(Bochi and Xyna)
“All these years, para akong tangang
nagseselos sa lalaking ako rin pala! Hindi ko tuloy maipagtapat ang totoo kong
nararamdaman. Bahala na nga si Batman!”
“Shocks!
Nananaginip ba ako? Was it really a kiss? Talaga bang nag kiss kami ni Batman
este Bochi?” Ito ang tanong na kanina pa naglalaro sa isip ni Xyna.
Kanina pa siya
nakauwi buhat sa birthday party na pinanggalingan niya pero yon at yon pa din
ang eksenang rumerehistro sa isipan niya.
Two days ago…
“Xyna, sabay
tayong pumunta kina Randy ha. Sunduin kita senyo.” Nagkasalubong sila ni Bochi
sa school corridor at ito ang binungad sa kanya. As usual natulala na naman
siya. Sobrang crush niya kasi ito. Nursing ang kinukuha nitong kurso at siya
naman ay Civil Engineering. Nagkakilala sila, three years ago, sa Freshmen’s
night. Common friend nila si Randy, ang
president ng Org nila.
“O-okay.”
Nabubulol na naman siya. Mahina talaga ang loob niyang kausapin ito kapag
mag-isa siya. Pero pag kasama niya ang mga kaibigan niya, normal naman siya
magsalita, nakakabiruan niya pa nga ito. Pareho silang member ng red cross
volunteer sampu ng mga barkada niya.
“Seven pm ha.
Daanan kita sa inyo.” Nag paalam na ito dahil may hinahabol pa itong klase.
Pag-alis nito ay tsaka lang nakahinga ng maluwag si Xyna.
“Hay! Ano bang
nangyayari sa akin. Lagi nalang akong tumitiklop kapag dalawa lang kami. Ang
weird ko talaga.” Nasabi na lamang niya sa sarili.
-O-
Araw ng Sabado.
5:30 pm.
“Ano ba ate?”
inis na sita ni Xyra sa kapatid, “Ako nahihilo sa’yo eh. Relak ka lang. Relak.”
“Relak talaga?
Paano ako mag rerelax?” pabalik pabalik pa rin ito sa paglalakad. Titingin sa
salamin, iikot, titingin sa gate. “Si Batman ang susundo sa akin.” Tukoy nito
kay Bochi. Binigyan niya ito ng codename para kapag pinag-uusapan nila ito sa
Org, ay hindi nito mahalata na siya ang tinutukoy niya.
“Ano naman kung
si Batman? Masyado kang pa obvious te. Try mo kayang kumalma. Capital K.
Kalma.”
“Sana nga madali lang gawin
yan.”
“Edi, huwag ka
na pumunta. Para wala ka ng problema. Kakalma
ka pa.”pang-aasar ng kapatid.
Binatukan niya
ito at sinabunutan ng mahina, “Intrimitida ka!”
“Aray ha!
Kakarebond ko lang. Sumbong kita kay Mama diyan eh. Sabihin ko makikipagdate ka
lang.” hawak nito ang mahabang buhok.
“Subukan mo,
kukulutin ulit kita sa sabunot.”
“Ewan ko sa’yo.”
Kinuha nito ang suklay at sinuklay ang buhok. Lumabas na rin ito ng kuwarto.
“Ate, Andyan na pala yung Batman mo eh.” Sigaw nito sa kapatid na nasa kuwarto
pa rin.
“Hah?! Ang aga
naman niya!”
“Ay, hindi pala
Batman. Si Robin pala. Yung stalker mo ate. Hinahanap ka.”
Ayaw lumabas ni Xyna ng kuwarto para kitain
ang para sa kanya ay ex boyfriend ng si Robin. Matagal na siyang nakikipag
break rito pero ayaw nito tanggapin. Kesyo daw mahal na mahal siya nito, hindi
kayang mawala siya, etc.
Ayaw na niya
rito dahil napaka possessive nitong boyfriend at hindi naman niya talaga ito
mahal. Napilitan lang siyang sagutin ito one year ago dahil napaka kulit at
akala niya ay matutunan din niya itong mahalin, pero nagkamali siya.
