Wednesday, April 26, 2017

Nagmahal, nasaktan, nag-travel, susugal ulit.




Nagmahal, nasaktan, nag-travel, susugal ulit.

Lahat naman tayo ang gusto ay sumaya
Kaya nga ginagawa natin ang lahat para ito'y madama
Kaya naman 'pag nadapa ay muling babangon,
Kapag nalugmok ay muling aahon
Iiyak saglit, magwawala at maglulunod sa alak
Pero titiyakin na ang kasunod na nito ay galak
Pupunta pa sa malayong lugar upang makalimot
Para mabura sa alaala ang kahapong masalimuot.
Magbabakasakali na may makakasama at makikilalang bagong tao
Tao na magsisilbing liwanag at pag-asa sa ating puso,
Na siyang magpapatunay kung bakit dapat lang na iniwan tayo noon
At mas magmamahal sa atin nang mas wagas at mas totoo ngayon.
At ang mas higit na dahilan pa sa pag-ba-byahe nang malayo 
Ay ang pagkakaroon ng pag-asa na sana ay mahanap mo na ang sarili mo.
Kaya naman nating maging masaya kahit walang jowa
Tiwala lang talaga at darating din siya! 😉

At kapag dumating na ang tamang tao para sa atin
Ay buo na ulit tayo at handa nang sumugal muli at magmamahal rin
Kapit lang kay Lord dahil ibibigay Niya rin sa atin 'yon
'Ika nga nila ay 'sa tamang panahon'!

May lovelife man o wala,
Travel lang nang travel! 
Because we only lived once mga bes! :)

Place: Malalison Island, Culasi, Antique

No comments:

Post a Comment