Blooming
(Season 3: Arnold and Liezl)
She’s
Liezl. Bubbly, loud, a girl with everyday smile.
He’s
Arnold. Quiet, reserved, torpe number one, well kept.
But
after three years, the world revolved.
She’s
now more serious, focused, and all the smiles she’s wearing three years ago
were all hidden underneath her once-warm-became-so cold-heart.
While
him became so joyful, outspoken, noisy and showy of what he really feels.
What
if they meet again after their high school graduation?
Will
there be any chance for them to be together again just like before?
Chapter 1 –
“I like you.” Arnold declared.
“Ha? What? Ako like mo? Paanong
nangyari yon?! Bakit ako? Kelan pa? Saan? Hindi nga?” sunod-sunod na tanong ni
Shane Liezl Licaros or simply as Liezl sa pinakatahimik at pinakasupladong
kaklase.
Hindi na ito muli pang nagsalita.
As usual to her, kinulit kulit niya
ito pero sadyang pinaglihi yata ito sa matigas na pader.
“Nakakainis ka naman, Pineda!”
she’s already hopeless with this guy. Ito talaga yung tipo tao na magsasalita lang kung kelan nito
gusto.
“Arnold .” She corrected her. Ayaw kasi nitong
tinatawag siya sa kaniyang apelyido.
Okay, sige ako na ang magbubuko kay
Arnold.
Ganito kasi yon. It was during
their second year in highschool nang muntik ng mahulog sa hagdan si Liezl
mabuti na lamang at nasa unahan niya si Arnold .
Sakto pagtili niya ay humarap si Arnold
kaya siya nasalo nito.
Katulad ng mga napapanood niya sa
mga koreanobela at telenobela pati na rin sa mga pelikula mapa foreign man o
local, ay parang tumigil sa pag-ikot ang mundo. Pakiramdam niya ay sila lang
dalawa ang nag-eexist sa mundong ibabaw.
Para silang nasa stop dance sa
isang Christmas party, tumigil ang music at kailangan rin nilang huminto sa pagsayaw
o paggalaw dahil kung hindi ay ma-a-out sila. For her, it feels like heaven.
Ganito pala ang pakiramdam ng mga bidang babae sa mga palabas na napapanuod
niya. Ang saya lang kahit buwis buhay.
And for him, it was the first time
na may makatitigan siyang babae and he finally realized na maganda rin naman
pala si Liezl sa kabila ng pagiging makulit at maliit nito. From then on ay naging
crush na niya ito. Weird pero yun talaga ang naramdaman niya eh. But he assured
that no one will know his little secret except himself.
Ngayon nga ay fourth year na sila
at nagseselos siya everytime na may makakakulitan o masayang makakakwentuhan si
Liezl na lalaki. Liezl has improved a lot. Mas nagmukha na itong dalaga at
gumanda rin ang hubog ng katawan. The height remains the same pero ayos lang
dahil nadadala naman nito ang sarili.
“You said you like me pero hindi ka
na nagsalita diyan. Gusto ko lang naman malaman kung gaano mo ako ka-like. As
in more than crush ba yon, or like lang dahil cute ako or mabait ako or something.”
Liezl pouted her lips. “Ngayon ko lang narealize, ang labo mo pala talagang
kausap.”
“Basta gusto kita. Yun na yun.”
Umalis na ito sa tabi ni Liezl at naglakad na palabas ng P.E. room nila.
Sobrang natuwa siya sa ipinagtapat
nito. If only she could shout it out loud sa buong Fort Bonifacio High School!
His secret crush also likes her! Sinong mag-aakala na ang snob at sobrang
tahimik na si Arnold
ay magkakagusto sa kanya? Sabi naman ng nanay niya ay maganda siya so sige
maniniwala siya na pwedeng iyon ang dahilan kung bakit siya nagustuhan ni
Arnold.
Nagustuhan rin niya si Arnold dahil sa mysterious
look nito. Madalang lang itong magsalita at ngumiti. Walang kaibigan sa
classroom maliban sa kanya na madalas ay siya pa ang lumalapit para magpapansin
dito este samahan ito.
“Huy! Teka lang naman!” habol dito
ni Liezl. “Ibig sabihin ba nun, tayo na?”
Muntik ng madapa si Arnold sa
sinabi niya. Nagtatakang tumingin ito sa kanya.
Arkong arko ang makapal nitong
kilay.
“Gusto mo ako, eh gusto rin kita. Para hindi ka na mahirapang manligaw, edi tayo na! Kasi
hindi ka naman masyadong nagsasalita. Baka mahirapan akong pahirapan ka. Yung
mga tanong ko pa nga lang ngayon hindi mo na sinasagot, paano pa kaya yung sa
iba.” Sa totoo lang, hiyang hiya siya habang sinasabi ang mga iyon. Tatlong
sachet yata ng kape ang pinapak niya
kani-kanina lang para makapag-propose sa isang lalaki ng ganun. Tinalo niya pa
si Super Kidlat sa bilis. Kaya eto’t habang nagsasalita ay sa lupa siya nakatingin.
Oo madaldal siya at medyo malakas ang self confidence pero may hiya pa rin
naman siyang tinatago sa katawan. Yun nga lang ay tagong-tago.
“Psssst!”
Napatingin siya dito. “Ano ako,
aso? Pagkatapos ng lahat ng sinabi ko, sisitsitan mo lang a-…” hindi na niya naituoy
ang mga sasabihin pa dahil for the first time ay nakita niya itong ngumiti sa
kanya. Yung tipo ng mga ngiti na para lang talaga sa kanya.
Is
this heaven? Bakit niya ba tinatago ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga
ngipin? Oh God! Pwede na akong mamatay! Ay hindi pa po pala. Sorry. Mag-aasawa
pa po ako.
“Ang daldal mo.” Tanging nasabi ni
Arnold sa kanya, pagkatapos ay tumalikod na ito ulit at naglakad palabas ng
school ground.
Kahit wala na si Arnold sa harapan
niya ay nakatulala pa rin siya.
Ibig
sabihin ba nun, kami na?! Parang tangang tanong niya sa sarili.
Yes!
May boyfriend na ako! Yahoo! Well,
she assumed na sila na nga talaga.
Oh siya, edi sila na!
Don’t worry because the feeling is
mutual.
-00-
“Seryoso Zel, kayo na?! Parang
hindi naman namin naramdaman na nanligaw sa’yo si Arnold . I bet ikaw ang nanligaw sa kanya noh?
Yung mga paghila-hila at paglapit-lapit mo sa kanya, yun yung mga oras na
nanliligaw ka.” Lian mouthed her.
“Bibig mo ‘te! Mas maingay ka pa sa
akin. Hindi ako sanay.” Sita naman niya rito.
“Hindi nga, Zel? Kayo na talaga?”
Tanong rin ni Joann sa kanya.
Pati si Violet, Mary at Kath ay
hindi rin makapaniwala.
Paanong ang isang lalaking may
zipper sa bibig ay napasagot ni Liezl?
“Oo nga! Paulit-ulit? Kinuwento ko
na di ba?” Nakukulitan na siya sa mga kaibigan niya.
Sinabi na nga niya ang buong
detalye ng mga nangyari kahapon after ng P.E. class nila ay ayaw pa rin
maniwala ng mga ito sa kanya.
Oo madaldal at maingay siya pero
hindi naman siya sinungaling.
“Fine. Edi kayo na. Congrats!” Sa
tono ni Lian ay hindi pa rin ito naniniwala.
“Ang hirap namang tanungin ni
Arnold, as if naman sasagot yun.” Ani Joann.
“Tama!” Mary and Violet seconded.
“Edi subukan niyo.” Kath suggested.
“Hindi na. Asa pa kami.” Itinuon na
ni Lian ang atensiyon sa pagrereview.
“Arnold ! Kayo na ba talaga ni Liezl?” Kung
makatanong si Kath ay parang nasa kabilang bundok ito to the point na nasa
kabilang row lang naman ito nakaupo, katabi ni Rex at Ramil.
“Wala kayong mapapala diyan. Para lang kayong nakikipag-usap sa hangin.” Komento ni Liezl
na hindi lumilingon sa gawi ni Arnold. She’s shy. Ngayon lang. Dati namang
makapal ang mukha niya. Ngayon lang siya tinablan ng hiya.
Biglang naghiyawan ang mga kaibigan
niya pati na rin ang iba nilang mga kaklase.
“Yun oh!”
“Ang sweet!”
“Sino nanligaw?”
“Kayo ha!”
Iba’t ibang reaksiyon ng mga
kaklase niya.
Lumingon na siya sa gawi ni Arnold
at pagkatapos ay sa mga kaibigan niya. “Bakit? Umamin?!” Baling nito kay Kath.
“Oo kaya! Ayiiihhh!” duet pa sina
Mary at Violet.
“Naks! Ikaw na malakas ang loob!”
ani Lian sa kanya.
“Hindi nga? Sumagot siya?”
paninigurado niya pa. Malay ba niya kung pinagtitripan lang siya ng mga
kaklase.
“Oo! Tumango siya!” Si Joann ang
sumagot sa tanong niya.
So it’s official, may boyfriend na
nga talaga siya! Ang saya naman niya.
