Pages

Saturday, October 12, 2013

My Boyfriend’s Kuya

Couple’s Shirt Series


Part 1 – My Boyfriend’s Kuya

“Mhalih believes that having a pair of JL’s couple’s shirt will make her relationship with Matt grows better and stronger. She has red on a friend’s blog that every couple who will wear these specialized shirts that a simple gift shop is producing, will be together “forever”.
But on the good side of fate, Matt’s older brother, Luke wore it!
Just by the right time that Mhalih is also wearing its own pair.  And they are out for a very special friendly escapade.
          Do Couples’ Shirts from a very not so well known gift shop really have magic? And will it work for her? But her first love that she wishes to be her last broke her heart…..
So now she doubts the magic it brings.”


(all rights reserved)






Table of Contents

Chapter 1- Mhalih

Chapter 2 – Luke

Chapter 3 – Melissa

Chapter 4 – Jail Booth

Chapter 5 – Mending a Broken Heart

Chapter 6 – The Couple’s Shirt

Chapter 7 – Realized

Chapter 8 – Misunderstood

Chapter 9 – Magic Words

Chapter 10 – Another Couple’s Shirt

























Chapter 1 – Mhalih

JL’s.
A typical gift shop along Aurora Boulevard somewhere in Cubao.
“Anong gagawin natin diyan?” iritableng tanong ni Matt sa girlfriend.
“Kakain. Restaurant to!” Pilosopo naman niyang sagot sa nobyo. “Obvious namang bilihan siya ng t-shirt di ba?”
Pinisil ni Matt ang ilong ni Mhalih. “Ang cute mo talaga! Cute din ng sagot!”
Hinawi niya ang kamay ni Matt na nasa mukha niya. “Bili tayo ng couple’s shirt. Sabi kasi nila may magic daw dito. Kapag bumili tayo ng couple’s shirt dito, tayo na ang magkakatuluyan.” Yaya niya sa boyfriend.
Bigla ang pagkunot ng noo ni Matt. “Saan mo naman nasagap yan? May ganung factor talaga?”
“Totoo yun. Nabasa ko sa blog ng dati kong classmate nung highschool. It brings luck to relationships daw.” Imporma niya sa nobyo. Follower siya ng dating kaklase at na curious siya ng mabasa ang blog nito tungkol sa shop na iyon.
“Paano kapag parehong babae? Sila rin magkakatuluyan.” Adik na tanong sa kanya ni Matt.
Tinaasan niya ito ng kilay. “Hindi lang naman siya para sa magjowa. In any kinds of relationship naman. All we just have to do is to believe… Huwag ka ngang epal. Bili na tayo, dali!” Hinila na niya ang nobyo papasok ng shop na iyon.

“Hi, good afternoon!” Masayang bati sa kanila ni Alaine paglapit nila sa counter. Ito ang isa sa dalawang may-ari ng shop. Nakalagay sa suot nitong orange polo ang nakaprint na pangalan.  “Welcome to JL’s! Looking for couple’s shirt?” Nakangiti nitong tanong sa kanila.
Sa loob loob ni Matt, Psychic ba ang babaeng ito? Paano niya nalaman?
“Heller?! Obvious namang couple kayo noh?!” Natatawang sagot ni Alaine sa tanong ni Matt sa isip.
Woah! Psychic nga!
“Ate Alaine, we want a unique couple’s shirt. Yung tipong kami lang ang meron.” Demand ni Mhalih. Luminga linga ito sa paligid. “Where’s Ate Jhonah? Di ba dalawa kayong may-ari ng shop na ito? Sabi sa blog ng friend ko, may magic daw kayo.”
Natawa lamang si Alaine sa huling sinabi ni Mhalih at iniabot rito ang isang clearbook. Compilation ito ng mga designs and statements for couple’s shirt. “Don’t worry dear, personalized shirt talaga ang mga ibinebenta namin dito. We just want you to pick any designs or quotes na sa palagay niyo ay bagay para sa inyong dalawa and from there, gagawa tayo ng unique couple’s shirt para sa inyo.  And for your last two questions, Jhona’s on leave. We can only say that Love is the closest thing we have to magic.” Kinindatan pa nito ang dalaga.
Ano daw yun? “Ah,… Okay.” Tumango tango nalang siya although hindi niya magets ang huli nitong sinabi. Sinimulan na niyang tumingin tingin sa clearbook.
Mukha namang hindi interesado si Matt. “Ate, totoo po bang lahat ng nagpapagawa ng couple’s shirt sa inyo ay sila na talaga ang nagkakatuluyan?” Curious niyang tanong.
Maayos naman itong sinagot ni Alaine. “A good relationship is an effort. It will still depend on you two if you are willing to fight till the end for your relationship. And your shirt will just remind you that you are a couple. And as a couple, you must face together all your problems and difficulties.” Masaya nitong payo kay Matt. “Besides, BELIEVING is the number one rule in here.”
Siniko ni Mhalih si Matt. “Sabi ko naman sa’yo kanina di ba? All we have to do is to believe.”
“Andun na ako. So it only means na wala naman talagang magic sa mga couple’s shirt na binebenta dito dahil nakadepende nga naman ang mga relasyon sa tao mismo.” Kontra pa rin ni Matt.
Alaine just shrugged her shoulders at nginitian na lamang ang dalawang customers.
“Hay nako. Masyado kang nega!” Sita ulit ni Mhalih sa kasintahan. “Pasensiya ka na Ate Alaine ha. Wala kasing kakilig kilig sa katawan yan.”
“Meron naman. Hindi nga lang sa’yo.” Mahina nitong sabi. At kunwari ay inabala ang sarili sa pagtingin sa hawak din na clearbook.
Hindi ito masyadong narinig ni Mhalih. “Ha? Ate? May sinasabi ka po ba?”
“Ano, nakapili na ba kayo?” Bagkus ay tanong ni Alaine sa kanila.
“Ito nalang Ate. Maganda itong design na ‘to tapos sa statement, ito po.” Turo ni Mhalih sa mga napiling design at quotation.
“Okay. Just wait lang. Upo muna kayo. ” Itinuro ni Alaine ang sofa na nasa tabing bintana ng shop at tumalikod na sa dalawa.
“Bakit ba ganyan ka?” takang tanong ni Mhalih kay Matt. “Ayaw mo bang bumili tayo? Ang rude mo pa kay Ate.”
“Hindi naman sa ayaw ko. Hindi lang ako naniniwala sa magic-magic na yan. Siya na nga mismo ang nagsabi di ba, relationship is just a matter of effort.” Paliwanag ni Matt.
“But we have to believe…” Mhalih insisted. “Believe na tayo na nga ang magkakatuluyan. Five to seven years from now, tayo ang magpapakasal. Bubuo ng sariling pamilya, tatanda ng magkasama. You know that you’re my first boyfriend and I want you to be my last.”
Just like any other typical girl pangarap niya ang maikasal sa taong pinakamamahal. She only wanted to have one man for a life time. Mahal na mahal niya si Matt at marami siyang pangarap para sa kanilang dalawa.
One year ago nang magkausap sila ni Matt sa school. Matt is a famous basketball player sa kanilang campus and taking up Civil Engineering while she is just an ordinary HRM student.  
Mhalih is a member of Journalist Organization and for her project ay kailangan niya itong ma-interview.
Nagpaunlak naman si Matt, pandagdag popularity na rin para sa kanya.  
After that interview at matapos mailathala sa school newspaper ang tungkol sa kanya, they started dating out. Eventually, niligawan na niya si Mhalih and it was three months ago mula ng opisyal na maging sila.
Para kay Mhalih ay sincere naman si Matt sa kanya. Napabalitang chickboy ito pero mula nang magkalapit sila ay wala naman siyang nabalitaan na ibang babaeng lumilingkis dito.
She also feels that Matt loves her. Hindi rin niya igigiit sa sarili niya na crush din niya si Matt noon pa man. Kaya nga lihim siyang natuwa ng ibigay sa kanya ang project na interview-hin ito.
First year college pa lang sila ay kilala na niya ito but she never had the guts para lapitan ito at magpakilala. Hindi naman ganun kakapal ang mukha niya para gawin iyon. Masaya na siyang sulyap suyapan ito ng tingin sa tuwing nasa court ito o makakasalubong niya around campus.
Para sa kanya ay masyado itong guwapo para sa kagaya niya na simple lang. Matangkad, maiksi ang buhok, slim body but has fat legs. And she hated those fat legs of hers. Kung pwede nga lang magpa-lipo.
She didn’t believe at first na yayayain siya nitong makipag-date at eventually ay ligawan siya. Siya na ang may mahabang buhok although literal itong maiksi na tulad ng sa lalaki.
She’s just so lucky and blessed na mahalin ng gaya ni Matt.
He can’t control himself. Hinalikan niya sa lips ang girlfriend. Tinugon naman ito ni Mhalih.
Later he found out na sobrang sweet pala nitong ni Mhalih. Marami itong gustong puntahan o gawin na kasama siya. Halos puno na nga ang planner nito. All of those are their supposed to be activities together.
Maya-maya lang nakarinig na sila ng, “Ehemm..” mula kay Alaine. “PDA is good but not all the time.” Biro niya sa dalawa. “Mind if you’ll take a look at this?”
Tumayo naman si Mhalih at natuwa siya sa nakita. “Ang cute, Ate! Super like!” Hawak nito ang papel na may print out ng design at masayang ipinakita kay Matt na prenteng nakaupo pa rin sa sofa. “Hon, ang ganda! I like it!”
“My first love’s the best… That I want it to be my last.”
Ito ang statement na nasa shirt para kay Mhalih. My design ito na heart shape sa bandang kanan.
“I want you to be my last love coz you’re the best.”
Ito naman ang statement na nasa shirt ni Matt. May design ito na rose sa bandang kaliwa. Parehong kulay ng font ang ginamit. Magenta. Pati na rin ng kind of font which is Forte. Pati na ng kulay ng shirt na gagamitin which is black.
“So, okay na ba yan?” Tanong ni Alaine sa kanila.
“Oo, ate! Okay na to.” Masayang sagot ni Mhalih. “Balikan nalang po namin. Thank you po!”
















