(Jayer and Sash)
“Kahit umabot pa ko ng senior citizen, hindi
man ikaw ang first boyfriend ko, ikaw pa rin ang first love ko. And first love
never dies, never in my heart…”
“Bangus,
salo!” pagtingala ng sampung taong batang babae ay binato naman ng batang
lalaki na nasa itaas ng puno ang isang
bungkos ng indian mangoes.
“Ay! Ang dagta!”
sigaw nito sa lalaki.
“Okay lang yan.”
“Thank you ha!”
“Anong thank
you. Pinasalo ko lang yan.”
Nadismaya ang
batang babae, “Sa’yo na yan! Hindi naman yan ang pinunta ko dito sa inyo eh!
Pahiram ng libro sa Hekasi. Bumaba ka na diyan.” May himig pa rin ng pagtatampo
sa tinig ng bata.
“Joke lang!
Sa’yo na lahat yan. Marami pa naman dito eh.” Pagkakuha nito ng isa pang
bungkos ng mangga ay bumaba na rin ito ng puno.
“Sandali lang
kukunin ko.”
Sa katapat na
bahay ay may nakatingin ding isang batang babae. Halatang nagseselos. Naka
abrisyete at masama ang tingin sa batang binigyan ng mangga. “Buti nga sa’yo!
Wala kang mangga!” sabi ng bata sa sarili at ngingiti ngiting kinuha ang libro
sa kamay ng lalaki.
-O-
“Huy Sash!
Iniimagine mo na naman si Jayer noh?” puna ni Joy sa pinsan na nakatitig sa
picture ng kababata.
“Ano ka ba ate!
First crush never dies.” Pagdadahilan ng dalaga.
“ Mukha nga.
Ayaw mong paligaw sa iba eh.”
“Ate naman. 3rd
year high school pa lang naman ako eh. Tsaka si Jayer ang gusto kong maging
first and last boyfriend.” Nangangarap na wika nito.
“Yun na nga eh.
Ikaw gusto mo siya, pero siya, hindi ka naman gusto.”
“Bata pa naman
kami eh.”
“Bahala ka. Baka
masaktan ka lang in the end.”
-O-
Parang gumunaw
ang mundo ni Sash ng mabalitaang may girlfriend na ang kababatang si Jayer.
Classmate daw ito ng huli sa TUP.
“Nakakainis
Nanz! May girlfriend na siya.” Himutok ni Sash sa best friend.
“Natural lang
yon, lalaki siya eh. May itsura pa. ”
tila balewalang sagot nito sa kausap.
“But I thought
first namin ang isa’t isa! Ang sakit Nanz, ang sakit!”
“Sino ba kasing
nagsabi sa’yo na umasa ka?”
“Puso ko.”
“Yun na nga eh.
Hindi natuturuan ang puso. Hindi ka niya gusto,sis. Kaya nga hindi ka niya
nililigawan eh.”
Tila nagising sa
mahabang pagkakatulog si Sash sa sinabi ng kaibigan. Maybe it was the truth.
Jayer didn’t like him at all. All these years, kapitbahay slash kakulitan slash
kalaro noon slash kababata slash tropa lang talaga ang turing sa kanya ni
Jayer.
How sad.
-O-
Minsang nag fe
facebook si Sash ng I message siya ni Jayer.
“Huy bangus!
Muzta na? Long tym ha!”
“Barnido! Buhay
ka pa pla?! Mtatanda na tayo bangus pa rin?”
“Ganun tlga.
Haha! Waz up?”
“Ok lang. Eto
namomroblema, na virusan pc ko.”
“Eh anu yang
gamit mo?”
“Tablet.”
“Soxal.”
“Soxal ka diyan.
Katas to ng sahod ko noh. Magtrabaho ka na din kc!”
“After this sem,
gagraduate plang ako eh.” Oo nga pala, Engineering ito.
“Congrats in
advanz.”
“Tsaka na yan pg
nkapasa na ko ng board.”
“K. Sabi mo eh.”
“Nga pla may
classmate ako gumgwa ng pc.”
“Tlaga? Tga San?
Papuntahin mo dito hauz.”
“Samahan mo ko
sunduin natin xa. Wala kasing cp un ngaun. Nasira.”