Kinikilig talaga siya, she swears!
Chapter 2 –
“Nakakainis! Hindi ko maramdamang
may boyfriend ako! Alam mo yun! Siyempre gusto kong maranasan yung holding
hands, date sa park o kahit sa canteen man lang sana . Yung I love you, I love you too. Petty
things like that. Grabe. Para akong may
boyfriend na multo! Buti pa nga multo marunong magparamdam.” Pagsisintir niya
sabay subo ng isang malaking slice ng cake.
“So, yan ang dahilan kaya pinapunta
mo kami dito sa bahay mo?” Lian asked her. “Tsk! Sayang ang isang araw ko, alam
mo bang may tutor ako dapat ngayon. Bayaran mo ang oras ko ha!”
“Ito naman, parang hindi kaibigan.
Sabado naman eh! Bukas ka nalang magtutor. Sakto yun para pagdating ng Lunes,
fresh pa sa utak ng alaga mo yung mga itinuro mo sa kanya.” Katwiran naman
niya.
“Mukha mo Liezl Licaros!”
“Correction Shane Liezl Macaraeg
Licaros!” singit naman ni Joann. “Kung ako sa inyo, ikain niyo nalang yang mga
stress niyo.” Turan nito kina Liezl at Lian.
“Ako madaldal, yung boyfriend ko
tuod. Saklap lang ng buhay ko.” She feels so helpless.
Hindi niya alam kung tama bang siya
ang nagpropose na maging sila kaya eto’t nagdurusa siya. Disappointed siya
dahil ang mga imaginations niya having a real sweet boyfriend ay hindi
nagkakatotoo.
“Kung ako sa’yo, kausapin mo siya.
Wala namang hindi nadadaan sa mabuting usapan eh.” Payo ni Lian sa kanya. “Isa
pa, girlfriend ka niya so natural lang at may karapatan ka namang magdemand.”
Tumango tango naman si Violet
bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kaibigan. “Siguro kasi hindi niya rin alam ang
mga gagawin. First girlfriend ka niya at hindi niya siguro alam kung paano siya
kikilos kapag kayo lang dalawa ang magkasama. You know, there’s always a first
time to everything.”
“So it means, kailangang si Liezl
ang mag first move? Diyahe naman yun, girl.” Komento ni Mary sa takbo ng
usapan.
“Oo nga. Siya na nga nanligaw.” Ani
Joann.
“Correction, nagpropose bilang
maging jowa hindi nanligaw.” Pagtatama niya Hindi siya nanligaw noh. Nagpacute
at nagpapansin, Oo.
“Okay, fine. I stand to be
corrected.” Bawi naman ni Joann sa unang sinabi. “Siya na nga ang nag-initiate
na maging sila, pati ba naman sa mga sweet gestures, siya pa rin? Edi sana , nagpalit nalang sila
ng kasarian.”
“Ang point ko lang naman, kausapin
siya ni Liezl ng maayos. Sabihin sa kanya lahat ng hinaing ng kaibigan natin.
Hindi yung tayo ang naaabala!” depensa ni Violet.
“May point ka diyan, Purple! Dapat
talaga, marami akong gagawin ngayong araw na ito eh.” Lian seconded her friend.
“Violet! Hindi Purple.” Pagtatama
naman nito sa madalas itawag sa kanya ni Lian.
“Pareho lang yun!” Katwiran ni
Lian.
“Magkaiba ng spelling,
syllabication, number of letters. Pati na rin ng shade.” Violet insisted.
“Eto na naman tayo.” Singit ni Mary
sa bangayan ng dalawa.
“Ang layo na ng narating ng usapan
natin mga ate!” Natatawang sita ni Joann sa mga kaibigan.
“Magsi-uwi na nga kayo. Lalo lang
gumugulo ang mundo ko eh.” Pagtataboy ni Liezl sa mga kaibigan.
“Hay, salamat!” nauna ng tumayo si
Lian mula sa pagkakasalampak sa sahig.
Nagsisunuran naman ang iba pa
niyang mga kaibigan patungo sa pinto.
“Salamat sa pakikinig. Ingat silang
lahat sa inyo!” biro niya pa sa mga kaibigang nasa labas na ng bahay nila.
Lian: Welcome!
Joann: Ayusin mo yang problema mo!
Violet: Makipagbreak ka na!
Mary: Tama! Bato naman yung jowa mo
eh!
“Mga may sapak!” Tangi niyang sabi.
Salamat sa mga kaibigan niya at sumaya saya naman siya.
At least may nasasabihan siya ng
mga hinaing niya sa buhay. Buhay pag-ibig to be specific.
Hindi niya kayang i-open up kay
Ronald ang mga gusto niyang mangyari o maramdaman. Kung kaya’t ibang paraan na
lang ang naisip niya. Sana
lang mag work-out. Hay, good luck naman sa kanya.
Kung
sana ay ganun lang kadali sabihing, hawakan mo naman ang kamay ko! Ilibre mo
naman ako! Date naman tayo. Pahingi namang love letter diyan o regalo. Ay, sus!
Matagal ko ng ginawa. Nuknukan ka naman kasi ng manhid, Pineda!
Naiinis niyang sabi sa sarili.
-00-
Masyadong mainit ang panahon sa
labas ng school pero pakiramdam ni Liezl ay nasa North Pole siya dahil sa
kausap na dinaig pa ang isang malaking ice berg.
“It’s not working anymore. Ayokong
mag-kaboyfriend ng multo. Mag-break nalang tayo. Tutal parang hindi naman tayo
eh.” Sabi niya sa kausap. How she wished na pigilan siya nito sa gusto niyang
mangyari. Kung sana lang ay kasing daldal at
kasing showy niya ito ay wala sana
silang problema.
As expected, hindi ito sumasagot.
“Ano ba Pineda?! Magsalita ka
naman.” Asar na siya sa kausap. Konti nalang ay tutulo na ang mga luha niya
dala ng pagkainis.
“Arnold .” Sagot nito.
“Tseh! Ewan ko sa’yo! Bahala ka!
Diyan ka na! Huwag mo akong susundan!” Subukan mo lang hindi sumunod. Maglason ka
na! Nag walk-out na siya sa harap nito. Pero wala yata talaga itong balak
na sundan siya.
Lumingon siya for the last time pero
nanatiling nakatitig lamang sa kanya si Arnold .
She doesn’t know kung tama ba ang nakikita niyang kalungkutan sa mga mata nito
o imagination niya lang iyon.
Ah
ewan! Sumakay na siya ng jeep bago pa siya maglumpasay sa iyak.
Chapter 3 –
“Waaahhh! Ang sakit sakit lang! Wala na siyang
sinabi, wala pa siyang ginawa!” atungal ni Liezl sa harap ng mga kaibigan.”Ang
gusto ko lang naman, habulin niya ako o pigilan na makipagbreak sa kanya tapos
magpapakaboyfriend na siya sa akin, pero hindi niya ginawa. Waaaahhhh!” Patuloy
siya sa pag-iyak.
Inalo naman siya ni Lian. “Tama na
yan. Ubos na yung tissue nila Joann.” Andito sila ngayon sa tahanan nila Joann
upang gamutin ang sugatan niyang puso.
Ano ‘to? Clinic?
“Wow, mas concern pa si Lian sa
tissue kesa sa’yo Zel. Kaya kung ako sa’yo tumigil ka na.” Kumuha naman si
Violet ng juice at inalok itong uminom. “Oh? Gusto mo? Para
may pam produce ka pa ng luha.”
Tumanggi naman siya at kumuha ng
panibagong tissue sa box. “Ang sakit kaya. Siya ang first love ko. Tapos ganito
lang ang ginawa niya sa akin?”
“Sure ka, first love? Eh ano sila
Bryan, Joshua at James?” pambubuking ni Mary dito.
Natigilan siya sa pag-iyak. Oo nga
pala. Nagkaroon din siya ng malakas na tama sa tatlong lalaking binanggit ni
Mary. Yun nga lang, hindi siya naglakas loob na sabihin sa mga ito ang pagsintang
irog ng pagmamahal niya.
“Oo na, sige na. First boyfriend
nalang!” Bawi niya sa huling sinabi.
“Boyfriend ba ang tawag dun?” ani
Kath na busy sa paglantak ng banana que.
“Mga kaibigan ko ba talaga kayo?
Bakit ba kumokontra kayo sa pag-eemote ko? Nasaktan na nga ako eh tapos ganyan
pa kayo.” Paghihimutok niya.
“Eh kasi naman Zel, wake-up! Hindi
ka dapat nagbubuhos ng timba timbang luha para sa lalaking katulad niya.
Besides, tama naman sila eh. Para ka naman
talagang walang boyfriend so para saan ang pag-eemote mo?” pagpapaliwanag ni
Joann sa kanya.
Natauhan naman siya sa sinabi nito.
Oo nga naman!
“Di bale, last na ‘to.” She assured
her friends at kumuha ulit ng isang tissue at suminga.
“We hope so. At sana next time kung kukuha ka ng jojowain
yung marunong magsalita ha. Yung hindi tango, oo at hindi lang ang kayang
sabihin.” Sermon pa sa kanya ni Lian.