Chapter 2 – Luke

10 p.m. to 10 a.m. ang naging duty niya for this day kaya naman ay sobrang bangag na siya. 16 hours na siyang dilat at gustong gustong gusto na niyang matulog. Pagkatapos, mamayang gabi ay papasok na naman siya.
He’s Luke Rodriguez, 22 years old at isang call center agent. Or rather team leader. Kaka-promote niya lang last month.
“Nak, kain ka muna bago ka matulog.” Aya sa kanya ng kanyang butihing ina.
“Busog na ko, ‘ma. Matutulog na po ako.” Magalang niyang pagtanggi rito.
Papasok na siya ng kuwarto nang harangin siya ni Matt, “Kuya, may extra ka ba diyan?” halos pabulong na tanong sa kanya ng nakababatang kapatid.
“Pan-date na naman?” balik-tanong niya rito.
Kumamot lamang ito ng ulo bilang sagot.
Dumukot naman siya sa wallet ng limandaang piso at iniabot rito.
“Thanks kuya!” Masayang tinanggap ni Matt ang pera.
Pumasok na si Luke sa sariling kuwarto.
Magbibihis na sana siya ngunit napansin niya sa loob ng kanyang cabinet ang isang hindi pamilyar na damit. “Kanino ‘to?” takang tanong niya sa sarili.
Hindi niya naiwasan ang humanga nang hugutin niya ito mula sa maayos na pagkakatupi at makita ang buo nitong itsura.
It’s a black shirt with a statement, “I want you to be my last love coz you’re the best.”
Hindi pa siya nakuntento at isinukat pa nito ang damit. It fits him.
“Baka kay Matt ‘to. Masuot nga ‘to minsan.”
 Ganon naman silang magkapatid, naghihiraman at nagpapalitan ng mga gamit. Muli niya itong hinubad, itinupi at ibinalik sa loob ng cabinet.
Kumuha na siya ng damit na pambahay, nagbihis at naghanda ng matulog.
“Good mornyt world. Welcome to dreamland.” Bati niya sa sarili.

“Luke, uso rin ang lovelife. Try mo.” Muling pang-aasar sa kanya ng isa sa mga ka-trabaho niya. Kasalukuyan nilang break time at nasa loob sila ng isang 24/7 na fast food chain.
“Alam mo, Riza. Huwag mo akong paringgan kasi kahit anong gawin mo, hindi kita liligawan.” Pagsakay niya sa biruan.
“Utang na loob, Rodriguez! May asawa’t anak na ako. Huwag ako at baka majombag ako ni Erwin.”
Tawanan ang grupo.
“Oo nga, TL, konti nalang iisipin na namin na fafa ang hanap mo. Straight ka ba talaga?” Biro naman ni Joey sa kanya.
“Straight cut gusto mo? Tigilan niyo nga ako. Kayo nga, hindi ko naman kayo pinakekealam sa mga love life niyo tapos yung sa akin, masyado kayong usi.” Katwiran niya sa mga ito. “Tsaka, bata pa ako noh.”
“Kuya, mag ti-23 ka na next month. Hindi ka na bata, pwede ka ng gumawa ng bata kamo!” Ani Rex at nakipag-apir pa ito kay Joey.
Tawanan na naman.
He knows he will never win these guys.
Hindi na lamang niya ulit pinatulan ang iba pang mga sinabi ng mga ito at nakitawa na lamang siya. Wala rin namang magagawa ang mga ito. It’s his choice to remain single.
He’s a proud member of NGSB. As in “No Girlfriend Since Birth.” Pero para sa kanya, “So what?!” Kasalanan na ba ngayon ang hindi mag jowa kaagad?
At least he is so much sure to his self na babae pa rin ang hanap niya. Na plano pa rin naman niyang magkaroon ng sariling pamilya in the future.
Pero sa ngayon kasi, nakafocus siya sa pagpapatayo ng bahay para sa pamilya and at the same time ay sa kanyang career.
He has many plans at nasa huli ng kanyang listahan ang lovelife.
He’s turning 23 at sa tingin naman niya ay masyado pa siyang bata para pumasok sa isang seryosong relasyon. Tsaka nalang yon, kapag okay na ang mga nauna niyang plano.
Actually, marami rin namang babae ang nagpapakita ng pagkagusto sa kanya. Kahit noon pang estudyante pa lamang siya, hanggang ngayon na nagtatrabaho but still there’s no girl who fully got her attention.
She had crushes pero wala namang lumalim sa mga iyon.
A crush is a crush, nothing more, nothing less. Well, that’s for him.
Ano nga ba ang gusto ni Luke Rodriguez sa isang girlfriend to-be?
Simple lang.
Yung babaeng makakapagpalakas ng tibok ng puso niya just by simply staring at her.
And when that happens, yon na yon!
Napana na siya ni Kupido.
Corny na kung corny but he strongly believes in Love at first sight.
It’s his deepest secret that no one knows except himself.
-00-
He knows that he is in a dream pero parang totoo ang lahat ng nangyayari.
Everything is white.
Except for a girl who is wearing red na natatanaw niya sa malayo.
“Who is she?” Takang tanong niya sa sarili.
Sinubukan niya itong lapitan ngunit sa tuwing lumalapit siya rito ay tila lumalayo naman ito.
“Hey, stop!” Sinubukan rin niya itong pigilan.
Huminto naman sa paglalakad ang babae at lumingon.
Tila huminto rin sa pagtibok ang puso niya. Woahh.. She’s beautiful!
Is she his soulmate?
Why does the world stops from revolving?
“Sino ka?” tanong niya rito.
Pero hindi sumagot ang babae. Nginitian lamang siya nito at tuluyan ng lumayo.
He chased her but then nawala na ito ng parang bula.
“Kuya…. Kuya….” Ngayon naman someone’s calling him.
He knew this voice. Bakit nasa panaginip rin niya ang kapatid?
The white background is slowly starting to fade.

“Kuya. Kuya.”
“Uhhmmmm…”  
“Alas siyete na. Kakain na daw tayo ng hapunan.” Patuloy na panggigising ni Matt sa kanya.

Chapter 3 – Melissa

“Matt, wait!” tawag ni Melissa sa dating kasintahan.
Huminto sa paglalakad si Matt at hinarap ito. “Pwede ba Mel, tigilan mo na ako. Matagal na tayong tapos.” Paki-usap naman niya dito.
“Pero, Matt. You never listen to me! Pakinggan mo naman yung side ko-…”
Para saan pa? Masaya na ako ngayon. Mahal ko na si Mhalih. Move on.”
“Hindi ko kaya, Matt.”
“Pwes, kayanin mo. Dahil hindi na ako babalik sa’yo.” Muli na niyang tinalikuran si Melissa.
Melissa couldn’t control her tears. Tila may sarili itong mga isip na may pagkukusang lumabas sa kanyang mga mata.
He loves Matt so much. At alam niyang mahal din siya nito. It was more than a year ago since they broke up pero masakit pa rin ang nangyari.

Rewind….

It was more than a year ago, one fine Saturday

“Babe, where are you?”tanong ni Matt kay Melissa over the phone.
“I’m coming babe. Wait lang.” Masaya niyang imporma sa nobyo.
It’s their special day today. Their first love anniversary at excited siya sa inihandang surpresa ni Matt para sa kanya.
Matt has been a very sweet boyfriend to him for the past year that they have been together. Minsan nga ay nadadaig pa siya nito.
Malalakas na katok sa pintuan ng kuwarto niya ang nauligan niya. “Ate Mel! Ate Mel! Si Daddy!” Tila histerical ang younger sister niya na si Marie.
Dali-dali niyang binuksan ang pinto. “What happened?”
“He’s- he’s not breathing!” umiiyak nitong paalam sa kanya.
Dali dali siyang sumugod sa kuwarto ng ama.
Nagpanic na siya. Pakiramdam niya pati siya ay na-stroke na rin.