“Malayo ba?”
“Sa kabilang
village.”
“Ngayon na?”
“Uu.”
“k. Daan ka
dito.”
“Umaangkas ka
naman sa motor di ba?”
“Yupp.”
“Wait mo ko
diyan.”
Wala pang
sampung minuto ay nasa tapat na ng bahay nila Sash si Jayer dala ang motor
nito. Habang binabagtas nila ang daan papunta sa tirahan ng kaibigan ni Jayer
ay nagkamustahan ang magkaibigan.
“Saan ka na
nagtatrabaho?” si Jayer ang unang nagtanong.
“Diyan lang sa Makati . Marketing
officer.”
“Ah. Kala ko
manager ka na eh.”
“Matagal pa yon.
Dahan dahan lang. Ikaw, saan mo balak magwork?”
“Baka sa Smart.
Andun na si girlfriend eh.”
Ouch! Wika ni Sash sa sarili. “Talaga.
Goodluck.”
“Ikaw, bakit
wala ka pa ring boyfriend? Gayahin mo kasi si Ate Joy, friendly,tsaka nagpa
brace pa kaya gumanda lalo. Ayun, madami tuloy nanliligaw. Maputi kasi eh.”
Binatukan ni Sash
ang kaibigan. “Hoy! Tungak! Kahit hindi ako maputi, may nanliligaw pa rin naman
sa akin noh. Ayoko lang talaga magboyfriend.” Kasi ikaw ang gusto ko.
“Bakit naman? 22
na tayo. Hindi pa ba pwede kay Tita” tukoy nito sa ina ni Sash.
“Wala namang
problema sa kanya eh. Ayoko lang talaga.”
“Choosy ka
pala.”
“Medyo. Hindi pa
kasi ako nakikita ni Mr. Right eh. Busy pa siya sa iba,” sinundan niya ito ng
malakas na tawa.
“Ganun? May Mr.
Right ka pang nalalaman,” komento ng kaibigan sa sagot niya. “Andito na tayo,
tawagin ko lang,” bumaba na ng motor si Jayer at tinawag ang dating kaklase.
“Sige. Dito
nalang ako sa labas,” sagot niya sa kababata.
Paglabas uli ng
gate ni Jayer ay may kasama na itong isang lalaki na kaedaran rin nila. May
itsura at matangkad.
“Jace, siya si
Sash. Kababata ko. Siya yung magpapaayos ng pc. Bangus, si Jace.” Pakilala ni
Jayer sa mga kaibigan.
“Hi!” nginitian
ni Sash ang bagong kakilala.
“Hi din po!” nakipag
shake hands ito sa dalaga, “May gagawin po kasi ako ngayong computer. Baka bukas
nalang ng gabi ako pupunta sa inyo. Malapit ka lang naman kina Jayer, di ba?”
“Oo. Sige.
Jayer, samahan mo nalang siya pagpunta sa bahay bukas ha!”
“Ok,”
-0-
Nang sumunod na
gabi, bisita ni Sash sa kanilang tahanan ang dalawang binata.
“Sisingilin mo ba ako ng mahal, Jace?” nakangiting tanong
ni Sash sa binatang technician.
“Libre nalang,”
sagot naman nito.
“Wow, big time!”
natatawang komento ni Jayer.
“Seryoso ka? Ano
ka ba? Joke lang yun noh! Nakakahiya naman sa’yo, magbabayad ako,” Sash
insisted.
“Isang date
nalang,” paanyaya ni Jace sa dalaga.
“Di-date?
Seryoso ka ba?” maang na tanong niya rito.
“Pwede ba?”
“Te-teka lang..”
“Wala naman
sigurong magagalit?”
“Wala naman,”
“So, payag ka
na?”
“Sige na nga!”
masayang pahayag ni Sash. This would be her first time to go out on a date.
“Thank you,”
“Ehem.. Andito
pa kaya ako,” singit ni Jayer sa usapan ng dalawa.
“Bakit pre,
hindi ka ba payag?” tanong ni Jace dito.
“Sira! Bakit
naman ako hindi papayag? Hindi pa nagkakaboyfriend yang si Sash. Ingatan mo yan
pre ha! Lagot ka sa akin,” imporma naman niya rito.
