May 28, 2019
Bakit kaya sa tuwing iniiwan tayo ng
mga mahal natin upang ipagpalit sa iba ay dumadating tayo sa punto na sarili
natin ang ating sinisisi?
Ano ba'ng mali ang nagawa ko?
Saan ba ako nagkulang?
May nasabi ba ako?
Pangit ba ako?
Kapalit-palit ba ako?
May hindi ba ako nagawa?
Bakit kaya pilit nating inaalam kung
ano ang mali, kung ano ang dahilan kung bakit tayo iniiwan?
Pero kapag nalaman naman natin ang
sagot ay wala pa rin namang nababago.
Iniwan pa rin tayo.
Ipinagpalit pa rin tayo.
Paraan nga ba natin ito upang
makausad na tayo sa buhay at matuto sa mga naging pagkakamali ng kahapon?
O trip lang talaga nating mas saktan
pa ang mga sarili natin sa lahat ng mga negatibong isipin na ating ibinabalot
sa buong pagkatao natin?
Siguro nga may mga mali tayong
nagawa, o may mga hindi tayo nagawa para tayo iwan.
Pero kahit kailan ay hindi naging
sapat na dahilan iyon upang iwan tayo.
Walang mali sa atin. Sadyang sa mga
nang-iwan, hindi lang sila nakuntento, hindi tayo natanggap o mas pinili lang
talaga nila ang ibang tao, bagay o pagkakataon kesa sa atin.
Desisyon nila iyon. Pinanindigan
lang nila.
Kaya sa'yo, sa akin, sa ating lahat
na iniwan, hayaan at tanggapin na lang.
Darating din ang tamang tao para sa
atin.
Na kahit kailan
ay hindi hahanap ng
dahilan
para tayo ay iwan.
No comments:
Post a Comment