She then later realized na nasa hospital na siya at kinocomfort ng pinsan niya na si John. “Cuz, are you okay? Kumain ka muna.” Alok nito sa kanya.
She didn’t feel like eating. “Si Dad?”
“He’s already stable.” Masaya nitong balita sa kanya.
She suddenly felt released.
Oh, shi! She forgot everything! Her phone, her date today, her boyfriend.
“John, can I borrow your phone?”
Iniabot naman ito ni John sa kanya.
She dialed Matt’s number but it was off.
Gusto pa sana niyang pumunta sa meeting place nila kahit pa na ilang oras na ang lumipas but still she can’t left her family especially her dad in times like this.
Sorry, Matt. I’ll talk to you later…
Pumasok na siya sa kuwarto ng ama.

Pagka Monday ay pumasok na siya ng eskwelahan. Inagahan pa talaga niya para makausap muna si Matt bago siya tumuloy sa first subject niya.
But sadly, Matt just ignored her. Naintindihan naman niya iyon. Galit ito sa kanya. So she decided not to talk to him muna that day. Papalipasin muna niya ang galit nito.

After a week, she tried again to talk to him but still ay iniignora pa rin siya nito.
“Matt, please. Let’s talk. I’m sorry. I wasn’t…”
“Shut-up, Mel. Tapos na tayo.”
Boom!
Para itong isang bombang sumabog sa harapan niya. Matt is breaking up with her? Is this for real? But why? She even hasn’t told him her story yet.
“Pakinggan mo naman yung side ko…” Naiiyak na niyang sabi dito. She’s still hoping na mababago pa niya ang isip ng nobyo.
Tuluyan na siyang nilampasan ni Matt. Wala talaga itong balak na makinig sa kanya.
Sa paglipas ng araw, nabalitaan na lamang niya na lumalabas na ito kasama ang Journalism Org member na si Mhalih.
And she’s hopeless.
She tried to move on but still all this time, si Matt pa rin ang mahal niya.
End of Flashback
She’s Melissa. The Campus Queen slash Ms. Friendship slash Dean’s Lister.  Some, well actually most of her schoolmates used to call her, Miss Beauty Brainy.
Yes she’s popular. Everyone knows her name.
She’s taking up B.S. Accountancy.
Sabi nga ng iba, nasa kanya na raw ang lahat. Pati na ang maayos na estado sa buhay. Bonus nalang din ang pagkakaroon ng basketball heartthrob na boyfriend sa katauhan ni Matthew Rodriguez.
But that bonus was now in the past now. A part of her past, a part of her life that has been lost.
She never loved any man except for Matt. Pero dahil sa isang pagkakamali niya ay nabura lahat ng magagandang pinagsamahan nila.
After their official broke-up, many tried to woo her but everyone just failed.
She can’t move on and therefore she can’t love another man.
 And that’s her reality.
Sa ngayon ay masaya na siya sa piling ng pamilya at mga kaibigan.
Being single wasn’t that bad.
At least, everybody can be near her but actually not be so much close to her heart.
Because there’s only one man who already entered it and brought the key so that no one could ever enter her heart.
Ngunit sa kasamaang palad, iba na ang nagmamay-ari ng puso ng isang Matthew Rodriguez at hindi na si Melissa Cruz.
A bitter truth….




Chapter 4 – Jail Booth

It’s the Foundation day of their school.
Kapag sinuswerte nga naman, may naupuan na bench si Matt na hindi pala dapat upuan. Jail booth ang kinahantungan niya. Hindi niya napansin na may post-it palang nakadikit sa gilid nito na nagsasabing bawal itong upuan for the whole day.
Siya ng tanga, siya pa careless. He left her phone and wallet on his locker kaya he had no choice but to stay on the jail booth for 3 hours.
After an hour of staying there, may isa pang estudyante na pinapasok rin dito.
“Pwede ba! Let me go! I was there to study hindi para makigulo sa booth niyo.” Pagpupumiglas nito. But still, hindi siya pinakinggan ng mga “pulis patroller” at ikinulong pa rin siya ng mga ito.
“Mel?” ani Matt sa bagong kasama sa kulungan.
“Matt!” Gulat nitong tawag sa pangalan niya.
“What are you…” Sabay pa nilang sabi sa isa’t isa. Natawa nalang sila later on.
“What sin?” tanong ni Mel sa kanya.
“Umupo ako sa isang forbidden bench. You?”
“Forbidden table sa library. The worst, bawal magmulta.”
Awkward… They both felt it.
Isang nakabibinging katahimikan ang naghari sa loob ng maliit na kulungan na iyon.
They both had question in mind na sila lang ba ang tanga sa buong campus na iyon dahil for the past two hours ay sila lang ang nakulong.
“Nung anniversary natin, sinugod si Dad sa hospital.” Out of nowhere niyang kuwento sa dating nobyo. “I forgot everything. Pakiramdam ko na-stroke rin ako. I’m sorry, Matt.” Muling nanariwa kay Melissa ang pait ng naging love story nila ni Matt.
Matt was shocked. He never knew this part of their story.
“I’m sorry too, Mel. Hindi ako nakinig.” Naging unfair siya para dito. “Pero sino yung guy na nagsakay sa’yo sa kotse?”
“Pumunta ka sa bahay?” Gulat naman niyang balik tanong dito.
“Yupp. Nag-alala ako so pumunta ako at nakita ko nalang na sinasakay ka na nung lalaki sa kotse. Gusto ko sanang sumugod at sapakin yung lalaki but I was scared. And hurt. Tila kusang loob kang sumasama sa kanya. I thought, siya na yung pinalit mo sa akin.”
“It was John. He’s my cousin. He took care of us. Siya ang nagdala sa akin sa hospital. When I saw dad lying on the floor helplessly ay tila huminto na rin ang mundo ko. Nang maisakay daw si Dad sa ambulance tsaka niya ako isinakay sa kotse niya.” She cried again remembering this hurtful past.
Matt hugged her. “Sorry talaga, Mel. Sorry.” He kissed her.

“Matt…”
Parang binuhusan ng tig-isang timbang crushed ice ang dalawang nasa kulungan.
“Mhalih!” Sabay pa nilang bati sa kanilang bisita.


She was looking for Matt. May usapan sila na manonood sa school theater ng film showing na project ng org niya para sa foundation day. Lumipas na ang isang oras ngunit wala pa rin si Matt sa theater. She even called him pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Hinanap niya ito sa buong kampus.
“Hi, Annie! Nakita mo ba si Matthew?” tanong niya sa nakasalubong na schoolmate.
“Oo kanina. Parang nahuli yata siya ng mga pulis patroller. Check mo sa Jail Booth.”
“Ah.. Eh, nasaan ba yung Jail Booth?” Tanong ulit niya.
“This year nasa basement sila.” Imporma nito sa kanya.
“Thanks ha!”
“K.”
“Mhalih!” tawag sa kanya ng isa sa mga kaklase niya.
Nilingon naman niya ito. “Oh, bakit Jo?”
“Makikisuyo sana ako, pwede bang pakipa-print naman itong term paper natin. May aayusin pa kasi ako para sa group defense natin next week.” Sabay abot nito sa kanya ng isang USB.
She had no choice. Leader niya ito sa subject niyang Business Management kaya kailangan niyang sumunod. “Okay, sige.” Later nalang niya pupuntahan si Matt sa Jail Booth.
“Term Paper ang file name. Thank you ha. Pasensiya ka na sa abala.” Pagkatapos ay umalis na ito.
-00-
She heard what the two prisoners were talking about as she witnessed how these former couple kissed.
“Hon..-” gusto sanang magpaliwanag ni Matt sa kung ano ang nakita ni Mhalih.
“Break na tayo!” Umalis na siya sa lugar na iyon where it feels like hell.
That damn jail booth is a lot like hell.
Sa dami ng makukulong don bakit sila Melissa at Matt pa. Sana siya nalang. She would love to be in that place with her Matt, her love, her boyfriend, her future husband, her life time partner. Pero hindi eh.
All this time, si Melissa pa rin pala ang mahal ni Matt. Akala niya naka move on na ito at siya na ang mahal. But she was shitly wrong.
Parang unti unti na ring gumuho ang mga pangarap niya na kasama si Matt.
She dreamed to be Mrs. Matther Rodriguez five to seven years from now pero mukhang malabo na itong mangyari.
Ang tanga tanga niya lang dahil ibinigay niya ang isang daang porsiyento ng pagmamahal para dito that he truly doesn’t deserve.
Nakalimutan na nga niya yatang magtira para sa sarili niya dahil sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon.
Pakiramdam niya, hindi lang siya galit kay Matt at Mel, pero pati na rin sa buong mundo. Why on earth, she met someone like Matt na lolokohin lang siya at paglalaruan. Now she realized kung bakit ito hindi masyadong sweet sa kanya. May iba pala itong mahal, the worst ay sa ex-girlfriend pa nito.
Ni hindi pa nga siya nito napapakilala sa pamilya habang siya ay malugod niya itong pinatuloy sa sariling tahanan. Her mom and dad already treated Matt as their son.
Ang sabi sa kanya ni Matt noon, tsaka nalang daw siya ipapakilala kapag ayos na ang bahay nila. Kasalukuyan daw kasi itong unti-unting ipinapaayos ng kapatid nito.
Now I know, ayaw mo lang talaga akong ipakilala sa pamilya mo dahil si Melissa ang mahal mo at gusto mong pakasalan!
How she wished that that jail booth would be real. Madaig pa sana nito ang kulungan sa Muntinlupa at nawa’y huwag ng palayain ang dalawang nakabilanggo roon sa mga oras na ito. Ever!

