Ano bang bago sa muling magluluksa ang pusong muli na namang
namatay?
Ano bang bago para sa akin, ang muling madurog ang pusong
umasa na tuluyan nang liligaya?
Hindi ka pa ba tapos lumuha?
Hungkag na pakiramdam.
Lutang, nakatulala sa kawalan.
Nakangiti sa labas pero sa loob ay may malalim na
dinaramdam.
Masakit, mapait, mahirap, hindi na naman alam ang gagawin.
Heto na naman tayo, may madilim na ulap muli sa paligid.
Pero sa bandang huli…kakayanin!
Bakit nga ba hindi tayo natututo?
Bakit nga ba hindi tayo nadadala?
Bakit ba hinahayaan pa rin natin ang mga sarili natin na
masaktan kahit na napagdaanan naman na natin yon?
Nagmahal, nasaktan, natuto, bumangon, Magmamahal ulit,
muling sasaya,pero sa kalaunan ay masasaktan din ulit.
Ang tanga lang talaga ng mundo!
Hindi pala, kundi ng mga taong nakatira dito.
Hanggang kailan tayo dapat masaktan?
Hanggang sa patuloy tayong nagmamahal?
Eh di mas mabuti pang huwag nalang magmahal ulit.
Kailanman ay hindi mauubos ang mga salitang pwedeng bigkasin
na tutumbas sa lahat ng nararamdaman natin.
Patuloy na magmamahal, patuloy na masasaktan, patuloy na
babangon para mabuhay.
Sanayan lang ‘yan.
Kung nasasaktan man tayo ngayon, pasasaan ba’t gaya ng dati
ay muli rin naman tayong sasaya, mawawala ang pait at muling aasa sa isang
panibagong buhay at bukas na naghihintay.
Masakit man ngayon, pero….sanayan lang yan.
Katulad ng dati…kakayanin!
Wuuu cheer up!!!pareho po tau mga tanong sa ating sarili!pero tau rin naman ang sumasagot....tama ka po sanayan lang yan! kala ko dati end of the world na nong mawala sya sa kin.di pa pala.dahil sa ambisyon ko na muli sya bumalik naayos ang buhay ko! tnx to my ex! i fixed everything kasi kala ko nag lie low lang sya.di pala...sanayan lang.isipin mo lahat na masama ginawa nya at wala sya kwenta kausap! at wala palabra de honor! am sure di nya alam ang ibig sabihin ng salitang un! (text mo na lang sya and explain the legal and consequence if palabra de honor does not perform.as i see it mejo well versed ka naman at matalino kasi base on your writings here).anyway tama ka po sanayan lang yan.it happened to me nong masanay ako na wala sya nawala na rin feelings ko sa kanya.may kirot pero in due time everything will be rewarded...there's a lot of opportunity pala sa tin waiting ahead of us!!! Take my adviced diwata and it will guide you! magmahal ka muli and am sure maging makulay ulit ang mundo mo!
ReplyDeleteWuuu cheer up!!!pareho po tau mga tanong sa ating sarili!pero tau rin naman ang sumasagot....tama ka po sanayan lang yan! kala ko dati end of the world na nong mawala sya sa kin.di pa pala.dahil sa ambisyon ko na muli sya bumalik naayos ang buhay ko! tnx to my ex! i fixed everything kasi kala ko nag lie low lang sya.di pala...sanayan lang.isipin mo lahat na masama ginawa nya at wala sya kwenta kausap! at wala palabra de honor! am sure di nya alam ang ibig sabihin ng salitang un! (text mo na lang sya and explain the legal and consequence if palabra de honor does not perform.as i see it mejo well versed ka naman at matalino kasi base on your writings here).anyway tama ka po sanayan lang yan.it happened to me nong masanay ako na wala sya nawala na rin feelings ko sa kanya.may kirot pero in due time everything will be rewarded...there's a lot of opportunity pala sa tin waiting ahead of us!!! Take my adviced diwata and it will guide you! magmahal ka muli and am sure maging makulay ulit ang mundo mo!
ReplyDelete