“Opo, lola.” Sagot niya sa
kaibigan. This time nakangiti na siya at medyo maluwag na ang nararamdaman.
She loved Arnold kaya masakit pa rin talaga para sa
kanya ang kinahantungan ng in a
relationship status kuno nila.
At the end of the day, kapiling
niya pa rin ang basang unan.
-00-
It feels a little awkward sa tuwing
papasok siya ng classroom. Kung mahuhuli niyang nakatingin sa kanya si Arnold ay bigla namang
magbababa ito ng tingin. Hindi niya tuloy alam kung may gusto ba itong sabihin
sa kanya o nagpapansin lang. Nagpalit na rin siya ng number para maka move on
na mula rito kahit pa na inuuto niya lang ang sarili dahil kabisado naman niya
ang cellphone number nito. Wala rin naman siyang mapapala sa pakikipagtext dito
dahil kahit sa text ay napakatipid din ng sagot nito.
Dati ay kilig ang nararamdaman niya
everytime na magkakadaupang palad sila ni Arnold
pero ngayon ay sakit at inis ang nararamdaman niya everytime na magkakatinginan
sila.
The
hell with your useless mouth! Hmp! Kung nakakapagsalita lang ang mga mata
niya ay ito ang mababasa ni Arnold sa tuwing magkakatinginan sila.
-00-
“Bakit ganun si Lian? Hindi na
sumasama sa mga gala natin?” tanong ni Liezl sa mga kasama. Monthsary
celebration ng friendship nila na PorGar ngayon ngunit hindi sumama si Lian. Mabuti
pa si Arnold na
kahit break na sila, ay nagagawa pa ring sumama pa sa mga lakad nila.
“Huwag ka ng magtanong kasi yung
taong mismong makakasagot niyan ayaw rin magkuwento.” Sagot ni Joann sa tanong
niya habang nakatingin ito sa dako ni Rex na nananahimik sa isang sulok.
“Ganun?” tanong niya ulit.
“Oo, ganun. Kaya makiramdam ka
nalang. Magsasalita rin sila, in God’s time.” Sagot naman ni Violet.
“Eh ikaw? Kelan ka magsasalita
tungkol sa tunay mong nararamdaman?” Ininguso pa ni Mary si Wendel na
nakikipagtawanan kina Ramil at Arnold .
“Wendel, luto ka naman pancit
canton!” utos ni Violet sa may-ari ng bahay na tinatambayan nila ngayon.
“Sandali lang po, mahal na
prinsesa! Magpapabili lang ako kay Franz.” Sagot nito at ang tinutukoy na Franz
ay ang sumunod nitong kapatid na lalaki.
“Naks! Mahal na Prinsesa! Bago yun
ah! Bakit kayo na?” pang-iintriga ni Kath sa mga ito.
“Tanong mo diyan sa kaibigan mo.”
Si Wendel ang sumagot.
Bigla namang natigilan si Violet at
namula.
“Oyyy… Namumula.. Kayo na noh?!”
pangungulit ni Liezl dito.
“Hi-hindi pa noh! Oi, wag kang
assuming lalaki ka ha!” sigaw ulit niya kay Wendel.
“Te, wala sa kabilang bundok si
Wendel. Ilang kembot lang ang layo niya sa’yo.” Puna ni Mary sa nahihiya ng si
Violet.
Hindi na ulit nagsalita si Violet.
Maya-maya ay luto na rin ang pancit
canton na request ni Violet at masaya silang kumain ng sabay-sabay. Masaya na sana ang barkada kung
kumpleto lamang sila. Siyam lang sila ngayon dahil hindi sumama si Lian. May
aasikasuhin daw kuno pero ang totoo ay may iniiwasan lang.
Chapter 4 –
Hindi na siya makatiis sa drama ng
dalawa niyang kaibigan na sina Lian at Rex. Ang alam ng buong barkada ay nasa
ligawan stage na ang mga ito pero last month ay nabalitaan na lamang nila na
nakipagbalikan pala itong si Rex sa ex-girlfriend niyang si Sheilla na lantaran
naman ang pagkakaroon ng malaking gusto kay Jeff. Habang si Jeff naman ang
gusto ay si Lian. Nababaliw na siya sa love square ng mga ito. Concern siya kay
Rex dahil madalas ay tahimik lamang ito. Nawala na ang nakasanayan niyang Rex
na maingay at makulit ring gaya
niya. Ngunit mas concern siya kay Lian. Sa kanilang magbabarkada, dito siya
pinakaclose. Kahit pa na sobrang taklesa nito ay napakabuti nitong kaibigan sa
kanya. Nawala na rin ang ingay nito at madalas ay puro katarayan na lang ang
pinapakita nito sa kanila. Sinusubukan na lamang nilang intindihan ito dahil
nga sa ramdam nilang may pinagdadaanan ito yun nga lang ay wala yata itong
balak mag-share sa kanila.
Ang
daya ng mga yon. Samantalang ako, open book ang lovelife ko. Pero sila, lihim
kung lihim?!
“Rex, ano ba talagang problema? Ano
ba ang pulo’t dulo ng lahat ng ito?” Pangungulit niya sa kaibigan. Baka
sakaling magkuwento na ito. Nasa canteen sila at nilibre niya pa talaga ito
para lang ma-corner ito.
“Kumain ka na lang.” Sabay subo ni
Rex ng spaghetti na maraming chili sauce.
“Dali na, sagutin mo na. Para naman maintindihan namin kayong dalawa. Barkada niyo
kami. Wala naman sigurong masama kung mag-oopen kayo sa amin, di ba?”
“Alam na ni Ram, pati na rin ni
Arnold.”
Mahina niya itong hinampas sa
braso. “Ang daya niyo!”
Natawa naman si Rex bilang
reaksiyon. “At alam na rin namin ang panig ni Arnold sa break-up daw ninyo.”
“Ba-ba’t nasali kami? Ang usapan
dito, kayo ni Lian. Hindi kami. Tsaka tapos na yon. Wa-wala na sa akin ‘yon.”
She’s not good in lying. Kaya nga medyo nautal siya. Aaminin niyang may
feelings pa rin naman siya para kay Arnold
pero kailangan na niyang balewalain iyon dahil alam niyang wala rin namang
patutunguhan iyon.
“Ako nalang manliligaw sa’yo. Para maramdamang mong may boyfriend ka talaga!” Kinindatan
pa siya ni Rex.
Sasagot pa sana siya ngunit isang textbook sa Araling
Panlipunan ang bumagsak sa lamesang kinakainan nila.
“Li-lian…!”
“Yung may bookmark diyan, yan ang
bahagi ng i-rereport mo. Pag-aralan mo nalang. May visual aid na yan kaya wala
ka ng ibang aalalahanin. You’re welcome! Kaibigan
mo ‘ko eh.” Binigyang diin pa nito ang salitang kaibigan. Tuloy-tuloy na itong
lumabas ng canteen.
Sinubukan niya itong habulin ngunit
pinigilan siya ni Rex.
“Ano ka ba?! Mali naman ng iniisip si Lian sa
atin eh! Hindi ka man lang nagsalita tapos pinipigilan mo pa ako!”
“Hindi makikinig ‘yon. Palipasin mo
nalang muna ang galit niya.”
-00-
Rex was right, ilang beses niyang
sinubukang lumapit kay Lian upang kausapin ito ngunit hindi siya nito binigyan
ng pagkakataon na makapagpaliwanag. Masyadong sarado ang isip nito.
At mas nakakailang pa dahil
seatmates sila. She also tried to write her a letter pero binalik lang ito sa
kanya without reading it.
Hanggang sa nagsawa na siya at ang
ginawa na lang niya ay iwasan din ito.
“Hays. Ano bang nangyayari sa
barkada natin? Ga-graduate nalang tayo lahat lahat, ang dami pang ka-ekekan sa
buhay!” reklamo ni Kath.
Monthsarry ng grupo nila ngayong
araw ngunit parang wala naman silang balak i-celebrate ito.
“Ganun talaga ang buhay, Kath
parang life! Go with the flow nalang tayo.” Sinubukan na lang idaan sa biro ni Mary ang
usapan nilang lima .
Siya, si Mary, Liezl, Arnold
at Wendel ang magkakasama sa park.
Ang iba ay nagsi-uwian na. Ang iba
naman, masyadong busy sa kaniya kaniyang mga org at buhay-buhay.
Si Lian sa Drama Club at pati na
rin sa class project nila na siya ring punong-abala.
Si Joann, sa Math Org. May
pinaghahandaan itong laban para sa Quiz Bee.
Si Rex, ewan nila. Umuwi na yata.
Nasa library naman si Ramil, hindi
para mag-aral kundi para magmukmok.
Hindi rin niya alam ang drama ni
Violet kung bakit ito absent ngayon.
“Lalo na siguro kapag grumaduate na
tayo. Wala na tayong time para sa isa’t isa.” Malungkot siyang bumuntong
hininga.
“Hindi naman siguro.” Komento ni
Arnold.
“Hindi ko hinihingi ang opinyon
mo!” Bara naman niya dito.
Nanibago siya dahil sumali ito sa
usapan nila ngayon na madalas ay tahimik lang naman ito. Ni hindi mo nga alam
kung nakikinig ba o nagpapatay lang ng oras at nasa malayo ang utak.