Pag-uwi niya sa bahay at nagkulong na rin siya sa sarili niyang kulungan.
Naglagay pa siya ng karatula using her mini white board sa pintuan ng kuwarto niya.
BEWARE! THE GIRL IS ON FIRE! GRRR… DO NOT DISTURB.
Natawa na lamang ang kanyang ina ng mabasa ito.
May sapak na naman ang pinakamamahal nitong unica iha. “Maria Luisa, lumabas ka diyan mamayang hapunan ha!”

She opened her laptop at binuksan niya ang blogsite ni Sassy.
Sa ilalim ng article nito about Couple’s Shirt ay bitter siyang nag comment.
Those couples’ shirts are not for real!
Eksakto namang naka-online rin si Sassy at sinagot ito. Bitterness is next to ugliness! Haha… Don’t give up, girl. Smile always. The right one for you is just around somewhere. Love you my avid follower! J






Chapter 5 – Mending a broken heart

Isang seminar ang kailangang puntahan ni Mhalih sa Baguio sampu ng mga kasamahan niya sa Journalism Org.
Para sa kanya ay perfect timing ito para na rin pansamantalang makalimot ang sugatan niyang puso. She hopes that this three-day seminar would help to ease her aching heart. Of all the things she could ever see, never in her imagination na makikita niya ang sariling boyfriend na nakikipaghalikan sa iba. The worst ay sa ex-girlfriend pa nito.
Para sa kanya ay hindi naman siya ganun ka bad para parusahan ni Papa God.
Naging tapat naman siya kay Matt. Sa mahigit tatlong buwan nilang pagsasama, all she ever thinks is to be with him forever. May katapusan rin pala ang lahat. When she thought of the happy memories they shared together for a short period of time, imbes na matawa ay naiiyak siya.
“Mhalih!” Putol ng president nila sa Org sa pagmumuni muni niya. “Mag-iistart na ang seminar.” Imporma nito sa kanya.
Pinunasan niya ang mga pisngi bago lumingon. Mapait niya itong nginitian. “Okay!” Sumunod na siya rito.
I am here for a seminar not for reminiscing… Sita niya sa sarili.

 His heart beats so fast. Halos mabingi na siya sa sobrang lakas ng kabog nito.
 Who the hell is she? Pagpasok ng babaeng ito sa loob ng conference hall ay parang tumigil sa pag-ikot ang kanyang mundo. Parang nakita na niya ito somewhere. Hindi nga lang niya matandaan kung saan at kailan.
“Ahmm, sir. We are about to start.” Paalala sa kanya ng President ng Org. na iyon.
Tinanguan naman niya ito.
“Let’s all welcome, Mr. Luke Rodriguez! The former president of our Journalism Org.” Pakilala sa kanya ng current president ng nasabing org.
He knows what to say pero bakit walang lumalabas sa bibig niya?
He knows that there are fifty participants inside this room pero bakit tila isang tao lang ang nakikita niya?
“Luke…” untag sa kanya ni Marie, ang kasalukuyang president ng Org.
“Ah.. I’m sorry.” Tangi niyang nasabi.
Whuu.. Ano bang nangyayari sa akin? Don’t be distracted, Luke! You have something to say. Sita niya sa sarili.
He tried to compose his self again and played his role for this event.

Mukha siyang nasapian. Ani Mhalih sa sarili niya habang nakatingin sa lalaking natulala kanina pero ngayon ay masaya ng nagdidiscuss sa kanila.
Anyway, she found him cute. Bakit kaya hindi nito pinursue ang pagiging journalist at bagkus ay nagtrabaho sa isang call center? Para sa kanya ay over qualified ito para maging isang call center agent lang. Dapat rito ay sa mga sikat na pahayagan nagtatrabaho.
Base sa chika ng katabi niya, graduate daw ang kanilang speaker ng AB English. Grauduating na ito ng pumasok siya sa unibersidad as freshman.
Hilig lang daw nito ang pagsusulat kaya’t sumali ito sa Journalism Org during his college days.
Parang siya lang. HRM ang course niya pero miyembro siya ng org na ito. She loves reading and writing articles. Madalas ay nasa sports section siya dahil mahilig rin siya sa sports, although ang sports na mismo ang walang hilig sa kanya.
Isa pa sa mga nalaman niya ay kuya pala ito ng magaling niyang ex-boyfriend. Ito marahil ang tinutukoy ni Matt na nagpapagawa ng bahay nila.
Wala naman siyang makapang galit o inis para dito. Kahit pa na kapatid ito ni Matt, eh ano naman? Hindi naman ito ang nanloko sa kanya.

-00-
Maagang natapos ang seminar kaya’t may oras pa sila para makapamasyal. She decided to walk on her own. Wala lang, trip niya lang mapag-isa. Sayang ang moment. Baka sakaling may maisip siyang paraan kung papaano makalimot agad-agad.
Ilang beses na siyang nakapunta rito sa Baguio kaya’t medyo nakabisado na niya ang mga lugar rito lalo na ang mga sikat na pasyalan.
Ang target niya ngayon, Burnham Park.
Wala lang, trip lang din niya mag-bike. Sa bike niya ibubuhos lahat ng galit niya sa mundo.
Dalawang linggo na ang lumipas pero hindi pa din lumilipas ang sama ng loob niya at nagbabaka-sakali siyang mabawasan iyon sa pamamagitan ng pagba-bike.

“Woahh! Easy!” initial reaction ng lalaking muntik na niyang mabangga. Medyo napabilis ang pagmamaneho niya ng bike mabuti na lamang at malakas ang preno nito kaya’t nakahinto siya kaagad.
Bwisit kasing Matt na yan! Paninisi niya sa walang kamuwang muwang na ex-boyfriend.
“Sorry. Pasensiya ka na, ano kasi Kuya Luke may iniisip lang ako…”paliwanag niya.
“Nakakabadtrip naman yang Kuya Luke mo. Luke nalang.” Nagpakawala pa ito ng isang pagkatamis tamis na ngiti.
Mhalih tried to ignore that special and strange feeling ng makatitigan ang lalaking ito.“Ano pong ginagawa mo dito?” tanong niya. Sabay na silang nagba-bike.
Gaya mo.” Maikli nitong sagot.
“Nagsesenti?”
“Huh? Nagba-bike rin.”
“Ah. Kala ko kasi.”
“Yun ba ang ginagawa mo rito?”
“Medyo.”
“You’re Mhalih right?”
Tumango naman siya. “Small world po noh? Kapatid mo yung ex-boyfriend ko.”
Napatigil naman si Luke sa pagba-bike. “Your Matt’s girl?”
Pati siya ay napahinto rin. “Correction. Ex. Hindi po ba niya nasabi sa inyo na may girlfriend siya?” Anyone can see bitterness in her eyes. Mapait siyang ngumiti. “Well, hindi na ako nagtaka. Kasi po mukhang wala naman talaga siyang balak na ipakilala ako sa inyo.”
“Sorry to hear that. Anyway, sayang ang bakasyon kung uubusin mo lang ang oras mo kakaisip sa mga masasakit na bagay.” Ani Luke sa kanya. “It’s been a while mula ng magleave ako from work so I think I deserve this. You too should enjoy.” Muli na naman itong nagpakawala ng tumataginting nitong killer smile.
Masaya niya itong tinanguan bilang pag-sang ayon. Nakakahawa ang happy aura ni Luke.
“One more thing, stop that Po and Opo. I’m not that old.” Paki-usap ni Luke.
Natawa naman siya. Oo nga naman. Hindi nga naman ito ganun katanda. Kung titignan ito ay parang halos magkasing edad lang sila ni Matt.
Aww.. Matt na naman..
-00-
It’s been a tiring yet fun day for both of them.
Masaya silang namasyal sa Burnham. Sumakay pa sila ng bangka sa manmade lake.
They even went to Baguio Cathedral and had their dinner at SM Baguio.
Tomorrow they planned to go to Right Park, The Mansion, then at the Mines View Park.
Ilang beses na niyang napuntahan ang mga nasabing lugar but still she felt excited. Masayang kasama si Luke. He’s a true gentleman and she felt secure as her company. They never had a dull moment. Marami itong baong kuwento. And they share the same interest which is writing.
More on literature si Luke habang siya naman ay sa Sports at Current Events.
Later she found out na kaya hindi nito pinursue ang pagsusulat at mas piniling mag call center dahil ayaw niyang ma-pressure sa bagay na kinahihiligang gawin.
They both love writing and for them it is just a hobby but not a profession. That’s the one thing they had in common.
They even promise each other na magiging follower ng kani kanilang mga blog site.



