Salamat dahil ikaw ang pahinga ko...
Maaga pa lang ay simula na nang pakikibaka
Kasisilip pa lang ng araw,
pakiramdam ko pagod na ako kaagad.
Isang buong araw na naman ang bubunuin
Para lumaban sa mga hamon ng buhay.
Kailangang kumayod,
kailangang kumilos,
kailangang mag-isip,
kailangang makisalamuha sa ibang tao,
kailangang maging produktibo.
Kailangang maging abala at maglaan ng mahabang oras
para kumita, para mabuhay.
Sa pagsapit ng dilim, pagod na uuwi.
Kikilos pang muli para sa mga personal na pangangailangan.
Pero lahat ay napapawi.
Dahil nandyan ka, na aking pahinga.
Salamat, Mahal.
Sa magulo at maingay na labas,
heto tayo sa loob, payapa, magkayakap at
handa na ulit para bukas.
No comments:
Post a Comment