“Oo naman,”
-0-
Nasundan pa ang
masayang paglabas nila Jace at Sash. Ang ipinagtataka lang ni Sash, simula ng
mag date sila ni Jace ay hindi na siya masyadong kinakausap ni Jayer. Kapag
nagkakasalubong naman sila, simpleng bati o tango lang ang binibitawan nito sa
kanya. Wala na yung dating kuwentuhan o konting asaran.
“Siguro, masyado
lang siyang busy sa girlfriend niya,” nasabi na lang ni Sash sa sarili but
somehow ay namimiss niya ito kasama o kakuwentuhan man lang.
Tanggap niya ng
hindi siguro talaga sila ni Jayer ang nakalaan para sa isa’t isa kaya’t nang
ligawan siya ni Jace ay sinagot na rin niya ito. Mabait rin naman ito at
masayang kasama. She gave her a chance to like other man. Tama ang mga kaibigan
niya, hindi lang si Jayer ang lalaki sa mundo na pwedeng magpasaya sa kanya.
Pero alam niyang sa puso niya, may espesyal itong puwang.
For the last
four years ay naging masaya ang pagsasama nila ni Jace but somewhere in her
heart, may kahungkagan siyang nararamdaman.
After passing sa
board, nag-abroad na si Jayer at doon na nagtrabaho bilang isang engineer. They
lost their communication. Kahit sa social networks ay hindi na rin sila
nagkukumustahan man lang.
He misses Jayer
so much but there’s nothing she can do but to go on with her life. With Jace.
-0-
One fine day,
while celebrating their 4th year anniversary, Jace broke up with
her. “
“Walang
patutunguhan itong relasyon natin Sash kung hindi mo ako kayang mahalin ng
buong buo,” Jace shed tears while saying these words.
“I’m sorry Jace,
I tried so hard para mahalin ka ng lubos,” naiiyak na rin niyang sabi. “It was
just…..” hindi na niya kayang ituloy ang sasabihin pa. Masyado na niyang
nasasaktan ang lalaking nagmahal sa kanya ng sobra. Hindi niya namamalayang
nararamdaman pala nito ang kakulangan sa pagmamahal niya.
“May ibang laman
ang puso mo,” si Jace na ang nagtapos ng sasabihin niya. Nahihiya siyang
tumango.
“I’m really
sorry, Jace.”
“I knew it. Si
Jayer pa rin ba?”
“Paano mong nalaman?”
“I just can feel
it.”
“Isa pa, four
years ago, ang sabi niya sa akin, ingatan daw kita at mahalin ng sobra dahil
mahalaga ka sa kanya. Hindi lang kababata ang turing niya sa’yo kundi higit pa
doon,” Jace confessed.
“Wh-what do you
mean? Wala kaming relasyon ni Jayer. We’re friends since we were young.
Hanggang dun lang yun. Never naging kami,” depensa ni Sash.
“I know. And I
also know that your feelings are mutual,”
“Hindi yan
totoo. He doesn’t like me. And besides, may girlfriend siya, yung classmate
niyo before.”
“He did it to
protect your friendship and to conceal what he really feels toward you,”
“Paanong
nangyari yon? Kahit kailan, wala siyang sinabi sa akin o pinaramdam man lang,”
shocked siya sa mga nalaman. All this time, hindi niya alam na mahal rin pala
siya ng kababata. Ang masaklap, si Jace pa ang nagsasabi sa kanya ng lahat ng
ito ngayon.
It doesn’t have
sense anymore. Magkalayo na sila ngayon.
“Hindi niya kasi
alam kung paano sasabihin sa’yo ang lahat,”
“Bakit mo
sinasabi mo lahat ng ito ngayon sa akin, Jace? Sobra na akong nagi-guilty para
sa’yo. It feels like matagal na kitang niloloko, pero hindi ko intensiyon yun.
I tried so hard para kalimutan ang feelings ko para sa kanya at ituon sa’yo.
But it was really hard,” umiiyak na siya.
“Sssh. I’m not
mad at you Sash. I just really love you that so I’m setting you free now. Hindi
niya masabi kaya ako nalang ang nagprisinta.”
