Isinulat ni:CieloAmethyst Mar. 19, 2016
Paano na nga ba ulit ang magmahal? Nakalimutan ko na kasi. Paano na nga ba ulit ang magtiwala, mag-aruga at maniwala na mayroong wagas na pag-ibig? Hindi ko na maalala pati. Sa mahabang panahon ay nanatiling malamig at sarado Ang pusong labis na nasaktan ngunit natuto Tanging sakit at pait na lamang ang laging naiisip nito Takot at pangamba na masasaktan lamang kapag nagbukas ang pinto. Sino na nga ba ang may tunay na intensyon Na mahalin ka at kailanman ay hindi mang-iiwan? Mukhang lahat naman yata ay pare-pareho ng pakay Paniniwalain ka, paiibigin at sa huli ay sasaktan. Kaya naman palagi na lang sa pait at takot ang isip ay nakatuon. Mahirap ang makulong sa pait ng kahapon At ang magka-Amnesia sa paraan ng pagmamahal ngayon Pero sino nga ba ang dapat sisihin sa kinasadlakang ito? Ang sarili na labis napaniwala o ang taong may gawa nito? Ngunit ano pa ang silbi ng paninisi
kung mananatiling hungkag ang damdamin Maaaring nga bang uhaw na sa pagmamahal o manhid na Maihahalintulad ang sarili sa isang basag na salamin Idinarasal sa Maykapal na sana ay magwakas na At mabaliktad na ang ginagawang paglimot Maalala na nawa ng puso kung paano ang sumaya At ibaon na sa walang hanggang hukay ang pagkamuhi at takot
No comments:
Post a Comment