“Ate, labasin mo
na!”
“Fine. Ito na
lalabas na.”
“Hi Xyna.
Kamusta ka na? Tagal na nating hindi nagkikita. Sinusundo kita sa school mo
pero hindi kita matyempuhan.” Sa totoo lang tinataguan niya talaga ito. Sa back
entrance siya ng University nila lumalabas para hindi siya nito makita.
“Okay lang.”
walang kabuhay buhay niyang sagot at hindi man lang tumitingin dito. Mas
pinagtuunan nito ng pansin ang sandals na bagong padala ng Mama niya galing Singapore .
“Xyna. Sana naman bigyan mo-”
naputol ang sasabihin nito ng may marinig silang kumakatok sa gate nila.
“Andiyan na pala
ang sundo ko. Pasensya ka na Robin, may lakad kasi ako eh. Una na ako sa’yo ha.
Xyra! Timplahan mo ng juice si Robin.” Sigaw nito sa kapatid at akmang aalis
na.
“Samahan na ki-”
“Bye Robin!”
tumatakbo na si Xyna palabas ng gate nila.
“Tara na Bat..este Bochi. May bad guy sa loob.” Hinila na
niya ito. Natatakot na baka sundan pa sila ni Robin.
“Iniwan mo yung
stalker mo?”
“Parang ganun na
nga.”
“Sayang. Kaya ko
nga inagahan kasi makikilaro pa sana
ako ng PS kay Xyra bago tayo pumunta kina Randy?”
Nagselos si Xyna
sa narinig, “Edi bumalik ka sa bahay. Mauna na ko kina Randy.”
Akmang uunahan
na niya ito sa paglalakad ng hawakan nito ang kamay niya. “Hep! Hep! Selos ka
naman kaagad. Eh wala naman kasing ibang pwedeng gawin sa inyo. Hindi ka naman
naglalaro tapos hindi mo pa ko masyadong kinikibo.” Pigil sa kanya ni Bochi.
“Eh wala naman
akong sasabihin eh. A-ano to?” tukoy nito sa magkaholding hands nilang mga
kamay.
“Pero pag kasama
natin sila Mae ang daldal mo. Ah ito? HHWW.”
“At bakit?”
“Nagseselos ka
eh.”
“Kapal ha! Hindi
noh.”
“Okay. Wala na
akong sinabi.”
Dumating sila sa
bahay nila Randy ng magkaholding hands pa rin. Kung alam lang ni Bochi kung
gaano kalakas ang tibok ng puso ni Xyna siguro ay mabibingi ito sa sobrang
kabog.
“Himala ang aga
ni Bochi! Uuuyy.. Ano yan?” panunudyo ni Mae sa kanila, ka org din nila ito,
“Don’t tell me, kayo na?”
“Uyyyy…” pang
aasar din ng iba pa nilang mga ka org sa kanila. Hindi maiwasan ni Xyna ang mag
blush.
“Hindi ah..”
bawi nito sa sariling mga kamay, “Baldado lang kasi si Bochi kaya inaalalayan
ko.” Birong sagot nito upang pagtakpan ang kaba at kilig.
“Baldado ka
diyan. Nagseselos kasi eh kaya binigyan ko ng assurance.”
“Uyyy… Confirmed!
Sila na nga. Haba ng hair mo teh!” Hinawakan pa ni Mae ang buhok ng kaibigan.
“Confirmed ka
diyan?!” at bumaling ito kay Bochi, “Ang kapal mo ha! Isasama mo pa ako sa mga
babae mo.” Medyo chickboy kasi ito. Palibhasa varsity at guwapo talaga kaya
maraming babae ang nagkakandarapa rito.
“Mamaya na yan.
Kain na muna kayo.” Yaya ng may kaarawan sa kanila.