“But, you don’t
have to. Wala na rin namang kuwenta lahat ng sinabi mo. It’s all in the past
now. There’s no chance for us anymore.”
“Don’t close
doors, Sash.” Niyakap siya ng binata, “someday, the right love will come for
both of us.”
-0-
Isang taon ang
matuling lumipas, after they broke-up. The good thing is, they remain as good
friends. Ang balita niya, ikakasal na ito sa dati nitong kaklase nung college. Hindi
na nga lang niya nakilala ang masuweteng babae na pakakasalan nito but she
knows, the girl would be very lucky to have Jace as her husband. Napakabuti
nitong tao.
-0-
Galing siya sa
bahay ng kaibigan nang mapadaan siya dito sa tapat ng inuupahang bahay nila
Jayer noon. Ilang taon na ba ang lumipas magmula ng masaya pa silang naglalaro
ng kababata sa ilalim ng punong manggang iyon? She can’t help but to smile
reminiscing her childhood days with him.
Bakante na ito
ngayon. May nakalagay pa ngang house and lot for sale na signage. Ang balita
niya, nabilhan na ni Jayer ng mas malaking bahay ang mga magulang nito sa
Rizal. Siguro mga two years ago na iyon.
“Kamusta na kaya
siya?” natanong ni Sash sa sarili, “Siguro, kasal na sila ng girlfriend niya.”
Nagulat siya ng
mula sa likod niya ay may nagsara ng kanyang mga mata. She could smell the
strong scent of a man, “Sino ka?” tanong niya rito.
“Bangus…” Her
heart beat rose. Para siyang tumakbo ng milya
milya sa bilis ng pagtibok non. She already knew it! Isang tao lang ang
tumatawag sa kanya non and he’s back.
Tinanggal niya
ang kamay nito mula sa mga mata niya. She turned around at hindi nga siya
nagkamali ng hula.
“Jay…”
“Hello.”
“Hello ka diyan!
Mukha mo!” may bahid ng pagtatampo niyang sabi dito.
“Galit?” tanong
nito sa kanya.
“Hindi! Tuwang
tuwa nga ako eh!” sarcastically she said.
“Sorry na..”
“Sorry mo mukha
mo! Pagkatapos mong hindi magparamdaman ng sampung taon, sorry lang?! Ayos ka
talaga ah!”
“Five years lang,
grabe ka naman.”
“Tse!”
“Hindi lang
naman ako pumunta dito para mag sorry, eh. Bibilhin ko na kasi yang bahay na
iyan. Para sa magiging asawa ko. Kaya lang hindi pa ako nakakapagpropose. Ang
sungit niya eh..”
“Pakelam ko?”
she’s hurt ng malamang magpapakasal na pala ito.
“May pakelam ka
kasi ikaw iyon,” he declared.
“Huh? Paanong
ako?”
“Ikaw ang mahal
ko,”
“Kelan pa?”
“Grade five pa
lang tayo, ikaw na ang gusto kong maging asawa. Hindi dahil sa mga tukso sa
atin non kundi dahil yun talaga ang nararamdaman ko,”
“Liar! Hindi mo
nga ako niligawan, kahit nga crush lang, wala kang sinabi sa akin noon. Tapos
nag girlfriend ka pa ng iba.”
“May mga
nangyari kasi pero handa naman akong i-explain lahat ng iyon later kapag
sinagot mo na ako.”
“Abnormal ka
talaga, Barnido! Grade five pa lang tayo, halos ipamukha na ng lahat ng tao
dito sa atin na mahal kita, nagbulag bulagan ka lang. Syempre OO ang isasagot
ko!”
Masaya siyang
niyakap ng binata.
“I love you,
Sash.”
“Matagal kong
hinintay na sabihin mo sa akin yan. But it’s worth the wait naman. I love you,
too Barnido.”
“Parang buong
angkan ko ang mahal mo ah!” pagbibiro ng binata.
“Sige na nga, to
be specific, I love you, too Jayer Barnido.”
Naging saksi na
naman ang punong manggang iyon sa masayang pag-iibigan ng dalawang nilalang na
ito.
Again, another
unforgettable moment will be added to their list on this place at marami pang
kasunod.
END
No comments:
Post a Comment