba ako, Heart?”
Nahihiyang tango lang ang isinagot ni Sheldine. Her friends really knew her well, kahit minsan lang sila magkita-kita nito, alam ng mga ito ang nararamdaman ng isa’t isa. Parang lukso ng dugo. Wow ha, may ganun palang connection sa magkakaibigan.
“Cheers!” si Jadey.
“Kampay!” si Xyrish.
“Para sa mga sawi!” sabay pang nasabi nila Lizen at Tulips. Tawanan na naman ang grupo.
“Kaya hinding hindi ko kayo ipagpapalit eh!” natutuwang sabi ni Sheldine.
“Naman! Playful Hearts will always be Playful Hearts!” si Xyrish.
“Oh, picture picture!” yaya ni Jadey sa mga kasama at tinawag nito ang isang bartender para magpakuha sila ng litrato.
“Say Happy!” command ni Sheldine.
“Happy!” sunod naman nilang lahat.
 “Baguio tayo next week, for my birthday,” yaya ni Jadey sa mga kaibigan.
“Okay! Pero pwede bang magsabit?”paalam ni Xyrish.
“Ako din sana,” paalam ni Sheldine kay Jadey, “isasama ko si Bez ha, actually niyaya niya nga ako doon eh, gusto daw niyang mag Baguio kasi bata pa daw siya nung huli siyang pumunta doon,” inporma ni Sheldine sa mga kaibigan, “Okay lang ba Jadey?”
“Sige na, isama na ang gustong isama. Ang importante matuloy tayo,” muling itinaas ni Jade yang baso niyang may beer, “Cheers ulit!”
“Cheers!” nagsisunuran naman ang iba.
Sheldine really loves these girls. Ito ang bumuo sa pagkatao niya since college, magpapalit palit man siya ng boyfriends pero hindi ng mga tunay na kaibigan. Playful Hearts  is big part of her, kung wala ang mga ito, wala siyang maituturing na mga tunay na kaibigan sa buhay. She was a loner back in highschool kaya sobra niyang pinahahalagahan ang unang niyang naging barkada. Noon kasi sila lang ni Niza ang laging magkasama pero nang tumuntung sila ng college at makilala ang limang ito, mas naging masaya ang college life niya. 




















Chapter 4- Baguio Escapade
First time ni Sheldine sa Baguio kaya’t pagdating na pagdating palang nila sa hotel ay nagyaya na kaagad ito maggala. Game naman si Xyrish na pareho niyang first time lang din sa Baguio.
“Bez, tara na! Bangon na diyan, Gala na tayo!” yaya ni Sheldine sa kaibigang nakasalampak sa sofa ng hotel na tinutuluyan nila.
“Hindi ka ba napapagod? Palibhasa hindi ikaw ang nagdrive eh,” Van kasi ng pamilya ni Kiel ang ginamit nila at siya ang naging driver ng mga ito.
“Okay lang yan. Mamayang gabi ka nalang magpahinga. Sayang ang araw. Sige na please,” pagmamakaawa ni Sheldine sa kaibigan.
“Tignan mo nga sila Jadey oh, nagpapahinga din,” naging kapalitan niya kasi ito sa pagda-drive. Katabi naman ni Jadey si Lizen sa malaking kama.
“Hoy, mga froglets! Tara na! Birthday girl, gising! Gala na tayo,” hyper na yaya ni Sheldine sa mga kaibigan.
“Oo nga! Tara na!” yaya din ni Xyrish sa mga kasama.
“Mga egzayted! Di kayo mauubusan ng Baguio! Istorbo,” pagtataray ni Lizen sa mga ito. Tumayo na siya at nag-ayos na ng sarili.
Sumunod na rin si Jadey, “Mag ko commute tayo ha! Nakakahiya naman sa amin ni Kiel, may driver kayo,”
“Okay lang! Tara na! Bez, tayo na diyan!” hinila ni Sheldine patayo ang kaibigan ngunit siya ang hinila nito palapit sa kanya. Na out of balance siya kaya’t napahiga siya sa katawan ni Kiel. “Aay!” Magkalapit ang kanilang mga mukha. Siya ang unang nag-iwas ng tingin, nailang siya sa naging posisyon nila.
“Ahemm. Aalis na tayo di ba?” kontra ni Lizen sa moment nila.
“Oo nga, di ba bez?” binigyang diin pa ni Jadey ang huling sinabi, “Oh teka bakit ang sama ng tingin mo Shel, si Xyrish ang tinutukoy kong Bez noh. Filing mo naman ikaw lang may Bez dito,” kinindatan pa nito si Xyrish.
“Whatever, Tara na kasi, dami pang eksena eh!” Nauna ng lumabas ng pinto si Xyrish kasama si John.
 Hindi maiwasan ni Sheldine ang mag blush, “Pasensya ka na sa mga kaibigan ko ha,” nakayuko nitong sabi kay Kiel.
“Okay lang yun, I found them nice,” nakangiti nitong sagot.
Hinampas ito ni Sheldine, “Ikaw naman kasi, hinila mo ko,nakakahiya tuloy.”
“Ano diyan nalang kayo?” binalikan sila ni Lizen.
“Nagmamadali? May taxi?” tinarayan na rin ito ni Sheldine.
“If I know ikaw ang nagmamadali kanina pa! At oo may taxi na po!”
-----------------------------

Siya, si Kiel, si Xyrish, si Lizen, si John at si Jadey lang ang mga nakasama sa outing na ito. As usual, may kanya kanyang reason ang mga kaibigan nila. Si Mafeth hindi nakasama dahil sa trabaho, pati na rin si Niza na nag aasikaso ng kanilang hasyenda at si Tulips naman, nagkasakit ang unica hija nito.
They first stop is Right Park. Nag-enjoy silang lahat sa pangangabayo, lalo na si Sheldine. Huli siyang nakasakay dito ay nung highschool pa siya kasama ang mommy niya, step dad at step sister sa Tagaytay. She misses her childhood days. Even though hindi niya nakilala ang tunay na ama, naging mabait naman sa kanya ang kanyang step dad that passed away four years ago. Just like her mom and half sister, sobra din siyang nalungkot ng mga panahon na iyon. Buti nalang playful hearts were always there on her side. Ang mommy niya ang kasalukuyang nag ma manage ng restaurant na naiwan nito sa kanila katulong ang kanyang kapatid na magtatapos palang sa darating na March sa kursong Hotel and Restaurant Management.
Nagkasundo sina Kiel at Jadey dahil pareho silang mahilig sa photography.
“Bez, pose na sa tabi ng pond!” utos ni Kiel sa kaibigan.
“Ano ba yan, kanina niyo pa kami ginagawang model ah,” reklamo ni Sheldine. Kapag may nakikitang magandang view sina Jadey at Kiel ay pina po pose nila sila Xyrish, Lizen at Sheldine. Minsan sumasali rin si Jadey sa mga ito.
“Huwag ka ng magreklamo! Dali na!” hinila na ni Lizen si Sheldine, palibhasa sanay ito sa mga pictorials.
“Oo nga! Minsan lang to!” dagdag pa ni Xyrish.