Kasalukuyan
silang nag iinuman sa may veranda ng bahay nila Randy. Since marami itong mga
kakilala, maraming tao sa bahay nila. May kanya kanyang kumpulan base sa grupo
nito. Mga kaklase sa Marketing, mga pinsan,mga kaklase nung highschool, at sila
naman mga ka org nito sa Red Cross.
Kinuha ni Mark
ang isang baso ng light beer at tinungga, “Kayo ha! Hindi man lang kayo
nagpaparamdam na kayo na pala ni Bochi. Bigla nalang kayo magpapakita sa amin
na magkaholding hands.”sila na naman ang napag balingan ng grupo.
“Oo nga. Wala
man lang bang ligawan stage?” gatong ni Mae.
“Paano na si
Batman?” kinindatan pa ni Razel ang kaibigan.
“Sino ba kasi
yung batman na yun? Lagi niyo nalang siyang pinag-uusapan. Siguro naman hindi
yun yung stalker ni Xyna.” tanong ni Bochi sa mga kasama.
“Wala yun.” Iwas
ni Xyna, “Nasaan si Erica?” Sinubukan nitong ibahin ang usapan ngunit sa
pagkakakilala niya sa mga kaibigan hindi talaga siya makakaiwas.
“Segue way ka
pa! Papunta pa lang. Traffic daw.”natatawang turan ni Mae sa kaibigan, “Uy si
Bat- este Bochi, nagseselos.”
Pinandilatan ito
ng mata ni Xyna.
“Bakit naman ako
magseselos eh ang gwapo gwapo ko. Baka nga walang panama sakin yang Batman niyo
eh.”depensa ni Bochi.
“May bagyo!
Signal number 4. Uwi na tayo!,” pambabara ni Mark. Tawanan ang lahat.
“Hindi nga Xy,
sino ba kasi yun? Ang daya niyo naman, ako lang yata hindi nakakakilala kay
Batman eh.” Si Bochi ulit. Lagi kasi itong na OOP pag si Batman ni Xyna na ang
pinag-uusapan.
“Hindi mo na
siya kailangang kilalanin Boch, kasi kilalang kilala mo na siya. Sino bang
hindi nakakakilala sa sari-” nabitin ang sasabihin ni Mae ng bigla itong
hilahin ni Xyna.
“CR tayo Mae!”
Pagdating nila
sa CR ay sinabunutan niya ito. “Gaga ka talaga Mae! Muntik ka ng madulas! Hindi
naman niya kailangang malaman na siya si Batman eh! Nakakahiya kaya! Baka
isipin niya matagal na kong patay na patay sa kanya.” sermon nito sa kaibigan.
“Bakit hindi
ba?” bara nito.
“Kahit na!
Nakakahiya nga. Gaga ka talaga.”
“Bakit ka pa
mahihiya, eh kayo naman na.”
“Ano ka ba?!
Hindi kami!”
“Eh bakit kayo
magka holding hands kanina pagdating dito?”
“Hindi ko rin
alam Mae, bigla nalang niyang hinawakan yung kamay ko nung nagalit ako tapos
hindi na niya binitawan. Hindo ko alam kung paano ako magrereact.” Paliwanag
nito.
“Ah, so hindi pa
kayo?”
“Hindi nga.”
Paniniyak nito. “Huwag kang mag-alala,ikaw unang makakaalam, mangyari man yon.”
-O-
“Xyna, sabay na
tayo. Hatid na kita.” Yaya ni Bochi dito nang mapagpasyahan na ng grupong
umuwi.
“Uyyyyy…”
pang-aasar pa rin ng mga kaibigan nila.
“Hay nako. Tara na.” Pag-iwas ni Xyna sa pagbibiro ng mga kasama,
“Bye Guys. Kitakits sa Monday sa RC headquarters. May end month meeting tayo.”
“Derecho uwi ha!
Bochi, uwi ng maayos ha!” si Randy.
“Yes! Mr.
President!”sagot naman nito.
“Bye Batman!”
sigaw pa ni Lisa,girlfriend ni Randy.
