First
Love, first heartbreak
Gracey and Devon were classmates.
Nasa ika-apat na silang taon sa highschool.
They started as best of friends, and then eventually niligawan siya ni
Devon at naging sila na nga later on.
First boyfriend niya si Devon kaya’t sobra niyang minahal ito. Tumaas pa
nga ang mga grades niya dahil sobrang na inspire siya sa pag-aaral. She was
always happy tuwing kasama ito, katext o ka chat man lang.
Just like any other couples, palagi
silang away at bati.
“Magka-away na naman kayo noh?”
tanong sa kanya ng bestfriend niyang si Joy.
“Oo. Si Devon kasi eh, hindi lang
ako nakareply kaagad kagabi, nagalit na. Hindi na niya ako pinapansin simula pa
kaninang pagpasok natin,” malungkot niyang kuwento sa kaibigan.
“Nag –sorry ka na ba?”
“Oo. Kanina pa. Pero parang wala
naman yata siyang balak makipag-ayos,”
“Hayaan mo nalang muna, baka galit
pa. Don’t worry, lilipas din iyon. Makikipagbati rin iyan,”
“Sana nga…”
Lumipas ang isang linggo ngunit
hindi pa rin siya pinapansin ni Devon. Ilang beses na niyang sinubukan kausapin
ito ngunit lagi pa rin itong umiiwas. Kahit pa na magkaklase sila ay hindi na
sila nagpapansinan.
Hanggang sa isang araw.
“Gracey, totoo bang break na kayo?”
tanong sa kanya ng isa niyang kaklase.
“Huh? Hindi ah! Magkaaway lang kami
pero hindi pa kami break. Sinong nagsabi sa’yo?” takang tanong nito sa kausap.
“Wala naman. Sabi kasi ni Renan,
nagkuwentuhan daw sila ni Devon kahapon at ang sabi nito, mahal pa din daw ni
Sherly,” tukoy nito sa ex girlfriend ni Devon.
“Pero last year pa sila nag-break
ah. At wala naman siyang sinasabi sa aking ganyan,” sagot ni Gracey na mukhang
maiiyak na.
“Sorry friend pero mas mabuti pa
kung huwag ka nalang umasa na magkaka-ayos pa kayo, baka masaktan ka lang lalo.
It’s better to expect the worse nalang.” Payo nito sa kaklase.
“Salamat Jen, pero kasi mahal na
mahal ko siya. Kahit pa na hindi kami nagpapansinan, palagi ko pa rin siyang
naiisip,”
“I know ,right?”
Sabay pa silang nagkatawanan
magkaibigan.
Lumipas ang dalawang buwan, hindi
pa rin sila nagkaka-ayos. Parang napakalayo ng distansiya nilang dalawa na kung
tutuusin ay isang dipa lang naman. Ang payo sa kanya ng mga kaibigan niya ay
siya na mismo ang makipaghiwalay para lang magkaroon ng formality o closure ang
relasyon nila. Pero she keep on insisting na mahal pa rin niya si Devon kaya’t
hindi siya susuko o mawawalan ng pag-asa. Someday, lalapit rin ito sa kanya at
makikipagbati.
But she was wrong. Until one day,
bigla nalang siyang nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan at kausapin ito.
“Dev, for the last time, pwede ba
tayong mag-usap?” tanong niya rito.
Lumabas siya ng classroom at
sumunod naman ito sa kanya. They talked on a fire exit.
“I give up. Ayoko na Dev. Sobra na
akong nasasaktan. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong umasa na magkaka-ayos pa
tayo o hindi na. Everyone in the class, assuming na break na tayo, pero hindi
ko alam kung tatanggapin at paniniwalaan ko nalang din iyon,” hindi na
napigilan ni Gracey ang pag-iyak.
“Sorry, Gracey. Pero kasi,
narealize ko na si Sherly pa din pala ang mahal ko,” sagot nito sa kanya.
“Bakit hindi mo sinabi kaagad?
Pinagmukha mo akong tanga!”
“Hindi ko kasi alam kung paano ko
sasabihin sa’yo. Sa paraang hindi ka masasaktan. Kaya pinalipas ko nalang.
Hoping na pati yung pagmamahal mo sa akin, lumipas na rin..” dagdag paliwanag
nito.
“You know that’s shit! Mahal na
mahal kita, Dev! Hindi basta basta mawawala iyon,”
“Sorry talaga Grace…”
“Sayang ang friendship natin. Sana
naging mag best friend nalang tayo..” lumakad na ito palayo mula sa lalaking
sobrang minahal. Bumalik siya ng classroom at tahimik na umiyak sa sariling
upuan.
She never thought that her first
love would end like this. Ang dami niyang inimagine na future nilang dalawa.
Sabay silang mag-ka college sa parehong school. She would take-up Management at
Fine Arts naman ang kay Devon. Pagkagraduate ng college, sabay na maghahanap ng
trabaho. Mag-iipon and eventually magpapakasal. She wanted Devon to be her
first and last love.
But now, she realized that her
first love doesn’t have to be her last love. She just moved-on and she just
woke-up from dreaming a fantasy life with Devon.
They were not meant to be. Her
first love, her first heartbreak.
No comments:
Post a Comment