“John, sumama ka na!” yaya ni Jadey sa kasamang lalaki ni Xyrish.
“Sige, okay lang ako,” sagot dito ni John. Likas itong mahiyain.
“Oh, kayo namang dalawa ni Sheldine!” kinuha ni Jade yang kamera sa mga kamay ni Kiel.
“Say happy!” utos ni Jadey sa kaibigan.
Inakbayan ni Kiel si Sheldine at nagsabi ng Happy.
I wish I could be happy with you, bez. Nasabi na lamang ito ni Sheldine sa sarili.
Their next stop is the Mansion at pagkatapos ay nilakad lang nila papuntang Mines View Park.
“Ang layo naman! Hindi ba tayo pwedend mag taxi?” reklamo ni Lizen.
“Try to appreciate the view,” effortless na sagot ni Jadey at tuloy sa pagkuha ng mga litrato.
“Oo nga,” dagdag ni Kiel na kinukuhaan naman sila habang naglalakad.
After nilang mag picture taking sa Mines View Park ay nagkanya kanya na sila ng pagbili ng mga pasalubong. Magkasama sina Kiel at Sheldine, si Lizen at Jadey, si John at si Xyrish.
Ang usapan nila, magkikita kita nalang sila sa entrance eksakto 12 noon para sa lunch.
“Bez! Bili tayo tshirt! Ang cute naman nito! I want this!” turo ni Sheldine sa isang statement tshirt.
“Somebody loves me in Baguio City,” naiiling na wika ni Kiel, para ka namang nakakita ng lovelife dito sa Baguio,” komento nito sa napiling damit ng dalaga.
“Pakelam mo ba?!” asik niya rito. How she wish na sana si Kiel ang magmahal sa kanya ng higit pa sa matalik na kaibigan.
“Galit? Ate, bayad po para dito sa shirt,” inabot na ni Kiel sa nagtitinda ang pera nito.
“Siya rin pala magbabayad,dami pang sinasabi,” natatawang sabi ni Sheldine sa kaibigan, “Thank you! Love mo talaga ako!” nilingkis pa ni Sheldine ang kamay sa braso ng kaibigan.
“Ma’am, Sir, bagay po kayo,” kinikilig na komento ng aleng nagtitinda sa kanila, “Sana po couple’s shirt nalang ang binili niyo. Ito po oh!”
“Uy si Ate, marketing strategy. Oh bez, bilhin mo na!” biro ni Kiel sa kasama.
“Tseh! Ate, hindi ko po boyfriend to. Hindi niya ako mahal eh!” ganting birong totoo ni Sheldine.
“Ikaw talaga,” kinurot ni Kiel ang magkabilang pisngi ni Sheldine.
“Say happy!” Nagulat ang magkaibigan sa biglang pag click ng kamera ni Jadey. Kahit na marami na itong ipinamili ay nakukuha pa rin nitong kumuha ng mga litrato.
“Hanggang dito ba naman, moment pa rin kayo?” sabay abrisyete ni Lizen, “Konting kahihiyan naman nasa public place kayo. Buti sana kung tayo tayo lang” biro nito sa dalawa.
“Dami mong alam Lizen! Tara na! Kain na tayo, nagugutom na ko. Sila Xyrish?” pag-iiba ni Sheldine sa usapan.
“Ma..”sagot ni Lizen.
“Pa..” sagot naman ni Jadey. At nagtinginan ang dalawa sabay kindat.
Tara na! Una na tayo sa hotel! Malalaki na sila, alam na nila ang ginagawa nila,” yaya ni Lizen sa mga kasama.
---------------------------------------
Past two pm na ng bumalik sila Xyrish at John sa hotel.
“Tagal naman ng date niyo. Hindi ba kayo ginutom?” tanong ni Jadey sa mga bagong dating.
“Kumain na kami sa labas,” ibinaba na ni John ang mga ipinamili sa mesa at isa isang inayos.
“Bruha ka, may kasalanan ka sa akin!” bulong sa kanya ni Xyrish at dumerecho na ito sa kuwarto upang magpalit ng damit.
Bungisngis lang ang isinagot ni Jadey at nakipag-apiran pa ito kay Lizen.













Chapter 5- Meeting  the Prince
“Ang kj naman ng dalawang iyon!” komento ni Sheldine. Kasalukuyan silang naglalakad sa Baguio Plaza at patungo  sa rentahan ng mga bike.
“Hayaan na natin, may pinagdadaanan eh,” sagot dito ni Jadey.
“Ano ba kasi yon? Hindi ako makarelate sa drama ng dalawang iyon,” si Sheldine ulit.
“Malalaman mo rin!” kinindatan pa siya ni Jadey.
“Whatever! Gusto ko yung violet!” tinakbo na ni Sheldine ang isang bike na kulay violet. Lumabas ang pagka childish niya.
“Hindi ka mauubusan, para kang bata, relax ka lang!” natatawang sinusundan ito ni Kiel.
“Oo nga! Pasensiya ka na Kiel, minsan talaga para paring bata yan si Shel. Okay lang yan, lahat tayo magpakabata muna ngayon!” pumili na rin si Jadey ng bike na masasakyan.
“21 pa lang naman ako ah! Considered as bata pa rin ako. Palibhasa ikaw, 40 years old ang sumasanib sa’yo eh 23 ka pa lang naman,” turan ni Sheldine kay Kiel. Napaka stiff kasi nitong tao, gusto lahat organized, laging kalmado at nag-iisip munang mabuti bago magbitiw ng salita o gumawa ng mga bagay-bagay.
 After nilang mag bike ay sumakay naman sila ng bangka sa manmade lake na iyon na nasa gitna ng Burnham Park.
“Ma’am, gusto niyo po bang magrent ng bangka?” alok sa kanila ng isang nakangiting binata. Almost the same as their age. Hindi maikukubli ng rugged nitong suot na damit ang kaguwapuhang taglay.
“Sure!” nakangiting pag sang ayon dito ni Lizen.
“Ang landi mo teh! Single?” bulong dito ni Jadey.
“Kaya nga hindi ako nagdala ng sabit eh, huwag ka ng kumontra!” sinundan na nito ang binata. “Ah kuya, hindi kami marunong mag sagwan, pwede ka bang sumama sa amin?”
“Sige po. Kaya lang may extrang bayad,” sagot ng binata.
“Ang flirt niya lola!Pagalitan mo nga!” bulong ni Jadey kay Sheldine.
“Hayaan nalang natin siya,” natatawang sagot nito.
Naiiling nalang na sinundan  ni Jadey ang mga kaibigan.
“Gusto ko i-try magsagwan!” Lumipat ng puwesto si Sheldine at tumabi sa binatang nagsasagwan para sa kanila.
Luiz daw ang pangalan nito at doon nakatira sa Baguio simula pagkabata. Nakilala na rin nito ang mga sakay niya.
“Mabigat po ‘to, baka sumakit yang braso mo,” warning nito sa dalaga.
“Okay lang yan!”  inagaw nito ang sagwan sa binata, “Akin na!”
Click! Galing ito sa kamera ni Kiel, “Bez, bagay kayo!” komento nito.
“Mukha mo!” Kinuha nito ang sagwan mula sa mga kamay ni Luiz at inis na inikot ito.
