Nasanay ako noon na nagpupuyat kapiling ang telepono na ang taong nasa kabilang linya ay tanging ikaw.
Kausap ka, kakwentuhan, katawanan, kadramahan, magmula gabi hanggang sa pagputok ng araw.
Minsan namamalayan ko nalang na ang telepono ay ginagawa ko ng unan,
Gigising sa umaga, puno ng puso ang paligid, taas, baba, kaliwa at kanan.
Mga simpleng mensahe mo pero lubos na nakakapagpasaya
Sa malamamon kong puso at naaaba ay labis-labis na ang tuwa
Ang sa tuwi-tuwina ay lagi ko nalang nadarama
Lutang sa alapaap, oo na, sige na, ako na talaga.
Sa bawat salita na mula sayo'y pumapakawala ay aamin na ngang talaga, heto na nga.
Ang buong ikaw ay tinanggap, nagustuhan at minahal ko na nga. Oo na nga, heto na at umaamin na!
Maaari ngang abala tayo pareho sa buong araw at maghapon.
Ngunit lagi namang nagmamadali na lumipas ang araw at sa trabaho'y makaahon.
Kakausapin ka pa kasi ng puso sa puso, isip sa isip at diwa sa diwa.
Ang hirap magmahal, nakakatakot ang sobrang tuwa, nakakakaba ang damdaming nag-uumapaw sa ligaya.
Ang tinig mo ang palaging kumukumpleto sa araw ko.
Makausap lang kita ay sobrang okay na okay na ako.
Lahat ay naibabahagi ko sa iyo, at ang mga pangyayari sa buhay -buhay natin.
Ay sabay nating tinatawanan, iniiyakan, kinakantahan, at kahit mapuyat, ang bukas ay hindi iisipin.
Pero kasi, sadya nga yatang walang forever sabi nga nila at sabi ko.
Lahat ng saya at koneksyon sa pagitan natin ay tuluyan nang nagbago at naglaho.
Wala na ang dating merong tayo, wala na ang 'tayo'.
Ganun talaga. Ang lahat ay sa ala-ala nalang maitatabi.
Maaari ngang maraming panghihinayang at pagsisisi
Pero wala na talaga eh, tatlong buwan na ang lumipas, iyon na ang huli.
Ang meron nalang ay ngayon at wala na ang dati, dati, dati.
CieloAmethyst
Aug.17,2016
No comments:
Post a Comment