Si Kath ang mas tila nagulat sa
pambabarang ginawa ni Liezl. “How rude.” Komento nito.
“Hoy, Nold. San ka pupunta?!” Habol
na tanong ni Wendel. Bigla na lamang kasi itong tumayo at pagkatapos ay
tinutungo na ang exit ng park. “Teka lang naman! Girls, una na ako ha. Puntahan
ko pa si Violet. Arnold ,
sandali lang! Sabay na tayo!” Patuloy niyang habol sa kaibigan.
“Ayan, nag-walk out tuloy. Tayong
tatlo nalang ang natira. Ang asim naman kasi ng isa diyan, parang nasa
menopausal stage lang.” Parinig ni Mary.
“Sorry, hindi ako tinatablan.”
Sagot naman niya dito.
“Alam mo, Zel. Obvious ka. Bitter
ka pa rin!” Nagpakawala pa si Kath ng isang malaking irap para kay Liezl.
“Iilan na nga lang tayo, ganyan ka pa. Hindi ka pa din makamove on?!”
“Oy, matagal na noh! Asa ka! Wala
na kong feelings para sa kanya. Itaga mo pa yan sa matigas mong panga!” Asar
niyang sagot kay Kath. She’s guilty. Alam niya sa sarili niya kung ano ang
totoo. And the truth is, mahal pa rin niya si Arnold . At patuloy na umaasa na lalapit ito
sa kanya para makipagbalikan.
“Hay naku. Tara
na. Magsi-uwi na tayong lahat. Sira na ang araw na ito. Wala ng rason para
magcelebrate.” Nag walk out na rin si Mary.
Oh,
high school life, bakit ba sadyang kay kulay mo?
-00-
Chapter 5 –
Dumaan ang JS Prom, Graduation Ball
at ngayon nga ay graduation.
“Lian, wait!”
Natigil ito sa paglalakad nang
mabosesan kung sino ang tumawag sa kanya. “Kuya, wait lang. Susunod na ako.”
Paalam nito sa kapatid.
“Lian…”
“Zel…”
Nagyakap ang magkaibigan. “I’m
sorry. Yung narinig mo nun sa canteen, nagbibiro lang si Rex. Kaibigan mo kami
pareho at wala kaming intensiyong saktan ka. Isa pa, hindi kayang palitan ni
Rex ang isang taong kasing lamig ng freezer dito sa puso ko.” Liezl confessed.
Natawa naman si Lian sa huli niyang sinabi.
Her friend knows to whom she is referring to. Saksi ito sa mga kagagahan,
kabaliwan at walang kuwentang drama niya. “Alam ko na yan. Sinabi na sa akin ni Rex.
Wala lang ako lakas ng loob na unang lumapit sa’yo para makipagbati. Sorry,
Zel. Kalimutan na natin yon. Masyado rin akong naging childish. Pasensiya ka na
sa akin ha.” Paghingi rin nito ng paumanhin sa kaibigan.
“Naiintindihan naman kita. Alam ko
yung pinagdaanan mo. Ang mahalaga okay na tayo ngayon and sana maging magkaibigan ulit tayo tulad dati.
Sana kahit hindi na tayo classmates, pwede pa rin kitang takbuhan o lapitan
kapag naiiyak ako o gusto ko lang ng kasama.” Aniya sa matalik na kaibigan.
Nakangiting tumango- tango naman si
Lian, halatang pinipigilan ang pagtula ng luha. “Oo naman! High school lang ang
nagtapos pero hindi ang friendship natin ng PorGar.”
Naiiyak na rin siya, “Congrats ha
and I wish you the best. Friends forever?” Nasabi niya sa kabila ng maya mayang
pagsigok.
“Oo naman. Ikaw pa rin ang twin
sister ko na si Liezl Licaros! Let’s all move on. At congrats din.” Ani Lian sa
kanya.
Muli silang nagyakap.
And they parted ways happily. Ang
sarap sa pakiramdam.
Hindi pala totally, because she
never had the chance to talk to Arnold .
Marami siyang gustong sabihin dito pero hindi siya nagkaroon ng sapat na lakas
ng loob at kapal ng mukha para lapitan ito.
Siguro nga ay tapos na ang lahat sa kanila ni Arnold kasabay ng
pagtatapos nila sa high school.
-00-
Liezl’s college days have been so
hard.
She took up BS Accountancy ngunit
sa kasamaang palad ay hindi niya ito natapos. When she was in second year,
namatay mula sa isang aksidente ang kanyang ama. Naiwan sa pamilya niya ang
malaking pagkakautang nito sa bangko. She had no choice but to stop studying
and to look for work para makatulong sa kanyang ina at sa apat pa niyang mga
nakababatang kapatid.
From being bubbly and super
talkative girl, malaki ang ipinagbago niya when she reached twenty. Madalas ay
nagiging bugnutin siya lalo na kapag
dumarating ang araw ng mga bayarin sa bahay. Tinalo niya pa ang isang old maid
sa pagiging masungit.
Iba’t ibang klase na rin ng trabaho
ang napasukan niya. Service crew, personal assistant ng isang starlet, catering
assistant at ngayon ay event organizer na siya.
Gamit ang pinag sanlaan ng kalahati
ng bahay nila, ginawa niya itong investment para sa sariling negosyo. Iyon nga
ang maging isang event organizer at party needs business.
Unti-unti ay nakakaahon na sila yun
nga lang ay nananatiling nakasanla ang kalahati ng kanilang bahay.
Nagkasakit na rin ang kanyang ina
kaya’t hindi na ito makapagtrabaho. Dati itong empleyado sa Comelec.
“Ma, alis na ako. Punta lang ako sa
school.” Paalam niya sa kaniyang ina. Isa sa mga kliyente niya ang dati niyang
eskwelahan nung highschool. Kapag may mga events dito ay siya ang unang
tinatawagan ng kanilang
School Admin upang
mamahala.
“Ingat ka.” Ani nito.
-00-
Of all people to see in this place
called earth, hindi niya alam kung bakit ito pa ang makakadaupang palad niya sa
araw na ito.
“Hi Liezl! Kamusta ka na? Long
time, no see ah!” bati nito sa kanya.
Simpleng tango lang ang ginawa niya
at nagpatuloy na sa ginagawang pagdedecorate ng buong stadium katulong ng ibang
estudyante.
Nagtaka naman ang kausap niya.
She didn’t want to start a
conversation with this man although sa isip niya ay ito ang tumatakbo. Buhay ka pa pala! Bakit naman dito pa tayo
sa school nagkita, bwist naman na araw to!
“Nakakapanibago ka naman. Bakit
hindi ka na nagsasalita?” takang tanong sa kanya ni Arnold.
“Busy ako.” Tangi niyang nasabi at
pinagpatuloy na ang pagdedecorate.
“Sorry, Zel ha. Pasensya ka na sa
akin nun. Hindi kasi-….”
Tumigil siya sa pag-didikit ng big
letters sa wall. “Pwede ba, Arnold. Move on. Paki-ayos nalang yung mga wirings.
Make sure na walang mapapatid na bisita, teachers o estudyante.” Utos niya
rito. Ayon sa nasagap niyang tsismis sa facebook, kakagraduate lang nito sa
three years course na kinuha nito at ngayon nga ay licensed technician na ito. Hindi
niya nga lang nasagap na dito pala sa dati nilang school ito magtatrabaho.
“Gusto ko lang naman magkaayos
tayo. Hindi kasi ako nakapag sorry sa’yo noon.” Paliwanag nito sa kanya.
“Okay lang ako. Tapos na iyon.
Kinalimutan ko na.” Kung alam mo lang
bwisit kang lalaki ka kung gaano karaming box ng tissue ang naubos ko at ilang
punda ng unan ang nabasa ko. Tapos sorry lang?! Bwisit talaga! Kung bakit naman
kasi dito ka pa nagtrabaho! Ang dami namang malalaking private company sa
mundo.
“Nakakapanibago.” Komento nito. She
knows what she is talking about. Kahit naman siya nanibago sa kadaldalan ng
lalaking kausap. Ganun ba ang epekto ng college life dito? Kunsabagay, siya rin
naman nagbago.
People really change. And one of
the constant things in the world is Change.
“Ako rin. Ang daldal mo na.” Sagot
niya dito.
“Dati rin naman ikaw. Ikaw nga naging idol ko eh. Sa paglabas ko sa
sarili kong shell.” Makahulugan nitong sabi sa kanya.
“Ano ka, komang? Dinamay mo pa
ako.” Pagtataray niya rito.
Natawa naman ito sa huli niyang
sinabi. Muli niyang nasilayan ang mga ngiti nito na sobrang nagpalakas ng
heartbeat niya noon.
Shut
up, Liezl! Huwag kang kiligin. Sita niya sa sarili. “Nandito ako para
magtrabaho hindi para makipagtsismisan.” Sabay walk out.
Pero hindi yata walk out yata ang
maitatawag doon dahil nakabuntot pa rin ito sa kanya.
“Ui, Zel. Sorry na.” Habol pa rin
nito ang ex girlfriend.
“Pwede ba, tigilan mo nga ako!”