Tawa ng tawa ang mga sakay nila dahil nagpaikot ikot lang sila at hindi umuusad.
“Akin na Ma’am, hindi po ganyan,” magalang na wika ni Luiz kay Sheldine.
“Ganito po,” itinuro niya dito ang tamang pagsagwan.
Click! This time galing naman ito sa kamera ni Jadey.
“Ang hilig niyo sa stolen!”asik nito kina Jadey at Kiel. Nagtawanan lang ang dalawa.
“Luiz, may fb ka ba? I-ta tag ka nalang namin,” tanong dito ni Lizen.
“Meron po. Luiz Castro,” maikli nitong tugon.
“Ang common naman ng name mo. Baka hindi kita, I mean namin masearch,”
“Prince Luiz Castro po,” sagot ulit nito.
“Oh. Prince, mas bagay sa’yo yon kesa Luiz,” Komento ni Lizen.
“Mas komportable po ako sa Luiz eh,”
“But I prefer to call you Prince. Tsaka huwag ka ng mag “po” mukha namang magkakaedad lang tayo.”
“Oo nga, ilang taon ka na ba?”si Jadey
“23 po. Ah 23.” Sagot niya.
“Kitam! We’re just the same age! Kelan birthday mo?” si Lizen
“Ano to interview?” singit ni Sheldine.
“Shut up, hindi naman ikaw ang iniinterview,” bara ni Lizen dito.
“May 3,” sagot ulit nito.
“Liz, tama na. Mukhang nahihiya na sa atin si Luiz,” awat ni Jadey sa kaibigan, “Luiz, paki park na tong bangka. Nagtext na si Xyrish guys, nasa SM daw sila ni John. At Kiel, dinala niya daw ang van mo. Tamad talaga mag commute yon.”
“Ok,” maikling tugon ni Kiel.
“Akala ko magkukulong nalang sila hanggang bukas sa hotel eh,” si Lizen.
Inalalayan ni Luiz ang magkakaibigan sa pagbaba mula sa bangka. Huling tumayo si Sheldine, inayos pa kasi nito ang mahabang buhok na nagulo ng malakas na hangin.
She felt shiver ng hawakan ni Luiz ang mga kamay niya at parang nagkaroon ng short circuit sa pagitan ng mga kamay nila. Malamig lang ba talaga sa Baguio at iyon ang naramdaman niya.
Click! Sabay na tunog ng kamera nila Jadey at Kiel.
“Mga Adik!”
Biglang may tumunog na telepono.
“Hello. Ha?! Oh sige, papunta na ko!” binaba na ni Luiz ang telepono, “Ma’am,Sir, mauna na po ako sa inyo,” paalam nito sa mga kaninang sakay na pasahero.
“Nauna ka pa sa amin ah, tumatawag na ba si misis?” usiserang tanong dito ni Lizen.
Binatukan ni Jadey ang kaibigan pagkatapos nitong magsalita,“Sige, ingat ka!” pagtaboy nito sa binata, “thank you ha!”
“Oy Prince, yung bayad namin!” habol ni Sheldine dito.
Napatigil sa paglalakad si Luiz at nilingon ang magkakaibigan. Kinuha niya sa mga kamay ni Sheldine ang bayad at nagpasalamat.
Nagtaka sila ng i abot nito sa matandang nakaupo sa isang bangko ang ibinayad nila at tuloy tuloy ng tumakbo.
“Boundary?” takang tanong ni Lizen.
“Siguro,” kibit balikat na sagot ni Jadey, “Tara na sa SM.”
Nabigla sila ng muling bumalik si Luiz at lumapit kay Sheldine, “Pwede po bang makuha ang number mo?” nahihiya nitong tanong sa dalaga.
“Ako?” maang na tanong ni Sheldine sa kausap.
“Hindi! Ako!” si Lizen, “malamang ikaw! Sino bang kausap niya?”
“Ha? Ah eh,” Hindi alam ni Sheldine kung ibibigay ba niya o hindi.
“Ako na! Ito oh,” si Jadey na ang nagbigay kay Luiz ng numero ni Sheldine since kabisado naman niya ito.
“Thanks po, sige po, alis na po ako,” muli itong umalis at this time hindi na muling bumalik o lumingon man lang.
“Ang weird..” komento ni Sheldine. Hindi niya alam kung bakit siya pa ang napansin nitong si Luiz. Magaganda rin naman ang mga kaibigan niya pero bakit siya ang nilapitan nito at hiningian ng number. Ganun ba ka obvious na single siya?
“Mo!” sabay pang sabi nina Sheldine at Lizen.
“Hiningian ka lang ng number, natulala ka na! Ako yung nagpapacute taz ikaw yung napansin! Unfair!” welga ni Lizen.
“Landi mo kasi, eh!” natatawang sagot dito ni Jadey.
“ Sige na, sa’yo na si Mister Bangkero,” sabi nito kay Sheldine.
“Mister Bangkero talaga? Di ba pwedeng Prince nalang?” react naman niya.
“K fine, Prince Charming mo!”  Nauna ng naglakad si Lizen.
---------------------------------
Kasalukuyan silang kumakain sa isang restaurant sa loob ng SM ng may mahagip ang mga mata ni Sheldine.
“Si Prince yun ah!” turo nito sa isang lalaking naka semi-corporate at may kausap na guard.
Nakatalikod ito kaya’t hindi masigurado nila Lizen, Jadey at Kiel kung si Prince ba talaga ito.
“Mukhang malabo Heart, ang gara ng suot eh. Hindi siya yan,” komento ni Jadey.
“Ikaw ha! Namiss mo na kaagad?” intriga ni Lizen.
“Ui, si Bez, inlove na!” asar sa kanya ni Kiel.
“Tseh! Siya talaga yan!” paniniyak ni Sheldine.
“Paano ka nakakasiguro aber?!” tanong ni Lizen sa kanya.
Paano nga ba? “Nararamdaman ko lang?” sagot niya.
“Ramdam lang?” tinaasan ito ng kilay ni Jadey.
“Sino ba yun?” hindi makarelate si Xyrish.
“Si Mister Bangkero,” sagot ni Lizen dito.
“Si Prince Charming,”pagtatama ni Jadey.





















Chapter 6-  The Prince and Her
It’s one of the best trips that Sheldine has experienced, although lagi naman siyang lumilibot ng Pilipinas because of her work, iba pa rin kapag mga kaibigan mo ang kasama mo plus the fact that it was her first time to go there in Baguio. Ang sarap tuloy magsulat. Tulad ngayon, free time niya kaya nag-a-update siya ngayon sa kanyang blogsite. Nagulat siya ng biglang tumunog ang cellphone sa tabi niya.
“Hello? Who’s this?” numero lang kasi ang rumehistro sa screen.
“Luiz,” nasabi niya ito pagkatapos pakawalan  ang isang mahabang buntong hininga.
“Hi Prince!” kaswal niyang bati rito but deep inside ay kinilig siya. Matagal na kasi niyang ineexpect na tatawagan o itetext man lang siya nito, “Kumusta?”
“Okay naman. Can we, ang ibig kong sabihin, pwede ka bang mayayang lumabas?” kinakabahan nitong tanong sa kausap.