“Bye!” si Xyna
ang sumagot. Mahirap na baka mabisto pa siya. Nagkatinginan nalang ang
magkasintahan.
-O-
“Puro nalang
batman. Sino ba kasi yon?” naglalakad na sila Bochi patungo sa kalye nila Xyna.
“Wa-wala yon.
Hindi mo naman si-siya kilala eh.” Eto na naman tayo, nauutal na naman siya.
“Nakakaselos
kaya.”
“Huh?”takang
tanong ni Xyna sa kasama. Tama ba ang pagkakarinig niya? Bakit ito magseselos?
“Kung hindi siya
ang pinag-uusapan niyo, yung stalker mo. Nakakarindi na.” Kung kanina ay
magkahawak kamay sila, nasa mga bulsa na ng pantalon ang mga kamay nito.
“Para kang, para kang sira Boch. Hindi mo naman kailangan
magselos eh…”
“Kasi wala akong
karapatan..”
“Ano ka ba?!
Hindi yon.”
“Eh ano nga?
Bakit ayaw niyong sabihin sa akin kung sino ba yung bwisit na batman na yon?”
“Bakit ka naga
nagagalit?”
“Nakakainis na
eh!” mataas na ang boses nito.
Hindi alam ni Xya
kung matatakot ba siya, matutuwa o matatawa sa reaksiyon ni Bochi. Pinili niya
ang huli.
“Anong
nakakatawa?”
“Ikaw.”
“Ako? Bakit
ako?”
“Lasing ka ba?”
“Lasing?Hindi
no.”
“Para ka kasing mauy kung umasta,” natatawa nitong sagot,
“Naalala ko sa’yo si Papa. Ganyan si Papa pag nalalasing eh. ”
“Hindi ako
lasing. In love lang.” At bigla nalang siya nitong hinalikan sa labi.Sa tapat
pa mismo ng gate nila Xyna.
“Sa-sa akin?”
“Sino bang
hinalikan ko?”
“Aako, ako.”
“Edi ikaw.
Sa’yo.”
“Pa-paanong
nangyari yun? Eh, hindi mo nga ako type o nililigawan man lang.”
“Dahil diyan sa
Batman mo? Rinding rindi na ko. Siya na lang palagi ang bukambibig mo. Ninyo
nila Mae.”
Natatawa na
naman si Xyna sa mga pinagtatapat ni Bochi. Wala pa rin itong kaalam- alam na
siya si Batman. “Ikaw,” tangi niyang nasabi dito.
“Anong ako?”
maang na tanong nito sa kanya.
“Ikaw si Batman.
Ikaw ang crush ko noon pa. Mahal na nga yata eh. Ayoko lang aminin sa sarili ko
kasi sa dami ng nagkakandarapa sa’yo malabong magustuhan mo rin ako.” Himala at
hindi na siya nauutal.
Bochi was shock
at the same time speechless. All this time, sarili niya ang pinagseselosan niya
at humahadlang sa kanya para manligaw ky Xyna. Ang tanga niya! Promise.
Nayakap na
lamang niya si Xyna at muling hinalikan.
“Does Batman
really love me?”
“Yes he does.
Sobra.”
Iyon ang mga
eksenang kanina pa bumabalik balik sa isipan ni Xyna. Since the first time they’ve met pareho lang
pala sila ng nararamdaman, pumagitna lang si Batman. At kahit mag-isa na lang
siya sa kuwarto, para siyang baliw na nangngiti mag-isa. Natigil ang pag na
‘night dreaming’ niya ng tumunog ang cellphone niya tanda na may nagtext.
‘Batman Ko’ ang
pangalan na rumehistro and when she opened the message,
Dito na ko house. Ma22log na ko. Nyt. Batman
luvs u so much, mtagal na. :)
“I Luv u 2 Batman,” reply niya dito.
Hindi niya alam kung makakatulog pa ba siya o forever nalang siyang mag na
‘night dreaming’.
WAKAS
No comments:
Post a Comment