Pages

Saturday, October 5, 2013

Love Letter for Friendship


(Roxon and Neymi)

It’s not bad to fall for a friend….especially to your best friend.. Sana nga..





“Si Verna, Joharra, Juvy at Michelle.” sagot ni  Roxon sa mga kaibigan. Kasalukuyan silang naglalaro ng truth or consequence sa ilalim ng lilim ng puno kung saan sila madalas tumambay magkakaklase tuwing lunch break o di kaya pag walang klase.
“Eh yung panglima?” hirit pang tanong ni Jovey. “’Di ba sabi mo lima yung crush mo sa room?” Dalawang buwan pa lang silang nagkakasama magkakaklase. Pero simula palang ng pasukan silang anim na ang naging mga close. Si Roxon, Neymi, Verna, Joharra, Jovey at Rowan. Taon taon nirereshuffle ang mga estudyante kaya taon taon din bago ang mga kaklase. Mabilis nilang nakagaaanan ng loob ang isa’t isa dahil magkakakilala na sila sa mukha noon. Nasa huling taon na sila sa high school.
“Sa akin nalang yon. O Neymi ikaw na!” pag-iiba ng usapan ni Roxon at ibinaling na kay Neymi ang usapan. Ito ang pinakamalapit sa kanya. Unang beses pa lang na nagkakuwentuhan ang mga ito, halos nasabi na niya lahat ang tungkol sa buhay niya. Muntik pa silang mapalabas ng class adviser nila dahil nahuli silang hindi nakikinig habang nagkaklase ito.
“Ang daya mo frenship! Hindi mo sinabi yung panglima! Dapat tapusin mo muna ang sagot mo.” Tutol ni Neymi sa sinabi ng kaibigan.
“Hayaan mo na. At least nasagot naman niya eh.” Sabad ni Verna, “Uy Roxon, thanks ha. Crush mo pala ako. Nakakaflattered naman. Dali, tanungin mo na si Neymi.”
“Sige. Uhmmm…Frenship, Kelan ka magboboyfriend?” tanong ni Roxon dito.
“Oo nga. Daming nanliligaw sa’yo. Pero wala ka namang sinasagot.” Dagdag ni Jovey.
“Eh ayoko pa nga. Masaya naman ako na kayo ang palagi kong kasama. Tsaka natatakot ako magboyfriend. Aware naman kayo na uso ngayon ang teenage pregnancy. Ayokong madisappoint ang parents ko. Gusto kong makagraduate ng highschool noh pati na rin ng  college.” Mahabang tugon nito.
“Grabe. Ang layo na ng narating mo Neym. Pregnancy kaagad. Ang tanong lang naman kung kelan.” Natatawang turan ni Joharra.  
“Wala namang problema kung magkaboyfriend ka eh. Babantayan kita lagi para walang magawa sayo na hindi maganda ang magiging boyfriend mo frenship.” Pinakita pa ni Roxon ang braso na may muscle sa mga kaibigan.
“Ewan ko sayo Roxon! Anyway salamat sa concern. Pero don’t worry, kaya  ko ang sarili ko. Kaya nga hindi muna ako magboboyfriend eh para iwas na rin. Tsaka bata pa naman tayo.” Sabay akbay nito sa kaibigang lalaki.
“Bakit kaya hindi nalang kayo noh?” si Rowan. “Pareho naman kayong single. Oo tama! Kayo nalang!”
“Oyy…” halos sabay sabay na tugon ng iba.
“Tumigil nga kayo! Friendship nga di ba? Kayo talaga.” Saway ni Neymi sa mga kaibigan.
“Siguro si Neymi yung panglima mong crush noh?” kiniliti pa ni Verna sa tagiliran si Roxon. “Ano ha? Aamin na yan?”
“Secret. Tara na. Physics na natin!” yaya ni Roxon sa mga kasama. Hinila na nito si Neymi.
“Galing talaga sumegway!” tawanan na naman ang magkakaibigan sa sinabi ni Rowan.


-O-

“Frenship, paturo naman sa Trigo. Hindi ko magets eh. Parang ang gulo ng formula.” Lumapit si Roxon sa kaibigan na kasalukuyang nagrereview para sa kanilang first periodical exam.
“Ganito lang yan oh.” Pinakita ni Neymi kung paano nasolve ang problem.
“Ganun lang pala yon. Thanks ha! Bakit ganun pag ikaw ang nagturo sa akin parang ang dali lang pero pag si Ms. Mitch ang hirap magets.”
“Paano ba naman kasi puro ka drowing.”
“Eh yun na nga eh. Nagdodrowing nalang ako pag di ko maintindihan.”
“Hay nako Frenship. Ewan ko sa’yo.”
“Labas tayo mamaya nila Verna. Maaga naman uwian eh.”
“San ang lakad?”
“Kina Rowan daw. Food trip lang.”
“Okay. Magtitext na lang ako kay Mama. Alam niya kasi na maaga ang uwi natin ngayon.”
-0-