Chapter 6 – The Couple’s Shirt

“Ba’t suot mo yan?!” nagtatakang tanong ni Mhalih kay Luke kinabukasan ng magkita sila sa Sunshine Park. Kahit na naka jacket ito ay litaw ang panloob nitong suot na t-shirt.

Kahit si Luke ay nagulat rin sa suot na damit ni Mhalih.
It maches the shirt he’s wearing right now. Malay ba niyang couple’s shirt pala iyon.
“Sorry, hindi ko alam.” Aniya kay Mhalih. “Hindi naman sinabi sa akin ni Matt.”
“It’s okay.” Sagot naman niya dito.
It’s nothing important now. We were already done. Sabi niya sa sarili.
Kung bakit naman kasi isinama ito ng mommy niya sa bag niya. “I even don’t like wearing this. No choice lang. Wala na akong damit eh.” Last day na nila sa Baguio at ito nalang ang natitira niyang malinis na damit. Ngayon nagsisisi siya kung bakit ipinaubaya niya sa ina ang pag-iimpake.
“Huwag na natin i-spoil ang araw dahil lang sa damit na ‘to. Isasara ko nalang yung jacket ko.” Luke suggested at isinara nga niya ang zipper ng jacket niya.
“Let’s go?” tanong niya sa dalagang kasama.
Masaya namang tumango si Mhalih.
Patungo na sila sa Right Park.

From Sunshine Park ay pwede ng lakarin papuntang Right Park.
“Gusto mong sumakay sa kabayo?” tanong sa kanya ni Luke.
“Scared.” Tila nahihiya niyang sagot. Takot kasi talaga siyang sumakay ng kabayo. When she was seven ay aksidente siyang nahulog mula sa kabayo. From then on ay takot na siyang sumakay rito. “But don’t mind me!” Bawi niya. Ayaw naman niyang makasira sa trip nito. “Sige lang, sakay ka na. Okay lang ako. Pipicturan nalang kita.” She smiled at him but she is so much sure that it cannot hide her fear.
“Sir, isama niyo nalang po yung girlfriend niyo. Dalawa nalang po kayo dito kay Matikas.” Sabi ng isang binatilyo na nakikinig sa usapan nila. Ang tinutukoy nitong Matikas ay ang brown nitong kabayo. Bagay naman rito ang pangalan dahil malaki ito at mukhang kaya nga nitong isakay ang kahit tatlong tao pa.
“Ay, naku kuya. Hindi ko po siya boyfriend.” Tanggi naman niya. “Tsaka okay lang po. Siya nalang po ang sasakay. Ay!” Nagulat nalang si Mhalih ng biglang umangat sa lupa ang mga paa niya at nasa bisig na siya ni Luke.
“Mas enjoy pag may kasama. Don’t worry, hindi naman kita ihuhulog.” He assured her.
Somehow she felt secured. Parang kahapon lang. Even though they were still strangers with each other, pakiramdam niyang safe talaga siya piling nito.
Ini-apak na niya sa paddle ng kabayo ang kaliwang paa.
No choice, nasa ibabaw na siya ni Matikas at nasa likod naman niya si Luke, nakapalibot sa kanya ang matikas rin nitong balikat.
Wiw! Damsel in distress!
Muli niyang naalala si Matt. She put on her planner na pupunta silang Baguio at sasakay rin ng kabayo wherein she’s willing to overcome her fear makasakay lang ito.
Erase! Erase! Erase! Hindi niya napigilan ang mailing.
“Takot ka pa rin ba? Gusto mo ng bumaba?” Nag-aalalang tanong ni Luke sa kanya.
“Hi-hindi. Okay lang ako. Hindi na ako takot.”
 Besides sayang ang thirty minutes na renta nila kay Matikas. Sulitin nalang nila.
-00-
“What if ganito kahaba ang aisle na lalakarin mo papunta sa altar kapag kinasal ka? Hindi ka kaya mapagod? Hahaha!” Adik niyang tanong kay Luke.
Kasalukuyan na silang naglalakad patungo sa The Mansion na may katapat na mahabang water pond.
Pinatulan naman ni Luke ang tanong niya. “Siguro kung mahal mo talaga yung taong pakakasalan mo, hindi ka mapapagod. Bibilisan mo pa ang pagmartsa papunta sa kanya.” Tumawa pa ito.
Hindi rin napigilan ni Mhalih ang matawa, “May point ka diyan! Hahaha! Imbes na martsa, marathon ang mangyayari.”
Muli niyang naalala ang mga naudlot na pangarap. She dreamed of having Matt as her groom. But now she knows na hindi na ito mangyayari.
“Oh, bakit ginugusot mo yang mukha mo?”
Mapait niyang nginitian si Luke. Buti nalang at napigilan niya ang mga luha sa pagtulo. “May naalala lang ako.”
“Di ba nagpromise ka kahapon? Na we will enjoy this day. Wala munang senti. Happy thoughts lang.”
Oo nga naman.  She can’t really spoil this day. She needs this.
“Sorry.”
Hinila siya nito sa kanyang kamay na hinayaan naman niya. “Tara, pa-picture tayo dun sa gate!” Tumakbo na si Luke kasama siya papunta sa malaking bakal na gate ng The Mansion.

Then they had a long stay at Mines View Park.
Nakatitig lamang siya kawalan.
“Hindi mo talaga mapigilan ang sarili mong mag-senti noh?” Basag ulit ni Luke sa trip niya.
“Hindi ah. Ina-appreciate ko lang ng mabuti ang ganda ng tanawin. Alam mo na, walang ganyan sa Manila.” Pagsisinungaling niya.
“Humahaba na yung ilong mo.” Biro ni Luke.
Tinignan naman niya ito ng masama and she pouted.
Luke laughed. He couldn’t control himself. Kinurot niya si Mhalih sa magkabilang pisngi.
“Aray!”
“Hehe. Cute mo kasi eh!” Ani Luke sa kanya.
Muli niyang naalala ang madalas na pagkurot ni Matt sa kanyang ilong kapag pinipilosopo niya ito. “Paano ba makalimutan ang isang taong minahal mo ng sobra?” Bigla niyang pagseseryoso.
Nabigla naman si Luke. “Ano bang klaseng tanungan yan?” Kunot pa ang noo nito.
Mapait naman niya itong nginitian, “Hindi mo naman kailangang sagutin. Actually, iniisip ko na ang sagot. So kapag sinagot mo, wala na akong iisipin.” Tumawa siya sa huli. A fake smile indeed.
“It takes time. Walang short cut.” Sinagot pa rin ni Luke ang tanong niya. “At sa paglipas ng panahon, tatlo lang ang marerealize mo.”
“Anu-ano naman yon?” Follow up question niya.
“Hindi mo pala siya mahal, inlove ka lang sa idea na may karelasyon ka. Hindi mo siya kayang kalimutan dahil mahal mo pa rin siya. At hindi mo na siya mahal.”
“Wow.” Hindi niya napigilang masabi. “Ang lalim mo pala. Anyway, so what’s the point? Does it really take a long time? Hindi ba pwedeng agad-agad?”
“Pwede naman siguro. When you fall for someone unexpectedly. Pero mahirap din yun, kasi baka isipin ng guy, rebound mo lang siya. And if that guy loves you that much willing siyang maghintay sa tamang panahon.” He sigh. Sana tama ang mga pinagsasabi niya. Hindi rin niya alam kung saan niya hinugot ang mga salitang binibitawan.

Mhalis was somehow amazed. Parang may pinanggagalingan ang mga sinabi ni Luke. Hindi kaya….“Magtapat ka nga sa akin, Luke.” Matiim niya pang tinitigan ang binata.
“Huh? A-ano namang ipagtatapat ko?” Tila kinakabahan nitong tanong sa kanya. Bistado na ba siya? Ganun ba siya ka-obvious? Eto nga’t nauutal pa siya. Malamig sa lugar na kinatatayuan nila ngayon pero parang gusto na niyang pagpawisan.
“Ikaw ba si Papa Jack? Or yung tagapayo niya?” adik na tanong ni Mhalih sa kanya.
He laughed hard. Somehow he felt relieved.