“Nandito ka ngayon sa Manila?”
“O-oo. Kung okay lang naman sana sa’yo,”
“Bakit ngayon ka lang nagparamdam?” tila may himig pagtatampo sa boses ni Sheldine.
“Naging busy kasi ako sa pagpapatakbo ng maliit na negosyo ng pamilya ko,”
“Ah,ok,”
“Pwede ka ba ngayon?”
“Okay sige.” She felt excited.
------------------------------
They went to Glorietta para mag dinner at kasalukuyang nagkakape na lamang sa isang coffee shop. 
“Anong business niyo?” tanong dito ni Sheldine.
“Retail lang,” sagot ng binata.
“Retail? As in sari-sari store?”
“Parang ganun na nga.”
“Teka lang! May naalala ako, ikaw yung nakita namin sa SM non di ba? May kausap ka pa ngang guard ng mall eh.” Sigurado si Sheldine na ito ang nakita niya.
“Hah? Hindi ako yon,”
“Weh?”
“Hindi talaga ako yon. Tsaka ano namang gagawin ko sa mall? Dumerecho na ko uwi non, nagka emergency kasi sa bahay kaya kinailangan kong umuwi kaagad,” paliwanag nito.
“Ok,” hindi pa rin kumbinsido si Sheldine. Somewhere in her heart nararamdaman niyang parang may itinatago ito. “By the way, anong ginagawa mo dito sa Manila?”
“May binisita lang ako na mga kamag-anak. Tsaka may bahay rin kami dito. Sa Taguig.”
Tango lang ang isinagot ni Sheldine.
“Okay lang ba kung masundan pa itong paglabas natin. I want to , gusto kong higit ka pang makilala Sheldine,”
Muntik ng masamid si Sheldine sa iniinom na kape, “Sigurado ka?”
“Oo. Hindi naman siguro magagalit si Kiel? Or may boyfriend ka ba na magagalit sa akin?”
“Ano ka ba? Bakit naman magagalit si Kiel? Best friend ko yon. At boyfriend, wala ako non.”
“Wala pa o wala na?”
“Wala na. Two months ago.”
“So it means, pwede ulit tayong lumabas?”
“Oo naman.”
“I like you Shel,” pagtatapat ni Luiz sa kasama, “At gusto pa kitang makilala ng lubos.”
-------------------------------------------
I like you Shel at gusto pa kitang makilala ng lubos.
Ito ang paulit ulit na nagpi-play sa isipan ni Sheldine. How would a stranger like her on their first meet? Ito ba ang tinatawag na Love at first sight?
Siya kaya? Magagawa niya kayang mahalin ito? Aaminin niya na na attract din siya tulad ni Lizen dito, dahil guwapo naman talaga ito.
Well, mukha naman siyang mabait, masipag check. Guwapo,sobra! Mayaman? Hindi naman issue sa kanya iyon. As long as masipag sa buhay, okay na siya.
Matapat at loyal? Dito yata siya magkakadoubt. Mukha ngang kailangan niya pa itong kilalanin ng lubos.
Pero paano na si Earl? Wala na ba siyang nararamdaman para dito? Si Kiel? Hahayaan na ba niyang mawala ang nararamdaman para dito?
Ready na ba siyang sumugal para sa bagong pag-ibig?
Hindi niya rin alam and she need an expert advice.
“Niza! Busy ka ba? Pwede ka bang maistorbo ng matagal?” kausap niya ito sa telepono.
“Okay lang. Ano ba yun?” sagot nito sa kaibigan.
“Anong gagawin ko?” tanong ni Sheldine sa kausap.
“Yung kabaligtaran ng sasabihin ko,” kabisado na talaga siya ni Niza. Pati na rin ng iba nilang mga kaibigan.
“Mahal ko pa ba si Earl?”
“Puso mo ang tanungin mo,”
“Pero kasi, ayoko ng makipag-ayos sa kanya, ayoko na siyang makita o makausap man lang, at ayoko na rin siyang maalala. So it means na hindi ko na siya mahal?”
“Pwede.”
“Eh si Bez kaya?”
“Baka infatuation lang yun.”
“PBB teens? Infatuation?”
“Malay mo lang naman. Kasi yung mga hindi nagagawa ni Earl, sa kanya mo naramdaman so malamang napunta sa kanya yung feelings mo.”
“Pero hindi pwede eh kasi may girlfriend na siya. At mahal na mahal niya ang girlfriend niya. Ayoko namang lumabas na mistress.”
“Mistress kaagad? Di ba pwedeng third party muna? Di pa sila kasal teh!”
“Tapos meron kaming guy na nakilala sa Baguio..”
“Yung bangkero? Nakita ko nga sa fb. Bagay kayo.”
“Makinig ka muna! Lumabas kasi kami kahapon at nagyaya ulit siyang lumabas ulit kami. And he said that he likes me and he wants to know me better.”
“Huwag nalang siya. Huwag mo ng ituloy ang pakikipagdate sa kanya at kalimutan mo nalang siya.”
“Thank you! Iyan talaga ang gusto kong marinig. Bestfriend talaga kita! Babye!” ibinaba na nito ang telepono.
------------------------------------------------
Nasundan pa ng ilang beses ang paglabas nila Sheldine at Luiz. She found out na masaya itong kasama. Napakagentleman at napakalalim kung mag-isip. Napag-alaman din niya na kabatch rin pala nila itong grumadweyt at kapareho din nila ng kurso. Sa Baguio ito nagtapos at kasalukuyang pinatatakbo ang negosyo ng pamilya niya.
“Gusto sana kitang ipakilala sa parents ko. Andito sila ngayon sa Manila. Sana okay lang sa’yo.”
“Ha? Hindi ba nakakahiya?” biglang nailang si Sheldine sa usaping iyon. Hindi naman siya girlfriend nito para ipakilala kaagad sa pamilya nito.
Mukhang naramdaman ni Luiz ang iniisip ni Sheldine kung kaya’t bigla na lamang ito lumuhod sa harapan ni Sheldine at may dinukot sa kanyang bulsa.
“Tumayo ka nga diyan! Nakakahiya naman, yung mga tao nakatingin na sa atin!” Nasa gitna ang table nila sa isang restaurant at ang mga taong kumakain at nangingiting nakatingin sa gawi nila.
Bigla ring lumitaw ang isang lalaking nag ba violin habang tinutugtog ang paboritong kanta ni Sheldine.
“Will you be my girl?”
Tanging tango lang ang isinagot ni Sheldine. Ngayon lang may naging ganito ka romantic sa kanya. Akala niya ay sa mga kuwentong isinusulat niya lang pwedeng mangyari ang mga ganitong eksena sa buhay niya.
Isinuot ni Luiz ang isang diamond ring sa daliri ng ngayon ay opisyal ng kasintahan.
“I love you Sheilla Geraldine.”
“I love you too my prince.” Niyakap ni Sheldine ang katipan.
Palakpakan ng mga tao ang umingay sa buong restaurant na iyon.







Chapter 7 – Realized 
Mahal na niya si Luiz. That’s one thing Sheldine is sure about. Sa maikling panahon na pinagsamahan nila, she felt that mahal talaga siya nito. Although lahat naman ng nakakarelasyon niya, she always give her best, and all her love. She already let go of Earl as well as Kiel.