“Ano gusto niyong kainin?” tanong ni Rowan sa mga kasama ng marating nila ang bahay nito.
“Pancit canton nalang.” Sagot ni Verna.
“Sige. Oh, ambagan na. Nakakahiya naman kay Rowan.” Parinig ni Jovey sa mga kasama.
“Sige lang. Sagot ko na nga venue eh.” “Bili lang kami ha!” Nauna ng lumabas si Rowan kasama si Johara.
“Frenship, baka kagatin ka niyan ha.” Birong-babala ni Roxon kay Neymi.
“Hindi noh. Mabait naman siya eh.” Sagot nito na nakatuon ang pansin sa alagang rabbit ni Rowan. “Ang cute-cute niya.”
“Cute lang! Pag cute-cute, ako na yon eh.”
“Kapal ha. Ikaw na! Ikaw ng cute!”
Tawa lang ang  sinagot ni Roxon at kiniliti si Neymi.
Nabitiwan tuloy nito ang rabbit at tumalon ito palayo sa kanya. Sa inis ay hinampas nito sa balikat ang kaibigan.
“Yan tuloy, umalis si Bun-Bun.” Nakalabing turan ni Neymi. Nakatanaw nalang sa rabbit na pumunta kay Jovey.
“Okay lang yun. Nakakaselos na eh.” Natatawa pa rin nitong sagot kay Neymi.
“ Siya na lang kasi alagaan mo.” Sabat ni Jovey sa kulitan ng dalawa.
“May nanay naman siya. Bakit ako pa?” pagdadahilan ni Neymi. “Hindi naman siya kasing cute ni Bun-Bun para alagaan ko noh.” Inirapan pa nito ang kaibigan.
“Okay lang kasi ang gwapo ko naman para maging rabbit lang.” Tuloy pa rin sa asaran ang dalawa.
“Tseh!”
“Ang sweet niyo talaga.” Kinuha ni Jovey ang cellphone at akmang pipicturan ang dalawa, “Bakit ba kasi hindi nalang kayo eh. Magtapatan na nga kayo!”
Napatigil ang dalawa sa pagkukulitan at nagtatakang napatingin ito kay Jovey.
“Say cheese!” sabay click ng shutter mula sa cellphone ni Jovey.
“Anong ipagtatapat?” unang nagsalita si Neymi. Tumingin ito pareho kay Jovey at Roxon.
“O-Oo nga. Anong ipagtatapat?” sagot naman ni Roxon.
“Ewan ko sa inyong dalawa.” Lumabas na si Jovey upang isoli ang rabbit sa kulungan nito.
Dumating na rin sila Rowan, Verna, at Joharra.
“Okay lang kayo? Luto lang ako ha. Kasi nakakahiya naman sa akin, di ba Jovey?” Tango lang ang naging tugon ni Jovey . Dumerecho na si Rowan sa kusina.
-O-
Pagkatapos nilang kumain, nagyaya si Jovey na maglaro ulit sila ng Truth or Consequence.
“Paborito mo yan noh? Ayaw namang umamin ni Rowan eh. Huwag mo na kasing pilitin.” Pambabara ni Roxon sa suhestiyon niya.
“Sus. Puro iwas ka lang kasi.” Sagot ni Jovey dito at kinuha na ang isang bote ng 8 oz, “Game! Ako unang magtatanong ha!.” Pinaikot na nito ang bote. Ang buwena mano, si Neymi. “Ang daya naman Jove! Ako talaga.”
“Paanong madaya? Sino? Yung bote?”sagot nito, “Ito na tanong ko...”
“Teka lang!” pigil ni Neymi sa itatanong ng kaibigan. “Truth kaagad? Hindi ba pwedeng mamili kung truth or consequence muna?”
“Ganito na lang, pag hindi kayang sagutin yung truth, tsaka ka nalang mag consequence.” Suhestiyon ni Verna.
“Ito na tanong ko Neym, Bakit ayaw mo pang umamin?” tumingin ito ng derecho kay Neymi, “Kaya ba wala kang sinasagot sa mga nanliligaw saýo ay dahil sa hinihintay mo si Roxon?” Puro kantiyaw na naman ang inabot nila sa mga kaibigan.
“Kayo talaga!” mahina nitong sinabunutan si Jovey at may binulong. Nangingiti nalang si Jovey habang umiiling.
“Ayoko pa nga talaga magboyfriend. Kulit niyo talaga. Yan nalang yung palagi niyong tinatanong sa akin.”
“Ano yung binulong mo kay Jovey?” si Rowan.
“Sorry. Isang beses lang pwede magtanong. Turn ko na para mag spin.”
-O-

