Pages

Saturday, October 5, 2013

Nessy Part 2



Hi! I’m Nessy and this is my heartbreaking story for the second time around.  It’s true that I always believe in love kahit pa na ilang beses na akong nasaktan.
As a matter of fact, after Cyrus ay mga sumunod pa akong heart breaks. But still, I am always hoping that someday the right man for me will come at the right time.

Let’s talk about Darren.

Nagkakilala kami through friends of friends. Binigyan ako ng friend ko ng number. Sabi niya i-text ko daw dahil expected naman daw nito na magtetext ako. So, okay sige, nag text naman ako at nagreply nga siya.
“Hi!” text ko.
“Hello, Nessy!” reply naman niya sa akin. So, kilala na pala niya ako.
“Hello then. Kilala mo na pala ako.”
“Yupp. Friend ng pinsan ko si Rica.” Tukoy niya sa friend ko.
“Ahh.. Ok..”
“Ako nga pala si Darren.”

From then on ay naging regular text mates na kami.
Nasa Manila ako at siya naman ay taga-Bohol kaya hindi talaga kami nagkikita. Pero friends kami sa facebook kaya kahit papaano ay alama naman namin ang itsura ng isa’t isa.
Nagtatrabaho na ako habang siya naman ay graduating palang ng kursong Engineering.  Sa paglipas ng panahon na naging regular text mates ay unti unti na palang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Araw-araw na kaming nagtatawagan, minsan pa nga ay FB Chat.
He then decided to court me.
Nag ring ang fone ko and I know that he’s the one who’s calling.
“Hello?”

Ness.”

“Oh bakit? Nga pala, Congrats ha! Graduate ka na! Konti nalang Engineer ka na talaga.”

“Thanks. May sasabihin ako sa’yo.”

“Ano yon?”

“I love you.” Nagulat ako ng sabihin niya iyon. Mahal na niya ako? Parang hindi ako makapaniwala. Hindi pa nga kami nagkikita sa personal eh. Paano nangyari yon?

“Sigurado ka ba diyan? Hindi mo pa nga ako nakikita sa personal.” Sagot ko sa sinabi niya. Baka pinagtitripan niya lang ako. Oo, gusto ko na siya pero hindi ko naman ineexpect na magugustuhan niya rin ako. Dahil nga sa magkalayo kami at never pang nagkakasama.

“Basta. Ramdam ko lang. Totoo yun. Mahal na talaga kita.”

I believe in him. It was February 1 nang official na maging kami. Syempre ang saya saya ko. May boyfriend na ako. Muli kong sinugal ang puso ko sa isang lalaki na hindi ko pa nakakasama sa personal. Pero okay lang, ang mahalaga masaya ako. At siguro naman, masaya rin siya.




Hanggang isang araw, nag-text siya sa akin.
TIGILAN MO NA ANG BOYFRIEND KO! IKAKASAL NA KAMI.
Teka lang! Boyfriend? Ikakasal? Baka naman may nakitext sa kanya at na-wrong send
lang siya sa akin.

“Wrong send ka po yata.” Reply ko sa kanya.

HINDI AKO RONG SEND, GAGA! FIANCE TO NI DARREN. MALAPIT NA
KMING IKASAL KAYA TANTANAN MO NA ANG PAKIKIPAGTEXT SA
KANYA.

Syempre nasaktan ako nang mabasa lahat ng pinagtetext niya sa akin. Actually marami
pa siyang sinabi na masasakit na salita. Napaka unethical na tao. Parang walang pinag-
aralan.
Hindi ko siya pinaniwalaan. Pakikinggan ko pa rin si Darren.

After ng ilang oras, tumawag si Darren.
“Hello, Ness.”

“Sino yung nagtetext sa akin?” Tanong ko kaagad sa kanya.

“Si Marisol.”

“Ano mo siya?”

“Fiance.” BOOM! Para itong bombang sumabog sa mukha ko. In fairness to him, naging
honest naman siya sa akin.

“Ah. So may fiancé ka na pala. Katulad ka rin ni Cyrus. Mga paasa kayong lalaki. Huwag
niyo naman akong gawing tanga.” Puno na naman ako ng hinanakit. For the second time
around, ay naloko na naman ako ng mga kalahi ni Adan.

“Pero maniwala ka, Ness. Ikaw ang mahal ko. Pinagkasundo lang kami ng mga pamilya
namin kasi may nangyari sa amin.”

“Pakshit ka! Mag-sama kayo ng fiancé mo!”

This happened over a year ago.

As of now, kami pa rin ni Darren. Oo, tinanggap ko pa rin siya sa kabila ng lahat ng
nalaman ko. Nasa abroad siya ngayon pero hindi pa sila nagpapakasal ni Marisol. Ang
sabi niya sa akin, gagawan daw niya ng paraan na makawala sa relasyon nila dahil ako
daw talaga ang mahal niya.

Tanga na kung tanga pero wala eh, mahal ko talaga siya.
Kaya eto, patuloy akong umaasa na someday ay kami pa rin ni Darren ang
magkakatuluyan.
He may be the cause of my heartbreak today but at least dahil rin sa kanya ay masaya
ako.
Mahal na mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat ng nangyari at wala akong balak na
pakawalan siya.


END

(A/N:  Hays. Ang friend kong engot sa ngalan ng pag-ibig. :)


No comments:

Post a Comment