Last week, nakipagkita sa kanya si Earl to reconcile pero hindi na niya tinanggap ang pakikipag –ayos nito. Masaya na siya sa piling ni Luiz.
Papunta sila ngayon sa tahanan ng pamilya ni Luiz to finally meet his parents. Sinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya kinakabahan. Nadagdagan pa ito ng tumapat sila sa isang napakalaking bahay na animo’y malapalasyo sa laki. Putting puti ito at napapaligiran ng mga ornamental plants sa palibot.
Shit! Sa kanila ba talaga ito? Baka nagkakamali lang kami ng nahintuang bahay. Bagay sa kanya ang pangalan niya. Prince. Nasabi na lamang ito ni Sheldine sa sarili. Para siyang naurungan ng dila at nalulula sa nakikita.
“Andito na tayo, Shel,” inalalayan na siya ni Luiz pababa ng kotse, “Don’t worry, hindi sila nangangain ng payat pero magandang katulad mo,” Luiz tried to joke para mawala ang kaba ng kasintahan. Halata niya kasi sa itsura nito ang magkahalong shock at kaba.
“Hindi ako magpapakain ng buhay. Black belter ako,” ganting biro dito ni Sheldine. She doesn’t want to change her mood. Not right now, maybe later.
--------------------------------------
Hanggang sa maihatid siya ni Luiz sa sarili niyang bahay ay hindi ito umiimik. Akmang bababa na siya ng kotse nang pigilan ito ng binata.
“I’m sorry Shel,”
“You lied and you didn’t tell me everything!” asik ni Sheldine dito.
“Si Mama ang nagsabi sa akin non, na I shouldn’t tell my true identity para malaman ko kung mamahalin ba talaga ako ng babaeng mapipili ko in the future,” paliwanag nito dito.
“Hindi ako interesado sa pera mo! Tandaan mo yan.” Galit siya dito dahil nagawa nitong maglihim sa kanya, wherein siya ay halos nakuwento na niya dito ang buong buhay niya.
“I know that. Right from the start I met you.”
“My point is. I want an honest relationship.Ayoko ng ganito. Ang daming sikreto. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko sa lahat ng mga sinabi mo.” Naiiyak na siya. Ilang beses na rin kasi siyang naloko. Sa lahat ng naging mga boyfriends niya, marami dito ang niloko lang, nagsinungaling o may mga hidden agenda sa kanya. The worst is, katawan lang niya ang habol. She thought Luiz is different from all these guys. Yun pala pare-pareho lang silang manloloko! Ang alam niya, mula lang ito sa isang simpleng pamilya. Nag working student upang makatapos ng kolehiyo at ngayon nga ay tumutulong sa pagpapalago ng munting negosyo ng pamilya nito. Yun pala, isa ang pamilya nito sa pinakamayayamang angkan sa bansa. Marami silang establishments like malls, hotels and restaurants ang pinauupahan.
At sa naging pag-uusap nila kanina sa hapag-kainan ay waring gusto siyang ihiga ng mga magulang nito sa salapi.
Kung siya ang masusunod, ayaw niya ng ganoon, mas gusto niyang mag-stick sa mga naging plano nila noon ni Earl. Magpupundar ng sariling mga gamit at ari-arian, mag-iipon para sa future ng mga magiging anak, in short, simpleng buhay lang ang gusto niya. Katulad ng pamilyang kinalakihan niya. Her mom and step dad started from scratch. Mula sa isang maliit na karinderya hanggang sa maging isang restaurant na ngayon nga ay magkatulong na pinamamahalaan ng kanyang ina at half sister na si Marina.
“Kaya nga , eto na eh. I’m telling you everything. I want you to know now the whole me. Please listen,” pagmamakaawa ni Luiz sa nobya.
“I’m sorry, pero simpleng buhay lang ang pinapangarap ko and I don’t want pretenders in this damn life!” hindi na siya nagpapigil pa at dumerecho na sa loob ng bahay nila.
--------------------------------------------
“Ang sakit bez! Akala ko siya na!” tinungga ni Sheldine ang beer na nasa kanyang baso. As usual, nasa metrowalk na naman siya kasama ang kaibigan at nagpapakalasing para magamot ang nabasag na puso. Well, pansamantala. It’s been two weeks simula ng makipagkalas siya sa kasintahan. Ayaw niya sa magarbong buhay, ayaw niya sa pamilya nito na nasa alta sosyedad, ayaw niya rito na isang sinungaling at mapagpanggap. Imagine nagpanggap ito na isang gusgusing bangkero yun pala ay ubod ng yaman. Wala pa yata sa isang guhit ang yaman ng pamilya niya laban sa pamilya nito. Langgam kumbaga, microscopic pa nga kung tutuusin at sobra siyang nanliliit.
“Suko ka na? Hindi mo na ba siya mahal?” tanong ni Kiel sa kanya.
Iling ang isinagot niya.
Naguluhan si Kiel sa isinagot ng kaibigan, “Huh? Para saan ang iling na yon? Sa una kong tanong o pangalawa?”
“Hindi ko alam!” tuluyan ng pinakawalan ni Sheldine ang masaganang luha na kanina pa nagbabadya at kanina pa rin niya pinipigilang lumabas. She was deeply hurt of all the thoughts that are haunting her right now.
Kiel tried to comfort her, niyakap siya nito, “Ako nalang ulit bez,”
Maang na napatingin si Sheldine, “Ha?” may luha pa rin sa mga mata nito.
“Ako nalang ulit ang mahalin mo,”
Magulo na ang isip niya ay lalo pa siyang naguluhan. “Bakit bez? I thought we were just best friends!” may diin sa huli nitong sinabi.
“I know this isn’t the right time to tell you, pero sasabihin ko na,” humugot muna ng malalim na buntong hininga si Kiel bago itinuloy ang mga nais sabihin, “From the time na  hindi na tayo masyadong nagkakasama at si Luiz na ang madalas mong kasama lumabas, I just realized how much I missed your company. Lagi kitang hinahanap hanap. Minsan pa nga naramdaman ko nalang, mas namimiss kita kesa kay Brenda na nasa states and then one day, I woke up, opened my laptop and breaking up with her dahil ikaw na ang mahal ko. I was a fool ng huli ko ng maramdaman ito.”
“It’s not true,” umiiyak pa ring wika ni Sheldine. She couldn’t believe na magagawa rin pala siyang mahalin ni Kiel.
“Yes, it is,” bigla na lang siyang hinalikan ni Kiel.
Nabigla siya sa ginawa nito kaya’t natigilan siya. Later she realized na she’s already responding to his kiss. Hindi nila alintana ang ibang taong nag-iinuman rin sa paligid nila. It feels like their both worlds stopped from revolving.
 Past midnight na ng ihatid siya ni Kiel sa kanilang bahay.
-----------------------------------------------------
“Sheilla, may bisita ka!” tawag ng kanyang mama.
“Pakisabi, wala ako! Masama ang pakiramdam!” totoo naman ito. Masakit pa ang kanyang ulo dahil sa mga nainom nila ni Kiel kagabi. Nakainom man siya ay malinaw pa rin sa kanya ang mga nangyari kagabi and it hurts more her crazy head.
