Tuesday, August 25, 2015

Baliw na Blog Post

Cielo: Kumusta ka naman, friend?
Friend: Ayos naman ako.
 Cielo: Eh ang puso mo, kumusta?
 Friend: Ayos lang din ang puso ko. Matagal nang nakalaya mula sa isang pangyayari na naging daan sa maraming pagbabago sa buhay ko.
 Cielo: Masaya ako para sa'yo.
 Friend: Salamat. Natutunan ko na rin ang magpatawad at tanggapin ang mga bagay bagay. Minsan talaga, may mga taong darating sa buhay natin hindi para makasama natin habambuhay kundi para dumaan lang at turuan tayo ng maraming leksyon.
 Cielo: Tulad ng?
Friend: Magmahal ng wagas. Yung klase ng pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Yung buong-buo. Yung walang hinihinging kapalit. Pero nakakapagod rin pala ang magmahal ng ibang tao. Kaya kalaunan, natutunan ko rin ang mahalin ang sarili ko. Yung sasabihin mo nalang na, 'Awat na. Ibinigay mo na ang lahat, this time, sarili mo naman ang pasayahin mo.'
Cielo: Wow, ang lalim ng hugot mo friend.
Friend: Alam mo yan.
 Cielo: Oh, tapos?
 Friend: Ayun, these past few days, I started to build myself again. Gawin ang mga bagay na gustong gusto kong gawin noon.
Cielo: Like?
 Friend: Joining some orgs., writing more stories, go places, buy the things I ever wanted for myself before, and meeting new people as well as gaining new friends! Ang saya 'di ba? Pakiramdam ko lately, I'm starting to get out of the box called comfort zone. Marami akong mga bagay na sinusubukang gawin ngayon.... ng mag-isa. Ang sarap palang maging single ulit! After a long time, feeling ko isa na akong ibon ngayon na unti-unting tumataas ang lipad at marami pang lugar na gustong lakbayin. Pati na ang langit. I want to go above the clouds!
Cielo: Nakakatuwa ka namang tignan ngayon, friend. Parang dati lang basag na basag ka. Laging umiiyak, nag-ra-rant, nagdadrama at laging inaalala ang mga nakaraan ninyo. You even went to self pity and self-deprivation. At nagkaroon ka rin ng suicidal mindset. Hahaha! Ang baliw mo lang dati, friend.
 Friend: Hoy Cielo! Past is past. Mag-move on ka na. Ako nga naka fast forward na eh. Haha. Dati iyon noh. Awat na!
 Cielo: Kaya nga sabi ko dati di ba? Dati.
Friend: Huwag mo na nga kasing ungkatin ang nakaraan. Ang mahalaga na ngayon ay ang kasalukuyan pati na ang hinaharap.
Cielo: Wala kang hinaharap, friend. 32-B lang yan. Hahaha!
Friend: Hoy! Kanina ka pa nangbabasag ah! Yung totoo, kaibigan ba talaga kita?
Cielo: Hindi, hindi. Hindi mo ako kaibigan,FRIEND. Ako ang iyong konsensya. Kaloka to! Kaya nga "friend". Ganun talaga kapag kaibigan, kailangang magsabi ng katotohanan. Hehehe. Back to the topic, so masaya ka naman ba ngayon?
 Friend: Oo naman, super! As in! Kasi finally, nagagawa ko na yung mga nasa bucket list ko and I can also feel that everything is being on its proper place. Kaya sobrang saya ko lang talaga. Good thing is, hindi lang pala sa opposite sex matatagpuan ang kasiyahan ng isang tao. Alam mo naman ako dati di ba? Masyado kong dinepende ang buhay ko sa kanya kaya marami akong nalampasan. Pero ngayon, nakikita ko na silang lahat at masaya ako dahil sa maraming bagay sa paligid ko. Super thanks to that major heartache because I am who I am right now.
 Cielo: Wow. Mukhang pati perspective mo sa buhay malaki na rin ang pagbabago, friend. I am really super happy for you.
 Friend: Thanks! Thanks! Ito ngang to-do list ko sobrang haba pa. Pero at least, isa-isa ko na silang nagagawa during my free time. As you know, lahat ng free time ko noon ay buhos sa isang tao. Pero hindi na ngayon! Haha.
Cielo: Balita ko may special someone ka na ngayon ah. Kumusta ang status? Bukas na bang muli ang puso para sa isang panibagong pag-ibig?
Friend: ......
 Cielo: Hoy, sumagot ka! Huwag kang pabebe diyan! Kumusta na kayo ni Ano?
Friend: Actually, naguguluhan pa ako ngayon eh. Insert sad and confuse face here.
Cielo: Oh, bakit? I-kwento na yan!
Friend: We've been talking already for months. He knows my story. Ganun din naman ako. Alam ko na halos ang kwento ng buhay niya. We like each other. Actually no. Kasi ang sabi niya lately, mahal na daw niya ako. Ang sabi ko sa kanya noon, let's take things slowly since I'm starting to find and rebuild myself now. Kaso hindi nagpaawat si Ano eh. Sa paglipas daw ng mga araw ay mas lalo niya akong minamahal. I don't know what to do or to say or to react towards him anymore. I have so many fears, worries and doubts inside my head.
Cielo: Ang tanong, friend. Gusto mo na ba siya? As in yung outside the friendzone ha. Nakikita or naiimagine mo ba siya as your future partner? Huwag mo akong titigan ng ganyan! Sagutin mo ako, gaga!