Pagtataboy naman niya rito.
“Sabihin mo muna, pinapatawad mo na
ako.”
“Hindi ganun kadali yun.”
“Lahat gagawin ko, mapatawad mo
lang.”
“Tigilan mo ko.”
“Pwera lang yun.”
Naman!
“Wala akong panahon para sa’yo.”
“Ako, madami.”
“Ms. Dennice, yung technician niyo,
wala yatang ginagawa.” Sigaw niya sa School Admin na nagmamasid sa on-going
decoration ng stadium.
“Ay, Ma’am, madami po.” Sagot naman
ni Arnold. “Nagtatanong pa nga po ako kay Liezl kung ano pa ba yung kulang.”
Natatawang naiiling na lang si Ms.
Dennice sa drama ng dalawa. Kilala niya ang mga ito noon pa man at alam niya
ang love story ng mga ito.
Chapter 6 –
Makulit. Madaldal. Maingay. Stalker.
Those are the best things to
describe Arnold
now.
Mula ng magkita ulit sila sa
pinakamamahal nilang eskwelahan ay hindi na siya tinantanan nito. Salamat sa
butihin nilang School Admin kaya nakuha ni Arnold ang number pati na rin ang landline
nila sa bahay.
Pati sa mga social networking sites
na meron siyang account ay hindi rin pinalampas ni Arnold. Ang hilig nitong maglike,
magcomment, mag PM o DM sa kanya.
Lahat na!
Ang ipinagtataka niya lang, dati pa
naman sila sa friends sa facebook pero bakit ngayon lang ito nakipag-usap sa
kanya and the worst nangungulit pa. Balak na nga niyang i-block ito pero ayaw
ng puso niya.
Ayun na!
Sa kabila ng inis, hindi niya
maiwasang maging masaya.
Imagine, ang lalake este ex
boyfriend na binabalewala lang siya noon ay sobra naman na kung magpapansin
ngayon. Somehow, she felt important now. Yun nga lang parang hindi na ito ang
panahon para sa kanilang dalawa.
Wala na nga siyang panahon para sa
sariling social life mas lalo naman siguro para sa lovelife. Kailangan niya
pang makapag-ipon ipon ng malaki para matubos ang kalahati ng bahay nila.
HI ZEL! MUZTA NA? SANA MAY EVENT NA ULIT SA SKUL! Pm nito sa
kanya. Timing na timing na pareho silang online ng araw na iyon.
MUKHA MO!!!!! Gusto sana niyang ireply pero
backspace backspace backspace ang nangyari. Mas pinili na lang niyang huwag na
itong patulan pa dahil hahaba lang ang usapan.
HUY ZEL! Pangungulit pa rin nito.
Kahit naka appear as offline na
siya, sige pa rin ito sa pagpopost sa wall niya.
ZEL, IMY! Post nito sa FB wall
niya.
Perfect timing talaga ang araw na
iyon dahil ang ilan sa mga kaklase niya, nagkataong online rin.
“Uy, ….muling ibalik!” comment ni
Violet.
“Naks, Arnold , ikaw na ba yan?!” comment naman ni
Mary.
Si Wendel ang sumunod na
nag-comment, “Na-hack ang account ni Arnold!”
“Sira-ulo ka, Wendel! Ako toh!”
sagot naman ni Arnold
dito.
Hindi na siya nakatiis. “PWEDE BA?!
DUN KAYO SA MGA WALL NIYO MAG-USAP USAP, HUWAG DITO!”
“Mas masaya dito sa wall mo. May
kilig factor.” Comment ulit ni Violet.
“Tammmaaa!” segunda ni Mary.
“Ako nga nadapa eh.”
“Sira-ulo ka talaga, Wendeltot!”
react ni Violet.
“Guwapo naman!”
“Mas guwapo kaya ako sa’yo.” Ani Arnold .
Naiiling nalang siya sa sagutan ng
mga kaibigan.
Hindi niya magawang mainis sa mga
ito bagkus ay parang muling nagkakulay ang buhay niya, specifically her social
life. And love life?
Inayos na rin niya ang settings ng
profile niya. Hindi na makakapagpost ang kung sino lang ng basta basta sa wall
niya.
Siya na KJ.
-00-
“Ate, may bisita ka.” Imporma sa
kanya ng kanyang ina.
Hindi na siya nag-abalang lingunin
ang ina. Masyado siyang engrossed sa binabasang pocketbook. “Sino?”
“Arnold .”
Dun lang siya napatingin sa gawi ng
ina na nasa pintuan ng lumiit niyang kuwarto dala ng pagkakasanla ng kalahati
ng kanilang bahay. “Weh?! Steer?! Laos na yan, Ma! Wala bang bago?”
Madalas kasi siyang biruin ng ina everytime na may bisita siya.
“Seryoso ako, gaga!”
Mukhang totoo. Na-gaga pa siya eh.
What to do now? What to do?
Hala ka! Bakit kaya siya
nagpapanic? Anong meron?
Tsaka bakit naman siya dinalaw nito
eh wala naman siyang sakit. Unless….
No. No. No. As in NO! Hindi maaari
yon. Si Arnold, manliligaw sa kanya?!
Hanep, ligaw agad.
“Ate, try mo kaya munang mag-bra?”
payo ng kanyang ina.
“Sige na, sige na. Lumabas ka na.
Susunod na ako.” Pagtataboy niya sa ina na halatang pigil ang tawa.
Liezl
ang poise! Subukan mo lang bumigay, tapos ang maliligayang araw mo! Warning niya sa sarili.
“Oh, anong ginagawa mo rito?!” with
matching taas ng kilay niyang tanong sa kaniyang bwisita pagkalabas niya ng
sariling kuwarto.
“Dinadalaw ka.” Imporma nito.
“Wala akong sakit!” Bulyaw niya
rito.
Nakatikim tuloy siya ng malakas na
batok mula sa ina. “Respeto sa bisita, ate.” Sita nito sa kanya. “Pasensya ka
na kay Shane, Arnold
ha. Menopause na kasi.”
Ngiti lang ang isinagot ni Arnold dito.
“Sino kaya sa atin ang biyudang
menopause?” Parinig naman niya sa ina.
“At least hindi bitter.” Pasaring
naman nito sa kanya. Dumeretso na ito sa kusina.
“Buti pa kayo ng nanay niyo. Ang
sweet niyo. Nakakainggit kayo.” Arnold
told her. Kahit nakangiti ito ay bakas sa mga mata nito ang lungkot.
“Wala ka bang nanay? Ginawa ka lang
ng tatay mo mag-isa?” Parang ruthless na yata siya. “Ibig kong sabihin, ano
namang kainggit-inggit dun?”
“Wala kasi akong magulang.” Imporma
nito sa kanya.
Oh.
She never knew that. Kaya pala tuwing PTA meeting nila noon ay lola nito
ang laging pumupunta. May pinaghuhugutan naman pala ang pagiging tahimik nito
noon.
“Bakit nagbago ka? Mas madaldal at
maingay ka na sa akin ngayon.” Tanong niya rito. Nung magkita ulit sa school
last week ay ang katanungang ito na ang gumulo sa isip niya. Ano kayang
nangyari dito?
“For the better. Isang importanteng
tao kasi ang nawala sa buhay ko non.”
Siya ba ang tinutukoy nito?
Wag
kang assuming Liezl! Sita niya sa sarili.
Kasing taas ng Mount Everest na
kaliwang kilay ang pinakawalan niya, “Oh tapos?”
“Ayun, narealize ko ang pagiging
sobrang tahimik pala….. Nakamamatay.” Birong totoo ni Arnold. When they broke
up four years ago ay parang namatay na rin ang puso niya. Pero dahil sa
pagiging voluntarily mute niya ay wala siyang magawa upang kausapin ito,
humingi ng tawad at sana’y naging isang mas mabuting boyfriend.
Too
late….
Kunwari ay wala siyang narinig, “Uwi ka na. Marami pa akong gagawin
eh.” Pagtataboy niya sa bisita.
“Huh?” Nagtatakang tanong naman ni
Arnold sa kanya.
“Bingi lang? Sabi ko, muwi ka na.”
Inabrisiyetehan niya pa ito.
Hindi naman niya pwedeng
ipagsiksikan ang sarili sa tahanan ng ibang tao. Pero teka, sayang ang effort
niya sa pagpunta dito. Minsan lang siya atakihin ng lakas ng loob sasayangin pa
ba niya iyon? “Ayoko pa. Nagugutom ako, di mo man lang ba ako pakakainin?” Bahala na si Batman. Siya na ang makapal ang
mukha.
Ang
kapal! “Ewan ko sa’yo, Pineda! Umuwi ka na!” Pagtataboy pa rin niya dito.
Pakiramdam niya, kapag nagtagal pa rito si Arnold sa bahay nila ay baka bumigay
na ang pader. Pader sa pagitan nila na sinimulan niyang buuin mula ng magkita
ulit sila.
Medyo napalakas ang boses niya
kaya’t dali-daling lumabas ang kanyang ina mula sa kusina. “Bakit nagpapaalis
ka ng bisita? Hindi pa luto yung minatamis na saging. Hindi ka naman ganyan sa
mga bisita ah. Anong problema mo?” sermon nito sa kanya.
