Tuesday, March 13, 2018

13th of March





March 13, 2018
Written by: CieloAmethyst





March 13, 2015
10 p.m.
Friday
Somewhere in Metro Manila

My world collapsed.


Three years ago when you chose to break my heart.
All the while, akala ko okay tayo.
Akala ko hindi mo ako kayang iwan, saktan at ipagpalit sa iba.
Akala ko tipikal lang na magkakaaway tayo, magkakabati, mag-aaway ulit.
Pero hindi pala.
Hindi mo na pala ako mahal.
May iba ka na.
At matagal mo nang balak na hiwalayan ako.
Wala ka na palang ibang nakikita sa akin kundi ang mga pagkakamali ko.
Wala ka na palang nararamdaman para sa akin.
Kaya mo palang itapon lahat ng pinagsamahan natin.
Kasi hindi ka na masaya.
Kasi nagsawa ka na.
Kasi masaya ka na sa iba.

“Maghiwalay na tayo. Sana kayanin mo.”
Yan lang ang mga sinabi mo.
Pero sobrang nawasak ang mundo ko.
Pinagtangkaan ko pa nga ang sarili kong buhay.
Wala eh, tanga eh.

Umiyak ako nang sobrang lakas habang kausap ka kasi hindi ko matanggap,
Hindi ko maunawaan.
Hindi ko kaya nang wala ka.
Hindi ko kayang iwan ka.
Wala eh, masyadong mahal kita.

Sinubukan ko pa ngang makipagkasundo sa’yo.
Na lahat ng gusto mo gagawin ko
Wag mo lang akong iwan.
Pero nabato na ang puso mo
At buo na ang desisyon mo

Na hiwalayan ako at wala na akong ibang magagawa kundi ang sumunod nalang sa gusto mo.
Humingi ka ng panahon para makapag-isip isip.
Pero naisip ko rin na huwag na.
Huwag mo nang pag-isipan
Kung sa huli, ay hindi mo naman na talaga ako mahal.
Huwag na nating ipilit pa at baka mas lalo lang na magkasakitan pa tayo.

Tatlong taon na nga ang lumipas pero sa tuwing naaalala ko ang araw na iyon,
Ay masakit pa rin pala, nasasaktan pa rin ako
Ano nga bang matinding kamalian ang nagawa ko noon
Para piliin mong iwanan ako.
May naging malaki nga ba akong kasalanan, pagkukulang?
O sadyang, yung pagibig mo sa akin, nawala lang talaga nang tuluyan.

May kirot pa rin sa dibdib
Sa tuwing sasariwain ko kang madugong kahapon
Pero mabuti na lang at sa kasabay na paglipas ng panahon,
Ang mga sugat ay naghihilom.
Alaala nalang ang mahapdi.
Pero hindi na muling sasakit pa ang mga mata
At patuloy na luluha.
Ngiti nalang at ngiti
Wala nang iba pa.

Wala na ang pait.
Tamis na lamang ng mga aral na napulot mula sa tatlong taon na nakalipas.
Ganun talaga ang buhay.
Kasama sa paglalakbay ang madapa, masaktan, pero babangong muli upang maging masaya at patuloy na lalaban.

Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang ipinupunto ng sulating ito.
Gusto ko lang siguro alalahanin ang isang araw sa buhay ko na nagturo sa akin para maging mas matapang, mas matatag at magawa ang mga bagay na akala ko noon ay hindi ko kaya. Marami pa pala akong mararanasan na siyang bubuo sa pagkatao ko. Marami pa pala akong lugar na kayang puntahan nang mag-isa o may kasamang iba habang nananatili akong masaya.

Salamat sa araw na ito, dahil nagising ako sa katotohanang, marami pang bagay ang hihigit sa isang bigong pag-ibig.



1 comment:

  1. Love is always there.my love for her never fade.my life everyday is not complete without remisnicing our sweet moments together during our happy days.its been years were not together but because of the love i have for her makes me inspired everyday to work hard and pursue my goal again.as of now im still waiting for her to give me chance to rectify my mistakes and face the altar together.

    ReplyDelete