Nahawa naman siya sa tawa nito kaya pati siya ay natawa na rin sa sariling joke.
“Hay naku, Luisa. Ewan ko sa’yo. Tara na. Mamili na tayo ng pasalubong.  Baka gutom ka na rin kaya ka na nagkakaganyan.”
Nauna na siyang umalis sa tinambayan nila at nakasunod naman si Mhalih sa kanya na tumatawa pa rin.
Hindi niya ma-imagine na sa kabila ng pinagdaanang pagkabigo sa pag-ibig ay eto siya at nakikipagtawanan kay Luke. Kaya naman pala niyang maging masaya kahit hindi si Matt ang kasama niya.
















Chapter 7 –  Realized

“Please Mhalih, mag-usap naman tayo.” Pakiusap sa kanya ni Matt. Nakasalubong niya ito sa kanilang college hallway.
Umatras siya at ang balak niya ay sa iba nalang siya dadaan papunta sa kanyang next classroom. “Tapos na tayo, Matt. Wala na tayong dapat pag-usapan.”
“Pero-..”
“Look Matt.” Putol niya sa mga sasabihin pa sana ni Matt.  “I don’t love you that much. I was just so much inlove with the idea of having a boyfriend at nagkataon lang na ikaw ang boyfriend ko sa mga panahong iyon. But now I realized that I was all wrong.” Pagtatapat niya rito. “You were my first boyfriend kaya siguro akala ko ay ikaw na talaga ang para sa akin.”
Wala mang sabihing si Matt, alam niya na shocked ito. Maybe he has thought na sobra siyang nasaktan nito.
Tinalikuran na niya ito.
Their conversation as well as their relationship is now finally over.
-00-
She misses someone so much and she’s so much sure to herself who he is.
Ano kayang ginagawa niya? Tanong niya sa sarili. She tried to dial his number pero naisip din niya na baka makaistorbo lang siya dito.
Kukumustahin mo lang naman. Wala naman sigurong masama dun. Aniya sa sarili.

Kring! Kring! Her heat beats fast. Oh my! Bakit may ganitong factor? Mas lalong nag-ingay ang puso niya nang may sumagot na sa kabilang linya.
“Hello?” Nakakapaso sa lamig ang boses ni Luke.
Is there something wrong? “Hello, Luke. May problema ka ba? Wrong timing ba ang pagtawag ko. Pasensiya ka na. Sige, ba-bye.”
“We-wait!” Pigil naman nito.
Buti nalang hindi niya pa naibaba ang telepono. Hay. Thank you! “Bakit napatawag ka? May kailangan ka ba?” Tanong nito sa kanya using his coldest tone.
Hindi na tuloy niya alam ang sasabihin. Kung pwede nga lang niya isigaw rito na sobra na niya itong namimiss ay kanina pa niya ginawa.
“Wa-wala naman. Tagal mo na kasing hindi nagpaparamdam. Mangngamusta lang sana.” Sana naman hindi naging obvious ang talagang pakay niya sa ginawang pagtawag.
“I’m fine.” Maikli nitong sagot at kapagkuwan ay hindi na muling nagsalita.
But still she could hear his breath kaya malamang ay nasa kabilang linya pa rin ito.
“Ahmm. Luke, are you really okay? Pa-para kasing may problema.” Hindi nga lang niya matantiya kung ano iyon.
“I said I’m fine.”
Hah! Mister, mukha kang hindi fine! Helller! Nag-aalala kaya ako sa’yo. Kaya lang naman ako tumawag kasi namimiss na kita. Mula ng bumaba tayo galing Baguio I never got a call or even a text from you. Para saan pa’t nagpalitan tayo ng number. Ito sana ang mga gusto niyang sabihin but she chose to be silent.
“Mhalih,” tawag sa pangalan niya ng nasa kabilang linya.
“Yes?”
“May sasabihin ka pa ba?”
“Ah. Eh. Wa-wala na. Nangangamusta lang naman ako eh.”
“I’m on duty.” Imporma nito sa kanya.
Sabi ko nga! “Okay, sige. Bye.” Hindi na niya hinintay na magsalita pa ito. Binaba na niya ang sariling telepono.
Hay. Ano bang nangyayari sa kanya? Pati na rin sa akin? Paulit- ulit niyang tanong sa sarili.
She slept late because of thinking about things. About him. About them.
Ang tanong, meron bang sila?

If only Mhalih could knew, lagi niyang pinipigilan ang sarili na kausapin ito. Pinapatay niya ang sariling damdamin para huwag itong lapitan o kausapin man lang. It’s because he has to.

Flash back…
Kahit pagod sa biyahe ay masaya siyang umuwi sa sariling tahanan.
“Hi, Ma!” Masaya niyang bati sa ina. Niyakap pa niya ito at hinalikan sa pisngi.
“Ang saya ng kuya ko ah!” Pansin naman ni Aling Lourdes sa anak. “Mag-aasawa ka na ba?”
 Natawa naman siya sa huling sinabi ng ina. Asawa agad? “Mama, wala pa nga akong girlfriend eh. Nasan si Matt? Nakabili ako ng sundot kulangot.”
“Nasa kuwarto niya.” Nginuso nito ang kuwarto ng bunso.
“Hey, Matt!” Hinagis niya rito ang dalang pasalubong.
Nasalo naman ito ni Matt. “Thanks.”
“Ba’t ganyan ang mukha mo?” Tanong niya sa kapatid.
Matt shrugged first his shoulder at pagkatapos ay mapait na ngumiti. “Guilty. Dahil nasaktan ko ang isang taong sobra akong mahal.”
Tinantiya naman niya ang sumunod niyang tanong, “Eh ikaw? Mahal mo ba talaga siya? Kasi di ba kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo siya sasaktan at hindi mo hahayaang mawala siya sa’yo.”
“Pero kasi hinayaan ko siyang mawala dahil sa isang maling akala. Ang tanga ko lang kasi hindi ko siya pinakinggan. But I love her so much. Kaya lang…”
Luke thought of Mhalih. Maybe they deserve a second chance with his younger brother. “Then fight for it.” Labag man sa loob niya ang ipinayo sa kapatid pero sa tingin niya ay ito ang tamang gawin.
He just realized that he was playing so unfair for Matt and Mhalih.
Sino ba siya para manghimasok sa relasyon ng dalawa?
Isa lamang siyang hamak na pananggulo.

Well, If only he knew kung sino ang babaeng tinutukoy ni Matt then maybe he wouldn’t realized that sort of thing.





Chapter 8 – Misunderstood

“Luke, bakit mo ba ako iniiwasan?” Hindi na niya napigilang maitanong rito. For the past few days ay ito ang nararamdaman niya at aksidente silang nagkita sa isang coffe shop na nasa loob ng mall sa Makati.
Muli, suot na naman nila pareho ang couple’s shirt.
Destiny could it be…
Nilapitan niya si Luke na mag-isang nagkakape habang may binabasang libro ngunit inignora lamang siya nito.
Hindi sumagot si Luke.
“Sagutin mo ko, Luke! Bakit mo ako iniiwasan?!” Muli niyang tanong but this time with a higher tone of her voice. Dahilan para mapatingin sa gawi nila ang ibang nagkakape at nakatambay sa cozy coffee shop na iyon.
Lumabas si Luke ng coffee shop habang hila hila siya.
“Just tell me why you are doing this. You said you like me pero ano tong ginagawa mo?” Muli niyang tanong sa lalaking kaholding hands sa mga sandaling ito.

Binitiwan na siya ni Luke ng makalabas na sila ng mall. “Because I have to!” Halos pasigaw na rin na sagot nito sa kanya. Wala naman talaga siyang balak sagutin ang tanong ni Mhalih pero kailangan na niya ritong sabihin ang totoong dahilan.
“Pero bakit nga?!” muling tanong ni Mhalih. “May nagawa ba akong mali?”
“Mahal ka ni Matt. Give her a second chance. Besides, my girlfriend na ako kaya I never contacted you. That’s why I’m here because I am waiting for her.”
Kumunot naman ang noo ni Mhalih. “Do you know what you were saying?” She sighed. What was he thinking?
But wait…. Hindi masyadong nagregister ang mga huling sinabi nito…. Masyado kasi siyang nadala ng emosyon niya.
Processing…. Processing… Downloading….
What?!! May girlfriend na ang lalaking sinisinta niya na sa maikling panahon na nagkasama sila ay minahal na niya agad?
Totoo ba ang sinasabi nito na may iba ng nagmamay-ari ng puso nito? And he’s waiting for her kaya siya nasa coffee shop na iyon?
So what about her? What was her role in his life kung may girlfriend na nga ito ngayon?
 A fling? A simple acquaintance? A short-term playmate, pal slash friend? Just an option dahil wala itong makaray sa paggagala sa Baguio?
“You’re hopeless, Luke!” Or rather I am the one who is helpless here. “I thought it was right to go after what my heart really tells me. Pero hindi pala.” Nagawa pa niyang masabi sa kabila ng buhol buhol na niyang pag-iisip.
Tuluyan na niyang nilisan ang mall na iyon with some tears in her eyes. Sana ay hindi na lamang siya napadaan roon or rather sinadyang mapadaan.
Ang balak lang naman niya ay bumili ng bagong portable dvd player pero dumaan pa rin siya sa coffeshop na iyon dahil sa text ng isang mabuting kaibigan.
Boys are really cruel! Naiinis niyang sabi sa sarili.
Of all the people she could ever fall in love with ay sa maling tao pa. Tsk!