Pag-uwi niya ng bahay,tumunog ang cellphone niya tanda na may nagtext. Natuwa si Neymi nang malamang si Roxon ang nagtext.
“Frenxip, hauz kna?” tanong nito.
“Yup. Kw?”
“Ngllakad pa lng sa street namin.”
“Ah ok.”
“Daya mo kanina ha.”
“Bkt?”
“ung binulong mo ky Jovey.”
“Ah.. yun b? Wla un.”
“Wla lng pla, bkt nid pang ibulong?”
“Girl thing. Babae kb?”
“Edi hindi na.”
-O-

“Frenship, pahiram ng workbook mo sa Physics,” lumapit si Roxon sa kaibigan na kasalukuyang nakikipag daldalan kay Jovey sa tapat ng pintuan ng classroom nila. Natigil sa pag-uusap ang dalawa.
“Nasa bag Rox. Pakikuha nalang.”
“Kelangan talaga diyan kayo nakatambay?”
“Pakelam mo ba? Absent naman si Mrs. Montez ha.” Si Jovey ang sumagot.
  Tumalima naman si Roxon at kinuha nga ang workbook sa bag ni Neymi at bumalik na siya sa upuan niya. Sa mismong pahina kung saan mayroon silang assignment ay may maliit na papel na nakatupi. Out of curiousity, binuksan niya ito at binasa.

Frenxip
,
Kumusta? Habang sinusulat ko ang letter na ito, kasalukuyang ikaw ang nasa isip ko.
Ewan ko ba kung bakit for the past three months na naging mag classmate tayo, sayo ako sobrang napalapit. I tried to move away pero lapit ka ng lapit eh. Lalo lang tuloy akong nahuhulog sa’yo. Yes, you have red it right. Maybe I’m really falling for you na. I don’t know if this is really love. Hindi pa naman ako naiinlove eh. Crush oo. Madami rin akong crush tulad mo and unfortunately isa ka doon. Kaya nga ako lumapit sa’yo nung 2nd day of school eh. Kasi gusto kitang makilala ng lubos. Nagulat nalang ako ng ikuwento mo na sa akin ang buong buhay mo and  then after that naging close na tayo. Sabay kumakain at umuuwi. Magkasama sa galaan at lagi pang natataon na magka groupmate tayo. Is this fate? I don’t know but one thing is for sure, you are my true friend. Lagi mo akong pinoprotektahan at inaalagaan. Kaya ayokong mag boyfriend eh kasi ayokong malayo sa’yo syempre mahahati na ang atensiyon ko. Kung magiging tayo naman, ayoko ring masira ang friendship natin kapag nag break tayo. Kaya nga I’m waiting for the right time, yung maging matured na tayo. To handle a relationship well. At 15, mukhang hindi pa tayo ready para doon. Hay,bakit ba ako nag aasume na ganun din ang feelings mo katulad ng sa akin. Anyway, thank you for always being there don’t worry kasi ganun din ako as your frenxip


Neym


Nagulat si Roxon sa nabasa. Yes, Neymi was right. Pareho lang sila ng nararamdaman. Hindi lang siya makapagtapat dahil natotorpe siya at natatakot na baka umiwas ang kaibigan sa kanya.
-O-

“Neym, may tatanong ako.” Kinuha nito sa kaibigan ang payong at pinayungan ang dalaga. Pauwi na sila at kasalukuyang naglalakad patungo sa Main gate ng paaralan.
“Uhmm..Ano yon? Trigo na naman?”
“Hindi. About this.” Inilabas ni Roxon mula sa bulsa ng kanyang polo ang love letter.
Natigilan si Neymi sa paglalakad bakas ang pagkagulat sa mga mata nito, “Paanong napunta sa’yo yan?” Inagaw nito sa kaibigan ang sulat.
Ngunit hindi binigay ni Roxon. Nakipag-agawan siya dito.
“Akin na yan!”
“Hep! Para sa akin ito di ba? Bakit mo babawiin?”
“Eh, wala naman akong balak ibigay sa’yo yan eh. Akin na!”
Nasa labas na sila ng gate at kasalukuyan nalang na naghihintay ng jeep.
-O-

“Huy! Hindi ka na nagsalita.” Inalog pa ni Roxon ang balikat ni Neymi. Pagsakay nila ng jeep ay tahimik na ito, “Huy, frenship, sorry na kung nabasa ko. Ako rin naman may ipagtatapat sa’yo eh. Naunahan mo lang ako…”
Napatingin si Neymi sa kanyang Friendship.


WAKAS






No comments:

Post a Comment