 Friend: Ang hyper mo noh? Eto na nga sasagot na. Oo gusto ko na siya, more than a friend. Minsan nga pakiramdam ko mahal ko na rin siya. Pero minsan naman feeling ko hindi pa. Ang labo ko noh? Parang tubig poso lang. But I so much care about him. Lagi ko siyang naiisip..From the moment I wake-up and before I go to sleep. Kaya lang kasi....
Cielo: Kaya lang ano?
Friend: Feeling ko, hindi pa talaga ako ready na pumasok sa isang relasyon ngayon. Yung pagmamahal na nararamdaman niya para sa akin, hindi ko pa kayang tumbasan o tapatan man lang iyon. Natatakot rin ako na isugal ulit ang puso ko. Kasi nga kabubuo ko pa lang nito eh. Tapos yung mga bagay na ginagawa ko ngayon para sa sarili ko, baka itapon ko na namang lahat ito. You know that I am such an ever dedicated and loyal partner. Natatakot na akong magkamali at maging tanga ulit nang dahil sa pag-ibig. Siguro kasi nandito ako sa part ng buhay ko ngayon na dependent sa sarili at naka-focus sa mga bagay na gusto ko talagang gawin as a single person. Iyong malaya mula sa kahit kanino. No curfews, no rules, no commitments, no responsibility with someone special.
Cielo: Pero papaano si Ano? Hindi ba parang pinapaasa mo siya sa wala?
Friend: Iyon nga rin ang iniisip ko. Minsan gusto ko nalang siyang patigilin sa ginagawa niyang panunuyo sa akin. He strongly believes too that I will get "there" soon. Ayoko talaga siyang paasahin pero kasi totoo naman na may nararamdaman na rin ako para sa kanya. But maybe hindi pa nga lang kasing-tindi ng nararamdaman niya para sa akin. Alam mo yung gusto ko kasi sana, whatever he feels for me will be the same thing I feel for him. Para fair ang buhay. But who says life is fair? It will always be unfair. Hays. Ang gulo. Haha. Nababaliw na ako.
 Cielo: Baliw ka nga at ang labo mong kausap. But I can see your point though. Parang ayaw mo siyang saktan at ayaw mo ring masaktan. Sometimes we have to take the risk para malaman natin ang mga sagot sa mga katanungan natin. Friend: Parang sasabog na ang puso ko. Buti nalang kinausap mo ko.
Cielo: Ramdam kasi kita.
 Friend: Hindi ko talaga alam. Pero sabi naman niya, willing daw siyang maghintay. I am worth the wait and the risk daw.
Cielo: Worth it ka naman talagang mahalin, Friend. You're a great and unique woman and you deserve to be loved truly. The question is, may hinihintay nga ba siya sa'yo? I mean, you know, kung may pag-asa ba na maging kayo in the future.
 Friend: Pwede ko bang sabihin sa kanya na pwede ko rin siyang i-reject in the future?
Cielo: Gaga! Dapat nung una pa lang, sinabi mo na yan. Hindi lahat ng manliligaw na pinaghihintay ng matagal ay Yes ang sagot.
Friend: Hindi ko kaya, friend. Ayokong makasakit ng feelings. I know how it felt to be rejected. Alam mo yan. Been there done that. Kaya nga iyong sakit na naranasan ko noon, ayokong maranasan din iyon ng ibang tao.
Cielo: Lahat ng tao nasasaktan, friend. Huwag kang feeling bayani diyan. Haaaaaaaay naku ka.
Friend: Minsan nga gusto ko nalang sabihin sa kanya na sukuan na niya ako, na iwan na niya ako tutal sanay naman na ako sa bagay na 'yon.
 Cielo: Huwag kang emo! Puro ka hugot. Give time to yourself. Malay natin, mahal mo talaga siya pero natatakot ka lang talaga at gaya nga ng sabi mo ay hindi ka pa talaga handa.
Friend: I hate myself.
 Cielo: And I hate you too. De, joke lang. Siguro, i-explain mo nalang muna yang nararamdaman mo sa kanya. Mahal ka nun, maiintindihan niya yang pinagdaraanan mo. If you will not love him back in the future, then let it be. After all, it is his choice to wait for you. Nasa kanya ang risk na masaktan at hindi mo yon kasalanan. He loved you voluntarily. Kung mapapagod naman siya kakahintay, karapatan din niya ang magpahinga or either tumigil na. Basta ikaw, tuloy ang buhay mo. Do all the things you wanted to do para wala ka na ulit regrets in the future.
 Friend: Nakakaiyak ang speech mo.
Cielo: Ganun talaga. Writer ako eh. Kailangan madama mo ang bawat salitang binibitiwan ko. Pero hindi rin, mas mahugot ka friend. Magkaibigan nga tayo.
 Friend: Hindi tayo magkaibigan. Ikaw ang aking konsensya 'di ba?
Cielo: Sabi ko nga. Oh, umalis ka na diyan sa harap ng salamin. Natatabunan mo ang ganda ko eh. Ganda ko lang! :p
Friend: Ewan ko sa'yo! Mag-update ka na ng mga manuscripts mo hindi yung puro pag-ba-blog ang inaatupag mo. Hindi mo 'to ikayayaman.
Cielo: Wow, Jaydee Vega, ikaw ba yan?
Friend: Hindi. Ako ang iyong konsensya, CieloAmethyst.
Cielo: Edi wow.

No comments:

Post a Comment