Flashback again….
Two days ago….
Nagkita sila sa school cafeteria.
“Mag-usap na tayo, Matt.”
“Una sa lahat, sorry.”Ani Matt sa kanya.
“Go straight to the point.” Sagot naman niya.
Matt took a deep breathe first, “Kami na ulit ni Mel.”
Tumango tango naman siya. Somehow she felt at ease dahil hindi na siya nasasaktan. Bagkus ay masaya siya para sa dalawa. She knew their story and how it went.
“I’m happy for you.” Bukal sa loob niyang sabi kay Matt. “Anyway, thanks for the memories.”
Sinukat naman siya ng tingin ni Matt. “Hindi ka galit?”
Umiling siya. “Not anymore.” She smiled at her. “Remember the time I told you that I was not really in love with you? Totoo yon.”
“I can feel na meron ng ibang nagpapasaya sa’yo ngayon.” Hinuha ni Matt. Sa kislap ng mga mata ng kausap, alam niyang may iba ng apple of the eyes ito. How he only wished na sana nga this time ay in-love na talaga dito ang ex-girlfriend.
“Yeah, and it just so happened that it was your brother.” Mhalih confessed to him. Desperada na siya. Hindi na sinasagot ni Luke ang mga tawag pati na rin ang mga text niya ng pangungumusta. Malakas ang pakiramdam niya na iniiwasan siya nito sa hindi niya malamang dahilan. Kaya nga eto’t nakipagkita na siya kay Matt upang humingi na rin ng tulong rito.
“Si Kuya Luke?!” Hindi naman makapaniwalang tanong sa kanya ni Matt. He never expected that it would be his own older brother. How could it be? Paano? Saan? Kailan?
Marahan namang tumango si Mhalih. It’s now or never. Kailangan niya ng tulong ni Matt.  “But to hell with him! Dahil iniiwasan niya ako simula ng bumaba kami galing Baguio. May girlfriend na ba siya? Or the worst, bading ba ang kuya mo?” Now she’s talking to her ex like a real friend.
Napatawa naman ng malakas si Matt.“101 percent macho yun noh.”
“Hindi naman lahat ng macho, straight. May iba nga nga diyan, six packs ang abs pero lalaki rin pala ang hanap.” Katwiran niya.
Naiiling na nangingiti nalang si Matt. Sanay na siya rito. “And I also doubt na may girlfriend na siya. He promised me, na if ever magkakaroon siya, ako ang unang makakaalam.”
“Promises are made to be broken! Just like what your brother did.”Kontra ulit niya sa mga sinasabi ni Matt.
“Pero teka, how do you meet? He never told me about you.” Curious na tanong ni Matt sa kanya.
Ikinuwento nga niya rito ang lahat just like talking to a female best friend. Wala na siyang itatago. She strongly believes na si Matt lang ang makakatulong sa kasalakuyang problemang pampuso niya. “Ito pa, bago kami maghiwalay he told me that he likes me. Pero bibigyan daw niya ako ng oras para makapag move-on. Para daw marealize ko kung ano daw ba ang totoo kong nararamdaman. If the feeling is mutual, but duh! Lahat na ng paraan para makausap siya ginawa ko pero iniiwasan niya ako and I don’t know what the reason is.” Paghihimutok niya.
Nag- isip si Matt.
This past few days ay naramdaman niya nga na parang may pinagdadaanan ang nakatatandang kapatid. Pati nga siya ay iniiwasan nito.
Then he remembered something. The day his kuya arrived from Baguio. Mukha itong masaya nung dumating ngunit pagkatapos nilang mag-usap ay tila nagbago na ang timpla ng mood nito. Ano nga bang napag-usapan nila noon?
“Gotcha!” Pumitik pa si Matt sa hangin.
Tinaasan siya ng kilay ng kausap, “Huh?”
“Parang alam ko na kung bakit.” Muli niyang naalala ang naging takbo ng usapan nila magkapatid. “Maybe he thought I was referring to you.”
“Huh?!” Muli namang tanong ni Mhalih sa kausap. Nagugulumihanan siya. “Can you explain further, Matthew Rodriguez?! I just don’t get it.”

End of Flashback.










Chapter 9 – The Magic Words

Isang malakas na sapak ang dumapo sa kanang pisngi ni Matt mula sa sariling kuya.
 “How could you?!” Sigaw ni Luke sa nakababatang kapatid. Nagdilim ang paningin niya ng may ipakilala ito sa kanilang pamilya na ibang babae bilang kasalukuyang kasintahan. He expected that it was going to be Mhalih but it was Melissa, Matt’s ex-girlfriend more than a year ago, as all of them know.
“Luke!” sigaw ng kanilang ina dala ng pagkabigla.
Kahit si Melissa ay na-shocked. Tinulungan nitong bumangon ang natumbang boyfriend. “I told you! This won’t work!” sermon niya sa kasintahan. “Masyado niyang mahal si Mhalih. Dapat kasi kinausap mo nalang muna siya.”
Hawak ni Matt ang sariling pisngi na nasapak, “Naisip ko lang naman, kung nandito ka at least hindi magwawala si Kuya.” Pagdadahilan niya.
“But the other way around happened!” Ani Melissa sa boyfriend. “Buti nga sa’yo. Kulit mo kasi eh!”
Naguluhan naman si Luke sa usapan ng dalawa. “What the hell are you talking about?!” Naalala niya rin bigla ang sinabi ni Mhalih sa kanya bago ito nagwalk-out. Do you know what you were saying? You’re hopeless!
Si Melissa ang sumagot, “Your brother is still truly madly inlove with me!”
Nang akmang lalapit muli si Luke kay Matt ay humarang na si Melissa. “Hep! Wait lang po, Kuya.” Pigil niya kay Luke. “Mhalih knows this already. Nag-usap na sila ni Matt. Besides, they are already friends, even us, Mhalih and I. I mean, we are all friends here.”
Kuwento ni Melissa habang iwinawasiwas pa ang sariling mga kamay at nakaharang pa rin sa pagitan nila Luke at Matt.
“And kuya please lang, a little piece of unsolicited advice, you should know everything first before deciding. Kawawa naman si Mhalih. Masyado mong pinapasakit ang ulo at puso niya. Mas malala ka pa kay Matt. Pero thank you na rin dahil sinapak mo si-” Hindi na naituloy pa ni Melissa ang mga gusto pa sanang sabihin dahil mabilis ng umalis si Luke sa harapan nilang lahat.
And they all knew where he is heading to.
But after five minutes ay muli itong bumalik.
“What’s her address?” Tanong ni Luke sa kanila.
Natapik nalang ni Melissa ang sariling noo. A little bit of moroness, indeed!

-00-
Dahil sa hindi niya masimulan ang isinusulat na sports news ay binisita nalang muna niya ang paboritong chatroom. How she wished na sana online rin ang paborito niyang unknown friend with a secret code of “Bareng Lover”
Well, she’s lucky today. May makakausap siyang isang seryosong praning.
Lizzy: Hi der! @Barang Lover! Namiss kita. Haha.
BL: Eow, Lizzy cheesy.
Lizzy: Question
BL: answer
Lizzy: Paano mo ba msasabi kung kelan ka dapat sumuko?
BL: woohh.. anu yan luvlyf?
Lizzy: Yup
BL: gat mahal mo pa, neva!
Lizzy: bading ka ba?
BL: halikan kita jan eh! LOL
Lizzy: khit nhihirapan ka na, di ka pa din susuko?
BL: kc nga mahal mo pa. tsaka ka na sumuko pag di mo na luv.
Lizzy: si Simsimi ka ba?
BL: hindi. Si Bareng Lover ako. Mas guwapo ako dun!
Lizzy: Hahaha!
BL: ganyan. Tawa lang. kaht masakit na, basta mahal mo, wak ka suko.
Lizzy: Pano pag sya ang sumuko?
BL: at least di ikaw ang nauna. Da ba?
Lizzy: may point ka.
BL: like this………………
Lizzy: Haha! Ewan ko sa’yo!
BL: Ewan mo sa akin? Ewan ko din sakin.
Lizzy: Baliw.
BL: ikaw baliw kc gusto mo na sumuko.
Lizzy: awwww
BL: aso lang?
Lizzy: Wait, may nagdoorbell. May bwisita yata. Sana si luvlyf. Haha. Asa.
*Log-off*
-00-

