(Tulang isinulat ni CieloAmethyst)
Sa pagmamahal ko sa’yo ay ibinuhos ko ang lahat,
Walang itinira sa sarili at naging tapat.
Sa iyo pinaikot ang buong mundo ko,
kahit pa nga sa pagmamahal mo ay hindi ako
sigurado.
Sa pag-ibig mo na parang kay labo,
tinalo pa ang malamig na tubig sa poso.
Walang pag-aalinlangan na ikaw ay minahal ko,
lugi man ay walang-wala ang paki ko.
Ganun naman talaga ang pagmamahal, hindi ba?
Walang hihingiing kapalit basta masaya ka.
Ang iyong mga ngiti ang bumubuhay sa aking dugo,
Ang iyong presensya, sa aking mismong buhay ang
siyang pumupuno.
Minahal kita, mahal kita, minamahal at mamahalin
pa,
Ikaw at ikaw lang wala nang iba pa.
Mga pagkakataon na tayo’y magkasama,
ang turing doon ay paraiso sa lupa.
Hindi man ako sigurado sa tunay na nilalaman,
ng iyong abang puso na ikaw lamang ang may alam,
Magpakailanman ay patuloy kitang iibigin.
Manalo man o matalo sa laban na ang tawag ay
pag-ibig.
Sigurado naman akong ikaw ang aking daigdig.
No comments:
Post a Comment