Malaki
ang problema ko, Ma! Malaki! “Edi kayo mag-usap. Marami pa akong gagawin.
Magtatrabaho pa ako.”
Papasok na sana siya sa loob ng kuwarto niya ngunit
humarang doon ang kanyang ina at tinignan siya ng masama.
And she got it. Baka mag ala-dragonesa
na naman ito kapag hindi niya sinunod. Nakakahiya pa man din dahil may bwisita sila. Napilitan siyang bumalik
uli sa sala.
Chapter 7 –
“Tumigil ka na sa pangungulit sa
akin.” Good luck naman sa kanya kung mapapayag niya ang kausap.
“Ayoko. Basta, liligawan kita.” Arnold insisted.
“Wala kang mapapala.” Tumigil ka na habang maaga pa! Utang na
loob!
“Okay lang. At least makabawi man
lang ako sa’yo.” May pait sa pinakawalan nitong mga ngiti.
“Alam mo, okay na yung nagbago ka.
Yung naging expressive ka na sa tunay mong nararamdaman. Okay na ako dun. Hindi
mo na ako kailangang balikan dahil wala ka ng babalikan.” Aniya sa kausap. Wala na nga ba?
“Bakit? May iba ka ng mahal?” tanong
ni Arnold sa kanya.
Wala.
Ikaw pa rin. Pero ayoko ng masaktan ulit. Gusto niyang isagot dito but she
chose not to say anything.
Nang tignan niya si Arnold sa mga
mata nito, parang nakita niya ang dating Arnold na parang laging may gustong
sabihin ngunit hindi naman magawang magsalita.
“Sige, una na ako. Salamat sa
paghatid.” Ani Arnold
at sumakay na ito sa jeep na huminto sa harapan nila.
Bumalik na siya ng bahay at muling
nagkulong sa sariling kuwarto. Gustuhin man niyang humarap sa computer upang
magtrabaho, pakiramdam niya ay wala siyang lakas para mag entertain ng mga
client inquiries regarding her services. Maraming salamat sa naging bwisita
nila for that day.
Bakit
ganun? Parang bumaliktad na ang mga pangyayari. Ako na yung walang masabi sa
harapan niya kahit pa na ang dami dami kong gustong sabihin sa kanya. Hay, naku naman Arnold ! Kung bakit naman kasi bumalik balik
ka pa sa buhay ko eh! Para siyang tangang
kausap ang sarili.
Kaysa ipagtabuyan niya ito na
madalas niyang gawin at hindi naman siya manalo nalo ay hinayaan na lamang
niyang tulungan siya nito.
Kasalukuyan itong busy sa pag-aayos
ng electrical wirings.
“Ma’am, ang sipag ng boyfriend niyo
noh?” pang-aasar sa kanya ng isa sa mga staff niya.
“Boyfriend ka diyan?! Gusto mong
mawalan ng trabaho?” pagtataray niya dito upang mapagtakpan ang kilig na
nararamdaman.
“Grabe ka naman, Ma’am. Eh yun po
ang sabi niya nung tinanong namin siya last week. Girlfriend ka daw po niya.”
Shut
up, Liezl! Bawal kang kiligan. Busy ka, busy ka, busy ka!!!! “Naniwala ka
naman eh sinungaling yan.”
“Eh kung hindi niyo po siya jowa, ano
niyo po siya? Madalas siyang present kapag may mga event tayo, hindi naman siya
staff.” Patuloy na pang-iintriga nito sa kanya.
“Alam mo Mariz, balak ko talagang
mag cross cutting ngayon. Baka gusto mong mauna?” Pagbabanta niya rito.
“Joke lang, Ma’am. Eto na nga eh,
magtatrabaho na ko.” Umalis na ito sa gilid niya at nagpatuloy na sa
ginagawaang pagdedecorate ng mga lamesa’t upuan.
Muli siyang napatitig sa lalaking
abalang abala sa pag-aayos ng mga electrical wires.
“Ma’am, huwag niyo titigan, baka
malusaw.” Pangungulit ulit ni Mariz sa kanya.
Tinignan niya ito ng masama, “Wala
kang sahod mamaya.” Itinuon na niya ang pansin sa pagche-check ng programme
para sa magaganap ng debut mamayang gabi.
-00-
“Hindi ka ba napapagod?” Katatapos
lang ng debut at nagliligpit na sila sampu ng mga staff niya.
“Hangga’t nakikita kita, hinding
hindi.” Sagot naman ni Arnold sa kanya.
“Pero wala ka ng aasahan sa akin
eh.” Pagsisinungaling niya.
Natigil si Arnold sa pagliligpit ng
mga electrical wires at napatitig sa kanya, “Wala na ba talaga ako diyan sa
puso mo?”
Hindi
ka naman nawala dito. Marahan siyang tumango. Sinungaling ka Liezl! Sinungaling! Sigaw ng isang bahagi ng puso
niya.
Pero
kailangan kong gawin ito. Ayoko ng masaktan ulit. Ayoko ng umasa. Isa pa, hindi
ko priority ang lovelife ngayon. Tsaka na yan. At kung mahal niya pa rin talaga
ako gaya na sinasabi niya, hindi siya susuko. Willing siyang maghintay kung
kailan ready na ako. Paliwanag niya sa sarili.
Mapait siyang nginitian ni Arnold. “Pasensiya
ka na sa pangungulit ko sa’yo ha. Gusto ko lang talagang bumawi. Pero hindi
naman kita pinipilit na mahalin mo ulit ako. Gusto lang kitang makasama at
makita. Mas okay kasi yon kesa sa pagtitig ko sa mga pictures mo sa facebook.”
“Ituon mo nalang sa iba ang
atensiyon mo.” Pero huwag!
“Pinag-iisipan ko na rin yan.” Inilagay
na ni Arnold sa box ang mga natitirang wires. “Una na ako. Hindi na kita
maihahatid ngayon. May pupuntahan pa kasi ako eh. Ingat ka pag-uwi. Tsaka
salamat sa lahat. Sorry ulit.” Tuluyan na siyang tinalikuran ni Arnold.
Teka
lang! Ngali ngaling pigilan niya ito pero wala siyang sapat na lakas para
gawin iyon.
Sige
Liezl, magsama kayo ng pride mo! Bingo! Sarili niyang kunsensiya ang bumuko
sa kanya.
Anong
ibig niyang sabihin? Is this really goodbye? Takang tanong niya sa sarili.
Paano
mo malalaman kung wala kang gagawin, gaga!
Na-gaga pa tuloy siya ng sariling
kunsensiya.
-00-
Hindi na sila friends sa facebook.
Bakit? Sinubukan niyang i-search ang pangalan nito pero walang lumalabas.
Meaning, block listed siya sa account nito. Why o why?
“Lian, anong balita kay Arnold ?” tanong niya sa
kaibigan. Nagkita sila sa isang coffee
shop. Birthday ng pamangkin ni Lian at si Liezl ang kinuha nitong event
coordinator.
“Nasa Taiwan na siya ah. Last week pa.
Hindi mo ba nabalitaan?”
Iling ang isinagot niya.
“Akala ko, okay na ulit kayo. Di
ba, lately, madalas kayong magkasama?”
Muli siyang umiling at ngumiti ng
mapait.
“Hay. Ano bang problema niyong
dalawa?”
“Sabi ko kasi, tumigil na siya.”
“Binasted mo?! Kung kelan showy na
yung tao. Ano ka ba naman, Licaros! Kung di lang kita kaibigan inumpog na kita
dito sa mesa,” sermon ni Lian sa kanya.
“Kung mahal niya talaga ako, hindi
dapat siya sumuko.” Depensa naman niya.
“Paanong hindi susuko eh wala ka
namang sinasabi. At kung mahal mo siya, binigyan mo sana siya ng pagkakataon.
Edi sana, andito pa siguro siya ngayon.” Ani Lian.
“Ayoko namang maging hadlang sa mga
pangarap niya noh.” Katwiran niya. “Isa pa, mukhang hindi naman siya sincere.
Tignan mo nga, hindi man lang nagpaalam!” Nakakasama
kaya ng loob!
“Alam mo yung utak mo nasa
talampakan mo na yata. Hindi ba pwedeng tuparin ng isang tao ang mga pangarap niya
kasama ang taong mahal niya? Nasaan na ba yung dating Liezl? Nailibing na ba?
Hindi man lang kami nakadalaw.”
“Alam mo ikaw, makasermon ka wagas.
Akala mo naman kung sinong masaya ang lovelife. As if I don’t know, may
hinihintay siyang bumalik mula Cebu.” Parinig naman niya sa kaibigan. Ang
balita niya ay nasa Cebu si Rex at doon nag-aaral.
Namula naman si Lian. Sapul siya ng
kaibigan eh. “Hey you, hindi ako ang topic dito. Sakalin kita diyan eh!”
“Pikon!” Natatawang asar ni Liezl
sa kaibigan.
“Plastic!”
“Hoping!”
“Panggap!”
“Maganda naman.”
“Lalo na ko!”
Nagkatawanan na lamang sila
magkaibigan.
And the worst, ni hindi man lang
ito ipinaalam sa kanya. Baka sakaling pinigilan niya pa ang pag-alis nito.