“Anong ginagawa mo rito?” Mataray at naka-abrisiyete niyang tanong sa isang unexpected visitor.
He didn’t answer all because he didn’t know where to start.
“Umalis ka na, magsusulat pa ako.” Aniya sa bwisita at akmang tatalikuran na ito ngunit pinigilan siya.
He is holding her left arm. “I just don’t know where to start.” He said sincerely.
“Bumalik ka nalang kapag alam mo na.” The word SORRY and I LOVE YOU is enough, you idiot! Pinilit niyang kumawala mula sa pagkakahawak nito pero hindi pa rin siya nito binibitawan.
“Sorry.” Luke then said.
Bingo!
She loses her strong wall. Muli siyang umupo sa gilid nito. “Ano pa? Yun lang ba ang gusto mong sabihin? Akala ko ba na sa sobrang dami ay hindi mo na alam kung saan ka magsisimula?”
He held her hand tightly. “I love you. I’m sorry, I lied. Wala naman talaga akong ibang girlfriend.” He then confessed.
 Bingo times two! Her heart is now starting to melt.
“Ayoko lang sana maki-agaw sa kapatid ko. And I just also thought na dahil mahal mo talaga siya, you will give him a second chance. Mel’s right, I didn’t know the whole story at the first place at nagdesisyon na kaagad akong iwasan ka.”
“Hindi mo man lang ako kinausap.” May himig ng pagtatampo sa boses niya. At naiiyak na rin siya. “Ni hindi mo man lang inalam kung ano ang nararamdaman ko. Right after we went back from Baguio, sure na ako sa totoong nilalaman ng puso ko. But you never talked to me again.”
Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi, “I said I’m sorry.” And he kissed her straightly on the lips. She kissed him back.
 Wala naman ang mommy niya kaya walang istorbo.
And they both knew that he was totally forgiven. No more further explanations.
Bareng Lover was right, she couldn’t just give up. Not this time when she’s so much sure how much he totally loved Luke.
She will thank her on line, unknown friend many many times later.


Maaaring maikling oras nga lamang ang pinagsamahan nila noon ni Luke sa Baguio, but that was one of the most precious moments of her life dahil narealized niya that everything happens for a reason.
Kaya ganon ang nangyari sa kanila ni Matt is for her to find her way to Luke.








Chapter 10 – Another Couple’s Shirt

Usapan nila na magkikita sa isang mall sa Cubao for their monthsarry celebration.
“Hey, where are you?” irritable na niyang tanong sa boyfriend sa telepono. Late na ito ng five minutes sa oras ng usapan nila.
“Nasa puso mo.” Cheesy na sagot naman ni Luke sa kanya.
“Tigilan mo ako, Rodriguez ha! Naiinip na ako. Pag ako nabwisit, uuwi nalang ako!” banta niya sa kausap.
“Look at your left side.” Utos ni Luke sa kanya.
Ginawa naman niya.
Mula roon ay natanaw niya ang guwapong guwapong boyfriend na may dalang bouquet of red roses na obviously ay para sa kanya.
Dahil kung hindi, maghahalo ang balat sa tinalupan!
Nawala na ang pagkainis na nararamdaman niya bagkus ay napalitan na ito ng saya dahil nasilayan na niya ang boyfriend.
Sobrang miss na niya ito. One week silang hindi nagkita dala na rin ng trabaho nito but of course they make sure na araw- araw silang nagkakausap.
“For the woman I so much love. Happy monthsarry.” Sabay abot ni Luke sa kanya ng bulaklak.
Masaya naman niya itong tinanggap. “You’re late.”
Kakamot kamot naman ng ulo si Luke, “Sorry. Adik kasi si Matt, tinago yung alarm clock ko, pati yung cellphone ko.” Hindi naman niya alam na pagti-tripan siya ng nakababatang kapatid.
May naalala si Mhalih.
“I wanna go somewhere! Malapit lang dito yun!” yaya niya sa boyfriend.
“Teka lang.” Pigil naman ni Luke sa girlfriend.
“What?”
“May nakalimutan ka.”
Saglit na nag-isip si Mhalih. Oo nga pala! Sorry naman! Hehe!
“Happy monthsarry. I love you!” Sabay halik sa labi ng boyfriend for a split second. “Tara na!” Muli na niya itong hinila.
Pero mas malakas si Luke sa kanya kaya’t siya ang nahila nito palapit sa matitipuno nitong mga bisig, “Bitin.”
Luke hugged her tight and kissed her gently. Gusto niya yung matagal. Hindi lang split second. He’s even after forever.
And he doesn’t care if it’s a public place. PDA na kung PDA. So what?  Monthsarry naman nila. And besides, this is the only girl he wanted to kiss for all his life, for a life time….
And Mhalih wanted that too…
A mutual like indeed.

-00-

JL’s

“Welcome to JL’s!” Masayang bati sa kanila ni Alaine.
“Hi, Ate Alaine! Meet my new boyfriend, Luke!” Pakilala ni Mhalih sa kasama.
“Hi there, Luke!”
Nginitian naman ito ng binata.
“You know what Ate? Your shirts worked for us. We unintentionally wore it at the same place and love moves us with its mysterious ways. Kaya eto, kami na.” Masaya at kinikilig niyang balita sa may-ari ng shop na iyon.
“And I feel that you were here because you wanted to have a new one. Pero this time, yung statement na nasa iyo ay mapunta sa kanya, at yung kanya ay mapunta sa iyo. Am I right?” Alaine wild-but-accurate guessed.
 “Woah! You really have magic.” Hindi napigilang maikomento ni Luke.
Alaine said to him, “The closest thing we have to magic is..”
“Love!” agaw ni Mhalih sa sasabihin pa sana ni Alaine.
Alaine just winked.

Nagulat sila ng nang may isang petite na babae na biglang pumasok sa loob ng shop na iyon at dumere derecho ito sa counter. “Alaine, isosoli ko ‘to!” Demand nito sa may-ari ng shop.
“But why?” Mahinahon naman nitong tanong sa bagong dating na customer.
“My God! For Goodness’ sake, my cousin just wore it!” exage na pagkukuwento nito.
Natawa naman si Alaine sa paraan ng pagkukuwento nito. “Calm down, Barrilyn. You already paid for that. Hindi mo na kailangang isoli yan.”
“Pero Alaine, wala na ang magic nito! This is supposed to be worn by my future husband to be and not by my stupid nonsense cousin! If you won’t take this, maybe I can have a new set? I want another couple’s shirt! I’ll pay for it again!” Barrilyn demanded.
Muling bumukas ang pinto ng shop at iniluwa niyon ang isang moreno, medyo may katangkaran na lalaki at nahahawig sa artistang si Jim Carrey.
“Miss Alaine, pasensiya ka na sa pinsan kong may sapak na sobrang OA.” Paghingi nito ng paumanhin.
“Oh, you shut up, Pong! Ikaw ang may sapak at sobrang OA sa pagiging pakialamero. Kung hindi mo sana sinuot ‘to, wala sana akong problema ngayon!” sagot naman ni Barrilyn sa sariling pinsan.
“Come on, Barang! T-shirt lang yan. That won’t kill you. Halika na!” Hila-hila na nito ang pinsan. “Sorry, again.” Tuluyan ng nawala ang magpinsan sa loob ng muntik shop na iyon.
Naiiling na natatawa na lang si Alaine sa eksena nina Barrilyn at Paul John.

“What was that?” tanging nasabi ni Luke.
“Bingi ka ba?” tanong sagot naman ni Mhalih sa kanya.
“You know what?  I think they were really not cousins. And those shirts totally fit them!” Ani Alaine sa kanila. “Anyway, it was just a hunch. So ano, are you ready for your new couple’s shirts? Palitan nalang natin yung designs.” Back to business niyang sabi sa dalawang customers. Muli nitong binigay kay Mhalih ang clearbook na naglalaman ng iba’t ibang mga design lay outs.
“What do you want?” Tanong ni Mhalih sa kasintahan na nakaakbay sa kanya.
“Ikaw.”
“What?!”
“I mean, kung ano yung gusto mo, yun na rin yung gusto ko.” Paglilinaw ni Luke sa una niyang sinagot.
“I can’t choose. Magaganda lahat ng designs.” Halos baliktarin na niya ang buong clearbook pero wala pa rin siyang mapili. Pakiramdam niya ay mayroon siyang ibang gusto. “Bakit ganun? Noon madali lang ako nakapili.”
Muli siyang inabutan ni Alaine ng panibagong clearbook. Alaine voluntarily flipped the pages in front of Mhalih and Luke.
As she reached the middle part, she stopped and pointed at something. “Maybe you want…. this!”
Nagtatakang nagkatinginan ang magkasintahan.
Paanong? They both had that question in mind.
Alaine just knew what they both want!
Well, she is just currently pointing on the set of designs of STRAWBERRIES.

*Wink*
(Guessed who winked)


END



No comments:

Post a Comment