“Lumabas ka na. Kung ayaw mong daldalan ko tong bisita mo!” banta sa kanya ng kanyang ina. Likas kasi itong masayahin at makuwento. Estimadong estimado ang mga bisita nya sa tuwing natataon na nandodoon ito.
“Ito na lalabas na. Sino ba yan?”
“Si boyfriend,”
“Prince?” Hindi na muling sumagot ang kanyang ina. Yari na! Baka kung anu-ano pa ang sabihin nito sa kanyang bisita.
Dali-dali siyang nag-ayos ng sarili kahit pa pumipitik ang kanyang sentido. Napasimangot siya ng pagdungaw niya sa hagdan, “Mama talaga. Ex-boyfriend naman yan eh. Hindi boyfriend. Teka! Nakipag-break na nga rin pala ako kay Prince so it means ex ko na rin pala siya. Hayz. Dumadami na talaga sila,” nasabi na lamang ito ni Sheldine sa sarili.
“Anong masamang hangin ang nagdala sa’yo rito,” walang energy niyang tanong sa kausap.
“Pwede ba tayong mag-usap?” balik-tanong ni Earl sa kaharap.
“Pwede bang next time nalang? Masakit kasi ang ulo ko ngayon,” sagot nito.
“Sandali lang. May sasabihin lang ako,” pakiusap nito.
“Five minutes. No. I mean two minutes,” mataray na sagot ni Sheldine.
“Sheilla Geraldine! Is that a proper way of treating a visitor here in my house?” singit ng kanyang ina.
“Ma! Pumunta ka ngang Marildine’s!” irritable nitong sagot sa ina. Ang tinutukoy nito ay ang restaurant na pag mamay-ari nila.
“Watch your manners. Sige, iho, alis na ko. Pasensiya ka na sa anak ko,” hinalikan na nito sa pisngi ang anak at lumabas na ng kanilang bahay.
------------------------------------

Chapter 8 – Her Choice
Mga tatlong oras na buhat ng umalis si Earl, pero ang mga sinabi nito ang isa sa gumugulo sa magulo na niyang isip ngayon.  
“Promoted ako sa trabaho pero hindi ko magawang magsaya dahil wala ka na sa buhay ko Sheldine,. Yung mga pangarap natin nung college, unti unti ko ng natutupad pero wala ring kuwenta dahil hindi kita kasama sa pagtupad ng mga ito. Sorry for hurting you Sheldine. Mahal na mahal kita. For the last chance, please come back to me. Let’s start all over again.” Ito ang mga sinabi ni Earl sa loob ng dalawang minutong binigay ni Sheldine sa kanya.
Pagkatapos nilang mag-usap ay nagtext naman sa kanya si Kiel, “Bez, sana wala ka ng hang-over. I suppose tulog ka pa rin. Ikaw kasi eh, dami mong nainom, pero sana naalala mo lahat ng nangyari kagabi. I love you bez. This time, I’m pretty sure, it’s more than a friend. See you sa office. Love lots.”
Si Prince naman ay kanina pa rin tawag ng tawag ngunit hindi niya sinasagot. Pumunta rin ito sa bahay nila pagka-alis ni Earl ngunit ipinataboy na lamang niya ito sa kapatid na si Marina.
Lalong sumakit ang ulo ko! Ano bang gagawin ko sa inyo?! Can’t you just leave me alone! Hano ba namang buhay to at letseng puso to! Hindi makapagdecide decide.  Hawak ni Sheldine ang kanyang sentido.
Si Earl.
Si Kiel.
Si Prince.
Literal na mahaba ang buhok niya pero ngayon niya lang yata nararamdaman ang lateral na kahulugan nito.
-----------------------------------
“Hui! Kanina mo pa tinitigan yang mangga! Mamaya niyan, magsasalita na yan,” gulat ni Jadey sa nakatulalang si Sheldine habang hawak ang isang malaking hinog na mangga.
“Haa? Ah..Ehh..” di niya alam ang isasagot niya. Nasa hasyenda ni Niza silang lahat ngayon.
“I really love playful hearts!” pagshi-share ni Jadey ng nararamdaman kay Sheldine, “nakukumpleto lang tayo kapag may mga problema ang sinuman sa atin.”
“Oo nga eh. Akala ko hindi tayo makukumpleto ngayon para kay Niza.” Komento na rin niya. Sumugod sila ngayon dito sa Zambales dahil noong isang linggo ay umiiyak na tumawag sa kanya si Niza. May problema ito, hindi lang sa negosyo kundi pati na rin sa puso. Katulad niya.
“Hindi lang para kay Niza. Para din sa’yo lola,” singit ni Xyrish sa usapan. Hindi nila namalayang nakalapit na rin pala ito sa tinatambayan nilang lilim ng isang puno katapat ang isang malawak na lagoon.
“Oo nga, nakapag decide ka na ba?” tanong ni Jadey rito.
“Actually Hearts, hindi pa rin eh. Hindi ko pa talaga alam ang gagawin ko, ni hindi ko alam kung nasaan ba talaga sila dito sa puso ko,” muli siyang tumanaw sa malayo, “Sana hindi nalang sila sabay sabay dumating sa buhay ko.”
“Certified playful heart ka nga lola. Ang dami mong gustong mahalin eh!” biro dito ni Jadey.
“Nagsalita ang loyal,” parinig ni Xyrish dito.
“Talaga loyal naman ako ah. Loyal na! Kala mo siya hindi playful,” pasaring din ni Jadey kay Xyrish.
“Hindi talaga!” balik naman nito.
“Tumigil na kayong dalawa. Pare-pareho lang tayong playful hearts.” Natatawang awat ni Sheldine sa mortal na magbestfriend na ito.
Maya-maya ay lumapit na rin ang ibang playful hearts sa kanila.
“Anong session ang nagaganap dito? Katatapos lang kagabi ah. Meron na naman ulit?” tanong ni Tulips paglapit sa kanila.
“Wala naman, may isang tao lang dito sa paligid ang nahihirapang magdecide,” parinig ni Xyrish sa kaibigan.
“Ehem…”tumikhim si Sheldine, “Di mo kelangang magparinig,”
“Aww.. Natamaan siya!” si Jadey. Tawanan ang barkada.
“Oh, anong plano mo lola heart?” tanong ni Lizen dito.
Kibit balikat lang ang isinagot nito.
“Whatever your choice is, andito lang kaming playful hearts sa tabi mo para suportahan ka,” si Tulips ulit.
“Oo nga! Tsaka iwan ka man ng mga walang kwentang lalaki diyan, kami, never!” si Mafeth.
“Bitter ka na sa mga lalaki ateh?” tanong ni Jadey dito.
“Oo. Palibhasa ikaw, happy na lovelife mo eh” sagot ni Mafeth dito.
“Hindi naman porke’t di ka masaya sa lovelife mo, kelangan bitter bitteran na ang peg,” pagtatangol ni Xyrish kay Jadey.
“Oo nga!” si Jadey ulit.
“For the first time, nagkampihan sila!” komento ni Tulips. Madalas kasi talagang magbangayan itong sina Jadey at Xyrish, yet sila ang magbestfriend sa grupo.
