Saturday, October 6, 2018

Mga Bagay na Hindi Kayang Sabihin




Ikaw ang kahapon na pilit kinakalimutan pero ikaw rin ang nakaraan na paulit-ulit binabalikan.
Maraming tanong na walang sagot ang naiwan, maraming galit ang nanaig, maraming pait siguro ay nanatili.

Akala kasi noon na ikaw ang itinadhana at ikaw na talaga ang inilaan.
Pero guni-guni lang pala at hindi naman pala talaga, dahil iba naman pala talaga ang hinahangad ng puso mong mailap, naduwag at umatras sa sugal ng pag-ibig. 

Natakot ka nang walang sapat na basehan.
Nabahag ang buntot matapos paniwalain ang pusong nangarap na mapabuklod sa'yo.
Nang-iwan ka sa kawalan, nangapa ako sa kadiliman, nanaig ang pagiging talunan, parang naging baliw sa daan, paulit-ulit na binibigkas ang lahat ng bagay na patungkol sa'yo, patungkol sa katangahan, patungkol sa pagkagalit sa mundong punong-puno ng mga duwag at manlolokong kagaya mo.

Sinisi pa ang sarili baka kasi nasa akin naman talaga ang mali. Ngunit hindi pa rin eh. Bakit hindi mo sinabi? Baka sakaling naitama at nabigyan ng linaw ang lahat ng agam-agam. Baka sakali rin na nagkaroon ng linaw ang lahat ng pinakamalabo pa sa malabong mga sapantaha mo.

Huli na ang lahat nang malaman ang tunay na dahilan. Nakakagag* lang din dahil nagawan sana ng paraan. Hindi ka soloista. Hindi ka isla. Nandito sana ako para may makasama kang lumutas ng mga problemang sarili mo lang naman ang gumagawa.
Ang simple lang kasi sana ng buhay, pinapakomplika lang natin. 
Pero wala na, tapos na, huli na para magsisihan pa.

Magkaayos man sa dulo, pagkakaibigan nalang ang mailalaan para sa'yo. Hindi madali pero susubukan. Burahin ang lahat ng pait at maging masaya na lamang.



Marami pa sana akong gustong sabihin pero kagaya nga ng naging kwento natin, hanggang dito na lang.

2 comments:

  1. The feeling is mutual.i waited for so long.ten years is not easy.i sacrificed a lot and most especially i dream a lot for us.but i realized later thats all a nightmare part of my life.until time and circumstances intervened.i noticed that i left alone in this journey.masakit pero kailangan ko ng kusang lumisan at kalimutan ang lahat.masyado ng mabigat ang aking dinadala ng dahil sa inaakala kong FOREVER.palubog na ang araw sa aking buhay at kailangan ko ng kasabay sa aking paglalakbay.ang kasama kong hinihintay ay tila nakalimot na at di na magbabalik.masakit mang lumisan dahil sa may binitawan akong salita ng paghihintay pero wala akong bakas ng palatandaan ng pagbabalik kaya masakit man ay kailangan ko ng lumisan at para din palayain ang damdamin at puso kong pagal sa matagal na paghihintay.masakit man at may panghihinayang pero mahaba na ang aking ginugol at oras na sinayang sa paghihintay.salamat na lang kung talagang ako'y iyong minahal.the feeling is mutual.di kita kailanman makakalimutan habang ako ay nabubuhay.

    ReplyDelete
  2. "at ang isang pinakamabigat na dahilan ay halos tatakasan na ako ng aking katinuan ng dahil sa pangungulila ko ....mahirap man at masakit dayain ang sarili at alam kong ako ang talo dito ay un lang ang alam kong gamot sa aking dinaranas na karamdaman ang ibaling sa iba ang atensyon na sana ay para lang sau.nagbabakasakali na bigyan din ako at palitan ng pagmamahal kung anuman ang kaya kong ibigay .dahil alam ko sa yugto na ito ng buhay ko di na ako dapat magkamali pa ng mamahalin.di gaya sa aking minahal ng lubos akala ko ay ginto un pala ay tanso.

    ReplyDelete