#𝗡𝗮𝗻𝗼𝘄𝗿𝗶𝗺𝗼𝗯𝘆8𝗟𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿𝘀 #𝗡𝗮𝗻𝗼8𝗟 #𝗡𝗼𝘃𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝗵𝗮𝗹𝗹𝗲𝗻𝗴𝗲8𝗟
#FindingEmhara
Finding Emhara: Unsent Letters For My Love
Chapter 6 – Unsent Letter # 6
Date: April 16, 1997
Dear
Emhara,
It’s me
again writing to you.
First of
all, I want to greet you a Congratulations!
Sa kabila
ng lahat ng pinagdaanan mo last year up to this year ay nagawa mo’ng magtapos
ng high school.
Life has
been harsh on you.
Life
hurt you.
But here
you are, still standing and moving on to the next chapter of your life.
Hindi
man dumating si Papa sa graduation mo, ang mahalaga ay masayang-masaya kayo ni
Mama.
She even
treated you to Star City at sobrang na-enjoy ninyo ang araw na ‘yon. You
enjoyed some rides with your mom. Saglit ninyong nakalimutan lahat ng
pinagdadaanan ninyo sa buhay at para kang bumalik sa pagkabata kung saan wala
kang pinoproblema. Those were the days when you are just excited for all your ‘family
day’.
Pero ngayon,
si Mama na lang ang pamilya mo.
At pati
na rin ang mga kaibigan mo. Buti na lang dumami ang tropa mo.
You had
a wonderful and colorful high school life! Na-extend pa nga ng isang taon dahil
sa mga kagagahan mo.
Ang dami
mong naranasan, mixed of happy ones and wild ones but all those things are
memorable and above all, you enjoyed your senior high.
Buti na
lang matalino ka. (Yabang ko!)
You were
able to cope up with your missed lessons.
Puro ka
bulakbol. Naging laman ka ng billiard halls at nagpapanggap ka pang 19 para
lang makapasok sa mga disco house.
But God
is good dahil nakatapos ka pa rin.
You have
realized something last Christmas when you saw your mom crying over your
pending bills. Ang dami ninyong disconnection notice. It was your second
loneliest Christmas together na kayong dalawa lang, but you have learned to get
up and moved on.
It’s better
to have a good revenge – you reminded yourself. Magtatapos ka ng pag-aaral at magpapakayaman
ka.
You will
prove to everyone na kaya niyong mabuhay at tumayo sa sarili ninyong mga paa.
You don’t need any support from your – (ayoko na lang magsalita nang hindi
maganda. I still have some respect left for him).
Thanks to
your school projects na nahabol mo, (you should thank your considerate subject teachers)
and exams na naipasa mo naman.
Kung
hindi ka naghabol ay baka extended ka na naman sa high school.
Yung mga
ka-batch mo noon, college na sila ngayon. But all is well, ang mahalaga ngayon
ay makakatungtong ka na rin ng kolehiyo. Hindi ka mag-nu-Nursing. You started
to hate that course.
You can
take Tourism or Business Management. Bahala na kung saan makapasa.
You should
also thank Addie.
He has
become your guardian angel.
Kahit ang
dami mong ginagawang kalokohan, he was still there to remind and to guide you.
Madalas man kayong mag-away dahil sa mga bagay-bagay na hindi ninyo
napagkakasunduan, nanatili siyang kakampi para sa’yo. Nanatili siyang isang
mabuting kaibigan na ang tanging hangad lamang ay mapabuti ka. But you were too
blinded to see that before. Binulag ka ng galit sa dibdib mo.
Magsi-second
year college na rin pala siya as an Archi student.
Unti-unti
ay lumalawak na rin ang pagitan ng mga mundo ninyo. Iba na ang set of friends
niya.
Ganun ka
rin.
Akala mo
noon, siya na ang Mr. Right para sa’yo.
Pero hindi
pala.
You have
realized na mas okay kayo as friends lang talaga. Magkababata, magkalaro,
magkapitbahay. But more than that? Wala na. Hanggang doon na lang ang kwento ninyo.
Good luck
on your college life, Emhara! Bumawi ka!
Pero
okay lang naman mag-happy hour pa rin paminsan-minsan to distress. Masarap pa
rin kapiling ang alak at yosi sa mga panahong nilalamon ka ng galit, naguguluhan,
pagsisisi at kalungkutan.
Maraming
tanong pa rin ang hindi nasasagot.
Pero
ayos lang. Tuloy lang ang buhay.
Your friends
are also still there to be with you when you feel lonely.
Sana
tuluyan ka nang maging masaya.
Hindi man
ngayon, pero sana malapit na.
You deserve
to be happy again, to live as a whole again… even when a big chunk of your life
(almost half) was already lost and will never return home.
Sarili
mo ang sandigan mo, Emhara.
Wala ng
iba.
(end of unsent
letter #5)
-0-0-0-0-0-0-
“NAG-rebelde
pala siya.” Ito ang naging komento ni Saljie matapos nilang basahin ni Aleia
ang ika-limang sulat. “Buti na lang at naagapan niya ang studies niya. Pero
medyo nalungkot rin ako sa part na hanggang friends na lang sila ni Addie para
sa kanya.”
‘Oo nga.’ Sa
isip-isip ni Aleia ay may punto ang lalaki. Sayang ang love story ni Emhara at
Addie. Mukhang nauwi sa friendzone dahil sa mga pinagdaanan ni Emhara. Maybe it
was a right love at the wrong time.
But nobody
could tell. It could still be a puppy love and not all puppy love lasts for a
lifetime.
Mas masakit pa rin ang sinapit ng first love
ni Emhara.
“Hindi
natin siya masisisi. Her first love – which was her father, left them without
any valid reason,” Depensa ni Aleia dito. “Her perfect life was ruined. Sinira
ng sarili niyang ama.” She even felt sad for Emhara. And she’s grateful for
having her dad around. She appreciated him more.
Tila nag-iisip
si Saljie. Hawak-hawak pa nito ang baba, “Pero ang naiisip kong valid reason ng
Papa niya ay baka hindi na ito masaya sa kanila.”
“Ano ang
dahilan bakit hindi na siya masaya?! It’s his own family for God’s sake!” Medyo
hysterical na si Aleia sa part na ‘to. Ewan ba niya pero parang laging dinudurog
ang puso niya sa tuwing makakatapos siyang magbasa ng isang liham.
Kaya nga
hindi niya tinutuloy-tuloy ng isang araw lang ang pagbabasa ng mga iyon dahil
baka hindi niya kayanin. Bakit ng aba sobra siyang apektado sa mga sulat? Pakiramdam
niya ay kasama siya sa loob ng mundo ni Emhara. Ramdam niya ang mga sakit at
pait sa mga isinusulat nito. Para siyang isang sponge na na-aabsorb lahat ng emosyon
sa bawat liham na binabasa niya. Masyado na siyang invested emotionally dito sa
mga unsent letters ni Emhara.
“Kalma lang.
Hindi ako kaaway.” Buti pa si Saljie, kalmadong inaawat ang mataas niyang emosyon.
“Breathe in, breathe out.”
Kumalma nga
si Aleia kahit konti. Huminga siya nang malalim at pagkatapos ay kumuha siya ng
tissue at suminga. “Sorry na. Na-carried away na naman ako. Ito kasing si
Emhara, ang daming drama sa mga sulat niya.”
No comments:
Post a Comment