“Kayo na!” si Mafeth.
“Talaga!” duet pa ng magkaibigan. Tawanan na naman ang grupo.
“Hasyenda ko to, pero parang ako pa yata ang na OP, anong kaguluhan ito?” si Niza, kadarating lang niya dahil may kinausap ito sa bayan, “Sana naman hindi na ako ang pinag-uusapan niyo.”
“Don’t worry Niz, hindi ikaw. Si Lola, na problemado din sa lovelife niya. Haba kasi ng hair!” sagot ni Mafeth dito.
“Sheilla Geraldine, madali lang ang solusyon diyan! Sagutin mo lahat, sabay sabay!” payo ni Niza dito.
“Hah? Ganda ng idea mo!” react ni Tulips dito.
“Ahh. Tama!” nag-apiran pa sina Jadey at Xyrish.
“Oo, tapos, huwag ka ng magfocus sa ibang bagay na gusto mong gawin. Sila lang ang karirin mo,” dagdag ni Lizen dito.
“Tsaka, huwag mo rin bigyan ng oras at panahon ang sarili mo. Sila na lang ang mahalin mo,” payo rin dito ni Jadey at kinindatan pa sila.
“Ano ba yang mga advice niyo! Para kayong mga hindi kaibigan!” kontra ni Tulips sa mga sinasabi ng kaibigan.
“Slow!” binatukan ito ni Lizen. Mukhang nakalimutan nito ang ugali ni Sheldine na kabaligtaran ng mga ipinapayo nila ang sinusunod nito.
Tinaasan ito ng kilay ni Jadey, “nagkaanak ka lang, nag ka amnesia ka na?”
“Ah-oo nga lola, lahat sila sagutin mo ha! Sabay-sabay para isang date lang monthsarry mo! Hindi mo makakalimutan.” Nagets na rin ni Tulips.
Tawanan na naman ang barkada.
“Thank you Hearts! The best talaga kayo!” naluluhang sabi ni Sheldine sa mga kaibigan. She knows now what exactly to do.
These girls really know when to show-up and show their support on her.
Group hug.
She finally made a choice.
-------------------------------------------
























Chaper 9 – The Signs
She finally made a choice and that is to stay away from these three guys na gumugulo lang ng puso’t isipan niya. Pero aaminin niya sa sarili niya na it was very hard. Patuloy pa rin siyang nilalapitan ng mga ito kahit pa kinausap na niya ang mga ito na lubayan na siya. She wants to be single, well, as for now na magulo ang paligid niya. She also wants to focus on her hobby which is writing. Sa sobrang kulay ng lovelife niya, halos araw-araw na siyang nakakapag update sa kanyang blog sites at marami na rin siyang follower na nag-aabang ng mga bago niyang nobela.
She also uses her blog sites as her personal diary, pero hidden naman ang kanyang true identity. Only her friends, playful hearts know her. Follower niya rin ang mga ito.
I choose to be single because I don’t want to hurt anybody. All of them has a very special part here in my heart but I chose not to be with any of them because I know that somehow, the right man for me, will come along in the right time and in the right place.
-Ms.PHeart.
Post niya sa kanyang blogsite. 
May isang follower niya ang nagcomment, “Don’t worry, Ms. PHeart, true love waits.”
Natuwa siya sa nabasa, “Thank you Regz. Yeah, I hope so,” sagot niya dito.
“Don’t ask for signs!” komento ni Niza. Naka-online rin pala ito.
“Signs?” tanong niya rito.
“Ms. Playful Heart, if you really want to know who the right one for you is, then go! Don’t ask for signs from above. (wink!)” sagot ulit nito.
Wala namang masama kung susubukan niya ito di ba? Signs? Ano kayang magandang sign ang pwedeng hilingin?
Pumunta siya sa paborito niyang simbahan upang magsimba.
Papa God, Can I ask for three signs? Tulungan niyo po sana akong makapagdecide. Pagmulat niya ng kanyang mata ay may nakita siyang kulay violet na orchid na nakasabit sa gilid ng imahe ni Papa Jesus. Muli siyang pumikit.
I will ask po for three violet things that I am very fond of. Love letter, teddy bear and rose. If these signs won’t come at the end of this month, I’ll be single for two years and will wait for the right man. Pasensiya na po ha kung demanding ako. Thank you Papa God, I love you.”
It’s her faith that she can trust right now. After this month, siguro naman magkakaroon na siya ng peace of mind.
------------------------------------
Regular office hour, as usual sobra niyang busy bilang supervisor ng kanyang department. She received an anonymous e-mail.
Juan Dela Cruz ang pangalan ng sender.  Pinoy na pinoy sa isip niya. It has a PDF attachment at nagulat siya sa naging laman non!
A letter with violet floral background, na may kasamang violet din na teddy bear sa lower part. The letter goes on like this:
My Princess, I miss you so much and please come back to me. I need you in my life because I love you. I will always be here silently waiting for you and I don’t care if it would takes forever.  With all my love,  Juan Dela Cruz.
This is the sign she’s been waiting for almost three weeks now!
Ang daya mo naman Papa God, Pinag-isa mo yung mga hiningi kong signs. Pero sino to?
“Who are you?” reply niya sa email niya dito. Paano nito nalaman ang mga signs na hiniling niya. She swears to herself na wala siyang pinagsabihan kahit sino tungkol dito. It’s only between her and Papa God.
No response and now she’s hopeless. Matagal siyang natulala sa monitor ng kanyang laptop.
“Sheldine, come to my office,” untag sa kanya ni Ms.Joy, superior niya.
“Yes, ma’am,” sumunod na siya dito.
“On weekend, we wil have a seminar on Camp John Hay regarding leadership. You will be one of the speakers. Prepare your staffs,” instruction nito sa kanya.
Camp John Hay? Baguio?” pagkumpirma niya. There’s only one man that strikes her mind regarding this place. Prince Luiz.
“Yup. May problema ba?” sagot at tanong ni Ms. Joy.
 “Wa-wala po. Sige, Ma’am. I’ll talk to my stuffs,” tumayo na ito upang lumabas sa opisina ng boss.
“By the way, Shel, medyo tulala ka these days? Any problem you want to share?” offer ng kanyang boss. Napapansin pala nito ang madalas niyang pagkatulala dahil sa dami ng iniisip. Trabaho. Pamilya. Blog site. Love life. Signs.
“Okay lang po, ma’am. Anyway, thanks po sa concern” nakangiti siyang lumabas ng kuwarto nito.
-------------------------------------
 She and her staffs have been busy preparing for their trip in Baguio. Limang araw ang mabilis na lumipas ng hindi niya namamalayan. And it’s exactly one month mula ng humingi siya ng signs mula kay Papa God. Binigay naman ang hiningi niyang signs pero hindi naman niya alam kung sino ang nagbigay non. Juan Dela Cruz isn’t responding to her e-mails. Kulang nalang ay ipa-check niya sa taga IT department ang IP address nito para lang malaman niya kung sino ba talaga ito pero hindi niya ginawa. Kung ayaw niyang magreveal kung sino siya, bahala siya! She has a life to go on at ngayon nga ay super busy siya para sa kanilang seminar. She misses her friends na una niyang nakasama sa pagpunta rito sa Baguio.
