Sunday, November 12, 2023

Finding Emhara (Day 12/30 of #NaNoWriMo Challenge 2023)

#𝗡𝗮𝗻𝗼𝘄𝗿𝗶𝗺𝗼𝗯𝘆8𝗟𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿𝘀 #𝗡𝗮𝗻𝗼8𝗟 #𝗡𝗼𝘃𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝗵𝗮𝗹𝗹𝗲𝗻𝗴𝗲8𝗟

#FindingEmhara

Finding Emhara: Unsent Letters For My Love


Chapter #12 – Unsent Letter #12

Date: March 15, 2006

 

(A Letter to My Lost Self)

 

Dearest Emhara,

 

It’s been a year since your heart was broken again.

And yet here you are, at the age of 26, still feeling at lost.

For the past year that you were moving on, you’ve been to different places.

You indulged yourself with travelling, trying to find of what was lost in your life.

 

Freedom.

This is what you’re trying to prove.

Malaya ka na nga ba?

Malaya mula sa nakaraan ng kahapon, sa mga sakit na naranasan mo noon, sa mga kabiguan, sa mga pagmamahal na ibinuhos mo para sa mga maling tao.

Masaya ka na ba?

I don’t think so.

Because if yes, you will not feel lost at certain times like this.

Oo nga at masaya ka sa bawat bagong lugar na mga napupuntahan mo pero bakit parang may kulang pa rin?

There’s a hole inside you that still cannot be filled in. Because it’s an empty hole – buttonless, full of shit, darkness and nothingness.

Ano ba’ng balak mo sa buhay mo?

Bakit paminsan-minsan ay dinadalaw ka pa rin ng matinding kalungkutan?

Masaya ka kapag kasama mo ang mga taong malalapit sa’yo pero kapag nag-iisa ka ay parang ang dilim-dilim ng paligid mo.

Pero masaya ka nga ba talaga?

Bakit pakiramdam mo ay walang direksyon ang buhay mo?

Nagsasawa ka na bang mabuhay?

 

It’s been a year.

Mahal mo pa ba siya?

Siguro oo. Pero tanggap mo nang hindi na kayo magkakabalikan pa.

Baka masaya na siya sa piling ng iba.

Kaya ikaw, piliin mo na rin ang maging masaya talaga kahit mag-isa ka lang sa buhay.

Hindi mo kailangan ng lalaki sa buhay mo.

Kaya mo. Kakayanin mo.

Kung kaloob ng Diyos na mamuhay ka nang mag-isa ay ayos lang.

Ang mahalaga ay matupad mo ang mga pangarap mo.

Mag-focus ka please sa mga bagay na meron ka.

You still have a bucket list to check all the things you’ve put in there.

You have a great career that you should focus on.

You still have a lot of new places to go to.

Hayaan mo na siya.

Huwag mo na siyang isipin.

 

Siguro nga, deep inside, you are still hoping that someone out there is truly meant for you. Nagbabakasakali ka na darating din ang tunay na ‘The One’ sa  buhay mo.

Baka na-traffic lang siya sa Edsa.

Pero balang-araw ay darating din siya upang makasama mo hanggang sa pagtanda mo.

For the meantime while still waiting for him, maging masaya ka muna nang mag-isa.

Work on yourself.

Improve your weaknesses, fill in where you’re lacking.

Kaya mo ‘yan.

Huwag ka nang malungkot.

Tama na ang kaka-feeling lost.

Deserve mo rin ang maging masaya.

So go out there and celebrate your first year of freedom.

You have friends who’s always there for you.

Puntahan mo na sila.

Kailangan mo sila as much as kailangan ka rin nila.

You will always be a good friend to your friends and that’s one thing I am so proud of you.

 

Love yourself more,

Emhara.


No comments:

Post a Comment