Hi Cielo,
It’s me, Linda. You’re old
friend. Hehe! Baka kasi hindi mo na ako
matandaan.
Anyway, gusto ko lang ikuwento sa’yo ang
unforgettable heartbreak ko. Remember Johnny? My three-year boyfriend. I know, everybody expected as well as you na
kami ang magkakatuluyan. Nag-iipon na nga kami eh para sana sa magiging bahay namin. Kaya lang….
As you know, sinimulan niya akong
ligawan nung 4th year college na tayo. Sinagot ko naman siya two
months after our graduation. Kasalukuyan na akong may trabaho nun sa call
center which was already my job nung nag-aaral pa lang tayo. Siya naman,
nag-apply siya sa isang bangko sa Makati .
Natanggap naman siya and then later
on ay naging stable na ang trabaho niya.
Masaya ako sa kanya dahil
napakabuti niyang tao at talagang minahal ko siya ng sobra. Hindi ako nagsisisi
na hindi ako nagmadali kasi it’s really worth the wait talaga. Hindi ako
na-pressure na magkaroon kaagad ng boyfriend dahil alam ko na darating din sa
tamang panahon ang tamang lalaki para sa akin. And it was Johnny.
Sabi nga ng ibang friends ko
sobrang suwerte ko daw sa kanya kasi ang bait-bait ng boyfriend ko. Lagi siyang
nandiyan kapag kailangan ko siya.
Pero just like any other ordinary
couples, we had some misunderstandings over small things.
Oo, inaamin ko, hindi ako ganun ka
open sa kanya. Lahat ng sama ng loob ko, kinikimkim ko lang kaya pag may mga
hindi kami pagkakaintindihan hindi ito naayos bagkus ay kinakalimutan nalang.
“Linda, ano ba kasing problema?
Bakit ba bigla ka nalang hindi kumibo diyan? Kausapin mo naman ako oh.” Minsang
sabi niya sa a month after ng 3rd year anniversary namin.
Nanatili akong tahimik. Ayokong
sabihin sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit sumama ang loob ko. Gusto kong
siya mismo ang makatuklas nun. Hindi naman siguro siya manhid para hindi
malaman kung bakit ako nagalit sa kanya.
“Ayan na naman tayo eh!” Medyo
tumaas na ang boses niya. Pero hindi pa rin ako nagsalita. “Hindi na naman
maayos to. Magtetext ka nalang sa akin isang araw kung kumusta ako, kung kumain
na ba ako, kung nasaan ako. Wala na! Kalimutan na naman tong away na to na
hindi nareresolve. Alam mo, kung hindi ka magbabago diyan sa ugali mo, walang
patutunguhan tong relasyon na ‘to! Diyan ka na!” Tumulo ang mga luha ko pagkaalis na pagkaalis
niya.
Hindi naman niya ako sinusukuan.
Lagi siyang nagpapakumbaba para sa akin, para sa aming dalawa. Akala ko sanay
na siya sa akin na ganito talaga ako pero hindi pa rin pala.
Lumipas ang dalawang linggo na
hindi kami nag-usap. Sinubukan kong tawagan siya o itext pero hindi niya
sinasagot.
Sobra na akong nag-aalala na baka
sumuko na siya.
One time kinausap ako ng mga
kaibigan namin.
“Girl, alam mo bang madalas magsama
sa amin ng loob si Johnny.” Kwento sa akin ni Jean. “Lagi siyang umiiyak. Ang
dami niyo palang naging away na hindi naaayos.”
“Oh, talaga?” Tangi kong sagot.
Hindi ko alam na sa kanila pala naglabas ng sama ng loob si Johnny.
“Oo kaya!” Sabat naman ni Jun.
“Dapat kung anuman yang mga problema niyo, hindi niyo pinapalipas kundi
pinag-uusapan.”
“Tama. Tsaka dapat hindi mo laging
pinapagana ang pride mo. Mabait si Johnny pero napupuno rin yun.” Sermon pa sa
akin ng bestfriend ko na si Lira.
Marami pa silang ipinayo sa akin.
Pero I never listened. Para sa akin, kung talagang mahal niya ako dapat ay
tanggap niya kung sino talaga ako at kung ano ang ugali ko.
Unluckily, he already gave up. Ubos
na daw ang pasensiya niya.
“Sana sa magiging kasunod mong
karelasyon, maging mas open ka na sa mga nararamdaman mo. Tandaan mo sobrang
importante ng komunikasyon sa lahat ng relasyon. Ingat ka parati at salamat sa
lahat.” Yun na ang naging huli niyang text sa akin.
Sobra akong nasaktan pero alam ko
naman na kasalanan ko ito eh. Sorry Johnny pero hindi kasi talaga akong open na
tao.
-Wakas-
No comments:
Post a Comment