Ikaw
ang nagmulat sa akin ng salitang “Pagpili”.
Minahal
kita dahil sinubukan kong piliin ka at pinili kita upang manatili sa buhay ko.
Ikaw
rin ang naturo sa akin ng salitang “Sugal” dahil kahit pakiramdam ko noon ay
hindi pa ako handa ay sige lang at lumaban pa rin ako kahit walang
kasiguraduhan na mananalo tayo.
Ikaw
ang nagmulat sa akin ng salitang “Pagtanggap”.
Nanatili
tayo sa isa’t isa at buong pusong tinanggap ang kahinaan ng bawat isa.
Maraming
pagsubok ang literal na sumubok sa pagsasamang mayroon tayo.
Ilang
beses na rin nating muntikan piliin ang salitang “Pagsuko” pero nanindigan tayo
at kumapit sa salitang “Pakatatag”.
Makalipas
ang limang taong pagsasama ay pinili nating maghiwalay pansamantala upang
mapaganda ang kinabukasan. Nag-aral ka habang ako naman ay patuloy na hinaharap
ang tunay na laban ng buhay – ang pagkayod para sa pamilya.
Hindi
madali ang mahiwalay sa’yo ng dalawang taon ngunit kinaya natin ‘yon.
Natutunan
natin ang salitang “Sakripisyo” pati na rin ang salitang “Pagtitiis” para sa
mas maalwang buhay at mas maliwanag na bukas.
Maraming
gabi ang kausap ka sa telepono habang umiiyak ako.
Muli
ring sumasagi sa ating mga isip ang “Pagsuko”.
Pero
hindi tayo nagpatinag at muli tayong nagkasamang muli.
Masaya
naman tayo. May mga plano na nga tayong nabuo.
Pero
nagpatinag ka sa salitang, “Tukso” at pinili mo ng talaga ang salitang, “Pagsuko”.
Ipinagpalit
mo ang pitong taon nating pagsasama para sa taong tatlong buwan mo pa lamang
nakikilala.
Ipinamukha
mo sa akin na sa atin ay hindi ka na masaya at sa inyo ay mas magiging masaya
ka.
Kaya
sige, pinalaya kita.
Hindi
naging madali. Sobrang sakit. Parang biniyak at binasag sa maraming piraso ang
puso ko na buong-buo ang naging tiwala sa’yo.
Nadapa
man, nasugatan pero pinilit parin maging matatag kahit sobrang hirap.
Dito
ko natutunan ang salitang, “Pagbangon”.
Nahanap
ang sarili, ginawa ang mga bagay-bagay na pangarap ko lang noon.
Ang
dami ko pang mga natutunan. Salamat sa pananakit sa akin dahil marami pa palang
maihahain ang mundo sa akin, sa atin.
Mabilis
na lumipas ang panahon at sa wakas ay naranasan ko rin ang salitang, “Paghilom”.
Mas
minahal ang sarili at mas maraming lugar ang napuntahan, mga bagay na nagawa
nang mag-isa.
Mas
maraming bagong tao ang nakilala at naging kaibigan.
Hindi
naman pala tama na sa iisang tao lang paiikutin ang daigdig.
Masaya
na rin akong naghihintay para sa tamang taong darating para sa akin.
Kahit kailan
mula nang maghiwalay tayo ay hindi na kita ginambala pa.
Pero
ikaw ang nagpahiwatig sa akin ng salitang “Pagbabalik”.
Pati
salitang “Ikalawang Pagkakataon” ay hiningi mo kasabay ng buong pusong paghingi
ng tawad.
Naniwala
ako sa dalawang salitang ‘yon at muli kong inangkin ang salitang, “Pagsugal.”
Muli
ka ngang hinayaan na bumalik sa buhay ko.
Sana
lang, sana lang talaga ay huwag mo nang sasayangin ang ikalawa at huling
pagkakataon na ito.
Sa
totoo lang ay puno pa rin ng takot ang puso ko na baka maulit lang ang nakaraan
pero sana , sana, sana, ay tama na ang desisyon nating ito.
Mahal
pa rin kita, pinipili pa rin kita.
Masaya
ako kapag kasama kita.
At
hindi ako kailanman magsisisi sa ibinigay nating panahon at muling pagkakataon
para sa isa’t isa.
Kaya
Mahal, sana, sana lang talaga, ay tayo na talaga hanggang sa huli.
Wala mang kasiguraduhan ang lahat ay patuloy na ipagdarasal na sana ay tayo nga talaga ang inilaan para sa isa't isa ng Maykapal.
'I cried after reading this letter of you. The feelings i had for my honey is still here,still alive.i also hope that one of this days magparamdam sya.just want to tell here am still waiting for her...di ko na naranasan ang saya at ganda ng buhay mula ng lumisan sya. I really memorized every music heard that fit to our love story....mahal na mahal ko kasi sya.mas lalo ko minahal mga luma awitin na alam ko ma appreciate nya.am old enough but my feelings remain the same.ang daming SANA na gusto ko sabihin at ipaalam sa kanya......i pray everyday that before i finally close my eyes ay masabi ko at maipadama sa kanya mga salitang dati ay kinulang at kulang ako during our days...i miss you honey/tears flowing down on my face as i write this letter/comment for her....
ReplyDelete