Pages

Saturday, October 5, 2013

Lorraine



I’m Romy and this is my heartbreaking story. Eighteen ako non at nagtatrabaho sa isang fast food  restaurant. Galing ako sa isang broken family, kaya paggraduate ko ng highschool, nagpasya na akong bumukod. Mahirap kasing kasama ang step mother ko. Pagkaluwas ko ng Maynila, tumira ako sa isang boarding house malapit sa papasukan kong trabaho. Nahihiya na kasi ako sa tita ko kaya naghanap nalang ako ng boarding house after kong matanggap ang unang sahod.
Dito ko nakilala si Lorraine. Nauna lang ako sa kanya ng isang buwan sa pinagtatrabahuhan namin. Isa siyang working student. 2nd year college na siya that time sa isang University.
Nagsimula sa biruan hanggang sa sineryoso ko na ang panliligaw sa kanya dahil single rin naman siya katulad ko. Ang sabi niya sa akin, kagagaling niya lang sa isang relasyon at nag mumove-on pa siya. Niloko kasi siya ng boyfriend niya kaya’t hanggang maaari ay ayaw daw muna niya ang magpaligaw sa iba. Ang sabi ko sa kanya, willing akong maghintay basta hayaan niya lang ako na ligawan siya at laging makasama ay kuntento na ako.
“Romy, baka masaktan ka lang at umasa sa wala. Ayoko pa kasi talagang mag boyfriend eh. Baka pwedeng maging magkaibigan nalang tayo?” sabi niya sa akin minsang kumakain kami after manood ng sine.
“Okay lang Lorraine, hindi naman ako nagmamadali eh. Mahal na kita kaya willing ako maghintay kung kailan ka ulit handa ng magmahal at sana pag dumating ang time na iyon, ako ang piliin mo,” seryoso kong sabi sa kanya.
Sa buong buhay ko ngayon lang ako tinamaan ng ganito. Unang kita ko palang sa kanya nung nag-aaply siya, naagaw na niya ang atensiyon ko. Simple lang naman tulad ng mga karaniwang babae pero somehow, may nakita ako sa kanya that made her stand out from the others. The way she looked at me, para akong nasa alapaap at nakatingin sa isang anghel. Corny na kung corny, pero ito talaga ang nararamdaman ko. Kapag day-off niya ay miss na miss ko na kaagad siya. Kapag day-off ko naman, pumupunta pa rin ako sa trabaho para lang makita siya at maihatid sa bahay nila.
Isa pa sa mga nagawa niya ay napabago niya ako. Natigil ko ang bisyo ko tulad ng paninigarilyo dahil sa kanya. Nagkaroon din ako ng plano para sa future ko. Noon kasi, basta magkatrabaho lang okay na ako. Pero siya, she let me realized na mas maganda pa rin kapag tapos ka ng kolehiyo, mas malaki ang chance na umasenso ang buhay mo.
Paglipas ng limang buwan ay sinagot rin niya ako at sobrang saya ko talaga! Talo ko pa ang nanalo sa lotto. Halos araw araw kaming magkasama at sa kanya lang talaga umikot ang mundo ko. Pagdating niya ng third year college ay tumigil na siya pagtatrabaho at nagfocus nalang siya sa pag-aaral. Bumaba daw kasi ang mga grades niya ng magtrabaho siya. Dahil sa puyat at pagod hindi na siya masyadong nakakapag-aral. Ang balak ko naman sa susunod na pasukan ay mag-eenrol na rin ako sa Univesity na pinapasukan niya.
 Simula ng hindi na siya nagtatrabaho ay naging madalang na ang pagkikita namin. Sa tuwing aayain ko siyang lumabas parati niyang sinasabi na busy siya sa mga school projects, researches o mga assignments. Lumilipas ang ilang linggo na hindi kami nagkikita kapag may time ako o di kaya ay rest day ko, sinusubukan ko siyang sunduin sa eskwelahan niya pero halatang iniiwasan niya ako o ayaw makasama. Bigla na lang siyang sasakay ng jeep kasama ng mga kaibigan niya at iiwan ako. Umuwi na raw ako. Hindi ko maiwasan ang magduda.
Hanggang isang araw, tinext ako ng bestfriend niya. Tigilan ko na daw si Lorraine, may bago na daw itong boyfriend at nahihiyang sabihin sa kanya kaya pinapasabi nalang niya na break na daw sila.
Ayokong maniwala sa text ng bestfriend niya. Kaya matiyaga akong humanap ng pagkakataon na makausap si Lorraine ng personal. Hinintay ko siya paglabas ng University niya.  Dalawa ang gate sa University nila, isa sa likod at isa sa harap. Kapag sa harap ako nag-aabang, ay sa likod naman siya dumadaan, hindi ko siya matiyempuhan.
Humingi ako ng tulong sa bestfriend niya na ipagmeet kami kahit sa huling pagkakataon lang at pumayag naman ito.
“Tayo pa ba?” bungad kong tanong kay Lorraine.
“Sorry, Romy pero may iba na akong mahal.” Parang bombang sumabog ito sa mukha ko. Ang babaeng pinakamamahal ko, may iba ng mahal.
“May nagawa ba akong mali? Na hindi mo nagustuhan?” umiiyak kong tanong sa kanya.
“Wala kang kasalanan. Ako ang nagkamali. All this time, niloloko ko lang ang sarili ko, niloloko kita. Hindi pala kita mahal, sorry Rom.”
Ang sakit ng mga narinig ko. Tumalikod na ako sa kanya at sumakay ng jeep.
Dapat pala hindi ko binuhos lahat ng pagmamahal ko sa kanya. At sana rin hindi ako nagtiwala ng husto.  Masyado akong nabulag ng pagmamahal ko sa kanya kaya’t hindi ko nakita na hindi naman pala niya ako mahal.
Lorraine, kung nasaan ka man ngayon sana ay masaya ka. Nagpapasalamat pa rin ako sa inspirasyon na binigay mo sa akin. Dahil sa’yo nagkaroon ng direksiyon ang buhay ko. Salamat at mahal na mahal pa rin kita.




No comments:

Post a Comment