Chapter 8 –
Abala ang buo niyang grupo sa
pag-aayos ng club house na iyon. Maya-maya lamang ay magaganap na rito ang 7th
birthday ng pamangkin ni Lian.
Nahinto siya sa pag-aayos ng mga
giveaways nang makita ang mga buhol buhol na kable sa sahig.
Siguro
kung nandito si Arnold, hindi niya hahayaang maging ganyan kagulo ang mga yan….
Kamusta
na kaya siya?
Masaya
kaya siya dun ngayon?
Namimiss
kaya niya ako?
O
kahit naaalala man lang?
Bwisit
na lalaki yon! Hindi man lang nagawang magpaalam sa akin!
“Ahemm. Baka malusaw yung mga cable
wires, Ma’am.” Puna sa kanya ng isa sa mga tauhan niya.
Muling nagbalik sa kasalukuyan ang
kanyang huwisyo. “Gusto mong masaktan?! Tawagin mo si Danny. Ayusin na niya
yung mga wires!”
“As if we know, may naaalala siya…”
pang-aasar pa rin nito sa kanya.
“Perlita!” Sita niya rito.
“Sabi ko nga, tatawagin ko na si Danny.”
Tatawa tawang tinawag nito ang nasabing staff na siyang nakatoka sa mga wires,
“Danny, miss ka na ni Ma’am!”
-00-
Maagang dumating sa venue si Lian
kaya’t medyo nakapag kuwentuhan pa sila.
“Zel, Alam mo ba, may hinuhulugan
na palang bahay si Arnold sa Cavite .
Pinost niya sa facebook yung picture ng bahay. Simple lang pero ang ganda!”
Pagbabalita nito sa kanya.
Bwisit
na lalaking iyon, bli-nock kaya niya ako sa facebook. “So?” tila walang
pake niyang sagot-tanong sa kaibigan.
“Nakakatuwa kaya yung caption,” With
matching hand signals, “For my future family.” Kinikilig pa nitong sabi sa
kanya.
Tinawanan niya ito. “Para kang tanga. Naiihi ka ba? Andun yung c.r.”
“Bruha!” Turan naman ni Lian sa
kanya.
“Ka!” balik niya dito.
Lian rolled her eyes, “Whatever!”
-00-
Para sa kanya kung may kahulugan
ang salitang Walking Dead, siya yon.
She works hard everyday but at the
end of the day, she knows and she feels that a part of her is missing.
Or rather, she’s missing someone.
Dinala yata ni Arnold
ang puso niya sa Taiwan .
Kaya eto’t paminsan minsan kapag
sobra niyang namimiss si Arnold ay basang unan pa rin ang kapiling niya.
Tama
si Lian, plastic ka Liezl, plastic ka! Sita niya sa sarili.
-00-
Mabilis na lumipas ang dalawang
taon.
Konti na lang at matutubos na niya
ang lupa nila na nakasanla.
Her hardwork is worth it.
Nagkaroon ng isa pang branch ang Licaros
Party Needs and Events na siya rin mismo ang namamahala.
At 21, kahit hindi siya college
graduate, at least she know that she’s already a successful business woman.
Marami nga ang bilib sa sipag at
determinasyon niya.
Sinong mag-aakala na siya ang
may-ari ng isang negosyo na unti- unti ng nakikilala. Marami na siyang suking
kliyente at mas dumarami pa from time to time through word of mouth at internet
marketing.
“Huy, Zel! Mag-organize ka naman ng
event. Mini-reunion natin!” Minsang PM o
Personal Message sa kanya ng dati niyang kaklase na si James. Nagkataong
on-line sila pareho nito.
“Pag-iisipan ko.” Tila
nagdadalawang isip niyang sagot.
“Dali na! Regalo mo na sa amin ‘to.
Ang yaman mo na kaya.” Pamimilit pa rin ni James.
“Sinong mayaman?” Pahumble niyang
sagot-tanong dito.
“Ikaw!”
“Ah, oo. Ikaw!”
“Hay naku, Liezl. Dali na! Mag set
ka na ha! Tulungan na natin si Rex.”
“Rex? Anong kinalaman ni Rex dito?”
“Natotorpe na naman. Tulungan na
natin.” Imporma nito sa kanya.
“Sige! Sige!” Pagpayag niya. “Check
ko lang yung schedule ko.”
“Yih! Thanks! Kitakits!” Naka off
line na ito.
Sa mga sumunod na araw ay abala na
siya para sa pag-aayos ng kanilang mini-reunion.
30 lang naman ang participants kaya
hindi siya masyadong mahihirapan. And besides, hindi pa sigurado kung yung 30
na yun ay makakapunta lahat. She doubted. Baka ang isa sa kanila ay
kasalukuyang nasa Taiwan
pa rin. Ahem.
-00-
“Joann!” tili niya sa kabilang
linya.
“Zel?”
“Yes, it’s me and I have one favor from you.
Kailangan ko ng powers ni Tita Brenda para magamit natin ng librea ang
clubhouse sa dating subdivision niyo. Sa inyo pa rin naman iyong bahay niyo dun
di ba?” Tanong niya sa kaibigan.
“Yup.” Sagot naman nito sa kanya.
“So, pumapayag ka na? And pupunta
ka ha! Para ‘to kay Lian. Kailangan tayo ni
Rex. Human props kumbaga kaya hindi pwedeng hindi ka pumunta.” Pagbabalita niya
rito.
“Bakit? Anong meron?” Hindi na kasi
siya masyadong updated sa buhay ng mga kaibigan.
“Magpo-propose na ang loko!”
Masayang balita dito ni Liezl.
“Sige. Pupunta ako. And kakausapin ko si Mommy
mamaya pag-uwi ko.”
“Thank you, Jo! You’re such an
angel, Muahh! Ciao!” Binaba na niya ang telepono.
Solve na ang problema niya para sa
venue ng kanilang mini high school reunion.
Nag ring ang telepono niya, “Hello,
Jo?”
“Ahmm.. Pu-pupunta ba siya?” Tanong nito sa kanya.
“Sino? Si Ram?” Alam naman niya ang
sagot sa sariling tanong. “Hindi pa siya nagko confirm. Pero, sige para sa’yo,
pipilitin ko siyang papuntahin.” Birong-totoo niya dito.
“Liezl!”
“Hehe. As you see medyo busy po
ako. May iba ka pa bang itatanong?”
“Wa- wala na.”
“Okay, sige. Babye ulit. See you sa
party.”
“Bye.”
-00-
Chapter 9 –
Everything is already set. Salamat
sa mga kaklaseng tumulong sa kanya para maisagawa ng maayos ang event para sa
araw na iyon.
And now, she’s wondering… Pupunta kaya siya?
Ang balita sa kanya ni Lian, kauuwi
lang daw ni Arnold ng bansa dahil katatapos lang
ng dalawang taong kontrata nito sa Taiwan .
Ah
ewan! Hindi siya kawalan para sa event na ito. Sino ba siya?!
Siya
lang naman yung taong mahal mo and at the same time ay miss na miss mo. Sagot
ng isang bahagi ng utak niya.
Oh
shut up Liezl! Pipi niyang sita sa sariling mental conversation.
Maya maya lang ay nagsidatingan na
ang mga dati niyang kaklase.
Itong si Rex ay may balak pang
gawin na eksena. Nakiisa naman siya. Besides, this is for her friends’
happiness.
Her hear stumble when a man who is
very much familiar to him entered that club house.
She terribly misses that guy.
“Bwisit
kang lalaki ka! Lakas mo maka-block sa fb!” Inirapan niya ito at itinuloy
kunwari ang pagiging abala sa pag checheck ng attendees list.
Ramdam niyang, palapit ito sa
kanya. Halos mabingi siya sa sobrang lakas ng kabog ng sariling dibdib.
“Hi!” masaya nitong bati sa kanya.
Tinignan niya lang ito at pagkatapos
ay itinuloy ang kunwari’y pagiging abala.
Hinarap ni Arnold sa mukha niya ang
sariling kanang kamay at pinagmukha niyang bibig ng puppet. “Hi din, Arnold ! Kamusta ka na?
Alam mo, miss na miss na kita!” Pinaliit pa niya ang boses niya na parang bata.
“Ako din, namiss kita, sobra! Sorry
ha!” Muli nitong binalik ang dating boses.
Para itong nasisiraan ng bait na
kausap ang sarili.
Hindi naman napigilan ni Liezl ang
matawa. “Ewan ko sa’yo, Pineda! Ang corny mo.”
“Arnold .” Muling pagtatama sa kanya. “Namiss
ko yang tawa mo. Ang tagal ko ng di nakita yan.”
“Bwisit ka! Bakit mo ako bli-nock
sa facebook?!” Inis niyang tanong rito. “Tapos hindi ka man lang nagpaalam na
aalis ka pala.”
Marahan itong natawa. “Eh baka kasi
pigilan mo ako. Ang problema, talagang magpapapigil ako. Ang lakas mo kaya sa
akin. Bli-nock kita kasi for sure lalo kitang mamimiss.”
“Ang kapal mo! As if naman, pipigilan
kita noh. Pakelam ko ba sa’yo.”
