Thursday, June 2, 2016

Pagmamahal sa Malayo

PAGMAMAHAL SA MALAYO
Isinulat ni: CieloAmethyst 
June 2, 2016

Kumusta ka na? 

Isang simpleng tanong na hindi ko alam kung hanggang saan ang kayang maabot. Makarating kaya ito sa’yo? And t kung sakali man na maabot ng iyong pandinig ang tanong na ito ay sagutin mo kaya?

Sa mga panahong ito ay patuloy na pinalalaya ang pusong minsang naniwala at nagtiwala sa’yo. Pilit kinakalimutan ang mga masasayang ala-ala noong kapiling ka pa. Sa bawat sandali na nakakausap ka ay sumasaya, pero alam natin pareho na lipas na ang lahat ng iyon. 

Bakit nga ba kinukumusta ka ngayon? Bakit nga ba ako nagsusulat ng ganito  habang nasa isipan ka? At bakit nasa isipan pa rin kita?

Ayokong isipin at paniwalain ang sarili ko na mayroon pa rin akong nadarama para sa’yo dahil ayoko na ulit masaktan sa tuwing maaalala ko ang ginawa mo bago naghiwalay ang mga landas natin. Ipinangako ko na sa sarili na hinding-hindi ka na aabalahin pa at pilit nang sasanayin na wala ka na ngang talaga sa buhay ko. 

Ngunit bakit nga ba madalas ka pa ring sumagi sa isipan? Mapait, matamis, masaya, masakit. Ito ang mga halo-halong emosyon na aking nadarama kapag naaalala ka. Pakshet, ‘di ba?

Ayokong isipin at tanggapin sa sarili ko na mahal pa rin kita. Dahil kung totoo man iyon ay pinipili kong patuloy ka na lamang mahalin mula sa malayo. Pasasaan ba at mawawala rin ito. Kailangan ko lamang tyagain ang damdamin at mas maging abala pa sa mga bagay-bagay na makapagpapalimot sa akin sa’yo. 

Hintay-hintay lang at darating din ang tamang panahon na pinakanananais ko.
Mawawala ka rin sa aking balintataw. 
Hindi na kita mamahalin pa. 
Hindi na kita maiisip. 
Hindi na kita aalalahanin. 
Hindi na kita kukumustahin. 

Dahil naniniwala ako na ang pag-ibig ng isang tao ay maglalaho rin at malilipat sa iba. Hindi tayo ang itinakda para sa isa’t isa. May tamang tao at hindi tayo ‘yon para sa ating tadhana.

Pero kumusta ka na nga ba? 
Sana ay masaya ka. 



No comments:

Post a Comment