After their seminar, she decided na maglakad lakad muna mag-isa. She decided to go to Mines View Park. For her, this is the most beautiful place here in Baguio. Pangarap rin niyang magkaroon ng bahay na may magandang view pag pumunta ka sa terrace tulad nito.
Muli siyang tumitig sa kawalan at sinabi sa sarili, “I gi-give up ko na ba ang puso ko?”
Sa mga araw na lumipas, she slowly realized her feelings for these three guys na minsang gumulo sa mapaglaro niyang puso.
Si Earl. She thinks that there is no more another chance for them. She already fell out for this man. Pero alam niya sa sarili niya na Earl has been a big part of her life. Ito ang pinakamatagal sa mga naging karelasyon niya but she feels that they are not meant for each other.
Si Kiel. He will always remain as her bestfriend. Buti na lang at narealize niya ito bago niya ito tuluyang mahalin. Naisip niya, sayang ang friendship nila kung hindi mag-wowork ang relationship nila as lovers.
At si Luiz. Ang prinsipe ng buhay niya. She knows she love this man pero hindi sila bagay. Simpleng buhay lang ang gusto niya at hindi ito ang makapagbibigay nun sa kanya. Maybe, she will try to move on na. Someday, somehow, mawawala rin ang nararamdaman niya para dito.






Chapter 10- Fairy Tales Do Come True
Nakatanaw pa rin sa malayo si Sheldine. Mula dito sa Mines View Park na kinatatayuan niya ay kitang kita niya ang mga kabundukan ng Benguet. Ang kalahati ay puro may mga nakatayo ng bahay o gusali at sa kabila naman ay berdeng berde pa rin. Para rin sa kanya, isa ito sa pinakamagagandang lugar sa Pilipinas. At dito rin niya nakilala ang isang prinsipeng bumihag sa puso niya. Muli niyang naalala ang t-shirt na binili rito kung saan may statement na Somebody Loves Me in Baguio. Biniro siya ng kapalaran, hindi niya inakala na mapapasakanya ang nilalaman ng t-shirt na iyon hindi nga lang pangmatagalan.
Naputol ang pagbabaliktanaw niya sa mga pangyayari sa buhay niya this past few months ng may isang batang igorot ang lumapit sa kanya at binigyan siya ng kulay violet na rose.
Iyon ang last sign na hiningi niya!
“Ka-kanino galing to?” kinakabahan niyang tanong sa batang lalaki.
Itinuro ng bata ang isang lalaking naka white long sleeve polo na nakatayo sa dating pinaglalagyan ng teleskopyo. Nakangiti itong nakatingin sa kanya.
Lumapit ito sa kinatatayuan niya at lumuhod.
“Shel, mawala na sa akin ang lahat, wag lang ikaw,” wika nito sa kanya, “I’m willing to give up everything just for you. Kahit maging isang simpleng bangkero tatanggapin ko basta’t ikaw ang magiging ina ng mga anak ko.”
“Prince….” Tanging nasambit ni Sheldine. Parang tumigil ang mundo sa paligid niya. Pati ang mga ibang turista na busy sa pagkuha ng mga litrato ay napatigil sa kanya kanyang ginagawa at tila nanood na lamang sa kanila na parang isang eksena sa pelikula.
“Being a pauper is not that bad, basta ba ikaw ang magiging reyna na pagsisilbihan ko habang buhay..”
Naluluha na si Sheldine sa sobrang tuwang nararamdaman. Hindi niya namamalayan nag-uunahan na palang tumulo ang mga luha niya sa kanyang pisngi.
Nag-aalalang tumayo mula sa pagkakaluhod si Luiz at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang sariling mga kamay.
Sana naman, tears of joy yan, I don’t want to see you crying because of pain, parang punyal yal sa puso ko,” concern nitong sabi sa dalaga.
Iling lang ang isinagot ng dalaga.
“Please be my wife Sheilla Geraldine. At please lang huwag ka ng tatakbo mula sa akin,” kinuha ni Luiz ang singsing na nakaipit sa loob ng bulaklak na hawak ni Sheldine.
“Please….” Paki-usap nito sa dalaga.
“I love you Prince…” umiiyak pa rin nitong wika.
Niyakap siya ni Prince, “Is that a yes?”
“Oo. Pakakasalan kita.”
Palakpakan ang mga tao sa paligid.
Sobrang saya ang nararamdaman niya, ito talaga ang laman ng puso niya na pilit lamang niyang binubura dahil sa estado ng kanilang buhay.
She wants to confirm a thing first, “Prince, may itatanong ako.”
“Hmmm…”
“Ikaw ba si Juan dela Cruz?”
Nahihiya itong tumango.
Hinampas ito ni Sheldine sa balikat, “Ang daya mo! Bakit hindi ka na nagreply?”
“Ewan ko. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko,”
“Bakit ganun ang pinadala mo sa akin?”
“I just dreamt about it. Lumapit ka daw sa akin at humihingi ka ng love letter, with flowers and teddy bear. At gusto mo ay kulay violet lahat. I know it’s weird pero ginawa ko pa din at pinadala sa’yo through e-mail. Kasi baka hindi mo na naman tanggapin kapag totoong mga bagay ang ipadala ko sa’yo.” Noon kasi ay nagpadala ito ng mga bulaklak at kung anu-ano pa kay Sheldine, ngunit lahat ng ito ay hindi na niya tinanggap mula ng magbreak sila.
“So you mean, napanaginipan mo lang yon?” amuze pa rin si Sheldine. God is really wonderful!
“Oo nga. Tara sa house, ipakikilala kita sa iba kong relatives dito sa Baguio.”
“Paano mo pala nalaman na nandito ako ngayon?”
“Your boss is my ninang, siya rin ang nagbigay ng email address mo sa akin.” Kinindatan niya ang fiancé.
Small world. And he’s really my soulmate.   
 ---------------------------------------------
It’s a  simple church wedding. Fairy tale ang theme. Different kind of violet flowers are all over the place.  The bride wears a princess-inspired gown, while the groom also wears a prince’s suit. Bagay na bagay rito ang suot niyang damit. He really looks like a real prince. The whole entourage also wears that kind of gowns and suits. Imbes na bridal car ang maghahatid sa kanya sa Baguio Cathedral, isang kalesa ang sasakyan ng bride.
She will slowly walk down the aisle with her mom, habang naluluhang nakangiti na nahihintay si Prince sa kanya sa altar.
Author’s Note:  It is my dream wedding.
Blog updated.
“Ikakasal ka na?! Yes! After mo, pwede na rin akong ikasal! Hehe,” comment ni Jadey.
“Hindi pa noh! Paunahin na natin si Niza. Dream ko lang yan. But, it’s not yet now.” Sagot ni Sheldine sa kaibigan.
“Oo nga pala. Anyway, congrats Ms. Playful Heart, you finally found your Prince Charming! So happy for you, also best regards from Arvin. He’s here beside me.”
“Thanks Jadey! : )”



-WAKAS-     

No comments:

Post a Comment