“Ang sweet sweet mo talaga.”
Natatawang komento ni Arnold sa kanya. Kinurot pa siya nito sa magkabilang
pisngi.
“Tseh!”
Lumapit sa kanila si Rex at Ramil, “Hep!
Mamaya na kayo maglambingan. Tulungan niyo muna ako.” Ani Rex sa kanilang
dalawa.
Nag-apiran naman ang tatlong
lalaki.
“So what’s the plan?” tanong niya
sa mga ito.
-0—
What a sweet proposal indeed and
she’s so happy to be a part of it. Super kilig at super happy siya para kina
Lian at Rex.
“Ang lagay eh, ikaw lang ba ang
masaya pareng Rex?” ani Arnold
matapos nitong kunin ang nabakanteng mikropono.
“Anu daw?”
“Magpopropose ka din?”
“Kanino?”
“Ayun oh!”
“Inggit!”
“Witwiw!”
“Double wedding itey!”
Iba ibang reaksiyon ng mga kaklase
nila.
Siya naman ay hindi makapag react.
Ayaw niyang mag-assume at ayaw din naman niyang maging center of attraction gaya nila Lian at Rex.
Kinuha niya ang mikropono mula kay Arnold . “Tama. Kaya let
the party begin! Lahat tayo dapat ay magsaya!” Aniya.
“Wooh! KJ!” Sigaw ni Joann.
“Oo nga!” segunda naman ni Violet.
Nilakihan niya ang mga ito ng mata
na waring nagsasabing, Shut up, girls!!
“Hmp. Panira ka ng trip. Eto susi.”
Tuluyan ng bumaba ng stage si Arnold
matapos nitong iabot ang isang susi sa kanya.
Ano
namang gagawin ko dito? Nagtatakang tanong niya sa sarili.
Hindi na siya muling kinausap pa ni Arnold.
“Ano kayang problema nun?!” Tanong
niya kay Violet pero mukhang mas tanong niya ito sa sarili niya.
“Susi ng kapalaran yan!” si Lian
ang sumagot.
“Tangek, susi yan ng bahay niyo! Ano
ka ba Liezl!?” Ani Joann sa kanya. May kasama pang batok.
“Aray ha!” React niya. Sabay hawak
sa sariling ulo. “Bahay? May bahay naman kami ah!”
“Tanga tangahan lang?!” Tatawa
tawang react ni Violet.
“Eh sa wala nga akong idea! Ano ba
kayo?! Magtatanong ba ako kung alam ko.” Pagdadahilan niya sa mga ito.
“Alam mo Zel, hindi sa wala kang
alam, manhid ka lang talaga.” Makahulugang sabi ni Lian sa kanya sabay kindat
sa iba pa nilang mga kasama.
-00-
Chapter 10 –
Gullible, that’s her.
Imagine, sa isang text lang mula sa
kumag niyang ex-boyfriend ay napapunta siya sa lugar na hindi pa niya
napupuntahan sa tanang buhay niya.
Kinuha niya ang telepono sa bag at
nag-dial. “Hello, Pineda!”
“Arnold,” Sagot ng nasa kabilang
linya.
“Bwiset! Nasaan ka na ba?!” Inis
niyang tanong rito.
“May susi ka naman di ba? Bakit
hindi mo gamitin?” Sagot naman nito.
“Bakit naman ako papasok sa isang
bahay na hindi naman akin? Baka makasuhan pa ako!” Patuloy niyang pagtataray.
“Pumasok ka nalang.” Maikli nitong
tugon.
Naiinis pa rin niyang kinuha sa
loob ng bag ang susi na ibinigay nito sa kanya last week at ipinambukas sa isang bagong bahay na nasa
harapan niya. 2 floors ito at semi
furnished na.
“SURPRISED!!!!”
Bati sa kanya ng mga dating
kaklase.
“A-anong ginagawa niyo rito?” Gulat
at nagtataka niyang reaksiyon.
“We invited ourselves!” Sagot ni
Lian.
“Para saan? Mini-reunion ulit?”
muli niyang tanong.
“House blessing to, gaga!” Sagot
naman ni Violet.
“House blessing? Nino?” tanong na
naman niya. May kutob na siya ngunit ayaw niyang mag-assume. Mabuti na yung
sigurado.
“Tanga tangahan lang talaga ha,
Licaros?!” sermon naman ni Joann sa kanya.
“Correction, Ate Jo. Future Mrs.
Pineda.” Pagtatama naman ni Rex.
“Sabi ko nga.” Sagot naman nito.
“Naguguluhan na ako! Pwede bang
pakilinaw sa akin ang lahat?!” Luminga linga siya sa paligid at tila may
hinahanap ang mga mata. “Si Pineda?”
“Arnold,” Pagtatama ng lahat ng
nasa bagong bahay na iyon.
Pagkatapos ay tawanan.
Mula sa 2nd floor ng
bahay ay bumaba ang isang mala prinsipe para sa kanyang paningin.
“Ayan na pala ang may-ari ng
bahay.” Pa-intro ni Ramil sa bumabang si Arnold.
Tuloy tuloy ito sa harapan ng
babaeng pinakamamahal. “Sana naman, pagbigyan mo na ako ngayong makapagsalita.”
“Pupunta ba ako dito kung hindi?!”
Mataray niyang sagot-tanong.
Nakatikim siya ng batok mula sa isa
sa mga kaibigan, “Umayos ka nga!” Bulyaw ni Lian sa kanya.
Sinita naman ni Rex ang fiancé,
“Ano ka ba?” ani nito kay Lian. “Pasensiya ka na Zel, excited lang yan masyado
para sa’yo.”
“Ehem.” Agaw ni Arnold sa
kasalukuyang atensyon. “Ako naman.”
“Zel, May tatlong bagay lang naman
ako na gustong sabihin sa’yo. Una, Sorry. Pangalawa, Thank you. At pangatlo,
Sana….”
“Yun na yon?” tanong ni Violet.
Halatang hindi ito kuntento sa mga sinabi ni Arnold.
Tinakpan naman ni Wendel ang bibig
ng kasintahan. “Sige, Nold. Tuloy mo lang.”
“Sorry kasi, hindi ako naging
expressive nung highschool tayo. Pero sana maniwala ka nung mga panahong iyon,
mahal na talaga kita. First year palang tayo, ikaw na ang gusto kong makasama
habang buhay. Nung naging tayo, hindi ko alam kung papaano kikilos pag kasama
ka. Nahihiya kasi ako sa’yo. Sobrang ingay mo samantalang ako sobrang tahimik
ko.”
Natawa ang mga tao sa paligid pero
wala na siyang pakialam. Ang importante sa kanya ay ang mga sasabihin pa ng
lalaking pinakamamahal.
“Sorry dahil kinailangan kong
maglihim sa’yo, kinailangan kong lumayo pansamantala at kinailangan kong huwag
muna ulit magsalita tungkol sa mga pangarap ko para sa ating dalawa.”
“Thank you kasi sa kabila ng lahat
ng nangyari, hindi ka nagmahal ng iba. Kaya patuloy akong umasa na ako pa rin
ang mahal mo. Thank you rin sa mga kaibigan natin na nagpalakas ng loob ko at
nagpaniwala sa akin na ako pa rin daw ang mahal mo. Thank you so much, guys.
Thank you Zel sa inspirasyon. Dahil sa’yo, may direksiyon ang buhay ko at yun
ay ang papunta sa’yo.”
“Sana….. Ako pa rin talaga ang
mahal mo. Gaya nung sinabi mo sa akin nung first monthsarry natin. Na ako lang
ang mamahalin mo forever kahit pa na ako ang pinakatahimik na tao sa buong
mundo and that’s what you like about me the most. Sana…. Pakasalan mo ako at
samahang tumira sa bahay na ito…”
Lumuhod ito sa harap ni Liezl at
naglabas ng singsing. “Will you marry me, Shane Liezl Licaros?”
Siya naman ang tila nawalan ng
sasabihin.
Ganito pala ang naging pakiramdam
ni Lian last week. She never expected this proposal. She was totally clueless.
Gusto na niyang maiyak but she’s
trying to hold back the tears.
“Sagot sagot din, Liezl!” Untag ni
Lian sa kanya.
“Pakakasalan mo ba ako?” Muling
tanong ni Arnold sa kanya.
Hindi na niya kaya pang pigilan pa
ang mga luha. Her emotions were overflowing. Words are not enough to express
what she really feels as of this moment.
Marahan na lamang siyang tumango at
nagtuloy tuloy na sa pag-agos ang kanyang mga luha.
Tumayo mula sa pagkakaluhod si
Arnold at isinuot sa kanya ang isang diamond ring.
“Thank you,” Pinunasan nito ang
luha sa mga pisngi niya at pagkatapos ay masuyo siyang hinalikan.
Palakpakan naman ang mga tao sa
paligid.
Great friends.
Stable life.
Worth the wait lovelife.
New house.
She couldn’t ask for more.
All she could ever do now is to
thank God for all the challenges that she passed through as well as for the
blessings she is receiving today.
Her dream wedding?
Simple lang. Basta’t kasama si
Pineda. Este Arnold Pineda.
END
No comments:
Post a Comment